Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

"MILO mo." Inilapag niya ang transparent glass ng iced milo sa harap nito. Nag-request kasi si Ser. Hindi na natuloy ang mga plano nitong drive-thru. Umuwi na lang silang tatlo.

Hinawakan nito ng dalawang kamay ang baso bago iniangat ang mukha sa kanya. "Thank you." Parang batang ngumiti ito sa kanya.

Naupo siya sa tabi nito. "Ano bang nangyari sa'yo kanina?"

"Wala."

"Anong wala? Mukha kang nakakita ng multo kanina."

Although alam niya talagang matatakutin si Balti. Naalala pa niya noong nagkaroon ng Horror Booth noong intrums. Pinagkaisahan itong ipasok ng mga kaklase nito sa horror booth. Milagrong nakalabas pa ito ng buhay sa gym. Actually, kung hindi pa pumasok si Tor sa booth. Feeling niya ma-a-admit si Balti talaga sa ospital.

"Nothing," he insisted. "I just remembered something. Huwag mo na 'yong pansinin."

"Inisip ko kanina baka may dumaang multo sa harap mo. Naalala mo noong high school tayo? Muntik nang masuntok ni Tor 'yong ibang kaklase n'yo noong pinasok ka nila sa horror booth. Buti naawat ng isang teacher noon."

Natawa ito. "I can't believe you still remember that."

"Paanong hindi? Tatlong araw kang nawala sa school."

Napakamot ito sa noo. "Nakakahiya talaga 'yon." At bahagyang natawa. "Ayoko na balikan. Nilagnat pa ako pagkatapos."

She chuckled, "At bumabarkada ka pa kay Au na may third eye."

"At least 'di ko nakikita. Well, there was this one time I tested a belief." Bahagya nitong ibinaling ang katawan sa kanya. "I asked her kung may makikita ba talagang multo kapag tumingin sa gitna ng mga paa mo."

"And?"

"Anak ng chalk! Meron talaga. Babae na nakaputi." Talagang nag-effort pa itong i-describe sa kanya ang itsura, taas at pangangatawan ng nakita nito gamit ng mga kamay. "Medyo matangkad sa'yo. Mahaba buhok. Pero duguan. Walangya kasi 'tong si Aurea. Ang sabi niya malayo. Pagtingin ko humarap na sa'kin." Balti cringed. "Tignan mo." Pinakita nito ang mga braso nito. "Tumataas pa rin ang mga balahibo ko kapag naalala 'yon."

Tawang-tawa siya.

"Seryoso ako."

"Ok."

Naniniwala naman siya. Na-ikuwento na sa kanya ni Au at Chi. Pinagkaisahan pa ngang ihulog sa dagat. She saw the video. Ang kukulit ng mga ito.

Balti made a face. "I'm not making up stories."

"Oo, nga. Bakit may sinabi ba ako?"

"Mukha kasing 'di ka naniniwala."

"Naniniwala ako."

"May multo talaga." Lalo lang siyang natawa. Ang cute lang kasi. "Totoo nga kasi. Meron talaga. Kung gusto mo subukan ulit natin pero ikaw na lang gumawa." Tumawa na ito pagkatapos saka binawasan ulit ang iced milo sa baso. "Kunan na lang kitang video."

"No, thanks." Binalatan na lang niya ang orange. "Sa kwento mo pa lang parang ok lang na i-skip."

"Hindi na ako uulit."

"Which makes me wonder."

She give the half-peeled orange to him. Kalahati naman ay sa kanya. "Thanks." Kinain agad nito ang dalawang sliced nun. "What makes you wonder?"

"Kung bakit sobrang matatakutin ka. Matagal ko na talagang gustong tanungin kaso baka ma offend ka."

He chuckled, "Ngayon ba hindi?"

Natawa siya. "Feeling ko lang you're mature enough to accept such inquiries."

"Hindi mo sure."

"Well, nasa sa'yo pa rin naman kung sasagutin mo ako." Isinubo niya ang hinimay na orange.

"Ngayon na ba?"

"Depende sa'yo."

"Okay."

"Anong okay?"

"Sasagutin na kita."

But could she trust that naughty smile on his face? Parang iba na naman pinapahiwatig nito.

"So bakit nga?"

He chuckled, "Ewan. Basta ayoko lang nang mga nakakatakot na bagay."

"Hindi dahil nagka-trauma ka noong bata?"

Natahimik ito bigla. His gaze shifted in front of him. Nabigyan siya ng pagkakataon na matitigan ang kalahati ng mukha nito.

"I don't know." He shrugged his shoulders. "I couldn't remember my childhood. At least half of it, I can say, since I still remember some. Pero may mga memories ako na 'di ko alam kung nangyari ba talaga o gawa-gawa lang ng isip ko."

"Tulad nang?"

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Let's not talk about anymore." He smiled. "Hindi naman na masyadong importante ang mga 'yon."

Pero feeling niya tinatakasan lang ni Balti ang topic dahil ayaw nitong i-share sa kanya talaga 'yon. Which naiintindihan din niya. Madaldal ito at makwento but she knows that he's a private person. He doesn't disclose personal information not unless it's necessary. Kahit si Tor, 'yon din ang sinabi sa kanya.

Balti has his own secrets he doesn't want everyone to know.

Tipid siyang ngumiti. "Okay."

He will open up once he's ready.

"Thanks! Masarap talaga kapag iba ang nagtimpla."

Natawa siya. "Tamad ka lang."

"Kuyaaaaaaa!" Parang kidlat ang sigaw ni Maha. Feeling niya yumanig ang buong bahay. Umaapoy sa inis ang mukha nito nang makarating sa kusina. "Demonyooo ka talaga! I hate you!" Kuyom na kuyom pa ang mga kamay sa magkabila nito.

Napakurap siya.

Ano na namang ginawa ni Balti rito?

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa magkapatid. Pangiti-ngiti lang si Balti. Inaasar pa yata lalo si Maha. Hayan na naman sila. Papagitna na naman siya. Dapat yata simulan na niyang lumayo. Akmang aalis pa nga lang siya ay nakahawak na ang isang kamay ni Balti sa likod ng T-shirt niya.

Patay na talaga tayo riyan.

Paano pa siya tatakas?

"You lied to me! It's not Juan's number. It was Andrew! Alam mo ba sinabi ni Andrew sa'kin? Sinumpa niya pagkatao ko. Hindi raw ako magkakahanap ng asawa sa ugali ko. Hello pa lang nasasabi ko. Hello pa lang!"

Ayon naman pala. Inisahan na naman ni Balti si Maha.

"You knew! Sinadya mo 'yon, 'no? Arggh!" Sinugod sila ni Maha. Syempre kasama siya dahil ginawa siyang shield ng walangyang si Bartolome. Nakahawak pa sa magkabilangbalikat niya. "Halika rito! Nanggigil ako sa'yo."

"Maha -"

Yumuko siya pero yumuko rin si Balti sa likod niya kaya hangin ang nasabunutan nito. Muntik pa itong mabuwal. Buti nahawakan niya sa baywang na parang mahahaling vase na bawal mabasag.

Cue naman 'yon ni Balti na tumakas. Hinawakan siya nito sa pupulsuhan at hinatak palabas ng kusina. Tawa nang tawa si Balti.

"Bartolomeeeee!"

"Balti!" she hissed at him. "Inasar mo na naman 'yon."

"Hayaan mo 'yon." Mabilis silang lumabas ng bahay. She tried her best to catch up with his pace. Kung makahila naman ang 'sang 'to parang bag lang siya. Nakasunod si Maha sa kanila. Pinagbabato sila ng tsinelas. "Don't let her catch you!"

"Kasalanan mo 'to e!"

"Hahaha!"

"Yaaaa!"

Sa huli ay tawang-tawa rin siya sa pagitan ng hingal. Gabing-gabi na e naghahabulan pa sila sa daan. Kapag talaga ang dalawang 'to nag-traydoran sa isa't isa walang oras na pinipili.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang mapansin sila Sep at Math na nagtatago sa isang malaking puno.

Teka, kinukunan ba sila ng video ng dalawang 'yon? Ang daming time ng dalawang 'to lagi ah. Mukhang makiki-chismis na naman 'yon si Chi mamaya.

Gagaling ng mga intel.

Lalo lang siyang natawa.




BALTI immediately rushed to the hospital when Tor called him.

Manganganak na si Au.

Si Maha muna ang nag-sub sa kanya para sa pang-hapon niyang klase. Susunod na lang sila Niña at Maha sa ospital. Fudge! Sa sobrang pagmamadali niya e nakalimutan niyang 'di siya pwedeng lumayo kay Niña dahil sa mga side effects. Nawala na rin yata sa isip ng dalawa ang tungkol doon kaya 'di siya pinigilan.

Hindi lang naman niya maigalaw ang kanang braso. Good thing, he's left handed. Hindi siya masyadong nahirapan sa pagda-drive kanina. Muntik lang nang biglang 'di na niya maramdaman ang kaliwang kamay.

Pagkarating na pagkarating niya sa ospital ay sinalubong siya ni Jude. Ito ang sumama kay Tor sa ospital. Papunta na rin daw sila James at Nanay Lourdes na dala-dala ang mga gamit ni Au.

"Walangya!" Inihilig niya ang likod sa pader nang makaupo sa sahig. Masyadong malayo ang mga upuan. Nasa labas sila ng operating room. Mas malapit to be exact. Nasa loob si Au. Tinawanan lang siya ni Jude na nakaupo na rin sa tabi niya. Inangat pa nito ang braso niyang tinakasan yata ng kaluluwa. "Bwesit talaga!"

Nagmukhang guma ang kanang braso niya.

"Nag-panic ka, Ser?"

"Shut up!"

"Buti 'di ka na disgrasya."

"Malakas kapit ng guardian angel ko sa Dios." Tawang-tawa silang dalawa. "Matagal mamatay ang mga masasamang damo."

"Gago!"

"How's Au and Tor?"

"Twenty minutes pa lang simula nang pumasok sila sa loob. I think it will take more time. Kinabahan din ako kanina. Tor has always been calm and composed but earlier parang siya pa ang manganganak kaysa ni Au. You should have seen his face. Si Au pa ang nagpapakalma rito."

Natawa siya. "I can imagine."

Jude smiled. "I perfectly know the feeling although not physically but with Mama Celia's help."

"Mari?"

Juded nodded. "Pinasunod siya ni Mari sa Canada a month before she gave birth. She was sending me videos throughout Mari's labor. I saw her frustrations and patience. Talagang pinahirapan talaga siya ng kambal. It took her 12 hours. God, I couldn't imagine her pain. I know it must have hurt a lot. Minura na ako sa video."

Tawang-tawa siya. "Kahit ako rin. Mumurahin din kita."

"I have no doubts about that. Hindi 'yon madalas nagmumura pero sa inis niya habang nagli-labor, ginawa na niyang motivation ang murahin ako nang paulit-ulit."

Napangiti siya sa nakitang saya sa mukha ni Jude habang nagkukwento. Jude and Mari's story is his proof that genuine love could be enough to forgive. It has always been easier to hate than to love. If it was the latter, he doesn't think a human will always have the courage to forgive someone every day. It has its own process and timeline. If it was easy, we would all probably be candidates for sainthood.

Life will always continue to teach us lessons we didn't know we needed in this lifetime.

Mamaya, i-cha-chat niya si Maring. Hihingi siya ng video nun. Baka pwede na rin 'yon gawing ringtone.

"Bakit 'di ka na lang sumunod doon?" he added.

"I did. Almost. Pero 'di ko itinuloy. I made a promise that I will wait. To think that Mama Celia and I actually cheated." Tumawa ito. "She tried to contact me through a video call pero putol-putol nga lang para hindi mapansin ni Mari. But it was enough for me. But she called after she gave birth with our Lyre and Sunset. I literally cried. Shit! Kinapalan ko na pagmumukha ko, pare. Hindi ko alam 'yong nararamdaman ko that time. I can't pinpoint. I can't describe happiness. Noong marinig ko na ang iyak ng dalawa and I saw Mari holding the twins it felt like I was looking at my life." Jude paused for a while to reminisce again that moment. "Right there and then, I realized they are now my life." Jude smiled. "And I want to keep them. I will do my best to protect them at all cost."

Tinapik niya ang balikat ni Jude. "I'm proud of you."

"I've almost fucked up my life but God was kind enough to give me my second chance in life."

"Life always amazes me."

"Me too."

He sighed with a smile. "Two down, 11 more to go."

"Should I reserved the third slot for you?"

"Gago!"

Humagalpak ito ng tawa. "I'll keep my hopes up."

"Good luck."

"I think you will be a great father, Balti."

"You will too."

"Seryoso ako."

"Seryoso din naman ako."

"Reconsider."

"Naisip mo ba na bago ako maging ama kailangan ko muna ng asawa?"

Jude chuckled, "Bakit wala pa ba?"

"Don't start."

"Ikaw rin, baka maunahan ka ng iba. Trust me, it's not fun. I almost hated Juan's existence." Tawang-tawa siya. "Hindi iisang beses na inisip ko na putulin na lang pagkakaibigan namin."

"Gago!"

"Seryoso ako!"

"Bahala ka sa buhay mo."

Tatawa-tawa lang silang naupo sa gilid. Ni hindi na nga nila namalayan ang oras. Tumayo lang sila nang lumabas si Tor sa operating room.

"Tor!" sabay nila ni Jude.

Tawang-tawa naman siya nang makitang namumula ang mga mata nito. "Gago, umiyak ka ba?"

"Yawa ka!" mura nito sa kanya.

"Halika, yakapin ka ni Kuya Balti." He looked shit. Magulo buhok. Gusot ang T-Shirt. Parang nakipagsuntukan sa mga unggoy sa kabilang baryo.

At akmang yayakap siya nito nang itulak siya nito payakap kay Jude. Tawang-tawa sila ni Jude na nagyakapan.

"Bakit ba kayong dalawa lang nandito?"

"At least meron kang supporters!" Lumayo na sila sa isa't isa. Baka matuluyan pa't wala nang mauuwiang Hudas si Marison. "How's Aurea?"

Tor smiled. "She's fine."

"And the baby?" asked Jude.

"My daughter is beautiful." May kumawalang luha sa mga mata ni Tor. "She's beautiful just like her mother."

"Huwag sanang lumaking scammer," tudyo niya.

"Gago!"

Tawang-tawa lang din silang tatlo pagkatapos.

Jude tapped Tor's shoulders. "Congratulations, Tor!"

"You too."

Teka lang, may naalala siya. Kinuha niya sa bulsa ng slacks niya ang wallet at kinuha mula roon ang dalawang business cards. Medyo nahirapan lang siya. Walang silbi 'yong isang kamay niya.

"Alam ko na matagal pa naman pero sa St. Nathaniel's n'yo na pag-enroll-in ang mga anak n'yo," nakangisi niyang sabi sa dalawa sabay abot ng business cards.

"Walangya!" mura ni Jude. Tawang-tawa. "At talagang naisip mo pa 'yan?"

"Tatlong bata rin 'yan."

"Ewan ko sa'yo, Bartolome!" Napa-iling na lang sa kanya si Tor. Anyway, sanay naman 'yon sa kanya. Ito na mag-adjust. "Kapag talaga ikaw -"

"Oh, huwag masyadong advance," kontra agad niya, "may pila."

"At pangatlo siya," dugtong ni Jude.

"Hoy!"

Sinubukan niyang iangat ang kanang braso para sana batukan si Jude pero balikat lang niya ang umangat. Lalo lang siyang tinawanan ni Jude. Pinatid na lang niya.

"Piste!" mura nito.

"Anong nangyari sa kamay niyan?"

"Iniwan ko lang naman ang Niña ko para sa'yo," sagot niya.

Ngumisi si Tor. "O, 'di pangatlo ka nga."

"Hahaha!"

"Yawa mo!"

"Pangalawa lang kami sa'yo."

"Huwag sana kayo patulugin ng mga anak ninyo."

"Gagoooo!"

"Hahaha!"



BUMABA si Niña sa kusina para mag-refill ng tubig sa tumbler niya. Nagulat lang siya nang maabutan si Balti na kumakain ng chocolate biscuit na isinasaw-saw nito sa gatas. It was already 10 pm. Kakauwi nga lang nila noong 9 pm galing sa ospital.

"Bakit 'di ka pa tulog?"

"Nagutom ako."

Natawa siya. Dumiretso siya sa water dispenser. "Hindi enough ang dinner?"

He chuckled, "Need ng midnight snacks. Gusto mo?"

"Baka kulang pa 'yan sa'yo." Lumapit siya kay Balti pagkatapos mapuno ang tumbler. Inilapag muna niya 'yon sa island counter. Pinaghihiwalay nito ang cookie ng biscuit before he dips it on his glass of milk. Parang bata talaga. Edad lang talaga tumanda rito. "Ang cute ng baby nila Au at Tor," pag-iiba niya. "Kamukhang-kamukha ni Tor."

Natawa ito. "Hindi ko ma-imagine si Tor na mahaba ang buhok."

"Hindi literal, grabe 'to!" Tawang-tawa siya pagkatapos. Kumuha na rin siya ng isang biscuit sa bowl nito. "Pero may nabasa kasi ako dati. Kapag daw first daughter, malaki raw resemblance niya sa dad niya. Saka feeling ko totoo kasi madami akong kilala na ganoon. Ako, sabi ni Mama, kamukha ko raw si Papa ko. Tapos si Maha. Mas hawig niya si Tito Juanito. Mas kamukha mo kasi ang mama mo. At saka 'yong mga kaibigan ko na eldest daughter." She sighed dreamily. "Ang cute-cute talaga ng mga babies."

"You want one?"

"Oo." Nagtama ang mga mata nila. Kanina pa kasi ito nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya. "Sino ba namang hindi? I love kids pero sa tingin ko iba talaga 'yong feeling kapag sarili mong anak. In my opinion lang naman. Saka gusto ko malaman anong mukha nila." Natawa siya sa sarili. Balti seemed enjoying her reaction. He was smiling pero alam niyang nakikinig ito. "Ikaw ba? Ayaw mo pa?"

He chuckled, "Bakit iba ang pagkakaintindi ko sa tanong mo?"

Kumunot ang noo niya rito. "Ang alin?"

"Nothing. Baka ako lang nag-iisip nun."

"Ano nga?"

"Wala."

"Tsk, iisipin ko na naman kung ano."

Tumawa ito. "Don't stress yourself. Dadating din 'yan."

She sighed. "Sabagay, sa ngayon maghahanap muna ako ng magiging kamukha ng anak kong babae."

"May nahanap ka na?"

"I have my options."

"May pangalan na ang 1 to 99 options mo?"

"Hindi lahat pero meron na siguro." Tinaasan siya nito ng isang kilay. "But just to be fair. Dahil matagal naman din tayong naging magkaibigan. Hindi na kita tatanggalin sa listahan ko. You will always be my 100th."

Natawa ito. "I should do the same."

"Fair enough."

He smiled. "You will always be my 100th too."

"Well then," she smiled, "matutulog na ako at maaga pa bukas." Inabot na niya muli ang water tumbler niya. "Goodnight, my 100th boy."

"Have a good night sleep," he lifts the glass of milk, "my 100th girl."

Nakangiti pa rin siya hanggang sa makaakyat siya sa taas. Landi-landi mo, Niña. Makatulog ka sana nang maayos ngayong gabi. Pinihit niya ang knob pabukas nang maunahan siya ng tao sa loob. Namilog ang mga mata niya nang pagbuksan siya ni Maha.

"Kailan scheduled check up ni Lapu-Lapu?" bungad agad nito.

Hindi agad nag-sink-in sa kanya ang tanong nito. "Huh?" Ang rinig niya, when did the battle of Mactan happen? Sasagot sana siyang April 27, 1521.

"I said, kailan scheduled check-up ni Lapu-Lapu?" inis na ulit nito.

"Ahm -"

"Anyway, nakapag-schedule na rin naman ako sa assistant ni Juan. Sa weekend ko siya dadalhin sa clinic niya."

Kumurap siya. Fini-flex lang yata ni Maha sa kanya na may scheduled check-up na rin ang pusa niyang si Magellan.

"Well, ahm, good for you. Sana gumaling na si Magellan."

"Don't worry, I'll make sure mabubuhay si Magellan this time."

Pigil-pigil niya ang matawa. "Okay. At least mabubuhay siyang matagal." Pumasok na siya sa loob ng kwarto. Kahit hindi siya nakatingin dito ay ramdam niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya. "Matulog ka na Maha."

"Fine! Goodnight." Naibaling niya ang tingin dito. She never says goodnight to her. It was the first time. After a very long time. Mukhang napansin din nito ang sinabi. "I mean, have a bad night!" Saka nag-martsa sa direksyon ng kama. Patalon na humiga ito at nagtalukbong ng kumot.

Napangiti na lamang siya.

"Goodnight, Maha," pang-aasar pa niya.

"Turn off the lights!"

"Opo."



"NIN!"

Naiangat niya ang ulo mula sa nakabukas na pinto ng kotse ni Balti. Inilagay lang niya ang gamit niya. Paalis na rin sila mayamaya.

"O, James." Isinirado niya ang pinto at umikot sa harap ng sasakyan. "Good morning, si Nanay Lourdes lang ba sa ospital ngayon?" Napansin niyang may dala itong paper bag.

"Tor is there. Mamaya pa 'yon uuwi. Aurea requested something kaya umuwi muna kami ni Mama. Here." Inabot nito sa kanya ang paper bag. "It's not a lot but I think pwede mo rin i-share sa mga kasamahan mo."

"Wow! Thanks. Nag-abala ka pa." Sinilip niya ang loob. Lunch box lang nakita niya. "Ano 'to?"

"Fresh fruits and fish fillet."

Namilog ang mga mata niya. "Nag-abala ka pa. Wala naman akong sakit."

"Favorite ni Au ang fish fillet na gawa ko. Napadami and I figured out to share some. Hope you like it."

Napangiti siya. "Sa tingin ko naman masarap."

"Ahem!"

Sabay pa silang napalingon sa likod.

"Good morning, James," bati ni Balti rito. "Hindi busy?" Na walang ka ngiti-ngiti.

"Hindi masyado." Inihit siya ng ubo. Ito ring si James direct to the point sumagot. "Are you okay?" tanong nito sa kanya. "Do you need water?"

"No, okay lang. Nasamid lang ako."

"Balti, kuha ka ng tubig," utos pa ni James dito.

Umangat ang isang kilay nito kay James. "Inuutusan mo ba ako?"

"Didn't you hear me?"

Pumagitna siya. "It's fine! Okay lang tal -"

"Here."

Napakurap siya nang maramdamang may hawak na siyang bottled water. Pagbaling niya ng tingin e bumungad sa kanya ang mukha ni Juan. Naka pang-jogging attire pa ito. Pero may dalang maliit na green eco bag. Mukhang galing ito sa convenience store sa boardwalk.

"T-Thanks."

Binuksan niya ang bottled water at akmang iinom na nang marinig nila ang sigaw ni Maha.

"Andwaaaeee!" Mabilis pa sa kidlat na naagaw nito mula sa kamay niya ang bottled water. "Akin lang ang bottled water na 'tooooo!"

Kumuha ulit si Juan ng isa pang bottled water sa eco bag nito. Teka nga, nag-hoard ba ito ng tubig sa store? Inabot nito sa kanya ang isa pa. Pero napansin niyang na bawasan na 'yon.

"Medyo nabawasan na nga lang 'to," anito.

"T-Thanks -"

"Nauhaw ako!" At nawala na naman ang bote ng tubig sa kamay niya. Napakurap ulit siya ng ilang beses nang inisang lagok lang ni Balti ang tubig.

"Kuya noooooo!"

Sayang na sayang ang tingin ni Maha roon sa bote.

Napalunok siya.

"O-Okay na ako," aniya. "Sa school na lang ako iinom ng tubig."

"Aray!" Napangiwi si Balti nang paluin ito ni Maha sa balikat.

"Bakit mo ininom 'yon agad? Akin din 'yon e." Lumapit ito kay Juan. "Juan, inuman mo muna 'to." Inabot nito kay Juan ang bottled water.

Walang salisalita na kinuha ni Juan ang bottled water at inabot naman sa kanya.

"Opppaaa!"

"Bye!" paalam nito saka nag-jogging palayo.

"Juan, oppaa! Waeyo? Nomo, nomo, saranghae!"

"May sasabihin ka pa?" tanong naman ni Balti kay James.

James ignored him saka ito bumaling sa kanya. "I'll call you later."

"O -" Ang sama na nang tingin ni Balti sa kanya. Dapat pa ba siyang matuwa? "O-Okay. Siguro mga lunch na lang."

"Sounds good to me. Mauna na ako, Nin."

"Ingat."

"Ikaw rin." Ibinaling nito ang tingin kay Balti. "Drive safe." Hindi 'yon simpleng paalala. James calmly demanded it from Balti.

Nang makaalis na si James ay nakatingin ang magkapatid sa kanya. Alanganin siyang ngumiti sa dalawa.

"Ahm, let's go?" Pinaningkitan siya ng mga mata nila Maha at Balti. "Okay! I think, ako na muna mag-da-drive ngayon." Bago pa siya makuyog ng dalawa. Phew!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro