Kabanata 29
"AW," napangiwi siya nang tumaob na naman ang banana boat na sinasakyan nila Juan, Simon, at James.
Mga apat na beses na yatang tumaob. This time mas malapit na sa shore. Tawang-tawa siya pagkatapos nang mag-try sumampa si James e tinulak ito ni Simon. Iginanti naman ni Juan si James at itinulak si Simon.
"Juaaan!" sigaw pa ni Simon. Nahuli naman ito ni James kaya hinila ito palayo sa banana boat gamit ng suot nitong lifevest. "Langyaaaa!"
"Hahaha!"
"Lunurin n'yo 'yan para magising sa katotohanan!" sigaw rin ni Maha.
"Hoy, Akuma! Shut up!"
"Bleeeh! Oppa Juan, one point! Simon the loser, zero!"
"Youuu - Haymeeeee!"
Nilunod na talaga ni James si Simon.
Si Maha sakay ng jetski na siyang humihila sa banana boat na sakto lang talaga sa lima. Nakatali sa mukha ang suot na salakot habang nag-vi-video sa tatlo. She has still her sungglasses on. Simpleng one piece bikini ang suot nito na sinuotan nito ng denim shorts. Mas malakas ang loob nito dahil may lifevest kahit 'di masyado marunong lumangoy.
Pagbaling niya sa kaliwa niya ay patapos na si Balti sa ginagawang sand castle. Medyo malayo ito sa kanya. Nakikipaglaro roon sa batang lalaki at babae na magkapatid yata. Ang laki ng ngiti habang inaalis ang baso-baso para mapatayo ang isang tore.
"Yes!" anito saka nakapag apir sa dalawang bata. "O, dalawang tore na 'yan ah."
"More! More! More!"
"Naku!" Balti chuckled. "Kayo naman. Paano kayo matututo kung 'di n'yo susubukan? Halika, turuan ko kayo. Ganito lang." Hayan, nagturo na nga si Sir Balti paano gumawa ng sand castle sa dalawa. "Ingat lang sa pag-alis ng baso." Inalalayan nito ang kamay ng batang babae. The other kid was observing them. "Very good, gentle, almost there."
'Yong pareho kayong 'di marunong lumangoy pero naisipan n'yong mag-beach? Hanggang mababaw lang tuloy silang dalawa ni Balti kanina. Kung sana malakas loob nila kagaya ni Maharlika. Kinunan niya ng stolen pictures si Balti. Iba talaga ngiti ng 'sang 'to kapag kasama ang mga bata.
He would really make a good father.
Nakagat niya ang ibabang labi.
Biglang naging mukha ng mga anak nila ang dalawang batang kalaro nito. Kung paano nangyari 'yon? Naggagala na naman imagination niya. Hay naku, Niña!
"Anong iniisip mo, ha?"
She was snapped out from her own fantasy nang maupo sa tabi niya si Balti. Wait! Kanina pa ba siyang nakatulala sa kawalan?
"H - Ha?"
"Ha?" he chuckled. "Ham, Ma'am?"
Natawa siya. "Loko!"
"You were looking at me earlier then you were suddenly lost in your thoughts. I got curious. This will live in my head rent-free kapag 'di ko malalaman ang sagot."
"Alam mo napaka-chismoso mo talaga," tawa pa niya ulit dito.
He smirked. "I know."
"Manghihina ka yata kapag 'di nakasagap ng balita."
Humagalpak ito ng tawa. "Don't change the topic, Ninin. C'mon, spill it out."
She paused for a little while and smiled at him. His eyes were full of anticipation similar to the curious eyes of a little child - full of wonders and excitement.
"Naisip ko lang bigla -"
"Ang ano?"
"That you would be a great father to your future kids."
"Your as a possessive adjective or our?"
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Alam mo -"
Natawa ulit ito. "So sa isip mo, saan sila nagmana? Sa'kin o sa'yo?"
"Sa'yo," she chuckled.
"Gusto mo maging kamukha ko mga anak natin? Hindi ba 'yon nakakaumay?"
"Well, okay sana kung hati tayo but I wouldn't mind if they all look like you. I think they'll be as adorable as you. Pero huwag sana nila masyadong mamana ang ugali mo."
"Anong masama sa ugali ko?"
"Wala naman pero medyo masyado kang mabagal mag-decide when your emotions are involved. It's not a bad thing, ha? Pero malala ang sa'yo. Inaabot tayo ng ilang dekada bago ka maging firm sa desisyon mo."
Tawang-tawa ulit ito. "That's why I hate multiple choice. Feeling ko lahat ng choices tama."
"You're always curious about most things around you. You like to experience it personally and know if your assumptions are right. You always crave knowledge and you never have a shortage supply to learn more. For me, I admire that, kasi 'yong mga natutunan mo e sini-share mo sa ibang tao. Never did I hear you boast your achievements. Nagugulat na lang din ako sa'yo. Kung tutuusin pwede mo nang palitan si Tita Bea o 'di kaya e maging professor sa isang very well known university with all your credentials but you didn't and I know why."
He smiled. "Why?"
"Because you've always wanted a simple life. A life that you can be yourself. A life where people couldn't demand anything from you. Ganoon ang buhay na gusto mo. Simple kahit na kaya mo namang maging that somebody that everyone can look up to. You think of fame as a want but not a necessity. I'm not saying that there is something wrong with people who wanted to be known for something they're good at. It's just that, we all have different definitions of stability."
"Kilalang-kilala mo ako, ah."
"Of course, kahit na siguro pumikit ako, makilala pa rin kita."
"Me too."
"Hmm?"
"I think I have enough knowledge of you. What I mean of enough is, a right amount of love to a lifetime of knowing the rest of you." Napatitig siya rito. The words dwell in her mind but she wasn't able to comprehend them. Muli itong ngumiti. "We always think that we know a person based on what we observe and see; thinking that those were enough to picture ourselves to spend the rest of our lives with them... which I think a very critical phase."
"Why?"
"We change, we adapt, we learn, and we grow. Along with those changes, we developed new personalities. Might be good or might be bad. It depends. I'm assuming that we will never have the chance to know everything in this lifetime. We aged as years goes by but we never stop growing. It's either we become a good tree or a bad old tree at the end."
"And enough love?"
"It's an unconditional love to know the person you're spending your whole life with."
"I think I get it."
He smiled again.
"It's a key factor to understand your loved ones despite their shortcomings. Hindi ko sinasabing magpaka-martyr ka sa isang bagay dahil mahal mo sila. Half of that enough love is enough kindness for yourself. Learn to walk away if things no longer allow you to appreciate yourself."
Ibinaling nito ang tingin sa dagat.
Napangiti siya.
For the hundredth time, she found herself falling in love with him even more. His words always reached her heart. His understanding of life always amazes her. Mas madalas lang talaga na may schedule ang kalokohan sa buhay ni Bartholomew kaysa ang magseryoso. But he always meant well when he's serious.
"Alam mo, mahal," basag niya. Bumaling ito sa kanya. Namimilog ang mga mata. It was the first time she called him, mahal. And would probably her favorite name of him. "Sa kakasama mo kay Tor. Kapag seryoso ka. You sound and speak alike." Tumawa siya pagkatapos.
"Buong Thesaurus ang laman ng utak nun," tawa pa nito.
"Bakit ang tatalino n'yo?"
"Noong nagpaulan ng katalinohan ang Dios. Swimming pool ang ginawa namin ni Tor na imbakan."
Tawang-tawa siya. "Grabe, kahit wala pang talino, alam n'yo na agad gagawin."
"But I like you to repeat what you called me earlier."
"Balti?"
"No, the sweeter one."
She chuckled, "Sweet Balti."
"Niña Rosella -"
"Mahal..."
Sumilip ang isang pilyong ngiti sa mukha nito. "I'm hungry." Napasinghap na lang siya nang bigla siya nitong hilahin patayo mula sa buhanginan.
"Saan na nam -" nahila na siya nito palayo.
PAGBUKAS na pagbukas ng pinto ng kwarto nila ni Maha ay isinirado agad ni Balti ang pinto. Isinandal siya nito sa likod ng pinto - claimed her lips in a searing and hungry kiss. Hindi na siya nakapagprotesta sa halik nito. She immediately closed her eyes and kissed him back. Narinig na lamang niya ang pag-lock nito sa pinto.
Warning flags, Niña!
Pero paano pa siya makakapag-isip nang maayos when at the moment Balti was kissing her like no tomorrow. Mainit na mainit ang palitan ng halik. Their clothes had gone dried from spending too much time sitting on the sand but they were quite a mess. Napapagpag ang buhangin na dumikit sa suot at balat nila sa sahig.
Napaungol siya nang pailaliman nito ang halik.
He lifts her feet to the ground and carried her without tearing the kiss. She felt him smile on her lips as he walked around the room.
Nang kumalas ito ay naimulat niya ang mga mata. Pareho silang napangiti sa isa't isa - habol ang hininga. He gave her a quick kiss on the lips.
"So which side is your bed?"
Kagat ang labing itinuro niya ang kama malapit sa sliding door. "Here - ooh!" singhap niya nang itapon siya ni Balti sa kama. Naitukod niya ang mga siko sa kama para sana bumungon but Balti was already on top of her. She could literally feel her cheeks blushed. Her heart was beating fast - nervous? She doesn't think so. It seemed like the opposite of it.
Naipikit niya ang mga mata nang hawakan nito ang panga niya at siilin siya muli ng halik sa mga labi. Tuluyan nang nawala ang lakas niyang bumangon. Lumubog siyang tuluyan sa kama at halos iyakap ang mga braso sa leeg nito. He held closer. She moaned as he deepened the kiss - intensifying the kiss - exploring and tasting each other's mouth. She felt breathless but Balti seemed like he hasn't over with his thirst.
She felt her hands traced the lines of her collarbones. Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Napahawak siya sa mga balikat nito. It felt too firm and hard in her bare hands. He pressed himself to her even more. He did it gently - for her not to feel his whole weight. He was still big on top of her. Hindi niya kakayanin ang bigat nito kung sakali. Napasinghap siya nang bahagya nitong kagatin ang sa bandang likod ng tenga niya. She felt him smile after on her skin.
Gamit ng isang kamay ay hinubad nito ang suot niyang manipis na beach cardigan - exposing the remaining skin that her white spaghetti strap top wasn't able to conceal. Umangat ang mukha nito. Ramdam niya ang bahagyang pag-awang ng mga labi nang maghinang ang kanilang mga mata. Nalulunod siya sa mga mata nito - she feels in trance with those hot and wild emotions that water pooled in his eyes.
"Balti -" anas niya sabay haplos ng pisngi nito.
Muli nitong inangkin ang mga labi niya na kusa rin niyang pinaangkin dito. They kissed each other with wanton... touched each other... shared the warmth skin to skin. Her head is spinning as soon as he felt his palm underneath her top. One of his hands sensually caressing her legs up to her thighs. Maikli lang ang suot niyang itim na swimming short.
His touches create a tingling sensation that sends signals to her body to heat up.
The kind of heat that she was willing to burn deep inside her.
God, she was losing her mind with this endless kissing and teasing. She badly wanted to take off his sleeveless undershirt.
Huminto ito.
Nagtaka siya.
But he was smiling. Napangsinghap na lang siya nang magawa nitong pagbaliktarin ang puwesto nila. He was able to pull himself up along with her para maisandal nito ang likod sa headboard ng kama.
Now, she was literally straddling on his lap.
Umangat ang isang kamay nito sa bandang tenga niya - tucked a strand of hair at the back of her ear. He used the same hand that patiently rested on her nape for a split second before he decided to pulled her face again and claimed her lips.
They both let out a soft moan as they kissed each other again.
God knows when will they stop eating each other - I mean kissing each other!
Not that she was complaining.
MGA bandang alas singko ay naghanap na sila ng makakain. May nahanap naman silang food market. It was cheaper than the price in the resort. 'Yong may pera naman mga kasama mo pero naghanap ng mura. Same goals! Ayaw niya rin gumastos nang malaki kahit na nag-insist na si Iesus na ito magbabayad sa dinner nila.
Naupo sila sa iisang mesa.
Tamang-tama, gustong - gusto niya ang nasa menu. Madaming varieties. May barbeque, grilled fish, buttered scallops, bucket shrimps, at dessert pa. Actually isa lang 'yan sa mga nasa menu. Madami pa talaga.
Nakapag-order na rin naman sila. Hinihintay na lang nila ang mga pagkain. Nauna pa nga ang bottled beers na in-order nila Simon. Iesus was already consuming his bottle. Nakangiti ito habang aliw na aliw sa asaran at sakitan nila Maha at Simon.
Halatang-halata kina Maha, Simon, Juan, at James na nag-enjoy talaga sa dagat. Namumula ang mga balat e.
"Ser, saan kayo kanina?" tanong ni Simon. "Nawala kayo ah."
"Umuwi ng Cebu tapos bumalik lang din agad," nakangising sagot ni Balti.
Tawang-tawa si Juan.
"Ser, kailan ka ba naming makakausap nang maayos?" ni Simon.
"Huwag ka na umasa," ni Iesus.
Mabuti na lang at hindi gaanong maliwanag sa area nila. Tama lang ang dimness at liwanag para 'di mapansin ang pamumula ng mga pisngi niya. God, hindi niya alam kung anong oras silang nagkulong sa kwarto. One hour din yata bago sila lumabas at naligo sa dagat.
Nothing happened.
They just kiss and kiss and kiss and kiss.
"Tabi tayo, Juan -" akmang lilipat ng upuan si Maha na kasalukuyang nasa kaliwa ni Simon nang tumayo ito para paupuin ulit si Maha. "Yaa!" Si Juan ang nasa kanan nito across sa upuan nila. James was sitting next to Juan. Magkakatabi naman sila ni Balti at Iesus.
"Diyan ka lang Akuma."
Juan chuckled sabay kain ng naunang order nitong kropek.
Busy pa si James sa cell phone nito.
May karaoke machine ang kainan na napili nila. Walang kumakanta pero 'yon ang naging background music ng mga kumakain doon. Kakadilim pa lang din ng paligid. Mukhang mamaya e dadami na ang mga tao. Mabuti na lang inagahan nila.
"Sino tini-text mo, James?" asked Iesus.
"Si Mama, nangungumusta. I'm sending her photos." Ngumiti ito. "Naiinggit. Sasama sana siya kaso hindi niya maiwanan si Au."
"Wala nang tulog ang mag-asawa," dagdag ni Simon. "Mas mahimbing pa yata tulog ko ngayon." Tumawa ito. "Effective 'yong panonood ko noong video ng lettuce hot water therapy. Nakakaantok daw e."
"Inantok ka?" ni Juan.
"Oo, inantok ako kakanood."
Tawang-tawa silang pito sa mesa.
"Is it true?" ni James. "I haven't tried that. I have trouble sleeping these days."
"There's actually a study of it way back in 2017 in Korea," dagdag ni Juan. "Although not in humans but with mice. Plants produce phytonutrients. These nutrients keep the plants healthy, shield insects and too much heat from the sun. In short, nature's natural defense. As you all know, madaming klase ng lettuce, but the Romaine lettuce, one of the varieties of lettuce leaf family, contains a phytonutrient, called lactucarium which is said to induce sleep and relieve pain."
Halos lahat sila natahimik at nakinig kay Juan. It's actually the first time she heard Juan speak scientifically.
"It did work in mice. They fell asleep faster and longer than the controlled variable. But this was thoroughly done with the proper extraction of the component ingredients so it is still arguable if putting plain lettuce in boiled water could have the same effect. Again, this was done with mice and not with humans.
"Some doctors would say that it's a placebo effect. People who greatly believe in such a notion will really feel drowsy after drinking the lettuce water. It's a psychological factor that sways the mind to think that it works even if it doesn't."
"Is it safe?" asked Iesus.
"Yes, it's harmless. Although I would recommend that you choose a Romaine lettuce rather than a plain one. Just rinse it thoroughly with clean water. But the best way to consume its nutrients is by eating it rather than drinking the water."
Kumuha ulit ito ng kropek.
Siya naman hangang-hanga. Kung i-explain ni Juan parang simple topic lang 'yon para rito.
"Woah! Minsan nakakalimutan ko talagang doctor ka rin Juan," ni Simon. Tinapik nito ang balikat nito. Juan smiled smugly. "Madalas kasi puro pagkain na lang lumalabas sa bibig mo."
Natawa ulit sila.
"Pagkain din naman ang lettuce."
"Kami din, Engr," singit ni Balti. "Nakakalimutan naming engineer ka pala kapag nakikita namin ang gate ng lupain mong walang bahay." Ang lakas ng tawa ni Balti nang batuhin ito ng kropek ni Simon. "May pag-asa pa bang magkabahay ka?"
Pero 'yong tawa ni Juan talaga sobra.
"Ano bang problema mo Ryuu Juan Song?" inis nang baling ni Simon kay Juan. "Kanina ka pa ah!"
"Ikaw, anong problema mo?" balik tanong ni Juan dito.
"Wala akong problema."
"Ikwento mo sa mga star fish," tudyo pang dagdag ni Maha.
"Did I missed something?" ni Iesus. "Simon?"
"Wala! Wala, my lord. Ini-issue lang nila ako."
"Remember, Louise Veronica, Sus?" panggagatong pa ni Balti. Isa pa 'to e! "Nandito rin pala."
"Same resort?"
Balti nodded. "Yup, kasama boyfriend niya."
"At anong koneksyon nun kay Simon?"
"Wala, ini-issue lang namin."
Tawang-tawa sila Juan at Balti. Si James napa-iling lang pero nagpipigil ng ngiti. Dinaan sa pag-inom ng bottled beer nito. Si Maha 'yong mapang-asar ang ngiti kay Simon.
"Ang dry kasi ng response niya roon sa congrats dahil anniversary nga nila LV at ng boyfriend niya," dagdag ni Maha. "Ramdam na ramdam ko pighati. Sabi ko e, agawin niya."
"Wala nga akong gusto," kaila pa ni Simon. "Nagulat lang ako. Akala ko kasi wala siyang boyfriend."
"O, bakit nagulat ka? Maganda naman si LV. Siya 'yong klase ng babae na hindi mawawalan ng boyfriend," sagot pa rin ni Maha. "Sana all, 'di ba?"
"So ikaw naman 'yong klase ng babae na walang boyfriend lagi?" ni Juan.
"Oppaa!"
Tawang-tawa silang lahat.
Gage 'to si Juan!
"Burn, Maha! Burn!"
"Maha n'yo pagod na!"
"Ano baaaa? Hindi ako ang topic dito. Si Simon! Bakit ako na bi-bully n'yo?"
Isa-isa namang nilapag ang mga order nilang pagkain habang nag-aasaran pa sila. Naaliw siya sa tawa at ngiti ni Iesus. 'Yong expression ng mukha niya e parang nanood lang siya ng Gag Show sa TV. Mas lalo siyang bumata kapag masaya.
"Ang tawag diyan, karma!" Inipit ni Simon ang leeg ni Maha sa braso nito saka kinutusan sa ulo. "Kulit mo! Ginigigil mo ako lagi." Habang tawa nang tawa.
"Yaaa!" Pinalo nito ang braso ni Simon para bitiwan siya nito. "Malasin ka sana lalo sa love life mo. Umiyak ka sana nang madaming dugo. Kung 'di ako magkaka-love-life. Sana kayo rin!"
"Hahaha!"
Binitiwan na ito ni Simon.
Hindi naman nakakainis ang pambu-bully ni Simon kay Maha. Inayos pa nga nito ang nagulong bangs nito pagkatapos.
"Ano bang meron sa mga babae at gusto n'yong mag-bangs?" asked Simon.
"Magkaka-jowa kami!"
"Nagka-jowa ka?"
Hagalpak na naman ng tawa silang lahat. Hindi pa sila nakakain pero mabubusog na yata sila sa kakatawa. Puro na hangin laman ng tiyan niya.
"Wala! Okay na? Masaya ka na, Takeuchi?"
Bumaling si Simon kay Juan. "Juan, wala ba talagang pag-asa 'tong si Maharlika sa'yo?"
"Kapag pumuti ang uwak."
"Oppaaa!"
"Insert burn shinning shimmering sparkles emoji ni Iesus," ni Balti.
"Gago!" ni Iesus, pero tawa naman nang tawa.
Hindi niya gets pero natawa pa rin siya. Mayamaya ay bumulong sa kanya si Balti.
"Dapat kasi burn emoji i-se-send niya sa group chat naming kaso tatlong shinning shimmering sparkles ang na send niya."
"Bartholomew, I can hear you."
"Ganoon talaga kapag tumatanda -" Tawang - tawa si Balti kahit na siniko na ito ni Iesus sa likod. "Langya, my lord. Cross ba 'yong tinusok mo sa likod ko?" He sat up straight and stretched his back a bit.
"Stick ng bbq," sakay pang biro ni Iesus.
Ayoko na! Ang sakit na ng panga niya kakatawa. Sila lang yata pinakamaingay na mesa roon. None of them cared. Tuloy pa rin ang kulitan kahit na kumakain na sila.
"James, okay lang talaga magsalita," puna ni Iesus dito, suppressing his smile, "huwag puro tawa. Mag-ambag ka rin ng salita."
"A, B, C, D, E -" biro pang sagot ni James.
Hayan na naman 'yang malakas na tawa ni Juan. 'Yong makulit na tawa na may hampas na kasama. Ang hilig din nito gumawa ng beat sa mesa gamit ng kamay. Pero tawang - tawa rin talaga siya sa sagot ni James. Hindi niya in-expect.
"Walangya, Hayme!" ni Simon.
"Alphabet 'yon?" ni Balti.
"Seryoso? Wala bang matino sa inyo?" reklamo ni Iesus, tatawa-tawa habang kumakain ng bbq. "Palihim ka rin, Hayme."
"Pantay-pantay mga kalokohan natin dito."
Tawang-tawa ulit sila.
"My lord, sino binisita mo kanina?"
"Yong mga isda," pigil ang tawang sagot ni Iesus.
"Isa ka rin e!"
"Na miss ka?" ni Juan.
"Sobra."
"May joke ako! May joke ako!" ni Simon.
"Wala! Wala!" Binusalan ng kamay ni Juan ang bibig ni Simon. "Manahimik ka na lang, please." Pero makulit si Simon. Naalis pa rin ang kamay ni Juan.
"Ano?" inosenteng tanong ni James.
Actually, nagtataka rin siya. Pangit ba mga jokes ni Simon?
"Anong mura ang laging sinasabi ng mga isda?"
Sabay-sabay na ininom nila Balti ang mga sariling bote ng beer. Iniwas naman ni Maha ang tingin at kinagatan ang hawak na ngohiong.
"Ano?" sabay nila ni James.
Ngumisi si Simon. "Fishtea!" Tawang-tawa ito pagkatapos.
Buong pinasok ni Juan sa bibig ni Simon ang squid ball. "Ginawa ka ng Dios para kumain at hindi para mag-joke." Tawang-tawang nginuya ni Simon ang pagkain. "Tandaan mo 'yan, Takeuchi."
Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Halos pareho sila ng reaksyon ni James. Nag-loading sila. Huwag sana silang abutin ni James ng ilang taon sa pag-digest ng joke ni Simon.
Wala bang mag-e-explain?
Sure na talaga?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro