Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23

NAPANGITI siya habang minamasdan ang mukha ni Balti. He was already fast asleep. Malakas pa rin ang ulan sa labas at hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Pinagsawa muna niya ang mga mata sa pagtitig dito.

She still couldn't believe it.

They're not officially in relationship together pero may araw na natatakot siya na baka hindi 'to totoo lahat. 'Yong sobrang saya mo ngayon. Feeling mo lagi may kapalit 'yon.

 She feared of losing him again.

Kaya niya namang mabuhay mag-isa. Nagawa nga niya simula pa noon pero may mga araw talaga na pakiramdam niya may aagaw sa kanya ng kaligayahan niya ngayon. She couldn't pinpoint kung ano at kung tao man ay sino. Alam niya namang wala ring magagawa si Maha kung sakaling ipaalam na ni Balti ang balak nitong panliligaw sa kanya.

Gagawa rin naman siya ng paraan para magkaayos sila.

Napabuntonghininga siya.

Her love for Balti didn't change over the years, rather it grew and rooted deeper in her heart. Hinaplos niya ang pisngi nito. She will do everything to protect him.

Naikiling ni Niña ang ulo nang makitang akay-akay ng dalawang lalaki si Balti papunta sa isang classroom na ginawang haunted house. Madaming tao sa hallway na 'yon pero hindi siya puwedeng magkamali. Si Balti 'yon. Iignorahin lang sana pero nang makita niyang naka-blindfold ito ay bigla siyang kinabahan.

"Balti!" sigaw niya at akmang lalapit na nang dumami ang mga estudyante sa hallway. "Sorry!" Sinubukan niyang makadaan. Intrams kaya lahat ay nasa labas. "Balti!" Nasilip niya si Balti. Wala na siyang paki sa mga nasasagi at tinutulak niya. He looked anxious even on his blindfold. "Huwag nyo –"

"Ano ba?!" asik ng isang estudyante.

"Sorry," Inayos niya ang salamin sa mga mata. "Balti –" Natigilan siya nang bumukas ang pinto ng haunted room at itinulak ng isa si Balti papasok. Gusto niyang magmura. "Hoyyy!" Napatingin ang dalawa sa kanya.

Na saan na ba si Tor? Alam ba nito na pinagkakaisihan si Balti? Galit na galit na siya. Tawa pa rin nang tawa 'yong dalawa. Nakakainis! Bakit ba sumasama pa rin si Balti sa mga classmate niyang bullies?!

"Si Balti?!" asik niya sa dalawa.

Pero bago pa man siya masagot ng dalawa e narinig na nila ang malakas na sigaw ni Balti mula sa loob. Tumahip ang dibdib niya sa sigaw na 'yon. Tawa pa rin nang tawa ang dalawa.

"Mga gago kayo!"

 Marahas na itinulak niya sa dibdib ang dalawa sa galit niya.

"Kill joy! 'Di ka naman girlfriend."

"E ano naman?!" She glared at the two. Kung nakakamatay lang sana ang tingin bumulagta na sana ang mga walangya. "Isusumbong ko kayo sa discipline!" Kahit na may bantay ay hindi niya pinansin kahit na nagulat pa ito sa biglang pagpasok niya.

"Freshman, magbayad ka muna!" sita pa sa kanya.

"Kami na magbabayad, Ramirez! Ikulong mo na rin 'yan."

Sigaw pa rin nang sigaw si Balti. Shuks, wala siyang makita masyado. Isinarado pa ng bantay ang pinto sa likod niya.

"Balti!" sigaw niya. Napasinghap siya nang may humawak sa mga paa niya. "Ano ba?!" Inis na inis na siya. Pinatid niya kung sino man 'yon. "Wala akong panahon para sa mga takutan!" She totally ignored all of them. "Balti! Si Niña 'to!" Malaki pala ang classroom na 'to. Ginawa pang maze ang daanan. "Stay there. Ako pupunta riyan."

Sino ba namang hindi matatakot? Pati background music ay nakakatakot. Takutin ba naman ang matatakutin 'di syempre mamamatay talaga sa takot.

"Niña!" It was Balti. She could hear fear in his voice. "Nin..."

"Balti –"

"T – Tulungan mo ako," iyak nito. "I – I want to go out..."

Naikuyom na niya ang mga kamay sa inis. "Shsh, stay there. Don't move. Papunta na ako riyan. Just closed your eyes, okay? Take a deep breath and calm yourself."

"Nin –"

Sa pagliko niya ay napansin na niya si Balti. 

Medyo may ilaw ang parte kung na saan ito dahil may nagpapatay-sindi na lampshade sa malapit. Nakasalampak na ito ng upo sa gilid habang nakatakip ang mga palad sa tenga.

"Balti!" singhap niya.

Wala na ang blindfold sa mga mata nito pero wala itong suot na salamin. His eyes were closed. Nanginginig pa ito. Paano ito nakaabot doon? Mas malabo pa ang mga mata ni Balti kaysa sa kanya.

Mabilis na lumapit siya dito.

Lumuhod siya sa gilid nito. "Balti –" Hahawak pa sana siya sa mga balikat nito nang bigla siya nitong yakapin. Namilog ang mga mata niya nang maramdaman ang pagyugyog ng mga balikat nito. Gusto niyang maiyak nang marinig ang iyak nito sa dibdib niya. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito pati ang mga kamay. "It's okay." Niyakap niya ito nang husto. "Nandito na ako."

He was crying like a child in her arms.

Parang batang nagsusumbong pero walang lumalabas na mga salita sa bibig nito. Alam niya na matatakutin si Balti. Tor already warned him about his fears. Hindi niya lang talaga in-expect na sobra itong matatakutin.

"Please... please don't leave me..."

"Shsh, I'm here. I'm here."

"I'm scared."

Balti may look tough and strong outside but he's very fragile inside. Kaya minsan naiisip niya that Balti's fondness with kids reminds him of himself. He didn't want these kids to grow up like him. He become a teacher to help these kids overcome their fears which he failed to do when he was at their age. Nobody understand him and so he all kept it to himself up until now.

He has exhausted his childhood pretending to be tough and normal just so his family and friends never worries for him.

And although she believes that he didn't deserve to go through such hardships as a child. She couldn't help herself but to still feel proud of him. Kung siya ang nasa sapatos nito. Iiyak niya lang siguro lahat hanggang sa mamaga ang mga mata niya.

Natawa siya nang mahina at bahagya.

Iniangat niya ang kamay sa mesa at kinapa ang ball pen doon. Mabilis lang din naman niyang nahanap. Inalis niya ang takip ng ballpen at ibinuka ang isang kamay ni Balti.

"Very Good," sulat niya sa palad nito na nakangiti. "Lagyan ko rin ng star." Nilakihan niya ang star. "'Yan, perfect –" Natigilan lang siya nang bahagya itong gumalaw. Halos pigil niya ang hininga.

"Nin..." he mumbled. "Ninin ko..."

Kagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil nang sobrang ngiti. "Shsh," hinagod niya buhok nito. "I'm here. I'm here." Saka hinalikan ang noo nito.

A smile slipped on his face.

Hay naku, bakit ba ang rupok ko talaga pagdating sa'yo, Mr. Bartholomew Juarez? Kapag talaga hindi sa simbahan ang ending nating dalawa susunugin ko 'tong eskwelahan mo. Natawa siya nang bahagya. Joke lang! But who knows?





"SERYOSONG usapan, paano n'yo nilagawan ang mga asawa n'yo?"

"Hindi pa kami kasal ni Mari –"

"I know, pero ikaw na mag-adjust."

Jude chuckled sabay bato sa kanya ng towel na pinangpunas nito sa mga kamay na may mga paints. Naabutan niya itong nagpipinta sa kwarto ng kambal. Sa tingin niya ay malapit na itong matapos. Hindi biro ang ginawa nito. Mural painting! At ito lang mag-isa ang nagpinta. He didn't know Jude can do that although Thad already mentioned that they are a family of artist. Artist is an understatement for Jude and Thad. Ang mga walangyang 'yon mga gifted. Sana hindi rin maging hudas 'tong si Thad pagdating sa pag-ibig.

But he loved the room.

A+ for effort!

Half of the room is painted with a golden hour of the lighthouse. Kalahati ay gabi na kung saan napapalamutian ng madaming bituin ang kalangitan at umiilaw ang mga lampara ng mga bangkang naglalayag sa dagat.

Sigurado siyang magugustuhan nila Mari at ng kambal ang ginawa ni Jude. Aba'y hindi na 'yon lumalabas ng bahay para lang matapos ang kwarto ng mga anak nito. Ang bilis nga natapos ng bahay na 'to. Samantalang kay Simon, inugatan na ang gate, wala pa ring bahay na tumutubo. Nauubos na pasensiya ko, Simon.

"Nakabili ka na ng crib?" basag ni Tor.

Kasunod lang din niya itong dumating. Jude called him for some help. Dahil siya rin naman talaga halos nag-conceptualize sa kwarto ni Aurora.

"I've saved some designs online. I did ask for Thad's opinion pero naisip ko rin na i-consult kayong dalawa. I like Aurora's crib. Mukha siyang baby friendly. Gusto ko maging comfortable ang kambal sa mga cribs nila."

"Patingin," ni Tor.

Kinuha ni Jude ang cell phone sa mesa kung saan siya nakaupo. Wala pa namang mga gamit sa loob ng kwarto. Nagkalat lang ang mga empty and sealed paint cans sa paligid, mga karton na inilapag sa wooden flooring, folding steel stair case, at mga brush.

Busy na ito sa pagkuting-ting sa hawak nitong cell phone. "I've also check some mini bookshelves." May itinuro itong parte ng kwarto habang nasa screen pa rin ang mga mata. It's near the windows. "I'm planning to make this part a mini play area for Lyre and Sunset. Sa tingin mo Ser," umangat ang tingin nito sa kanya. Kinagatan niya ang hawak na cheese bread. "Magandang palagyan ko rin ng mini bookshelves? Meron 'din si Aurora. It looks nice."

"Balti suggested it," sagot ni Tor.

"Here." Inabot ni Jude kay Tor ang phone. "Scroll down, 'yan ang mga na add to cart ko pa."

Sumilip siya sa tinitignan nito. Magkatabi lang naman sila ni Tor. Siya lang malakas ang loob na umupo sa mahabang mesa dahil nakasandal lang naman ito roon.

"These looks good," ni Tor. "Dito rin kami bumili ni Au."

"Recommend nga ni Au nang itanong ko. So anong design ang bagay sa kambal?"

"I'd like the first two designs," sagot niya. "The white cribs will be perfect for this room. Makulay na masyado ang kwarto ng kambal. Mas maganda na puti ang mga crib para hindi masyadong nag-aagaw ng kulay." Ngumiti siya bago sinalinan ng orange juice ang baso.

"I agree with Balti. The simple the better."

Ibinalik nito ang phone kay Jude. "Got that, thanks!"

"Ibibigay ko na lang sa'yo ang listahan ng mga Children's books na puwede mong bilhin," dagdag pa niya. "I also know a lot of nursery rhymes na puwede mong i-purchase online."

"Ayon, galing mo talaga, Ser!" Jude chuckled. Kumuha na rin ito ng cheese bread. "Anyway, mabalik tayo sa seryosong usapan. Ano nga 'yong itatanong mo, Balti?"

"Meron ba?" he grinned.

Binusalan ni Tor ng cheese bread ang bibig niya.

Tawang-tawa naman si Jude. "Gago! Alam ko meron kang itatanong. C'mon, spill it."

"Fine!" Inubos niya muna ang kinakain na cheese bread. "Pero binabalaan ko na kayong dalawa ngayon pa lang. What happens in this room, stays in this room. Ikaw, Hudas, huwag mo akong huhudasin."

Jude raised both hands. "Chill!" and chuckled. "You have my loyalty, Bartolome. Malaki utang na loob ko sa'yo."

"Very good," ngumisi siya sabay tampal ng dibdib ni Tor gamit ng likod ng kamay niya.

"Yawa!" Tor cursed. Kamuntik pa siyang suntukin buti na lang nagbago isip. Iba talaga kapag attorney. Alam agad ang mga consequences nang mga 'di mabubuting gagawin. "Gago ka talaga! Oo, na. When did I betray you?!"

"So ano nga?"

"Ganito kasi 'yon. May pinsan ako na gustong manligaw –"

"Sino? Si Doc. Kevin?" Tor interrupted. "'Di ba kasal na 'yon?"

"Malayong pinsan."

"May pinsan ka pa bang 'di ko kilala?"

"Basta malayong pinsan. Daming tanong, Attorney. Makinig ka na lang. Mamaya mo na isa-dessect ang family tree ko."

Tawang-tawa ulit si Jude. "Sige ituloy mo na ang problema ng malayo mong pinsan."

"Itong si malayong pinsan, may crush siya sa isang babae since high school. Matagal na rin niyang alam na crush siya ng crush niya pero 'di pa pwede. May personal issues siya. Hindi ko na rin inusisa kung ano basta it's complicated. Tapos after how many years, nagkita ulit sila, nagkasama pa sa trabaho. Then naging mas close pa ulit hanggang sa ma realized niya na hindi na pala niya kayang mawala sa buhay niya 'yong babae. Nakapagdesisyon siyang manligaw na ng pormal."

"At hindi ka marunong?" ni Jude.

"Oo – este, si malayong pinsan hindi siya marunong manligaw." Nagkatinginan sila Jude at Tor. Parehong nagpipigil ng tawa. "Mga gago! Seryoso nga ako."

"Alam namin!" sabay pa ng dalawa.

"Tulungan n'yo naman 'yong pinsan ko. Kapag 'di n'yo ginawa. Mamalasin love life n'yo."

"Bakit 'di ka ba marunong?" ni Tor.

"Alam ko pero baka meron kayong maidagdag para mapabilis ang oo. Ikaw, Tor, paano mo niligawan si Aurea? Maliban sa house and lot at black card."

Tor smirked, "Kailangan pa bang manligaw?"

Umawang ang bibig niya. "Wow naman! Napakagwapo naman ng ating butihing alagad ng batas at katarungan."

Jude clapped his hands in awe. "Atty. Kale Thomas everyone!"

Tor chuckled, "Kidding aside." Naupo na ito sa edge ng mesa. "I did ask permission to her mother first without telling her. I was planning to take everything slowly dahil ayokong biglain si Au but that Cliff showed up."

"Sino si Cliff?" asked Jude.

"Yong mas batang manliligaw ni Au," nakangisi niyang sagot, emphasizing the batang manliligaw. It always annoys Tor. "Yong tumawag sa kanyang TITO."

Humagalpak ng tawa si Jude. "Atayaaa?!" Bumaling ito kay Tor. "Seryoso? Tinawag kang tito? Tito Tor?"

"Gago!"

"Tapos, bakit napabilis?" dagdag pa ni Jude. "Did it trigger your pride?"

"He's getting in my nerves. I'm marking what is mine. Hinalikan ko na agad."

"Si Cliff?" biro ulit niya.

"Si Aurea!"

O, inis na naman. Highblood talaga kapag napag-uusapan ang iconic TITO scene ni Atty. Kale Thomas Velez.

"Ayon naman pala, dinaan sa halik!"

Parang 'yon din ginawa niya, ah. So tama lang pala ang first move niya. Halik agad. Wait, ilang beses ba ang halikan? Isang beses pa lang 'yong nagawa niya. Baka may quota 'yan every day.

"Ilang beses mong hinalikan bago naging kayo?"

"Kapag may pagkakataon," nakangisi pang sagot ni Tor.

"Confirm ko nga kay Auring –" Tawang-tawa siya nang batohin siya nitong plastic. "Bakit ba? Sabi ni Jam, always verify the truth."

"Journalist ka ba?"

"Teacher, but it also applies to me."

"So may nangyaring ligawan ba talaga?" ni Jude. "O, 'di ka rin marunong?"

"Marunong akong manligaw," giit pa ni Tor.

"Mamatay?" tudyo pa niya.

"They say some lawyers are liars," segunda pa ni Jude.

Natawa ulit si Tor. "Idaan mo sa nanay para may back up ka na agad kapag nagkagipitan."

"Mautak ka talaga, Attorney! Sige, noted. Ikaw naman, Hudas, bukod sa panghuhudas ano pang alam mong kahudasan sa panliligaw?"

"Grabe naman 'yan, Ser. Hinay-hinay lang, mahina ang kalaban."

"Nanligaw ka ba kay Mari o dinaan mo lang sa kalandian mo?"

"Touche!"

"Let me correct that one, Ser," Jude chuckled saka umayos ng tayo sa harap nila. "I admit, dinaan ko sa landi ang lahat but that was easy because Mari is innocent and she loves me. I won't take credit on that and I will not brag. Pero kung panliligaw nang maayos kay Mari ang itatanong mo e isa lang ang sagot ko riyan."

"Ano?"

"Mahabang pasensiya. E sa dami nang kasalanan ko sa kanya ay milagrong nabigyan pa ako ng second chance. Kaya I'm not demanding anything from her. I'm doing these things, nag-e-effort ako para sa kanya at sa mga anak namin nang walang hinihinging kapalit. Kung ano lang ang kaya niyang ibigay then it's fine with me as long as I get the chance to talk to her and see our kids."

"We all need long patience in courting and loving someone," segunda ni Tor.

"True."

"We should never demand anything from the woman we're courting kahit pa gusto ka pa niya. Respect should always be there. Tutal kung gusto ka rin naman ng babae e sasagutin ka rin naman niya eventually. Don't rush everything. The more na magmamadali ka. The more chances of failing everything."

"Huwag puro emosyon. Learn to put youself in her shoes. Tamang hintay lang hanggang sa maging kayo. I think in that way, mas ma-appreciate ka ng tao. 'Yong hindi niya namamalayan na nanliligaw ka na pala sa sobrang enjoy niyang kasama ka. 'Di ba, Tor?"

"Agree."

A knock on the door cut in their conversation. Sabay silang napabaling sa bukas na pinto.

"Are we interrupting something?" tanong ni Iesus, may dala itong brown paper bag. Nasa tabi nito si Sep. "Bukas ang gate at pinto kaya pumasok na kami."

Lumapit ang dalawa sa kanila. "Mukhang maganda ang usapan n'yo ah," ni Sep. May kung ano pa itong sinilip sa mesa nila. "Wala kayong tagay riyan?"

"Kap, puro ka inom," aniya, "tirik na tirik pa ang araw, kaawaan mo ang atay mo."

Tinawanan lang siya nito. "Syempre mas masarap ang kwentuhan kapag may inuman."

"Sus, napadalaw ka?" asked Jude.

"Ah," itinaas nito ang hawak na paper bag, "leche flan, gawa ni Mama. Tig-isa nga lang kayo dahil 12 tupperwares lang ang ginawa niya." Inalapag nito 'yon sa mesa. "Kayo na bahala mag-segregate niyan sa mga kaibigan natin."

"Pakisabi kay Tita Cloudia, salamat," aniya. "Mas masarap pa leche flan niya kesa kay Math," bungis-ngis pa niya.

"Hoy, Bartolome, marinig ka pa ni Mathieu!" saway ni Jude.

"Wala naman siya rito so hindi niya maririnig."

"Loko-loko ka talaga!"

Naigala ni Iesus ang tingin sa paligid. "Wow, it's almost done."

"Malapit na," ni Jude, with a proud smile.

"Great job, Jude."

"Thanks, Sus."

"Ano 'yong pinag-uusapan n'yo kanina?" usisa ni Sep. "Mukha seryosong-seryoso kayo ah? Mas seryoso pa yata kayo sa presidente ng Pilipinas."

Itong si Kap. Higante pero napakachismoso rin.

"May nililigawan daw si Balti," sagot ni Jude.

"Hindi ako! Malayong pinsan!"

Traydor talaga!

"Baka may isa-suggest kayo Sus, Sep? Paano raw manligaw? 'Yong yes agad," ni Tor.

"Iharap mo agad sa pari," ni Sep.

"Gago!"

Tawang-tawa silang lahat. 

Walangya, pwede ba 'yon? Hindi papayag ang simbahan at hindi 'yon legal.

"Your marriage will not be considered as legal and official if you do that," ni Tor.

"Aw, kuyawan," tawa pa rin ito nang tawa.

"Seryoso? Si Balti?" Ibinaling ni Iesus ang tingin sa kanya. "Who's the unfortunate woman?" Lalo lang siyang tinawanan ng apat.

"Hindi nga ako," kaila pa niya.

"Kausapin mo mga halaman ni Iesus sa mansion niya, Balti."

"I'm curious," ni Jude. "Sus, paano ka manligaw? May naging past girlfriends ka na ba before?"

Iesus chuckled, "I never had serious one. I can say na 'yong mga tumagal lang sa'kin ay ang mga prospect daughter-in-law ng ama ko."

"So never ka pang nanligaw?"

"Bakit pa ako manliligaw e 'di naman ako napipili?" Hagalpak ng tawa si Sep. Relate, Simon Peter? Alam na alam ang buhay ni Iesus Cloudio? Diary? Diary ka Sep? "Does flirting counts?"

"Wala bang nanligaw nang matino sa Faro?" aniya.

"I courted Faith," ni Jude. "But that was a long time ago. Medyo old version pa 'yon. Dinaan ko lang sa bulaklak, chocolates, at kanta."

"What we have with Pat was understanding. We didn't need to go through courting. After we passed the bar exam we started dating. Kay Aurea lang talaga ako nabobo," tumawa ito pagkatapos. "O, 'di ba ex mo 'yong si Pam. 'Di mo 'yon niligawan?"

"Iba kasi 'yon."

"Anong iba?"

"Dinaan ko sa coke float ng Mcdo," tatawa-tawa niyang sagot.

"Lakas mo, Ser!" ni Sep.

"E 'di haranahin mo," ni Iesus. Napatingin silang lahat dito. "Umakyat kang ligaw sa bahay. Padalhan mo ng sulat. Magdala ka ng pagkain."

"Kailangan bang suotan 'yan ng barong, mylord?" biro pa niya.

Tawang-tawa ito. "Try mo suotin damit ng mga disciples para maiba."

"Tunog ancient ang suggestion mo, mylord. Iba talaga kapag pinanganak noong unang panahon. Napakamatalinghaga pakinggan. Tila hinugot pa sa pinakailalim ng lupa."

"Gago!"

"Lahat naman tayo rito."

"Hahaha!"

"Walangya ka talaga, Ser!"

"Mabusted sana 'yang malayong pinsan mo kung na saan man siya."

"Alam mo, Ser," ni Sep, "kung gusto mong makuha agad ang yes ng babae, isa lang advice ko sa'yo."

"Ano?"

"Dasal," hagalpak agad ng tawa ang mga walangya. "Dasalan mo nang mataimtim na hindi masungkit ng iba kung 'di ka pa gagalaw. Dahil kung babagal-bagal ka. Malamang, ring bearer ka na lang sa kasal."

"Walangya, Sep!" Nag-hive-five pa sila Jude at Sep. "Napakagaling! Master ka talaga."

Magkaakbay pa siyang kinatahan ng wedding march ng dalawa. "Tantantanaaaan! Tantantanaaaan! Si Ser n'yoooooo ring bearer na laaaaaaang!"

"Saya kayo?!" Isa-isa niyang binato ng carton ang dalawa. "Saya kayo! Malasin sana kayo habang buhay. 'Yong text na hindi n'yo ipinasa sa 30 ka tao noon ang magiging karma n'yo."

"Ser, akala ko ba hindi ikaw ang manliligaw?"

"On behalf sa malayong pinsan ko. Ako na ang magagalit! Bakit ko ba kayo kinausap? Wala na rin naman pala akong mapapala sa inyo."

"Hindi ka sure!"

"Yawa kayo!"

"Katulad mo?"

"Hahaha!"

"Huwag n'yo na idamay ang demonyo," ni Sep. "Pagod na pagod na 'yon sa kasisisi natin sa kanya."

"O, 'di kasalanan lahat ni Iesus!"

"Hoy, Bartolome!"

"Itataya ko kalahati ng lupain ko. Si Balti ang ikatlong mag-aasawa."

"Mylord, joke lang!"

"Ayusin mo kung 'di ay ikaw ang ibabaon ko sa lupa."

"Mahal kita, Iesus."

"Sa barangay ka na magpaliwanag, Bartolome."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro