Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

"AHEM," he cleared his throat and pulled a chair to sat on.

Nakatingin lang sila James at Juan sa kanya habang umiinom mula sa di-straw na yakult. He eyed them intently. Perhaps, coldly. Pero kung tignan siya ng dalawa ay parang mga estudyante lang niya na walang pakialam sa kanya. Nangangati siyang isako ang mga walangya. Iitsa niya pa sa dagat. They will be missed for sure pero wala siyang pake. Kung meron man saka na niya hahanapin mga after 10 centuries.

"I have something to say," basag niya.

"Natapos ko na 'yong Kdrama na in-recommend mo." Bumaling si James kay Juan. "Do you have any suggestions to watch? Hindi ko gusto mga pinapanood ni Mama, too cliché and childish. Kinikilabutan ako."

Napakurap siya.

"I listed a few." Inilabas ni Juan ang isang folded paper mula sa bulsa ng white coat nito. Slid the paper in James' direction. "'Yan napanood ko na. Maganda ang bida. I like Park Min Young's series. Don't worry, rom-com 'yan. I'm not fond of heavy dramas."

Anak nang – kailan nahilig si Hayme sa ganyan? Bored na bored na? Matagal na niyang alam ang hilig ni Juan sa Kdrama. 

"Ayaw ko nang nag-aagawan. It's too stressful."

"Hindi naman masyado. Unahin mo ang What's Wrong with Secretary Kim then Her Private Life. Anyway, marunong ka naman tumawa, 'di ba?"

Kumunot ang noo niya sa expression ng mukha ni James. He's literally giving it a thought! "Yata?" Seryosong usapan, Hayme, 'yong totoo, robot ka?

"Anyway, it doesn't matter," ni Juan.

"I'm curious, tho, do you still add English subtitles when you watch?"

"Yup. Hindi ko naman naintindihan 'yan kahit tatay ko Koreano. I'm more comfortable speaking in Bisaya and English, a bit of Tagalog. I understand Korean, speak a little Korean, but not a pro." Juan yawned. "Anong kinain mo kaninang lunch?"

"Nagluto si Mama ng adobo –"

Pabagsak na inilapag niya ang mga palad sa mesa. Sabay na bumaling ng tingin sa kanya ang dalawa. Patience, Balti. Patience. Sa haba ng pasensiya na. Napipigtas talaga ng dalawang 'to. 

"Nandito ako! Hindi n'yo ako nakikita?" He waved a hand in front of them. "Balti." Inilapat niya ang kamay sa dibdib. "Si Balti 'to. Ang pinakagwapo sa Faro."

"Stop saying nonsensical things, Bartholomew," sagot ni James.

"I second the motion," segunda ni Juan. "Anyway, bakit mo ba kami pinatawag? Ni wala ka man lang free snacks." Ibinaling nito ang tingin sa convenience store sa boardwalk. "Ser, gusto ko 'yong Melona ice cream. Bili mo ko."

"Tawagan mo kuya mo."

"Wala pa raw siyang sahod."

"Si Sep?"

"Kinidnap ni Kambing."

Kumunot ang noo niya. "Sino si Kambing?"

"Si Andrew," sagot ni James para rito, "Andeng – kambing."

Napatingin siya sa clinic ni Juan nang may marinig siyang boses ng kambing. Baaaa! Baaaa! Walangya! Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan nang makita ang magkahalong brown at puting kulay ng kambing na medyo kulot pa ang bangs sa harap ng clinic ni Juan.

"Ser, meet Andeng," turo pa ni Juan sa kambing.

Baaa! Baaa! Baaa!

Tawang-tawa siya. "Hoy, Ryuu Juan! Alam ba ni Andrew na pinangalan mo sa kambing ang pangalan niya?" Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Juan was suppressing his devilish grin. "Saan mo na naman 'yan nakuha?"

"He doesn't need to know. I bought him, actually. Naawa ako. Gagawing kaldereta. Naalala ko mukha ni Andrew sa kanya. Inuwi ko na lang."

"Ngayon lang ako nakakita ng kambing na kulot ang bangs," ni James. "At least 'yan mukhang mabait na Andrew."

"Sana pati rin 'yong tao," sang-ayon ni Juan sabay inom ulit ng yakult nito sa straw.

Yemas 'yan! Ang sakit na nang tiyan niya kakatawa. Mamaya kukunan niyang video. I-se-send niya kay Andrew. Wala lang, para masira lalo ang araw. Ano ba 'yan?! Na distract na naman siya. Walangya talaga 'tong dalawang 'to. Hindi 'yan ang pakay niya. Balti, focus!

"Mga gago!" aniya, tawa pa rin nang tawa, naluluha na siya kakatawa. "Nililihis n'yo ako. Iba pakay ko sa inyong dalawa."

"Ano ba kasi 'yon?" ni Juan.

"Mambabakod na ako. Huwag n'yo akong harangin."

"Gagawa kang bakod?" ni James.

"Hindi ba may bakod ka na?" dagdag ni Juan. "Gagawa ka ulit? Ipagawa mo kay Simon. Maganda 'yong gate niya."

"I noticed too," ni James.

"Hindi, mga hudas kayo –"

"Pinatawag mo rin si Jude?" Luminga sa paligid si Juan. "Teka, hindi ko pa nababalikan 'yon. Ibebenta ko 'yong Jeep Wrangler sa kanya."

"Bakit?" sabay na tanong nila ni James.

"Bibili akong bago." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Is he joining us?" Ibebenta e kabibili lang nun last year? Anong trip nitong si Ryuu Juan?

"Hindi –"

James cut him off. "Magkano?"

"Double the price."

Na curious siya bigla. "Bakit doble?" tanong na rin niya.

"Service fee."

Binato niyang spare straw si Juan. "Hindi ako naniniwala. C'mon, spill the tea."

"Masyado kang chismoso, Ser."

"Ang sabihin mo may alam ka na ayaw mo sabihin sa'min. Hayme, paturo ka nang manghula kay Madam Aurea para malaman natin mga sekreto ni Juan."

"Kapag natututo ako uunahin kita."

Natawa siya. "Yawa!"

"Ser, puro ka mura," puna ni Juan, ngiting-ngiti. "Bad."

"Nilalayo n'yo ko sa usapan!"

"Chismoso ka lang."

"Wala kayong proof."

"Pahiram cell phone mo."

Ngumisi siya sa dalawa. "Asa pa kayo!" Sabay tawa.

"Sinabi sa'kin ni Binig na lagi mong kinakausap si Mang Ben sa security office." Lalo siyang natawa. "May hinala siyang kinuha mo na lahat ng cctv footages sa Faro. Alam ba ni Iesus 'yan?"

"For reference purposes only."

"Ser, bili mo kong Melona," pag-iiba na naman ni Juan.

"Masarap ba 'yong ramen?" dagdag ni James.

"I give up!" He raised both his hands and laugh. Tumayo na rin siya pagkatapos. "Basta sinasabi ko sa inyo. I'm watching the two of you." He pointed a V-shaped finger on his eyes and to Juan and James. "Sa ending na tayo magkita-kita."

Tumalikod na siya at akmang aalis na nang may maalala siya. Kinuha niya ang wallet sa back pocket ng pantalon niya at kumuha ng one hundred pesos. Binalikan niya ang dalawa at nilapag ang pera sa mesa.

"Pang Melona mo, Juan." Pinaningkitan niya ng mga mata si James pagkatapos. "Yong sobra pang ramen mo." Ngumiti siya sa dalawa pagkatapos. "Adios!" He saluted and walked away.

"Ang buraot. Hoy, kulang 'to!"

"You're welcome!"

"Madapa ka sana!"

"Hahaha!"


"WAIT, WAIT!" Halos hindi makapaniwala si Chi. "Umamin na siya? Woah! Seryoso talaga?" Alanganin siyang ngumiti at tumango. Lumapad ang ngiti ni Chippy. "Ang rupok! Sinasabi na e." She snapped her fingers. "Ang arte ng walangya," and chuckled. Umayos din ito ng upo pagkatapos. "Omg! I want to hear the details. No! I mean, huwag na muna. Hindi pa tapos ang mission natin. Wait, pero kayo na ba? Sinagot mo na agad?"

Umiling siya. "Hindi. Manliligaw pa raw siya."

"Shuta, manliligaw 'yong si Ser?!"

"Chi," Au hissed, "natutulog si Aurora."

Nasa bahay sila nila Au. Kakatulog lang ni Aurora. Mahinang tumawa si Chi at nag-peace sign dito. Natawa lang si Au. Nakatayo ito malapit sa crib. Ewan ba niya at nasa nursery room sila nag-uusap. Magigising pa yata nila si Baby Aurora.

"O, tapos?" ni Au.

"Ayon lang sabi niya. Manliligaw raw siya."

"Nagsimula na?"

"Hindi ko sure. Paasa 'yon lagi e. Saka 'yong mga actions niya kasi dati pa e may malisya sa'kin lage."

"Ang rupok mo, girl," ni Chi and grinned. "But I like it. Discreet lang natin 'yan ngayon. Magmaganda ka muna." Lumapit na si Au sa kanila. "Hindi ko muna aalisin ang mga second lead natin sa story niya. That would be too suspicious. So I can't. I should definitely not do that."

"Agree," nakangising sang-ayon ni Au. "Dapat palaguin natin nang husto ang feelings ni Ser para sa'yo."

"Actually, hindi pa namin pinapaalam talaga." Tinitigan siya ng dalawa. Alanganin siyang ngumiti. "E ganito kasi 'yon. Iniisip namin si Maha rin. Saka kapag pinaalam namin 'yon baka mag-expect nang malaki ang mga parents namin. Sa tingin ko kasi... Balti is taking our relationship slowly –"

"Wala kaming pake. Nagmamadali ako," ni Chi. Tawang-tawa si Au sabay batok dito. Natawa rin ito kalaunan. "Shuta ka Auring, ang sakit nun, ha?"

"Gaga ka!"

"Girl, inuugatan na 'tong kaibigan natin. Taking their relationship slowly pa rin si Bartolome? Babae tayo. Pre-historic na ang matres natin bago pa maisipan ni Bartolome na isagad ang paglandi niya. No, no, 'yon. I will not agree with such things. Hindi ako papayag na malugi ang mga sisters ko."

"Saan ba lakad mo at nagmamadali ka?" ni Au.

"Madami nang na invest si Iesus sa mission na 'to. Tho, hindi niya alam." Binatukan na naman ito ni Au. Tawang-tawa lang si Chi. "Syempre bilang isang mabuting pinsan. Ahem, that's me." Chi grinned. "It is right that I make sure that all our efforts will not be put to waste."

"Kapag talaga hinanapan ka na ni Iesus sa mga nawawalang bagay sa mansion niya ay pipilitin ko talaga si Tor na magbakasyon muna kami sa Berlin."

"In-expect ko na 'yan. Don't worry, wala ka nang babalikan na pagkakaibigan kapag umuwi ka rito. Isusumpa kita hanggang sa kabilang buhay."

Tawang-tawa sila ni Au.

"Esme?" tudyo pa nito.

Ngumisi si Chi. "Lolo Pol."

"Loka-loka ka, Chi!" Tawang-tawa ulit sila. "Patahimikin mo na lolo ko. Pagod na 'yon."

"Okay! Anyway, as I was saying. Juan and James will continue to annoy Balti until such time na umamin na kayong lahat sa'min. And don't worry, your secret is safe with us. Kapag kumanta ang apat na 'yon." Referring to Juan, James, Sep, and Math. "Ipapa-assasinate ko mga itlog ng mga walangya."

Napangiwi siya.

Ouch.

"Pati kay Math?" ni Au. "Paano ka?"

"Writer ka?" baling ni Chi kay Au. "Hilig mo gumawa ng kwento ah." Tawang-tawa siya. Syempre feeling MathChi shipper ay all in support siya.

"Manghuhula," Aurea grinned.

"Walang naniniwala."

Tumawa si Au. "Hindi ka sure."

Ibinaling ni Chi ang tingin sa kanya. "Huwag ka magpapaniwala kay Auring. Lifetime anesthesia ang nasa dugo niyan ngayon kaya kung anu-ano naiisip."

Natawa siya. "Parang sayang nga talaga."

"Isa ka pa, Mam. Bagay nga kayo ni Ser."

Bumukas bigla ang pinto ng nursery. Pumasok ang walang kangiti-ngiting si Tor.

"The three of you get out," Tor strictly gestured a hand at the door.

Pansin niyang pigil na pigil ni Aurea ang tawa sabay hampas sa braso ni Chi. "Ikaw kasi e!" bulong pa nito. "Ingay-ingay mo." Tumayo na silang tatlo.

"Strict ng asawa mo, ha?"

Itinulak na ni Au si Chi sa direksyon ng pinto. She was suppressing her smile habang nakasunod sa dalawa. Nakakatakot si Tor e. Parang principal. Nakalabas na silang dalawa but they waited for Au na hinarap muna si Tor.

"Ang ingay-ingay n'yong tatlo natutulog si Aurora."

Au chuckled, "Oo na, oo na, ikaw na muna magbantay." She tiptoed to cupped her husband's face. And she really finds it a cute and sweet gesture of Au. Bagay na bagay talaga ang dalawa. "I love you." Au gives Tor a quick peck on the lips.

Tor was suppressing his smile. Halata namang kinikilig kahit kunot ang noo. Inilapat nito ang isang palad sa noo ni Au para ilayo ang mukha nito. Pigil niya ang kilig para sa dalawa.

"Makipag-chismisan ka na," anito.

"Yan gusto ko sa'yo e. Supportive Daddylabs as always."

"Wala rin naman akong magagawa. Mamamatay ka yata na hindi nakakagawa ng kalokohan." He pointed a finger to his wife. "So don't mess up."

"Of course!"

"Iwan na natin 'yang dalawa, Niña." Hinila siya sa braso ni Chi sa direksyon ng hagdanan. "Hanap tayong makakain sa bahay ni Attorney."

"Eh?"

"Maglalandian pa ang mga 'yan." Natawa siya. "Huwag kang mag-alala, papunta ka na rin doon."

"Ikaw?"

"Mangyayari lang 'yon kapag nakalakad na sa dagat si Sep."

Tawang-tawa siya. "Gage!"

Chi chuckled, "Tagal na."



SHE pushed away her swivel chair to straightened her back and stretched. "Woah!" Ang laking ginhawa. Inalis niya muna ang salamin sa mata. "Anong oras na ba?" Namilog ang mga mata niya nang makitang quarter to 6 pm na. Hala! Marahas na tumingin siya sa glass window. Medyo madilim na sa labas.

"Ma'am Nins, uwi na," naibaling niya ang tingin kay Jane. Dala-dala na nito ang knapsack bag nito. Napansin din niyang wala nang tao sa faculty maliban sa kanilang dalawa. "Mukhang uulan na rin. Hindi ka pa ba tapos?"

Ngumiti siya. "Sige lang, tapusin ko lang 'tong event flow para sa culmination ng Nutrition Month ngayong Friday."

"Akala ko tapos mo na 'yan?"

"May binago lang pero kaonti lang naman."

Jane smiled. "Okay, sige 'di na kita hihintayin." Lumipad naman ang tingin nito sa table ni Balti. "Umuwi na ba si Balti o naiwan niya ang bag niya?"

Napaisip din siya. Na saan na ba 'yong si Bartolome?

"Hindi ko alam. Hindi ko napansin."

Natawa lang ito. "Anyway, mauuna na ako, Nins."

"Ingat ka."

"Ikaw rin."

Lumabas na ng faculty si Jane. Her gaze roamed around the empty room. Siya na lang talaga mag-isa sa faculty – literal pa nga. She sighed. Kinuha niya ang cell phone. Wala ring text kay Balti. Saan na ba 'yon? Imposibleng umuwi 'yon mag-isa.

Nagitla siya sa bilang pagkulog. Marahas na naiangat niya ang ulo muli at naibaling ang tingin sa mga bintana. Kumulog na naman. Naku, dapat na yata silang umuwi ni Balti. She dialed his number but he's not picking up his phone. Na saan ba 'yon?

Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto ng faculty.

"Umuulan na!" anunsyo ni Balti.

Bumuhos na nga ang malakas na ulan sa labas na may kasama pang panakanakang pagkulog.

"Hoy, saan ka galing?" Ibinaba niya ang cell phone.

Ngumiti ito. "Ito naman, miss na ako agad. I miss you too." Pinandilatan niya ng mga mata ito. Napatingin siya sa paligid. Baka may makarinig. "Don't worry, nakauwi na silang lahat. Maliban sa guard," he chuckled after. "Tapos ka na?" Lumapit ito sa mesa niya.

"Sa bahay ko na tatapusin."

"Tapusin mo na muna. Hindi pa tayo makakauwi. Masyadong malakas ang ulan sa labas. Mahirap mag-drive."

She sighed, "Sabagay."

Gumuhit ulit ang malakas na kulog na may kasamang kidlat. The light reflected inside the room. Ramdam niya ang bahagyang pagyanig ng paligid. Tila ba may gyera sa langit sa mga oras na 'yon. Nagitla siya nang sobra and she can tell Balti was startled as well. Kasunod nun ang biglang pagpatay ng kuryente. Madilim ang paligid pero buti hindi namatay ang laptop niya. Pero alam niyang mag-off din 'yon dahil 'di na makakatagal nang hindi laging naka-connect sa charger. At 'yon na nga. Namatay na rin.

"Nin –" boses 'yon ni Balti, naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.

"Relaks, walang multo."

He let out a shaky laugh. "Sana 'di ka na turn off sa'kin."

"Kung flaw sa'kin 'yang pagkamatatakutin mo sana noon pa kita iniwan." Binuksan niya ang flashlight ng cell phone niya. "Being scared of something is natural." This time nakita na niya ang paglamlam ng expression ng mukha nito. "Kaya kong palayasin lahat ng multo para sa'yo." Pareho silang natawa.

"Ikaw na bahala sa lahat," ngisi pa nito.

"Gage!"

Thunder strikes again. Mas malakas pa kaysa kanina. Sa gulat ulit niya ay kamuntik pa siyang ma out of blance nang mauna pa si Balti sa pagtago sa ilalim ng mesa niya. Tawang-tawa siya. Lalo na nang idikit nito ang mga palad sa dalawang tainga. Cute na gusto niya maawa. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya paupo sa ilalim ng mesa niya.

"Kumain ka na?" distract niya rito.

"Are you trying to distract me?"

Inabot niya ang bag sa itaas ng mesa. Kinapa niya muna bago hinila pababa. "Is it working?" Binuksan niya ang bag at inilabas doon ang sobra niyang FLATOPS. "Snacks?" alok niya sa tatlong piraso ng chocolate.

"Hindi na ako tatanggi," he chuckled saka kinuha ang tatlo. Agad nitong binuksan ang isa. "Mukhang matagal-tagal pa bago tumila ang ulan." Panay pa ang kulog at kidlat sa labas. "Pangit ka bonding ng langit." Tumawa ulit ito.

Bumuga siya ng hangin, props her legs forward.

"Heartbroken yata," nakangiti niyang sagot dito.

"Which reminds me of an old tall tale in Cebu I've read when I was in Spain. Familiar with the Ylang-ylang?"

"'Yong bulaklak na yellow na hugis star ang mga dahon? 'Yong flower tree?"

"Yup!" Balti nodded. "There's actually a different tale about it. Don Martin, a Spaniard, fell in love with a native girl, si Maria. Pero aside sa world's apart e 'di rin sila magkaintindihan so they use sign language to understand each other. Sweet, 'no?" Balti smiled.

Natawa siya. "Hindi ko ma imagine."

"Love finds ways."

"O, tapos? Anong nangyari?"

"Every day, Maria will climb a tree to pick flowers for him and Martin is fond of keeping the flowers in his pockets. Kapag tinatanong niya si Maria kung saan niya kinuha ang mga bulaklak. Maria will always point to a tree and say, Yla. Which means, sa amin or theirs in their own native language, perhaps."

"Makes sense." Napa-isip din siya. "Kasi kung sa Cebu ang setting ng legend. Yla sounds Ila, meaning sa kanila, sa amin, or theirs. So inulit niya? Kasi Ylang-ylang na ang name."

"He asked her twice, yes, and she answered him with similar words that sound the same and connected. But it was Yla lang yla. Pero kung 'di mo rin naman alam language ng isang tao. Iisipin mo talagang magkatunog lang 'yon, 'di ba? And you would probably assume that it was the answer to your question."

Tumango-tango siya. "Ang galing. Bakit parang Bisaya word lang siya talaga? Yla lang yla, does it mean, sa amo lang o sa amin lang?"

"I suppose? Tamang hula na lang," tumawa ito pagkatapos.

"Bakit 'di ka nag-research?!"

"Ikaw na gumawa. Share labor."

"Tsk, so ano nangyari? Did they end up together?"

Balti shrugged his shoulder. "I don't know. It wasn't written specifically. I also wonder what happened in between. Fifty years after, Don Martin died and was buried underneath the same tree. Naging cemetery 'yon ng simbahan ng San Nicolas, Cebu. Around 1881, it was believed that the ancient tree was still standing tall in that place."

"Hanggang ngayon?"

"I don't think so."

"Yong San Nicolas sa city? Malapit sa fish market?"

Balti nodded. "When I visited the church iba pa ang design ng altar ng simbahan. It was a multi-colored mosaic of the 12 apostles made by a Cebuano Artist, Fidel Araneta. Naka display pa nga ang lumang landscape painting ng simbahan sa loob. Pero mukhang wala na 'yon ngayon."

"Sa tingin ko tragic 'yong story nila Maria at Don Martin."

"You think so?"

"Feeling ko lang, kasi kung nagkatuluyan sila dapat magkasama sila sa libingan."

Balti chuckled, "So kapag ba mag-asawa e kailangan sa iisang libingan lang? Sa lawak ng lupain magsisiksikan kayo sa isang kaperasong lupa?"

"Isipin mo nga nang mabuti. Hanggang doon lang ang kwento. Meaning, puwedeng namatay nang maaga si Maria o 'di kaya nagpakasal sa iba dahil sa magkaibang lahi sila?"

"Ang tragic, Nin."

"Puro ka kasi happy ending."

"Anong masama sa happy ending? Mga demonyo 'yang mga writer na pinapatay ang bida sa mga kuwento. Minsan na nga lang masaya. Pinapatay pa 'yong bida. Masyado silang malungkot sa buhay. Nandadamay pa sila."

Tawang-tawa siya. "Ang laki ng galit ah."

"Malaki talaga!"

"Anyway, feeling ko talaga tragic ending. Lahat naman yata – I mean, halos naman ng mga legends e malungkot ang ending so baka nga ganoon din nangyari kina Don Martin at Maria. Pinagtagpo pero 'di tinadhana."

Balti chuckled, "Pinagtagpo lang para mabigyang pangalan ang punong Ylang-ylang. Ang saklap!"

"Bakit feeling ko hindi ka pa nakaka-move-on sa story nila?"

Ibinaling nito ang mukha sa kanya. "It reminds me of something." His voice was serious this time. Binati sila ng katahimikan ng ilang segundo. Tanging malakas na buhos ng ulan ang bumabasag sa katahimikan ng paligid. "It reminds me of myself," amin nito. Ibinalik ang tingin sa harap. "It keeps me wonder what happened in between the tale. I haven't shared this one before but I believe, Tor mentioned it already."

He paused before speaking again.

"I used to be a shy and aloof kid. I didn't like people. I hate the crowds." Mapait itong ngumiti. "Nasa bahay lang ako at nagbabasa. I always read. Read. Read. Read. Read. Sa pagbabasa umikot ang buhay ko. Even at an early age. I already knew I was different. That my intellectual capabilities are not similar to the kids my age. They wanted to play. I preferred learning new things. Kids my age don't find it normal so they tried to avoid me, thinking that I was a complete freak."

She didn't know that.

"But ever since that day," seryosong-seryoso ang mukha nito, "in that museum," as if Balti was seeing the memories vividly in front of him. "Something changed in me. I couldn't exactly remember what it was but I knew, I did change. And I keep thinking, what happened in between my childhood that changes me completely?" Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Even if Tor is keeping his silence. I know he's wondering too. Ayaw niya lang sabihin dahil alam niyang iniiwasan ko."

"Hindi mo ba talaga maalala?"

Umiling ito. "There are so many memories in my head that I couldn't pinpoint if it happened in reality or not. I tried sharing these with my parents but they always told me that all of them were just product of my imagination." Ngumiti ito. "Minsan naiisip ko na nababaliw na ako."

"I don't think so."

"My personality now seems normal to me but when I look at my childhood photos before the museum accident it always gives me a perfect contrary of the old Bati and the new Balti. The old me seems like a lost and sad child. While the new Balti seems the happy and wicked version of that old boy."

Napansin na rin niya 'yon dati. Naitanong na rin niya kay Maha. Wala rin itong alam masyado kasi baby pa raw ito. At saka hindi rin daw pinag-uusapan sa pamilya nila.

"There is this one particular memory that always plays on my mind. It was the same little boy version of me. Nagbabasa ako ng isang story book na nakasulat sa ibang linggwahe. I didn't understand what it was pero alam ko na storybook 'yon. I was smiling at the little girl beside me. Nalilito ako kung totoo o hindi dahil kamukha ni Maha ang batang babae.

"But what was off by that memory is that, we are wearing dirty clothes with lots of uneven stitched patches. It didn't seem right. We never had those kinds of clothes in our closets. And I never see that little girl grow up. I see myself as a teenager in those fragmented memories but he always seemed alone and sad. Lost and revengeful."

"Past memories?"

"Do you believe in such things?"

"Well, I'd like to think that at some point in the mysteries of life we were once born in the past. And whatever mistakes that we did in our past lives. In our next lives, we will be given the chance to correct them. I always have this belief," she paused, "that reincarnation was God's way to save us from total damnation. He loves us too much and He would never want us to be astray so He will think of a lot of ways to save us. We may not remember our past but isn't it amazing to know that He's giving us another chance to restart again?"

Napangiti ito. "That's new, it never crosses my mind."

Tipid siyang ngumiti. "I was never vocal with the things I believed in. Iniisip ko kasi nonsense so I always keep it to myself. Sa isip na lang ako nakikipag-rebuttal." Natawa siya. "Ang weird."

"It's not weird. You just have a special understanding of things."

"Boring interpretations."

"Not for me, I'd like to test that in the future."

Natawa ulit siya. "Ang imposible."

Ngumiti ito. "Don't belittle yourself, Nin. Most of our greatest inventors, scientists, archeologist, and other researchers in different fields started in one belief. It may take a lot of years to prove something out from it but the right timing will give us the answers we all needed. Proving something doesn't require a specific deadline. It requires perseverance and passion. You only lose when you stop trying."

Napangiti siya. "It makes me wonder why you didn't apply as a professor. Feel ko ang engaging mo magturo."

He chuckled, "Mas cute ang mga bata kaysa sa mga matatanda."

"Choosy nito."

Humiga ito sa kandungan niya. "Kids are full of wonders." He looked up and smiled. "I'd like to feed their minds with things that could nurture their growth in the future. Not all people understand the wonders in a kid's mind. They need someone who could guide them on how to properly utilize their capabilities."

She found herself comfortably brushing her fingers on his hair. "Dapat ulirang guro award ang ibigay sa'yo."

Tawang-tawa ito. "Pagkain lang, masaya na ako." Dinala ng isang kamay nito ang libre niyang kamay sa bandang dibdib nito at tinapik-tapik 'yon. "If you will ask me, how do I see myself in the next 5 to 10 years of my life. I have only one simple answer."

"To be happy," sagot niya. She clearly remembers everything. Balti's greatest forecast of himself. "We can always achieve the things we want in this lifetime through hard work and perseverance but it takes a strong will and wisdom to be genuinely happy." She memorized it with her heart.

He gently kissed the back of her hand that he was holding. "It always felt like I've overworked myself in my past life." Ipinikit nito ang mga mata. He didn't let go of her hand. He held it like it was his precious life. "And now I just want to be... happy."

"You will."

Balti smiled. "Wake me up when it stops raining."

"Okay."

"Huwag mo ako masyadong bantayan. Hindi naman ako mawawala."

Napamaang siya. "Kapal!"

Tinawanan lang siya nito. "Bantayan mo ang mga multo."

"Sila dapat matakot sa'yo."

Tawang-tawa ito. "Umayos ka, Marzon!"

"Maayos na, Juarez." 

"Kiss mo muna ako sa pisngi."

"Bahala ka sa buhay mo."

"Dali na, Marzon."

"Suntok gusto mo, Juarez?"

He chuckled, "Kiss mo."

"Matulog ka na! Ingay mo."


A/N: Just a short trivia, the same church mentioned in the chapter is the same church where I got the inspiration of FDA. Sa simbahan na 'yan ko narinig ang bulong na isulat ko ang series na 'to. Tho, many years delayed na but I believe that it will be worth it. You will make it worth it. Thank you for reading! Lots & love! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro