Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

"SUMUNOD mga bata! Huwag n'yo bitiwan ang partner n'yo."

Nadapa si Balti nang kumalas ang puntas ng sapatos niya. Nabitiwan tuloy siya ng partner niyang si Carmel. Napangiwi siya sa sobrang sakit ng mga tuhod niya.

"Sorry," aniya at dali-daling tinali ang shoelaces niya kahit na namumula ang mga tuhod.

"Balti, naiiwan na tayo."

"Mauna ka na. Susunod ako."

"Pero -"

Tipid siyang ngumiti rito. "Hindi na mapapansin ni Teacher Anne. Nasa likod naman tayo e. Susunod ako, promise."

"Susunod ka, ha?"

He nodded. "Oo."

Iniwan na siya nito at binilisan na lamang niya ang pagtali ng sapatos niya. Naigala niya ang tingin sa pasilyo. Walang tao. Rinig na rinig niya ang malakas na hampas ng mga dahon ng puno mula sa labas dahil kalahati ng mga malalaking bintana mula sa museum ay bukas. Madaming mga paintings ang naka-display sa mga pader at mga bust statue pa.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad.

Kakaiba ang hampas ng hangin sa labas. Tila ba may gustong sabihin sa kanya. Nagulat siya at napaatras nang biglang bumukas ang isang pinto sa kaliwa niya. Muli siyang napatingin sa paligid niya. Walang tao. Wala ang mga kaklase niya. Wala si Tor.

Natakot siya bigla.

Ramdam niya ang panginginig ng mga binti niya. Pero hindi siya pwedeng bumalik. Kailangan niyang lagpasan ang bukas na pintong 'yon.

Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Papalapit sa kanya. Mula sa kanyang likod. Ramdam niya ang presensiya nito sa likod niya.

"Bata -"

Napabalikwas siya ng bangon.

Habol ang hininga at nanunuyo ang lalamunan. Marahas na inabot niya ang salamin sa mata sa mesita at isinuot 'yon. He dried the sweats on his forehead with the back of his hand. Pinagpawisan pa rin sa kabila ng malamig na aircon niya sa kwarto.

Marahas siyang bumuntonghininga.

Matagal na niyang hindi napapaganipan ang eksenang 'yon na 'di niya alam kung nangyari ba talaga o hindi. Pero tanda niyang 'yon ang unang museum tour niya noong 8 years old siya. Matalas ang memorya niya simula pagkabata. Iba siya mag-isap sa mga ka edad niya. Madami siyang iniisip na hindi naiintindihan ng mga kalaro niya.

Si Tor lang talaga ang tanggap ang pagka-weirdo niya.

Muli siyang napabuntonghininga.

Ayaw na niyang isipin pa masyado. Kahit na pilitin niya ang sarili. He will never remember his memories in that museum.

Biglang tumunog ang alarm clock niya sa mesita. Ibinaling niya ang tingin doon para abutin at patayin 'yon. Madilim pa sa labas. It was still 5 in the morning. Classes start at 8 am. They should be in school by 6:30 am para makapaghanda. Pero madalas naman ay 7 am na siya nakakarating sa SNL.

Bumangon na siya para maligo.



FIVE am talaga nagigising si Niña.

Alarm na niya 'yan lagi since naghahanda pa siya ng breakfast at para sa lunch na rin niya. Inihahanda na niya ang gamot at pagkain ng mama niya bago siya umalis. Pero paggising niya kanina naalala niyang wala pala ang mama niya sa bahay ni Balti.

Paggising-gising pa siya kagabi. Ang lakas ng aircon. Feeling niya naging taong yelo siya. Gustong-gusto niyang matulog sa sala talaga. Mga bandang alas kwatro lumabas na talaga siya. Hindi na siya nakatiis sa lamig. Nakatulog naman siya at nagising ng 5 am.

Nakaligo na siya at nag-aayos na siya ng gamit niya.

Gising na rin si Ate Grace na naghahanda ng breakfast nila sa kusina. Naka-wrap pa sa ulo niya ang tuwalya. Saka na niya i-bo-blower pagkatapos nilang kumain.

Hinugasan na niya ang baonan niya para malagyan niya ng pagkain. Kakahiya kumuha wala pa siyang ambag sa grocery ni Balti. Papalitan na lang niya sa sahod.

"Good morning!" nakangiting bati ni Balti. "Ate Grace, 'yong kay Maha na lang ang lagyan mo ng pagkain. Ako na riyan."

"Sige po, Sir. Patapos na rin naman ako."

"Morning, Ninin."

"Morning," bati na rin niya.

Bakit may pa-separate bati? May special greeting ganoon? Aga-aga, Bartholomew, pinag-iisip mo ako.

"Gising na si Maha?" he asked.

"Kakagising lang yata."

"She usually wakes up at 6 am when she's here. Pero kapag nasa bahay ay 7:00 na dahil malapit lang naman bahay namin sa SNL."

Kumuha naman ng baso at tubig si Balti sa ref. Nakasandong puti lang ito at naka slacks. Hindi pa nito suot ang uniform nito. She had actually seen him without a shirt before. Pero high school at college pa lang siya noon. At ngayong may pa comeback ng silip ay hindi niya maiwasang mapatingin dito.

Takte, Niña. Aga-aga, kung anu-ano inaalmusal mo ng tingin.

Well, she couldn't deny the fact that Balti had grown so well. Wait, anong grown so well? Parang sinabi mo lang Niña na lumaki siyang mabuti at may respeto sa kapwa. Ang laking joke ng sinabi niya. Toned muscles, broad shoulders, chest na mukhang matigas, well, matigas nga noong niyakap siya kagabi. Tumagkad pa talaga lalo si Balti. And those hands and forearms. Mapapa-sana-all lapis o ballpen ka na lang talaga.

Nabasa niya ang mga labi.

Sakto namang bumaling ng tingin si Balti sa kanya. Dumulas 'yong siko niya mula sa counter sa gulat. Putik 'yan!

Alanganin siyang ngumiti. "Masarap ang tubig?"

Niña Rosella Marzon! Kukutusan talaga kita! Anong klaseng tanong 'yan? Napalunok na siya. Tumawa lang si Balti.

"Gusto mo?" alok nito. "Ipagsasalin kita."

Buti na lang umalis na si Ate Grace kanina pa. Hindi na nito makikita ang kaharutan niya. Masusumbong pa siya.

"Sige, nauuhaw na rin ako." Nahagod niya ang lalamunan.

Kahit ibuhos pa niya 'yan uli sa kanya.

"I'll get a new glass."

"Kahit huw -"

"Hmm?"

"Kahit anong lalagyan," lusot pa niya.

Hindi lang kutos gagawin niya sa sarili. Sampal. Sampung sampal.

Kumuha ng bagong baso si Balti at sinalinan 'yon ng tubig mula sa pitsel. "Here." Inilapag nito ang baso sa harap niya nang tumabi ito sa kanya. "So how was your first night?" Sinimulan nitong lagyan ng pagkain ang baunan nito. "Did you sleep well?"

"Nilamig ako. Lumabas ako ng kwarto at natulog sa sala."

"I'll ask Maha to adjust the temperature. Makikinig 'yon sa'kin."

"I doubt," she chuckled.

"Believe me, she will." Isang malokong ngiti ang sumilip sa mukha nito. "Alam ko paano 'yon paikutin sa mga palad."

"Parang may idea na ako."

"I know it's a selfish thing to ask na intindihin mo ang kapatid ko pero kapag 'di mo na kaya. Nandito lang naman ako. Kung hindi mo siya kayang awayin. Ako na magpapako nun sa krus." Tumawa ito pagkatapos sabay subo ng maliit na hotdog sa bibig.

"Tapos aawayin na naman ako kasi mas kinakampihan mo ako."

"Kung magpapakabait siya kakampihan ko siya. Anyway, kumain ka na?"

"Hindi pa. Inihanda ko lang 'tong baunan ko muna. Kakahiya kumain na wala kayo. Nga pala, 'tong mga pagkain, papalitan ko na lang kapag nakapag-grocery ako kaso sa sahod na nga lang. 'Yong budget ko medyo short na rin e."

"No worries. Si Maha naman pumupuno ng ref ko."

"Kinabahan ako bigla."

Natawa ulit ito. "Joke lang. Kapag naka tupperware kay Maha. The rest akin na. Don't worry, malalaman mo naman kapag kay Maha. May mga mukha ng mga Kpop idols at Korean brands."

"Sabi ko nga."

Nagtaka naman siya nang mapansing nakatingin pa rin si Balti sa kanya. Bigla tuloy siyang na conscious bigla.

"May dumi ba ako sa mukha?" Hinawakan niya ang pisngi at gilid ng labi. "Nakatingin ka kasi?"

"I don't know. I just like looking at your face."

"Huh?"

"Huh?"

Pareho silang napakurap sa isa't isa.

"May sinabi ka?" basag niya. "Sabi mo -"

Tumawa ito. "Wala ah."

"Hindi, sabi mo -"

"You have a pretty face, that's all. Parang 'di ka tumatanda."

"Sure ka?" Napahawak siya sa mukha niya ulit. "Stress na stress na nga ako e." Itinawa na lang niya. Baka mali pagkakaintindi niya talaga. "Umaga pa naman, fresh pa. Mamayang uwian mukha na akong sinampal ng katotohanan."

"I better change," pag-iiba nito bigla.

"S-Sige."

"I'll see you in a bit."

At bigla na lang tumakbo si Balti na parang bata. Natawa siya. Anong nangyari roon? Napa-iling-iling na lamang siya.

Saan ba 'yong baso nito kanina? Gawin niyang souvenir.



BALTI immediately called James.

He was anxiously pacing in his room.

Something is wrong with him again. Puro Niña na naman ang nasa utak niya. Wala siyang magagawang trabaho kung puro Niña ang nasa isip niya at puro Niña ang gusto niyang makita.

"Hayme!"

"Ano na naman ba?" James yawned at the other line. As usual, in his monotone voice. "Kakatulog ko lang. What is it Balti?"

"You have to explain this to me. Bumabalik siya."

"Anong bumabalik?"

"'Yong ano -"

"For god's sake, anong ano?!"

"Yong epekto nung unang gayuma."

"Wait!" Narinig niya ang marahas na pagbangon nito sa kama. "Explain mo nga. Ano bang nararamdaman mo ngayon?"

"Ang puso ko. Malakas na naman tibok ng puso ko."

"Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka nagpa-palpitate ka lang?"

"I know the difference between palpitations and person in love."

"Explain further."

"'Yong difference ng dalawa?"

"Of course not! I mean, ano pang bumalik na feelings sa'yo ngayon?"

"'Yong feelings ko nga kay Niña."

"Nawala ba 'yan?"

"Hindi naman."

"Ang labo mong kausap. Umamin ka na nga sa'kin. When you were still normal. Do you already have feelings for her?"

"I care for her..."

"You care because?"

"She's like a sister to me."

"I don't think so. I know the limitations of my potions. Your fondness for her is more than that. Otherwise, it will not result in this."

"And what result it is this time?"

"Aalamin ko pa."

His right hand curled in frustration. "Alam mo kung ginawa mong business 'yang paggawa ng mga potions, Hayme. Matagal ka nang bankcrupt."

"Good thing, I did not."

"And what do you expect me to do?"

"Today is Tuesday."

"And?"

"Araw 'yan na malakas ang bisa ng mga kulam at gayuma. Kaya siguro malakas ang feelings mo ngayon kay Niña."

"Anong mangyayari sa'kin?"

"Wala naman masyado, siguro?"

"Hindi mo sure?!"

"Observe mo muna natin. Sa tingin ko ay controllable naman siya ngayon."

"Sisingilin na talaga kita sa paggawa mo sa akin na human tester. Nanggigil ako sa'yo."

Muli itong humikab sa kabilang linya. "Bakit ka ba natatakot? Sa tingin ko naman e mutual naman yata 'yang sa inyo."

"Those are just your assumptions."

"Which is a pretty good start in doing experiments and conducting research. You are required to make your own hypothesis."

"Bakit ba ako nagtiwala sa'yo?"

"I should ask you the same question. Why?"

"Keep your lines open! Hindi kita patatahimikin ngayong araw."

"God!" James groaned. "I hate this job."




"ONE little two, little three, little Niña -" Natigilan siya sa na bigkas. Titig na titig ang mga bata sa kanya. Nagbibilang ang mga ito sa ere pero hindi na natuloy ang kanta dahil naiba na ang lyrics. Ilang beses na nilang kinanta 'yon at hindi naman napalitan ang lyrics. Ngayon lang dahil wala na naman siya sa tamang pag-iisip. "Ninja," bawi niya.

Tumawa ang mga bata at nagpatuloy sa pagkanta. "Seven little eight, little nine, little ninja. Ten little ninja boysssss!"

"Very good, kids! Clap ten times as reward."

"Yeeeey!"

Anak ng pisara! Pinagpawisan siyang mailusot 'yon. Gusto niyang ibagok ang ulo sa drawer. Although James is right. Unlike the first love spell effect, mas controllable nga lang 'to. Pero matinding will power naman.

Fudge!

Nakakarma na yata siya sa pambubugaw niya sa mga kaibigan niya. Ngayon, sarili na niya tumatraydor sa kanya.

Lunch break.

Hindi siya makalapit kay Niña. Lumabas ito kasama nila Jane, Ronnie at Harrah. Sa labas kakain ang apat. Hindi siya sumama dahil may i-me-meet siyang parents ng 12:30. Maha didn't leave, sa table lang nito sa faculty kumain. Tawa nang tawa habang may kung anong pinapanood sa cell phone nito. Probably one of her long lists of Kdramas.

Wala na gaanong tao sa faculty.

Inilapit niya ang swivel chair sa tabi ng kapatid. "Maharlika," bulong niya sa tenga nito pagkatapos tanggalin ang isang ear bud sa kanang tenga nito.

Napasinghap ito. "Yaaa!"

"Kausapin mo nga ako. Mababaliw na ako."

"Waeyo? Ano na namang nangyayari sa'yo?"

"Naghahanap nga ako ng kausap."

"Bakit 'di mo kausapin 'yong irog mo?"

"Umalis."

"So ako mag-a-adjust?"

"Ito naman parang 'di mo ako kuya. Sunugin ko 'yong standee ni -"

"Andwae!"

Of course, he understands his sister. Multilingual siya. Madami siyang alam na language but he doesn't brag about it. He just didn't like the special attention he gets.

"So ano nga? Ano bang problema mo?"

"Si Niña," mahina niyang sagot.

"Malamang, so?"

"Stop using unnecessary conjunctions."

"E pake mo ba?"

Pwede ba niyang kausapin ang kapatid niya nang matino? As if you have a choice, Balti? Hindi napipili ang pamilya lalo na ang kapatid. Minalas lang talaga siya sa kapatid niya.

"Hindi niya ako kinakausap."

"Tapos?"

"Hindi ko gusto 'yon. Feeling ko galit siya sa'kin. Feeling ko may nagawa akong mali. Alam mo 'yon?"

"Kuya, parang tanga. Ano na naman bang nangyayari sa'yo, ha?"

"Isa sa mga effects ng reverse spell ni James. Malakas ang feelings ko kay Niña kapag Tuesday at Friday. Basta, sa araw na mga 'yan, malakas ang mga ganyan."

"Ahh," tumango-tango ito, "Good luck!"

"Maha, anong gagawin ko?" Hinawakan niya ito sa braso.

"Ano bang maitutulong ko e anti-BalNin nga ako? Tawagan mo 'yong si Kath. Leader 'yon ng BalNin."

"Magkapatid tayo dapat nagtutulungan tayo sa mga ganitong sitwasyon."

"Pahinge muna discount sa renta next month - " Pinitik niya ang noo nito. "Aray! Grabe naman. Ang laki ng increase mo sa'kin this month. Mas mahal ka pa kay SM. Hiyang-hiya sa'yo mga Sy."

Natawa siya rito. "Malaki ginasto ko sa bahay ko."

"Kung ayaw mo ibaba 'di hindi kita tutulungan."

"Akala ko ba Anti ka?"

"Mas mahalaga 'yong budget ko. May paparating akong merch next month. Down payment pa lang ang naibabayad ko. I-fu-full ko pa kapag dumating na."

"Kasya pa ba 'yan sa bahay ko?"

Ngumisi ito. "Geokjeongma, albums lang naman 'to e. Ibebenta ko rin 'yong iba so hindi rin naman mapupuno. Syempre, hindi naman puro bili lang. Dapat benta-benta rin para may pang-funds."

"Bahala ka na nga!"

"Payag ka na?"

"Fine, pero isang buwan lang."

"Daya nito!" Her lips twitched. "Araso! Araso!"

"Now, paano mo naman ako tutulungan?"

Ngumiti ito nang matamis. No, ngiting may gagawing kalokohan. "I know what to do." Kinuha nito ang cell phone. "Hindi ka naman nagmamadali, ano?"

"May parents na dadating mga 12:30." He glanced at his wristwatch. "I still have 20 minutes tho, nag-text kanina na baka makarating sila ng 12:40."

"Sent!"

Ibinaling niya ulit ang tingin sa kapatid. "What did you do?"

Pinasilip nito ang message.

Masakit tiyan ni Kuya. Saan ka ba? Bakit umaalis ka na hindi kasama kuya ko? - Maha

"Hoy! Hindi nam - aww!" Gusto niyang magmura nang sikmuraan siya ni Maha. Naikuyom niya ang mga kamay. "Anak ka ng dem -"

"You're welcome! Anyway, gagawa ako ng agreement dito sa notebook ko. Pirmahan mo. Ilang beses mo na akong na-i-scam. Ngayon 'di mo na ako maloloko."

Hindi siya makasigaw. Namimilipit siya sakit. Ang bigat talaga ng kamay ng 'sang 'to. Tinulak nga niya.

"Yaaa!"

"Nanakit ka!"

"I did you a favor kaya."

"Kakalbohin talaga kita ... m-makit mo... walangya... ang... sakit..."

Tinawanan lang siya. "No, no, no! Baka nakakalimutan mong bawal ka sa kwarto ko. Enjoy mo lang disappointments mo, Kuya. Isa-isahin natin 'yan soon. O, hayan, pumirma ka na."

"Kung hindi ka naging teacher malamang naging mafia leader ka."

"Mafia princess."

"Mafia demon."

"Yaaa! Shut up. Sign!"

"Don't you ever tell Niña about this!"

"Duh, as if naman? Anti nga ako e. Malamang 'di ko sasabihin na nababaliw ka na naman sa kanya. Hindi kayo pwedeng magkatuluyan -"

"Tumanda ka sanang dalaga."

"Kuyaaaa!"

"Hayan, na pirmahan ko na."

"Bawiin mo muna sinabi mo."

"No, thanks!"

He pushed his swivel chair back to his table. Ilang minuto lang din ang lumipas ay dumating na si Niña. Humahangos pa at pinagpapawisan. Kating-kati siyang lapitan agad ito at punasan ang mga pawis nito. Pigil na pigil siya. Para 'di magawa 'yon ay pasimpleng niyang ipinasok sa drawer ang mga kamay.

Bartholomew, behave!

"S-Sorry!" Lumipad agad ang tingin nito sa kanya. "Balti, are you okay? Masakit daw ang tiyan mo."

"Oo, kanina. Pero nawala na lang bigla." Alam niyang nanlalaki na butas ng ilong ni Maha sa likod niya. "Wait, did Maha text you?" Ibinaling niya ang tingin kay Maha. "Did you?" Pasimple niyang pinandilitan ng mga mata ang kapatid.

Umasim lang mukha nito. "I thought lang kasi na side effects so I called. Mukhang na sobrahan ka lang yata ng hangin." She held both hands up. "Sareeee!"

But instead of being annoyed. Relief washed over Niña's face. "Buti naman. Akala ko e dahil umalis ako."

"Makapunta ngang 7-Eleven," tumayo si Maha at marahas pang kinuha ang wallet sa mesa nito, "baka may magandang view akong makita sa labas." At dire-diretsong lumabas ng faculty room.

Naupo si Niña sa isang vacant chair, Jane's table. "Kapagod!"

Bigla siyang na guilty. "Tubig?" Inalok niya rito ang tumbler niya.

"Sige, okay lang. Nakapag-exercise pa ako." Tumawa na lang ito pagkatapos. Pero kinakain talaga siya ng konsensiya niya. Ayaw niyang mapagod ang Ninin niya. Este, si Niña. "Okay ka na talaga?"

He nodded. "I'm fine." Inalis niya muna ang mga kamay sa drawer bago tumayo. "C'mon, may oras pa naman ako."

Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Saan tayo?"

Hinawakan niya ito sa pupulsuhan at hinila patayo. "Libre kita ng ice candy."

"Hoy, baka mapano ang tiyan mo."

"Okay lang nga ako." Nagpahila naman ito sa kanya. "Anong flavor gusto mo? Manggo o ako?"

Natawa ito. "Gage!"

Nilingon niya ito sa balikat. "Choose wisely," nakangiti pa niyang dagdag.

"Vanilla Chocolate, 'yon ang best seller ni Mang Roy."

"Gusto mo ng wiggles?"

Her favorite. It's a chocolate-coated rainbow marshmallow na kasing laki lang ng pinky finger. Uso 'yon noong mga bata pa sila.

Namilog ang mga mata nito. "Meron pa ba nun?"

"May nakita ako roon sa labas. 'Yong basketball game ni CD. Limang sunod-sunod na shot ng bola tapos puwede akong pumili ng prize."

"Maglalaro ka nun ngayon?"

"Bakit hindi? Pero gusto mo ba?"

"Kung mananalo ka, why not?"

Ngumiti siya rito. "Papanalonin ko para sa'yo."

Pinaningkitan lang siya nito ng mga mata. Oh, I hate it when she does that! My heart melts. Pero Bartholomew, behave.

"Talaga ba?"

"Have a little faith in me, Ninin."

"Well, let's see."

"Game?"

"Game!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro