Kabanata 27
PAGBABA niya ng kusina ay bumungad agad sa kanya ang tatlong baunan sa mesa. Isa sa baunan ang may nakadikit na sticky note. Napangiti siya nang mabasa ang nakasulat doon. It was Balti's penmanship. Walang duda!
Do you know what's in the MENU? Me n U. <3
Tawang-tawa siya.
"Gage!"
"Ma'am Nin?"
Napalingon siya. "Ate Grace, morning!" bati niya, pigil ang ngiti.
Ngumi ito. "Si Sir Balti po naghanda ng mga baon ninyo." Namilog ang mga mata niya. "Ang aga po niya gumising kanina."
Napangiti siyang lalo. "Ang sipag ah!"
"Special daw po 'yang sa inyo kasi with love."
"Isang linggo n'yo na ho 'yang sinasabi Ate Grace, wala pa bang balak palitan ng amo mo ang script mo?"
Natawa ito. "Hanggang daw sa magsawa kayo."
Inalis niya ang sticky note sa baunan niya at nakangiting iniangat muli ang tingin kay Ate Grace.
"Pakisabi sa amo mo, Ate Grace, salamat sa walang sawang pagmamahal at please, mag-isip na siyang bagong script na sasabihin mo sa'kin."
Natawa ito. "Sige po, Ma'am Nin."
"NIN, vacant mo?" tanong sa kanya ni Harrah, kakaupo lang niya sa mesa niya.
She nodded. "Oo pero may tatapusin ako." Binuksan niya ang drawer ng mesa niya at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata niya. Aba'y ang daming chocolates sa drawer niya. Parang noong nakaraan e mga plastic flowers ang nilagay dahil nahihiya raw itong pumitas ng buhay. Nagka-candies na rin at kung anu-anong snacks na lang pinapasok ni Balti sa drawer niya.
As usual, nag-iiwan na naman ito ng sticky note.
I was wondering if your lips taste sweet like these chocolates? Wala bang free taste?
Napakurap siya.
"Nin, okay ka lang? Anong meron diyan sa drawer mo?"
Mabilis na inangat niya ang ulo sabay sarado ng drawer niya. "Wala!" halos may kasama pang singhap. Naku, mahahalata ka niyan, Niña! "I mean, may naisip lang ako bigla." Pilit siyang ngumiti sabay tawa na nagtunog alanganin.
"Ahh, akala kung ano," Harrah chuckled. "Lagi ka na lang kasi nagugulat diyan sa drawer mo. Baka kung anu-ano na nakikita mo riyan."
"Bulsa yata 'to ni Doraemon. Ang kalat e."
Natawa lang ulit ito.
"Anyway, napansin mo bang ang saya-saya ni Ser ngayon? I mean, nitong nakaraang linggo pa." Napalunok siya. Hindi pa talaga nila pinapaalam ang tungkol sa kanila. Umiiwas sila sa issue. "Parang mukhang in love."
"Hindi naman yata. Lagi naman 'yong masaya e."
"Pero hindi e. Napansin din nila Jane at Ronnie."
"Siguro dahil kakasahod lang natin. Mukha talaga tayong in love kapag may sahod na."
Natawa ito. "True! Pero may iba talaga e." Titig na titig si Harrah sa kanya. Mas lalo siyang kinabahan. Parang sinusubukan siyang basahin. "Hindi kaya -" Tumunog na ang bell. "Ay, ano ba 'yan. Mamaya na lang ulit. Anyway, maiiwan na muna kita at may klase na ako." Tumayo na ito at kinuha ang mga gamit. "I'll be back."
Nang makaalis si Harrah ay binuksan niya ulit ang drawer. Kumuha siya ng isang chocolate, inalis ang wrapper saka isinubo sa bibig. Bumuntonghininga siya. Bakit ba it's always complicated ang relasyon nilang dalawa ni Balti?
Ah ewan!
Nag-vibrate bigla ang phone niya sa table. Nag-pop sa screen ang number at message ni Balti. Kumunot ang noo niya.
Hey! Hey! - Balti
Wala ba 'tong klase? It's already past 9:30 am. Kakatapos lang ng snack break.
Bakit? - Niña
I love you ( ˘ ³˘)♥ - Balti
Kainis!
Hinga, Niña! Mag-reply ka nang maayos riyan, ma'am!
Lol! Tayo na ba? - Niña
Pero 'di man lang nag-reply sa kanya. Lumipas na two minutes. Ah, baka sumaglit lang talaga 'yon.
Labo rin talaga nilang dalawa. Sweet sa isa't isa pero wala pa ring label.
E sabi niya huwag mag-yes agad! Subukan lang natin muna ang pasensiya ni Ser ... kaunti na lang.
Bahagya siyang natawa.
Itinabi na niya ang cell phone.
"Okay, Niña, kwentahin mong maayos ang budget mo at please, huwag mo nang dagdagan ang loan mo, parang awa." Bumuga siya ng hangin at binuklat ang notebook niya ng mga bayarin. "Wala na namang natira para sa'kin. Minsan ang sahod ay magkahalong saya pero mas madaming ambag na dalamhati at pighati."
PABALIK na siya ng faculty nang madaan siya sa classroom ni Maha. Tatlong rooms mula sa kanya ang classroom nito. Nasa lower ground naman pareho ang grade 1.
Natigilan siya nang makita ang isang pamilyar na mukha ng lalaki na kausap nito sa labas ng room. Nakaharap ang likod ni Maha sa kanya kaya 'di niya kita ang expression ng mukha nito.
Naikiling niya ang ulo.
Kilala niya talaga ang lalaking kausap nito. Inisip niya nang mabuti. May kaonti kasing na bago sa mukha kaya 'di niya sure.
"Niña?!"
Napaangat siya ng mukha. Napakurap siya nang makitang kumakaway sa kanya ang lalaki. Nakatingin na din si Maha sa kanya pero walang ka ngiti-ngiti sa mukha nito. Then she suddenly remembers him!
"Dylan?"
Lumapad lalo ang ngiti nito. "Ako nga!"
Naglakad na siya palapit dito. Pasimple niyang tinignan si Maha. Nitong mga nakaraang araw ay 'di na talaga siya nito kinikibo. Akala pa naman niya e magagawa na niyang mapalambot ang puso ng kaibigan pero bigla na namang nagbago ang ihip ng hangin.
"Dylan Ruiz?" aniya.
"Ako nga 'yon," he chuckled. "It's been what? Five or 6 years? Bilis mo naman makalimot, Niña."
"Hindi naman. Hindi lang kita agad namukhaan. Ang laki kasi ng pinagbago mo."
Naalala na niya ito. Si Dylan Ruiz ang isa sa mga naging kaklase nila ni Maha sa dalawang subject yata. She couldn't remember kung ano 'yon. He's a tourism student. Mr. Tourism at Mr. Intrams sa CNU.
"In a good way or in a bad way?"
She chuckled, "In a good way of course."
She had to admit. Mas gumwapo nga si Dylan ngayon. Gwapo na ito ng college days nila pero mas lalo yatang nadagdagan. He was tall but Balti is taller by 2 or 3 more inches. Dylan was one of CNU's popular faces. Syempre kabilang na nga roon si Balti.
"May anak ka na?"
Kumunot ang noo nito. "Wala pa," but chuckled after. "Sinundo ko lang ang anak ng kapatid kong si Diane. I didn't know that the Juarez's owns St. Nathaniel's. Kaya nagulat ako nang malamang si Maha pala ang teacher ni Bryle. Hindi rin naman kasi nabanggit ni Aine. Remember her?"
Namilog ang mga mata niya. "Wow! May baby na pala siya." At napangiti.
Naalala pa niya si Daine. She's two years younger than them. Sa ibang school nga lang ito nag-aaral ng college noon.
"Yeah. Naunahan pa niya ako."
"Saan ka na ba ngayon?"
"I'm working in a cruise ship. Kakababa ko lang last month."
"I see."
"Anyway, I have to go. May family dinner pa kami. Let's catch up some other time. Kinuha ko na number ni Maha. I'll call you."
Maha simply nodded.
"Ingat ka," kaway pa niya.
"Kayo rin."
Nagulat pa siya nang guluhin ni Dylan ang buhok niya. Akmang aalisin niya ang kamay nito nang mabilis din nitong bawiin ang kamay. Lumapad lalo ang ngiti ni Dylan.
"You're still cute, Nin," anito sabay tango kay Maha. "Bye, Maha."
Naglapat lang ang labi nito sabay kaway ng isang kamay. "Ingat."
Nang makaalis si Dylan ay mabilis naman na pumasok sa classroom si Maha. Sinundan niya ito. Malinis na ang classroom at wala na ring mga estudyante.
"Maha, kakain kami sa labas ng kuya mo, sama ka sam -"
"May ibang lakad ako."
"Gusto mong bilhan kita ng -"
"Busog ako."
"Ah, okay," tumango-tango na lamang siya. Ayaw pa siyang harapin ni Maha habang nagliligpit ito ng mga gamit sa mesa. "Grabe, 'no? Ang liit ng mundo. Pupil mo pala ang pamangkin ni Dylan. Naalala mo naman si Diane, 'di ba -" Nagitla siya nang pabagsak na inilapag ni Maha ang lesson plan nito sa mesa. "Maha -"
"Pwede ba, Niña," she glanced at her, matalim ang tingin sa kanya. "Kung gusto mong mag-throwback tawagan mo si Dylan. Mukhang game na game 'yon balikan ang nakaraan ninyo. Close kayo 'di ba?"
"Hindi naman sa ganoon. Kaibigan din naman natin si Dylan."
"Kaibigan mo."
Naglabanan sila ng tingin.
Bumuga siya ng hangin. "Maha, ano bang problema mo?! Ilang taon ka nang galit sa'kin pero hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa'kin?" She tried her best to lower down her voice. Ayaw niyang marinig sila ng mga estudyante sa labas na naglalaro. Lumapit pa siya lalo. Pero ayaw magpatalo ni Maha. "Alam mo, tumanda na tayo't lahat, ikaw 'di man lang nag-mature. For once, have the decency to listen. Hindi 'yong aarte kang biktima lagi. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito. Ako rin nasasaktan kasi 'di ko alam kung saan galing ang galit mo sa'kin."
Hindi ito nagsalita.
"I'm doing my best to understand you."
"I'm not asking to do that for me -"
"Hindi nga pero gusto ko dahil importante ka sa buhay ko. Dahil kung tutuusin, kung wala lang sa'kin, matagal ko na sanang kinalimutan ang pagkakaibigan natin, but I did not. Kasi alam ko, wala akong ginawang masama. At kung meron man, then enlighten me! Hindi 'yong hanggang kamatayan huhulaan ko pa kung bakit."
Galit na galit siya but she's doing her best to calm herself. She didn't want to say thing she didn't mean dahil lang galit siya. Kaya iiwan na muna niya ito. They should cool down first. At baka lumala lang ang sagutan nila.
Tinalikuran na niya ito at lumabas ng class room.
Pigil na pigil niya ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya. God, she really wanted to reconcile with her best friend! Pero bakit ang hirap? Bakit ayaw makinig ni Maha sa kanya? Ano pa bang pwedeng niyang gawin?
"TULALA ka riyan?" puna ni Balti sa kanya.
Bumuntonghininga siya sabay baba ng burger na kinakain. "Inaway ko si Maha," naiiyak na amin niya rito. Tinawanan naman siya ng loko. "Seryoso ako!"
"Alam ko. Kailan ba hindi?"
"E kasi ang maldita niya kanina. Hindi ko natiis na sagutin. Kung may problema siya sa'kin, bakit kasi 'di na lang niya ako diretsahin?"
"Ano bang bago sa 'sang 'yon? Hayaan mo 'yon. Kapag naging mabait tayo sa kanya lagi ay lalala lang ugali nun. Let's not tolerate her attitude. Nasabi mo ba naman lahat ng hinanakit mo?" He chuckled. "Baka kulang pa."
"If only she'll give me a chance to clear things out."
"I tried." Napatitig siya rito. "I did try to talk to her pero ayaw niya pa rin makinig. Baka need ko na idaan sa dahas."
"Hoy!"
Tawang-tawa ito. "Joke lang."
"Pero dumaan sa isip mo?" Balti suppresses his smile. "Kilala kita. Sa anong dahas ba?"
"Willing ka maging accessories of the crime?"
Bumuntonghininga ulit siya at sumandal sa upuan. "Ano ba kasing problema ni Maharlika? Napansin ko na mas lalo lang siyang naiinis sa'kin nang magkita kami ni Dylan. Kilala mo naman si Dylan, 'di ba? Magpinsan sila ni Pam."
"I know him."
"So alam mo rin na sa school ninyo nag-aaral ang pamangkin ni Dylan?"
He nodded, "Transferee."
"Nagkita kayo ni Dylan kanina?"
He shook his head. "Nope, I didn't think he sees me."
"Pero nakita mo siya?"
He nodded. "Yup."
"Nadalaw na rin si Pamela rito?"
"Why would you think that?"
"Magpinsan sila e."
"I don't think requirement na mag-family-reunion sila sa school."
"Sabagay."
"Dylan didn't mention anything to you?"
"Mention?" Naikiling niya ang ulo rito. "May dapat ba akong malaman?"
"Wala naman." Nakangiting umiling ito. "Baka ko may kung ano siyang sinabi sa'yo. Invited you to lunch? You used to be so close back then. Lagi pa kayong kumakain sa labas kasama ni Maha."
"Ah, yes! Tatawag daw siya kay Maha."
"Pumayag ka?"
Ngumiti siya at nangulambaba. "Maiiwan ba kita?"
Naningkit ang mga mata nito sa pagtawa. "Akala ko kinalimutan mo nang mamamatay ako kapag nawala ka sa buhay ko."
"Pero depende rin kay Maha. Okay lang naman sa'kin. As respect na rin sa pagkakaibigan naming tatlo. Isasama na lang kita."
"As chaperone?"
"Hindi, ah!" iling niya. "Sabihin ko boyfriend kita."
"Tayo na ba?"
Pinaningkitan niya ito. "Ayaw mo?"
"Says who?"
"Ano bang petsa ngayon?"
"Bakit? Teka lang." Tinignan nito ang cell phone. Ang isang kamay ay nakahawak sa baso ng iniinom nitong softdrinks. "August 14 -" He sipped on his drink.
"Sige, tayo na."
Naibuga nito bigla ang iniinom.
Tawang-tawa siya. Nagkalat pa 'to. Marahas na umangat ang ulo ni Balti. Kumuha siya ng tissue at inabot dito. 'Yong iba ay pinangpunas niya sa mesa.
"Ninin -"
"Huwag na natin patagalin. Ang tagal na nang hinintay ko." Titig na titig ito sa kanya. Tinubuan yata siya ng tatlong ulo sa paningin nito. "But let's take everything slowly lang muna. Gusto ko muna e-embrace 'yong boyfriend-girlfriend relationship natin. Gusto ko 'yong kapag tinanong ako kung may boyfriend na ako, may maisasagot na ako."
Halos sabay silang napangiti sa isa't isa.
"Ma'am, may tanong ako."
"Ano?"
"May boyfriend ka na ba?"
Pigil niya ang malapad na pagngiti. Paano siya sasagot nang matino kung ang lagkit ng tingin sa kanya ni Balti? Sinisilip pa nito ang mukha niya. Nang-aasar o nagpapa-cute? Ewan! Basta iba talaga itong makatingin. Feeling niya malulusaw siya. Kainis talaga!
"Walaa!" asar na sagot niya.
"O, akala ko ba meron?"
"Huwag mo kasi ako tignan nang ganyan."
"Paano ba kita tignan?"
"Intense."
"Gaano ka intense po ba, ma'am?"
"Balti," saway niya rito.
"Bakit mahal ko?" malambig na tawag nito sa kanya.
Pigil na pigil niya ang sariling kilig. Nag-iinit na magkabilang pisngi niya. Does he have to be this handsome and adorable at the same time?
"Behave!"
Umayos ito ng upo. Tapos biglang mangungulambaba. Aayos ulit ng upo. Iinom sa drinks nito. Ngingiti sa ibang direksyon.
"Hindi nga," baling ulit nito sa kanya, "girlfriend na kita?"
"Oo nga. Kakasabi ko lang -"
He chuckled, "Ang tanda-tanda ko na pero bakit feeling ko bumalik ako sa pagka-teenager?"
"Kilig ka?"
"Sa tingin mo, hindi?"
"Seryoso?"
"Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig kamay ko. Hawakan mo." He held one hand at her. Namilog naman agad ang mga mata niya nang maramdaman ang lamig ng kamay niya nang hawakan niya. "See? Pwede nang ilagay sa pitsel at timplahan ng juice."
"Bakit ka nanlalamig?"
"Hindi ko alam," he chuckled. "Sa saya?"
"Saan mo hinuhugot kalandian mo kung kinakahabahan ka pala sa mga ganitong pagkakataon?" Tawang-tawa siya talaga kay Balti. "Okay ka pa? Humihinga ka pa naman yata. Girlfriend mo na ako. Huwag mo akong i-literal-ghost. Susundan talaga kita sa kabilang buhay!"
"Mas kabado pala ako sa panliligaw ko sa'yo kaysa noong in-defend ko ang final study ko noong nag-doctoral ako sa Spain."
Namilog ang mga mata niya. "Doctoral degree holder ka na?"
He chuckled, "Matagal na."
"Wow! Late na ba na i-congratulate kita?"
"Hindi pa naman basta ikaw."
"Hala, grabe! Nakaka-proud, Balti." Seryoso, natutuwa siya nang sobra sa achievements nito. "Ang galing-galing mo talaga."
"Nasimulan mo na ang masters mo dati. Hindi pa naman huli na ituloy mo."
Napangiti siya. "Soon. Itutuloy ko talaga siya."
"I know you will."
"Pahiram muna utak."
"Kiss mo muna ako."
"Sa noo."
Tawang-tawa ito. "Mamaya sa sasakyan." Namilog ang mga mata niya. "Pero sa lips."
"Hoy!"
"Hahaha!"
TUMIGIL ang sasakyan nang mag-red-signal.
"Mahal, may naisip ako bigla." Pinisil nito nang bahagya ang kamay niya na hawak-hawak nito para bumaling siya. "Tignan mo muna ako. Mamaya na 'yan." Natawa siya.
Busy pa rin siya sa pagbabayad ng bills online. Tatapusin na niya 'to bago pa niya itakas ang pera.
"Ano?"
"Weekend naman bukas. Busy ka ba? May kailangan kang tapusin sa school? Mag-outing tayo kasama ni Maha."
"Wala naman," umiling siya. "Natapos ko na 'yong dapat tapusin ko this week so free ako. Saan naman tayo?"
"Mag-iisip pa ako kung saan."
"E ang tanong, sasama ba sa atin si Maha?"
He chuckled, "Kidnapin ko si Juan."
"Hindi si Maha?"
"Kailangan ko ng alay."
Lalo siyang natawa. "Sure ka?"
Ngumisi ito. "I'll call Sep."
"Hindi tayo handa -"
"We can managed."
"Paanong managed?"
He smiled. "Just trust me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro