Kabanata 28
"ALL is set?" baling sa kanila ni Balti.
Madilim pa sa paligid. It's still 4:50 am. Inagahan na nila ang pag-alis para maaga rin silang makarating sa Hagnaya port papuntang Bantayan Island. Kung mabalis mag-drive si Balti ay around 7 am makakarating na sila sa port.
"I wish I could go," malungkot na ngiti ni Sep sabay tawa. "Iesus will enjoy on my behalf." Nagulat talaga sila ni Balti nang ipaalam sa kanila ni Iesus na sasama ito sa kanila.
Balti chuckled, "Bored na bored na my lord?"
"May dadalawin lang ako roon."
"Mga ninuno mo - aw!" Hayan, nabatukan tuloy ni Iesus. Aga-aga, nagkukulit na naman. "Nga pala, ano bang nangyari kay Andrew?"
"May sakit," sagot ni Sep.
"Dinadapuan pa pala 'yon ng sakit?" ni Balti.
"Bigyan mong babae na mag-aalaga," nakangising singit ni Simon. Kasama rin nila ito sa byahe. "Gagaling 'yan agad," sabay tawa.
Sep simply shrugged his shoulders and laugh. "Sasabog muna ang buong Alquiza Shipping Lines bago mangyaring may babaeng magpapaamo sa 'sang 'yon."
"Malamang may death wish ang magmamahal sa kanya," dagdag pa ni Simon.
Natawa ang apat na lalaki. Kahit siya naman din ay hindi kaya ang aura ni Andrew. Isang beses nga lang niya nakita si Andrew ayaw na niyang umulit. Mas kaya pa niyang kausapin si Tor.
"Aalis ba tayo o hindi?" Naibaba na ni Maha ang salaming bintana sa front seat nang dumungaw ito. "Bagal-bagal e. Magigising na si Juan."
"Maghihintay ka o iiwan ka namin?" ni Balti.
Maha scowled. "Luh, bawal magtanong?"
"Huwag kang lilipat. Diyan ka lang sa harap."
"Pangit mo, Kuya!"
"Pangalawa sa'yo."
"Hmmp!"
Natawa na naman silang lima sa labas.
"Sige na umalis na kayo," pagtataboy ni Sep sa kanila. "Inayos ko na 'yong si Juan sa loob. Don't worry, hindi mabilis magising ang isang 'yon kahit matapos man ang mundo ngayon." White van ni Iesus ang gamit nila. Kasyang-kasya sila roon. Maluwag pa nga. "Kapag nagising 'yon. Malamang pinapapili na siya ni San Pedro kung saan niya gustong mamahinga."
Tawang-tawa ulit 'yong apat.
"Wait!" aniya. "Sila Champo at Binig?"
"Si Vier mag-aalaga," sagot ni Sep.
"Okay lang sa kanya?"
Iesus chuckled, "Huwag mong alalahanin ang 'sang 'yon." Iesus slid the car's door open. "Let's go." At pumasok sa loob.
Tinapik ni Balti sa braso si Sep. "Brad, 'yong bahay ko pakitignan." Sabay tawa. "Alam mo na."
Tawang-tawa sila Simon at Sep.
"Ilang gold ba ang naitago mo?" sakay pa ni Sep.
"Konti lang," ngisi ni Balti. "'Yong iba nasa bahay pa ni Iesus."
"Nins, sure ka na ba talaga rito kay Ser?" baling ni Simon sa kanya. "Pwede ka pang umatras - yawa!" Hinawakan ni Balti sa likod ng ulo si Simon at walang kahirap-hirap na pinihit papasok sa van. "Ser naman!" Tawa naman ito nang tawa. "Handle me with care naman."
"Hindi namin kailangan opinion mo, Takeuchi." Pabagsak na isinirado ni Balti ang pinto ng sasakyan. "Sep, ikaw na bahala sa Faro. Si Jude, bisitahin mo sa bahay niya bago pa niya maisipang gawin furniture ang sarili niya. Hayaan mo na 'yon si Tor. Kaya na nang noo niya ang buhay. Si Thad, kapag umuwi, pakisabi, pangit niya ka bonding." Tawang-tawa si Sep. "Si Jam, wala akong balita sa 'sang 'yon. Si Hayme? Sino 'yon? At si Vier, huwag mo pasobrahan sa kape. Bantayan mo 'yong rooftop."
Sep chuckled, "Hindi 'yong nakatira?"
"Basta 'yong rooftop."
Tawang-tawa ito. "Umalis na nga kayo." Itinulak na nito si Balti. Kaso namudmod naman sa katawan ng van. Natawa siya imbes na maawa. "Sorry."
Sa tingin niya kasi normal lang 'yong force ni Sep pero halos tumilapon si Balti sa katawan ng van. Namula ang pisngi e.
"Gago ka Sep. Dahan-dahan naman."
"Next time."
Umikot sa harap ng van si Balti para makapasok sa driver's seat.
"Alis na kami, Sep," aniya.
Tumango ito. "Ingat kayo and enjoy."
Binuksan na niya ang pinto ng front seat. Pag-angat pa lang ng mukha niya e matulis pa sa kutsilyo tingin ni Maha sa kanya. Parang may narinig siyang pang-horror na sound effects sa tingin na 'yon. Nginitian niya lang nang sobrang tamis si Maha. Talo, asar!
"Umisod ka," malambing pa niyang utos.
"Do we really have to share a seat here? Madami pang space sa likod. You know I can just move there -"
"You know you can't," panggagaya pa ni Balti sa boses ni Maha. "Move now," balik ulit sa original voice nito. "Huwag na maarte Maharlika kung ayaw mong iwan kita rito."
"Aish!" Labag sa loob na umisod ito. Nasa gitna nila sa Maha. "So annoying."
Pasimple naman siyang kinindatan ni Balti sabay lock ng seatbelt nito. Inayos nito ang rear view mirror sa harap nang mapansin niyang natigilan ito. Nasundan pa niya ang marahas na pagbaling nito sa likod.
"Hayme!" sigaw nito.
Napakurap din siya. Katabi nito si Juan sa pinakalikod. "Hi." Kalmadong itinaas ang isang kamay. Wait, hindi niya alam na kasama si James. At paano ito nakapasok sa loob ng sasakyan nang 'di nila napapansin?
"I invited him," nakangiting sagot ni Iesus. But there was something more in his smile. Ngiting may nakakubling kapilyohan. "Para mas masaya."
ONE hour and forty minutes bago nila marating ang Santa Fe. Nakikita na niya ang isla. Lampas isang oras naman na din sila sa barko. Naka patong ang mga braso niya sa railings at nakatanaw sa malawak na dagat.
"Water?" alok sa kanya ni Balti.
"Thanks."
Tinanggap niya ang bottled water at ininom ang laman pagkatapos buksan.
Ginaya nito ang posisyon niya. "Mukhang malapit na tayo ah."
Napangiti siya. "Ang tagal na nang huli akong makapunta rito. Marami na siguro ang pagbabago sa isla."
"Madami na nga. Mas lalong gumanda."
"Buti may mga extra rooms pa para sa atin. Peak days pa naman ngayon dahil weekends."
He chuckled. "Kevin can find ways."
Si Kevin ang pinsan nito na isang cardiologist na ngayon. Nakilala na niya ito noon. Magkasing-ugali ang dalawa. Parehong madaldal.
"Kumusta na pala si Kuya Kevin?"
"Hayon masaya ang gabi lagi."
Natawa siya. "Puro ka biro."
"Seryoso, masaya na 'sang 'yon. One of these days, dalawin natin. Malaki na sila Baymax at Snow White. Sobrang lulusog."
Namilog ang mga mata niya sa mga pangalan ng mga anak ni Kevin. "Ang cute ng names," at natawa. "May pictures ka?"
"Meron, teka lang," hinugot nito ang cell phone sa bulsa ng pantalon nito. "Here." Sabay silang tumingin sa screen ng cell phone nito. "Turning six si Baymax." Pinakita nito sa kanya ang picture ng magkapatid. Magkayakap pa ang dalawang bata at may malaking ngiti. "Turning five naman si Snow White. But it's not really their names. Palayaw lang nila 'yan." Nag-swipe pa ito ng mga larawan. "Mabibigat."
Natawa ulit siya. "Mukhang nasa dugo n'yo talaga ang kakulitan e. Halata rin sa dalawa."
"Makulit din naman asawa ni Kevin. Kasing ugali ni Chi."
"Bakit 'di sila sa St. Nathaniel's pumapasok?"
"Malayo sa bahay nila."
"I see -"
Napakurap naman siya nang makita ang isang pamilyar na rooftop sa isa sa mga pictures na in-swipe nito. Kaso mabilis si Balti. Agad nitong na close ang gallery. Pero hindi siya pwede magkamali. Kamukha ng rooftop ni Chi e. Hindi naka zoom pero klaro naman 'yong dalawang tao sa rooftop. Isang lalaki at isang babae.
"Ayon lang -"
"Wait!" Hinawakan niya pupulsuhan ni Balti. "Sino 'yon?"
"Sinong, sino?"
"Yong stolen shot. Sino 'yon?"
"Wala 'yon. Na download ko lang sa pinterest," ngisi pa nito. Ayaw niya maniwala. She squinted her eyes at him. "Wala nga," he let out a chuckle. Pero kilala niya si Balti. Kahit gaano kagaling nitong magsinungaling. Malalaman pa rin niya kapag may itinatago ito.
"Rooftop 'yon ni Chi, 'no?"
Mabilis na tinakpan ni Balti ang bibig niya.
"Shsh," naigala nito ang tingin sa paligid, "huwag kang maingay." Inalis niya ang kamay nito.
"Bakit may picture ka niyan?"
"Hindi naman 'yan sadya. Ibang view kinukunan ko nang gabing 'yon."
"Patingin nga."
"Mamaya na -"
"Patingin na dali." Inagaw niya rito ang cell phone. Siya na mismo naghanap sa picture. Pero sa gulat niya e. Nang makarating siya sa album gallery ni Balti ay naka rename ang mga albums sa pangalan ng mga kaibigan nito. So far, Thomas, Hudas, Simon, at Mathieu pa lang ang nandoon. "Bakit may mga sariling album ang mga kaibigan mo rito?"
Kinuha nito ang cell phone sa kamay niya. "May purpose 'yan sa buhay. Saka ko na e-explain kapag mag-asawa na tayo para wala ka nang chance na iwan ako." Pinalo niya ito sa braso. Tinawanan lang siya. Loko talaga! Ito na ang nag-navigate sa phone nito. Pumunta ito sa gallery na may pangalan ni Math. "Dahil mahal kita. Isi-share ko sa'yo ang tea."
"Anong tea?"
"About MathChi."
Namilog ang mga mata niya. "Hoy, seryoso?" Ibinalik niya ang tingin sa screen ng cell phone nito. Hindi niya mapigilan ang ngiti. Kinikilig siya. Ship niya talaga ang dalawang 'yon e. "Anong meron?"
"Hindi pa positive. Medyo magaling magtago ang dalawang 'yon. Hindi ko matiyempohan kung kailan umaakyat sa rooftop si Math."
"Baka naman naghahatid lang ng food."
"Nang hating gabi?"
"Anong oras ka ba natutulog, ha?"
He chuckled. "Alas dose."
"Grabe! Walang pahinga, Ser?"
"Kakambal ng buhay ang pagkapuyat."
"Reasons!"
"Minsan lang naman."
"Sinabi mo na kay Chi?"
"Naitanong ko lang naman kung um-order ba siyang pagkain sa Noah's Ark."
"Anong sagot?"
"Oo raw minsan."
"Bukas pa ba 'yon nang hating gabi?"
"I didn't mention the time. Gusto ko malaman kung aamin. Nang itanong ko kung si Math mismo ang nag-de-deliver. Sabi e hindi. 'Yong food delivery guy."
"Bakit hindi siya umamin?"
"Malamang, may itinatago."
"Ano sabi ni Math?"
"Sa tingin mo aamin din 'yon sa'kin?"
"Sabagay, kahit ako e hindi rin aamin sa'yo."
Tawang-tawa ito. "Grabe naman!"
"Patingin pa nga." Kinuha niya ang cell phone sa kamay nito. "Bakit ang linaw mo kumuha ng picture?" Totoo! Malinaw kaso medyo malayo talaga puwesto nito kaya blurry na kapang in-zoom pa niya. Pero halatang side view ni Math e kahit naka black cap at jacket. May isang picture rin na naka mask ang lalaki pero mukhang si Math pa rin. "Hindi ba, nasa baba lang clinic ni Juan. Wala siyang napapansin?"
"Alam mo ugali ng 'sang 'yon? Kailangan pang alayan ng pagkain bago magsalita. Kadugo nun ang mga nuno sa punso."
Natawa siya. "Nuno na matangkad."
"Ang ganda ng panahon."
Iesus!
Mabilis na isinuksok niya sa bulsa ang cell phone. Pasimple silang nagpalitan ng tingin ni Balti. Sinenyasan siya nito na huwag magsalita bago pinihit ang sarili na humarap kay Iesus.
Act normal, Niña!
Ngumiti siya. "Oo nga e. Asul na asul ang langit. Saka hindi rin maalon."
"Sino dadalawin mo sa Santa Fe, Sus?" tanong ni Balti.
Iesus warmly smiled. "Someone."
"Diretso ka na?"
He nodded. "Para makabalik ako nang maaga."
"Aabot ka sa dinner? Sa labas kami kakain."
"I think so. Hindi rin naman ako magtatagal. Siguro by 4 or 5 pm nakabalik na ako sa resort."
"Sige. Hintayin ka na lang namin."
"Himala."
"Anong himala, my lord?" inosenteng tanong ni Balti.
"Hindi mo ako binabara."
Napatingin ito sa kanya. Takte, Balti, huwag mo akong tignan. Mahahalata tayo! Tumawa ito sabay baling ulit kay Iesus. "Wala! Pagod na akong barahin ka. Cease off muna tayo, my lord. Pahinga rin minsan. Mabait din naman ako deep inside." Kinakabahan siya sa totoo lang. Mabait si Iesus. Madaling kausap pero alam niya pagdating sa pinsan nitong si Chi ay mahahati talaga ang dagat sa Faro.
"'Yon nga lang, mas nakakaduda kapag mabait ka."
Oy, totoo rin talaga!
"YEPPUDA!" sigaw ni Maha nang makarating sila sa resort.
Maputing-maputi ang buhangin at asul na asul ang dagat. Halos walang pinagkaiba sa langit. Malakas pero mabini ang hangin. Rinig na rinig ang hampas ng alon sa dalampasigan na sinasabayan ng paggalaw ng mga dahon sa mga puno. Mataas ang sikat ng araw. Masakit sa balat kaya 'di nila hinubad ang suot na mga sombrero at sunglasses sa mata. At kanina pa hawak ni Balti ang kamay niya. Ayaw yata na lumapit siya kay James. Aba'y kasama ba naman nila ang mga second leads.
"Oppa!" baling nito kay Juan. Agad namang tumingin sa ibang direksyon si Juan. "Oppaaa!" Tinapik nito sa balikat si James at sabay na umalis ang dalawa. "Oppaaa! Huwag mo ko iwan." Akmang susundan nito ang dalawa nang mabilis itong mahatak pabalik ni Balti gamit ng isang kamay. "Kuyaaaa!"
"Stay here!"
"Hindi pwede! Hindi siya pwedeng makita ng mga babae."
"Kasama ka na roon."
"Ako lang ang babae sa buhay niya."
"Mapagdesisyon ka, alam mo ba?" Natawa siya sa tabi nito. "Saka muna sundan kapag nakapa-check-in na tayo."
"One room ako -"
"One room kayo ni Niña."
Namilog ang mga mata nito. "Yaaa!"
"Yooooou, behave." Ibinigay nito ang bag nito. 'Yong isa sa maliit na bag nito. Hindi kasama 'yong pulang luggage na may pangalang MAHA at EXO logo sticker. Umawang lang ang labi nito. "Take care of your belongings. Matanda ka na. Hindi mo ako yaya."
"Kuya, I can't bring my luggage by myself. It's so mabigat."
"Hanapin ko ang pake ko mamaya."
"Kuyaaa!"
"Sinabi ko bang dalhin mo 'yong pinakamalaking maleta mo?"
At yes, yakap nito sa isang braso ang Sehun doll nito na walang kangiti-ngiti like Ryuu Juan Song.
"Heartless!"
But honestly, Maha looks cute in her Korean-inspired outfit. Buti hindi na naka turtle neck. Hindi niya talaga ito tutulungan kapag nagka-heat-stroke ito sa mga pinagsusuot nito. White puffed short-sleeved crop top blouse matched with white floral yellow wrapped skirt na lagpas tuhod ang cut sa likod pero hanggang tuhod lang sa harap. Her white strapped sandals match her blouse. Bagay na bagay kay Maha. Matangkad e. Medyo malaki rin 'yong light brown wide-brim hat nito sa ulo.
Siya, simpleng loose white shirt na in-tuck-in niya sa maong niyang shorts. Saka isang black single band slippers. Huwag na nating i-push ang OOTD. Hindi rin 'yon bagay sa kanya. Complete opposite rin naman talaga sila ni Maha.
"And change your blouse," dagdag pa ni Balti.
"Waeyo?"
"Masyadong maikli."
"Shiro!"
"Sa children's department mo ba 'yan binili?"
"It's fashion, Kuya! Fashion!" Inayos nito ang suot na sunglasses sa mata. "Anyway, I'm tired."
"Oh!" Napatingin sila ni Simon. Nakatingin ito sa may open space reception area. "Si Miss Coordinator," dagdag nito.
Isang babae lang ang nakaagaw sa atensyon niya. Isang matangkad din na babae. The woman who was wearing a green romper spaghetti top and shorts. Naikiling nito ang ulo para hawiin ang mahabang buhok sa kung saan hindi liliparin ng hangin. Saka inayos ang itim na sunglasses sa mata.
"Si Louise Veronica?" ni Balti.
Mukang nakita rin sila ng babae. Ngumiti ito at kumaway sa kanila.
"Small world," ni Maha.
Lumapit ang babae sa kanila. "Wow! Small world. Kayo lang? Where's Au and Tor? Hindi sumama si Chi?"
"Mahirap byumahe na may bata," sagot ni Balti. "Busy si Chi. Hinahanap ang sarili." Natawa si Louise Veronica. "Ikaw lang din mag-isa?"
"No, I'm with my boyfriend."
"I see. Vacation?"
"Yeah, sort of. Anniversary namin."
"Congrats!" ni Simon.
"Thanks," baling nito kay Simon.
"Ikaw na yata ang susunod na ikakasal, Miss Coordinator," Simon chuckled. "Invited ba kami sa reception?"
"Of course, kung mag-po-propose."
"Siya ang wedding coordinator sa kasal nila Au at Tor," bulong sa kanya ni Balti. "Kaibigan din ni Chi." Tumango lang siya.
Titig na titig siya sa babae. Agaw atensyon ang nunal nito sa may bandang baba ng kanang pisngi. Medyo morena. Sophisticated at maganda. Bumaba naman ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay ni Balti. Ngumiti nang iangat muli ang tingin sa kanya.
"Ser, may girlfriend ka na?"
Natawa si Balti. "Hinihintay mo?"
Louise Veronica chuckled, "Susunod ka na ba sa best friend mo?"
"Hindi, 'yong Hudas pa."
"Sino? Ay wait -" Lumingon ito. "Nandiyan na boyfriend ko. I have to go. I'll see you around?"
"Sure," nakangiting sagot ni Simon.
"Nice to meet you..."
"Niña," sagot niya. "Niña Rosella."
"Yes, Niña. I'm Louise Veronica but please call me LV."
She nodded. "LV."
"Nice to see you, again! Bye!"
Nang makaalis si LV ay muling nagsalita si Maha na natahimik na lang bigla.
"Galing, may boyfriend pala siya."
"Akala ko wala," dagdag ni Simon.
"Crush mo?" tanong ni Maha kay Simon. "Agawin mo."
Hagalpak ng tawa si Simon. Lumapit ito kay Maha at umakbay rito. Pero para lang pala alisin ang suot nitong wide brim hat dahil may balak itong guluhin ang buhok nito.
"Yaaaa!" tulak pa nito kay Simon.
"Bad 'yon, Maha."
"Lupa nga naagaw."
Tawang-tawa silang tatlo.
"Tignan mo gaano ka demonyo 'yan," ni Balti.
"Kahit hindi tignan. Ramdam na ramdam ko," asar pang lalo ni Simon. "Naku, ginigigil ako nitong si Maharlika."
"Yaaa!" Tinulak-tulak nito si Simon. "Chuhan! Chuhan! Chuhan!" Pero mapang-asar talaga si Simon. Tinawanan lang si Maha. Binato pa rito ang wide brim hat nito. "Yaaa!" Nainis lalo. "Seong-gasin namja! Noin! Aish! Chuhan! Chuhan! Chuhan!"
"Akuma no musume!"
"Kuya, ano meaning nun?!"
Ngumiti si Balti. "Anak ka ng demonyo."
Nanlisik mga mata ni Maha kay Simon. "Yaaaa!" This time, naitakip na nila ang mga palad sa tenga. Ang lakas! Binato nito ang wide brim hat kay Simon. Tumakbo naman ito palayo kay Maha. Pero itinumba muna nito sa buhanginan ang malaking maleta ni Maha. Doon siya natawa nang sobra.
"Akuma! Akuma! Akuma!"
At naghabulan na nga 'yong dalawang. 'Langya, Simon! Walang patawad. Tinutulak din talaga si Maha hanggang sa maupo ito sa buhangin. Tutulong din naman ito pagkatapos pero itutulak ulit nito kaya 'di nakakatayo si Maha. Nasusubsob lalo e.
Si Balti tawang-tawa habang vini-video ka miserablehan ng sariling kapatid.
"Sige, itulak mo pa."
"Kuyaaaa!"
"Hahaha!"
NIPPA HUT ang mga rooms sa beach resort nila Kevin. Magkakalapit lang naman ang mga rooms nila. Isang room sila Iesus, Balti, at Simon. James and Juan naman sa isa pang kwarto. Inilapag ni Maha ang maleta sa itaas ng kama nito. Hinihingal na in-unzip ang bagahe.
Simula noon at ngayon. Kung kaya lang ipasok ang cabinet sa maleta ay ginawa na ni Maha. Lagi talaga itong may dalang OOTD. Hindi pwedeng same outifit lang in different locations. Siya ang napapagod sa kaartehan nito, sa totoo lang.
Ahm, wait.
"Maha, picture-an mo nga ako rito sa kama ko." Lumapit siya rito. Magkasalubong na naman mga kilay. Ngumiti lang siya sabay sapilitang hawak sa cell phone niya. "Pangit kapag selfie. Hindi kita buong kwarto."
"Nagdala ka sanang selfie stick."
Tinawanan lang niya ito sabay balik sa kama niya. "Ay sus! Nandiyan ka naman e. Kunan kita mamaya. Salitan tayo." Sumampa pa siya. Umala-mermaid na medyo may kalusugan. "Okay ba ayos ko? Sexy naman na tignan." Inayos niya rin ang nakalugay na buhok.
"Hmm," matabang na tango nito sabay kuha ng picture. "Okay na."
"Wait! Damihan mo."
"May balak kang i-collage picture mo?"
"Ito naman. Minsan lang e." Tumayo siya at naghanap pa ng ibang area. "Ayon, dito naman." Naupo siya sa harap ng vanity table na kaharap si Maha. "Kunan mo ko rito."
"Hmm," matabang na tango ulit nito sabay kuha ng picture. "Okay na."
Itong isang 'to napakapangit ka bonding talaga.
"Selfie tayo!" Lumapit siya rito. "Ikaw na kumuha mas mahaba braso mo."
Umasim ang mukha nito sa kanya. Nakangiti siya sa picture pero nang in-tap ni Maha ang shutter icon ay asim na asim ang mukha. Imbes na mainis ay natawa siya nang sobra. Ang cute pa rin talaga tignan e.
"Okay na? Masaya ka na? Oh!" Inabot nito ang cell phone niya. "Sa susunod maghanap ka nang photographer. Busy ako." Tinignan niya mga pictures na kinuha ni Maha sa phone niya.
"Hindi ako busy. Pwede naman tayong mamasyal na dalawa."
Umangat ang isang kilay nito. "Bati na ba tayo? Inaway-away mo nga ako kahapon."
"Ikaw naman kasi nauna."
Napamaang ito. "Wow!"
"Alam mo, Maha. Ma-e-stress ka lang kapag lagi kang naiinis. Sa tingin mo magugustuhan ka ni Juan kung lagi ka na lang nakabusangot kapag nakikita ako?"
"Anong alam mo sa ayaw at gusto ni Juan?"
"Alam ko lang."
Maha's lips twitched. "Nagpapaniwala ka roon kay Kuya. Masyado kang martyr sa isang 'yon."
"Kuya mo pa rin 'yon."
"Kuya ko nga pero bias naman lagi sa'yo."
"Hindi -"
"Ikaw lang naman lagi tama sa kanya e. But anyway, what's the point?" Padabog na inilabas nito ang mga damit sa maleta nito at isinilansan sa kama. "Ending, nakuha mo pa rin naman ang kuya ko. Chukahae!" Pero ang tabang nang pagkakasabi. "Sana lahat, 'di ba?"
"Mahal ka ng kuya mo."
"Siguro?"
"At hindi totoo na wala siyang pakialam sa'yo."
Inilagay nito ang white earpods sa dalawang tenga. Bumuga siya ng hangin. Ang tigas talaga ng bungo ng 'sang 'to. Grabe! Nakakagigil.
Arggh!
Padabog na lumabas siya ng kwarto.
Si Balti na lang sasabunutan niya tutal magkapatid lang naman sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro