Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

"ALAM ko na gusto namin na mag-asawa ka na pero bakit mo binuntis agad -"

"Tita!" awat niya kay Tita Bea. "Mali po -"

Pinagpapalo na nito si Balti ng throw pillow. Ang Mama naman niya ay tulala sa isang tabi. Tito Juanito was trying to call someone on his phone. Gusto niya hilahin si Maha para awatin ang mama niya but she seemed to enjoy the sight. May ngiting tagumpay pa.

Argh! Ano ba mapapala niya kay Maha?

"Bartholomew -"

"Ma, teka lang naman. Aray! Sakit, ha? Kumalma nga kayo -"

"Paano ako kakalma?!"

"Ma, gusto n'yo iabot ko 'yong antique vase?" suhestiyon pa ni Maha. "Mas malakas impact nun kaysa sa mga throw pillow."

"Shut up, Maharlika!" sabay nila ni Balti.

"Sareeee, sige ituloy n'yo lang 'yan."

"Tita, mali po iniisip n'yo -" Napasinghap siya nang 'di niya mapansin ang unan sa sahig. Haharang na sana siya para 'di na masaktan si Balti pero takte dumiretso siya sa kandungan nito. Napakurap siya nang masalo talaga siya nito.

"How sweet," pang-aasar na naman ni Maha.

Titig na titig naman si Balti sa kanya parang natameme na makita siya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Gusto niyang isipin talaga na 'di pa 'to tuluyang nakakatakas sa bisa ng gayuma. Pero saka na 'yon.

Mabilis siyang tumayo para lang mapaupo ulit. Napangiwi na si Balti. She heard him cursed under his breath. Hindi niya alam anong masakit dito. Ano ba 'yong natamaan niya? Teka lang, ayaw na niyang mag-isip.

"Juanito, natawagan mo na ba si Father Andrei?"

"Wait, I'm talking with him on the phone."

"Planohin na natin ang kasal -"

"I'm not pregnant!" sigaw na niya.

Kahit siguro mga uwak ay lalayas sa lakas ng sigaw niya. Parehong napatingin ang tatlong matanda sa kanila. Tumayo muna siya at inayos ang nagulong buhok.

"Tita Bea, Tito Juanito, Mama, hindi ako buntis. Pero may kasalanan ako kay Balti." Naglapat ang mga labi niya. "Please don't judge me. Aksidente lang talaga ang lahat."

Tinakpan ni Tito Juanito ang speaker ng cell phone nito bago ibinaba.

"Ano bang meron sa inyong dalawa?" tanong nito.

Humugot siya nang malalim na hininga at bumuntonghininga.

"Na gayuma ko po si Balti."

"Anoooooo?!"

"Ommmooo!"

Muling iniangat ni Tito Juanito ang cell phone nito. "Father, marunong ka rin ba ng exorcism?"



"I CAN'T believe this, Niña," her mother sighed. "How can you be so careless?"

"Alam ko ho na kasalanan ko. Sorry po." Yumuko siya sa mga magulang nila. "Kaya nga po huwag n'yo po sisihin si Balti rito. Wala ho talaga siyang kasalanan."

"Hindi ako makapaniwala na totoo ang mga gayuma na 'yan," ni Tita Bea.

In-kwento niya lahat simula sa una at sa pinaka-latest na nangyari kay Balti. May mga in-filter lang siyang mga information na pinag-usapan nila ni Balti na huwag nilang banggitin. 'Yon ay tungkol sa kakayanan ni James. Ang alam ng mga magulang nila ay sinubukan nilang kumunsulta sa isang faith healer at nagkandaloko-loko na ang lahat.

"Hindi n'yo na ba nahanap ang matandang nagbigay ng gayuma?" tanong ni Mama.

Umiling siya. "Hindi na."

"Maha, may alam ka ba rito?"

"A little?" sagot nito, showing a little pinch of her thumb and index finger. "But promise wala talaga -"

"Kayong tatlo!" Parang batang nagdikit silang tatlo sa sofa. Nakakatakot talaga si Tita Bea kapag galit. "'Yan napapala n'yo sa mga kalokohan n'yo. Kung sana ikinunsulta n'yo muna sa'min bago kayo naghanap ng solusyon. Lagi n'yo iniisip na alam n'yo mga ginagawa n'yo."

"Bea, kalma lang, tatlong buwan lang naman."

"Oo, tatlong buwan silang magsasama! Ano sa tingin mo iisipin ng ibang tao? Mga guro sila. Kahit naman wala silang ginagawang masama. May masasabi at masasabi ang ibang tao. Isipin pa nila na porket tayo ang may-ari ng eskwelahan ay binibigyan na natin ng special treatment 'yang sila Balti at Niña."

"Pasensiya ka na, Bea," paumanhin ni Mama. Na guilty na siyang tuluyan. "Kasalanan ko 'to. 'Di ko na gabayan nang maayos ang anak ko."

"Ma -"

"Tita Carol," basag ni Balti, "please don't blame Niña. This is partly my fault as well. We want to let you know para po maging aware kayo. I know it would be offensive and disrespectful for me kung sa iba n'yo pa malalaman kung sakaling ibinahay ko na agad si Niña."

"Nandiyan na 'yan, ano pa bang magagawa namin?" ni Tita Bea. "Sigurado ba kayong mawawala ang bisa niyan pagkatapos ng tatlong buwan?"

Sabay silang tumango na tatlo.

"Paano kung hindi?" dagdag pa nito.

Nagkatinginan silang dalawa ni Balti.

"I'll marry Niña."

Napakurap siya.

Sumikdo agad ang tibok ng puso niya. Walang harong biro sa tuno ng boses ni Balti. Mukhang seryosong-seryoso talaga ito.

"Balti -"

"I mean it." Ibinaling nito ang tingin sa mga magulang nila. "I will ask Tor to draft an agreement for us para maging malinaw ang lahat."

"Bea," humawak sa braso nito si Mama, "sigurado ka ba rito? Paano kung -"

Tipid itong ngumiti sa Mama niya. "We will see. Sa ngayon, unahin muna nating solusyunan ang unang problema." Tita Bea gently tapped her mother's hand bago ibinalik ang tingin sa kanila. "Kung ganoon, malinaw ang usapan. At Bartholomew, sasama lang sa'yo si Niña kapag nabasa namin ang laman ng agreement at napirmahan n'yo nang dalawa 'yon."

Balti nodded. "I'll make sure it will be done by tomorrow."

"Agad-agad?" react ni Mama.

"Mamamatay ho 'yang si Kuya kapag pinatagal n'yo pa," ni Maha.

"'Yong side effects po, Ma," paalala niya.

"Kung ganoon, tama lang siguro para makapag-ayos ka ng gamit, Niña." Ibinaling ni Tita Bea ang tingin kay Maha. "And Maharlika, mag-empake ka na rin."

"Micheoseo?! Waeyo? Bulgongpyeong hae, Eomma!" Ibinaling nito ang tingin sa ama. "Appa, doum!" Saka nagpapadyak ng mga paa. "Aish! Naega michingeoya."

"I'll take that as a yes, then," ni Tita Bea.

"Eommmma!"

"Kausapin mo ako kapag nakakaintindi ka na ulit ng salitang Filipino."

"Nanay! Tatay! Bakit?"

"And you and Niña will be staying in one room in Balti's house."

"Eommmaaa! Shiro!"

"I don't want to hear any more complaints from you Maharlika Juarez. May kasalanan ka rin sa'min. Alam mo ang nangyayari pero tinago mo pa."

"I have no choice!"

"You have but you chose to hide it from us."

"Aish!"




"YOU know you don't need to marry me if hindi man mawala ang bisa ng gayuma -"

"Niña, who in the right mind would do that?" Balti smiled. "I wouldn't mind marrying someone like you. You're like my best friend."

Napalunok siya.

Best friend. If not his little sister ay best friend lang siya para kay Balti. She actually hated that two words before. She didn't like him describing her as his sister and his best friend. Mukhang hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin marinig ang mga salitang 'yon mula kay Balti.

"I -"

"What?"

"I don't like to marry my best friend."

Napatitig ito sa kanya. "Niña?"

Pilit siyang ngumiti. Sinabayan pa niya ng tawa. "I don't know? Siguro dahil ayokong i-treat na best friend ang magiging asawa ka. I want him to be more than just my best friend. Alam mo 'yon? Huwag na nga! Hindi naman mag-me-make-sense."

"I get it."

Tipid itong ngumiti.

Napatitig siya rito. Siya lang ba o may dumaang hinanakit sa mga mata nito. He blinked and chuckled. Nawala na lang bigla.

"Don't worry. Mukha lang scammer 'yong si Aurea pero hindi 'yon masyado nagkakamali. She knew what she's doing. We'll just add it up in the terms and conditions so our parents wouldn't worry about you."

"Balti -"

"I know what I'm doing, Nin. Trust me."

Bumuntonghininga siya. "I'm sorry."

"And please, no more apologies. I know madaming mga nangyari sa atin nitong mga nakaraaang araw but I hope nothing changes between us Niña. Ayoko naman na magkaroon ng gap sa pagitan nating dalawa. If you have something to say to me then feel free to say it. Likewise, magiging ganoon din ako sa'yo. Kahit na madalas puro biro sinasabi ko sa'yo pero ayokong isipin mo na hindi kita kayang seryosohin."

"Ang seryoso mo."

Natawa ito. "Kasi ang seryoso mo kanina. Alangan naman idaan kita sa biro 'di maiinis ka lang din lalo sa'kin."

Natawa na rin siya. "Ang moody mo!"

He sighed and smiled. "I don't know what lies ahead of us but I don't want you to feel pressure about us. Mag-focus ka lang sa mga gusto mong gawin. Okay?"

She nodded. "Thanks."

"Very good." Bigla siyang natawa. May naalala siya sa salitang 'yon na alam niyang baka nakalimutan na ni Balti. Hayon na nga at bumakas ang pagkalito sa mukha nito. "What?"

Umiling siya, still with a smile on her face.

"I just remember something."

Umangat ang isang gilid ng labi nito.

"That you're very good for me?"

Namilog ang mga mata niya.

"Akala ko ba -"

"Well, apparently I still remember a lot of things," he chuckled, "pero huwag na natin balikan ang iba at baka lamunin na ako ng lupa at gawing pataba sa halaman."

Tawang-tawa sila pareho.

"At least may ambag ka na sa mga farmers."

"Human fertilizer."

"Oo!"

"Bully mo!"

"Mana sa'yo?"

He squinted his eyes at her. "You're one naughty Little Niña."

"Hindi mo sure."

"Hmm," he smirk, "I'd like to test that."




"DÉJÀ VU!"

Binato ni Balti ng kropek mula sa bowl si Tor. Tinawanan lang siya ng magaling. Nakaharap ito sa laptop habang in-edit ang draft agreement.

"Tapusin mo na nga 'yan!"

"I don't want to rush things. Keep your patience, Balti."

"Hanggang anong oras 'yan, Tor?" tanong ni Jude. Halos ito na umubos ng kropek at canned beer. "Aabot ba 'yan bago mag-alas-dose?"

"Sige, asarin n'yo lang ako. Saya kayo?"

"Kumusta tuhod mo, Ser?" pang-aasar pa lalo ni Jude.

"Gago ka! Malamang hindi ko maramdaman."

Tinawanan siya ng dalawa. Sa kamalas-malasan. Hindi niya mailakad ang kaliwang binti. Kinailangan pa niyang magsaklay.

"Dapat si Hayme nag-aalaga sa'yo e," dagdag pa nito. "Na saan ba 'yong bayaw mo, Tor?"

"Nasa ilalim ng lupa."

Tawang-tawa ulit silang tatlo.

"Marinig ka pa nun."

Tor chuckled, "I doubt."

"Nandoon ba si Au?" tanong niya. "Hindi ka uuwi ngayon 'di ba para matapos mo lang 'yang agreement ko." Ngumisi pa siya.

"Kaya ko naman 'tong tapusin ngayong gabi pero ayokong mag-isa si Au sa bahay kaya roon na muna siya kina mama para mabantayan siya. Kakahiya naman kasi sa'yo. Ayokong nag-a-adjust ka para sa'kin."

Natawa siya.

The discreet sarcasm of this man!

"'Yan gusto ko sa'yo e. Walang limutan ng friendship."

"I'll charge you a service fee for this, Juarez. Wala nang libre ngayon."

Tawang-tawa si Jude. "Dito talaga na susubok ang pagkakaibigan."

"Parang 'yong isa riyan." Sabay pa silang napatingin sa may sofa. Hayon, tulog na tulog si Simon Takeuchi. "May isa talaga sa grupo na tulog lang ang ambag lagi."

"Hayaan mo na at minsan lang tulog ang pandang 'yan," ni Jude.

"Mahaba na ba listahan ng sama ng loob ni Thaddeus sa inyong dalawa?"

"Nah, hindi rin nun mapapansin na nawawala kami."

Natawa lang ulit siya. "Unbothered, Architect Thaddeus Bernado Apostol."

"I'm done," ni Tor. Inilapit nito ang laptop sa kanya. "Basahin mo muna lahat lalo na sa section na 'to - under General Conditions and this - Special Conditions. This template is already specified so it will be easier for you to determine if I've missed a detail although I doubt if I did miss one."

He started reading the draft agreement.

"So you'll really marry Niña?" ni Jude.

"Only in the situation wherein the effect of the love spell stays," sagot ni Tor para sa kanya. "However, in order to protect Niña's honor. Kung may mangyari man sa kanila within the period of the agreement and Niña clearly didn't give permission of 'the act' the agreement will automatically end. Niña will have the right to sue Balti if proven guilty to the alleged accusation."

"I see. Ito rin ba ang agreement na ginawa mo para kay Aurea?"

"It's the same template but we have other special conditions."

"Tulad nang?"

"Tulad nang, it's none of your business, Jude."

Pareho silang natawa ni Jude. "Huwag ka umasa na mapapakanta mo 'yang si Tomas dahil madami 'yang sekreto na tinatago sa buhay. Maliban sa wifi password niyang hiningi pa niya kay Thomas Edison."

"Keep reading, Juarez."

"I'm just curious." Umayos ng upo si Jude. "When did you realize you're falling in love with Au?"

"I couldn't remember." He paused for a brief second. "Maybe when that moment na kapag hindi ko siya naabutan sa bahay I feel indifferent. There is the sadness I couldn't pinpoint. Maybe I missed her but my pride was far too egoistic to accept my growing feelings for her."

"Parang you feel like a part of you is missing?"

"Yes."

"And you couldn't function well without her being near?"

"Exactly."

"Seryoso? Pinag-uusapan n'yo 'yan sa harap ko?" reklamo niya sa dalawa. "Hindi ako makapag-concentrate sa binabasa ko." Tinawanan na naman siya ng dalawa.

"Tor, seriously, wala ba talagang gusto 'tong si Balti kay Niña?"

Tor glanced at him. "Malabo pa sa paningin niya na mapaamin mo 'yan." Nagbukas ito ng sariling canned beer pagkatapos. "I have my fair share of assumptions and maybe these will be proven true in the coming days." Iniangat nito kay Jude ang hawak na canned beer.

Jude clinked his can to Tor's.

"Since college ba sila magkakilala o since high school?"

"High school. Niña was a freshman, seniors na kami noong unang school year niya. They're pretty close, actually. President ako ng SSG so I didn't really have the luxury to monitor Balti's whereabouts. He will just show up and disappear hanggang sa mapansin ko na madalas na nga niyang kasama si Niña."

"Ilapag mo nga feelings mo, Bartholomew." Jude loudly tapped the table. "Pangit mo ka bonding."

"Sana nilapag mo rin plano mong pang-hu-hudas kay Mari para 'di ba masaya rin bonding natin."

Tawang-tawa lang si Jude. "Ayaw talaga umamin."

"Nag-demand ba akong umamin ka?"

"See?" ni Tor. "Hindi mo mapapaamin 'yan. He will always plead not guilty."

"Kahit mahusay na abogado kagaya ni Tor ay hindi oobra sa isang Bartholomew Juarez. Tsk! Mapipilitang bumaba sa puwesto si Satanas dahil sa'yo."

Natawa siya. "Wala akong balak! Baka ikaw?"

"No, thanks. I'm a changed man now."

"Enough of me. E kayo ba? Curious din ako. Did the two of you planned to make Au at Mari pregnant?"

"Gago, hindi!" sabay pa ng dalawa.

Tawang-tawa siya. "Yong totoo?"

"Nililigaw mo ang usapan, Juarez," akusa ni Tor.

"Well, I admit I have plans to hurt, Mari, pero hindi ko naisip na magkakaroon kami ng mga anak. I was being careful whenever I make love to her but I guess while I'm denying my true feelings for her my actions didn't want to lie anymore. It completely slipped my mind and then we have our twins."

"Did you regret it?" tanong ni Tor.

"Of course, I've regretted hurting, Mari, but you know, it keeps me awake at night thinking that our twins help me saving myself and our relationship. I just couldn't help but be thankful for their existence. I've forgiven myself and I've learned to start again... and to wait..." Jude smiled.

"Inuman lang walang iyakan," biro pa niya.

"Gago!"

"Meeting Aurea was like seeing a new shade of light," simula naman ni Tor. "The world was too grim to live with but she was able to paint a lot of colors to it. It was no longer that dull and I realized I like it better that way - colorful. And I didn't plan to impregnate her. Everything was sudden. There were no plans. There were no hesitations but there were no regrets after. Syempre, bilang isang lalaki. I don't want to dictate her life. She has her dreams as well and even if I longed for a family of our own. I could always wait."

"Waiting," Jude sighed with a smile, "always seems an eternity."

"But worth it," dagdag pa ni Tor.

"Bakit feeling ko bachelor's party ko 'to at ikakasal na ako bukas?"

"Maybe you need a little piece of advice to re-evaluate your feelings," ni Tor.

Nilingon niya si Simon. "Takeuchi, baka may idadagdag ka?" Lumakas lang hilik nito imbes na sagutin sila. "Salamat, tunay na makabuluhan ang iyong sinabi."

Jude chuckled, "Isa pa 'yan."

"Simon isn't seeing someone?" asked Tor.

Sinaid muna ni Jude ang natirang beer sa can na hawak. "I don't know." He shrugged his shoulders. "Maybe because of his nightmares?"

"Lumala ba?"

"I'm not sure, medyo nakakatulog naman na siya ngayon. He talks a lot but he doesn't talk about his personal life. He cares a lot but he doesn't want people to worry about him. Pretty ironic, isn't it?"

"I'm sure after his sessions with Vier, he will be fine."

"Hopefully."

Nagitla siya nang mapansing pinatid ni Jude ang kaliwang binti niya. "Masakit ba?"

Ngumisi siya. "Hindi."

"E ito?"

"Yawaaa!" mura niya nang sipain ni Tor ang kanang binti niya. "Malamang masakit!" Tawang-tawa 'yong dalawa. "Mga gago talaga kayo! Ano bang ginawa ko sa inyo?"

"Nothing," sabay pa ng dalawa.

"Ano bang nakita sa inyo nila Mari at Aurea at kayo ang pinili?"

"House and lot plus blackcard," natawa si Tor pagkatapos.

"VIP ticket ng Queen City," sagot naman ni Jude.

"Ewan ko sa inyo! Magbabasa na lang ulit ako."

"Speaking of basa, nag-usap pala kami ni Sus. Kinakamusta ang translations mo?"

"Sabihin mo busy ako."

"Busy kanino?"

"Busy-busy-han."

"Hahaha!"

"Ambot nimo Balti!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro