Kabanata 15
LESSON NUMBER 1:
Bigyan ng madaming rason para magselos si Bartholomew Juarez. Step 1: Find the perfect second lead.
May ginawang division sa whiteboard si Chippy. Nasa maliit na storage room sila sa isa sa mga vacant commercial spaces sa rooftop building ng bahay ni Chi. Hindi na kasi kaya ni Au na umakyat ng hagdan and they needed a secret hiding place. Punong-puno nga lang ng mga stocks ng damit ni Chi para sa online selling nito.
"At present, may eight available Faro Boys tayo." Hanger ng damit ang ginawa nitong stick pangturo sa isang group of Faro Boys. May walong stolen photos ng FB roon. Kung saan 'yan nakuha ni Chi. Ito lang ang nakakaalam."Namely, James, Simon, Thad, Sep, Andrew, Philip, Juan, and Math." Itinuro nito ang pangalawang group. "Tor and Jude, taken. Jameson may nililigawan ngayon. Huwag na natin isali si Iesus mahirap 'yon kausap. Strict ang parents niya. Baka sugurin ako ng tatay niya rito."
Natawa silang dalawa ni Aurea.
Hindi niya alam buong kwento pero gusto niya lang din matawa.
Ang brutal talaga ng 'sang 'to sa pinsan nito. Si Iesus ang pinakamatanda but his age doesn't give justice to his face. Sarap isipin na may tinatagong fountain of youth ang landlord ng Faro de Amore.
Si Chi gumawa ng relationship web sa whiteboard. May mukha pa niya at mukha ni Balti. Pinag-connect ng black line at may puso pa. Naghihintay na lang ng gugulo sa love team since nandoon din ang mukha ni Maha bilang kontrabida.
"So sino napipisil mong maglulubog sa BalNin?" tanong ni Au.
Chi pursed her lips and glanced at the 8 available men on the board. She looked at those photos in a thoughtful manner.
"Ilang araw ko na rin iniisip. Nag-deduct na rin ako sa mga 'yan so may top 3 na ako. Hindi pwede si Thad, pangit 'yon ka bonding ngayon. Laging MIA. Gusto ko sana mag-demand ng ambag kay Andrew kaso mas magulo pa sa kulot niyang buhok 'yon kausap. I talked with Math and he walked out on me!" Umawang ang bibig nito sa inis. Natawa ulit sila ni Au. "Pero binalikan ako. Papayag daw siya kapag may bayad. Ekis ko na nga. Wala tayong budget for monetary. Nag-demand ng 100k ang walangya."
"Businessman talaga," tatawa-tawang komento ni Au. "May Sep, Juan, James, Philip at Simon pa tayo. Top 5 na 'yan. Sino tinanggal mo riyan?"
"Si Sep, infamous rake. Never pa 'yan nagseryoso sa babae. Hindi maniniwala si Ser. Masasayang effort natin. Inalis ko si Simon, puro kain at tulog lang nagagawa ngayon. And, mukhang busy rin. May hinahabol na trabaho yata sa construction." Tumango-tango silang dalawa ni Au. "Top 3 ko sila Juan, James at Philip. Bet ko talaga sana si Jam kaso nga ang vocal ng gage sa nililigawan niyang ilang taon na siyang ni-re-reject. Ang loyal. Tapos ending niyan ibang babae endgame. Kaka-stress!"
"Huwag na si Jam," ni Au, "wala tayong pag-asa roon. Koronahan na natin ang second lead. I vote for my brother."
Tawang-tawa si Chi. "Shit! Si Hayme rin talaga bet ko. Malakas kutob ko magkaka-rematch tayo sa suntukan kapag si Hayme ang inalay natin saka may spark sila Nins."
Namilog ang mga mata niya. "Anong sparks 'yan?" Nahiya siya bigla. 'Yong ngiti ng dalawa may panunukso pa.
"Matagal ko nang napapansin na mainit dugo ni Ser ngayon kay Hayme. Isagad na natin. At sa lahat ng Faro Boys mas madami ka nang exposure sa kanya. Vier is a nice guy but his good boy image doesn't entice me much. Feel ko 'di mag-click ang VierNin. And I don't think kaya nun mangharot."
Au chuckled, "'Di mo sure."
"Alam ko. I know him so ekis na rin muna sa'kin. Mukha lang 'yong mabait but he's a lowkey rake like Iesus. Juan, hindi pwede, I need him to distract the devil incarnate." Marahas na bumuntonghininga si Chi. Hands on hips, back a bit slouched. "Ma-e-stress ako kay Juan. Sinusumpa niya si Maharlika. Gagawan ko pa ng paraan. Anyway," umayos ito ng pagkakatayo at nagpatuloy, "ayon na nga, it's James Dominic Laroa for me," bumungis-ngis ito pagkatapos. "Who's with me?"
Mabilis na iniangat nila Chi at Au ang mga kamay. "Me! Me!" ni Au.
Napakamot siya sa noo. "Wait, gaano kayo kasigurado na papayag 'yon? Mukha pa naman 'yong nangangain ng tao." Truth be told. May default expression lang talaga si James lagi. Alam niyang ngumingiti rin ito pero mas madalas ang hindi.
"Don't worry, akong bahala riyan," ni Chi.
Step 2: Cast the second lead and bargain.
Saktong si James ang bumukas ng pinto ng bahay. Napaatras ito at napakurap. Sa itsura nito ay mukhang alam na nito ang balak ni Chi. Nasa likod silang dalawa ni Au na belib na belib siyang sumasama pa rin sa kanila kahit malaki na ang tiyan.
"What do you need?" James demanded.
"For more inquiries let's talk inside -"
" - Probably not a good idea -"
" - Hoyyy!" Nagawang makatakas ni James at tinakbuhan sila. "Walangya ka Hayme!" Sinundan ito ni Chi. "Bumalik ka rito! Wala pa nga akong sinasabi! Hoy! Ang bilis mo tumakbo, akala ko kahoy ka?! Ostrich ka ba?!"
Humabol din siya kaso 'di kinaya ng binti niya. Hindi na sumunod si Au. Tawa lang 'yon nang tawa nang iwan niya. Buti wala si Balti. Kinausap na naman ni Iesus sa bahay nito.
Saktong dumaan si Math na sakay ng bike. "Oy, marathon? Sali ako!"
Mabilis itong nakaagapay kay Chi. Sinubukan pa rin niyang humabol. Ayaw niyang magmura pero putek si James. Ang bilis tumakbo.
"Mathieu habulin mo 'yong si Hayme!" sigaw na hingal ni Chi. "Ibigay mo sa'kin ang lalaking 'yon ng buhay!"
"Sa magkanong halaga ba?!"
"Gago!"
Humagalpak ng tawa si Math saka pumedal nang mabilis. Nakita niya si Sep na nagpapakain kay Sanpe. Sa pagkakaalam niya ay manok 'yon ni Juan na naging official chicken guard na sa Faro.
Nang madaanan ni Math si Sep ay sumigaw ito. "Sep! Help me catch James."
"Na naman?!" Tawang-tawang itinali ni Sep ang hanggang balikat na buhok. "Okay, I'm on it!" Saka sinundan sila Math, Chi at James.
Hingal na hingal na siya.
Pero hindi niya alam kung bakit sa halip na ma-e-stress ay tawa pa rin siya nang tawa. Sumalampak na siya ng upo sa gilid ng daan. Naiiyak sa sobrang tawa. Gustong-gusto na niyang mahiga.
Step 3: Kung ayaw, we find ways!
At nabalik na nga ulit sila sa storage ni Chi. Nakagapos sa upuan si James. Wala silang lubid kaya pinagtiyagaan na nila ang spare boxes na mayroon roon. Pinasuot nila kay James habang nasa likod si Sep. Ang kaninang tatlong members ay naging lima na.
Additional official members, Sep and Math.
"We just want you to cooperate," basag ni Chi sa nanlilisik na mata ni James. "Wala namang mangyayaring masama sa'yo e."
"Can't I have a normal and peaceful life here? Even my sister is always behind my abduction." Au chuckled. Napailing si James. "What do you need this time?!" he snapped.
Naawa siya kay James na natatawa. Sorry na talaga. Nakakatakot pa lang gawing leader si Chippy. Gang ang mabubuo. 'Yong feeling na kapag tumiwalag ka. 'Di ka na sisikatan ng araw.
"Pagselosin mo si Balti," ni Chi.
James eyes widened in disbelief. Sa tingin nito kay Chippy para itong tinubuan ng tatlong ulo.
"Are you all out of your mind?!" he ground. "Isang pagkakamali na lang at ipapa-salvage na ako ni Bartolome! No! I wouldn't do that."
"Takot ka?"
"No!"
"E bakit ayaw mo?"
"Why should I?"
"Hayme, alam ko na alam mong ini-echos lang tayo ni Bartolome," Chi insisted, mukhang wala rin talaga itong planong magpatalo. "And the only way to ruin his defenses is by triggering his feelings. Hinding-hindi natin mapapaamin 'yon si Ser kahit na isa-isahin nating tanggalin ang mga organs niya. They need a little push."
Kumunot lang ang noo ni James.
"Ilang taon na silang nagtataguan ng feelings. Dios ko, awat na! Walang matataya kung parehong ayaw magpahuli," dagdag pa ni Chi. "I don't believe na walang feelings si Ser. Ikaw na ang nagsabi na factor ang level of fondness ni Balti sa reverse love spell na ginawa mo. Kaya bumabalik ang bisa ng gayuma sa kanya kapag Tuesday at Friday. Oh, 'di may feelings nga."
"Still -"
"I have an idea," salita ni Math. "We could at least observe his reactions for a week. Hindi muna talaga didiga nang husto si James. Let's do that when he's not under any side effects of the reverse love spell. I'll take care of the agenda for James. Ibigay n'yo na sa'kin ang task na 'yan." Excitement flashed on Math's face.
"I would like to witness it myself," segunda pa ni Sep. He was grinning. "I'll help."
"Okay, so ganito, nobody should know about this. Tayong anim lang muna. Kapag nakasigurado na tayong may chance ang BalNin saka tayo mag-recruit ng madaming shippers. Okay ba?"
"Okay!" sabay nila maliban kay James.
"God, na saan na ba kasi ang passport ko?!" asar na reklamo ni James.
"Don't worry, makikita mo 'yon kapag nagkatuluyan na ang BalNin," pasimpleng tugon ni Au. Automatic na masama ang tingin na ibinigay ng kuya nito rito. "And you're welcome."
"Aurea Feliz!"
Tinawanan lang ito ni Au. "Alam ko namang 'di mo kami matitiis." Itinaas ni Au ang kamay. "On behalf of my brother, game rin siya."
"Das kann einen ärgern!"
At nag-German na nga si James.
He's a mix Fil-Chinese but he grew up in Berlin, Germany. May idea na siya sa buhay nito dahil nag-kwento si Au nang kaonti. It sounded like he is cursing them but nobody cared. Wala rin namang nakakaintindi. Pero mamaya, mag-so-sorry talaga siya kay James. Hindi 'to kaya ng konsensiya niya.
Pero mamaya.
Basta mamaya.
"I'M SORRY!" Yumuko siya sa harap ni James sabay abot ng ice cream sandwich dito as a peace offering. "Sorry talaga, nakakahiya but I hope you won't take this against me." She doesn't want to blame anyone dahil nag-participate din naman talaga siya.
Nasa boardwalk sila at papalubog na ang araw. Sabadong-sabado may ginugulo siyang tao. Hindi rin talaga niya ugali mandamay. Mabilis siyang makonsensiya.
James sighed. "It's fine." Pag-angat niya nang bahagya sa ulo niya ay hindi na asar ang bumungad sa kanya. Emotionless pero at least kalmado na. Nililipad ng hangin ang may kahabaan na nitong buhok. "Thanks." Tinanggap nito ang peace offering niya.
Umayos siya ng tayo.
"So matagal ka nang may gusto kay Balti?"
Namilog ang mga mata niya sa biglang tanong ni James. "A-Ano -"
"I'll take that as a yes then."
Siya naman ang bumuntonghininga. "Ang desperada ko ba?"
"I don't think so. People fall in love. It's not something that we can control." Binuksan nito ang ice cream sandwich at kinagatan 'yon. "Since when?"
"H-High school -"
"Tagal na."
"Sobra."
Tinalikuran siya nito para sumandal sa railings paharap sa dagat. Sumunod siya at tumabi rito. May space sa pagitan baka masyado na siyang feeling close masyado. He was taller than her. Halos magkasingtakad lang naman sila ni Balti so hanggang balikat lang din siya nito.
"Did it ever cross your mind to give up?" he glanced at her.
"Noong nag-Thailand ako. Feeling ko 'di na talaga magkikita ulit. Pero biglang pag-uwi ko nagkandaloko-loko na lahat," bahagya siyang natawa. "Last straw ko na 'to. Kung ayaw niya. Susuko na ako." Tinitigan siya nito. Na conscious siya bigla. "B-Bakit?"
"Nothing," ibinalik nito ang tingin sa dagat.
"O-Okay."
Ang tipid talaga magsalita ni James. Pero sabi naman kasi ni Aurea ay ganoon talaga ito. Dumadaldal lang talaga ito kapag kausap ang mama nito saka si Au. Au and James are half-siblings. Anak ng unang asawa ni Nanay Lourdes si James. Sa pangalawa naman si Aurea. A family adopted James dahil na rin sa masakitin daw ito noong baby and due to financial problems. Bullied wife din daw si Nanay Lourdes that time.
Last year lang daw na biglang nag-appear si James. Iba rin daw ang kinalakihang pangalan nito. Pinalitan ang original name nito kaya 'di magkapareho ng last name sila Au at James. Sa tingin niya ay nagkakasundo naman ang magkapatid but she sensed that James still has a lot of unanswered questions about his identity.
Nanatili silang tahimik sa mga sumunod na segundo. Tanging ang hampas ng alon sa batohang bahagi ng boardwalk, huni ng mga ibon at paggalaw ng dahon sa mga puno sa tuwing lalakas ang ihip ng hangin ang bumabasag sa katahimikan.
"Mamaya ka na umuwi," basag nito.
"Huh?"
Ibinaling muli nito ang tingin sa kanya. "I know what I'm doing." Nagulat siya nang may sumilip na ngiti sa mukha nito. Napakurap siya. "Trust me."
NANONOOD ng Kdrama sa malaking TV sa sala si Maha. Sakop nito ang buong sofa. Nakahiga pa habang kumakain ng ramen. Hindi ito sumabay mag-dinner sa kanila dahil kakauwi lang nito. Tawa ito nang tawa sa pinapanood na drama. Tapos biglang sisigaw sa takot. Kilala niya naman ang bidang artista sa drama.
Hotel Del Luna ang pinapanood nito na si IU ang bida. Napanood niya na 'yon last year. It's a horror-comedy-action-romance drama. Nakakagulat talaga mga multo roon pero aliw naman. Nakinood na rin siya since wala naman siyang gagawin sa gabing 'yon.
Biglang may pumasok na notification sa messenger niya. She was scrolling earlier habang nag-multi-task ng tingin. Namilog ang mga mata niya nang mabasa ang message ni James sa viber niya.
Hala, paano nito nalaman ang number niya?
Is Balti near you? - James
Oo, why? - Niña
Don't look at him. Just smile. - James
Huh? Haha. Bakit? - Niña
Let him wonder why. Did you smile already? - James
Ngumiti siya at natawa. Hindi 'yon arte. Natatawa talaga siya sa totoo lang. Balti was sitting not far away from her. Nakapatong sa lap nito ang laptop.
Nagsimula na ba sila? Hindi pa niya sinisilip ang reaksyon ni Balti. Pero sana naman makaramdam.
Did you?? - James
Yup! - Niña
Ok. Now, slowly lift your head to see his reaction. - James
Nakangiti pa ring iniangat niya nang bahagya ang ulo. Kung pwede lang umatras ang kinauupuan niya e baka nagkusa na. 'Yong tingin kasi ni Balti parang guro mo na nahuli kang nakikipag-chismisan sa katabi mo.
Ibinalik niya ang mukha sa cell phone na hawak. May follow up na pala agad si James.
Ano reaksyon niya? - James
Nakatingin. - Niña
Dapat ba siyang kiligin? Ano na? Wait, sumasakit panga niya sa kakapigil ng kilig at ngiti. Nag-type ulit siya.
Sa tingin mo may meaning 'yong pagtingin niya sa'kin? - Niña
Good sign. Nakuha natin atensyon niya. - James
Hope this works! - Niña
Delete our conversations after.
I'll send messages in your number doon ka mag-reply sa'kin.
If he asks kung sino kausap mo.
Tell him, ako. Let him overthink why.
Keep your answers short and simple.
Don't give him details.
Again, let him overthink. - James
Natawa ulit siya.
Mukhang ang goal ay ma-stress si Balti sa kakaisip kung sino ang ka chat niya. Okay, mukhang kaya naman niya 'yon. Sinunod niya si James. She deleted their convo sa Viber. Sunod-sunod naman na dumating ang mga messages nito sa inbox niya.
Kumain ka na? - James
"Sino 'yan?!"
"Putek!" singhap niya. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na cell phone sa gulat. Pagbaling niya ng mukha sa kaliwa ay akala niya tatakasan na siya ng puso niya sa kaba. Halos ilang hibla na lang ang layo ng mga labi nila ni Balti. "B-Balti -" Shuks! Tunog kinapos ng hangin.
Ramdam naman niya sa kanan niya ang mga mata ni Maharlika Juarez.
Napalunok siya.
Umayos ng tayo si Balti. Niyuko siya nito. "Sino kausap mo?" ulit nito.
"Ahm, si James," amin niya.
"James?" It was Maha. "You mean, James Dominic?"
Ibinaling niya ang tingin dito at tumango. "Oo."
"Kailan pa kayo naging close nun?" Nakakunot na naman noo ni Maha. "Kumukausap ba 'yon ng tao?"
"I didn't know you were close?"
"Hindi kami close. He was only asking if okay ka lang ba." Buti nabasa niya 'yon kanina. Takte, salamat naman at gumagana utak niya ngayon.
"Pero bakit iba ang nabasa ko?" giit ni Balti.
"Ano?" segunda pa ni Maha.
"Alin doon?"
"Oo nga, alin doon?" segunda ulit ni Maha.
"He was asking if kumain ka na. Akala ko ba ako ang kinakamusta?"
"Ommooo!" In-pause ni Maha ang pinapanood. "Tapos?" Sabay silang napatingin dito. "Ommoo! Ommoo! Ommoo!" Tuwang-tuwa ito. "Lulubog na ba ang BalNin?"
"Niña -" baling ni Balti sa kanya, ignoring his sister's existence completely.
Tumayo siya. "Akyat muna ako." Mabilis na alibi niya. "Naalala kong mag-video-call pala kami ni Mama ngayon. Bye!" At tinakasan na nga niya si Balti.
Pigil na pigil niya ang matawa talaga. Okay na sana e kaso natapilok pa siya sa hagdan. Buti 'di siya namudmod. Pero napangiwi siya sa sakit ng mga tuhod niya. Kalma lang kasi Niña. Trial pa lang 'yon. Hindi pa confirm na may feelings nga sa'yo si Balti.
Hanggang sa pagpasok niya sa silid ay kumakabog pa rin ang puso niya sa excitement. Gusto niyang pangarapin talaga na magiging positive ang result ng plano nila Chi. Baka nga talaga may pag-asa na siya kay Balti.
Isinandal niya ang likod sa katawan ng pinto. Muli niyang iniangat ang cell phone. May message si Chippy sa kanya.
Walangyaaa 'yang si Ryuu Juan Song! Isinusumpa ko talaga love life niya. Ayaw makipag-cooperate. Tatalon daw siya sa dagat kapag pinilit kong i-distract niya si Maha. Alam mo 'yon? Nanggigil ako. Gusto kong pasabugin ang bahay ni Iesus ngayon!!! 🙄😤😡🤬- Chippy
Tawang-tawa siya.
Tuwa.
Kilig.
Ay ewan!
Hindi siya 'yong tipo na madaming kaibigan pero simula nang tumira siya sa Faro feeling niya ang dami na niyang kakampi. Mas nadagdagan ang confidence niya sa sarili. Feeling niya kaya niyang angkinin na nang tuluyan si Balti.
Tinakbo niya ang kama ni Maha at patalon na humiga roon. Impit siyang tumili sa mga unan na parang teenager na kinikilig. Na lock naman niya ang pinto at na test na rin niyang sound proof ang mga kwarto kaya 'di na siya maririnig ni Balti.
Niña, hinga!
"MAHA, sino mas gwapo sa'min ni James?"
Tinawanan siya ng kapatid. "Threatened ka?" Kating-kati siyang batukan ang kapatid. Pinigilan niya lang. Para namang nakakausap niya nang maayos 'to?
"Sagutin mo na lang. Dami mo pang sinasabi."
"Sabado ngayon bakit mukha kang na gayuma?"
"Ilang tanong ba kailangan para sagutin mo 'yong una?"
Tumawa ulit ito. "Kuya, anti-BalNin ako so para mainis ka lalo. Si James. Na kay James ang boto ko kaya sana huwag ka makatulog nang maay -" Pinitik niya noo nito. " - Yaaaa! Bangungutin ka sana. 'Yong hahabulin ka ng mga mukha nila James at Niña na nag-ho-holding-hands tapos ikaw naagnas na sa pag-iisa."
In-denial niya ang number ng mama nila at tinawagan ito. "Hello Ma -"
"Kuyaaaa!" Dalawang kamay nito ang naglayo sa kamay niyang nakahawak sa cell phone mula sa tenga niya. "Kuyaaaaa, andwaeee! Andwaeeeee!"
"Umayos ka kasi."
"Maayos naman kasi ako! Nakatagilid ba ako, ha?"
"May iuutos ako sa'yo."
"Ano na naman 'yan?"
"Alamin mo kay Au kung anong tipo ni James."
"Kuya, rainbow ka?"
"Hindi! Basta. Gawin mo kung hindi ay may kalalagyang iba 'yang mga merch mo."
"Bakit ako na naman?"
"Magkapatid tayo. Tungkulin mong tulungan ang kuya mo."
"E bakit kay Juan ayaw mo ako tulungan?"
"Pagdating kay Juan, ampon ka lang." Humagalpak siya ng tawa pero kinurot siya nito sa braso. Napamura siya sakit. "Hoooy!" Inalis niya ang nakalingkis na mga kamay nito sa braso niya.
"Shirooo!"
"Tsk!"
"Daya-daya mo! Hino-hostage mo mga Oppa ko!"
"Hahaha!"
"Kuyaaaaaa!"
"Sige, kapag nagawa mo 'yan. Ilalakad kita kay Juan."
Diskumpyadong tingin ang ibinigay nito sa kanya. "Sure 'yan?"
Itinaas niya ang kamay na hawak nito. "Promise." 'Yong isa nakatago sa likod, crossing his index and middle fingers.
"Fine!"
"Bukas dapat may sagot ka na."
Marahas na binitiwan nito ang braso niya. "Ay grabe! Project nga may one week deadline. Sa'yo, 24 hours? May lakad ka? Feeling major ka, alam mo?"
Tawang-tawa ulit siya. "O, sige, Juan o walang Juan?"
"Kainis ka talaga!" Pinadyak-padyak nito ang mga paa. "Bakit ba anghel pa rin tingin ni Mama sa'yo? Sungay mo o kasing taas na ng poste ng kuryente."
"E 'yong sa'yo kasing taas na ng Mount Everest."
"Yaaaaa!"
"Yooooo!"
"Argggh!"
"Ergggh!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro