Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

KUMUNOT ang noo niya nang paglabas niya nang paglabas niya ng banyo ay biglang tumunog ang cell phone niya. Tinapos niya ang pag-wrap nang maayos ng towel sa basang buhok saka kinuha ang cell phone sa itaas ng sofa bed. Pagtingin niya ay tumatawag ang mama niya. Napakamot siya sa noo sabay sagot dito.

"O, Ma, napatawag ka?"

"Anong nakain ni Balti at madaling araw tumawag na sa'kin?" Lalong kumunot ang noo niya. Bakit tatawag si Balti sa nanay niya ng ganoon kaaga? "Aba'y, nagising ako nang wala sa oras nang sabihin niyang manliligaw raw siya sa'yo at sana pumayag ako –"

Inihit siya ng ubo. "Ha?!" Nahagod niya ang lalamunan. "S – Sinabi niya 'yon?" Gage! Anong trip nitong si Balti? Akala niya secret muna? Baka buong Faro alam na rin 'yang secret nito.

"Niña Rosella, 'yong totoo, anong relasyon n'yo ni Balti –"

Hindi na niya narinig ang mga kasunod na sinabi ng ina nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Bukas ang floor to ceiling glass window sa kwarto nila ni Maha. Pero mukhang 'di naman sa bandang doon nanggagaling ang ingay.

"Niña? Hello? Niña, nandiyan ka pa rin ba?"

"Niña, yuhooo!" sigaw mula sa labas. Tunog galing sa megaphone o microphone. She's not sure. "Kung naririnig mo ako. Pakigalaw ang baso – este – lumabas ka sa terrace sa second floor!" Boses 'yon ni Balti at mukhang may mga kasama pa ito. May naririnig siyang strum ng guitar at tunog ng drums.

"Niña –"

"Ma, wait, tawagan kita mamaya. Kausapin ko lang si Bartolome. Baka lasing lang 'yon nang tawagan ka niya."

"Mukha naman siyang matino."

Mukha lang!

"Sige, Ma, tawag ulit ako, bye."

End call.

Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang terrace sa second floor. Paharap 'yon sa front garden ng bahay. Nakasalubong pa niya si Maha na kakaakyat lang.

"Anong pa uso na naman niyang si Kuya? Jollibee ba siya? Laging bida ng saya?"

Sumabay ito sa kanya sa terrace. To her shock ay ganoon na rin lang talaga ang pamimilog ng mga mata niya nang makita sa baba ang grupo nila Balti na naka barong at slacks pa na tiniklop hanggang mga tuhod. Naka tsinelas pa ang apat. 

Balti was standing in front – specifically in the middle. May hawak pang Bluetooth microphone. On his right, si Jude na siyang may hawak ng gitara. On his left, Tor na may hawak ng dalawang malalaking green eco bag na may lamang grocery. Ito lang din ang nakasuot ng salakot sa ulo. Pero mukhang napilitan lang. Ni walang ka ngiti-ngiti.  Si Simon ang nasa likod, nakaupo sa likod ng drum set at may pulang bandana sa ulo.

Paanong na set up ng mga ito ang mga 'yon nang 'di niya napapansin? O napansin na niya 'di niya lang pinagtuonan ng pake? Nakalabas din ang isa sa mga speakers sa bahay ni Balti. Connected yata lahat ng sounds doon sa speaker.

Natatawa siya na ewan.

"Good morning, Ninin!" sigaw ni Balti mula sa mic, smiling so brightly. "Alam ko na maganda na ang araw mo. Nakita mo na ako e –" Natawa siya.

Binatukan ito ni Tor. "Hihirit ka pa e." Tawa lang ito nang tawa. Napailing-iling na lamang sila Jude at Simon na nagpipigil ng tawa sa kakornihan ni Balti.

"Korni mo, Ser!" tudyo pa nila Math at Sep na nasa labas ng bakod.

Kasama ng mga ito ang magpipinsan na sila Vier, Iesus, at Chi. Kasama rin si Thad na nakahalukipkip lang na nag-aabang. May mga kapitbahay rin na napahinto para makiusyuso. Nakasilip din mula sa kabilang bakod sila Aurea at Nanay Lourdes. Karga-karga ni Au si Aurora.

"Hoy, Kuya, alas otso pa nang umaga, tamaan ka riyan ng super ray ng araw sa kakornihan mo matusta mo pa mga kasama mo!" sigaw ni Maha. "Anong ginagawa mo? Aakyat ng ligaw? I object!"

Saktong dumating si Juan kasama si James.

"Oppa!" sigaw at kaway ni Maha kay Juan. "Annyeong! Saranghae, yeobo ko! Ligawan mo ako, pls. Palitan mo si Kuya. Kantahan mo akong CALL ME BABY ng EXO!"

Kaso hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Juan.

"Aish!" Maha stomped her feet beside her like a kid. "Makikita mo, Ryuu Juan Song, hindi ka rin mabubuhay na hindi ako nasisilayan sa araw-araw," nanggigil pa nitong bulong sa sarili. Pero mabilis lang din nawala ang inis at muling ngumiti nang sobrang tamis nang umangat ang tingin ni Juan sa kanila. "Yeoboo ko, saranghae!" Nangulambaba ito sa railings sabay flying kiss kay Juan.

Napansin yata ni Juan kaya yumuko ito para 'di tamaan ng flying kiss nito.

Pigil niya ang matawa nang malakas.

"Ninin," naibaling niya ulit ang tingin kay Balti, "tandaan mo ang araw na 'to. Ito ang umaga na babagong tuluyan sa buhay mo." Ngumiti ito. "Ako, si Bartholomew Juarez, tuluyan ka nang mamahalin nang buong puso."

On cue naman sila Jude at Simon. 

Hindi siya pamilyar sa kanta but the melody was jolly and playful. Simon was enjoying playing the drums. He seemed pro on this. Hindi niya inasahan 'yon rito. Halos bukambibig lang naman ni Simon e pagkain. And hello, ginawa lang naman ni Bartolome na back up ang isang Jude Asrael Savio! Si Jude na vocalist ng Queen City na isa sa mga world's best selling artist sa mga music charts. Million halaga ng exposure ni Jude pero nakuha ni Balti ng libre!

"Sa'yo lang ako naging gan'to," simulang kanta ni Balti. "Para bang nasira'ng ulo ko." Na may kasama pang actions. Tawang-tawa siya. "Pader ng puso ko, unti-unting bumibigay, sinisira mo." 'Yong totoo, Balti? Interpretative sing and dance ba 'yan? "Tagal kong malas sa pagmamahal. Ilang beses nang nasasaktan. Sana'y 'di na maulit ang dati. Ayoko na munang maulit ang dati."

And she always knew na maganda ang boses ni Balti. Hindi pang singer pero hindi rin naman tone deaf. Basta, maganda! Ewan ko sa'yo, Niña. Lahat naman ng tungkol kay Balti ay maganda sa'yo. Bias ka masyado. E bakit ba?

"Sa'yo lang, nabaliw. Sa'yo lang, nagkaganito. Sa'yo lang naramdaman ng puso ko lahat."

Si Tor na palakpak lang ang ambag, sinasabay sa bawat bagsak ng beat ni Simon sa drums. Paminsan-minsan ay bina-back-up-an pa ni Jude si Balti. Iba ka talaga, Ser!

"Sa'yo lang ako naging gan'to. Ngumingiti sa alaala mo. Kahit na mag-isa 'pag naiisip kita. Nabibitin lang ako. Sa'yo lang, nabaliw. Sa'yo lang, nagkaganito. Sa'yo lang naramdaman ng puso ko lahat. Sa'yo lang Ninin kooooo."

Pigil na pigil niya ang kilig at ngiti.

"Haba ng hair," basag ni Maha. "Abot hanggang pinakadulo sa dagat." Nginitian lang niya ito nang sobrang tamis. Maha just squinted her eyes at her. "Malunod sana kayong dalawa tutal pareho kayong 'di marunong lumangoy."

"Bakit marunong ka ba?"

"Hindi but I'm not part in the context so kayo lang, duh?"

'Yon lang at nilayasan na siya ni Maha. Natawa lang siya. Bitter!  Ibinalik na lang niya ang tingin sa ibaba. Ganoon na lang gulat niya nang mapansing nagkakagulo na pala. May nagrambulan na.

"Ryuu Juan Song!" sigaw na ni Tor.

Naghihilahan ng eco bag sila Juan at Tor.

"Stop!" Pinapalo na ni Simon ang mga kamay ni Juan. "Huwag 'yan! Kay Ser 'yan. Atay, kapoyaa!" Pero ang lakas ng kapit ng mga kamay ni Juan sa mga eco bag. "Yawa, Juaaaan! Patay gutom tayo pero 'di tayo magnanakaw! Bitaw!"

"Hindi ka na welcome sa bahay ko Hayme!" Halos yakapin na ni Balti mula sa likod si James na nagpupumilit pumasok sa loob ng bahay. "Friendship over na tayo!" Pero nagagawa pa rin nitong balyahin si Balti. Gigigil na gigil na tinuhod na ni Balti sa likod ng binti si James.

"What the fuck!" James cursed, napaluhod ito sa damohan.

Sila Math at Sep ay enjoy na enjoy lang sa pag-vi-video sa mga nagra-rambulan. Si Jude na lumayo nga pero tawa naman nang tawa. Nakangiting hinihimas-himas ni Thad ang noo sabay iling.

"Go James!" cheer pa ni Chi. "Ikaw manok ko! Tayo riyan! Lumaban ka, walangya ka! Ang laki na nang taya ko sa'yo."

"Hoy Chizle Priscilla!" sigaw ni Balti rito. He pointed a finger at her. "Ako ang unang mong kaibigan rito! Where's your loyalty?! Kapag sinabotahe mo pa ako. May makakarating kay Iesus –" Hindi na natuloy ni Balti ang sasabihin. Napasinghap siya nang humalik ang mukha ni Balti sa damohan. Shuks! Ang lakas ni James. Ang lakas tumulak. "Anak ka talaga ni –"

"Sige ituloy mo Balti," dugtong ni Nanay Lourdes, tawa nang tawa. "Anak ni?"

"Anak tayong lahat ng Dios!" sigaw ni Balti. 

"Anong makakarating sa'kin?" ni Iesus. "Chi?"

"Wala! Wala! Nagpapaniwala ka riyan kay Ser e lagi 'yang fake news. Hoy, Bartolome, tumayo ka riyan! Ikaw ang manok ko. James, who? Syet ka! Tayo riyan, Ser! BalNin for the win!"

Pero mukhang diskumpyado pa rin si Iesus. Tumingin ito kay Vier but he just shrugged his shoulders and chuckled.

"May alam ka, 'no?" Pinalo ni Iesus sa isang balikat si Vier.

"Wala," iling pa ni Vier, pigil na pigil ang tawa. "Awatin mo na lang mga disipulo mo bago pa magpatayan ang mga 'yan dahil sa isang babae."

"You're changing the topic."

"I'm not."

"Malalaman ko rin 'yan."

"I know."

"Ser, dito naman banda kayo magpatayan," utos pa ni Math habang nakahalukipkip. Si Sep ang may hawak ng camera. Itinuro nito gamit ng hawak nitong rolled newspaper ang bandang halamanan ni Balti. "Sep, kunan mo nang magandang angle. Gugulong sila rito. Tapos ikaw James, babarilin mo si Balti. Balti, bubuhusan ka naming ng isang gallon ng ketchup. I-close-up naming mukha mo sa camera then try to reach the camera with one hand as if you're trying to grasp Alyana's hand."

Tawang-tawa si Sep. "Ibang story 'yan, Chef!"

"Ay, hindi ba si Cardo si Balti?"

"Mga walangya kayo!" sigaw ni Balti. "Umalis kayo sa likod ko." Tawang-tawa siya. Nakaupo na sila James at Juan sa likod nito. Hawak pa ni Juan ang alagang manok nito na si Sanpe. "Kapag ako nakawala rito. Hindi na kayo sisikatan ng araw."

Binuksan ni Juan ang nakuhang chichirya. "Gusto mo?" alok pa nito kay James.

"Thanks," James took his share.

"Landlord, why have you forsaken me!" sigaw ni Balti.

Nasapo lang ni Iesus ang noo, pigil na pigil ang tawa.

"Hoy, tama na 'yan!" sigaw na niya. "Wait nga, baba na ako." Tawang-tawa siyang bumaba. Ano ba 'yan, kukulit!







"STOP laughing," parang batang saway ni Balti sa kanya, nanghahaba pang nguso. Naku, sarap sipitan!

"Sorry," she tried her best to suppress her laugh but failed. Humagalpak pa rin siya ng tawa habang nilalapatan ng ointment ang mga nakuha nitong mga galos sa mukha, leeg, at siko nito.

"Ninin!"

"E bakit ba kasi kayo nagrambulan? Ang ayos ng haranan n'yo kanina. Para kayong mga bata. Ikaw naman magpagpatol ka rin e. 'Yan! Tignan mo nakuha mo." Diniin niya ang bulak na may ointment sa siko nito. "Mukha kang nikapagbasag-ulo sa kanto."

"Aw!" Umawang ang bibig nito sa sakit. "Dahan-dahan naman. At saka hindi naman ako nauna. Sila pangit ka bonding." Idiniin niya ulit ang bulak sa sugat nito. He cursed again. "Marzon, ano ba?! Sinasadya mo na!" Inilayo na tuloy nito ang siko.

Umayos siya ng upo sa harap nito. "Bartolome, mag-usap nga tayo."

"Ano?!"

"Galit ka?"

"Hindi!"

"E bakit nakasigaw ka?"

He pressed his lips together. "Hindi," sagot ulit nito sa mababang boses. "I'm not mad. I'm just annoyed with those two."

Ngumiti siya rito. "Stop sulking, let's talk."

"Ano?"

"Tumawag si Mama. Sinabi niya tinawagan mo raw siya kaninang madaling araw para pormal akong ligawan." He met her gaze. "Why did you do that? Akala ko ba secret lang muna natin hanggang sa maging okay na ang lahat?"

"I changed my mind."

"Why?"

"Why not?" He grinned. Napakurap siya rito. "Ninin," seryosong-seryoso siya nitong tinitigan, "you deserve me." Bago pa man ito makatawa nang malakas ay sinampal na niya ito ng unan. "Nin!"

"Loko-loko ka, alam mo? Ang korni mo pa."

"We deserve each other."

"Isa pang linyang ganyan, Bartolome, kay James na ako magpapaligaw."

"Bukas na bukas din ay balik Berlin na ang 'sang 'yon."

"Puro ka banta."

"Sa tingin mo 'di ko kaya?" hamon pa nito. "Try me."

"Sana pala noon pa hinamon na kitang mahalin ako 'di sana tapos na paghihintay ko."

"Baka 'di rin. Gago ako e."

Natawa siya. "Ano bang nakita ko sa'yo, ha?"

He chuckled, "Aba'y mata mo 'yan. Anong alam ko? Pero kahit noon naman e campus crush na talaga ako."

Napamaang siya. "Wow!"

"Pero kay Niña pa rin bumagsak."

"Mukha mo!"

"Alam mo, naisip ko dati habang nasa Spain." His smile was a bit sad this time. "What if one day, biruin ako ng tadhana, isampal niya sa'kin ang babaeng pinakawalan ko noon na masaya na sa piling ng iba? Ano kaya magiging reaction ko? Dahil mapag-assume akong tao. It actually made me scared and sad, to be honest," he paused to met her gaze. "And even now," he reached for her hand and gave it a little squeezed, "hindi pa rin ako kumbisido na deserve kita sa haba ng panahon na sinayang ko." Dinala nito ang kamay niya sa mga labi nito at masuyong hinalikan. "Because I know, within those years, all I did was hurt your feelings."

"Balti –"

"And I don't know how to recoup all of your tears and disappointments with me."

"You don't need to." Napatitig ito sa kanya. She smiled. "It doesn't matter. What is done is done. Magiging malungkot lang tayo kapag lagi nating iniisip ang mga pagkakataon na sinayang natin. It was my choice not to confess. And it was your choice not to love me that time. The years apart were the result of our choices. We both chose to let go and moved on. Kaya lang –"

"Marupok tayong dalawa," nakatawang dugtong nito.

"Or maybe it wasn't the perfect time for us back then."

A genuine smile slipped on his face. It was the same smile she had fallen in love with na hanggang ngayon ay favorite pa rin niyang expression ni Balti. She had always been drawn with his charms and smiles.

"Alam mo ba?"

"Ano?"

"Gustong-gusto kitang mahalin araw-araw. Pero minsan hindi ko alam kung paano kita mamahalin. What if it was too much? What if it wasn't enough? Hindi ko alam if I'm capable of loving you the right way. Matalino akong tao pero pagdating sa'yo. Kahit siguro simpleng multiple choice hindi ko masagutan nang tama."

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa at ngiti. Deep inside, her heart was full with his innocent confession but Balti sounded like a five-year-old while saying it.

"Seryoso ako, huwag mo ako tawanan."

"Alam ko. Sa lagay na 'to pa rang ikaw ang may pinakamalalim ng feelings sa ating dalawa. Kasi feeling ko, ako dapat e."

"May contest bang palaliman ng feelings?" He chuckled. "Kapag palaliman, patay tayo riyan. Walang marunong sa ating lumangoy. Mababalita na lang tayo sa dyaryo. Mag-jowa nalunod sa pagmamahal sa isa't isa. Korni nun, Nin. Nakakakilabot."

"Bakit tayo na ba?"

"Huwag mo muna ako sagutin. Gusto ko pang maglandian tayo."

Malakas siyang natawa. "Bakit kapag ba naging tayo wala nang landian?"

"Mas may thrill kapag wala pang label."

Pinaningkitan niya ito nang mga mata. "Kasi gawain mo?"

"Hindi ah. Kahit itanong mo pa kay Tor. Ni fling wala ako. Alak lang kaulayaw ko sa maghapon at gabi." Tawang-tawa ito sa sarili. "But I drink moderately. I know my limitations." Diskumpyado pa rin niya itong tinitigan. "Totoo! Ito naman parang 'di mo ako kilala. Mas madalas pa ako sa library kaysa maghanap ng girlfriend."

"Curious lang din ako. Bakit 'di ka na nag-girlfriend after Pamela?"

"Alam mo na sagot diyan."

"Anong alam ko?"

"Tumingin ka sa salamin. Nandoon ang sagot."

"Magic mirror?" Kumunot ang noo niya. "Meron ka nun?"

"Alam mo, Niña, maganda ka sana kaso slow ka rin umintindi." Napakamot ito sa pisngi. "Niña Rosella, explain ko ulit nang maayos. Kapag humarap ka sa salamin. Anong nakikita mo? Sumagot ka."

"Demanding mo po, Ser. Syempre sarili ko."

"You got your answer."

"Sarili ko?"

Marahas itong bumuntonghininga. "Mag-re-remedial tayong dalawa rito sa library kapag 'di mo pa na gets. Ano bang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko?"

Natawa siya. "Teka lang naman. Ang simple lang naman ng tanong ko bakit ba kasi hindi mo na lang direktahin nang sagot?"

"Wala nga akong ibang magustuhan. Ikaw lang kasi gusto ko. Hindi lang kita maangkin noon kasi nga takot ako. Okay na? Nagkakaintindihan na tayo, ma'am?"

Niña, kalma! Feeling niya nag-hyperventilate na siya deep inside. Balti's honesty hits differently. 'Yong hindi na niya need ng mga pickup lines para kiligin. Pero kahit naman korni si Balti ay rumurupok pa rin puso niya. Walangya! Itinawa na lamang niya ang kilig. Bweset ka Balti! Pakakasalanan na talaga kita bukas!

She nodded. "Okay, gets ko na po, Ser."

There was a sudden shift of mood in Balti. Iba ang ngiti nito. It was like he was seducing her. Dios namin, may araw pa sa labas at 'di naman sila nag-iisa sa bahay. Tiyak siyang umabot na kina Tita Bea at Tito Juanito ang tungkol sa panliligaw ni Balti sa kanya.

Binato niya ito ng cotton buds to cut the growing tension between them.

"Mukhang maayos ka na. Alis na ako." Akmang tatayo siya nang mahawakan nito agad ang kamay niya. He pulled her back at marahas niyang naibaling ang tingin dito. "Alis na ako. Baka ano pa isipin nila Ate Grace at Maha sa atin –"

"I locked the door," he smirked.

Pinanlakihan niya ito nang mga mata. "Hoy!" Pinalo sa balikat. Tinawanan lang siya ng loko-loko. "Ikaw, alam mong malalagay tayo sa pahamak niyang mga pinaggagawa mo."

"Bahay ko naman 'to –"

"Gusto mong ikasal sa'kin agad – agad, ha?"

"Why would Ate Grace think we're doing a sinful act in my library?" Ikiniling nito ang ulo sa kaliwa. He gave it a thought for mere seconds. Pero halata naman sa ngiti nito na hindi nitong masyadong pinag-isipan. "Library is a place for learning," baling ulit nito sa kanya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"It sounded different in my ears, Juarez."

He chuckled, "Just one kiss."

"Sabi na e!" Lumayo siya. "No! Bahala ka riyan. Masyado pang maaga."

"Sa gabi lang ba kita pwedeng halikan? A kiss should be a three meal course. Isang halik sa umaga. Dalawang halik sa tanghali. At tatlong halik sa gabi."

"Anong tingin mo sa labi ko, Go, Grow, Glow foods? Manghihina ka kapag hindi ka nakahalik sa'kin?"

Naniningkit na ang mga mata nito sa sobrang tawa. "Mamamatay ako, Niña."

"Mamatay ka lang."

"Grabe!" Tawang-tawa pa rin ito. "Tubuan ka naman ng awa."

"Nabuhay ka nga nang 31 years na wala ako."

"Ninin, iba 'yong noon sa ngayon."

"Magtigil ka." Pigil na pigil niya rin ang tawa e. "Aalis na ak –" Hindi na niya natapos ang sasabihin. Balti suddenly cupped her face. Agad na lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Ninakawan pa siya ng halik ng loko-loko! 'Yong marubdob na matunog na halik na may gigil. Smack lang naman 'yon pero nagulat pa rin siya.

Nakangisi itong lumayo sa kanya.

"May utang ka sa'kin mamayang gabi."

Ilang beses siyang napakurap. Hindi pa siya naka get over sa nakawan ng halik. May utang pa siya kay Sir Bartholomew Juarez.

"Anong mamayang gabi? Matutulog akong maaga."

"Sino may sabing patutulugin kitang maaga mamaya?"

Lalong namilog ang mga mata niya. "Hoy –"

Ngumiti ito nang sobrang pilyo. "See you tonight, Ms. Niña."

Nagulantang naman siya sa malakas na katok ng pinto mula sa labas. Hindi pa nga siya nakakahuma sa kalandian ni Balti e sumisigaw na 'tong si Maharlika. Sure ka na ba talaga Niña sa pinasok mo? Dragon ang magkapatid na 'yan.

"Lumabas na kayo riyan kung ayaw n'yong sirain ko 'tong pinto! Binalita ko na kina Mama ang lihim n'yong relasyon! Bahala na kayo mag-explain sa kanila." Malakas na nag-evil-laugh pa ito. "Papunta na sila rito sa bahay. Ultimate Anti-BalNin pa rin ako! Bwahaha! Mga slapsoil kayoooo! Sana maghirap kayo! Hindi masarap ang ulam ngayon sabi ni Ate Grace!"

Natatawa na na-e-stress siya.

"Ikaw kasi!" aniya rito.

"Kung 'di masarap ulam natin. Hindi rin naman masarap ang kanya."

"Sabagay."

"Nin."

"Hmm?"

"Ano magandang tawagan kapag naging tayo na?"

Ngumisi siya rito. "Saka mo na isipin kapag tayo na." Ang lakas ng tawa nito. Niyakap pa siya. "Mapag-desisyon ka, alam mo ba?" And rested his head on her shoulder. He was already giggling. Akala mo kinikiliti ng mga anghel.

But very cute! 

"Nga pala, para saan 'yong groceries na dala ni Tor?"

"Sabi ng mama mo kapag nanligaw raw ako. Maging practical sa dadalhin. Kaya pinag-grocery na lang kita."

Natawa siya. "Gage!"

Nga naman, aanhin niya ang chocolates at bulaklak? Grocery is the new trend. Potek, sana lahat ng manliligaw kapareho mag-isip ni Bartholomew. Wala na sigurong magugutom na babae. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro