Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

"WOAH, galing naman!" komento ng isa sa mga estudyante na manghang-mangha kay Balti habang nag-sho-shoot ng bola sa make shift ring ng isa sa mga tindahan sa labas ng school.

Kahit na magkaiba ang schools ng mga audience ni Balti ay nagkasundo na lang bigla sa sobrang pagkamangha. May malapit din naman kasing public school. Ilang lakad lang sa SNL. Ni walang kurap.

Naalala niya noong high school noong minsan maglaro si Balti sa Seniors team nito. He shocked everyone with how good he was. Darkhorse ika nga. Syempre puro kalokohan lang alam. Who would have thought that he was a 3-point-shooter?

"Mamumulubi ako, Ser!" ni Aling CD.

Natawa lang si Balti.

Hawak muli nito ang bola. "Don't worry, 'yong wiggles lang naman ang gusto ko." At walang kahirap-hirap na in-shoot 'yon sa gumagalaw na ring.

Napahiyaw ang mga bata.

"'Yon oh! Galing ni Sir!"

Natawa si Aling CD. "Aba'y huwag ka na maglaro sa susunod. Bilhin mo na lang. Afford na afford mo naman." Bumaling ito sa kanya. "Para ba kay ma'am?" Iba ang ngiti nito sa kanya. Nahiya tuloy siya bigla.

"Para sa'ming dalawa," sagot ni Balti.

"O, siya, ibibigay ko na 'tong pinakamalaki para sa inyo saka 'tong couple octupos stuff toys." Pink and blue ang kulay nun at super cute pa. "Basta ipangako mong huwag ka na ulit maglaro, Ser." Tumawa ito pagkatapos.

Tinanggap ni Balti ang isang malaking wiggles dito. "Hindi ka mamumulubi sa'kin, Aling CD. Sa hirap ng mga laro mo. Naku, gagraduate na lang mga batang 'to. Kahit sisiw 'di pa rin makukuha." Tawang-tawa naman ang matanda.

Siya na kumuha nung stuff toys. "Salamat po."

"Strategy lang 'yan, Ser."

"Sabi ko nga."

"May bibilhin pa kayo?"

"Wala na, doon kami kay Mang Roy. Bibili kaming ice candy."

"Sige, sige."

Umalis na sila at binalikan ang puwesto ni Mang Roy. May upuan lang ito at may dalang styrofoam bucket para sa mga ice candy nito.

"Mang Roy, dalawa ngang vanilla chocolate."

"Sige, Ser, teka lang."

Naaliw siyang pakinggan na SER ang tawag kay Balti ng mga ito. "May common nickname talaga sila sa'yo, ano?"

Natawa ito. "Sir lang 'yan pero iba ang pronunciation."

'Yan din kaya tawag niya rito kapag inis siya. But she wouldn't admit to him. "Ang cute lang. Halatang kilalang-kilala ka na nila."

"Minsan kapag bored ako lumalabas ako at sinusulsulan ang mga estudyante," he chuckled, "not the bad way." Inabot sa kanila ni Mang Roy ang dalawang ice candy. "Salamat po." Ibinigay naman ni Balti ang bayad sa matanda. "Here." Inabot nito sa kanya ang isang ice candy. He continued. "Gaya kanina, tinuturuan ko minsan ang ibang bata paano i-shoot nang maayos ang bola para manalo sila."

"And nanalo rin ba?"

Buti hindi masyadong mainit kaya nakakapag-usap pa sila sa gilid ng eskwelahan. Tanghali pa naman.

"Some," he shrugged his shoulders. Sinimulan na rin niyang kainin ang ice candy niya. Mas nauna pa nga si Balti. "Kaso kapag maliit kailangan ko pang kargahin."

Natawa siya. "That's cheating!"

"Nothing is fair in this world," reason out pa nito.

"Buti pinapayagan ni Aling CD."

"Not always."

"Kulit mo."

"I know." Naningkit ang mga mata nito sa sobrang pagngiti. "Not that I'm promoting misconducts. It's just for fun. Pinagsasabihan ko naman sila pagkatapos. A little fun wouldn't hurt but of course, not all fun things are good."

"Parang 'di 'to gumawa ng mga kalokohan noong bata ah."

Natawa ito. "I'm not gonna deny that, guilty as charged."

"But how do you handle that? I mean, 'di ba, as a teacher, we always have this responsibility that weighs on our shoulders to always set proper examples to kids. Dumaan din naman tayo sa pagkabata so we know how these kids think and act."

"These kids have their own phase and method of understanding. Hindi porke't fast learner 'yong isa e ganoon lahat. Same with their personalities. Which I know, alam mo." She nodded. "I don't pressure them to excel immediately. They're kids. They need to have fun and at the same time learn from that fun. Discussions bores them."

"Sa tingin ko mas mahirap magturo ng nursery at kinder?"

"Yes, madaling ma-distract e."

"So paano 'yong way of teaching mo? Aside sa mga laro-laro at mga fun activities?"

"I teach them manners and good sportsmanship. They live in different home environments and follow different beliefs. Hinuhubog ko muna ang pakikisama nila sa ibang tao. And one way of knowing their strengths and weaknesses is by having a clear understanding of care. Kasi pwede ka namang magturo para sa pera. Pwede kang magturo dahil trip mo lang. Pero ang bigyang pakialam ang buhay nila. I don't think everyone has the time to do so. It's exhausting. If you don't care about these children's future. Para ka lang nagtuturo sa isang pader. Para kang tanga. Alam mo 'yon?"

Natawa siya. "I can imagine."

She also believes in the same thing.

"Everyone thinks our job is easy. Magtuturo ka lang naman. Anong mahirap doon? Actually, walang mahirap kung gugustuhin kong walang matutunan ang mga estudyante ko. Kaso, we want them to learn so we exhaust ourselves to prepare them for their future. Para sa'kin, hindi enough na kaya kong magturo lang. Teaching is a passion. If you don't value these kids and this profession you will never give a brighter future for these kids. We have our fair share of complaints about our work but we still care."

"Agree ako riyan."

Balti smiled. "Teaching is a mix of heaven and hell if you know what I'm thinking."

She chuckled, "Hellap ng buhay tayo pa nasisisi ng mga magulang."

"But it's still fun."

"Lalo na kapag nagpapasalamat ang mga bata. Nagbibigay ng letters and chocolates. Natutuwa nga ako kapag nag-excel sila or kahit 'yon nag-go-grow sila every level. Ang fulfilling sa feeling na makitang unti-unti na rin silang nakakalipad sa sarili nilang pagsisikap."

"I still believe that their home is their first teacher. Tayo lang humuhulma nang maayos para ma-i-balanse 'yon. At mahirap 'yon."

"Nakakatuwa, ano? Dati nagrereklamo pa tayo sa mga teachers at profs natin. Ngayon we're wearing the same shoes."

Natawa ito. "Naiintindihan ko na ngayon kung bakit na-e-stress mga teachers ko sa'kin."

"Ako matagal na."

Natawa ito lalo sa kanya. "Kahit naman yata ngayon na-e-stress ka pa rin sa'kin. May na bago pa?"

"Actually, wala. Kung 'di ko alam na teacher ka. 'Di ko iisipin na teacher ka rin sa sobrang kulit mo."

"May mga bagay naman talaga na 'di nagbabago."

Napatingin sila sa isa't isa. "At least you're a great teacher," nakangiting komento niya. "Everyone loves their Daddy Teacher. Sa itsura ng mga pupils mo mukhang ayaw na nilang move up sa grade 1."

He chuckled, "Assumptions."

"Totoo!" Naglakad na sila papasok ng school. "Ilang beses ka na kayang naging Best Teacher tuwing Teacher's Day. Halos lahat ng mga estudyante ng SNL kahit hindi under mo ay ikaw biniboto sabi nila Harrah." Ngumiti lang ito. "You really don't like attention, ha?" She knew Balti.

"Alam mo na 'yan. I hate to brag things about me."

"But you're more than that -"

" - But I always want it that way, Nin."

"Sabagay. Kanya-kanya rin naman talaga tayo." Namilog ang mga mata niya bigla. "Wait! Anong oras na? 'Di ba may parents ka pang kakausapin?"

"Hmm." Kinuha nito ang cell phone sa bulsa. "They just got here." Nakangiting ibinaling nito ang tingin sa kanya sabay abot ng wiggles sa kanya. "I'll see you later." 'Yon lang at tinakbo na nito ang direksyon ng classroom nito.

Napangiti na lang siya habang tinitignan ito.

"Mine!"

Napasinghap siya sa gulat nang biglang may humablot ng hawak niyang wiggles.

"Maha -" Naglakad na ito papunta sa Faculty. Hinabol niya ito. "Hoy, akin 'yan. Ibalik mo 'yan."

"Gomawo!"

Hay naku! Hindi talaga complete ang drama na walang kontrabida. Nangunguna na si Maharlika Juarez.



"HOW're the translations going?"

Akala niya matatakasan pa niya si Iesus pero pinatawag na talaga siya. He needed an update from him. Unfortunately, hindi pa siya masyado nakakausad dahil nakakatulog siya. Napansin niyang may nagbago sa library nito. May malaking mesa na roon na may lumang mapa ng mundo. Miniatures of ships, flags, and people are laid down in no particular direction. Parang 'di pa inaayos at iniwan lang doon.

"Ngayon ko lang nakita 'to ah," komento niya.

"Isa 'yan sa mga gamit na nasa baba. It might help me."

"Like a puzzle piece?"

"Probably, and stop changing the topic."

Natawa siya. "I'm not." Inabot niya kay Iesus ang itim na notebook. Doon niya sinulat ang mga translations niya. "The black book consists of more than just 12 items, Sus. I'm still guessing which item should I translate first. I've read two items na hindi mahalaga. Binili lang ng lolo mo."

"I didn't notice."

"You didn't count?"

Umiling ito. "I should have known."

"Anyway, I've listed 30 items. Akala ko kasi noong una ay continuation lang ibang mga items na walang picture pero hindi pala. Sa totoo lang may napansin akong pattern sa pag-organize ng listahan. Magkalayo ang pagitan ng cursed item ni Tor sa item ni Jude. I'm still trying to figure out kung tama ang mga assumptions ko. Sa ngayon may dalawa akong missing item na nakita."

Binuklat ni Iesus ang notebook.

"A cursed one?"

"I'm not yet sure. But this one," itinuro niya ang isang pocket watch with a unique design engraved on its body. A moon, a sun, and mechanic parts. "This is the most powerful so far."

"What do you mean?"

"It can create a time loop."

"You mean, it can travel time?"

"Yes, but only one person can control the loop."

"Sino?"

"A certain man named Lebbaeus."

Iesus cocked his head in a thoughtful manner. "Lebbaeus," he mumbled. "I'm not familiar with that name. Is he part of the crew who boarded the ship?"

"No. There was no Lebbaeus."

"I see."

"And what's the other one?"

"A sundial."

Itinuro niya ang litrato ng sundial. Pre-Hispanic writing was engraved on the edges of its body. Hindi nga lang niya maintindihan dahil hindi naman 'yon binanggit sa itim na libro.

"I'm assuming hindi mo rin alam kung cursed item 'to o hindi?"

He nodded. "Yes."

"What can it do?"

"A mere mention of the balance of nature and humanity. Something about the relationship between sun and moon. I couldn't understand. I haven't explored the different pre-Hispanic writing systems in the Pacific. It doesn't look like a Mayan Scriptures so baka nga isa sa mga native writings. It didn't explain what it can do pero sa tingin ko may ritual na kasama ang bagay na 'to. Probably natives or tribes who understand signs and codes."

"So far apat na items pa lang ang nakukuha mo?"

"Yes."

Kasama na 'yong dalawang na una.

"At least we have four now. We still have to unravel 9."

"Tama."

"Anyway, kumusta naman kayo ni Niña?"

Pinaningkitan niya ng mga mata si Iesus. "Kailan ka pa nahilig sa chismis, my lord?"

Natawa ito. "Simula nang magsipag-asawa ang dalawa."

"Hindi pa kasal si Jude. Hindi pa bumabalik si Mari."

"They will eventually."

"How sure are you?"

"I just know. And don't change the topic, Bartholomew."

"May balak palitan si Aurea?"

Tawang-tawa silang dalawa ni Iesus.

"Boang!"

"Bakit ba mahirap lumusot sa'yo?"

"Speaking of Aurea. Pinuntahan ako ni James kanina."

"Nagreklamo na naman?"

"Just go easy with him. He's trying his best to help you. 'Yon nga lang ay mga konting pagkakamali but at least you're still alive... and well, in love," Iesus chuckled after.

"'Yong totoo, lahat ba kayo rito iniisip na ako ang susunod kina Tor at Jude?"

"I'm not saying anything but I'm not closing my doors yet."

"What the -"

Biglang bumukas ang pinto ng library at sabay silang napalingon doon. "Gomen ne," it was Simon. Namumula pa ang ilong at mas lalong naningkit ang mga mata. Panay ang pisil nito sa ilong. "Where's Vier?"

'Yon ang literal na Iesus is not closing his doors.

"Umalis," sagot ni Sus. "What happened to you?"

Bumahing si Simon. "Sorry!" Pansin niyang iba ang boses nito. Probably because of his congested nose. May makapal pa itong balabal sa katawan. "May sipon ako ngayon. Naubos ko na 'yong stocks ng gamot sa bahay ni Thad. Tinatamad ako mag-drive."

He was wearing socks under his panda single bond slippers.

"Ako na kukuha," presinta ni Iesus.

"Ako na my lord, kakahiya naman -"

"It's fine. I have it in my room. Hintayin n'yo na lang ako rito."

Lumabas ng library si Iesus. Simon yawned. He looked awfully sick.

"Tulog ka lang ba buong araw?"

Simon nodded. "Gutom na nga rin ako. Naubos ko na 'yong iniwang lugaw ni Jude sa'kin kanina. Out of town work si Thad." Bumahing na naman ito. "Bukas pa 'yon uuwi."

"Saan ba si Jude?"

"Mamaya pa 'yon uuwi. Nakipagkita sa papa niya. Hindi sana siya aalis but I told him to go. Okay lang naman ako. Minsan lang magkita ang mag-ama. Ayoko namang sirain ang pagkakataon na 'yon dahil lang may sakit ako."

Simon being Simon. Isa pa 'to e! "Sa kabaitan mo mamamatay kang walang nakakaalam." Tumawa lang ito. "Kumain ka na?"

Ngumisi ito. "May pagkain ka sa inyo?"

"Sa bahay ka na kumain."

Panay singhot at luha na ang mga mata nito. "Hulog ka ng langit." Tawang-tawa siya. Sinugod siya nito ng yakap. "Malaki ang utang na loob ng small and big intestines ko sa'yo."

"Lumayo ka nga! Mahawa pa ako."

"Sharing is loving."

"Pero walang hawaan ng sakit."

"Hahaha!"



PAGKARATING ni Niña sa boardwalk nakita niya sila Aurea at Chippy na masayang nag-uusap sa isa sa mga parasol table roon. Malakas ang hangin ngayon kaya ramdam niyang nililipad ang naka loose ponytail niyang buhok. Inayos niya muna ang salamin sa mga mata.

Bibili sana siyang sanitary napkin kasi naubusan na siya.

Saktong bumaling si Chippy sa direksyon niya. "Oh!" Gulat ito nang makita siya. "Ninsss!" sigaw nito sabay kaway. "Halika! Samahan mo kami." Napalingon na din si Aurea.

Napakamot siya sa ulo.

Kakahiyang humindi. Lumapit na rin siya. Mamaya pa naman magsasara ang convenience store. Saka na siya bibili.

"Anong bibilhin mo?" tanong agad ni Chi. "Upo ka." She pulled a chair on her left. "Buti lumabas ka. Hindi ka man lang ba na buryo sa bahay ni Bartolome?" Natawa sila Chi at Au pagkatapos.

Naupo na siya. "Bibili akong napkin. Naubusan ako e."

"Naku! 'Tong si Aurea, siyam na buwan nang 'di gumagamit niyan."

"Gage ka!" ni Au.

"Bakit 'di totoo? Aminin, kaka-miss din."

"Malapit na."

"Speaking of malapit. Kailan ba talaga? Manghuhula ka naman. Hulaan mo na kaya."

"Alam mo, bwesit ka talaga, Chi. Kapag ikaw talaga na buntis. Araw-araw kitang aasarin."

"Well, hindi pa naman."

"Hindi pa."

"So kailan nga kasi?"

"Next week, early next week siguro."

"Sure na 'yan?"

Tawang-tawa si Au. "Oo, na! Walangya ka."

"Alam mo, Nin, 'yang si Au. Magaling 'yang manghula. As in legit 'yan kahit mukhang 'di makapagtitiwalaan."

"Huwag ka maniwala riyan."

"Nasabi nga ni Balti."

"Na scammer ako?!"

Natawa siya. "Oo -"

" - kita mo ang 'sang 'yon! Naninira na naman."

"May bago ba?"

"Ayon lang, wala nga." Natawa ulit ang dalawa. "Mapanira talaga ang 'sang 'yon. Huwag ka makinig doon."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa ugali ng asawa ni Tor. Sobrang complete opposite talaga ng dalawa. At sa nakikita niya ay sobrang mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa. She can see it in their eyes. Nakaka sana all talaga.

"Bakit?" may pagtatakang tanong ni Au.

Kumarap siya. "Sorry." Napansin nitong nakatitig na siya rito. "Nakaka-amaze lang talaga na nag-asawa na si Tor."

Tawang-tawa si Chi. "Girl, dalasan mo sa rooftop ko at ikukwento ko sa'yo ang buong detalye ng love story nila Attorney at Auring. Kahit 'yong mga -"

"Hoy Priscilla!" saway ni Au.

Natawa siya. "Tulad nang?"

"Kapag naging asawa mo na si Ser I will elaborate. Pero dahil papunta ka pa lang. Filtered ko muna."

"Tama, naging school mate mo si Tor, 'di ba?"

She nodded. "Senior ko sila."

"Ay talaga?" ni Chi. "Kwento mo."

"Hindi kami madalas nag-uusap ni Tor pero naging magkaibigan naman kami dahil nga kay Balti. Sobrang tahimik kasi niya noon. 'Yong tahimik na nakakatakot ba."

"The feels!" sabay pa nila Au at Chi.

Natawa siya. "Ganoon siya. 'Yong tipong luluhod ang mga puno at building kapag dumadaan siya."

"Wala siyang naging girlfriend?" ni Au.

"Madami nagkaka-crush sa kanya pero wala siyang naging-girlfriend talaga. Si Tor kasi 'yong kung sa anime ba Tsundere."

"Tsundere?" sabay ng dalawa.

Napakamot siya sa noo. "Personality development ng isang anime character. For example, si Tor. He appears to be cold outside but he's really soft and friendlier inside. Mag-wa-warm lang siya sa isang character na comfortable siyang i-show 'yong side na 'yon. Gets?"

Tumango-tango ang dalawa.

"So mahilig ka sa anime?" ni Chi.

Ngumiti siya. "Oo."

"Teka, 'di ba si Balti rin?" ni Au kay Chi. "May mga anime character collections siya sa kwarto niya e."

Namilog ang mga mata niya. "Hanggang ngayon?"

Au nodded. "Feel ko kasi may key chain siya sa bag e, Doraemon."

Natawa siya. Nakita na niya 'yon. "Nakita ko rin."

"Ay, baka nga! Naalala ko may binigay si Math na action figure ng isang naka orange na ninja. 'Di ako pamilyar sa name nun. Basta mukha siyang ninja na may whiskers sa pisngi."

"Naruto?" she tried to guess.

"Yata? 'Di ko sure basta ninja."

"Teka nga, bakit alam mo na may binigay si Math na ganoon kay Ser?" tukso pa ni Au.

"Gage! Galing siyang Japan no'n. Nagkataon na nag-uusap kami ni Balti. Nilalagyan mo na naman ng malisya."

"Si Math?" aniya. "'Yong chef?"

"Naku, Nin, ito tandaan mo. Itataga ko sa bungo ni Balti. MatChi lang end game."

"Kung 'di ka buntis, Aurea, tinulak na kita sa dagat."

Natawa sila ni Au.

"Hindi ka sure," tukso pa nito.

"Ano ba, 'di naman ako topic dito. Si Niña."

"Ako?" Napaturo siya sa sarili. "Bakit ako? Si Au at Tor pinag-uusapan natin kanina."

"Char lang 'yon," ni Au, "Anyway, kumusta naman kayo ni Ser?"

"O-Okay lang nam -"

"Nin, payo lang, ha? Bilang love guro na walang love life sa Faro de Amore," ni Chi. "Kung ako sa'yo. Take this chance para makuha mo ang bahay at eskwelahan ni Bartholomew Juarez."

"Teka bakit familiar?" ni Au.

"H-Huh?"

"Nin, be honest, may gusto ka ba kay Balti?"

Napalunok siya sa sobrang straightforward ni Chi. In-scam lang siya ng dalawa sa kwentuhan para ma-corner siya. Wrong move.

"Ahm -"

"Hoy, Chi, tinatakot mo naman 'yan si Niña."

"Hindi, feeling ko e meron. May spark akong nakikita sa dalawa."

"Dahil lang siguro sa gayuma?" sabi pa niya.

"Na gayuma ka rin ba?"

"Eh? H-Hindi nam -"

"See?" Ibinaling nito ang tingin kay Au. "Hindi siya na gayuma. Meaning may HD siya kay Ser. Hidden Damdamin para kay Balti."

Tawang-tawa si Au. Siya kinakabahan. Takte 'yan!

"Gage, kung anu-ano na naman naiimbento mong salita. Pero, 'di nga, Nin, meron talaga? Okay lang naman umamin sa amin e. Wala naman kaming pagsasabihang iba."

Bakit feeling niya scam 'yon?

Titig na titig 'yong dalawa sa kanya. Para siyang ini-interrogate ng mga taga NBI. Tinalo pa niyang nagnakaw ng funds ng bayan. Kaloka 'tong dalawang 'to.

"Sige, huwag ka muna umamin," bawi ni Chi. "Au hulaan mo na lang -"

"Ayaaaw -" Pinagsalikop niya ang mga kamay.

Ang ngiti ni Chi, ngiting pandedemonyo na naman. "May kinatatakutan. Bakit ayaw?"

"Sayang, Martes pa naman ngayon," sulsol pa ni Au.

Naglapat ang mga labi niya. "Nagpahula na ako noon."

"Ay talaga?" Namilog mga mata ni Au. "Kanino?"

She nodded. "Pero online lang."

"Online?" ulit ni Chi. "Wait, 'di ba may online hula ka?" baling nito kay Au.

"Oo, pero naka deactivate ako e."

"Wait!" Tinitigan niya si Au. "Ikaw ba 'yong may-ari ng online hula na may kamay na nakahawak sa bolang crystal?"

Namilog ang mga mata ni Au. "Oo! Akin nga 'yon. Ako 'yon e. Kamay ko 'yon. Pero 'di legit 'yong bolang kristal. Mema lang 'yon. Memaprops lang." Tawang-tawa ito pagkatapos. "Ahh! So kaya pala sobrang pamilyar mo. Nasilip ko na pala buhay mo."

Namangha siya. "Nasisilip mo talaga?"

"Hindi naman lahat. No worries, 'di naman ako nag-share ng private info sa ibang clients ko as long as may review, oks na."

"Nag-try ako mag-contact sa'yo ulit kaso nag-deactivate ka na nga."

"Ay talaga?"

"Oo, sa totoo lang, binalewala ko lang kasi 'yong mga hinula mo. Nag-try lang kasi ako kasi nahulaan mo agad 'yong first two questions. Nagkatotoo talaga siya. 'Yong mag-ingat ako sa mga taong magbibigay sa'kin ng bagay. Hayon na nga, ito naging bunga."

"Naku, maniwala ka kay Santa Aurea -"

"Bwesit ka talaga Priscilla!"

" - hindi ka lugi sa mga hula niya," dugtong pa ni Chi.

"Kaya nga e."

"Pero nandiyan na 'yan e," pagpapatuloy pa ni Chi. "Sure ka wala kang gusto kay Ser?"

Muling naglapat ang mga labi niya. "Actually," titig na titig ulit ang dalawa sa kanya. Humugot siya nang malalim na hininga at marahas na bumuntonghininga. "Crush ko siya simula pa noong high school."

Sumakit yata leeg ni Chi sa narinig. Bahagyang nabali at nahilot e. "Kaloka! Long lasting love 'tong sa'yo. Pinaglumaan na ng panahon. Sa sobrang tagal pwede nang i-display sa museum."

Natawa siya. "Grabe naman!"

Ngiting-ngiti naman si Au. Parang alam na talaga nito kahit 'di pa niya sabihin. Sabagay, manghuhula.

"So 'ayon nga, kaya nahihirapan ako talaga sa sitwasyon namin."

"Ano bang feelings ni Balti sa'yo?" ni Chi.

"Kaibigan at kapatid lang."

Ouch talaga!

Umayos ng upo si Chi. "Hmm! 'Di ako naniniwala. Subukan natin."

Nanlaki mga mata nil ani Au. "Paano?" sabay pa nila.

"Plan A, selos. Kasi okay naman na 'yong si Ser ngayon. Kailangan lang nating pagselosin si Ser. May mga i-re-recommend akong mga Faro Boys na pwede nating i-hire."

"Sino?" ni Au.

"Mag-iisip pa ako kung sino may spark kay Niña. Dapat 'yong may chemistry na puwedeng lumaban sa BalNin."

Napalunok siya. "Bakit parang kinakabahan ako?"

Chi has a satisfying smile on her face. "Nin, 2020 na! 'Di na uso slow-burn love. Kapag may spark sunugin na agad." 'Yon ang mukha na may planong hanggang A to Z. "'Yan dapat ang goal."

"S-Sure?"

"Itataya ko noo ni Tor, effective 'yan," sulsol pa ni Au.

"Pati kayamanan ni Iesus," dagdag pa ni Chi.

Sa mukha ng dalawa mukhang wala nang makakapigil. At kung meron man, malamang si Maha lang.

"Anong gagawin n'yo kay Maha?"

"Huwag kang mag-alala," pinagkiskis ni Chi ang mga palad, "alam ko kahinaan nun."

"Game?" Inilahad ni Au ang likod ng kamay nito.

"Game!" Ipinatong ni Chi ang kamay nito sa kamay niya. "Mag-game ka na rin para masaya." Ito mismo ang nagpatong sa kamay niya sa kamay nito. "Ayon!"

"Yieee!"

"Pero manganak ka muna, Aurea."

Tawang-tawa ito. "Okay po."

Natawa lang din siya sa huli. Oh, well, mukhang masaya naman yata 'tong plano nila Chi at Au. Bahala na nga.

Fighting, Niña!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro