Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

LESSON NUMBER 2

SANHI AT BUNGA NG SELOS

SER, kung nakakaramdam ka na. Pakigalaw na ang puso – este ang paso. Sincerely and impatiently shippers of BalNin of Faro.

"JAMES!"

James smiled as she approaches her. "Dessert?" Inalok nito ang dalang cupcakes sa hawak nitong platito. "Sa'yo na ang isa." Dalawa lang din naman 'yon.

"Thanks –" Her hand stop mid-air when he transferred her share of the cupcake to her plate. Mas mabilis ang kamay nito kaysa sa kanya. "Thanks!" ulit na lamang niya sabay angat ng mukha rito. She smiled at him.

"You're welcome."

Welcome Party 'yon nila Au at Aurora sa bahay ng mga ito. Maliit lang na salo-salo na handa ng Noah's Ark. Everyone was there including Andrew Alquiza. Nasa pool area sila ng bahay nila Tor. 'Yong kalahati nasa loob ng bahay. Sila Sep at Math ang nakatuka sa pagluluto ng bbq at isda. Thad is helping the two as well in the grilling.

"Have you meet Andrew?" basag nito.

She nodded.

Late si James kanina e. Pinakilala siya ni Balti kay Andrew noong wala pa si James. Dang, tingin pa lang ni Andrew feeling niya bubuka na ang lupa. Ganoon na ganoon ang aura nito. Mas nakakatakot pa kay Tor.

He was the complete opposite of his older brother, Sep. If Sep was ruggedly handsome. Andrew was the typical heir-looking CEO – possessive kind of man. His permed hair was brushed up and he was tall like the other 12. Pero, she couldn't deny the fact na sobrang magkamukha sila Sep at Andrew. Sep was friendlier looking than Andrew.

Bahagya siyang natawa. "Medyo nakakatakot."

"Which reminds me. You seem scared of me when we first met."

"Hindi naman masyado." Umiling siya at ngumiti. "Although may ganoon ka ring aura but you seem like the calm one."

"Calm one?" James seems interested all of a sudden. He was looking at her with such curiosity.

"You're like the calm before the storm."

"Quite a unique analogy to describe me." Kinagatan nito ang cupcake na hawak. "And Andrew?" he pressed.

"Literally the storm," she chuckled.

James smiled – that manly smile na minsan lang talaga magpakita sa mukha nito. Well, she wouldn't deny the fact that he like James to smile often. It suited his face.

"You know what," bumaling ulit ito sa kanya, "you should smile often."

Namilog ang mga mata nito. "Hmm?"

"Bagay sa'yo."

He smiled again. "As I've been told."

Napangiti siya. "See?"

"Pero kung ngingiti lang ako without any reason sa tingin ko kakabahan na ako." Natawa siya. "I'll be damned." He tried to suppress another smile.

"Well, at least, when you feel like it."

"I'll take note of that."

Inubos na nito ang kinakaing cupcake.

"Mahilig ka rin sa sweets?"

"I guess? Well, not most of the time. Kapag nagustuhan ko ang lasa mauubos ko. But if it doesn't give my tastebud the best impression I put it aside."

"Mukhang pumasa sa panlasa mo ang luto ni Math ah." James simply shrugged his shoulders. She will take it as a yes then. "Curious lang ako. I hope I didn't cross the line or ma offend kita." She paused for a moment. In-asses niya kung pwede nang idugtong 'yong sunod na pangungusap niya. "Kasi lagi ka nilang binibiro na taong kahoy." 

Bumakas agad ang stress sa mukha ni James. Itutuloy pa ba niya? Kaso curious na rin siya e. Bahala na nga.

She cleared her throat. 

"What do you do for a living?" 

Hindi rin kasi siya sinasagot ni Au nang maayos. Basta sabi lang nito ay furniture designer ito.

"I'm an industrial designer," sagot nito, "we design and develop products like toys, cars, furniture, electronics, and others. But my family's business focuses on office, home, and hotel furniture. I don't know if you're familiar with Laroa. Laroa is now an international furniture and design company based in Germany. My father is the current president of Laroa."

Nabanggit na nga sa kanya ni Aurea na kahit si Nanay Lourdes ang biological mother ni James ay may adoptive parents ito sa Germany. Not foreigners but a wealthy couple in Cebu na nag-migrate sa Germany noong baby pa raw si James. It took him 30 years to find his mother and sister.

What she admires the most is his love for Au and Nanay Lourdes. It was just too genuine.

"And I like creating something out of wood material," dagdag nito.

"Hmm?"

"I'm presuming they got that nickname of me from my hobby. I'm always in my workroom. When I'm stressed I create."

"Hindi ka hinahanap ng ama mo?"

"Umuwi ako recently. I got back around June. Kahit nandito ako. I'm working. I'm handling dDLand Microtownship Condominium Building project. That's one of the reasons kung bakit nandito ako sa Cebu. To bid my business proposal with Iesus. Luckily ay nakuha ko naman. Saves time."

"Kaya hinanap mo agad sila Aurea?"

"It was already part of my agenda in coming here."

Napangiti siya. "Well, you got both." Kinagatan niya ang cup cake na nilalamig na sa kamay niya sa sobrang daldal. "Lucky ind –" Natigilan siya nang umangat ang isang kamay ni James sa gilid ng labi niya.

"You've got icing here," he gently wiped it away with his thumb, "done."

"T-Thanks."

Just to check ay tinignan niya ang mukha mula sa camera ng cell phone niya na hinugot pa niya sa jeans niya. Pero sa kaka-adjust niya e sumingit sa likod niya ang mukha ni Balti. Napakurap siya. Iba kung makatingin e.

"Is there a problem, Nin?"

Ibinaba niya agad ang cell phone. "Wala." Nakangiti pa niyang sagot. "Nakita ko lang si Balti sa likod." Lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Hoy, huwag mo tignan," saway pa niya rito.

"Let him wonder," ngumiti na naman si James.

"Napansin mo na ba siya kanina?"

James innocently nodded. "Hindi pa rin ba umaamin?"

Her lips twitched. "Kasing tigas yata siya ng mga kurakot na mga opisyales sa gobyerno. Kahit anong piga. Ayaw umamin."

"Well, I think he's jealous right now."

"Totoo?"

He nodded. "Want to test it?"

Namilog ang mga mata niya. "Paano?"

James dipped one finger to the icing on her cupcake and discreetly smudge it on his cheek. He was acting na hindi niya napansin 'yon.

Bumaba ang tingin nito sa kanya. Their gaze met. "Raise your hand and wipe the icing on my face."

"S-Sure?"

"Just trust me."

"O-Okay..."

Inangat niya ang isang kamay sa pisngi nito. James smiled. "Slowly and please smile." Alanganin siyang ngumiti. He chuckled, "Not that kind of smile." She sighed and smile again. "Better. Now wipe it slow –"

Hindi na natapos ni James ang sasabihin nang biglang may pumagitna sa kanilang dalawa. Talagang hinatak siya kaya napunta siya sa edge ng pool. Sinubukan niyang humawak sa braso ni Balti pero 'di na niya nagawa dahil mas malakas ang pull ng gravity ng pool. Isang malakas na splash ng tubig na lang ang narinig niya bago siya tuluyang malunod sa ilalim.

"Niña!"

Walangya ka Bartolome!

Hindi pa man din siya marunong lumangoy na lagpas sa ulo niya. Minalas siya dahil 'di na niya maabot ang ilalim. Walangya talaga kapag namatay siya sa isang 8ft pool. Siya na talaga pinakamalas sa lahat.

Pasuko na siya nang biglang may humawak sa beywang niya at pilit siyang iniangat paatas. As soon as she inhaled air on her nostrils ay inihit naman siya ng ubo sa dami ng tubig na nainom niya. 

Ang salamin niya. 

Dios ko! Ang nag-iisa niyang salamin.

"You're safe now."

"T-Thanks..."

Wait, familiar? Pero hindi masyado malinaw ang mukha. Kumurap-kurap siya habang nakayakap dito.

"Oppaaaaa!" 'Yon sigurado siyang boses ni Maha. "Waeyooo? Andwaeeeeee! Shirooo! Noooooo! Bitiwan mo siyaaaaaa!"

Nang luminaw nang kaonti ay ganoon na lang ang gulat niya nang makilala ang savior niya. Walang iba kundi si Ryuu Juan Song. Malamang hindi si Balti ang magliligtas sa kanya. Isa pa 'yong 'di marunong lumangoy.

"Chippy itulak mo ako sa pool dali, dali!"

"Gaga, marunog ka ba lumangoy?"

"Hindi pero ililigtas naman ako ni Juan."

"Hindi mo sure!"

Ang lakas nang iyak ni Maha.

"Oppaaa! Bakit? Ako dapat 'yon e – yaaa! Walangya, Chi! Bakit mo ko itutulak?!"

"Sabi mo itulak kita?"

"Andwaeeee!"

"Labo mo kausap."

"Ser si James ang itutulak hindi po si Niña!" It was Math's voice na nasundan ng tawa ng lahat. "Hirap tumanda. Lalong lumalabo ang paningin."

"Hahaha!"





"HERE."

Umangat ang tingin niya kay Balti bago kinuha ang mug ng hot choco sa kamay nito. Tatawa-tawang naupo ito sa tabi niya sa gilid ng pool nito sa bahay. Nakalublob na ngayon ang mga paa nila sa tubig. Kanina pa siya bumabahing. Huwag sana maging sipon. Hayon, feeling niya wala nang pag-asa ang salamin niya. Buti may contact lenses siya.

Nakayakap sa mga balikat niya ang warm towel. Nakaligo naman na siya at nakapagbihis na. Nagpasya lang siyang tumambay muna sa pool area.

"Sorry about earlier," nakangiti nitong basag ulit.

"Gage ka." Dinala niya ang mug ng hot choco sa bibig. She held the cup with both hands to feel the warmth on her skin. "Nanunulak ka nang walang dahilan."

He chuckled, "It was a mistake."

She raised a brow. "Sure?"

He nodded and laughed again. "Ewan, natatawa ako." Napailing-iling ito. "Hindi man lang kita naligtas."

"Malamang, isa ka ring 'di marunong lumangoy."

"Ang tanga, 'di ba?"

"E bakit mo kasi sinugod si James?" She gently sipped on her hot choco. "Inaano ka?"

"May sasabihin lang ako."

"Ay talaga ba?"

Tumawa ulit ito. "Importante."

"Ano nga?"

"Basta."

"Pangit mo ka bonding."

Humagalpak ulit ito ng tawa. Gage, ang saya-saya ng 'sang 'to ngayon. "Which reminds me. Huwag na huwag ka mahulog sa pool o dagat dahil 'di kita masasagip."

"Nagpagawa ka pa ng pool."

"Seven feet lang naman 'yan."

"Sure?"

"Oo, paano ko i-enjoy ang more than seven feet kung 'di rin ako marunong lumangoy?"

Tawang-tawa siya. "Akala ko nga design lang 'tong pool mo."

Binawasan nito ang mug ng hot choco nito bago ulit nagsalita. "Well, I have to be honest. Design nga lang 'to." Tumawa ulit ito. "Wala lang, gusto ko lang mag-aksaya ng pera."

"Bakit 'di ka nagpaturo kay Tor lumangoy?"

"Well, as the old saying goes, you cannot have everything in this world."

"Reasons."

"I should ask you the same. Bakit 'di ka rin natutong lumangoy?"

"Ayaw ng tubig sa'kin," she chuckled, "end of the story."

"The reason is mutual."

Pareho silang natawa sa isa't isa. Bumuntonghininga siya at iniangat ang tingin sa langit. The stars were up tonight. Isa-isang kumikislap.

"Ang ganda..." she said out of the blue.

"I remember something."

"Hmm?" Bumaling siya rito. "Ano?" Nakatingin din pala ito sa mga bituin.

"Noong," ibinaling nito ang tingin sa kanya, "tumakas ako sa Senior's Ball." Natawa siya. Of course, naalala pa niya 'yon.

"O, tapos?"

"Pangit nilang lahat ka bonding. Na bored ako."

"Kaya pinuntahan mo ako sa tindahan namin at tinakas?"

Balti chuckled, "Nagpahila ka rin naman."

"Hinatak mo ako e."

"Wala nang ibang rason?"

She squinted her eyes at him. "Should there be any reason?"

He shrugged his shoulders and smile. "I don't know. Depende sa'yo."

"Well, I should ask you the same. Why me?"

"If I could bring you as my date at that time ginawa ko na. Kaso freshman ka pa lang. Magmumukha akong sugar daddy mo." Tawang-tawa ito pagkatapos.

"Loko! Sa dami nang mga magagandang kaklase mo noon?"

"I'm more comfortable with you. Honestly, si Tor nga inalok kong date kaso binatukan lang ako. We could have been a great couple. Ano sa tingin mo?"

"Kaso ni reject ka pa rin."

Natutop nito ang dibdib. "Ouch." At umarte pang nasaktan. "Ang sakit naman nun, Ninin."

Tinawanan lang niya si Balti. "Ewan ko sa'yo."

Pero naalala niya. Masasabi niyang sa dami ng mga take aways niyang moments with Balti. Isa 'yon sa mga paborito niya.



"Hoy umuwi na nga tayo! Gabi na! Patay talaga ako sa mama ko." Hinila na niya si Balti mula sa nagtitinda ng fishball at kikiam. Tignan mo nga. Naka coat and tie pa ang loko-loko. Siya naka maluwag na shirt at panlalaking shorts pa. "Baltiiii!" Nagpabigat pa ito.

"Chill, ako bahala sa'yo. 'Di magagalit si Tita Carol." Inakbayan siya nito habang kumakain pa rin ng fish ball mula sa plastic cup. Magkaagapay silang naglakad sa daan. "Malakas ako sa kanya."

Malamang kasi magkaibigan ang mga mama nila.

"Tapos na ba ang Senior's Ball?"

"Umalis na ako pagkatapos kumain."

Namilog ang mga mata niya. "Hoy, pwede ba 'yon?"

Ngumisi ito. "Hindi pero I can find ways."

"Anong ginawa mo?"

"Sabi ko lang natatae ako kanina pa." Humagalpak ito ng tawa. "Pinalayas na ako bago pa ako makapaghasik ng lagim sa venue. O, 'di ba? I can find ways."

"Loko-loko ka!" Sinubukan niya itong itulak but he didn't budge. "Bitiwan mo na nga ako."

"Pangit doon. Boring."

"Bakit mapapasaya ba kita?"

"Siguro?"

Natawa siya. "Ewan ko sa'yo."

"Open your mouth." Iniumang nito sa kanya ang isang fish ball na itinusok nito sa stick. She didn't respond nor follow. "Dali na. Open up."

"Fine!" Ibinuka niya ang bibig pero sa halip na sa bibig niya dumiretso ang fish ball ay kinain nito 'yon. "Bweset ka!" Marahas niya itong itunulak sa dibdib. Tawa lang ito nang tawa.

"Ninin..."

"Ano?!" asik niya.

Mayamaya pa ay biglang pumailanlang sa paligid ang isang kanta. Ewan kung saan galing. Baka doon sa chapel sa malapit. Nakalabas ang mga sound system kanina nang madaanan nila. Malapit na kasi ang fiesta ng chapel nila.

I have loved you only in my mind, but I know that there will come a time. You'll feel this feelin' I have inside.

"Which reminds me."  Mabilis na itinapon muna nito ang stick at plastic cup sa pinakamalapit na basurahan bago lumapit uli sa kanya. He held one hand at her. "Care for a dance in the middle of the street with me?"

You're a hopeless romantic is what they say. Fallin' in and out of love just like a play.

Nang hindi siya kumilos e hinawakan na agad nito ang kamay niya. "Huwag ka na mag-isip. Pagbigyan mo na ako. Hindi ako nag-enjoy sa cotillion kanina." He smiled. Napasinghap naman siya when he suddenly twirled her around before pulling her back. Iniyakap nito ang mga kamay niya sa leeg nito. His hands moved down to her waist as he wrapped her close to his body.

Memorizing each line. I still don't know what to say. What to say.

"Ngumiti ka naman, Ninin."

Natawa siya at napayuko sa dibdib nito.

And she did.

She did dance with him in the middle of the street.





"Loko-loko ka pa rin. Ang dami pang tao sa daan."

Balti laughed. "Audience."

"But I remember."

"And the song?"

Saktong naibaling nila ang tingin sa isa't isa. "You remember?"

He smiled. "Should I?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I don't think you remember," hamon pa niya.

"Try me." He shifted his weight to slid one hand inside the pocket of his cargo pants. "Here." He raised his phone. "Let's search." At naging busy na ito sa mga sumunod na segundo. "Anong gagawin ko sa'yo kapag nahanap ko?"

"Sasabihin kong congratulations!"

Natawa ito. "Mag-iisip ako. You owe me a punishment." Another second passed. "Found it." Mayamaya pa ay pumailanlang na ang pamilyar na kantang 'yon. Shuks, ang theme song ng buhay niya.

I have loved you only in my mind, but I know that there will come a time. You'll feel this feelin' I have inside.

"Sure ka?"

He raised an eyebrow. "Ako pa talaga hinahamon mo."

"Well –"

"I know that song."

"Bakit mo tinandaan?"

"Maganda kasi."

"Hindi nga?"

"C'mon, stand up, Ninin."

"Nakainom ka ba?"

Hinatak siya nito patayo nang makatayo ito nang una. "Konti lang naman but I'm still completely sober." Buti na lang naitabi na niya ang mug niya kanina.

"Bal –" Napasinghap siya nang mabilis siya nitong mahapit sa katawan nito. Nailapat tuloy niya ang mga palad sa dibdib nito. Marahas na naiangat niya ang mukha rito. He was already looking down at her. Smiling. 

You're a hopeless romantic is what they say. Falling in and out of love just like a play.

Napalunok siya.

His gaze was melting her.

Pati puso niya ang lakas-lakas ng tibok.

Memorizing each line I still don't know what to say. What to say...

He smiled and twirled her around. Muntik pa siyang ma-out-of-balance pero salamat naman at nahawakan siya nito sa baywang. Potek, kapag nahulog na naman siya sa pool. Iisipin na niyang sinasadya na ni Bartolome.

She gasped when she pulled her up. Ang rahas talaga ng lalaking 'to. Brutal. This time iniyakap nito ang mga kamay niya sa leeg nito. The same thing he did when they were young. And then he will wrap his arms on her waist – so close that she could hear their heart beating in sync with the music.

They started slow dancing.

Na pareho pang puro kaliwa ang mga paa.

Don't know what to do whenever you are near. Don't know what to say my heart is floating in tears. When you pass by I could fly.

"Ngumiti ka naman, Ninin."

That line!

Natawa siya at napayuko sa dibdib nito.

He chuckled, "What?"

Every minute every second of the day. I dream of you in the most special way. You're beside me all the time.

"Wala," tawa pa rin siya nang tawa.

"Look at me."

Unti-unti niyang inangat ang mukha rito. "Anong trip mo? Lasing ka talaga e."

He smiled. "Hindi nga. Well, konti pero promise, nasa wastong ayos pa ang isip ko. Test mo pa. Ask anything."

"Sino pumatay kay Lapu-Lapu?"

"Ang kusinero," he grinned.

"Gage!" Tawang-tawa siya. "Hindi 'yong isda."

Naikiling nito ang ulo sa kaliwa. "Ay hindi ba 'yong isda?" He chuckled after. "Next question."

Nag-isip muna siya.

I have loved you and I'll always will. Call it crazy but I know someday you'll feel. This feeling I have for you inside.

"Ano 'yong title nang unang libro ibinigay mo sa'kin?"

"Hmm," he gave her a thoughtful expression, "Gayuma ng Gabi."

Napangiti siya nang malaki. "Naalala mo pa?"

"I told you hindi ako lasing. Speaking of the book. Na saan na nga ba 'yon? Do you still have it?"

"Hulaan mo."

"Anong tingin mo sa'kin si Aurea?" She can't help but giggle. "So do you still have it?"

"Secret," she bit her lower lip and smile.

Pero saka na siya aamin. Pati 'yong panyo nito nasa kanya pa rin at 'yong lumang salamin nito sa mata. Lahat nang mga ibinigay nito ay nasa kanya pa.

"Am I forgiven?"

"Hmm?"

"For pushing you in the pool," parang batang ngumiti ito sa kanya.

Namilog ang mga mata niya. "Hindi naman ako galit ah. Well, nainis ako, but yes, you're forgiven." Always pa nga e kasi marupok ang Niña mo.

Every minute every second of the day. I dream of you in the most special way. You're beside me all the time.

"I have something to confess."

"Na ano?"

Hinuli nito ang mga mata niya. "I have realized something." He paused. Siya naman kabadong-kabado. Anong klaseng realizations ba 'yan, Bartolome? I do na agad siya. Wala pa lang.

"Na?"

"For the past years," he smiled, "I really did miss you."

Balti lowered down himself to wrapped her completely in his embrace. He rested his head on her shoulder and pressed their body closer – so close na feeling niya wala nang hangin na makakadaan. Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso niya.

"B – Balti?"

"I have been waiting for you all these years."

Napakurap siya.

What does he mean by that?

"Thank you for coming back."

Balti?




A/N: Just so we're on the same page, dDLand is read as THE LAND. dD (The) + Land. Hindi siya 'yong iniisip n'yo. Haha. Share ko lang naman. Don't worry, si Ser na bahala. The title of the song is, Don't Know What To Say, there are so many versions you can find on YT and Spotify. Choose your pick. I've chosen the one on the media link. Feel free to re-read again while listening to the song above. Thank you again for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro