Kabanata 2
NAPADAAN si Niña sa school playground at nakita niya roon si Balti na nakikipaglaro sa mga pupils nito. Activity Day kapag Friday so most of the students are on their PE Uniforms. You know what's cute? Pati silang mga teachers ay may PE Uniforms din and yes, Balti was wearing his pair.
Nakangiti siya habang tinitignan ang mga ito. Hinahabol si Balti ng mga bata na hanggang baywang lang nito ang taas. Mas nangingibaw pa ang tawa nito kesa sa mga bata.
Natawa siya nang bumagsak si Balti sa damohan. Agad na pumatong sa itaas nito ang mga bata. May isa pang hinihila ang buhok nito. Wala na rin sa ayos ang salamin nito sa mata but his reaction was still the same - tawa pa rin ito nang tawa habang pinagtutulungan na ito.
That's why kids loves him.
"Sobrang ideal niyang maging daddy, 'no?"
Napatingin siya kay Mary Jane, co-teacher niya na nag-ha-handle ng grade 1 kagaya niya. Hindi naman gaanong malaki ang St. Nathaniel's. They only have two sections for nursery. May morning at afternoon sched. Same with their kindergarten na si Balti lang talaga ang teacher. Grade one up, nasa 3 sections max lang din.
Wala pang secondary level ang St. Nathaniel's pero sabi ng mga co-teachers niya ay baka nga raw next year ay maging official na ang ground breaking. Ang lot across the school na mas malaki pa sa SNLS. Sila Balti pa rin ang may-ari ng lupa na 'yon pero mukhang may malaking share owner na mag-fi-finance ng construction. Hindi nga lang alam nila kung sino.
Pero minsan ay nakikita niya itong nag-sa-sub sa ibang araw lalo na kapag nag-emergency-leave ang isang teacher. Pareho lang din naman sila ng tinapos sa CNU.
They both took up General Education. Dahil nga private school at kaonti lang naman sila sa SNLS ay si Balti ang nagtuturo sa nursery at kinder. Ang master thesis din kasi ni Balti ay tungkol sa Different Early Child Learning Development kaya alam na alam nito paano kunin ang atensyon ng mga bata at paano ang wastong turo sa mga ito.
Lisensiyado rin siyang guro pero 'di niya natapos ang masters niya dahil nga nagkasakit ang mama niya. In-drop niya muna. Matagal siyang nagturo sa Thailand bilang English Teacher sa isang private school doon. Malaki ang sweldo at may opportunity na agad nang mag-decide siyang mag-abroad.
Hindi sapat ang sahod niya para paggamot sa mama niya nang mga panahon na 'yon. Ngayon lang siya bumalik dahil nakapag-ipon-ipon na siya.
"Dati pa," nakangiti niyang sagot.
"Wait? So dati mo pa siyang kilala?"
Ay wait din! Hindi ba niya nabanggit 'yon? Or baka bawal banggitin hanggat hindi siya hihingi ng permiso kay Balti? Pero bakit siya hihingi ng permiso?
Aayusin niya sana ang salamin sa mata pero na realized niyang hindi pala niya suot dahil naka contact lenses siya ngayon.
"Teacher Nin, 'yong totoo? Kaya ba binu-bully ka ni Balti dahil may nakaraan kayo at hindi lang simpleng kaibigan ng mama niya ang mama mo?"
Laging may Teacher na kadikit ang pangalan nila para gayahin sila ng mga bata. They should always set as proper examples of respect. Pero outside school premises ay free naman sila kung ano nilang tawagin sa isa't isa. Pero ending, kahit sa labas natatawag pa rin nila ang isa't isa as Teacher Niña or Teacher Jane.
Ay saka 'yon lang ang sinabi ni Balti sa mga ito. Kaya naisip niyang baka kailangan pa niyang humingi ng permiso bago siya kumanta. Baka kasi private person si SER.
Napasimangot siya. "Itanong n'yo na lang sa kanya. Tutal mas maalam 'yon sa buhay ko." And yes, binu-bully talaga siya ni Balti sa faculty.
"My gosh! Ex mo siya?"
Inihit siya ng ubo. "Hindi." Sana 'di ba? Pero ayaw niyang maging-ex si Balti. Mas gusto niyang long term o 'di kaya fiance niya. "Bahala ka na nga riyan. May klase pa ako." Iniwan na niya si Mary Jane.
"Teacher Nins!" tawag nito. Sinundan pa rin siya. "Spill ka naman ng info. Promise 'di ko i-chi-chismis."
"Wala nga -" Napatingin siya sa direksyon ni Balti. Nakaupo na ito sa damohan at nakatingin sa kanya. Napalunok siya nang ngumiti ito sa kanya. Visual aids! Ang puso niya literal yatang nahulog sa lupa. Niña, kalma! "Putek!" singhap niya nang kamuntik na siyang mauntog sa column.
Sumulyap pa kasi e.
"Teacher Nin, okay ka lang?"
Nakangiting ibinaling niya ang mukha rito. "I'm fine."
Bakit ba lagi ka na lang na-di-distract kapag nakikita mo si Balti?
Actually, may sagot 'yan.
JUNE 2004
"Don't talk to me, Balti."
"Tor tatlong taon ka na sa debate club. Last school year na natin 'to sa high school. Sali na tayong Science Club." Napasinghap siya nang mabangga ng isang matangkad na lalaki ang balikat niya. "Sorry!" baling nito pero slight glance lang, enough for her to see the boy's face.
Nagpatuloy ito sa paglalakad kasama ng lalaking kasing tangkad lang din nito na naka brushed up ang buhok. Si Kale Thomas Velez ang president ng student council. Kung 'di siya nagkakamali ay si Bartholomew Juarez ang kasama nito. Sikat din ito sa campus nila bilang makulit na genius.
Running for Valedectorian si Thomas pero sabi nila mas matalino raw si Balti. Multilingual at kahit daw um-absent ito ay mabilis nitong nakukuha ang mga new lesson. Sinasadya lang yata nitong pumangalawa lang kay Thomas.
Nasa labas ang lahat para sa Club Hopping. Dahil freshman siya ay wala pa siyang gaanong kakilala. Nahihiya rin siya sumama sa ibang kaklase niya. Naglibot-libot na lang siya sa mga Club Booths. Baka sakali may Club siyang matipuhan.
Napunta siya sa booth ng Science Club. May mga naka lab coat na mga estudyante na nag-de-demonstrate ng experiment. Napansin niya na ang isang bukas na Coke sa itaas ng mesa. At sa pangalawang pagkakataon nakita niya si Bartholomew sa gilid malapit sa Coke. Nakahalukipkip ang mga kamay. Sa likod nito si Thomas na may kausap na lalaking estudyante.
Ang weird pero 'di niya maalis ang tingin dito. Para kasing may gagawin itong kalokohan base sa ngiti nito sa mga oras na 'yon.
"You will learn more when you join Science Club," sabi ng isang naka lab coat. Mayamaya pa ay pasimpleng inihulog ni Bartholomew ang isang mentos sa loob ng litrong Coke. Sumabog 'yon na parang fountain pagkatapos tumakbo ni Bartholomew.
"Bartholomew!" sigaw ni Thomas na isa sa mga nasabuyan ng Coke.
Hindi niya alam kung matatawa siya o maaawa sa mga estudyanteng nabasa ng kalokohan nito. Kaya siguro hindi ito magiging-Valedectorian dahil sa mga kalokohan nito. Ang laki pa namang hatak ng good conduct sa deliberation ng final ranking.
Lunch break at dahil mabilis lang din naman siyang kumain ay pumunta siya ng library. Medyo luma na ang library at dim na ang ilaw sa pinakasulok. Sira raw ang aircon kaya halos ng mga malalaking bintana ng library ay bukas. Kaya rin siguro wala gaanong estudyante ngayon.
Wala siyang makitang magandang basahin sa mga shelves na nadaanan niya hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili sa pinakalikod. Angat na angat ang tingin niya kaya 'di niya napansin na may tao pa lang nakaupo sa hallway na 'yon.
"Shit," she cursed.
Napasinghap siya nang ma-realize ang sinabi. Mayamaya pa ay may nagsalita ang lalaking estudyante na muntik nang maging dahilan para humalik ang mukha niya sa sahig.
"Words, young lady."
Napakurap-kurap siya nang iangat nito ang mukha. Bartholomew Juarez! Tumabing na sa noo nito ang medyo may kahabang buhok at bahagyang nagusot na rin ang polo nito. Inayos nito ang salamin sa mata at ngumiti. She was struck by how beautiful his eyes are. Light brown na kung masisinagawan ng araw o ilaw ay mas lalo pang titingkad.
"Sorry," mahina niyang sabi.
"You look familiar. Have we met before?"
Sandali siyang nag-isip bago sumagot. "Hindi ko sure."
Napakamot ito sa batok. "I think I've seen you before. I just couldn't remember where. Anyway, ngayon lang kita nakita rito. Freshman o transferee?"
"Freshman."
"I see. Mahilig ka magbasa?"
"Medyo?"
"Bakit 'di ka sure?" he chuckled.
Ngumiti siya. "Minsan kapag maganda ang libro. Pero minsan nanonood lang akong anime."
"Anime? Wow! Ano mga pinapanood mo?" Hinawakan nito ang pupulsuhan niya at biniglang hila siya paupo sa tabi nito. Grabe naman kung makahila ang 'sang 'to. Wala man lang warning. "I like anime too. Pinapanood ko Pichi Pichi Pitch."
Namilog mga mata niya. "Seryoso?"
Tumawa ito. "Joke! 'Yong kapatid ko si Maha. Mahilig siya sa mga ganoon."
"Nandito rin kapatid mo?"
"Nope. She didn't pass the exam here. Nasa ibang school siya."
"Sayang naman." Umayos siya ng upo sa tabi nito. Ginaya niya ang pag-upo nito. She prop her legs forward. "Masaya 'yong kasama mo kapatid mo."
"Yeah, I like that too. Pero magkasing-edad lang kayo so 'di ko rin mararamdaman ka demonyohan no'n." Ngumiti ito nang ibaling ulit ang tingin sa kanya.
Natawa siya. "Maldita?"
"Sobra." Sandali silang natahimik ng ilang mga segundo bago ulit ito nagsalita. "So what's your name?" Baling ulit nito.
"Niña Rosella Marzon."
"Bartholomew Juarez." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. "You can call me Balti."
Ngumiti. "Sige."
"What books do you like to read?" pag-iiba nito.
"It depends. May recommendation ka?"
"My types of books may bore you."
"Try me."
Tinitigan siya nito. "Matapang na nilalang," he chuckled.
"Well," proud siyang ngumiti, "pinalaki akong matapang ng Mama ko."
Sandali itong nag-isip hanggang sa ibaling nito ang tingin sa kaliwa nito. Pag-angat nito ng kamay ay may hawak na itong maliit na libro. Gusto niyang matawa nang malakas nang makita ng buo ang libro. It was a Precious Hearts Romance novel na kaya niya lang basahin ng isa o dalawang oras.
"Nin, I suggest you read this," he said, suppressing a smile.
"Pinagloloko mo ba ako?" she chuckled.
"Hindi ah. Mga mahihinang nilalang lang ang 'di nagbabasa ng pocketbooks." Pilit na pinahawak nito sa kanya ang libro. Imposible na mayroong pocketbooks sa library. Tiyak siyang kay Balti talaga 'yon. "Madami kang matutunan riyan."
"Coming from you?"
"Yeah. Coming from Balti. Sige na, sa'yo na 'yan, gift ko na. Welcome to Science High, Niña."
Sa huli ay tinanggap niya ang regalo nito. "Thanks." Tinignan niya ang cover. Base sa condition ng libro. Mukhang lumang-luma na 'yon. Hindi pa siya pamilyar sa pangalan ng author. At ang cover, 'yong classic pa na parang ipininta. "Gayuma ng Gabi," basa pa niya sa title.
Bahagya siyang natawa. Romance pero tunog horror. Natigilan siya nang biglang maramdaman niyang may ulong humilig sa isang balikat niya. Dahan-dahan niyang ibinaling ang mukha kay Balti.
Napakurap siya.
Tulugan ba naman siya?
Sa huli ay napailing at napangiti siya. This guy is full of surprises. Pero nakakatuwa na mabait naman pala ito. Hinayaan niyang makatulog ito sa balikat niya habang binabasa niya ang librong ibinigay nito sa kanya.
They still have 30 minutes anyway.
HUMIKAB siya at kinusot ang mga mata. Ibinalik na niya ang salamin sa mata kanina at hinubad ang contact lenses. Pagtingin niya sa oras sa relo niya ay pasado alas singko na pala. Kulay kahel na ang langit mula sa labas ng bintana ng faculty. Wala na rin gaanong tao. Nagsipag-fly-day na dahil Friday. Buti na lang 'di niya kailangang pumunta bukas. Naku! Halos nasa eskwelahan na buhay niya.
Uwi na Nin! Huwag magpaka-martyr. Hayan na nga! Uuwi na. Magliligpit na.
Isinilad na niya lahat sa folders ang mga papers ng mga bata. Ipinasok na rin niya ang laptop sa bag. Uuwi na siya dahil naalala niyang mag-go-grocery siya for weekend supplies.
"Uwi ka na Nin?" ni Jane.
Tumango siya. "Oo, sa bahay ko na tatapusin ang pag-che-check. May gagawin pa pala ako."
"Ayaw mo sumama sa'min nila Ronnie at Harrah?"
"Pass na muna ako. Masasabunutan ako ng nanay ko kapag 'di ako nag-grocery ngayon."
"Naku, ilang beses ka nang nag-pass sa'min," ni Ronnie. Ang girlalo nilang co-teacher na nagtuturo sa grade six. "Get a life, Teacher Nin. Wala sa school at bahay ang future hubby mo."
"Maliban na lang kung si Teacher Balti ang makakatuluyan mo," tukso pa ni Harrah, "ayiee!"
"I've heard may nakaraan daw kayo ni Ser?" segunda pa ni Ronnie.
Pinandilatan niya ng mga mata si Jane. Tinawanan lang siya ng huli. "Nadulas e."
"Ewan ko sa inyo. Huwag n'yo ako in-issue sa anak ng directress. Masyado 'yong mataas. Doon lang tayo sa ka level natin."
"Teacher Nin, matangkad lang si Ser. Pero reachable naman 'yan. Ikaw napaka-nega mo, girl. Buti nga ikaw napapansin."
"Binu-bully kamo," pagtatama niya.
"Love language 'yan," dagdag pa ni Harrah.
"Hindi po."
Fine, gusto niya si Balti. Crush na crush. Pero sa tingin niya ay platonic feeling ang tingin nito sa relasyon nila. Saka kung gusto siya ni Balti. Sana noong college sila niligawan na siya nito, 'di ba? Kaso hindi.
"Babosh na!" paalam na niya.
"Sige, tumanda kang dalaga, Teacher Nin!" sabay-sabay pa ng tatlo.
Ngumiti lang siya ng matamis sa mga ito. "Okay po!" Saka tumawa.
Napa-iling na lang siya sa paglabas niya ng Faculty. Pagkarating niya sa waiting area ng mga parents na malapit lang din sa gate ay naabutan niya si Balti na nagpapatahan ng batang babae.
Nin, umuwi ka nang diretso. Kunwari 'di mo nakita si Balti.
Ibinalik niya ang tingin sa harap pero hindi pa nga siya nakaka step forward ay kusa nang pumihit ang katawan niya sa direksyon ni Balti.
Marupok kang tunay, Niña Rosella.
"Anong nangyari?" tanong niya.
Umangat ang tingin ni Balti sa kanya. "Tinawagan ko na ang Daddy ni Cherry. May biglaang meeting lang daw kaya late niyang masusundo ang anak." Sumisinok-sinok na sa pag-iyak ang bata. Pero mukhang napatahan naman ito ni Balti nang kaonti. "Aga mo ngayon ah?"
"May lakad ako."
"Date?"
She pursed her lips and smile. "Pwede rin," sagot niya nang hindi ito tinitignan. Tumingkayad siya ng upo sa harap ng batang babae. Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang isang cherry flavored lollipop. "Gusto mo?" malambing na tanong niya sa bata. Ang cute-cute pa rin kahit na namumula na ang pisngi at mata. Gusto niyang aluin ng yakap si Cherry.
Tumango ito.
"Pero ibibigay ko lang 'to sa'yo kapag nag-promise ka kay Teacher Nin na hindi ka na magka-cry. Okay ba?"
Tumango ulit ito.
Ngumiti siya. "Pinky promise?" Iniangat niya ang pinky finger dito. Sunod-sunod na tumango ito at nakipag-pinky-promise sa kanya. Lumapad lalo ang ngiti niya. "Here." Pinahawak niya sa cute na cute nitong mga kamay ang lollipop. "Huwag ka na cry. Daddy is on his way na. Teacher Balti will accompany you naman."
Bahagyang yumuko si Balti rito. "O, Cherry, what will you say to Teacher Nin?"
"Thank you, Teacher Nin."
"You're welcome." Hinaplos niya ang buhok nito at marahang tinapik ang matabang pisngi ni Cherry. "Alis na ako," aniya sabay tayo.
"Iiwan mo lang ako nang ganoon?"
"Matanda ka na. May sasakyan ka pa. Kaya mo na mag-isa."
"Ihahatid na kita."
"May dadaanan pa nga kasi ako."
"Huwag mo na daanan. Dumiretso ka nang uwi."
Sinimangutan niya ito. "Bahala ka sa buhay mo!" she mouthed. Ayaw niya ring marinig siya ng bata na nag-ma-maldita.
Bumaba ang tingin niya kay Cherry nang maramdaman niya ang paghila nito sa laylayan ng PE shirt niyang suot.
"Teacher Nin... please stay..."
Ngumiti siya sa bata saka iniangat ang tingin kay Balti na sa mga oras na 'yon ay nakangisi na. Ngiting nag-wagi. Minsan talaga 'di niya gets kung bakit trip nitong asarin siya.
"May utang ka sa'kin," she mouthed at him.
"Ihahatid na nga kita," he mouthed back.
"Huwag ka talagang mag-reklamo mamaya. Kapag talaga narinig kong nag-reklamo ka nakuu -" she mouthed again.
Pinandilatan niya ng mga mata si Balti. Tinawanan lang siya nito bago nag-angat ng isang kamay.
"You have my word," he mouthed.
"Teacher Nin, Daddycher... I can't hear you po..."
Isa pa 'yan, his pupils calls him Daddycher, short for Daddy Teacher.
Ngumiti si Balti sa bata. "Don't worry, Cherry. Rinig naman namin ang isa't isa." Kinarga nito si Cherry at pinaupo na muna.
Uupo pa lang sana siya nang maramdaman niya ang pasimpleng paghawak ni Balti sa pupulsuhan niya. Hinila siya nito paupo pero imbes na sementadong upuan siya maupo ay dumiretso siya sa kandungan nito.
Shet! Mura niya sa isip.
Mabilis na lumayo siya at naupo sa totoong upuan. Putek talaga 'tong si Balti. Tumanda na at lahat pero 'di man lang nagbago ang karahasan nito sa kanya. Gusto niya itong sikuhin. As in, now na!
"Saan ba lakad mo?"
"Mag-di-date," nakangiting sagot pa rin niya rito.
Ngiting asar na asar siya rito.
"Alam ba ni Tita Carol na may ka date ka?"
"Oo, kasi matanda na ako. Dapat na raw ako mag-asawa."
"Pakilala mo muna sa'kin 'yan. Kikilatisin ko."
"Ayoko at baka 'di na magpakita."
Tumawa ito. "Mukhang gustong-gusto mo na talagang mag-asawa ah."
"Ikaw ba? Wala ka pang plano?"
Available naman ako.
"Naghahanap pa ako." Nasa tabi mo lang. Ahm, ako pa rin 'yon. "Pero huwag ka muna mag-asawa, Nin."
"At bakit naman po Ser?"
"Wala lang," he chuckled, "para dalawa tayong single."
"Mag-isa ka."
Ibinaling na lamang niya ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon na magtrabaho sa eskwelahan nila Balti o hindi. Mukhang papunta na siyang pagsisisi. Wala pa rin yata talaga siyang pag-asa maging girlfriend ni Balti. Saklap naman this life.
But despite that uncertenties ay napapangiti pa rin siya.
It's weird to think na kahit asang-asa siya kay Ser ay masaya pa rin siyang makita ulit ito. Sa totoo lang, hindi siya naasar kapag binu-bully siya ni Balti. Umaarte lang siyang naasar pero deep inside, natutuwa siya.
Kahit naman noon. Masaya na siya kapag napapansin nito. Tumanda na siya at lahat 'di na yata nabago 'yon.
Sige na nga, aasa pa rin siya hanggat hindi pa nagkaka-girlfriend si Balti. Iniisip niya na baka may rason ang mundo kung bakit napilit siyang umuwi ng Cebu.
"Alam mo..." basag ni Balti.
Naibaling niya ang mukha rito. "Hmm?"
"Masaya pala," dagdag nito nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya, "magbantay ng anak ng iba."
Natawa siya. "Lol."
Balti glanced at her this time. "Wala man lang pa lollipop sa'kin?"
"Ubos na."
"Nagugutom ako."
"Libre kitang fish ball?"
"Speaking of fish ball. May joke ako." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Natawa lang ito. "Seryoso ako. Nakakatuwa 'to."
"Ser, kapag 'yan 'di nakakatawa. Ililibre mo talaga akong dinner mamaya."
"Fine! You have my word."
"Sige, anong joke mo?"
"Nin, anong gamit ng isdang manghuhula kapag nanghuhula?"
Kumunot ang noo niya. "Ano?"
"Bolang Isda," pigil na pigil nito ang tawa na sa huli ay hindi rin nito napigilan. Naniningkit pa ang mga mata sa kakatawa.
Naglapat naman ang mga labi niya. "Alin doon ang joke, Balti?"
Hindi na ito tumatawa pero bakas pa rin sa mukha nito ang ngiti. "Actually hindi talaga 'yon joke."
"E ano 'yon?"
"Asking you out for a dinner without you knowing."
"Pero sinabi mo pa rin?"
"Kasi nagtanong ka po."
Natawa siya. "Alam mo, ewan ko sa'yo. Pero tatanggapin ko pa rin 'yang pa dinner mo kasi nagugutom na rin ako."
Pero aminin mo Nin! Kinikilig ka. Ah basta! Bahala na!
"Huwag mo na bawiin. Nakatatak na sa isip ko."
"Noted po, Teacher Nin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro