Kabanata 12
"I HAVE nothing against the agreement," basag ni Tita Bea pagkatapos mabasa ang agreement. Ibinaling nito ang tingin sa ina niya. "Ikaw ba, Carol?"
"Maayos naman ang agreement. Sa tingin ko ay hindi naman maagrabyado si Niña."
Tumango si Tita Bea. She and Balti sat near to each other. Para silang kinakasal sa harap ng huwes. Across the table is Tor. Sa kaliwa nito ang parents ni Balti at si Maha rin. Nakatayo sa likod nito si Ate Grace. Isa sa mga katiwala ng mga Juarez. Hindi niya alam kung bakit. Sa kanan nito ay ang mama niya at si Kath na kanina pa ngiting-ngiti na parang ewan. Akala siguro nito ay hindi niya napapansin ang pagnanakaw nito ng mga litrato sa kanila.
Ilang beses na niyang sinaway ng palihim ito pero ayaw makinig.
"Alright then," Tor slid the 3 sets of documents in front of them, "you can sign each page and on top of your name after you have read and understood the whole agreement. Tita Bea and Tita Carol will stand as our witnesses. Pagkatapos pirmihan nila Niña at Balti ang agreement ay sila naman ang pipirma. One copy is for Niña. The other one is for Balti. The third is mine."
Tumango ang lahat.
Bumaba ang tingin niya sa agreement. Actually, Balti sent her the final soft copy of the agreement kaya nabasa na niya 'yon ahead of time. Wala naman siyang reklamo so far at tama ang mama niya. The agreement is fairly made.
Balti immediately signed each page.
Siya naman, she scanned every pages muna at baka may mga nadagdag na wala naman sa binasa niya kanina. Mabuti na 'yong sigurado. She doesn't want to commit to something she hadn't prepared for. So far, wala namang nabago. Identical naman ang hard copy sa soft copy kaya pumirma na rin siya.
Nagpalit din sila ng documents para mapirmahan ang pangalan ng isa't isa sa mga copies nila saka ibinalik kay Tor ang mga agreement. Sumunod na pumirma ang mga magulang nila. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang igala ang tingin sa paligid. Titira siya sa bahay na 'to ng tatlong buwan or less kung maagang mawawala ang bisa ng reverse gayuma ni James.
In all honesty, kinakabahan siya na ewan. Madaming puwedeng mangyari sa tatlong buwan. Natatakot siya na baka lalo lamang lumaki ang pagkakagusto niya kay Balti pero hindi naman masusuklian sa huli. Hindi niya alam paano niya i-ha-handle kung masaktan na naman siya.
"Done!" Ipinasok na ni Tor ang mga documents sa brown envelope. "I'll return your copies once I've notarized these documents."
"Thanks, Tor," baling ni Tita Bea rito.
Tor smiled. "No worries, Tita."
"So kasal na sila?" basag ni Kath. Nasapo niya ang noo. Gusto niyang batuhin ng ballpen ang pinsan. "Juarez ka na Ate Niña?"
"Kathreen!" saway ni Mama rito.
Pinanlakihan niya ng mga mata si Kath. Wrong move talaga na isinama pa ito ni Mama. Magkakalat lang talaga ito para ma-i-push lang nito ang BalNin.
"This is not a marriage agreement, Kath," nakangiting sagot ni Tor rito. "This is a special agreement for your Ate Niña and Kuya Balti and to answer your question, no, they're not legally married and she will not use Juarez as her last name. But maybe one day, when the wind changes its course then we'll have our chance to sail in one direction."
Kumunot ang noo niya.
Pati rin ba si Tor?
Anong nangyayari sa mga 'to?
Ngumisi si Kath. "Okay! As long as hindi lulubog ang barko ko. Push! So kailan tayo kakain?"
"Kathreen!" saway na naman ni Mama rito.
Natawa lang halos dito. "What? Don't tell me 'di kayo nagugutom?" It was already past 6 pm. Gutom na rin siya actually. Naipit sila sa heavy traffic papunta ng Faro.
"Math's on his way," basag ni Balti, "dala na niya ang mga pagkain. Sa boardwalk na lang tayong lahat."
"Bongga!" ni Kath.
"Ah nga pala, Balti," ni Tita Bea, "Grace will stay with you to make sure na hindi nga iiwan ni Maha si Niña sa kwarto niya na mag-isa."
So that explains kung bakit kasama ng mga ito si Ate Grace. Sa tingin niya ay nasa early thirties na ito. Medyo nakakatakot nga lang. Naalala niya si Miss Minchin dito na malusog version.
"Ma –" magre-reklamo pa sana ito.
"No buts, Bartholomew. Grace will be my eyes and ears. Wala akong tiwala sa kapatid mo. Baka bigla 'yang bumaliktad at hayaan na lang kayo rito."
Napamaang si Maha. "Eommaaa!"
Hindi nito pinansin si Maha. "Malinaw ang usapan. Bibisita kami rito at hindi namin ipapaalam kung kailan so don't ever think of fooling us dahil sa oras na may malaman akong nilalabag n'yo na ang napag-usapan. Sa simbahan na lang tayong lahat magkikita-kita."
Napalunok siya.
Tita Bea is deadly serious. Pero 'di niya alam kung kasal o libing ang a-attend-an nilang lahat sa araw na 'yon. Baka kasi mapatay nito si Balti kapag talaga may mangyari sa kanila. Her mother will probably kill her and Balti if bumigay siya.
"Am I making any sense?" tanong ni Tita Bea sa boses ng isang terror teacher.
"Opo," the three of them said in unison.
"Good!"
"WELL, well, well!" Maha folded her arms on her chest. "Let's just say na hindi lang kayo ni Kuya ang may agreement. I will also set my own rules with you. First, don't talk to me kung nandito tayo sa bahay. Second, sa kama ako, sa sofa ka." She pointed to the sofa bed at the corner. "Third, no shared closets. Find another one. I'm sure may mahahanap ka sa storage room. I think may spare pa naman roon."
She was already expecting this. Maliban kay Balti ay alam niyang pahihirapan naman talaga siya ni Maha. Sa totoo lang ay puwede naman nitong sabihing sa labas na lang siya matulog o sa sala. Nahiya pa.
"Maha –"
Itinaas nito ang isang daliri. "I said don't talk to me."
"Sinabi mo lang don't talk to you pero 'di mo sinabing don't talk back. You're talking to me so I should respond. Hindi naman ako ang unang nagsalita and you seem to ask for a confirmation. I believe the first rule doesn't apply yet."
Her lips twitched in annoyance. "Whatever! Basta the three rules are: don't talk to me, stay away from me and what is mine is mine. Araso?"
"Fine!"
"And that includes that working table," she pointed to the table on the right side of the room, near the windows. "Maghanap ka rin ng puwesto mo rito sa bahay."
"Pati ba banyo?"
"You cannot use this bathroom," tukoy nito sa bathroom nila sa kwarto. "Although may common bathroom naman sa baba at sa second floor. Maliit nga lang but I'm sure you'll suffice."
Gustong-gusto niyang batuhin ng unan si Maha. Kaso nasa kama. At namimiligro pang hindi mapapasakanya mamayang gabi. Mas maganda pa yata talagang tumabi kay Ate Grace sa maid's room kaysa kay Maha.
"May idadagdag ka pa?"
"Just a little thought, hindi porke't sinusupurtahan ko ang pagkakagusto mo sa kuya ko noon ay ganoon pa rin 'yon hanggang ngayon. Sabi ko nga, nagbabago ang mundo. Nagbabago ang tao. Kung magpapakasal man ang kuya ko sisiguraduhin ko na hindi 'yon ikaw."
Marahas siyang napabuntonghininga. "Maha –"
"I don't need to hear your unsolicited reason, Niña. There is nothing that could change my mind. Magkasama tayo ngayon hindi dahil sa gusto ko but because of your careless actions. And I'm sure Kuya Balti feels the same. Mabait lang talaga siya sa'yo but it doesn't have malice."
"Alam ko," seryoso niyang sagot, "at pasensiya na at nagulo ko pa ang buhay n'yong magkapatid. When this is over. Ako na mismo ang kusang aalis ng SNL." She tried her best to pull off a smile. "But for now, I'm afraid you will have to enjoy my company." Inabot niya ang cardigan na ipinatong niya sa sofa kanina. "Aalis muna ako. Huwag mo na ako hihintayin." Tinalikuran na niya ito at tinungo ang pinto.
Nakahawak na siya sa knob nang magsalita ulit ito.
"Where are you going at this hour?"
"Following your rule number 2."
To stay away from Maharlika Juarez.
Binuksan niya ang pinto at lumabas na nga ng kwarto.
Mabuti na lamang at tahimik na ang bahay at mukhang nasa silid na nito si Balti. Naabutan niya si Ate Grace sa sala. Nagpaalam naman siyang magpapahangin lang at uuwi rin.
Malaki ang buong Faro de Amore.
Hindi rin naman nakakatakot maglakad sa gabi dahil madami namang mga lamp post at may ilaw naman mula sa mga naglalakihang bahay. Hindi na muna siya lalayo at baka 'di na niya mahanap ang tamang daan. The boardwalk was closer to the house. Doon siya dumiretso.
Dim na lang ang ilaw ng pet shop ni Juan at nakapalit na ang CLOSE sign. Bukas pa naman ang mini convenience store at 'yong laundry shop. 'Yong café sa second floor ay close. Si Math daw nag-ma-manage nung café kaso may schedule lang ang bukas nun. Hindi na niya na tanong kung kailan.
Sa rooftop naman nakatira si Chippy.
Tiningala niya ang taas. It was past 10 pm. Almost 11 na nga yata. Tulog na siguro si Chippy. Bandang 9:30 umuwi ang mga parents nila at na tapos ang dinner kasama ng mga kaibigan ni Balti sa Faro. She finally met the other two missing FARO BOYS na kung tawagin nila Chi at Au.
Capt. Simon Peter o mas kilala bilang Sep o Kap. Isang batang kapitan ng barko. He was literally big person. Feeling niya kaya nitong humila ng barko mag-isa. He was giant but ruggedly handsome. Ito ang panganay na anak ng may-ari ng Alquiza Shipping Lines. Andrew, his brother, wala pa rin ito kanina.
Jameson Erik, half-brother ni Juan. Kung gaano ka tahimik at misteryoso si Juan siyang vocal naman ng kuya nito. He was already familiar with him dahil sikat ito sa social media at dati rin talagang news caster bago naging radio dj at vlogger. Plus, he's half Thai kaya kinausap siya nito in Thai. Ang mukha talaga ni Jam ang pang campus crush.
Tumayo siya sa harap ng railings at humawak doon.
Dinama niya ang malamig na hangin na humaplos sa kanyang mga pisngi. Natawa siya nang maramdaman ang mga luha sa mga mata. Kanina pa naninikip ang dibdib niya habang naglalakad siya.
"Ano ba 'yan?!" Mabilis na pinunasan niya ang mga mata. "Hindi ka naman nag-abroad Niña. Umiiyak ka riyan? Para kang tanga."
Sa totoo lang. Na-e-stress talaga siya sa buhay niya. Iyakin pa naman siya. Umiiyak na lang siya kapag wala siyang makuhang solusyon sa mga pinoproblema niya. Iiyak-tatawa. Papuntang kabaliwan.
The situation is stressing her out.
Plus Maha.
Wala siyang tiwala sa sarili niya. Lalong-lalo na sa puso niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang pagmamahal niya kay Balti. 'Yon talaga ang inaalala niya. Dumagdag pa ang inis at galit ni Maha sa kanya.
Nasaktan talaga siya sa sinabi nito kanina.
Nasasaktan siya sa kung bakit humantong sila sa ganoon ni Maha.
Kung gaano ka-hype si Kath na i-ship silang dalawa ay ganoon na ganoon si Maha noon. She really missed her best friend sa totoo lang. Simula noong graduation nila noong college. Takot na rin siyang makipag-close nang sobra sa ibang tao. Feeling niya kasi ay iiwan din siya.
Kahit na close sila ni Balti.
Maha was with her for 4 years.
"I thought I'd find you here."
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Balti. Mabilis na inayos niya ang sarili nang 'di nito nahahalata which she doubts. Halatang-halata pa rin siya.
"Are you crying?"
"Hindi. Na puwing lang ako. Lakas kasi ng hangin." Hinarap niya ito. Hindi niya naitali ang buhok kaya nililipad at dumidikit sa mukha niya. "A-Anong ginagawa mo rito?"
"I saw you went out the house." Inalis nito ang mga dumikit na hibla ng buhok. "Naisip ko na baka nilayasan mo na ako dahil dini-demonyo ka naman ni Maha." Tumawa ito pagkatapos. "You're crying. Namumula ang mga mata mo."
"Na puwing nga lang ako."
"You think, I'll buy that?"
Bumuntonghininga siya. "Bahala ka." Iniwas niya ang tingin dito. Napatingin na siya sa umiilaw na parola. Naalala niya na naman ang matanda. "Sa tingin mo makikita pa ulit natin 'yong matanda?"
"Probably pero sa tingin ko ay hindi 'yon magpapakita sa atin."
"Bakit kaya binigyan niya ako ng gayuma?"
"I also wonder why."
Ibinaling niya ang tingin dito. "Ilang taon na ang parola na 'yan?"
"One hundred plus na yata. Matagal na 'yan. Pamilya pa nila Iesus ang nagpatayo niyan. 'Yong pinaka-unang parola ay nasira na. Mas malapit 'yon sa dagat. Ruins na lang natira."
"I think there is something mysterious about that lighthouse."
"Paano mo na sabi?"
"Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko meron talaga."
He chuckled, "You will know a lot of things in the coming days."
"Siguro kaya dito mo naisiping tumira dahil sa ganda ng lugar. Para ka lang umuuwi sa isang resort."
"I was actually thinking that this place needed me."
Natawa siya. "Wow!"
He shrugged his shoulders and laugh. "And I was not wrong."
"Alam mo may napansin ako sa mga kaibigan mo. Tinandaan ko mga pangalan nila. Lahat kapangalan ng mga disciples ni Jesus."
"Akalain mong napansin mo pa 'yon?" Bahagya itong natawa. "Dami mong time ah."
"Gags! Napansin ko na noong nakipagrambulan kay kay James. Na confirm ko lang kanina nang makilala ko sila Sep at Jam. Para kayong gang members at leader n'yo si Iesus."
"Stress na 'yon sa'min."
"Halata nga. Sinuntok mo nga."
"Nah, mahal ako nun."
"But I like your bond. Noon si Tor lang lagi mong kakulitan at kasundo. Ngayon nadagdagan pa ng dose. Isang dosena na kaibigan."
Balti smiled. "How about you?"
"Hmm?"
"Wala ka na bang naging kaibigan after Maha?"
Mapait siyang ngumiti. "Meron naman but nothing compared to your sister. After graduation, wala na kaming communication. I tried to call her. Pumunta ako sa bahay n'yo. Pero hindi na niya talaga ako hinaharap at kinakausap. Alam mo 'yon. You even tried to help me. Pero nahiya na rin ako sa parents n'yo kaya tumigil na rin ako. Nag-focus ako sa pag-re-review hanggang sa pumasa ako sa board exam. Doon naman nagkasakit si Mama kaya lumipad ako pa Thailand."
"You didn't tell me about your plans in going abroad."
"You didn't even tell me about your plans in going to Spain. I think it's fair enough."
Balti chuckled, "I'm sorry about that. Hindi ko rin naman talaga sinabi sa kanila. But Maha has her own ways. Siya nagsabi, malamang."
She nodded. "Nakatulong din naman sa'kin ang pagpunta ko ng Thailand. I now think that it was for the better. But sometimes, I think about those days, lalo na kapag may nakikita akong mag-best-friend na mga students. Naalala ko 'yong pagkakaibigan namin ni Maha." Humugot siya nang malalim na hininga dahil naninikip na naman ang dibdib niya. She tried to smile and laugh. Pero mas nauna pa ang mga luha niya kaysa ang pagaanin ang sariling nararamdaman. "I-I'm sorry. M-Miss ko lang talaga 'yong dating kami. Mahal na mahal ko 'yon e."
Hindi na niya mapigil ang mga luha.
"Pero 'di ko alam kung ano 'yong nagawa kong pagkakamali sa kanya. Siguro mas lessen 'yong pain kung alam ko."
"Hindi mo ba talaga alam?"
Napatitig siya rito. Tila ba may alam si Balti sa kung bakit. Baka nga meron dahil kahit na aso't pusa ang dalawa ay magkasunod pa rin naman ang mga ito.
"Alam mo?"
"I don't know either. I'm trying to guess." Inalis nito ang salamin niya sa mata saka pinunasan nito ang mga luha niya gamit ang mga daliri nito. "I hate to ruin the moment pero 'di ako kasing prepared ng mga hero sa mga libro na may dalang panyo lagi. Don't worry, naghugas naman ako ng mga kamay."
Natawa tuloy siya. "Gage!"
Ibinalik nito ang salamin niya sa mata.
Balti smiled. "Stop crying. Only little girls cry. You're a big girl now, Niña."
"Big in size?"
"I like you better when you're soft."
"Compliment ba 'yan?"
Tawang-tawa ito. "Seriously? Paniwalaan mo naman mga sinasabi ko sa'yo minsan. I don't often tell lies. That would make me a bad example to my pupils."
Napangiti na rin siya. "Thanks, Balti."
"You're always welcome. Hindi ka rin matitiis nun. Take this opportunity to patch things up with her. My advice, huwag mo siyang pakinggan. Mataas pride nun. A true friend knows how to annoy his or her friends to the core. Pansin mo, when you're with your best friends. Walang space para sa kabaitan. Lahat nandedemonyo. I believe that's the gem of having real friends. You don't need to pretend to be perfect because being imperfect means being genuine. Alam mo na agad kapag naging mabait 'yan. May kailangan 'yan."
Natawa siya. "Parang ikaw."
"Nah, I've never been a good friend. I exist to annoy people –"
"But you're always present when they needed you."
"Well, I guess, I'm still a good friend."
"Living proof mo si Kale Thomas. Ang tagal n'yo nang dalawa. Since elementary pa kayo ah."
"Actually, since kindergarten."
"O, kita mo. 'Yong loyalty n'yo sa isa't isa pang-ilang-dekada na. Subok na subok na nang panahon."
Natawa ito. "Wala siyang choice. I intend to stay in his life with or without his consent. Mukhang wala namang violent reaction si Tor. Otherwise na padalhan na ako niyan ng restraining order."
"Mahirap buwagin ang BalTor."
"You know what they say, Nins? In life, we never really lose friends. We only learn who the true ones are. Hindi 'yan galing sa'kin but it's a quote I read from somewhere and I have always lived with that." He smiled. "But I believe, your friendship with my sister isn't over yet. She just needed a little punch in the head. Figuratively speaking, I must say. I don't physically hurt my sister unless nauna niya akong batuhin ng bangko ay babatuhin ko rin siya ng lamesa."
Tawang-tawa siya. "Hindi mo nga sasaktan pero kung gumanti ka naman times two."
"It's fun to imagine," may malokong ngiting dagdag pa nito.
"You know, I envy you two before. Nangarap din akong magkaroon ng kapatid kaso only child. Hiningi pa nga ako sa Dios."
"I remember, that's why you were named Niña. Pinagdasal ka nila sa Sto. Niño."
Napangiti siya.
He still remembers.
"Oo. Miracle daughter. Kaya pangarap ko kapag nag-asawa ako. Sana biyayaan din ako ng dalawa o apat na anak. Para 'di naman boring ang buhay nila."
"Wala naman yata 'yong problema sa'kin. Two or four kids. Kaya ko naman silang buhayin."
"Gage! Hindi sa'yo."
"Ay, hindi ba sa'kin? Bakit feeling ko para sa'kin 'yon? Ay grabe! Niña Rosella Marzon, isama mo naman pangalan ko sa options mo. Naghahanap na rin naman ako. Ilagay na rin kita sa options ko."
Tawang-tawa ulit siya. "Sige, pang-last."
Inilabas nito ang cell phone mula sa bulsa at may kung anong in-type roon. "Pang-last, sige gawin kong pang last ka rin." Pinakita nito sa kanya ang listahan niya. Nasa pang 100 siya pero wala namang pangalan ang 1 to 99 nito.
Grabe, pang 100 si Niña Rosella Marzon!
Mukha nitong si Bartholomew!
"O, na saan 'yong 99 options mo?"
Ngumisi ito. "Secret." Ibinalik nito ang cell phone sa bulsa. Pero bago 'yon ay napansin niyang 'di pa rin pala nito pinapalitan ang wallpaper nito. Mukha pa rin nilang dalawa. Bakit kaya? "Baka kapag sinabi ko ay 'di na matuloy."
"Sabihin mo 'yan sa'kin kapag kaya mo nang mabuhay na wala ako."
"Ayon nga lang. Hindi ko pa kaya mawala ang Ninin ko." Napasinghap siya nang yakapin siya nito bigla. "Akin ka na lang muna. Magsawa ka muna sa'kin saka mo ako ipamigay sa iba."
Natawa siya. "Hoy! Bitawan mo nga ako." Sinubukan niyang makawala rito but he wont budge. Syempre mas matangkad sa kanya at mas malaki. "May makakita pa sa atin."
"Niyayakap naman talaga kita kahit noon pa ah. Anong issue ngayon?"
"Bata pa tayo noon!"
"E ano naman, bata pa rin naman tayo."
"Isip bata ka!"
"Aray naman."
Nagawa na niyang itulak si Balti palayo sa kanya. "Ang kulit mo!"
But he was just giving me that smile – that smile na kayang magpalambot ng mga tuhod ng kahit sino. Dati pa niya sinasabi na asset talaga ni Balti ang ngiti nito. His face and smile could ruin the world if he wants to. Buti na lang tamad din 'to si Balti maghasik ng kasamaan sa mundo.
"Uwi na tayo." He held his right hand at her. "It's late. Maaaga pa tayo bukas. Buti sana kung nagpupuyat tayo sa paggawa ng lesson plan o pag-check ng activities kaso naglalandian lang tayo rito."
Natawa ulit siya. "Bibig mo!"
"Wala namang nakakarinig."
"Hindi mo sure."
"Sabagay." Ito na mismo ang humawak sa kamay niya. "Let's go home, Ninin. Baka isipin na ni Grace itinanan na kita. Magulat tayo may pari na bukas." Magkahawak kamay na naglakad sila pabalik ng bahay.
"Huwag n'yo in-stress si Fr. Andrei," biro pa niya, tho hindi niya personal na kilala ang pari.
"Don't worry, sanay na 'yon sa amin."
The smile didn't leave her face. Napatingin siya sa magkahawak nilang mgay kamay. Hindi naman sila naglandian ni Balti. All he did was to listen to her and to make her feel better. Wala 'yong malisya sa kanya because she knew how Balti cared for her.
"I think you're right," basag nito.
"About what?"
"I shouldn't marry my best friend," sagot nito nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya.
Naghintay siya ng karugtong pero hindi na 'yon dinagdagan ni Balti hanggang sa makauwi sila ng bahay. His words lingered in her mind rent free. Siguro mga ilang buwan pa hanggang sa madugtungan 'yon ni Balti.
Ending, tulala siyang pumasok ng kwarto nila ni Maha.
Nagulat lang siya nang makitang gising pa ito at mukhang inis na naghihinala. Napaatras tuloy siya nang wala sa oras. Bakit 'di pa tulog ang 'sang 'to?
"Saan ka galing? Sino kasama mo? Bakit ang tagal mo bumalik? Sumagot ka. Be honest!"
Siya ang hiningal sa sunod-sunod na tanong nito.
"Teka lang nam –"
"Daedab hae!!!"
"Chan mai khao jai!"
Hayan nag-Thai na siya para lalo silang 'di magkaintindihan. It means, she doesn't understand her. And who knows, anong meaning nung sinabi ni Maha.
"Aish! Seong-gashin!" Binato siya nitong dalawang unan saka kumot na buong puso niyang sinalo. "Nega jeongmal miwo!"
Pinagdaop niya ang mga kamay saka bahagyang yumuko na may mapang-asar na ngiti rito sabay sabi.
"Khob Khun Ka!"
Doon na napansin ni Maha na kulang na ang unan nito at wala na rito ang makapal na kumot.
"Yaaaa! Ibalik mo 'yan."
Nginitian niya lang nang matamis si Maha. "Goodnight."
"Yaaa! Aish! Niñaaaaa!"
"Tulog na Maha."
"Arghh!"
Humiga na siya sa sofa bed at nagtalukbong ng kumot. Patigilid siyang humiga. Pigil niya ang matawa nang malakas. Nagdadabog pa rin ito sa likod. Mukhang makakatulog pa rin pala siya nang matiwasay ngayong gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro