Kabanata 10
NAPAATRAS si Niña nang makita ang itim na Ducati big bike sa labas ng gate ng bahay nila. A certain guy named Simon called earlier. Papunta na raw ito sa bahay nila dahil may nangyari kay Balti. Nag-panic naman agad siya.
Naisip niya 'yong side effects doon sa pinainom nila kay Balti kagabi. It kept her awake last night. Madaling araw na yata siya nakatulog at nagising pa bandang 6 in the morning. Ang sabi naman nang tumawag ang kaibigan ito ni Balti at isa sa mga kapitbahay nito sa Faro.
Nagmadali rin siyang magbihis at nag-ayos. Hindi niya masagot ang mama niya kung bakit aalis siya nang ganoon kaaga. Mamaya na lang.
"Niña?" basag ng chinitong lalaki na sa tingin niya ay halos kasing tangkad lang din ni Balti at mga kaibigan nito. Mukha itong half Japanese. He was smiling at her and seems like a nice guy.
"Simon?"
"Yup, that's me." Inabot nito sa kanya ang spare helmet na kinuha niya agad. "Hop in." Isinuot niya ang helmet saka pumwesto sa likod nito. Nahirapan pa siyang umakyat buti tinulungan siya nito. "We need to hurry up before Bartholomew burned down FDA," he chuckled. Isinuot na rin nito ang helmet. Umugong ang makina ng big bike.
"What happened to him?"
"You'll know."
"I –" Napasinghap siya nang bigla na lang nitong pinaharurot ang motor. Akala niya ay liliparin siya ng hangin buti napahawak siya sa mga balikat nito. Dios ko, aga-aga, na-e-stress na naman siya. Ang kaskasero pala nitong si Simon! "Dahan-dahan naman!" sigaw niya rito. Sana marinig.
Itinaas lang nito ang isang kamay at nag-thumbs-up but something is telling her he wouldn't do that.
Pagkarating nila sa Faro ay feeling niya naging jelo ang mga binti niya. Nawalan na yatang lakas. Kung magmaneho kasi 'tong si Simon parang kakalas na kaluluwa mo sa katawan. Hinding-hindi na siya aangkas dito. Bibigay yata ang esophagus niya kakasigaw.
May na daanan silang bahay. Malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang isang grupo ng mga lalaki na tila ba may inaawat. Dinig na dinig na nila ang sigawan pero 'di niya maintindihan. Pati ibang kapitbahay ay nakiusyuso na rin.
Hanggang sa mapansin na niya si Aurea na nakatayo medyo malayo sa mga nagkakagulong lalaki. May kasama itong matandang babae at isang matangkad na babae na naka shorts at black over sized shirt. Nakatali ang buhok nito gamit ng chopsticks.
"Uh-oh," ni Simon.
"Huwag mong sabihing sila Balti 'yan?"
"I think so. It's James' house." Inihinto ni Simon ang motor sa gilid ng kalsada, sa harap mismo ng magandang bahay na may mababang bakod. "Mga sira ulo talaga." Nauna siyang bumaba sa motor at sumunod ito. In-park nito nang maayos ang motor nito pagkatapos nilang mahubad ang mga helmet.
Hindi na niya hinintay si Simon at lumapit na agad siya kay Au.
"Au! What happened?" medyo nahingal siya.
"Inaawat nila Tor sila James at Balti."
Natutop niya ang noo. "Malala ba ang side effect?"
"I don't think so," sagot ng mistisang babae. "High blood lang talaga 'yang si Ser ngayon. E wala rin namang pasensiya 'yang si Hayme. Sumabog 'yong dalawa." Ngumiti ito. "I'm Chippy by the way. Pinsan ako ng may-ari ng Faro." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm assuming you're Niña?"
Tumango siya. "Yes."
"Well, nice to meet you, Nins."
Ang matandang babae na kasama nito ay mukhang 'di naman nag-aalala. Napansin yata nitong nakatingin din siya rito. May hawig ito kina James at Aurea. Baka ito si Nanay Lourdes.
"Naku, hija, away bata lang 'yan. Mamaya, kapag napagod pipingutin ko mga tenga ng dalawang 'yan. Kumain ka na ba? Nakapaghanda na akong pang-umagahan para sa lahat." Tumawa pa ito pagkatapos.
Parang ayaw niyang maniwala.
"Umaawat na si Iesus. Titigil na rin ang mga 'yan," dagdag ni Au.
"Teka, aawat na rin ako. Makikinig siguro 'yon sa'kin." Iniwan niya ang dalawa at sinubukang makapunta sa gitna. "Excuse me! Balti! Balti!"
"Ano ba kuya, parang tanga, tama na nga!" sigaw ni Maha.
"Awatin n'yo na nga 'yang si Balti!" sigaw rin ng mga umaawat sa dalawa. "James huwag mo na patulan! Hoy Balti!"
Tumabi naman 'yong iba hanggang sa makita na nga niya si Balti at James na may kanya-kanyang team na umaawat. Namumula na sa inis 'yong dalawa. Umigkis ang kamao ni Balti para sana suntukin sa mukha si James kaso nakailag ito at dumiretso na nga ang kamao nito sa likod nito at natamaan ang lalaking may asul na mga mata.
Napasinghap siya.
Ganoon din ang mga tao sa paligid. Gulat na gulat ang mga expression. Lalo na si Balti.
"My lord!" sigaw ni Simon.
Tila slow-mo na bumagsak ang lalaking may asul na mga mata sa damohan.
"Iesus!" sigaw ni Vier.
Halos sakalin naman ni Maha si Balti. "Kuyaaaaaa!"
"Bartholomew Juarez!" nanggigil na sigaw ng lalaking tinawag nilang Iesus.
Something is telling her Iesus isn't just an ordinary homeowner in Faro de Amore. Halata sa mga mukha ng mga kasamahan nila. Parang mahahati ang dagat kung walang tutulong dito sa mga oras na 'yon.
Napalunok siya.
Ang agang stress talaga nito Niña!
"NOW tell me what really happened here?" kalmado nang tanong ni Iesus habang nilalapat ang cold compress sa nasaktan pisngi. Napapangiwi pa ito. Nag-bruise ang side ng lip nito at medyo namaga ang pisngi. "Ayusin n'yo kung ayaw n'yong palayasin ko kayong lahat dito." He gently pressed his thumb on the bruised lip and grimace.
While waiting for someone to speak up. Hindi niya maiwasang igala ang tingin sa mga lalaking kasama nila sa sala ng bahay ni James. Nasa Pilipinas pa ba siya? Most of them are mixed. Nakilala lang niya ang mga ito dahil kay Aurea.
Aside from James, Vier, Simon, and Tor. The additional friends are Thad, Jude, Juan, and Math. Na starstruck siya kay Jude. Of course, kilala niya ito. She's also a fan of Queen City. She didn't know he's staying in Faro.
And of course, Iesus.
Ang owner ng FDA at pinsan ni Chippy. Ngayon lang niya na laman na pinsan rin pala ni Vier si Iesus. Kulang pa raw ang mga 'yan. Missing 'yong tatlo. Ang mag-kapatid na Alquiza at ang step-brother ni Juan na si Jam. Kakauwi lang daw ni Iesus ngayon at ito pa ang inabutan nito.
Their names seem familiar? Or siya lang nag-iisip that Iesus name is a derived version of Jesus and his homeowners are named after Jesus' apostles? Or pwedeng nagkataon lang talaga 'yon?
"Vier mentioned about what happened to you," dagdag ni Iesus. "James?" baling nito rito. "It didn't work? Kaya ba sinugod ka rito ni Bartholomew?"
"It was just a little mistake."
"A little mistake?" Balti repeated exasperatedly. "Tatlong buwan akong ganito?"
"The effect will die down eventually. If you insist to drink another reverse spell baka 'di na kayanin ng katawan mo. I wouldn't suggest since the reverse spell you drank last night was irrevocable."
"Teka nga, na gayuma ka Balti?" Math cut off. "Kailan pa? Bakit 'di namin alam?"
"Akala ko masaya ka lang?" dagdag ni Thad.
"Tinago n'yo naman ang gayuma?" ni Juan. "I just want to confirm so there wouldn't be any victim after Balti."
Tawang-tawa si Math. "Bakit ba lagi akong nahuhuli sa mga kaganapan? Seryoso? So sino gumayuma kay Ser?"
"It was an accident," sagot ni Balti.
Kanina pala paggising nito ay nawalan ito ng boses. Bumalik nang makalapit siya rito. 'Yon ang unang sample side effect ng reverse spell ni James.
"It was my mistake," amin niya. Natuon ang atensyon sa kanya. "Tumanggap ako ng herbal medicine mula sa matandang 'di ko naman kilala. Pinainom ko 'yon kay Balti without even knowing na gayuma pala 'yon. It did cure his cough pero na-in-love naman siya sa'kin."
"So gayuma really exists?" tanong ni Jude. "Wow!" Namilog ang mga nito sa pagkamangha. "Akalain mong tinamaan ka nun Balti?" Ngiting-ngiti ito kay Balti. Halatang nang-aasar.
Ngiting aso lang ibinalik nito sa mga kaibigan.
"Ako na mag-explain," ni Au.
Sa mga sumunod na sandali ay in-explain ulit ni Au ang sinabi nito sa kanila kagabi. Katulad niya ay kalahati sa mga kasama nila ay medyo hindi rin naintindihan ang nangyari pero 'di na masyado nag-komento. Basta ang bottom line na gayuma si Balti at mali ang reverse spell ni James.
Pero halos sa mga kaibigan ni Balti ay natawa lang at naaliw na na gayuma ito.
"Au, how is he?" ni Iesus.
"Balti is fine. 'Yong nangyari kanina ay manifestation ng side effect ng reverse spell na ininom niya kagabi. It's harmless as long as hindi sila magkakalayo ni Niña. Hindi ko pa matukoy ang mga side effects na pwede pero madaming pwedeng mangyari kay Balti."
"But they're both teachers," ni Chippy. "It would be inappropriate if they stay in one house. Anong solusyon natin diyan?"
"O, snacks muna kayo riyan baka gutom na kayo." Nilapagan sila ng isang malaking plato ng turon at dalawang pitsel ng orange juice ni Nanay Lourdes. "Malaki naman bahay niyang si Balti," dagdag pa nito. "Hindi live in na matatawag kung sa bahay rin niya nakatira si Maha. O, parang nag-boarding-house lang sila."
Iesus face lit up. "Nanay Lourdes is right."
"I'm always alright!" Tumawa pa ito. "Pero maiwan ko muna kayo at ako'y magdidilig muna ng aking mga halaman. Alam n'yo na kapag tumatanda na. Halaman na lang ang nadidiligan."
"No!" react ni Maha.
"Hindi pwede, Maha, mamatay ang aking mga anak."
"Not you, Mommy L."
"Ayon naman pala, liniwan mong maayos. Bye!"
Tumango lang si Maha at nagpatuloy. "I mean, I'm fine living with Kuya but not with Niña. Pwede namang kina Chippy muna siya –"
"Unfortunately, Maha, I couldn't accommodate a guest right now. Ongoing ang renovation ko sa rooftop. I want to pero masyadong maliit ang rooftop ngayon compared noong nandito pa si Mari."
"And I don't think Niña would be comfortable living with strangers," segunda ni Math. "This is just my point of view, but the three of your works in the same school and you practically knew each other since college. Is there something wrong?"
Naglapat ang mga labi ni Maha. Nakatingin si Juan dito. He seemed curious kung bakit ganoon ang reaksyon ni Maha. Wait, ito ba ang tinutukoy nilang crush ni Maha? Is he the vet doctor, Ryuu Juan Song?
"I'll have to think about it."
"That's the only feasible solution that we could think of as of the moment," ni Iesus. "Hindi naman natin pwedeng ipilit ang kasal sa dalawa kung mapapawalang bisa lang din naman after 3 months. I have great value to the sanctity of marriage. But of course, we have to set rules for your situation right now. Tor can help us in the drafting of the agreement –"
"Wait!" bahagyang sigaw niya.
Natuon ang atensyon sa kanya. Tinignan niya isa-isa ang lahat. Nalilito na siya, actually. Hindi talaga siya magaling lumusot kapag na corner sa mga sitwasyon. She will always feel awkward at hindi agad gumagana ang isip niya.
But she has no time for that.
She has to speak!
"Alam ko na pare-pareho nating gustong tulungan si Balti pero sa tingin ko kasi mahihirapan akong mapapayag ang mama ko sa setup na 'to. She will never allow me to live in one roof with a man."
"Niña is right," sang-ayon ni Balti. "We have a very conservative family. Kapag nalaman 'to ni Mama ay ipapakasal niya agad kaming dalawa."
Sandaling natahimik ang lahat at nag-isip.
"Vier," tawag ni Iesus dito.
"Yes, Sus?"
"Hindi ba may pinsan kang pari?"
"Iesus Cloudio de Dios!" sigaw nang lahat maliban sa kanya. "Akala ko ba –"
Tawang-tawa ito pagkatapos. "Chill, ang seryoso n'yo masyado."
"Ito na nga ba sinasabi ko!" Simon snapped his fingers. "My lord, sigurado ka bang hindi naalog ang utak mo?"
"I'm perfectly fine, Simon. Anyway, sa nakikita ko, ang solusyon na pwede ay una, kausapin muna ang mga magulang nila Niña at Balti. They have to explain what happened. Mas mabuti na ring sumama sila Tor at James as a witness. Hindi pwedeng ibahay ni Balti si Niña na walang permiso sa mga nakakatanda. And I'm one hundred percent sure that they will ask Maha to chaperone the two."
"I agree." Itinaas ni Math ang kamay.
"Sana lahat kasing open-minded ni Nanay Lourdes," dagdag ni Chi.
"Hindi ako open minded talagang hindi lang 'yan nakikinig sa'kin 'yang si Aurea!" Saktong pasok ulit ni Nanay Lourdes na may dala nang isang paso ng halaman. "Mas matigas pa sa pugon ang bungo niyang anak ko. Ginawa pang collateral ang puwesto ko ng banana cue at samalamig!"
Tawang-tawa naman si Au. "Saan pa ba magmamana?"
"Sa kuya mo dahil parehong matitigas mga ulo n'yo!"
Kumunot lang ang noo ni James. Tawang-tawa pa rin si Au.
"And James," baling ni Iesus dito, "you're not allowed to leave the country for 3 months." Tumayo na si Iesus. "And for all of you. I will not entertain any of your complaints not until these two," itinuro nito sila Balti and James, "make up. Maliwanag ba?"
All of them nodded. Pati siya at si Nanay Lourdes ay napatango. It was as if kung hindi sila tatango ay hindi na sila makakatapak ng Faro de Amore.
Ang malala pa ay may malaking kasalanan si Balti rito.
Na suntok lang naman nito ang LANDLORD ng Faro de Amore!
"I KNOW you're not okay," basag niya.
Dinala siya ni Balti sa boardwalk. Namangha naman talaga siya sa ganda ng lugar. It reminds her of Greece. Gusto niya sana i-admire ang lugar pero 'di niya magawa.
Kanina pa tahimik si Balti. Hindi siya sanay na ganoon ito. Although kahit noon ay may mga araw na tahimik at seryoso ito. Kapag ganoon ay dalawa lang ang rason. May malalim at seryosong iniisip o 'di kaya ay nagtatampo.
"But at least hindi ka na gaya noong una," she continued. "Ayon nga lang, minamalas ka kapag malayo tayo sa isa't isa."
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi," he sighed. "I couldn't help but feel that I'm a burden to you." Bumakas sa mga mata nito ang guilt.
"Ano ka ba? In the first place. Ako ang unang naglagay sa'yo sa ganyang sitwasyon. Lumala nga lang." Napangiwi siya pagkatapos. "Pero nandiyan na 'yan e. Kung ipipilit natin na gumawa sila Au ng pangatlong potion baka mabaliw ka na sa'kin nang tuluyan."
This time he loosened up and laugh. "This is crazy!"
"Nawala na ba 'yong feelings mo para sa'kin?"
"Dapat bang mawala 'yong feelings ko para sa'yo?"
Kumunot ang noo niya. Teka, bakit pa rang wala namang nagbago. "Sure ka bang magaling ka na?"
Natawa ulit ito. "I guess?" He shrugged his shoulders after. "Ano bang pinaggagawa ko sa'yo nitong nakaraang araw?"
"Hindi mo tanda?"
He look confused. "Hindi." Umiling ito. "Well, actually natatandaan ko 'yong mga ginawa ko pero 'di ko matandaan ang eksaktong mga sinasabi ko. Pero alam ko puro 'yon panlalandi."
"Ahh! Mas mabuti na rin. Kikilabutan ka lang."
"Sobrang korni ba?"
"Sobra!"
"Grabe naman 'to."
Iniwas niya ang tingin dito at pinagsawa ang mga mata sa magandang view ng dagat sa harapan niya.
"Ang ganda pala talaga rito."
"I know."
Ramdam niya pa ring nakatingin ito sa kanya. Ibinaling niya ulit ang tingin dito. "Sure ka ba talagang wala ka nang feelings sa akin?"
Naikiling nito ang ulo sa kaliwa at inilapat ang isang kamay sa may bundong puso. "Paano ko ba malalaman 'yon?"
"Ano bang nasa isip mo ngayon?"
"Gusto kong pulbohin si Hayme at ihalo sa gayuma."
Natawa siya. "Gage! Ang harsh."
Tumawa ito pero bigla ring gustong maiyak. "Ang temper ko kanina hindi ko ma control. It was weird. Mataas ang pasensiya ko pero talagang sumabog ako. Pero noong dumating ka naramdaman kong medyo nag-lessen ang galit ko."
"Baka isa rin sa mga side effects."
She had known Balti since High School. At alam niya kung gaano kataas ang pasensiya nito. Witness siya sa pagiging pasensiyado nito. Mas pasensiyado pa ito kaysa sa kanya. Kahit mga higher years ay sumusuko rito. Hindi nito dinadaan sa dahas lahat. Kung madadala sa usapan at dimplomasya ay gagawin nito.
"Tinalo ko pang nagdadalang-tao nito." Napakamot ito sa noo. "Hindi ka talaga pwedeng mawala sa paningin ko Niña. Mamamatay yata ako."
"Hindi ka mamamatay pero magiging Hulk." Natawa siya pagkatapos. "Pero susubukan kong kausapin si Mama. Baka mapakiusapan ko."
"I also have to talk with my parents. Anyway, anong oras kayo magsisimba bukas at saan?"
"Bakit?"
"Sabay na nating kausapin ang parents natin."
"Sabay talaga?"
He nodded. "I believe it's for the better."
Napakurap siya. "Bakit ako kinakabahan?"
He held a sharp sigh. "The feeling is mutual. Hindi yata ako makakatulog mamaya. Hindi pa kita kasama. Ano na naman kayang mangyayari sa'kin?"
"Hopefully hindi malala."
"I doubt that."
Napangiwi siya. "Hindi ako pwedeng mag-overnight, alam mo 'yan."
"I can endure it for just a day or a few more days. Pero sana mga dalawang araw lang. I swear, Niña. Ikamamatay ko talaga kapag nawala ka sa buhay ko. Seryoso ako. Ramdam ko na agad ang mga kamalasan kapag nawala ka na sa panangin ko. Feeling ko hinihila ako sa ilalim ng lupa."
"Ganoon kalala?"
Parang batang tumango ito. "Sobra."
"Sige subukan natin bukas. Sana madala sa pakiusap. Naniniwala naman si Mama sa mga ganoong bagay. E ang mama at papa mo?"
"Wala namang problema kay Papa. My mother doesn't believe in such. She always concludes it as a work of evil. Hindi siya naniniwala sa mga barang o sa mga faith healers. So baka nga mahirapan ako sa kanya."
"Siguro naman ay maniniwala siya kung sa-sample-an natin siya?"
"God, Niña, iniisip ko pa lang ang mga side effects gusto ko na lang tumira sa bubong ng bahay n'yo kaysa maranasan ang mga kamalasan na 'yan. Ikaw mismo alam mo kung gaano kaliit ang tolerance ko sa sakit."
Natawa siya. "I know. I know. Konting galos nga lang e akala mo mamamatay ka na."
"O, kita mo? How much more now?"
"But you will live. Isipin mo na lang this will improve your character development."
"Sana ma convince ko nga sarili ko. Pero seryoso pwede bang higaan 'yong bubong n'yo? Para sa'yo magtitiis ako."
"Makapagkamalan ka pang aswang."
"Mamaya ka na umuwi, ha? Ipapahatid naman kita kay Juan. Mas mahinahon 'yon mag-drive kaysa kay Simon."
"Racer ba 'yong si Simon?"
"He is as a hobby. Pero mas mauuna ka pang mamatay sa kanya kapag angkas ka nun. That guy doesn't fear death."
"Mukha nga."
"But rest assured kapag may angkas siya 'di ka naman niya papatayin," he chuckled, "sa nerbyos siguro."
"Feeling ko titiwalag na nang tuluyan kaluluwa ko sa kanya."
"Hindi 'yon mangyayari hanggat buhay pa ako."
"Dahil?"
"For better or for worst na tayo, Ninin. Kapag nawala ka. Wala na rin ako."
Natawa siya. "Bakit feeling ko kanta 'yan?"
"Hahaha!"
"DAPAT yata dalasan natin 'tong Sunday Bonding natin. Sabay na rin tayo magsimba lagi, Carol. Ano sa tingin mo, Balti?" ni Tita Bea.
Balti smiled, "I think it's a good idea."
Kapansin-pansin naman panggigil ni Maha sa kinakaing leche flan sa platito. Pina-deliver lang ni Balti kay Math ang mga pagkain sa bahay ng mga magulang nito. Pagkarating nila sa Juarez Residence ay naihanda na ng mga maids ang pagkain galing sa Noah's Ark.
Tapos na silang mag-lunch pero feeling niya 'di siya matutunawan sa kaba. Balti is observing their parents. Halatang naghahanap ng magandang timing. Naawa siya rito. Nang umuwi siya ay nawala naman ang pandinig nito at mas lalong lumabo ang mga mata. Itinulog na lang daw nito at nang matapos na. Si Maha na ang nag-drive para rito at baka makasagasa pa ito sa daan.
"Ang ganda at ang laki na ng bahay n'yo, Bea," komento ng ina.
"Naku, apo na lang talaga kulang." Parehong natawa ang magkaibigan. Hayan, apo na ang usapan. Mas lalo siyang kinakabahan. Gusto niyang lumaklak ng isang galon na tubig. "Ewan ko ba riyan sa mga anak natin. Walang kabalak-balak mag-asawa."
"Naku, sinabi mo pa. Ang mga kasamahan nating guro noon, naku, si Alicia, 'yong huling kinasal sa atin may apo na, tatlo. Si Melanie, nanganak na 'yong manugang niya. Aba'y panay post sa facebook ng mga pictures ng mga apo nila."
Isa pang salad. Isang baldeng salad yata ang kailangan ko.
"Ahem," Balti cleared his throat.
Naku hayan na, dios ko! Mahabagin, Birhen ng Santisima. Bumukas nawa ang kalupaan at kainin siya ng buhay. Paano na lang kapag nalaman ng tatlong matanda na na gayuma niya si Balti? Ang laking kahihiyan!
Itatakwil ka talaga ni Carol, Niña!
"Yes, hijo, ano 'yon?" pansin ni Tita.
"Well, Ma, Pa, Tita Carol, I have something to say."
Natuon ang atensyon ng lahat dito. Nanginginig na kamay niya na mahawak ng kutsara. Katabi pa naman niya sa sofa si Balti kasi inangking tuluyan ni Maha ang pang-isahang sofa.
"Tungkol saan, Balti?" asked Tito Juanito.
"About... me... and Niña..."
Sabay na namilog ang mga mata ng tatlong matanda.
"Naku!" react ni Tita Bea. "Sinasabi ko na nga ba."
"Wait, Ma, pakinggan n'yo muna ako."
"Buntis ka Niña?" sigaw na tanong ng mama niya. Sa gulat niya ay nabitiwan niya ang kutsara na hawak. Hindi niya kinaya ang mama niya! "Niña, umamin ka. Buntis ka ba?"
"Maaaa!"
"Tita let me explain."
"Juanito, tawagan mo si Father Andrei kailangang maikasal agad ang dalawang 'to!"
"Ma!"
"Tita!"
"Ommo!" ni Maha. "Is it true?" Nang-iintriga pang panggagatong nito.
Ewan ko sa'yo Maharlika! Isa ka pa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro