Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

KANINA pa nakatitig si Niña sa kisame ng kwarto niya. Isang lingo na ang lumipas simula nang makabalik siyang Cebu. Tatlong taon din siya sa Thailand bilang elementary English Teacher. Umuwi lang siya dahil tapos na ang contract niya. Pwede naman siyang mag-renew pero may humahatak sa kanya na umuwi na lang at sa Cebu na lang ulit magturo.

Bumuntong hininga siya at iniangat ang cell phone sa harap niya. Naghahanap siyang hiring maliban sa Online English School. Gusto niyang magturo sa isang classroom environment. 'Yong may mga bata talaga. Naaliw kasi siya sa mga makukulit ba bata kahit na sakit din sa ulo.

"Ano bang – aw!" napangiwi siya nang dumulas sa kamay niya ang cell phone at dumiretso 'yon sa mukha. "An...sakit...putik!" Kinuha niya ang cell phone at bumangon. 

Hinihimas-himas niya ang nasaktang ilong.

Ang sakit talaga!

Pagbaba niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang isang page. Kumunot ang noo niya. She was sure hindi 'yon ang tinitignan niya kanina. Baka aksidente niya lang na tap. She shrugged her shoulders. Most likely, 'yon ang nagawa niya.

"Online Hula," basa niya sa pangalan ng page.

Kamay na nakahaplos sa isang crystal ball ang display photo nun. It made her curious kaya binasa na niya ang mga reviews ng page. Namilog ang mga mata niya dahil 5 stars halos ang review rates. Ang hahaba rin ng mga comments na legit talaga ang hula at hindi scam.

Masyadong misteryoso ang ang owner ng page.

Maliban sa mga edited quotes at isang display photo ay wala nang ibang pictures doon. Mukhang ayaw talaga nitong magpakilala. Bumalik siya sa profile nito.

"Instruction," basa niya niya sa naka pinned post sa page, "PM is the key." Natawa siya. Wala nang instruction e. PM is the key na agad. Or tamad lang ang owner ng page. 

Inabot niya ang isang unan at ipinatong 'yon sa kanyang mga hita. Isinandal niya ang mga siko roon at nag-type ng message sa messenger. 

"Okay, let's try."

Niña

Good evening, I'm interested. How?

ONLINE HULA

Hello! Welcome to Online Hula where we virtually see your future & fortune. For group hula package, type 1. For solo hula package, type 2. For membership hula package, type 3.

Natawa siya. 

"Seryoso ba 'to? May pa package? Ano 'to vacation trip?"

She typed 2.

ONLINE HULA

Thank you, you're now availing the solo hula package. To assure that we're legit. Your first 2 questions shall be free. For more hula, a 50% down payment shall be billed in your account. The remaining balance will be billed after the hula session. Please see the payment details below. The mode of payment is thru Gcash and Paymaya only.

Sagad Online Hula – Php 350.00

Inclusions: Unlimited questions (Family, Health, Career, Love Life, Misfortune & others)

Tipid Online Hula – Php 250.00

Inclusions: Limit of 3 questions per (Family, Health, Career, Love Life, Misfortune & others)

Buraot Online Hula - Php 100.00

Inclusion: Love life lang kasi 'yon lang naman pinunta mo rito!

Account Number: 0945-521-5906

Thank you!

Mukhang legit naman talag e. Saka maganda feedback ng page. Tawang-tawa siya sa Buraot Online Hula. Ito na talaga nag-adjust e.

But anyway, curious din talaga siya. 

Hindi na kasi siya naniniwala sa mga hula sa sidewalk. Parang scam na masyado 'yong iba. Aminado siyang mahilig siya sa mga hula, mystical things at destiny. Nakaka-excite kasi na malaman ang mga posibleng bagay na pwedeng nakasulat sa mga palad ng tao. 

Saka, binibenta na siya ng nanay niya.

Mag-asawa na raw siya.

May scarcity ng lalaki. 'Yong iba, lalaki na rin hanap. Sana naman may magtira para sa kanya. 

Niña

Okay, I'm in.

ONLINE HULA

Alright! Please send a clear photo of your right and left palm. Magbigay ka na rin ng 2 questions. After ng 2 questions kapag gusto mo ituloy. Sasagutin lang kita kapag nagbigay ka ng screenshot ng payment mo. Okies?

Niña

Sure!

Nag-send siya ng dalawang photos rito.

Niña

First question, what's my work? Second, how old do you think I am?

Naka private ang account niya at selfie lang naman niya ang display photo niya. At kapag matagal itong sumagot. Baka nag-stalk pa ito sa profile niya.

ONLINE HULA

Nice one! You're a teacher. I can see na mahilig ka sa bata so probably isa kang elementary teacher. Sa nakikita ko, mukhang kababalik mo lang dahil nagtrabaho ka sa ibang bansa.

Namilog ang mga mata niya. Shuks! Kinilabutan siya.

Second question, you're in your early 20s – 25.

Tama rin ito.

She's now convinced that the page is legit. Wala rin talagang makukuha sa profile niya kahit ma hack pa 'yon. Hindi siya mahilig mag-post.

Niña

I'll pay.

ONLINE HULA

Push!

Mabilis na nagbayad siya ng down payment. She sent the screenshot of the receipt.

ONLINE HULA

Received. So, anong gusto mong malaman?

Nakagat niya ang ibabang labi. Humugot siya nang malalim na hininga saka nag-type ng itatanong niya rito.

Niña

Love life, anong nakikita mo sa love path ko?

Nagtagal ng ilang segundo bago nito natapos ang kino-compose na message.

ONLINE HULA

Isang lalaki sa 'yong nakaraan ang muling magbabalik. Magkikita ulit kayo pero gulo ang magiging hatid. Isang pagkakamali ang maglalapit sa inyong dalawa. Pero mag-ingat ka dahil maaring kabiguan ang hatid. Huwag basta-basta tatanggap ng kung ano kung may magbigay. Saya at lungkot ang maaring maging kapalit.




KABADONG-KABADO siya nang pumunta sa eskwelahan na in-refer sa kanya ng mama niya. Paano pa siya kakalma? Eskwelahan 'to na paymamay-ari ng mga Juarez.

Dating guro ang kanyang ina bago ito nagkaroon ng gallbladder stones. That's also one of her reasons kung bakit kinailangan niyang mag-abroad. Kinailangan niyang may panggamot dito at operasyon. Only child lang din siya. Hiningi at pinagdasal pa sa Dios.

Kilala niya si Maria Beatrice Juarez. 

Ang school directress ng St. Nathaniel Learning School.

Dios ko, siya lang naman ang ina ni Bartholomew Juarez. Ang crush niya noong high school. Kung saan siya naging loyal nang madaming taon. Sinundan niya pa ito sa Cebu Normal University kahit na nang mag-freshman siya ay senior na ito. Balti is five years older than her. Maaga lang talaga siyang nag-aaral kaya naabutan pa niya ito.

Parehong guro ang mga ina nila sa isang public school noong mga dalaga pa ang mga ito. Naging principal hanggang sa ma promote bilang OIC DepEd Region 7 Director si Dr. Maria Beatrice Jaurez.

Ang mama niya mas piniling maging uliran at simpleng guro sa probinsiya sa Alegria. Pero noong ma assigned ito sa s'yudad, lumipat na rin sila sa Cebu City permanently. 

Nagkita lang ulit ang dalawa sa PTA meeting noong High School na siya. Pumasa kasi siya sa Cebu City National Science High School. Noong mag first year siya roon, fourth year naman na si Balti. Nakasama niya ito sa isang club, doon siya nahulog nang sobra – 'di nga lang siya sinalo.

Tapos na siyang mag-teaching-demo.

Final interview na lang ng school director. Panay na ang tapik niya sa mga hita sa itaas ng slacks niyang suot. Ang kaba niya umabot na yatang Pluto habang naghihintay sa apat na sulok na silid na 'yon.

Ilang taon na rin simula nang huling pagkikita nila ni Tita Bea.

Hindi talaga siya mag-a-apply rito kasi nahihiya siya. Pero dala na rin nang pamimilit ni Mama at dahil malapit lang sa bahay ay pumayag na rin siya.

Mabait naman ito pero strikta talaga.

Iba kasi ito sa trabaho at sa outside work. Kahit noon, medyo naiilang siya. Feeling niya kasi papagalitan siya.

Second reason ay si Maha. 

Kapatid ni Balti.

Naging kaklase niya ito sa CNU. Naging close friend niya - used to be bffs. Pero may misunderstanding kasi sila noon. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya nitong hindi pinansin. Iniiwasan na hanggang sa hindi na sila nabigyan ng chance na magka-usap ulit.

Napatuwid siya ng upo nang marinig ang pagbukas ng pinto. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa isip niya maka-ilang-beses na siyang nag-sign-of-the-cross. Nina, laban! Pasimple siyang bumuga ng hangin at kinalma ang sarili. Inayos niya ang salamin sa mata at tumayo na.

At ganoon na lang ang gulat niya nang hindi matandang babae ang nakatayo sa harap ng nakasaradong pinto.

Literal yata na nahulog ang puso niya nang makita kung sino 'yon.

Bartholomew Juarez!

Matitisod yata siya kahit nakatayo lang naman siya.

Si Balti ang mag-i-interview sa kanya?

Seryoso?

Wait, 'di niya pinaghandaan ito.

And when that mischievous smile peered on that handsome face – wala na. Mababagsak na niya 'tong interview na 'to. Anak ng visual aids!

Bagay na bagay rito ang suot na teacher's uniform.

"Hi, good morning, I'm sorry I was late," anito, naglakad ito sa direksyon ng upuan sa likod ng mesa kung saan siya nakaharap. Hindi agad ito umupo. "Have a seat, Ms...." Tinignan nito ang resume na hawak niya. "Ms. Marzon."

Hindi siya nito nakikilala?

Takte? Kinalimutan siya?

Wow naman.

"Thank you," aniya, pilit ikinukubli ang sama ng loob sa tono ng boses niya.

Para namang wala silang pinagsamahan ng 'sang 'to. Nakakasama ng loob, ah! Halos sabay silang naupo sa kanya-kanyang upuan.

"May biglaang meeting si Mama, so ako na muna ang mag-i-interview sa'yo."

"Okay."

"Let's start?"

Tumango siya.

Muli nitong inangat ang transparent folder kung saan naka attached ang kanyang resume at teaching demo assessment. Nakatukod ang mga siko nito sa mesa kaya natakpan ang mukha nito ng folder.

"What's your name?"

Bahagyang kumunot ang noo niya sa unang tanong nito. Bakit pakiramdam niya may mali?

"I'm Niña Rosella Marzon," sagot pa rin niya.

Bumaba ang kamay nito na may hawak ng folder kaya nakita na niya ang kalahati ng mukha nito.

"How old are you?"

"I'm 25 years old."

"Zodiac Sign?"

"Virgo." 'Yong question mark nasa isip niya.

Balti, ano na naman 'to?

"Blood type?"

"A."

"Motto?"

Ayaw niyang paghinalaan pero mukhang nanti-trip na naman ang 'sang 'to.

"The only way to go through life is to experience the good and the bad."

Tumango-tango ito. "Hobbies?"

"Watching Kdramas. Listening to music. M2M."

He was suppressing a smile, instead, he gave her an impressed nod. "Okay, define Love, Ms. Marzon."

Ibinaba nito ang hawak at tinitigan siya. Putik. Huwag mo akong titigan, Nakakapanghina. Bakit ba mas lalo itong gumwapo ngayon? He's aging like a fine wine. Na saan ang justice?

"L-Love?" she even stuttered.

Masama na talaga 'to.

Sa ilang taong pagsunod niya kay Balti na master na niya ang art of crushing in silence. 'Yong kahit 'di siya napapansin at iba ang nakakaagaw ng atensyon nito ngumingiti pa rin siya na parang nanalo ng isang pack ng Virginia Hotdog sa roleta ng swerte sa supermarket.

"Yes, what is love?"

Pwede niya kayang sabihing?

You're the love I've been dreaming of.

Teka, kinilabutan siya roon ah.

Erase!

"Ms. Niña?"

Napakurap-kurap siya.

My god, Niña Rosella. Mag-isip ka.

"What is love?"

"Love is..."

Napatingin naman siya sa may bandang bintana sa likuran ni Balti. Glass window 'yon ay mukhang nakalimutang itakip ang kurtina. May nakita siyang tatlong batang babae na may idinikit na bond paper sa glass window. Mukhang mga nasa 6 years old ang mga ito. Kalahati lang ng mukha ng mga ito nakikita.

Gamit ang red crayon ay nakasulat sa papel ang mga salitang –

"I... love you... Sir Balti..." basa niya nang malakas.

"Ano 'yon Ms. Niña?"

Napasinghap siya at naibalik ang tingin kay Balti. Shuks. Na distract na naman siya. Mabilis na ikinumpas niya ang mga kamay sa harap nito.

"No! I mean. May mga bata kasi sa labas –" Pagkaturo niya sa bintana ay nawala ang mga bata. Sinundan 'yon ng tingin ni Balti. Oy, na saan na ang mga 'yon?

"Anong meron?"

"May mga bata kasi talaga sa bintana, mga estudyante mo yata," nagpa-panic niyang rason, "binasa ko lang 'yong nakasulat sa papel..."

Ngumiti si Balti. "Sure?"

Sunod-sunod siyang tumango. "Promise!" itinaas niya pa ang kanang kamay.

Muling itinukod ni Balti ang mga siko sa mesa at pinagdaop ang mga kamay. Their eyes met. It gave her a different feeling. Para siyang estudyante na pinatawag ng principal dahil may nilabag siyang school rules.

Napalunok siya.

"One last question."

"Ano 'yon?"

Ikiniling nito ang ulo sa kanan. "Did you miss me?" tanong nito na may ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro