Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

"ANONG pinapanood mo?" Hindi siya sinagot ni Maha. Okay, isa pa. "I would appreciate an answer." Pinalambing pa niya ang boses.

Maha let out an exasperated sighed. Pigil niya ang ngiti habang pinapatuyo ang buhok ng tuwalya. Nanood pa ito ng Kdrama sa laptop nito.

"Uncontrollably Fond," pabagsak na sagot nito sa wakas.

Maha didn't dare to look up at her. Sinagot siya pero nasa screen pa rin ang mga mata nito. Naglakad siya pabalik sa sofa bed niya sa kwarto.

"Ahh, 'di ba mamamatay ang lead guy riyan?"

Umawang ang labi nito sabay angat ng mukha sa kanya. "Yaaaa!"

Natawa siya. "Pero maganda 'yan. Napanood ko na."

"Hinihingi ko ba opinion mo? Aish! Nawalan na ako nang gana. Iba na nga lang papanoorin ko." Binalikan nito ang laptop nito. "Scarlet Heart –"

"Mamatay rin 'yong babae –" Dumiin ang pagkakahawak ni Maha sa laptop nito. "Pero maganda pa rin naman panoorin."

Marahas ulit na ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Ano ba?!" inis na sigaw nito. Naitaas niya ang mga kamay. "Kaya nga 'di ko binabasa ang spoiler para matapos ko."

"Nag-comment lang naman ako. Hindi ka pa naman mahilig sa tragic stories."

"Kaya ko na! People change, okay?"

She pursed her lips and nodded. "Okay." Pero pa rang 'di naman e. "Pero kung itutuloy mo madami mamamatay sa drama na 'yan –"

"Andwaeeee! Andwaeee!" Itinakip nito ang mga kamay sa tenga. "Hindi ako makikinig! Wala akong naririnig. "Na eureureong eureureong eureureongdae! Na eureureong eureureong eureureongdae!"

Tawang-tawa siya. Alam niya ang kantang 'yon. Fave song 'yon ni Maha since college sila. Growl from Exo. Ginawa na nitong chant 'yon kapag ayaw nitong makinig sa kanila ni Balti. Paulit-ulit hanggang sa mapundi silang dalawa ng kuya nito.

No, Maha, I think you haven't changed a lot.

"Maha," birong tawag pa rin niya.

"Noooo! Andwae! Shirooooo!"

"Mamatay si –" Binato siya nito ng unan. 

Tawa siya nang tawa.

"Kkeojyeo!"

"Pahinge pa isang unan."

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Hahaha!"




"HANAEL..."

Balti followed the voice leading him back to the familiar hallway of the same museum he visited when he was a kid. His footsteps echoing in the air – as if he was walking inside a tunnel. The sun was up outside. The big ironed windows allowing the light to illuminate the hallway.

Naigala niya ang tingin sa paligid. Walang tao pero unti-unti niyang naririnig ang marahang paggalaw ng mga dahon ng puno mula sa labas ng mga bintana. There was something eerie at the gentle brush of the wind.

An eerie feeling that he could not ignore.

"Balti, naiiwan na tayo."

Then he saw his younger self in front of him. Nakaluhod ang isang tuhod habang isinisintas ang sapatos. His eyes widened in disbelief. He couldn't absorb in his mind what is happening at that moment. It was the exact scene in his childhood memories - like he was watching a movie of his past. 

"Mauna ka na. Susunod ako."

"Pero –"

"Hindi na mapapansin ni Teacher Anne. Nasa likod naman tayo e. Susunod ako, promise."

"Susunod ka, ha?"

"Oo."

Iniwan ito ng batang babae at tinapos ang pagsisintas ng sapatos. He was standing at the back. Hindi niya magawang gumalaw o sadyang wala siyang lakas ng loob para lapitan ito. Nakatingin lang siya sa batang Bartholomew.

Tumayo ito at nagsimulang maglakad muli nang biglang bumukas ang isang pinto sa harapan nito. Kumurap siya dahil pati siya ay nagulat sa pabagsak na bukas ng pinto. Alam na alam na niya ang kasunod ng eksenang 'yon.

Natigilan ito at napatingin sa paligid. Lumakas ang hangin sa paligid. Fear was now visible in the kid's face. Tila ba iiyak na ito ano mang oras sa takot.

Hindi niya namalayan na naglalakad na pala siya palapit dito.

"Bata –" tawag niya.

But it was only seconds after that he realized something was wrong. That voice! It sounded just like him. 

Namilog ang mga mata niya. 

"Bata "

No, it couldn't be! It's not me!

Akmang hahawakan niya sa balikat ang bata nang biglang yumanig at umikot ang mga bagay sa paligid niya. Pagkurap niya ay wala na ang batang sarili sa harapan niya.  It felt like he was pulled inside a glitch – a meandering time loop.

The next thing he knew. He was already inside a room. It was not a fully lit room. It reminded him of Iesus' underground museum pero alam niyang wala siya sa museum ni Iesus. It was a different room. He was not familiar with the vintage items displayed inside.

"Where am I?"

Naibaling niya ang tingin sa likod at nakita niya ang repleksyon ng sarili sa isang vintage oval full-length mirror. He didn't notice that earlier. Tila ilang taon nang nakaimbak doon ang salamin. There were black spots, broken glass on some of its parts, cobwebs, and specks of dust.

"Hanael..."

Hayon na naman ang boses ng isang lalaki.

Tila galing sa salamin ang boses.

Hinahatak siya na lumapit.

Lakas loob na lumapit siya sa salamin. Unti-unti ring lumilinaw ang mukha niya. At when he got a closer look. Parang may iba sa mukha niya. He knew he wasn't smiling but his reflection shows the opposite. The man in the mirror was smirking. The same light brown eyes oddly glisten in mischief.

"Who are you?"

Nagulat siya nang bigla nitong ilapat ang kamay sa salamin dahilan para mabasag ang parteng 'yon ng salamin. He immediately fell off the floor. Ramdam niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. The same fear he felt in that museum. He felt his body shivered as he looked at his reflection; completely and deeply perplexed. He was breathing hard. Sweats rained down his face. 

It couldn't be him. 

He looks evil.

"W-Who are you?!"

"Tú eres yo," his reflection smirk, "y yo soy tú."

It means.

You are me and I am you.

Kasunod ang malakas na tawa nito.

"No!"

Tú eres yo y yo soy tú.

Tú eres yo y yo soy tú.

Tú eres yo y yo soy tú.

"Nooooooo!"

Napabaligkwas siya ng bangon.

Halos habol niya ang hininga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. His throat felt so dry. He couldn't breathe. Beads of sweats streamed down his face. He felt like his heart will explode at any moment if he wouldn't calm down. Kumurap siya at sinubukang pakalmahin ang sarili. He couldn't vividly see his surroundings. It was dark and then he suddenly heard raindrops from his windows.

Mabilis na kinapa niya ang salamin sa mesita at isinuot 'yon. Binuksan niya ang lampshade para magkaroon ng ilaw ang paligid.

It was the first time.

'Yon ang unang pagkakataon na nagkaroon ng dugtong ang panaginip niya. Marahas siyang bumuntonghininga. He found himself in trance. Loop in his own befuddled thoughts. He couldn't properly process the right logic of his dreams. He was still lost.

Completely lost.

Bumaba siya ng kama at nag-desisyon na lamang na lumabas sa kwarto niya. Uminom siya ng tubig sa kusina at naupo sa sofa sa sala. It was already 3 in the morning nang tignan niya ang oras sa wall clock sa sala.

Malalim siyang bumuntonghininga.

Hinubad niya ang salamin sa mata at inilapag 'yon sa mesa sa harap niya. Inihilig niya ang ulo sa back rest ng sofa. He closed his eyes and rested the back of his hand on his eyes. Ramdam niya ang pagod. Tila ba ilang beses siyang sumali sa isang marathon. Feeling niya lalagnatin siya.

Damn it!




DALA ang kumot at isang unan ay lumabas si Niña sa kwarto. Ang lamig-lamig na naman. Gusto niyang patayin ang aircon kaso baka magising pa si Maha. Pansin niyang mukhang umuulan sa labas. Kaya pala mas lalong lumamig.

Alas tres pa lang. May ilang oras pa para mag-alas-singko. Sa sala na niya itutuloy ang tulog.

Pagbaba niya ay nagulat siya nang makitang may na una na sa puwesto niya. Alam niyang si Balti ang nakaupo sa sofa at nakahilig ang ulo sa back rest. Malamang ito lang naman ang lalaki sa bahay. Nakadantay ang likod ng kamay nito sa mga mata. Hindi niya alam kung tulog ba ito o hindi but he's breathing calmly.

Sa tingin niya tulog ito pero bakit sa sala? Dapat ba niyang gisingin o hindi? Sa huli ay nag-decide siyang ibalabal na lamang ang kumot dito. Makikisiksik na lang siya sa makapal na kumot ni Maha. Ito na ang mag-adjust.

Dahan-dahan niyang idinantay ang kumot sa katawan nito. Halos hindi na siya humihinga at baka magising pa niya si Balti. Kagat niya ang ibabang labi hanggang sa matapos siya. Tahimik na bumuga siya ng hangin at akmang aalis na nang biglang may humawak sa pupulsuhan niya.

Napasinghap siya at napatingin sa kamay niya bago lumipad ang tingin sa mukha ni Balti.

"Balti –" it barely came out as a whisper.

"Don't go yet."

His eyes were still close. Nahawak sa kamay niya ang nakadantay na kamay nito kanina. He looks tired. May sakit ba ito?

"Are you okay?" she asked gently, bumakas sa boses niya ang pag-aalala.

Marahan itong tumango.

Naupo siya sa tabi nito at gamit ng libreng kamay ay sinalat niya ang noo nito. "Hindi ka naman mainit." Dinama rin niya ang pisngi at leeg nito. Medyo malamig lang ang pawis nito. "Ano bang nararamdaman mo?" At hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. His hand felt so warm on her skin.

Balti chuckled, "Hindi ko nga alam e."

"Dito ka ba natulog o nagising ka lang?"

"Nagising... had nightmares..." Inimulat nito ang mga mata. "I couldn't sleep again." But he wasn't looking at her. He was just staring at the ceiling. 

"Nakakatakot?" He nodded like a child. He looks so fragile at that moment. Na curious tuloy siya kung anong klaseng panaginip 'yon. "Huwag mo na lang isipin." At hindi na niya e-encourage na i-kwento pa. Forcing him to remember that unpleasant scenes will only cause him additional distress. "Think happy thoughts." Ngumiti siya.

Natawa naman ito. "Feeling ko batang paslit ang kinakausap mo." Bumaling ito sa kanya pagkatapos. "Do I look like a child, Niña?" He doesn't seem offended. He was rather amused.

"You act like a child sometimes."

"Is that a bad thing?"

Umiling siya. "Hindi naman. I find it cute."

Sinilip nito ang mukha niya. "You find me cute?" He suddenly looks interested. Teka, Tuesday ngayon, 'di ba? "Since when?"

"Tuesday ngayon, huwag mo akong landiin."

Natawa ito. "I'm not flirting with you yet."

"Not yet," she pointed out, putting great emphasis on the word yet.

"May pasok pa mamaya. Aga nating nagising."

"Sanay naman tayo sa puyatan."

"Nagising ka dahil malamig na naman?"

Natawa ulit siya. "Oo! Feeling ko nasa Mount Everest ako. Medyo manipis pa ang kumot. Hindi ko na kinaya." Hinaplos niya ang tela ng kumot na nakabalabal pa rin kay Balti. "Bibili ako nang mas makapal nito. Anyway," umangat ang tingin niya dito, "okay ka na ba?"

He nodded. "Talking with you made me feel better." Balti smiled. "Thank you."

"Basta huwag mo na 'yon isipin pa. Minsan kasi kapag sobrang pagod tayo at sobrang dami nang mga iniisip natin ay nagiging masamang panaginip ang mga 'yon. It's important to clear our minds before we sleep. At syempre, pray. 'Yan ang pinaka-effective na panlaban."

"I know."

Hindi sinasadyang napahikab siya. 

"Sorry," aniya.

"You're still sleepy."

She chuckled, "Medyo."

"You should sleep."

"Aakyat na lang ulit ako –"

"You can sleep here." Umisod ito sa pinakadulo ng sofa. "Here." He tapped his lap. "Dito ka na umunan."

Namilog ang mga mata niya. "Balti –"

"Babantayan kita hanggang sa makatulog ka."

Mabilis na ikinumpas niya ang mga kamay rito. "Naku! Hindi na –" Pero mabilis na siya nitong nahila pahiga sa kandungan nito. Napalunok siya. Halos 'di na niya mahiwalay ang nakadaop na mga kamay sa isa't isa. She felt awkward lying on the sofa while her head is resting on Balti's lap. "Balti –" Akmang babangon siya nang mabilis din siya nitong maihiga ulit.

"It's fine. Hindi na rin naman ako makakatulog. Babantayan na lang kita."

Bahagya niyang pinihit ang katawan dito. She was lying sideways earlier. "Seryoso, baka ano pa isipin nila Ate Grace at Maha kapag nakita nila tayo rito –"

"It doesn't matter. Wala naman tayong ginagawang masama." Inalis nito ang salamin niya sa mga mata at itinabi 'yon sa salamin nito sa mesa. He gently brushed his hand on her hair. "Bibilangin ko na lang hibla ng buhok mo." He was suppressing a smile.

Natawa siya. "Gage! Ilang taon mo pa bago mo mabibiling 'yan?"

"A lifetime perhaps?"

"Wala kang planong lumagay sa tahimik?"

"Huwag mo naman ako patayin agad."

Tawang-tawa siya. "Mali pala tanong ko."

"Ayusin mo naman."

"Sorry." Tumagilid na siya ulit ng higa. Ibinalabal naman nito ang kumot sa katawan niya. "Inaantok pa siguro ako. Hindi pa nag-pa-process nang maayos ang utak ko." Ramdam na niya ulit ang antok but she doesn't want to sleep yet. She still wants to treasure this moment with Balti.

"Matulog ka na."

"Nagbibilang ka na ba?"

"Oo, one hundred na nga e."

"Bilis naman!"

"One thousand."

"Hindi ka naman yata nagbibilang."

Balti chuckled, "Hindi ka sure."

"Gage!"

Ang sakit na ng panga niya kakangiti.

"Tulog na Niña Rosella Marzon."

Ramdam na niya ang pamimigat ng mga talukap. "Balti..."

"Hmmm?"

"Nasabi ko na ba..."

"Nasabi ang ano?"

Unti-unti nang pumipikit ang mga mata niya. Hindi na masyado na-pa-process sa utak niya ang mga sinasabi niya dahil sa antok.

"Na..."

She yawned and felt her eyes closed.

"Na?"

She smiled.

"Na gustong-gusto kita?"

"Gusto mo ako?"

She nodded.

"Sobra."

"Kailan pa?"

Hindi niya alam kung sinagot ba niya si Balti o hindi. Sa tingin niya ay hindi na. Muli niyang naramdaman ang paghikab niya. She scooted closer to his body and let herself sleep comfortably in his warmth.




NAKANGITING tinitigan niya mukha ni Niña. She fell asleep immediately. He gently caressed her cheek. She was sleeping like a child. So peaceful and calm. He brushed some strands of hair away from her face.

"Sayang 'di ko na record ang sinabi mo kanina. Wala tuloy akong alas sa'yo." Mahina lang siyang natawa. Inayos niyang muli ang kumot sa katawan nito. "Maybe next time."

He lowered his face to plant a kiss on her cheeks pero bigla itong gumalaw. His eyes widened when his lips landed on her lips instead. Kumurap siya para rumihistro sa isip niya ang ginawa. His lips remained on her lips for a few seconds bago niya nagawang iangat muli ang mukha.

His heart was pounding so fast.

Damn it!

Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.

What the hell, Balti!





NAIKILING niya ang ulo sa kaliwa nang makita si Balti na sinusulatan ang tatlong paso sa front garden nito. Akala niya ay nauna na ito sa sasakyan. Maaga pa naman. Hindi pa naman sila ma-li-late. Sinampal-sampal niya ang sarili nang mahikab ulit siya. Antok na antok pa rin siya. Iniisip niya kung may sinabi ba siya kanina bago nakatulog? Feeling niya meron pero wala siyang maalala.

She shook her head to dismissed the idea.

Wala naman yata.

"Anong ginagawa mo riyan?"

"Nagtatanim."

Nilapitan niya ito para masilip ang ginagawa nito. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mga pangalan ng paso – JUAN, HAYME at BALTI. Pero wala pang tumutubong mga halaman sa mga maliit na paso.

"Hoy!"

Nakangiting iniangat nito ang mukha sa kanya. "Kung sino unang tutubo siya ang pinakagwapo."

Natawa siya. "Gage, para saan?"

"Wala." Inilapag nito ang paso na may pangalang Balti. Saka diniligan ang paso nito. 'Yong dalawa hindi. "Bahala na silang mabuhay mag-isa."

"Hindi ka patas. Hindi mo binibigyan ng tubig sila Juan at James."

"Kaya na nila 'yan."

Tumayo na ito at hinubad ang suot na gardening gloves.

"Anong klaseng halaman tutubo riyan?"

"Mung bean."

"Monggo?" Natawa ulit siya. "Nag-experiment ka ba?"

"Variable Juan, tubig lang nilagay ko sa kanya kanina. Ililipat ko 'yan mamaya sa loob. Titignan ko kung tutubo na walang araw. Variable James, araw lang ang source niya. While Variable Balti will have both water and sun." Ang laki ng ngiti nito pagkatapos.

"Malamang mas maganda ang halaman ni Balti."

"Kaya nga."

"So anong use ng dalawa?"

"Design."

"Good luck."

"Good luck talaga nila."

Napatitig siya rito. Iba ang kislap ng mga mata ni Balti ngayon. "Mukha kang masaya."

"Masaya naman talaga ako araw-araw."

"Parang 'di ka puyat."

"Fake news." He chuckled. "Nakatulog din ako."

Which reminds her. Nang magising siya kanina e mag-isa na lamang siya sa sala. Umakyat kaya ito nang maaga? Hmm. Well, hindi naman na importante 'yon. Umakyat siguro ito bago pa magising sila Ate Grace at Maha.

Pero iba talaga ang tingin ni Balti e.

"Bakit?" puna niya. "May dumi ba sa mukha ko?"

Umiling ito. "Wala naman." At ngumiti.

"Sure?" Hinawakan niya ang pisngi.

Inalis nito ang nakahawak niyang kamay sa pisngi. "Wala nga. Na-di-distract lang ako sa eyebags mo." Napamaang siya. Humagalpak naman ito ng tawa.

"Grabe!"

"Cute pa rin naman."

"Bakit feeling ko joke?"

"Feeling mo lang 'yon."

"Five minutes!" sigaw ni Maha mula sa terrace. "Give me five minutes to get dress." Naka robe pa rin ito at may dala-dala pang tootbrush. "I'll be quick!" Saka sila nilayasan.

Natawa silang pareho ni Balti.

"Late pa rin," aniya.

"As always." Namulsa ito. "We still have five minutes. Iwan na natin si Maha."

"Hoy!"

Tawang-tawa ito. "Joke lang."

"Mahahati ang Cebu kapag iniwan mo 'yon."

"Sabi ko nga."

"Coffee?"

"Again?"

Tumawa siya at tumango. "Round 2."

"Coffee now, palpitate later."

"True."

Inilapat nito ang isang palad sa dibdib nito - sa bandang puso. Tila pinapakinggan ang tibok ng puso. He smiled looking up at her.

"Okay, sounds normal to me."

"Madalas ba abnormal tibok ng puso mo?"

"Gusto mo sagutin ko 'yang tanong mo?"

"It's a question. It demands an answer."

"Not all."

"How come?"

"The world is vast and mysterious enough. You can have a lot of questions in life but believe me, some don't need answers. You just have to believe."

Kumunot ang noo niya. "Sure?"

"Oo, itataga ko sa noo ni Kale Thomas Velez."

"Hoy!" 

Napatingin sila sa kabilang bakuran. Sabay pa silang napaatras nang makita si Tor. Nagpalitan sila ng tingin ni Balti. Akala nila ay 'di umuwi si Tor. Usually ay sa tanghali ito umuuwi. Bukas pa raw lalabas sila Au at Aurora. 

"Tor, my friend!" Tawa pa ni Balti. "Nandiyan ka pala."

"Ano na naman 'yang pinagsasabi mo?!"

"Wala ah."

"I don't believe you."

"Bye!"

Kumaripas ng takbo pabalik sa bahay si Balti. Tawang-tawa na lamang siya. 

"Hoy, Bartolome! Bumalik ka rito." 

Napailing na lamang siya.  Itinaas na lamang niya ang dalawang kamay at nag-peace sign kay Tor. 

"Peace!"

"Tsk! Batukan mo nga para sa'kin mamaya."

"Sure! Ilan ba?"

"Isang beses." Tor chuckled.  "'Yong pinakamalakas."

Nag-thumbs-up siya. "Ako bahala."

"Clean job, Nin. Don't give him shreds of evidence to use against us."

"Got it."

Tor smiled. "Una na ako."

"Bye!"

Bumalik na rin siya sa loob na dala-dala ang paso ni Juan. Nakalimutan ni Balti e. Ilalagay niya sa kwarto nila ni Maha. Para mamatay lalo.






A/N: Hi, it's been a while. Haha! Tawa muna. So I made this author's note to share Balti's theme song for himself. Baliw by SUD. The lyrics video is in the media link. I love this song so much. Reminds me so much of Ser. Haha!  Know that I've been reading your comments. Hindi man ako masyadong nakaka-reply but your comments means a lot to me. Tuwang-tuwa ako. Thank you. Love lots!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro