Kabanata 18
"YOUR mom will be here soon," Balti playfully messed Nathan's hair.
Nakangiting umangat ang ulo ng bata sa kanya habang umiinom ng juice na bigay niya rito. The kid smiled at him. Tumawag na ang mommy nito sa kanya. She's on her way. Something came up kaya late na nitong masusundo ang anak. It was almost 5 pm on his watch.
They waited on the shed.
Nathan was a very shy and quiet kid. Ito ang batang nasa table lang nito at nakatingin lang sa mga kaklase nito. Little by little he's encouraging him to make friends and he can see some improvements in that area. He's not gonna pressure the kid so much. Sooner or later he will be more comfortable with them.
"You like orange?" basag niya ulit. Syempre, meron din siya ng juice na iniinom nito. Nathan nodded. "I like orange too. I like sweets." Ngumiti lang ulit ang bata sa kanya. "What else do you like?"
"Cakes," Nathan answered.
"I like that too. What else?"
"Spaghetti."
"Sounds tempting," he chuckled, "maybe one these days I'll give you and your classmates sweet treats. Gusto mo 'yon?"
Sunod-sunod na tumango ito.
Natawa siya.
"Kapag may pera na si Teacher Balti pero secret lang muna natin 'yan. Okay ba?"
Nathan nodded. "Yes po."
He gently brushed his hand on Nathan's hair. "Good boy." Sandaling natahimik ulit sila. "Nate," basag niya after a few seconds. "I need your honest opinion on this." Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng slacks niya. "Sa tingin mo sino mas gwapo sa aming tatlo?" Pinakita niya sa bata ang mukha nila James at Juan. "Be honest."
Umangat ang tingin ng bata sa kanya. Namimilog ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Sino po sila Teacher?"
"They're my friends." Traitor friends! "I'm just doing a survey for a study. That's why I need your help."
"Hmmm..." Muling bumaba ang tingin nito sa screen ng cell phone niya. "Lahat po."
"Lahat? Walang mas gwapo?"
Sa tingin ko kasi, ako.
"Handsome po lahat, Teacher. And you always say that we are all made in the image and likeness of God so all of us are handsome and beautiful po."
Napangiwi siya sa isip. Bumalik sa kanya ang mga pinagtuturo niya. Dang! Nathan did memorize the phrase. He has always been a fast learner. This shouldn't be a surprise.
He chuckled, "Tama, tama. Very good."
"Don't worry po Teacher Balti, you're still the best teacher for me."
Napangiti siya. "Thank you."
"You're welcome po."
"Nathan!"
Sabay silang napaangat ng tingin. Humahangos na dumating na ang mommy nito. Tumakbo ang bata rito. Sumunod na lamang siya.
"Sorry po talaga, Teacher Balti," hinging paumanhin ng ina habang nakayakap sa baywang si Nathan. "Naabala pa po kayo."
"Okay lang po, Mrs. Lim."
"O, sige na, Nathan, say goodbye na to Teacher Balti."
Tumingkayad siya ng upo sa harap nito para magkasing-level na sila ng bata. "I'll see you tomorrow." Kumaway siya rito.
"See you tomorrow, Teacher."
"Ingat kayo."
Tumayo na siya.
"Una na po kami, Teacher. Salamat po ulit."
He smiled. "You're welcome."
Sinundan na lamang niya ng tingin ang mag-ina hanggang sa makapasok sa kotse. Babalik na muna siya sa classroom. May naiwan pa siya roon.
"Anak nang –" napasinghap siya sa gulat nang bumungad sa kanya ang mukha ni Maha. " – anak ka talaga ni Beatrice at Juanito, Maharlika! Ano na naman ba?!" Muntik na siyang matumba dahil napaatras siya.
"Kuya, anong gagawin natin kay Niña?"
"Anong gagawin natin?" Kumunot ang noo niya rito.
Pasok pa lang ng pangungusap mukha nang may patutumbahin.
"Akin lang ang Doc Juan ko."
"Walang kayo." Nilagpasan niya ang kapatid. Nakaagapay naman agad ito sa kanya. "Huwag mo akong sundan."
"Kuya papayag ka na lang ba na ganoon? Dalawa na ang humahabol kay Niña. Sila James at ang Juan ko."
"Akala ko ba Anti-BalNin ka? Bakit mukha ka pang makikipagtulungan sa'kin?"
"Kailangan mo kumilos."
"Niña has all the rights to choose who she wants to be with –"
"Kuyaaa –"
He chuckled, "May gawin o wala, hindi ka pa rin papansinin ni Juan."
"Pangit mo talaga ka bonding." Inakbayan niya ang kapatid saka ginulo ang buhok. "Yaaa!" Tinulak siya nito palayo. "Don't touch me. Madungisan pa ako ng kasamaan mo."
Humagalpak siya ng tawa. "Wow naman!"
"Ah basta ako ilalayo ko si Juan kay Niña. Hindi ako papayag na lumayag ang JuaNin. Mamatay muna ako bago mangyari 'yon. Itataga ko 'yan sa espada ni Jumong."
"Sino na naman 'yan?"
"Research mo sa google!"
At tinakbohan na nga siya ng kapatid niya. Napailing-iling na lamang siya. Kahit kailan talaga ang 'sang 'yon.
"Edad lang talaga tumanda sa'yo Maharlika."
BIGLANG gustong mag-grocery ni Balti kaya sinamahan na niya sa loob ng mall. Mamimili na rin siya ng ambag niya sa bahay. May naitabi pa naman siyang konting budget hanggang sa sumahod siya. Humiwalay lang muna si Maha sa kanila. Mukhang 'di lang sa kanya galit. Pati na rin kay Balti. Maghahanap daw muna itong milktea shop.
'Yong malaking cart ang kinuha niya. Ayaw ni Balti na tig-isa sila. Kaya malaking cart ang tinutulak niya habang nag-ho-hoard ito ng madaming sweets. Aba'y puro Chuckie na nilagay. May maliit at malaki. May jelly ace. Pochi. Chocolate Biscuits. Ice pops. Coco Crunch. Yum-Yum pa nga. Sari-sari store yata balak nitong ipatayo ni Balti.
"May balak ka bang magka-diabetes?" puna na niya rito.
Nakangising nilingon siya nito. Dami nang chocolates sa bisig nito. "Ibibigay ko naman 'yong iba. Half niyan akin." Tumawa ito pagkatapos ilagay ang mga kinuha sa cart.
"Madami ka pang Chuckie sa ref. Ibalik na muna natin 'yang iba."
"No."
"Balti –"
"Trust me, mauubos ko lahat 'yan."
"Puro ka na matatamis –"
"Malayo pa naman expiration dates ng mga 'yan."
"Kahit na."
"I'll give some to Juan and Simon." Pinaningkitan niya ng mga mata si Balti. "And some for you."
Her lips pursed. Tinignan niya ang mga inilagay ni Balti sa cart. Natabunan na ang mga bibilhin niya ng mga pinamili nito.
Pero teka nga Niña. Bakit ka ba nangingialam? Pera mo ba 'yan? Hindi. O, so tahimik na Niña Rosella Marzon. Hindi ka asawa ni Balti. Huwag kang asta riyan.
"Bahala ka na nga. Pera mo naman 'yan."
"Reward ko ang iba niyan sa mga bata. May activity kaming gagawin."
"Ang spoiled-spoiled nila sa'yo. Kung ikaw rin naging teacher ko noon baka nga 'di ko na gugustuhing mag-level-up." Nakaka-sana-all ang ganyang teacher.
"Sabi nga nila mahirap talagang mag-move-on sa'kin –" Bigla siyang nasamid sa sariling laway. "Nin?" Sinilip nito ang mukha niya. "Okay ka lang?"
Sa sobrang hirap. Kita mo, inugatan na siya.
"I'm fine. Nasamid lang."
"Bakit lagi ka na lang nasasamid? Dami mong laway ah."
Tawang-tawa ito pagkatapos.
"Gage!"
"Ako na riyan." Inalis nito ang mga kamay niyang nakahawak sa cart. "Mabigat na 'to." Dumistansiya siya nang kaonti rito. "Bumili tayo ng prutas para kina Tor at Au. Damihan na natin at mukhang madaming bisita mamaya. Madaming bibig kakain." Natawa ito ulit.
After pala nito ay diretso na sila sa ospital. Hindi pa nila alam kailan uuwi si Au pero baka this week lang din.
"Sino-sino pala dadalaw?"
"'Yong iba bumisita na kanina. Hindi ko sigurado kung ilan natira. But Simon called. He's still there and Juan."
"And James?"
"Hindi ko alam. Close kayo, 'di ba? 'Di nag-text sa'yo?"
Natawa siya. "Sa tingin ko naman nandoon siya." Iniwan na niya si Balti. "Halika na."
Rinig pa niya ang marahas na pagtutulak ni Balti mula sa likod. May binubulong pa pero 'di na niya masyadong narinig. Kahit hindi niya lingunin ito ay na-i-imagine na niya ang mukha nitong mukhang batang naiinis. Nanghahaba ang nguso at naniningkit ang mga mata.
Bahala ka riyan, aamin ka rin!
"NABALITAAN ko nangyari kaninang umaga," bulong ni Chi. Nakaupo ito sa gilid ng kama ni Au. Siya naman humila ng silya habang nagbabalat ng apple. "Kumusta si Bartolome?" Malayo naman si Balti na gusto nang kunin si Aurora mula kay Iesus.
Napapatingin din silang tatlo sa apat. Si Iesus ngayon ang may karga sa baby. Nakaalalay si Tor dito. Si Simon na aliw na aliw mag-pick-a-boo kahit 'di pa naman talaga malinaw ang paningin ng mga baby. Si Balti talaga ang tinutulak ni Tor palayo. Doon siya natatawa.
Ni hindi man lang naingayan si James na natutulog na nakaupo sa sofa. His arms were crossed over his chest. Sabagay naka full volume yata ang music na pinapakinggan nito sa suot nitong ear buds. Si Nanay Lourdes may binili sa labas. Sinamahan ni Juan kaso sumama rin si Maha.
"Ganoon pa rin. Malabong kausap."
"Ang tigas talaga ni Ser," ni Au habang kumakain ng apple. Parang 'di nanganak 'tong si Aurea. Lumiit lang ang tiyan pero walang nagbago. "Mas matigas pa sa bungo ng dinasour."
Natawa silang tatlo.
"Aamin din 'yan," ni Chi. "Nagsisimula pa lang naman tayo."
"Kaya na 'yan ng kuya ko. Kayang-kaya niyan pigtasin pasensiya ng tao. Kita mo 'yang si Tor. Berlin lang ang katapat niyan." Tawang-tawa ito pagkatapos. "Aba'y ang magaling. Iiyak yata ang araw na hindi sinasabi na." Aurea cleared her throat. "Isasama ko sa Berlin ang kapatid ko." Ginaya pa nito boses ni James. 'Yong monotone voice. Pigil niya ang tawa. Kuhang-kuha e. "She's going to Berlin with me. Aalis kami papuntang Berlin. Sasama siya sa'kin sa Berlin."
Kaso si Chi 'di napigilan ang tawa. "Walangya 'yang si Hayme. Kulang na lang isumpa ni Tor ang bansang Berlin."
"Kaya trust me, Nins. Nanunubok 'yan ng pasensiya 'yang si James Dominic. Ikaw na mismo susuko sa kanya."
"Pero sa tingin ko naman mabait talaga si James."
"Hindi mo sure," tudyo pa ni Au.
Natawa lang ulit siya. "Kaso minsan na a-awkward talaga ko. Hindi ko alam kung magkaibigan kami o magkatrabaho lang. Magkaugali sila ni Juan. Aloof at ginto ang ngiti. Pero mas madilim aura ni James kaysa ni Juan. Si Juan kasi lumiliwanag kapag may kasamang hayop. Napapansin ko na ngumingiti siya nang 'di niya napapansin."
"Mukha lang 'yang mga tinakasan ng energy pero malaki tiwala ko riyan sa dalawa," ni Chi. "Itataya ko reputasyon ni Cloudio kapag nagloko 'yang dalawa. Hindi sa bias ako. Chismosa lang." Natawa sila ni Au. "Gentleman 'yang mga walangya."
"Okay na sana e. Na build up mo na. Walangya pa rin," ni Au.
"Walang halong ka plastikan."
"Sa tingin ko rin."
"Isang buwan," ni Chi. "Bibigay na rin 'yan."
Naningkit ang mga mata ni Au. "Mid of August."
"Naks, sana all may specific date."
Tawang-tawa si Au. "Gage! Mabuti na 'yong malinaw timeline."
"Iba talaga kapag malakas powers. Hulaan mo nga kailan ang next fiancée reveal ni Iesus?"
"Malapit na."
Namilog ang mga mata ni Chi. "Seryoso?"
"Basta."
"Hoy!"
"Basta, huwag ka maingay."
"Walangya! National Director of Miss Universe ba 'tong si Tito Josef? Laging may candidate."
"Hayaan mo na 'di naman napipili lagi 'yang si Iesus."
Tawang-tawa na naman 'yong dalawa. Siya, tamang tawa na lang din kahit 'di na siya nakakasunod sa usapan.
"Gage, ang on point mo, girl!"
"Bayad mo oy."
"Nakawin ko muna passbook ni Iesus."
"Gaga!"
Biglang nag-ring ang phone ni Chippy. "Shuks!" Umangat ang tingin nito sa kanila. "Mari is calling," excited na sabi nito. "Wait, accept ko."
Actually, kilala na niya si Mari. Na-ikwento na sa kanya nila Chi. She's Jude's girlfriend – no, wala pa lang label ngayon ang dalawa sa pagkakaalam niya pero si Jude ang ama ng twins na sila Lyre at Sunset. Magkasunod lang na nanganak sila Au at Mari. Last month lang si Mari.
Mari is in Canada and Jude is here waiting for her. Wala nga lang daw nakakaalam kailan ito babalik ng Pilipinas.
Pero 'yong kwento ng love story nila Mari at Jude sobrang namangha siya. Mangha na 'di niya alam kung matutuwa siya o maaawa. Akala niya 'yong mga ganoong kwento nangyayari lang sa drama o nobela. Tapos sikat na singer pa si Jude and Mari was a ghost daughter of a well-known businessman in Cebu.
Sobrang complicated ng love story.
Hindi niya yata kakayanin kung siya 'yon.
"Girl, kumusta ka?" bati ni Chi kay Mari mula sa phone. "Where're the twins?"
"Tulog pa. Nagising kaninang madaling araw buti natulog ulit. Quick VC lang muna gagawin ko, ha? Babawi muna ako ng tulog. I just want to congratulate Au."
"Mari, I miss you," ni Au.
"I miss all of you too. Nakaka-stress pala maging mommy. Good luck, Au." Tumawa pa ito sa kabilang linya. "Pero at least Tor is there. It wouldn't be that hard. Ipaalaga mo na lang muna sa kanya."
Natawa sila Chi and Au.
"Willing naman siya. Tutulog na lang ako buong araw."
"Umuwi ka na lang dito at ipaalaga mo ang kambal kay Hudas. Marami 'yong time ngayon."
Tumawa na naman si Mari.
"Pag-iisipan ko."
Nasisilip niya naman ang mukha nito. Ang ganda pala ni Mari. Twins pa ang baby pero parang mas nag-glow ito. Sa pictures lang niya talaga nakita si Mari.
"Huwag mo na pag-isipan para masuportahan mo si Ser sa love life niya."
"Speaking of Ser. Balita ko –"
"Tama ang balita mo. Nin, halika ka. Pakita ka kay Mari."
Ibinigay nito kay Au ang phone para mas kita siya sa screen. "Mari, this is Niña," pakilala sa kanya ni Au. "Niña, this is Mari, our favorite girl in Canada."
"Hello," kumaway siya sa camera.
"Hello! Ikaw ba 'yong nanggayuma kay Balti?"
Alanganin siyang napangiti. Ang pangit pa rin talaga ng reputasyon niya. "Ah, e, oo, pero 'di na masyadong effective 'yong gayuma."
Tuwang-tuwa ito sa kabilang linya. "Ang galing! So kailan ang kasal n'yo?" Nagpalitan ng tingin sila Au at Chi. 'Yong ngiting may na recruit na namang shipper. "Naku, huwag mo na pakawalan si Ser. Please know that I support you. Uuwi agada ko kapag may date na ang kasal n'yo. May naisip ka nang motif?"
"Eh –"
Tawang-tawa sila Au at Chi. "Hoy, Maring, umuwi ka muna." Ibinalik ni Au ang phone kay Chi. "Pakagat nung kambal. Dito mo na pabinyagan. Sabay na kayo ni Au."
"Pag-iisipan ko pa nga."
"Dalian mo may lakad ako."
"Sige lang, sunod ako."
Tawang-tawa si Au.
"Gaga ka!"
Napatingin siya sa direksyon nila Balti. Sa wakas ito na may hawak kay Aurora. Buti talaga 'di na e-stress ang baby sa mga future ninongs nito.
"Kunan n'yo ko picture dali!" utos pa nito.
Si Simon agad ang naglabas ng cell phone. "Ayusin mo Ser. 'Yong mukha kang ama. Ama ng mga anak ninyo ni Niña."
Natawa siya.
"Hoy!" saway ni Balti rito.
"Ayieee!" At kinantiyawan na nga ng mga kaibigan nito. "Nins, halika rito. Tabihan mo si Bartolome." Ramdam niya naman ang tingin nila Au at Chi sa kanya.
"Girl, go!" udyok pa ni Chi. "Tandaan, kapag may spark."
"Sunugin agad," dugtong pa ni Au.
Hinila na siya ni Simon mula sa upuan at pinagtabi sila ni Balti. Sila Tor, Iesus at Philip ay nasa likod nito. Si Simon ang may hawak ng cell phone.
"Ser isang kilig naman diyan," biro pa ni Simon.
"Lol!"
Tinignan na lamang niya ang baby na nasa bisig ni Balti. Gusto niya kargahin pero baka umiyak na. Cute-cute talaga e. Namumula dahil sa sobrang puti. Taba-taba ng pisngi at halatang mahahaba ang mga pilik mata. Pulang-pula din ang mga labi at parang laging may hawak ang mga kamay. Himbing na himbing sa pagtulog.
"Hi, baby." She gently caressed the back of her hand with one finger. Gumalaw lang ito nang bahagya. Napangiti siya. She liked the faint mole on her right cheek. It suited her. Alam niya na agad na sobrang ganda ni Aurora kapag lumaki.
"Say Eden!"
"Anong Eden?" kunotnoong tanong ni Iesus.
Ngumisi si Simon. "Eden cheese."
"Gago!"
"Hahaha!"
"Gabayan n'yo nga 'yang si Simon," reklamo ni Balti, "pariwara na naman mga jokes niyan."
Tawang-tawa naman siya. Korni nga lang. Inayos ulit ni Simon ang cell phone. Kukunan ulit sila nang maayos.
"Mukha mo, Ser. Alam ko deep inside tawang-tawa ka."
"Deep inside awang-awa ako sa ninuno mo."
Tawang-tawa si Simon. "Seryoso na talaga. Say Cheese!"
Ngumiti siya sakto namang niyakap ni Aurora ang isang buong daliri niya pagkakuha ng larawan ni Simon.
"Walangya!" Tawang-tawa na naman si Simon pagkatapos. Nakatingin ito sa cell phone nito. Sumilip din ang tatlo roon. "Ganda na sana e. Hayme naman!" Tawang-tawa sila Tor, Iesus at Philip. "Why naman ganoon?" Ipinikita ni Simon sa kanila ang photo.
Tawang-tawa siya.
Nasa likod si Hayme. Hindi nakaharap sa camera pero mukhang sinadyang dumaan sa likod. Well, baka hindi sinadya at nagising lang talaga ito para uminom ng tubig dahil may hawak na itong baso sa kamay ngayon.
"What?" inosente nitong tanong.
"Wala!" sagot ni Balti. "Sana masaya ka na."
Hagalpak ng tawa ang lahat sa loob.
"Masaya naman talaga ako."
"Sana lahat."
"Ser n'yo pagod na!"
"Hahaha!"
"VIER!" naabutan niyang mag-isang umiinom ng kape sa boardwalk si Vier.
Talagang doon pa talaga ito nagtimpla ng sariling kape. Umuusok pa ang mug at sumasama sa hangin ang masarap na aroma ng kape kaya siya napatingin sa direksyon nito kanina. Ginawa pang sala 'tong boardwalk.
Hindi siya makatulog kaya naglakad-lakad muna siya hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa boardwalk.
Lumapit siya dito. "Hey."
"O, Balti." He smiled. "Coffee?" May dala itong hydro flask tumbler. Sachet ng kape nito. Asukal at teaspoon.
"Nahiya ka pa sana dinala mo na rin 'yong coffee maker mo."
Humila siya ng silya at naupo sa tabi nito.
"Almost," Vier chuckled, "pero masyado nang mabigat."
"Hiniram mo na lang sana 'yong kay Chi."
"Tulog na yata."
"Hindi ka sure."
Natawa silang pareho.
"May dapat ba akong bantayan?"
"Wala akong sinasabing ganyan."
"Chi is old enough to decide on her own. Hindi siya matututo kung lagi na lang siyang nakadepende sa'min ni Iesus."
"Iesus seems overprotective with Chi."
"From afar, but he's not meddling with her life. Kaya nga 'yan malaya rito sa Faro. But Iesus will always be Iesus. He will always find a way to look after her. It also applies to us – his friends. Lagi siyang wala pero pansin mo 'di siya huli sa balita."
"Feeling ko lang may mata siya sa Faro."
"What are the odds?" Pareho silang natawa. "Anyway, bakit gising ka pa? Wala ka bang pasok bukas?"
"Meron. Pero 'di ako makatulog. May gusto akong bilhin pero 'di ko alam. May gusto akong isipin pero 'di ko rin alam."
Vier chuckled, "Mahirap nga 'yan."
Ngumiti lang siya. Kitang-kita sa puwesto niya ang lighthouse. Naaliw siyang tignan ang ilaw nun na tila ba nantatawag ng mga mangingisdang nawawala sa laot.
"You seemed to have a lot of unanswered questions in your mind," basag ni Vier.
He chuckled, "I do." Ibinalik niya ang tingin dito. "A lot, actually. Sa sobrang dami ko na alam saan magsisimula."
"Start is the hardest step to overcome."
"Have you ever have this sort of memories that you couldn't pinpoint if it did happen or not?" Vier glanced at him. "I really couldn't remember that missing minutes in my life. Or probably hours. Gusto ko isipin na imagination ko lang 'yon pero hindi talaga. Feeling ko may kinalimutan akong importante sa araw na 'yon."
"There are many factors that cause disruption of memories. It depends on its depth."
"Yong ginawa mo kay Tor. Magagawa mo rin ba sa'kin?"
"I can try but I cannot guarantee you the same result."
"Bakit?"
"Some memories are chained, Balti. I'm not speaking based on Science and on what I have learned in my medical experience. You're different like Simon. I couldn't get into his deeper consciousness. I couldn't help him console his nightmares. I can only temporarily block some but not all of it. Those nightmares will continue to chase him."
"And there is no other way to unchained it?"
"I'm still studying his case. Dalawa pa lamang ang naiisip ko na dahilan. Una, he's unconsciously resisting. Pangalawa, he's under a generational curse."
"Generational curse? Kagaya kay Tor?"
"Kind of but solely concerns to his nightmares and memories. A generational curse is a broad topic to discuss. Ayoko muna magbigay ng mga detalye at baka mali ako."
He heaves a sigh. "That's tough."
"And yours might be chained as well or baka cause lang ng isang trauma noong bata ka."
"But you can help me, right?"
"I can try... but only if you're ready."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro