Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

NAABUTAN ni Niña na nagdidilig ng halaman si Balti sa front garden. Ang pinagtataka niya lang e parang may sinisilip-silip ito sa bahay nila Tor. Mababa ang bakod kaya kitang-kita pa rin mula sa bahay ni Balti ang harapan ng bahay ni Tor.

Ano kayang sinisilip ng 'sang 'to? Nanghahaba ang leeg e.

Lumapit siya rito. Sa sobrang focus nito roon ay hindi na halaman ang nadidiligan kundi ang mismong bakod na. Ni hindi nga siya napansin.

"Hoy!"

Bigla itong lumingon sa kanya at saktong naitutok nito ang hose ng tubig sa kanya. Umawang ang bibig niya sa pagkagulat. Walangya 'tong si Bartolome. Basang-basa agad siya.

"Balti!!" sigaw niya.

Nanlaki rin ang mga mata nito sa pagkagulat. Ang hindi niya inasahan ay itinapat nito ang hose ng tubig sa sarili nito kaya pareho na silang basang-basa.

Natawa na lang tuloy siya.

"Loko!"

Tawang-tawa rin ito. "It's atay."

"Kakaligo ko lang e. Magpapalit na naman ako." Inayos na lamang niya ang nabasang blouse na halos humakab na sa korte ng katawan at dibdib niya. "Sino ba kasi sinisilip mo riyan?"

"Wala," nakangiting iling nito, "tinitignan ko lang kung tumutubo na mga bulaklak nila Tor."

Pinaningkitan niya ng mga mata ito. "Bakit ayaw ko maniwala? Where's Maha?"

"Nangibang-bahay."

"Kanino?"

He shrugged his shoulders. "I don't know."

"Ser!" Sabay silang napalingon sa tumawag. It was Mathieu and Sep. May dala-dala pang mga cups ng taho. Si Sep apat yata. Si Math dalawa lang. "Good morning! Mukhang may outdoor shower kayo riyan ah. Pwedeng sumali?"

'Yong ngiti ng dalawa halatang nang-aasar.

Pero napansin niya ang pasimpleng paglipat nito sa harapan niya para matakpan siya. Sa totoo lang medyo manipis talaga ang na suot niyang blouse at basang-basa pa. It was a sweet gesture from Balti sa totoo lang.

Hindi niya tuloy maitago ang ngiti.

"Pinagkaitan ka ba ng laro noong bata, Dmitry?"

"Touche!" Humagalpak ng tawa si Math pagkatapos. "Pangit mo na ka bonding, Ser. Dati may weekend party tayo sa bahay mo ngayon wala na."

"Ganyan talaga kapag may balak na sumunod kina Tor at Jude," segunda pa ni Sep. "Balitaan mo na lang kami kapag may role na kami sa entourage ng kasal mo."

"Kanino naman?" tudyo pa lalo ni Math.

"Malay mo nasa likod lang niya."

At dahil hindi makapag-apir nang maayos ang dalawa ay nagbanggan na lang ng siko. Kung hindi niya lang alam na may mga ulterior motives 'tong sila Sep at Math ay maniniwala na siyang dakilang pang-asar ang dalawa.

"Niña, payo lang," ni Math, "there are still many handsome fishes in the sea. Tingin-tingin ka lang. Huwag ka mag-settle sa isa. Know your options."

"At option niya ring huwag makinig sa'yo," sagot ni Balti rito.

Nasamid pa sa kinakaing taho si Math bago tuluyang natawa.

"Niña, magbihis ka na roon." Bahagya siyang pinihit ni Balti sa direksyon ng pinto. "Madami na namang nagkalat na usog sa paligid. Baka mahamugan ka pa."

Humagalpak na naman ng tawa sila Sep at Math. Mas malakas pa kaysa kanina.

"Gago ka, Ser! Ang gwapo ng mga usog mo," ni Math.

"Wala akong pake!"

Hindi niya tuloy napigilan ang matawa na. Gigwapo ba naman ng mga usog. Kung siya rin, magpapa-usog na rin din siya. Pero faithful siya kay Balti e. Malala. Pwede nang patayuan ng rebulto sa tabi ni Lapu-Lapu sa Mactan.

"Bartolome!" It was Sep. "Balita ko crush ni Hayme si Niña."

"Talaga?" ni Math.

"Hindi ba? Humingi ng number kay Maha e."

"Pasok na, Niña." Itinulak na talaga siya ni Balti. "Get change baka magkasipon ka pa."

"Pero –"

"No buts!"

Pagkapasok na pagkapasok niya at mabilis na isinirado ni Balti ang pinto. Sumilip na lamang siya sa bintana sa gilid ng pinto. Doon niya nakita na nagsitakbohan sila Sep at Math nang basain ito ni Balti ng tubig.

"Gago ka talaga, Ser!"

"Sa uulitin ulit, Bartolomeeee!"

"Huwag na kayong magpakita sa'kin. Sinisira n'yo araw ko."

Tawang-tawa siya.

After awhile, napansin niyang lumabas si Maha mula sa bahay nila Tor.

Napaisip siya bigla.

Anong ginagawa ni Maha roon?




"KUYA hindi ako ang nagbigay ng number ni Niña kay James! Gage! Sino ba nagpakalat ng fake news na 'yan? Naninira ng reputasyon, ha?" Masama pa rin ang tingin niya sa kapatid. "Anti-BalNin ako pero, hello? James Dominic 'yon. Hangin lang kinakausap nun." Hindi pa rin siya naniniwala. Ilang beses na siyang na traydor ng kapatid niya. "Promise!" Itinaas pa nito ang isang kamay.

"Fine!" dismissed niya. "Anyway, nagawa mo pinag-uutos ko sa'yo?"

Nanlaki ang butas ng ilong nito. "Oo!" Padabog na naupo ito sa sofa sa library. Tumabi siya rito. "Ikaw talaga sisisihin ko kapag kumalat sa Faro na nagtatanong ako kung anong tipo ni James. Siguraduhin mo lang mailalakad mo ako nang maayos kay Ryuu Juan dahil ikakalat ko talaga 'yong nude baby pictures mo!"

Natawa siya. "Akala mo, ako lang?"

"Kuyaaa!"

Madami rin siyang alas sa kapatid niya. He will never volunteer himself in a war if he wasn't prepared.

"Spill the beans."

Marahas itong bumuntonghininga. "Okay, fine. As per, Aurea, ang type raw ni James ay..."

"Type ni Kuya? Hmm. Sa mga past girlfriends niya napansin ko lang, ha? Mahilig siya talaga sa mga soft at chubby. Mabalakang. Palangiti. Cute. Sakto lang ang height. Smart looking woman 'yong type niya na madalas nakangiti."

"Sure kang 'di ka in-scam ni Aurea?"

Hirap paniwalaan ng mga sinasabi ng 'sang 'yon.

"Wait lang nga, 'di pa tapos."

"Basta sure ako hindi ikaw ang type niya."

Tawang-tawa siya. "I have no doubts."

"Alam n'yo magkakaibigan talaga kayo. Napaka n'yong lahat sa'kin. Duh! Hindi ko rin type ang taong kahoy na 'yon. Pupugaran na 'yon ng mga evil spirits at engkanto sa sobrang tahimik niya."

"Ano pa sabi?"

"Actually may past relationship nga siya with a teacher sa Germany. Kaya naisip ko nga e. Baka magustuhan niya si Niña. Sa tingin ko bagay rin sila. At saka alam mo ba. Bukod sa amin ni Mama. Kinakausap niya si Nins. Humingi pa nga 'yon ng number sa'kin. Kaso wala ako e. So humingi ako kay Tor."

"So it was Kale Thomas Velez?"

"Sabi ko sa'yo hindi ako! 'Yong best friend mo trumaydor sa'yo. Tatraydorin ba kita? You're my brother." Kinilabutan siya sa huling sinabi ni Maha. Napitik niya tuloy sa noo. "Aww!"

"Hindi bagay sa'yo."

"But I'm an angel."

"Walang naniniwala." Kausapin niya 'yon mamaya. "Nag-asawa lang. Pinagpalit na ako sa bayaw. Ano pa sinabi sa'yo ni Aurea?"

"Magkaibigan kami ni Bati, ha? Pero kung hindi siya kikilos. Maagawan talaga siya. Lupa nga naagaw. Tao pa kaya. Saka mabait si Nins. Okay na okay sa'kin na maging sister-in-law siya. At saka mawawala rin naman ng bisa ang gayuma."

He cracked his knuckles.

"Kuya –"

"What?"

"Huwag mo akong suntukin."

"Bakit naman kita susuntukin?"

"E anong ginagawa mo?"

Maha pointed to his clasped hands.

"Namamanhid ang kamay ko."

"Sure ka?"

"Gusto mong i-try?"

Agad na lumayo ito sa kanya. "Bahala ka sa buhay mo!" At tumayo. "Basta ako pa rin leader ng Anti-BalNin. Kung kailangan kong i-ship ang NinJa –"

"Anong Ninja?"

"Niña at James, NinJa –" Binato niya ng throw pillow si Maha. Nakangising sinayawan pa siya nito nang makailag. "Sarangingayo! Geudae nawa gatdamyeon sijagingayo." At kinantahan pa siya nito ng theme song ng Princess Hours. Akala mo naman maganda boses. Katunog naman ng palakang paos. Nang-aasar lang. "Mami jakku geudael saranghandaeyo! On sesangi deutdorok sorichineyoooo –" Akmang babatuhin niyang vase nang mabilis na makalayo ito. Tawa pa rin nang tawa. "Anyeong!" Mabilis pa sa kidlat na lumabas ng library.

He leaned his back on the couch and sighed.

Lumipad ang tingin niya sa black book sa mesa niya. Ayaw na niya mag-isip. Ida-divert na muna niya ang isip niya. Tumayo siya at tinungo ang study table niya. Naupo siya at binuklat ang libro.

Magbabasa na nga lang siya. Isipin na naman ni Iesus na 'di na naman niya ginagawa ang trabaho niya. Pero isang paragraph pa lang nagdilim na paningin niya. At sigurado siyang humihilik na siya sa mga sumunod na mga oras nang maramdaman niyang bumagsak ang ulo niya sa makapal na libro.


PUMASOK bigla si Maha sa kwarto habang naghahanap siya nang maisusuot mamaya. Magsisimba sila kasama ang mga magulang nila.

"Ya!"

Ibinaling niya ang tingin dito. "Yes?"

"Something is fishy." Maha crossed her arms. "Ano plano n'yo?"

"Anong plano?"

"Sino-sino katulong mo?"

"Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan." Magkamatayan na hindi siya aamin. "At saka, ano ngang plano?"

Maha squinted her eyes at her. "Malalaman ko rin 'yan."

"Okay," ngumiti lang siya. "Si Balti?"

"Mukha ba akong lost and found booth? Hanapin mo."

Ang taray talaga. "Mamaya." Tumunog ang cell phone niya. "Hmm?" Unknown number ang nag-register. May number siya ni James, so sino 'to? Sinagot pa rin niya ang tawag. "Hello?"

"Nins, si Chi 'to. This is Juan's number. Save it. Dalian mo habang nasa clinic pa. Hiniram ko lang cell phone niya. Is Maha around? Malapit sa'yo? Wait! Huwag ka sumagot kapag nandiyan." Kahit nalilito sa mga pinagsasabi ni Chi ay sumunod siya. "Positive nandiyan. Okay, ganito gawin mo. Ito sabihin mo. Oh, Juan? Saan mo nakuha ang number? Anong atin? Ganoon."

"Juan?" Napangiwi siya sa isip. Sana 'di magtunog fake. "Napatawag ka?" Mula sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyang marahas na napatingin si Maha sa gawi niya.

"Good, now, iinisin muna natin si Maha. Nasa kwarto ka ba? Kung oo, lumabas ka."

"Okay, wait lang." Iniwan niya ang ginagawa at lumabas ng kwarto. "O, tapos?"

"Simplehan mo lang nang tingin kung sumunod."

Iniwan niyang bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto kanina para masilip si Maha. Pasimple lang niyang tinignan.

"Oo, tapos?"

"I just remembered something. Anti-BalNin pala 'yang si Maharlika. Inisin na lang muna natin para mapilitan siyang lumipat ng ship. Pero si James pa rin ang official second lead natin. Gawin lang nating supporting character si Juan para umusad ang love story ng BalNin. Omg! I'm so brilliant. Kinikilig na ako ngayon pa lang!" Halatang pigil ang tili nito sa kabilang linya. "Shit! Lumabas na si Juan."

Natawa siya. "Okay, okay."

Safe responses lang ginagawa niya.

"Oh, sige na, bah-bye na muna! Kausapin ko muna nang maayos si Juan. Susuhulan ko ng pagkain. Yemas! Buti madami stock si Iesus sa bahay. Kumuha ako ng kalahati." Tumawa ito. "Pero huwag kang kakanta kasi lagot talaga tayo."

"Oo na. Sige, mamaya ulit."

Hindi nga kasali si Iesus sa grupo pero ginawang alay naman ni Chi ang ari-arian nito.

"Babosh!"

End call.

Nakangiti pa rin siya nang ibaling ang katawan sa direksyon ng pinto. Pag-angat niya ng mukha ay ganoon na lang ang gulat niya nang bumungad sa kanya ang nakataas kilay na mukha ni Maha.

"Si Juan 'yon?!"

"Ah – e – oo – "

"I'm not asking you to recite the vowels."

"Uu –" pang-asar pa niyang dagdag.

Maha rolled her eyes. "Whatever, so bakit tumawag si Juan? Close na ba kayo? Kailan pa? Anong kailangan niya?"

"Ahm, papa-check-up ko ang pusa naming si Lapu-Lapu." Natawa siya sa isip. Wala silang ganoon pero may tambay na pusa lagi sa bahay. Ipapaampon na lang niya 'yon muna kay Kath. "Nagpapa-schedule ako."

"'Yon lang ba?"

"Ano pa ba?"

"Sa kanya ba direct? Wala ba siyang assistant?"

"Yata? Bakit?"

"May pusa rin ako."

"Oh –" Ayaw patalo talaga.

"Si Magellan." Inihit siya ng ubo at natawa. 'Langya ka Maha! "I'm serious. Don't laugh. Hindi lang ikaw ang cat lover sa mundo."

"May sinabi ba ako?" Her smile never leaves her face. "Papa-check-up mo rin?"

She shrugged her shoulders. "Probably."

"Okay."

"Pahinge muna number niya."

"I think you should probably visit his clinic. Mahigpit bilin niya na huwag ko ibigay number niya." Tipid siyang ngumiti rito. "Sorry." Iniwan na niya si Maha at bumalik sa silid.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ay nasilip pa niyang nagpapadyak-padyak pa ito ng mga paa.




"ULIT-ULIT!" In play niya muli ang kanta sa laptop. "Ganito 'yong steps." Sinabayan niya ang kanta. "Dati ang gulay 'di ko tinitikman. Lagi na lang iniiwasan." Ginaya niya lang ang steps mula sa video. "Ganyan! Go! Taas kamay. Shawn, taas mo pa. Ayon. Okay, jump! Jump! Jump! Makulay! Makulay ang buhay –"

Limang beses na silang nag-rehearse. Hirap talaga kapag bata. Laging distracted. Natatawa na lang siya. Muntik nang magkasabay-sabay.

"Okay, break na muna, 15 minutes, one last practice for today tapos uwi na tayo."

"Yes po, Teacher Nins!" Sabay-sabay nang lahat saka nagkanya-kanyang puwesto sa mga upuang itinabi na muna nila sa classroom.

Pinagpawisan siya kahit naka aircon naman ang room. Inabot niya ang water tumbler niya saka in-pause ang video. Uminom siya ng tubig. Mayamaya pa ay may kumatok mula sa pinto. Pag-angat niya ay nakasilip na ang nakangiting ulo ni Balti.

"Daddycher!" sigaw nang lahat.

Napangiti siya nang dumugin ito ng mga bata nang tuluyan na itong pumasok sa loob. Syempre, teacher nila si Balti noong nursery at kinder. Napilitan lang mag-move-up ng Grade 1.

"Hi, kids! Behave ba kayo?"

"Yes po!"

"Daddycher, Daddycher, why are you here po?"

It was already past 3:30 pm. Mamayang 4 pm ang labas ng mga bata. One hour and thirty minutes siya nagtuturo ng sayaw sa mga bata sa hapon para sa culmination ng Nutrition Month.

"Ayaw n'yo?"

"Gusto poooooo!" Yumakap ang mga bata rito.

Tawang-tawa si Balti. Isa-isa nitong ginulo ang mga buhok ang mga bata. "Ayon naman pala e. Galingan n'yo. Manood ako sa inyo ngayon."

"Yeeeey!"

"Kausapin ko muna si Teacher Nin."

"Okay pooooo!"

Lumayo na ang mga bata rito at naglakad palapit sa kanya. "Galing natin sumayaw ah," bungad agad nito. Halatang nang-aasar.

"Saya ka?"

He nodded habang tumatawa. Naupo pa ito sa edge ng mesa niya. "Sit in ako, ha?"

"Mga pupils mo?"

"Maaga kami na tapos. Ilang minuto na lang labasan na. Pinaglaro ko na sa playground."

"Aga, ah?"

"Reward ko sa kanila. Behave sila ngayon e."

"Ang chill mo na teacher, alam mo?"

"I told you. I don't pressure these kids. Not to brag. Pero napansin mo bang magagaling magbasa at magsulat ang mga students mo?"

True. Napansin nga niyang advanced na ang mga bata pagdating sa reading and writing. Although may mga iba na humahabol pero mabibilis ang mga ito mag-catch-up.

"Anong ginagawa mo sa kanila?"

Ngumiti ito sa kanya. "Magic."

Natawa siya. "Parang gusto ko rin mag-sit-in sa klase mo." Bigla namang nag-vibrate ang cell phone sa mesa niya. Nag-pop-up ang message notification at tumatak ang number ni James at message.

Ano oras out mo? – James

Akmang kukunin niya ang cell phone nang maunahan siya ni Balti. Napakurap siya nang ito ang mag-reply kay James.

Sasabay sa'kin si Ninin. Balti 'to. – Niña

"Anyway," pasimple pa nitong ibinulsa ang cell phone niya. "Anong gusto mong kainin mamayang dinner. Parang gusto kong mag-drive-thru."

"Huh?"

"Jollibee? Chowking? Mcdonalds?"

"Ahm, 'yong cell phone ko."

"Ah, Mang Inasal?"

"Balti –"

"Pero ayoko mag-heavy-meal ngayon."

"Balti 'yong cell phone ko."

Tinignan siya nito. "Libre ko na."

"Okay, pero 'yong cell phone ko muna."

"Mamaya," tumayo ito, "after your class. Check ko muna mga bata sa playground." Lumayo na ito sa kanya at naglakad sa direksyon ng pinto. "Kids, I'll watch your practice next time. Okay lang ba?"

"Okay lang po!"

"Good! Good! See you around."

At nilayasan na nga siya ni Bartolome tangay ang cell phone niya. Napailing na lamang siya. Wala rin naman 'yong mababasa dahil 'di nito alam ang password ng cell phone niya.

"Oh, well." Ibinaling na niya ang atensyon sa mga bata. "Kids, gather around. Last practice na tapos you can go home na."

"Yeheey!"

Dahil uwing-uwi na rin siya.




"ANO bang password nito? Hindi man lang ako tumatama. Tsk!" Tinigilan na niyang hulaan ang password ni Niña. "Bakit kasi text nang text 'tong si Hayme kay Niña? Kung gusto niyang makakausap. Hahanapan ko siya." Ibinulsa na lang niya ulit ang cell phone nito. "Hahanapan ko siya ng madaming puno."

Tumigil siya sa paglalakad.

Napa-isip siya.

Inilapat niya ang isang kamay sa dibdib. "Ano bang nangyayari sa'kin?" Normal lang naman ang tibok ng puso niya. "Normal pa ba 'to?"

Mayamaya pa ay sumilip ang ulo ng kapatid niya sa gilid niya. "May naririnig ka bang National Anthem na hindi namin naririnig?"

Ibinaba niya ang kamay. "Wala pero kinakausap ako ng isang masamang espiritu ngayon lang." Iniwan niya si Maha.

"Kuyaaaa!" Habol nito sa kanya hanggang sa makaagapay.

"Ano?" he snapped.

"Sabi mo ilalakad mo ako kay Juan."

"Wala akong sinasabing ganyan."

"Sabi na e! Napakatraydor mo talaga."

Natawa siya. "Same to you."

"Pahinge na lang number niya."

"0919 ikaw na ang bahala sa pitong kulang na numero."

"Bakit ba lagi akong nagpapaloko sa'yo?"

"I should ask you the same."

"Aissh!"

"Nga pala –"

"Don't talk to me."

"Ibibigay ko number niya. Sagutin mo lang ako."

"Sure 'yan?"

"Promise."

Na may kasamang pagdadalawang-isip.

"Fine! Sige ano 'yon?"

"Matagal din kayong naging magkaibigan ni Niña. Sa tingin mo may chance na magkagusto siya kay James?"

"Kuya ayoko na alalahanin ang nakaraan –"

"Ayoko na rin alalahanin ang number ni Juan."

"Ay grabe, ito naman 'di na mabiro. Ahm –"

"Be honest," he warned, "dapat sagot mo sa'kin hindi perspective ng isang Anti-Fan."

"Gayuma pa ba 'yan o totohanan na?"

"Ang dami mong tanong."

"E nakakaduda ka na. Sinisira mo pagka-Anti-BalNin ko."

"Ayaw mo nang number?"

"Gusto."

"O, sagutin mo na ako."

"Well, baka?"

"Baka, ano?"

"Baka na fresh milk."

"Na saan na ba 'yong stick ko?"

Kung wala lang sila sa eskwelahan matagal na niyang binatukan ito.

Tatawa-tawang lumayo ito. "Number muna bago sagot."

"Sumagot ka muna."

"Number muna."

"Fine!" Marahas siyang bumuntonghininga. "09686381217."

"Hoy, teka lang! 'Di ko sauludo."

"Hindi ko na uulitin."

"Dayaaaa!" Kinuha nito ang ball pen sa front pocket ng blouse nito. "Ulit na dali! Sa kamay ko na isusulat."

"09686381217."

"Kamsamhida! Got it."

"Mamaya mo na i-text. So, ano nga?"

"Honest answer?"

"Malamang."

Ngumisi ito. "Huwag ka mag-alala. Hindi kayo magkakatuluyan." Malakas na tumawa ito saka siya nilayasan.

"Hoy!"

"Hahaha!"

Hindi niya alam pero sa halip na mainis ay natawa lang siya. Kung akala ni Maha ay naisahan siya nito. Nagkakamali ito. Number ni Andrew ang ibinigay niya at hindi kay Juan. Tamang-tama araw-araw 'yong high blood.

Akmang maglalakad na ulit siya nang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid niya. Followed by an eerie silence. Natigilan siya. Mayamaya pa ay may sumasama nang yabag ng mga paa sa marahang paggalaw ng mga dahon sa mga puno. Papalapit ang mga yabag. His vague memories in the museum when he was a kid glitches in his mind.

"Bata –"

Napakurap siya.

"Balti –"

May kamay na humawak sa braso na sobrang gumulat sa kanya. It felt traumatically familiar but he couldn't pinpoint why. He felt fear – a kind of fear that made him forgot to breathe.

"Balti." Nagawa niyang maibaling ang tingin sa nagsalita. "Are you okay?" Lumipat sa harapan niya si Niña. Bumakas ang pag-aalala at pagtataka sa mukha nito. "Namumutla ka."

He heaves a deep sigh of relief when he saw her face. Hindi niya napigilan ang sarili na ihilig ang noo sa balikat nito. He felt powerless. He needed Niña's strength. He needed to calm down. Or else he will lose himself.

"B-Balti?"

Ipinikit niya ang mga mata.

"Sandali lang," pakiusap niya.

"Are you sure okay ka lang?"

He gently nodded. "Kahit isang minuto lang, Niña."

She patted his back. "Okay."

"Thank you."

"It's fine. I'm here."

Those simple words were enough to make him smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro