Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

AND he suddenly stops.

There was a mere second of silence in between them. Kumurap siya. Pinakinggan ang tibok ng puso niya. It was still beating fast but it's beginning to slow down. Balti's face was still buried in her neck and she was clutching his shirt for support. Halos pareho lamang ang paghinga nila. Malalim pero tila naghahabol.

"Balti -"

"I can't take you like this," he rolled on her sides without letting her go. Balti tucked her in his warm embrace. Hinalikan nito ang noo niya. "I want to... but... I know it's not yet time." Iniyakap niya ang mga braso niya rito. Inayos naman nito ang kumot para sa kanilang dalawa. "I will not make love with you unless I feel worthy of your love, Nin."

Umangat ang tingin niya rito.

Nakikita niya. It reflected in his eyes. The passion of how much he wanted her. Alam niya na 'di 'yon basta imahinasyon lang. And even if she would be willing to give herself to him at that very moment ay alam niya na hindi pa talaga siya handa. But she appreciates his control and respect for her. Alam niyang bibigay rin siya kung 'di tumigil si Balti.

"Bakit mo ba laging iniisip 'yan?"

Mapait itong ngumiti. "Dahil alam ko na 'yon ang totoo."

"Anong totoo?"

"Na kailangan ko munang bawiin ang mga taong lumipas na sinayang ko. I know ayaw mo nang balikan natin ang nakaraan and even if I wanted to... I just couldn't ignore it. I've incurred you a lot of pain than happiness. At ang kapal ng mukha ko para ipagpilitan ang sarili ko sa'yo na hindi naghihirap."

Natawa siya. "Hindi ka pa nahihirapan sa lagay na 'yan, ah?"

"God, you don't know how much I'm controlling myself," he groaned. "I think I needed another cold shower. 'Yong mag-ye-yelo na ako sa lamig. Magiging IcedTi na ako."

"Gage!"

He chuckled, "Ice na Balti, IcedTi."

Alam niya dahil ramdam niya ang umbok ng pagkakalalaki nito kanina. Kung paano nito nagawang lagyan ng unan ang pagitan nilang dalawa ay multi-task talent na 'yon ni Ser.

"Saan mo ba nakukuha 'yang mga kalokohan mo?"

"Innate talent, mahal" Natigilan siya sa endearment na tinawag nito sa kanya. "But I feel proud of myself," napatitig siya rito, nakangiti na ito ngayon. Pero 'di siya maka move on sa tawag nito sa kanya. Kinikilig siya. Attentive pa rin naman siyang nakikinig pero 'di na masyadong nag-retain sa isip niya. Summarized na lang. "Feeling ko may nagawa rin akong tama para sa relasyon natin."

"Patayuan na ba kitang rebulto sa tabi ni Rizal?"

Tawang-tawa ito. "I don't recommend. Ibigay na lang natin sa kanya ang katahimikang pinaglaban niya."

Natawa siya sabay hilig ng ulo sa dibdib nito. "Thank you," aniya, ipinikit niya ang mga mata.

"Hmm?"

"Really, Balti, you don't need to do anything."

"Says who?"

She chuckled, "Bahala ka na nga sa buhay mo."

"Huwag naman ganoon, mahal. Pakialaman mo na rin naman buhay ko minsan."

"Sure ka?"

"Kahit 'di ako sure, sige lang. Ako na mag-a-adjust."

Natawa ulit siya. Loko-loko talaga 'to!

"Matulog na nga tayo."

"Date tayo bukas."

"Hmm?" Marahas niyang naiangat muli ang tingin dito. Sumilay ang isang pilyong ngiti sa mukha nito. "Date?" Seryoso?

He nodded. "I think we've never had our official date as a couple."

"Anong nakain mo?"

"Ikaw -"

"Hoy!"

Tawang-tawa ito. "Joke lang! Pero seryoso, Nin. Let's go out on a date tomorrow. I've always wanted to hold your hand in public. Holding hands while walking with sway-sway, ganoon."

Humagalpak siya ng tawa. "Ang korni mo!"

"Ayaw mo?"

"Ewan ko sa'yo. Itulog mo 'yan."

"Okay, pero promise mo muna gagawin natin 'yan bukas." He raised a pinky finger. Namilog nang husto ang mga mata niya. "Sabihin mo, I promise to hold Balti's hands while walking with sway-sway," anito, halata namang nagpipigil ng tawa.

"Ano ba 'yan, Balti -" Napasinghap siya nang puwersahan nitong iangat ang isang kamay niya. Ito pa mismo ang nagtiklop ng apat niyang daliri maliban sa pinky finger niya. "Hoy!" At pinag-link ang mga pinky fingers nila.

"Sabihin mo muna bago ko pakawalan daliri mo," ngisi pa nito.

"Nakadikit na 'yan 'di pa ba sapat - aw!" Umawang ang labi niya sa sakit nang higpitan nito pagkaka-link ng hinliliit nito sa hinliliit niya. Anak ka talaga ng chalk, Bartholomew! "Oo na! Oo na! Ang sakit, ha?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"Bagal, dali na!"

"I promise to hold Balti's hand while walking with sway-sway."

"Isa pa," he grinned.

"I promise -" Hinila niya ang kamay sabay tuktok sa noo nito. " - yang mukha mo!" Tawang-tawa naman ito sa ginawa niya. "Grabe, ang tigas ng bungo mo! Ilang layer pa ba bago ang utak mo?" Sumakit likod ng kamay niya. No joke!

"Kung si Tor malapad noo. Ako naman, matigas ang noo."

"Kaya kayo mag-bestfriend!"

"Pareho kaming magiNOO."

Tawang-tawa siya. "Bahala ka na nga! Matutulog na ako."

Tinalikuran na niya ito. Akmang lalayo siya nang mabilis nitong maiyakap ang mga braso sa baywang niya. Napasinghap siya sa biglang paghila nito sa kanya. Napakurap-kurap siya. Balti rested his head on her shoulder.

"Matulog ka sa tabi ko hindi sa kung saan-saan ka pupwesto."

Pigil niya ang ngiti. "Sorry naman." Pero 'yong kilig niya hanggang next year na yata. Masakit na sa panga ang pagpipigil ng ngiti. "Bal, patayin ko lang lampshade." Bahagya nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya para maabot niya ang switch ng lampshade.

"Kapag nahuli ka sa pagpatay mo riyan, labas na ako, ah."

Tuluyan nang nawalan ng ilaw sa buong silid.

Tawang-tawa siya. "Don't worry, 'di ko sasabihin na ako ang pumatay." Pinihit niya ang sarili paharap dito at yumakap. "Inosente po ako," she chuckled.

Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kanya. Lalo siyang napangiti. Sa tingin niya ay mapapadalas ang yakap niya rito. Naadik na siya sa mga yakap ni Balti.

"If being handsome is a crime," he murmured, "then I apologized." Pigil na pigil nito ang tawa pagkatapos. Napalo niya ito sa dibdib. "Aw!" daing nito na siyang nagpalabas ng tawa nito.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi pero natawa pa rin siya.

"Gisingin mo ko ng 4 am," pag-iiba niya.

"Bakit?"

"Lilipat ako baka ano pa isipin ni Maha kapag nagising siya na wala ako."

He chuckled, "Bakit feeling ko kung lalaki si Maha mas mahal mo pa siya?"

"Gage!"

"Either way, I love you both."

"I know, kahit na hobby mong pigtasin pasensiya ng kapatid mo."

"I call that love."

"Mukha mo!"

"Gwapo."



"HINDI po ba nagkita ulit sila Nennilo at Nennella, kuya?"

Kumurap ang sampung taong gulang na si Hanael. Inilipat niya sa sunod na pahina ng kanyang lumang kwaderno para mabasa ang kasunod na pangyayari. Habang naglalaro ang karamihan sa mga ka edad nila ay binabasahan niya ng kwento ang limang taong gulang na kapatid na si Marta sa labas ng kanilang bahay.

"Matagal pa bago ulit sila magkita," sagot niya.

Isinusulat niya ang mga kwentong nababasa niya sa silid aklatan sa bayan. Wala siyang pera pambili ng aklat at natuto lamang siya dahil mabuti ang tagapangalaga ng aklatan. Hinahayaan siya nitong magbasa kapalit ng pagtulong niya na ayusin ang mga aklat sa lalagyanan nito. Naglilinis din siya roon.

Hindi marunong magsulat at magbasa ang kanyang bunsong kapatid kaya siya ang nagtuturo rito. Madali itong turuan kung idadaan niya sa mga kwento.

"Kuya, huwag mo ako iiwan, ha?"

"Hmm?"

"Natatakot ako na mawala ka." Yumakap ang kapatid sa kanya. "Huwag na huwag mo ako iiwan."

"Huwag kang mag-alala." Hinaplos niya ang buhok nito. "Hinding-hindi tayo magkakalayo." Lumapad ang ngiti ng bunso niyang kapatid. "Pangako ko."

"Pangako mo -"

Biglang nagkagulo sa paligid. Naghalo ang sigawan. Pagkabasag ng mga bote at paso ng halaman. Sumabog ang alikabok kasabay ng halinghing ng kabayo. Tinakpan niya ang mga mata at ilong ng kapatid. Mariin ding nakapikit ang kanyang mga mata habang pinipigilan ang paghinga para hindi malanghap ang alikabok sa daan.

Iminulat niya ang mga mata at huminga muli. Bumungad sa kanya ang isang itim na kabayo na may sakay na isang lalaki na nakagayak sa bakal.

"Hanael! Marta!" sigaw ng kanilang ina mula sa loob ng bahay. "Pumasok na kayo!"

Ngunit hindi niya magawang sumunod sa ina. Nang bumaba ang tingin ng lalaking natatakpan din ng bakal na maskara at tumitig ito sa kanya.

"Hanael!" sigaw ulit ng kanyang ina.

Hinugot nito mula sa baywang ang espada at itinutok 'yon sa kanya.

Napabalikwas ng bangon si Balti.

Habol-habol ang hininga na kinalma niya ang sarili. Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Calm down, Balti. Mayamaya pa ay unti na ring bumabalik ang normal na tibok ng kanyang puso. Madilim pa sa labas. Bumaba ang tingin niya sa mahimbing pa ring natutulog na si Niña.

He sighed.

Mabuti na lamang at hindi niya ito nagising. Tinignan niya ang oras sa digital clock niya sa mesita. It was still 2 am. He should go back to sleep. Muli siyang humiga sa kama. Pinagdaop niya ang mga kamay sa itaas ng kanyang tiyan at tumitig sa kisame.

That little girl.

Ang batang babaeng kamukha ni Maha noong bata.

Bakit napapaginipan na naman niya ulit? Pero sa pagkakataon na 'yon may ibang karakter nang nagpakita. Who was that fully armored man? At bakit nito tinutukan ng espada ang batang lalaki? Is he trying to kill that boy?

Bumuga siya ng hangin at muling ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang gumalaw sa tabi niya si Niña. She snuggled closer to him. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling dito. Umayos siya ng higa at hinayaan itong umunan sa isang braso niya - gently, dahil ayaw niya itong magising. Her hand rested on his chest. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa maganda nitong mukha.

Somehow, it made him feel better.

He laced his fingers with her and let it rest on his chest.

And closed his eyes.

Niña always makes him feel better.



"SA simbahan na 'to ako hiniling ng mga magulang ko," nakangiti niyang kwento kay Balti habang papasok sila sa lumang simbahan ng Basilica Menor del Santo Niño. "That's why I was named Niña." Halos hindi na nito binibitiwan ang kamay niya. Sinasaway na nga niya kahit nag-da-drive. Aba'y isang kamay lang gamit sa pagmamaniobra ng manibela!

Balti chuckled.

Bahala ito, dahil ikukwento pa rin niya.

Hanggang magsawa ito!

Madaming tao kasi Linggo. Madami ring turista na dumadalaw sa simbahan. Isa kasi ang Santo Niño sa tourist destination sa Cebu. The church was more than 200 years old if based on when the church was consecrated and was fully built. Pero kung bibilingin naman kung kailan talaga dumating ang Sto. Niño sa Cebu. Mag-pa-500 years na next year, 2021.

Malaki ang Santo Niño. 'Yong main church ay 'yong simbahan talaga na nagawang i-preserve sa mahabang panahon. Buti na lang naayos ang bell tower na nasira noong malakas na earthquake noong 2013. Nabalik naman ulit ang ganda ng simbahan. Across the church is the open ground church kung saan may specific scheduled mass. Usually, sa 9 days novena before the feast day of the Holy Child doon ginaganap ang misa. Kumbaga, special mass sa labas madalas.

Pero nasa loob sila kung saan madaming mga devotees na lumuluhod sa aisle papunta sa altar. She really loves the interior of the church. It was a classic church. The beauty of it never fades.

Nakangiting napatitig siya sa altar.

Napangiti siya.

This church will forever hold a very special place in her heart.

Naupo sila sa isa mga church pew. Nauna pang lumuhod sa kanya si Balti sa church kneeler. Hinayaan na lamang niya dahil sumunod din naman siya rito. Pinagdaop niya ang mga kamay at taimtim na nagdasal. She had been praying for him in this church. Kahit na sobrang imposible but she didn't lose hope.

At ngayon, magpapasalamat na siya.

I've prayed for this day to come and thank you for the patience, Lord.

Nang matapos siya ay nakaupo na pala sa likod niya si Balti. Napangiti siya sa ngiti nito. She sat down beside him.

"Anong pinagdasal mo?" tanong niya.

"I prayed for us."

Namilog ang mga mata niya rito. "Para sa ating dalawa?"

He nodded.

Ibinaling nito ang tingin sa altar. "It's a secret prayer between me and God," and smiled. "Kapag natupad na." He glanced at her. "You will be the first person to know." Balti playfully pinched her nose.

"Malalaman ko rin 'yan."

"In time, mahal."

She tried her best to surpressed her smile. Nasasanay na talaga itong tawagin siyang Mahal. Kaso hindi pa niya kayang mag-endearmant-back dito. Hindi sa ayaw niya pero baka maging sabaw pa.

"Saan tayo after?"

"Hmm," he gave it a thought, "CNU?"

Napakurap siya. "Anong gagawin natin doon?"

"A trip to memory lane."

Pigil niya ang tawa. Syempre, nasa simbahan pa rin sila kahit walang misa. "Actually, gusto ko na ayaw. Maalala ko lang na may ex ka roon."

Naikiling nito ang ulo sa kaliwa. Napaisip ulit. Napakamot pa sa noo. Bahagya siyang natawa. Nasisira talaga mukha nitong si Bartolome kapag bino-brought-up niya ex nito.

"But it's fine. Pero papasukin ba tayo roon?"

"Hindi naman tayo papasok. Magpapa-picture lang tayo sa gate." Tumayo na ito. Hinawakan ang kamay niya saka siya marahang hinila sa direksyon ng exit. "Let's go."

Lihim na lamang siyang napangiti.

So in other words, throwback pala ang nais ni Ser sa date nila. Well, hindi na rin masama.



TAWANG-TAWA siya nang mag-photoshoot pa talaga silang dalawa sa labas ng Cebu Normal University. Pareho naman silang Alumni roon pero dahil Sunday. Hindi sila makakapasok. Hindi rin nila dala ang Alumni ID nila.

"Tama na nga," aniya, pigil na ang tawa. Ramdam na niya pananakit ng pisngi. "Halika na, tayo na."

"Tayo na?" he smirked.

"Tayo namang dalawa mag-picture!"

Tumawa ito. "Ayusin mo kasi. Akala ko naman, tayo na."

Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan. Lalo na 'yong guard sa may gate. Mukha silang baliw. Malapit pa naman 'to sa police station. Huwag sana sila makaladkad nang wala sa oras. Lumapit na ito sa kanya at inakbayan siya. Inangat ang cell phone sa ere para makapaselfie silang dalawa.

"Four, three, two, one, pass your papers!"

Ngumiti siya, halos maningkit na ang mga mata kahit nakasalamin. Takte, pigil na pigil niya ang tawa dahil sa sinabi ni Balti. Mga tatlo o limang beses in-tap ang screen ng cell phone nito kaya malamang madaming sabaw na mga kuha rin doon.

"Patingin!"

Sabay nilang tinignan ang screen ng phone nito.

"Oy, Nin, nawawala mata mo."

Tawang-tawa ulit siya. "Loko ka! Mulat pa 'yan."

"Cute mo riyan. Kasing cute ko."

"Bagay ba tayo riyan?"

"Hmm," he tilted his head, "hindi." Kumunot ang noo niya. "Hindi tayo bagay dahil tao tayo, tao." Pinalo niya ito sa braso. Humagalpak lang ito ng tawa. "O, bakit ba? Tama naman ah."

"Pangit mo ka bonding!"

"Hindi ko talaga kayo maintindihang mga babae. Kapag nagbiro, korni. Kapag sumeryoso, pangit ugali. 'Yong totoo, ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?"

Tawang-tawa siya. "Bwesit ka!"

Binulsa nito ang cell phone. "Ang labo n'yo kausap. Dapat sa inyong mga babae. Kapag inaaway n'yo kami lapagan na agad ng exam. Matatahimik tayong lahat. Babe, 'di ko sure kailan pinalaya ang Pilipinas. Alam mo ba? Boyfriend: Babe, 'di mo alam kailan Independence Day pero alam mo eksaktong araw, buwan, taon, at oras kung kailan nagkita ulit kami ng ex ko. Why naman ganoon?"

Potek ka, Balti!

Ang sakit na ng panga niya kakatawa.

"Kaya kapag nag-away tayo. Ipi-print ko 'yong review test questionare natin noong board exam para tumahimik tayong dalawa. Paunahan tayong matapos. Kapag mas malaki score ko, bati na tayo. Kapag mas malaki score mo, bugbugin muna ako."

"Ang daya, mas matalino ka sa'kin!"

"Ayon na nga ang point nun, mahal. Simple problem, provide a simple solution."

Magkahawak ang kamay na naglakad sila sa daan. Ewan, saan sila papunta. Wala rin naman siyang problema kahit mawala pa silang dalawa. In-park lang nila ang kotse ni Balti sa E-Mall at naglakad na lang sila papuntang CNU. Malapit lang din naman at maganda rin ang panahon. Hindi mainit. Hindi rin makulimlim masyado. Medyo malakas lang ang hangin.

"Ano ba lamang ng utak mo? Ang galing mo lumusot."

"Based on Science o based in my heart?"

"Ako laman ng utak mo?"

"Hindi, mga 100 billion nerve cells."

"Ang kulit mo!"

"Kailan ba hindi?"

"Seryoso nga."

"Wala 'yang laman. Kunwari lang meron."



"ONE, two, three!"

Balti pulled the rope of the wishing bell at automatic silang napalayo sa ilalim ng maliit na bell nang magpanting ang magkahalong matinis at malakas tunog ng bell sa tenga nila. Tawa sila nang tawa - ignoring the curious stares of people.

"Shuks!" Takip-takip niya sa mga tenga ang mga palad. "Ang lakas pala niyan!" Sabay tawa.

Inalog-alog ni Balti ang tenga. "Walangya!"

Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. He smiled and let her. Hinatak niya ito sa isa sa mga long benches na paharap sa magandang skyline view ng Cebu City. Nanlalamig na mga kamay at pisngi niya, but good thing, Balti's hand was still warm.

Last stop na nila 'yon for today. Ang dami na nilang napuntahan. Halos naglakad lang sila sa daan at nagkulitan. Kumain din sila ng pungko-pungko. Mga nagtitinda ng pagkain sa gilid ng daan.

Hinila niya ito paupo sa tabi niya.

"Woah! Taking your revenge now, ha?"

She just gave him her sweetest smile. Napailing ito at muling natawa. Feeling niya mauubosan na siya ng hangin sa kakatawa at ngiti. Umakyat sila ng Tops Lookout sa Busay. It's sort of a little Baguio in Cebu. Pabundok na at kapag gusto mong panoorin ang buong Cebu City at kalapit na municipalities ay perfect ang lugar na 'yon.

Hindi pa siya nakakapunta roon kaya tuwang-tuwa siya nang pumayag si Balti na samahan siyang panoorin ang sunset at night view sa Tops. It was a sight to behold. Sa sobrang stress niya bilang teacher. It's rare for her to visit places like this. Mas gugustuhin na lamang niyang matulog at maglaba ng uniform.

"Sayang 'di natin napuntahan ang SNHS," tukoy niya sa school nila noong high school. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. "Mas madami akong takeaway memories doon."

Ramdam na ramdam niya ang malamig na ihip ng hangin sa paligid. Wala siyang dalang jacket pero meron si Balti sa sasakyan. He lend it to her dahil kaya naman daw nito ang lamig. Unti-unti na ring nagbabago ang kulay ng kalangitan. The purple and pink skies stretched the whole blue skyline. The whole city seemed like an ocean of fireflies in her eyes.

"Maybe some other time kapag 'di tayo busy."

Tumango-tango lang siya. Napansin niya naman na panay ang singhot ni Balti. Marahas niyang naiangat dito ang mukha. Tawang-tawa siya dahil panay pisil nito ng ilong.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Ang lamig."

Sinisipon na ito sa lamig ng hangin. Siya nga e, feeling niya nagpahid siya ng yelo sa pisngi. Nilanghap na yata niya ang sariwa at malamig na hangin sa paligid.

"Akala ko kaya mo ang lamig?"

"Akala ko rin," he chuckled. "But it's bearable. Huwag mo na ako pansinin." Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "I'm fine."

Napangiti siya. "Anong hiniling mo sa wishing bell?"

"Jacket -"

Natawa ulit siya. "Alam mo, bakit ba kita tinatanong ng mga seryosong bagay e alam ko naman na 'di mo ako sasagutin ng seryoso?"

He suppressed his smile and shrugged.

"Hindi nga, ano?"

"Nakalimutan ko. Na erase nung tunog ng bell."

She eyed him. "Ang hirap mo paaminin!"

He chuckled, "Alam ko."

"Tsk!"

"But honestly, Nin. Wala akong hiniling. Gusto ko lang patunugin ang bell. Masakit din pala sa tenga kahit na maliit. Actually, may kwento ako niyan. Hindi ko sure kung nasabi ko na sa'yo noon o hindi. Remind me na lang."

"Tungkol saan?"

"Alam mo naman na napilit ako ng nanay ko na maging altar boy noong grade six ako, 'di ba?"

She nodded. "Oo."

"Well," bahagya itong natawa, "may one time, ako naka assign magpatunog ng kampana sa bell tower ng simbahan so I didn't complain 'cause I was also curious paano 'yon. Feast day 'yon ng simbahan namin. Itinuro naman na sa'min paano ang tamang pagtunog ng kampana. Kaso... medyo tumagilid talaga ako roon."

"Hoy, anong ginawa mo?!"

"'Yong sacristan mayor namin ay pinapapunta na ako doon sa bell tower. Wala akong mahila na kasamahan. Busy lahat. So ayon, noong nandoon na ako, hinila ko 'yong lubid, grabe mabigat pala 'yon. Akala ko, tama 'yong tunog ko. Tapos bigla 'yong sacristan mayor inakyat ako at hinila palayo sa lubid. Stress na stress siya kasi kampana ng patay ang ginawa ko e pista 'yon."

Hagalpak ito ng tawa.

Napakurap siya. "Hoy!"

"Muntik na akong masako ni Beatrice pag-uwi ko." Naniningkit na ang mga mata nito kakatawa. "Buti napakiusapan ni Fr. Andrei."

"Gage ka, ang creepy ng tunog ng kampana ng patay."

"Imagine the look of the people in the church? Pati si Fr. Andrei na stress sa'kin. Dalawang panyo na pinahid sa mukha."

"Katulad lang din doon sa paglagay mo ng mentos sa coke noong Club Hopping. Stress na stress mga teachers at si Tor sa'yo noon."

"But I'm a changed man now."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I don't think so."

Tawang-tawa ito. "Grabe!"

"Well, siguro, na lessen lang 'yong kapilyohan mo dahil naging teacher ka. O baka, napunta sa ibang bagay ang kapilyohan mo."

"Specifically saan ako mas pilyo ngayon?" he smirked.

Naalala niya 'yong library kiss at ang almost love making nila kagabi. Ayaw niya sabihin 'yon dito. At alam niyang mag-iinit ang mga pisngi niya kapag pinag-usapan nila 'yon.

"Ewan ko," sabi na lang niya. "Malay ko kung saan 'yon napunta."

He chuckled, "I know what you were thinking earlier."

"Wala akong iniisip!"

"O, bakit nakasigaw ka?"

"Basta, wala."

"Naiinis ka sa isang tao o sa isang subject kapag naniningkit na mga mata mo. Maliban na lang kung may sino-solve kang math problem. Gutom ka na kapag tulala ka. Pero madalas galit ka na nun," he chuckled and continue. "Laging 'ha' ang sagot mo kapag nawawala ka sa topic. Meaning, kinakausap mo sarili mo sa isip habang nagsasalita 'yong tao. Nawawala ka kapag malungkot ka. Ngumingiti ka mag-isa kapag nagbabasa ng libro at nanood ng Anime. You always daydream when you have time." He met her gaze. "Ayaw mo gumastos pero kapag 'di mo kinaya, 'I deserve it' ang motto mo. Pinag-iisipan mo ang isang bagay bago mo gawin. You're patient, sweet, smart, strong, and fun to be with. You love your parents so much. You love my sister. You love to teach and rant at the same time. You like kids so much even though they're a mess. Higit sa lahat, Ma'am Niña, nanakit ka kapag tuwang-tuwa ka."

Namilog ang mga mata sa pagkamangha. Inisa-isa nito lahat ang mga katangian niya na halos hindi niya maamin sa sarili. He knew her more than herself. Natawa siya sa huling sinabi nito.

"Oy, 'di kaya!"

"Nanakit ka po."

"Gawa-gawa mo lang yan e -" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang pakawalan nito ang kamay niya para ipitin sa mga palad nito ang mga pisngi niya. "Bwalti -"

"Anong isda 'to?" Pinalo niya ito sa braso. "O, kita mo? Namamalo ka!"

Tawang-tawa siya. "Sawyolawngnam -" Natigilan siya nang halikan siya nito bigla sa labi. Mabilis lang. Napakurap siya nang lumayo ito.

"I love you," he mouthed and smiled.

It was the second time she has heard that from him.

Last night and now.

It always makes her heart skip a beat.

Biglang luminaw sa pandinig niya ang kantang pinapatugtog mula sa isa mga food stalls doon. She was not familiar with that song but it was perfect for that moment.

Waiting on someone who'll never be yours. It sounds stupid, bizarre. But you stay a little more. Yes, you wait. Oh, you wait.

Binitiwan na siya nito at nakangiti pa ring inalis ang ilang hiblang buhok na kumawala sa naka ponytail niyang buhok. Dumikit ang ilan sa mukha niya. Titig na titig siya rito habang busy ito sa pag-aayos ng buhok niya.

Imagination, fantasy, it's all in my head. All the things, we would've said. This addiction won't end. While I wait. Oh, while I wait.

"I love you too."

Natigilan ito, dahan-dahang naibaba ang tingin sa kanya.

And, oh, this feeling just won't end.

Muling nagtama ang kanilang mga mata.

Take your time.

She smiled.

Ooh-ooh-ooh-ooh.

"Sabi ko, mahal din kita."

Take your time.

Unti-unting sumilip muli ang ngiti sa mukha nito.

Ooh-ooh-ooh-ooh.

Umayos ito ng upo sa tabi niya at tinitigan lamang siya. He was looking at her like she was his most favorite book. His eyes were smiling even though his lips were suppressing it.

"O, na saan na ang sagot mo?" she demanded.

But instead of getting an answer ay niyakap siya nito. "It must have been tough," humigpit ang yakap nito sa kanya, "waiting for me all these years."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Those words hit differently. Bumalik sa alaala niya ng mga taong lumipas. Sa tuwing pinapalitan niya ang kalendaryo. Hindi naman siya makausad sa pagmamahal niya rito.

The pain stayed in her heart but she couldn't fully let it go.

Naisip niya, paano niya nakaya ang sakit at pagkabigo niya kay Balti? How was she able to live in a lie that she was happy even if she miss him so much?

It has always been easy to advise yourself to let go, but in reality, a love that is true will never be an easy task to get rid of.

And despite the uncertainties...

... she chose to wait.

"But you don't need to wait anymore. I will not make you wait anymore." Tears welled up from her eyes. Gusto niyang humagulgol ng iyak sa dibdib nito pero pinigilan niya. "I'm here." Yumakap siya nang husto rito - buried her face on his chest and cried silently.

There's no turning back for me, I'll be. I'll wait 'til the mountains cross the seas. 'Til all the secrets are set free. Meeting you there on bended knee.

A/N: Song title is, Wait by Over October ❤️ Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro