Kabanata 25
"HINDI pala nagbibiro ang batang 'yon," mahinang sabi ng mama niya. "Sinagot mo na ba?" Bahagya pa itong sumilip sa kabilang grupo sa malaking sala ng bahay ni Balti. Hindi naman siya na inform na groupings pala ang magaganap ngayon.
"Ma -"
"Yiie, sabi na e." Yumakap sa kabilang braso niya si Kath - walang paglagyan ang kilig. "Malakas talaga ang feeling ko na nagtataguan lang kayo ng feelings ni Kuya Balti. Sa wakas! Nagkahulihan na. So kailan ang kasal, Ate Nins?"
"Nasa tamang edad ka na para mag-desisyon. Kung mahal mo naman e at mahal ka naman ni Balti ay hindi na ako tututol sa inyo."
"Pero Ate Nins, not that I'm doubting, ha? Pero hindi naman kontrolado ng gayuma ang mga desisyon o feelings ni Kuya Balti now, 'di ba? Kasi side effects na lang naman ang natira."
"Wait -"
"Yon nga rin lang inaalala ko," dagdag ni Mama. Hindi na naman siya nabigyan ng chance magsalita. "Anak, hindi sa ayaw ko kay Balti pero sigurado ka na bang hindi gayuma ang nagtulak kay Balti para ligawan ka. Ayokong masaktan ka sa huli -"
"True, Ate Nins. I-assure mo muna kami. Again, not that I'm doubting Kuya Balti's feelings for you pero alam mo na. 'Di ba, Tita Ca?"
Tumango-tango ang mama niya.
"Anak," Hinawakan ng mama niya ang dalawa niyang kamay. "Wala pa naman sigurong nangyari sa inyo ni Balti, 'di ba?" Literal na nanlaki ang mga mata niya. "Sabihin mo, hindi naman ako magagalit."
"BARTHOLOMEW," napangiwi siya sa pagtawag ng ina. Low and well modulated voice na tila ba sinisita siya sa ginagawang kalokohan. May dalawang kampo ngayon sa sala niya. Groupings na nga yata 'to. Ano kayang output nito pagkatapos? "Binabalaan kita ngayon pa lang. Mahal na mahal ni Carol ang nag-iisa niyang anak. I don't want you to hurt Niña. Kung hindi ka naman sigurado sa kanya ay huwag mo nang ituloy ang binabalak mo."
"Naku, Ma, 'di mo lang alam, baka nga may apo ka na next month," pandedemonyo pa ni Maha.
Pinanlisikan niya ng mga mata ang kapatid. She sticked her tongue out at him. Kating-kati siyang batuhin ito ng throw pillow.
"Aw -" Napangiwi siya sa higpit nang pagkakahawak ng ina sa braso niya. "Ma!" he hissed in a lower voice. "Wala namang pisikalan. Usap, usap lang. Idaan natin lahat sa demokrasya."
"Ginalaw mo na ba ang anak ni Carol?"
Titig na titig ang tatlo sa kanya. "Paanong galaw ba? - Shsh - Sheet!" Umawang bibig niya nang muling idiin ng ina ang pagkakahawak sa braso niya. Itong ama niyang 'di man lang tinubuan ng awa sa kanya. "Teka lang naman!"
"MAAA!" na eskandalo siya sa mga tanong. "Hindi, sa tingin mo magagawa ko 'yon agad? Marupok ako pero sa isip lang. Hindi sa gawa."
"Nagtatanong lang naman ako, Niña. Syempre, ina mo ako. Nag-aalala lang din ako. Hindi sa pinanghihimasukan ko ang buhay mo. Pero ibang-iba na ang panahon ngayon. Pati isip ng mga kabataan ay hindi na gaya noong kapanahonan namin."
"Ma, 'di na ako bata. Pinaglumaan na ako ng panahon." Tawang-tawa si Kath. Isa pa 'to. "At kahit na nasa edad na ako kung saan legal ko nang gawin ang mga bagay na gusto ko e wala naman akong lakas ng loob para gawin ang mga 'yon."
"Hindi mo sure," tudyo pa ni Kath. "Aw!" Napalo ito sa hita ng nanay niya.
Buti nga!
"Huwag kang sumabat sa mga matatanda."
"Pangit n'yo naman ka bonding."
"Makinig ka lang."
"Pero, 'di nga? Anong plano mo ngayon, Ate Nins? Kailan mo sasagutin si Kuya Balti?"
"UMAYOS ka!" Napangiwi ulit siya sa palo nito sa braso niya. "Kinakausap kita nang matino."
Bahagya siyang natawa. "Nakabaliktad ba ako?"
"Pa, paaminin n'yo 'yan. Lagi 'yan sila nagkukulong sa library."
"Ikaw -" Binato na niyang throw pillow si Maha. Pero nakaiwas. Lakas talaga ng reflexes ng 'sang 'to. Anak kasi ng lamang lupa.
"Ma, oooh!" Nagtago pa ito sa likod ng mama nila. "Dami pa nilang ginagawa - ouch!" Natawa siya nang ito naman ang paluin ng nanay nila. "Maaa, bakit ako? Si Kuya ang gumagawa ng masama rito."
"Isa ka pa, Maharlika! Trabaho mong bantayan ang kuya mo at hindi konsentihin."
"E 'di ko naman kinukonsenti e. Kaya ko nga ini-inform kayo para alam n'yo. Alam naman ni Niña na wala sa tamang pag-iisip itong si Kuya e bakit sini-seduce pa niya -"
"Maharlika," tawag niya rito, not even a smile on his face. He didn't like what she said. "Niña did not do anything. She did not seduce me. I know what I'm doing. I'm courting her because I feel something special for her. It's not solely because of the love spell although it did help me to realize everything, what I felt for her is real - it has and will always be real. I have known Niña and never did I doubt her genuineness for me - for us." Maha discreetly looked away. "And I hope, ganoon din kayo sa kanya."
There was a mere second of silence after.
"O, 'yon naman pala e!" basag ng ama. "Walang problema! Kung mahal nila ang isa't isa e sino ba naman kami para tutulan kayo? Nag-aalala lang 'tong nanay n'yo dahil hindi na iba sa atin si Niña. Parang anak na rin ang turing namin sa kanya. Natatakot lang 'tong si Beatrice na saktan mo ang anak ni Carol."
"E sa naiinis ako riyan sa anak mo, Juanito!" Masama pa rin ang tingin nito sa kanya. "Kung sana noon pa ay sinabi na niyang si Niña pala ang gusto niya 'di sana hindi na ako nag-effort na i-reto 'yang anak mo sa mga babaeng anak ng mga kaibigan ko. Ilang beses na akong napahiya sa tuwing tinatakasan niya ang mga unica hija ng mga kaibigan ko."
"E kung sana, Beatrice, inireto mo rin si Balti sa anak ni Carol e 'di sana matagal na tayong nagkaapo."
"Sinasabi mo bang kasalanan ko, ha, Juanito?"
Ngumisi ang ama nila. "Oy, 'di ah. Kailan ba kita sinisi, mahal ko?" Lumapit ito para yakapin ang mama mula sa likod. "Alam mo namang sa buhay ko. Si Beatrice Juarez ang batas, ilaw, hukuman, at katotohanan." Pasimple pa siyang kinindatan ng ama. "Lahat ng mga sasabihin ni Juanito Juarez ay hangin lang sa buhay ni Beatrice Juarez."
Natawa siya.
"Ah basta, ang akin lang e, ipangako mo sa'kin Bartholomew na huwag na huwag mong sasaktan ang anak ni Carol. Kaya pa kitang pagtakpan sa iba kong mga amega pero pagdating kay Carol ay hindi-hindi kita kokonsentihin. Ibabaon pa kita ng buhay sa ilalim ng flag pole!"
"Ma, kalma. Seryoso ako kay Niña. Kahit bukas agad pakasalan ko na e."
Sumilay ang malaking ngiti sa mukha nito. Uh-oh! Mukhang nasobrahan na naman siya ng pangungusap. No changes and erasures pa naman favorite exam ng nanay niya.
"Juanito, dali, tawagan mo na si Fr. Andrei."
"Kahit expired na ako, Mahal, tatawagan ko pa rin. Ang load mag-a-adjust."
"SASAGUTIN ko siya anytime."
"Ang rupok!" ni Kath.
Natawa siya. "Joke! Syempre kapag feeling ko pareho na kaming handa na i-level-up ang relasyon namin. Hindi naman ako nagmamadali. We will just take our time." She smiled. "No pressure."
"Ate, wala akong pasensiya. Gusto ko na maging bride's maid - " Napalo ulit ito sa braso ni Mama. "Tita naman! Alam ko na gustong-gusto mo na ring magkaapo."
"Sabing huwag sumabat sa mga nakakatanda. Huwag mo i-pressure ang Ate Niña mo. Walang mabuting naidudulot sa buhay ng tao ang pagmamadali." Muling hinawakan ng mama niya ang mga kamay niya. She met her mother's gaze. "Niña, anak, gaya ng sabi ko. Hindi ko na masyadong panghihimasukan ang buhay mo at ang mga desisyon mo sa buhay. Noon pa man ay malaki na ang tiwala namin sa'yo ng papa mo." Ngumiti ito. Umangat ang isang kamay para haplosin ang pisngi niya. "At simula pa noon ay alam ko na ang totoong nararamdaman mo sa kanya. Lagi mo lang tandaan na nandito ako para sa'yo."
Napangiti siya.
"Ako rin, Ate Nins! Resbak mo rin ako."
Ginulo niya ang buhok ni Kath. "Bakit ba ang hilig mo sumingit?!"
"WAIT! Wait! Wait!" Alanganin siyang ngumiti sa dalawa. "Kalmahan lang natin ulit. Let's not pressure, Niña. Hindi pa niya ako sinasagot."
"Inaayos mo ba naman panliligaw mo sa kanya?"
"Hindi pa ba sapat ang dalawang bag ng groceries?" biro pa niya.
"Ang weak mo naman, anak," ng Papa niya. "Wala ka pala sa'kin e. Ako, naku! Isang araw lang -" Inangat nang bahagya ng mama niya ang mukha sa papa. "Isang araw at isang taon na panliligaw ay nakuha ko na rin ang matamis na oo ng iyong ina. Kaya huwag mo alalahanin 'yan. Patience is a virtue."
Tawang-tawa siya. "Haba ng buhok ni Beatrice, ah!"
"Manahimik nga kayong dalawa." Napalingon sa paligid si Mama. "Teka nga, na saan ba 'yon si Maharlika? Hindi pa ako tapos sa kanya." Kumalas sa pagkakayakap si Papa rito. Naigala rin ang tingin sa paligid. "Tignan mo 'yong kapatid mo. Magaling talagang layasan tayo."
Hindi niya napansin ang pag-alis ni Maha. Pero alam niyang nagtatampo na 'yon sa kanya. Mamaya, kakausapin niya.
"Baka nag-banyo lang," sansala niya. "Babalik din 'yon."
"So okay na tayo?" ni Papa.
"Aba'y ano pa bang magagawa ko? Kaligayahan mo 'yan." Ngumiti ulit ito. "Matanda ka na, Balti. Alam mo na ang tama sa mali. Ilagay mo lang sa tamang lugar at oras ang panliligaw mo kay Niña. Ayokong makarinig na pinag-uusapan kayo sa eskwelahan."
Tumango siya. "No worries! We'll keep it lowkey."
Umakbay si Papa kay Mama. "Kung kailangan mo ng tip, tawagan mo lang ako, anak."
"I don't recommend."
Natawa siya. "Bea, one. Juanito, zero."
"Si Beatrice Juarez ang batas, ilaw, hukuman, at katotohanan," his father murmured, "aw!" singhap din nito pagkatapos nang tampalan ni Mama ang dibdib nito. "Naniniwala pa rin ako sa tunay na pagmamahal ko sa nanay n'yo."
"Times up!" sigaw ni Ate Grace. Ibinaba nito ang cell phone na hawak bago ulit iniangat ang mukha sa kanila. "Ma'am, Sir, tapos na po ang 20 minutes. Nakapagdesisyon na po ba ang lahat?"
Ibinaling niya ang tingin kay Niña. Sakto namang tumingin din ito sa direksyon niya. Ngumiti siya at pasimple pa itong kinindatan.
Mine, Niña Rosella.
"MAHA," tawag niya sa kapatid, he felt a sense of relief nang makasalubong ito sa labas ng gate ng bahay.
She didn't respond. Nilagpasan pa siya nito. He was about to look for her. Hindi na ito bumalik pagkatapos niya itong sagutin. He even called Chi and Au pero hindi raw ng mga ito nakita si Maha sa Faro. Ni hindi pa ito kumakain ng dinner at nakaalis na sila Mama.
"Maharlika," tawag ulit niya rito.
"What?"
Marahas na bumaling ito sa kanya. Umaapoy ang inis sa mga mata nito.
"Stop acting like a child," mahinahon pa rin niyang sagot dito. "Ilang taon na ang lumipas bakit umaarte ka pa ring wala kang alam? Alam mo ang totoo, Maha. You doubted her."
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko, kuya. Wala kayong alam kasi sino ba naman ako, 'di ba? Ako lang naman si Maharlika na walang ibang ginawa kundi ang bigyan kayo ng disappointment. Hindi n'yo alam ang mga pinagdadaanan ko kasi hindi naman ako, ikaw! Hindi naman ako ang favorite ni Mama. Hindi naman ako lagi ang tama para sa inyo -"
"Magtampo ka na sa'kin, Maha, pero Niña doesn't deserve it. Mahal na mahal ka nung tao. You could have at least hear her out bago mo siya hinusgahan agad."
"She still lied to me!"
"She didn't know."
"Don't tell me what to do dahil unang-una ikaw rin naman ang dahilan kung bakit kami nagkaganito. You're a coward, Kuya, since from the start! Hindi mo kami nagawang protektahan." Natigilan siya. Marahas na pinunasan ni Maha ang mga luhang umalpas sa mga mata nito. The hatred in her eyes didn't melt with her tears. He felt awful seeing his sister cry. "At some point in my life, I hated you!" Those words felt like a punch in his gut.
Maha turned her back and walked away.
Natulala siya.
At some point in my life, I hated you.
Marahas niyang hinubad ang salamin at nahilamos ang mukha.
"Damn it!" He cursed under his breath.
MAHA was unusually quiet tonight. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. After nitong magpalit ng damit at mag-half-bath ay humiga na agad ito sa kama. She was tempted to ask her kasi nag-aalala siya. Something was different. Alam niya kapag nagtatampo ito o naiinis. But she kept her concerns to herself. Sa tingin niya kasi dadagdag lang siya sa inis nito. Pinatay na lamang niya ang mga ilaw bago siya lumabas ng kwarto.
Kukuha lang sana siya ng tubig.
Pero kahit na noong pababa na siya ng hagdan ay napansin na niya si Balti. He was walking in the direction of the main door. Bahagya nang madilim sa paligid and it was already past 10 pm. Saan naman ito pupunta?
Dahan-dahan siyang bumaba na hindi masyadong nakakagawa ng ingay. Maingat na sinundan niya si Balti hanggang sa makalabas siya ng gate. Hawak-hawak pa niya ang tumbler niya. Medyo malayo na ito sa kanya at tila wala sa sariling naglalakad. Hindi nagmamadali at medyo mabagal. Paminsan-minsan ay yumuyuko ito at pinapatid ang mga maliliit na batong nadadaanan nito.
Nag-away ba sila Maha at Balti?
At nakapagtataka rin na hindi pa rin nito napapansing may nakasunod dito. Meaning, his mind is too preoccupied at the moment.
Nakasunod lang talaga siya rito hanggang sa lumiko ito sa playground ng Faro. Malapit 'yon sa picnic groove at ilang lakad lang din sa swimming pool para sa lahat ng residents. Naupo ito sa isa sa mga swings na naroon. Nakayuko. Malalim na malalim ang iniisip.
Hindi naman nakakatakot ang Faro sa gabi dahil madami namang bukas na lamp post. Lumapit siya at naupo sa swing na katabi nito. Ibinaba niya muna sa tabi ang dalang water tumbler.
"Nagsisisi ka na ba Ser?" basag niya.
Gulat na naingat nito ang mukha sa kanya. "Niña!"
She smiled. "Problema mo?" Bahagya niyang idinuyan ang sarili. "Hindi naman ako, 'di ba?" biro pa niya.
Natawa ito. "Iniisip ko kung kailan mo ako sasagutin."
"Hmm, baka next year," sakay pa niya rito.
Alam niyang iba ang iniisip nito. Kung tama ang hula niya. Nag-away talaga ang magkapatid. Kung dahil sa kanya, siguro.
He chuckled, "Kung next year pa ay isasabay ko na ang proposal ko para sa first monthsary natin, kasal na agad." Naibaling niya ang tingin dito. Umihip ang mabining hangin sa paligid kasabay nang marahang hampas ng mga dahon sa mga punong nakapaligid sa kanila. "I've already wasted a lot of years, Nin. I should have offered marriage instead of dating you. Higit pa sa pagiging girlfriend ang tingin ko sa'yo. At this moment," he warmly smiles, "I know I'm already looking at my wife."
Napakurap siya.
She didn't expect those words from him.
It was too sincere.
"Balti -"
"But I won't pressure you. You can take all the time that you need, Nin. Marriage is not something that we should rush. It's a lifetime commitment. A lifetime of patience, love, and understanding. Hindi 'yon isang degree program o graduate studies na pwede nating i-take for certain years at kapag 'di natin nagustuhan ay pwede nating i-drop."
"Ang lalim ah," she chuckled.
But deep inside, she agrees.
"I don't want to see you regretting loving me." She heard the sadness in his tone. "Gaya ng BBQ, ang pagsisisi ay parang taba ng baboy, laging nasa huli." Tumawa ito pagkatapos.
"Why would you think that?"
"'Cause, it's a witty analogy to explain a thought."
Bahagya lang siyang natawa.
Silence.
"Kung kaya ko lang, matagal na sana kitang kinalimutan," basag niya. Ramdam niyang nakatingin ito sa kanya. "Pero 'di ko magawa-gawa kahit na ang pathetic na sa pakiramdam. Naisip ko na baka kailangan ko lang ubusin lahat ng pagmamahal na meron ako sa'yo. Pero habang tumatagal, bakit parang 'di naman nauubos? Bakit parang nadadagdagan pa?" Mapait siyang napangiti. "Nakakainis 'yong feeling na gusto kitang kalimutan pero 'di ko magawa. Na halos magmakaawa na ako sa sarili ko na tama na. Tumigil na tayo. Pero nandito pa rin 'yong sobrang liit na hope na baka, isang araw, o sa susunod na taon, mabigyan ako ng chance na masabi sa'yo lahat nang pagmamahal na naipon ko sa nakalipas na taon."
"Nin..."
"Balti," bumaling siya rito, "kung natatakot ka na masaktan ako, ako rin. Natatakot din ako na masaktan natin ang isa't isa. Pero naisip ko, kung lagi nating iisipin 'yong takot, kailan tayo uusad? Kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Kapatid ng saya ang takot. Pero hanggang kailan natin iiwasan ang mga 'yan? Hindi ba pwedeng maging masaya tayo kahit hindi pa tayo buo?"
"Alam mo naisip ko na mas matapang kapa kaysa sa'kin."
"Lahat naman tayo may kinatatakutan. But if we stay in our comfort zone, we will miss a lot of chances in life. We don't always win in our battles but we always learn out of our failures. Sa tingin ko naman, as long as you know yourself, and you have God, walang mangyayaring masama sa'yo."
A smile slipped on his face. "I wish I was as strong as you, Nin." It didn't reach his eyes but she knew it was genuine and he meant it.
"You are strong in your own little way, Balti. Saka hindi ako kasing lakas ng iniisip mo. Iniisip ko lang na, oo, malakas ako, kasi kung 'di ko 'yon gagawin. Sinong gagawa nun para sa'kin? Your battle is yours. Their battle is theirs. Fear is inevitable but your happiness doesn't need to wait. Maging masaya ka, kahit na bukas iiyak ka. Kaya nga minahal kita nang mahabang panahon kahit na araw-araw naman akong umiiyak dahil sa'yo." Natawa siya sa sarili. "Pero worth it naman dahil kahit super delayed ng usad ng love story natin ay nandito ka na sa harap ko." Muli siyang ngumiti rito. "What matters now is what we have at the moment."
Tumayo ito mula sa swing at lumipat sa harapan niya. Naingat niya ang mukha rito nang ilahad nito ang isang kamay sa kanya.
"It's already late, Ninin," he smiled, "let's go home."
Napangiti siya sabay hawak sa kamay nito. Hinagilap niya muna ang water tumbler sa tabi bago nagpahila rito. Magkahawak-kamay na naglakad sila pag-uwi.
Hinatid pa niya ito hanggang sa harapan ng silid nito.
"Matulog ka na," aniya.
"Maaga pa naman."
"Anong maaga? Eleven na nga yata."
"Sanay ako sa puyatan." Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. He tilted his head to his right. His smile reminded her of an adorable child. "Sa tingin ko naman tulog na ang mga tao rito sa bahay." Umayos ito ng tayo. "Why don't you sleep with me tonight?"
Namilog ang mga mata niya rito. "Balti," saway niya rito sa mababang boses, halos bulong na nga.
He gently chuckled, "You don't trust me?"
I don't trust myself!
"H - Hindi naman sa ganoon -"
Hindi pa nga siya nakakapasok sa kwarto nito ay nag-iinit na ang mga pisngi niya. The last time na pumasok siya sa isang silid kasama nito ay iba ang naging ending nilang dalawa. Not that she was complaining. She did enjoy that kiss.
Pinihit na nito pabukas ang knob ng pinto. Hinila na agad siya nito papasok sa kwarto nito. Binati siya ng kadiliman kung wala lang ilaw na tumagos mula sa floor to ceiling glass window nito ay baka wala na talaga siyang makita. Half of the door was left opened. 'Yong makapal na curtain half lang din ang natakpan.
"Ang dilim," reklamo niya.
He chuckled.
She heard the lock on the door. Napalingon siya sa likod. Bakit ang hilig mag-lock nitong si Balti? Hindi niya maiwasang kabahan. She's comfortable with him pero ibang usapan na talaga kapag nag-lo-lock si Balti.
Iniwan siya nito para buksan ang lamp shade sa itaas ng bedside table nito. Isinirado na rin nito nang tuluyan ang bintana at tinakpan ng kurtina. Mayamaya pa ay naramdaman niyang lumalamig na sa buong silid nito.
The room smelled like Balti.
Hindi naman 'yon ang unang beses na nakapasok siya roon. His room is big. Minimal lang ang mga gamit at furniture pero may mga iilang anime action figure na naka display sa isang glass wooden cabinet. May book shelves pa rin at maliit na study table. Natuon ang atensyon niya sa malaking kama. Sure siyang kahit tatlong tao kasya roon.
"Bal -" Natigilan siya nang maghubad ng T-Shirt si Balti. He was standing like a demi-god near the lamp shade. Napalunok siya sabay ayos ng mga salamin niya sa mata. "Sorry," aniya, iniwas ang tingin.
Shuks, nanlalamig mga kamay niya.
"Just a quick shower, Nin." Hindi niya napansin ang paglapit ulit nito sa kanya. Ang init ng palad nitong nakahawak sa forearm niya. He gently pulled her near the edge of the bed. Napilitan siyang maupo roon na parang manang. "Wait for me here." Nalanghap yata niya lahat ang natural na bango ni Balti sa sobrang lapit ng katawan nito sa kanya.
Bakit pa ito maliligo e ang bango-bango pa rin naman nito?
"O - Okay."
Then she heard her chuckled again, "Relaks." Nagitla siya nang hawakan nito ang batok niya para mahalikan siya sa noo. "And don't leave," anito.
Napilitan tuloy siyang maiangat ang tingin dito. Wrong move dahil tila ba nagawa siya nitong maipasailalim sa mahika nito. She couldn't take her eyes off of him. Kainis! Minsan talaga nakakainis ang ngiti nito.
She nodded and he was immediately nowhere in sight. Sunod na narinig niya ay ang paglagaslas ng tubig mula sa shower. Bigla siyang nilamig nang husto. Agad siyang pumasok sa ilalim ng makapal na kumot. Literal na nagtago siya roon. Pero hinubad niya muna ang salamin sa mata at inilapag 'yon sa mesita.
Dios ko!
Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya.
"Kalma, Niña!" mahinang saway niya sa sarili. "It's not what you think it is. Matutulog lang kayo na magkatabi. Pero bakit pa siya naligo? Para mas gumaan pakiramdam niya? Sabagay, minsan naliligo rin naman ako sa gabi bago matulog." Bumuga siya ng hangin. Closed her eyes. Calmed herself. "Linggo bukas. Maagang gigising. Magsisimba ang lahat. Bawal magpuyat."
Naimulat niya ang mga mata nang wala na siyang marinig sa banyo. Maliban na lamang sa mga kaluskos ng mga bagay at tunog ng blower sa buhok. Ibinaba niya ang kumot hanggang sa dibdib at tumagilid ng higa. She shut her eyes closed again. Magkukunwari na lamang siyang tulog.
Bumukas ang pinto ng banyo at narinig niya ang mga yabag ng paa ni Balti. Kumalat sa paligid ang bagong ligong amoy nito and it wasn't helping her at the moment. She had always been in love with his scent. Kabisado na niya yata lahat ng ingredients ng natural na pabango nito. Kahit malayo o nakapikit ang mata ay malalaman niyang nasa malapit si Balti.
Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang paglubog ng kama sa bandang likod niya nang maupo roon si Balti. He felt him slid immediately inside the covers. Niyakap siya agad ng init ng mga braso nito as he buried his face in her neck. She could feel his lips on her nape.
Mariin niyang naipikit ang mga mata lalo.
"I know you're not asleep yet," he whispered in her ear, humigpit ang yakap nito sa kanya mula sa likod. "Hmm," inamoy-amoy nito ang kanyang leeg na sa tingin niya lalong nakadagdag sa paglakas ng tibok ng puso niya.
They've never been this intimate before. The feeling is still new to her. Although alam niyang kailangan niyang masanay sa pagiging sweet ni Balti.
"Kinakabahan ako," amin niya, sabay harap dito. Hindi niya muna iniangat ang mukha rito. He was already wearing a clean shirt at sa dibdib siya nito nakatingin. "Sorry, pero first time ko na ganito tayo." At alam niyang sobrang nag-iinit na ang mga pisngi niya. Gosh! "Hindi ako sanay."
He lifted her chin with one finger. "Get used to this. Ilang taon din akong nagtimpi na huwag kang hawakan nang ganito." Nalulunod siya sa mga tingin nito. It showed how much he wanted her. Lalo na ngayong wala itong suot na salamin. "And if I'd be honest, I've always wanted to make love with you, Niña."
Nakagat niya ang ibabang labi.
"I've... I've always wanted you... too..." amin niya rin.
Namilog ang mga mata niya nang dampian siya nito ng halik sa mga labi. "I know, the feeling is always mutual," he chuckled and gave her another peck on the cheeks.
Hindi siya nakatiis at niyakap ito nang mahigpit. "Akala ko 'di na dadating ang araw na 'to." Inayos nito ang pagkakayakap sa kanya.
"I love you."
Marahas na naingat niya ang mukha rito. "Huh?"
"Sabi ko -" Hindi nito dinugtungan ang mga sinabi, instead, he claimed her lips in a very passionate kiss.
Amazingly, it didn't surprise her anymore. Maybe because she also wanted him to kiss her.
Agad niyang naipikit ang mga mata. She kissed him back with the same emotion and gentleness. Napaungol siya nang maramdaman ang bahagyang pagkagat nito ng ibabang labi niya dahilan para maubuka niya nang kaunti ang mga labi. He took it as an opportunity to devour her mouth. Parehong may kumawalang ungol sa bibig nila as he hungrily kissed her.
Napahawak na siya sa mga balikat nito. Pakiramdam niya mauupos siya sa halik nito. Her head was spinning. But she couldn't stop him. She didn't want to stop that kiss either. She was getting addicted to his kisses. Sinapo nito ang kanyang panga para mas mahalikan pa siya lalo. He pressed his solid form on her body; they shared the warmth of being held in each other's arms.
"Balti," anas niya nang pakawalan nito ang mga labi. His lips travelled down from her jaw to her neck. Nag-iinit ang katawan niya. Napahawak siya sa damit nito sa bandang dibdib.
Bumangon ito and he was now on top of her.
"Hmm?"
But he didn't stop kissing her, touching her, making her feel loved, and at the back of her mind, a little voice was asking her, was she ready for this moment?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro