Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

NATAGPUAN ni Marison ang sarili sa dalampasigan. Nakaupo paharap sa dagat ang isang nakaputing babae. Alam niyang 'yon din ang babaeng nakita niya noon. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.

The woman was looking at the starry night sky above them.

"Hi," nakangiting bati niya rito.

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Hello," bati nito sa kanya saka ngumiti.

"Ikaw rin 'yong nakita ko noon, 'di ba? Kilala mo ba si Jude?" Marahan itong tumango. "Kaibigan ka ba niya?"

"Hindi ko pa pwedeng sabihin kung sino ako pero malalaman mo rin naman."

Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "Bakit naman?"

Ibinalik nito ang tingin sa dagat. "Tapos na ang oras ko sa mundong 'to, Marison." Ramdam niya ang lungkot sa boses ng babae. Tila ba ayaw pa sana nito pero wala na itong magagawa pa. Ramdam niya ang lungkot nito sa kanyang puso. "At kailangan ko na ring umalis."

"Aalis ka na?"

Tumango ito at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Pero hindi ko pa magagawa 'yon sa ngayon." Malungkot itong ngumiti.

"Si Jude ba?"

The woman nodded.

"Anong pangalan mo?"

Hinuli nito ang mga mata niya.

There was an eerie feeling. Para bang nakatitig siya sa sarili niyang mga mata.

"Sana mabago mo ang isip niya," basag nito. "Maalis ang galit sa puso niya at maibalik muli ang dating masayahing sarili. Gusto kong kilalanin mo siyang mabuti."

Ngumiti ito.

"Sana matulungan mo siya Marison."

Gusto pa sana niyang magsalita pero bigla na lamang sumama ang panahon. Naibaling niya ang tingin sa dagat. Gumuhit ang kidlat sa madilim na kalangitan. Kasabay nun ang malakas na kulog at marahas na hampas ng alon. 

Agad siyang nakaramdam ng takot.

"Teka –" pagbaling niya sa babae ay wala na ito sa tabi niya.

Muling kumulog kaya impit siyang napasigaw.

Napasinghap siya at napabalikwas ng bangon.

Natutop niya ang noo at mariing naipikit ang mga mata. It's just a dream. It's just a dream, Marison. Ramdam pa niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nag-inhale-exhale siya just to calm herself. Malinaw na malinaw sa kanya ang mukha ng babae sa panaginip pero bakit biglang 'di na niya magawang alalahanin ang mukha nito?

Natigilan siya nang biglang gumuhit ang kidlat sa labas. Ramdam niya ang bahagyang pagyanig ng mga bintana. Ngayon niya napansin na malakas pala ang ulan sa labas. Umuunos. At walang kuryente. 

Bumalik sa kanya ang huling eksena sa panaginip.

Napasinghap siya nang muli na namang kumidlat kasabay nun ang malakas na pagkulog. Tila gusto nitong pumasok sa loob ng kwarto niya. Napaatras siya lalo sa kanyang likuran hanggang sa makasandal na siya sa headboard ng kama. Yakap-yakap niya ang nakatiklop na mga binti sa kanyang dibdib sa ilalim ng kumot.

She buried her face on her knees.

She feared the sound of thunder ever since she was a child. For her, it was like hearing a monster howling in anger. Tila gusto siyang saktan ng kidlat.

Muli na namang kumulog.

She felt her body trembled every time she hears the terrifying rumble sound.

"Jude..." she sobbed. "Jude... puntahan mo ako rito... please..."

Takot na takot siya. 

Iyak na lang siya nang iyak. 

Kapag ganitong masama ang panahon, agad na siyang pupuntahan ni Yaya Celia o 'di kaya ng daddy niya. Yayakapin siya ng mga ito hanggang sa makatulog siya.

Pero sa pagkakataon na 'yon. She's on her own. Nasa kabilang kwarto si Jude. Hindi siya nito maririnig sa sobrang lakas ng ulan sa labas.

And she could only cry in silence.

"Nobody... knew... we're in love..." umiiyak na kanta niya. "The girl... behind my... every song. The hidden meaning... of my written... words!" Lalo siyang naiyak nang kumulog na naman. Still, she kept singing. "I-I sang it for the world... to hear..."

You can do this, Marison. 

Stop crying.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto.

Agad niyang naiangat ang mukha. At kahit sa dilim naaninag niya ang pigura ni Jude. "Jude," tawag niya rito – halos 'di na niya marinig ang boses. But she heard a big relief in her voice.

"Mari?"

Lumapit ito sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Tumayo siya at patalon na yumakap dito.

Nasalo siya nito at niyakap. "Mari?"

"Jude," parang batang tawag niya rito sa pagitan ng iyak.

Humigpit ang yakap niya rito.

"Shsh, don't cry. I'm here now," alo nito sa kanya.

Kumulog na naman kaya halos isubsob na niya ang mukha sa dibdib nito. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan sa takot. Jude's hand rested at the back of her head while his other arm wrapped around her. Humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Are you afraid of thunders?"

Hindi siya nagsalita at tumango. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok.

"It's fine. Relax."

His voice was so calm and soothing. Somehow, it made her calm down. 

"J-Jude..."

Jude carried her in his arms. Naramdaman niya ang paglubog ng kama nang sumampa ito para ihiga siya. He didn't let go of her. Nanatili itong nakayakap sa kanya habang nakahiga sila.

"Akala ko ba dalaga ka na? Bakit takot ka pa rin sa kidlat?"

"Iba naman kasi."

"Thunders will not gonna harm you as long as you're inside the house."

"I-I'm sorry... kung para pa rin akong bata..."

"Matulog ka na, Mari."

"Hindi ka aalis?"

"Paano ako aalis e umiiyak ka?"

Humigpit ang yakap niya rito. "Pwedeng mamaya na lang? Kapag tumila na ang ulan. Dito ka na lang muna."

"I'll stay. Sige na. Matulog ka na ulit."

Mariin niya na namang naipikit ang mga mata nang kumulog na naman. Humigpit ang hawak niya sa t-shirt nito. Mukhang napansin naman ni Jude ang reaksyon niya. Natakot siya nang bahagya itong kumalas sa kanya.

"Jude..." 

Naimulat niya ang mga mata.

"Relax," nakangiti nitong sagot. "I have a better idea."

May kung ano itong kinapa sa mesita nito – ang earbuds niya. She almost forgot about that. Jude tucked one earbud sa kanyang kaliwang tenga. He put the other pair in his right ear.

Ikinabit nito ang cord sa cell phone niya saka naghanap ng kanta sa music gallery niya. Pinili nito ang isa sa mga kantang nasa favorites niya. 

Mayamaya pa ay nag-play na ang kanta.

You by Carpenters.

Inayos ni Jude ang pagkakahiga nilang dalawa

Nakaunan siya sa isang braso nito. Jude held her other hand and rested it on his chest as he scooted her closer on his body.

"You are the one who makes me happy," he started singing. "When everything else turns to grey." Napangiti siya. Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata. "Yours is the voice that wakes me mornings. And sends me out into the day. You are the crowd that sits quiet. Listening to me. And all the mad sense that I make."

Hearing Jude's voice tila tuluyan na siyang nabingi sa nakakatakot na ingay mula sa labas. At boses lang nito ang naririnig niya.

"You are one of the few things worth remembering... and since it's all true. How could anyone mean more to me... than you..." 

Thank you, Jude.


HAY NAKU! 

Wala talaga siyang talent sa pag-do-drawing. Ang lapis na yata ang gustong sumuko sa kanya. Nasa lanai silang dalawa ni Jude. Wala na silang magawa. Halos naubos na yata nila lahat ng pwedeng gawin sa isla. Isang linggo na ang lumipas. Nag-extend pa sila.

Hawak niya ang malaking sketchpad at lapis.

Si Jude naman, seryosong-seryoso sa pagdo-drawing. Akala mo naman project ang ginagawa. Sinilip na niya ang drawing nito mula sa likod nito. At ganoon na lang talaga ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang dino-drawing nito ang bahay kasama na rin ang landscape ng nakapaligid doon.

"Ang ganda!" she exclaimed.

She was in awe.

Halatang nagulat ito sa biglang pagsigaw niya. Kunot na kunot ang noo nito. Natawa naman siya. Hindi licensed architect si Jude pero he finished a degree in architecture. So, it's not a big surprise to her that he can draw. She didn't see any photos of his artworks dahil hindi naman nito 'yon sini-share online.

Gusto tuloy niyang hingin ang drawing nito at papirmahan kay Jude.

Idadagdag niya lang sa collections niya.

Nangangati na ang kamay niyang agawin kay Jude ang drawing. "Akin na lang," excited niyang sabi. "Sige na. Akin na lang, please?" Pinagdaop niya ang mga kamay sa harap nito. She give him her best puppy face.

Natawa naman ito. "Aanhin mo naman 'to, ha?" Iniangat pa nito nang bahagya ang hawak nitong sketchpad.

"Ipapa-frame ko," nakangiting amin niya.

"It's just a drawing –"

"Oy, hindi ah!" Inagaw niya mula rito ang sketchpad. Gosh! Pero pilit niyang pinigilan ang sarili na mag-overreact. Dapat with poise at class pa rin kapag nag-fa-fangirl. "Kahit water bottle mo i-ke-keep ko pa rin. Pwede ring panyo mo. I will treat them like my greatest treasure."

Tumaas ang isang kilay nito sa kanya. A mischievous smile slipped on his face. Inilagay nito ang lapis sa isang tenga nito.

"Well then," saka umayos ng upo, paharap na sa kanya, "what type of fan are you?"

Ngumiti siya. "Honey, I'm your biggest fan." Bahagya itong natigilan saka tumawa. She took the chance to return the sketchpad to Jude. "Idol, pa sign lang. Ilagay mo, I love you Marison."

"Talaga lang, ha?"

Tinanggap nito ang sketchpad at kinuha ang lapis sa itaas ng tenga nito.

"Iba naman 'yong I love you sa mahal kita sa I love you na mahal kita dahil mahal kita as a fan at idol na idol kita kaya mahal na mahal kita." Naikiling niya ang ulo sa kanan – bahagyang nakakunot ang noo. "Teka, parang 'di ko gets sinabi ko."

Lalo namang natawa si Jude. "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong mahal kita. Sino ba talaga mahal mo?"

"Ikaw."

"Hmm?" sumilay muli ang nakakalokong ngiti nito.

"Mahal kita as a fan!" agap niya. "Bilang fan. Ganoon lang."

Naglapat ang mga labi niya habang sinusulat ni Jude ang dedication nito. "Little Girl, I'm also your biggest fan," anito habang isinusulat 'yon, "Jude Asrael Savio." Pinirmahan nito 'yon at nilagyan pa ng date.

"Thank you!" she exclaimed again in pure joy.

Akmang ibabalik na nito ang sketchpad nang bawiin nito 'yon. "O, baka kapag nag-away tayo at nagalit ka sa'kin itapon mo 'tong lahat."

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"Well, baka lang naman," he shrugged his shoulders, smiled, and gave her the sketchpad, "and you're welcome."

Niyakap niya 'yon. "Grabe, hindi mo alam kung gaano kahalaga sa'kin 'to, Jude. I will really, really, keep this."

"Sana pati 'yong panliligaw ko sa'yo pansinin mo na rin."

Natawa siya. "Nanliligaw ka na ba? 'Di ko ramdam," biro pa niya.

Napamaang ito. "Wow! Hindi mo ramdam? Saan ba ako banda nagkulang?"

Tumawa lang siya.

Hindi naman sa hindi niya pinapansin ang panliligaw ni Jude sa kanya. Gusto niya lang muna talagang i-treasure ang moment na magkasama sila. At nakikita niyang nag-e-effort din naman talaga itong makilala siya.

"Patience is a virtue. Hindi madaling makuha ang puso ng isang Lucia Marison Salvaleon."

At ibibigay lamang niya 'yon kay Jude kapag handa na siya.

Tumayo na ito. "Nagugutom ako. Gusto mo ng spaghetti?"

"Ha?"

"Sabi ko, gusto mo ba ng spaghetti?"

Ngumiti siya. It's one of her favorite foods. Hinulaan lang ba nito 'yon o nahuli na naman siya ni Carlo na kinakausap ang tomato sauce sa kusina?

"Gusto."

"Halika," hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok ng bahay, "tulungan mo akong magluto ng spaghetti. Balita ko kasi favorite mo 'yon."

Umawang ang bibig niya.

Sabi na e.

Pero paano nito nalaman? 

"How did you know?"

Nilingon siya nito mula sa balikat. "Inutusan ko si Karla na pasagutan sa'yo ang isang entry ng slumbook niya." Namilog ang mga mata niya.

"Hoy!"

Naalala nga niya. Last week 'yon. She didn't mind it dahil ganoon naman talaga ang mga bata. Mahilig magpasagot sa mga slumbook. But never niyang naisip na maiisip ni Jude na gamitin ang strategy na 'yon sa kanya.

Tawang-tawa naman si Jude. "I know a lot of ways to know you, Marison."

"Daya mo!"

"I call that strategy."

Sa huli ay natawa siya.

Ay ewan.

Araw-araw na lang ba siyang gugulatin ni Jude? He's really full of surprises. She wonders kung ano na naman kayang ang susunod na surprise nito sa kanya?



BORED NA BORED na talaga siya sa bahay. Gusto na niyang umalis ng isla. Nag-e-enjoy naman siya. Pero hinihintay niya 'yong roadtrip talaga nila Jude. Kailan kaya nila i-re-resume 'yon?

Naka-ilang-sitting position na siya sa sofa sa sala. Ilang baliktad na ba ang ginawa niya sa magazine na natapos niyang basahin kanina. Binaliktad lang niya baka may nilagpasan ang mga mata niya.

Sakto namang bumaba mula sa second floor si Jude. Napakurap-kurap siya nang dumaan ito ng sala na naka boxer shorts lang at walang damit pang itaas. Napalunok siya nang wala sa oras. Kamuntik na niyang mabitiwan ang hawak na magazine. Hindi niya sigurado kung may hanahanap ito o dumi-display lang.

Marison, behave.

E, bakit ba naman kasi naglalakad 'tong si Jude sa bahay na 'yan lang suot? Usually, he's wearing pants, sleeveless or shirt.

She doesn't want to think that he's doing it on purpose.

No.

Hindi talaga.

Bigla itong lumingon sa kanya. Shuks! Buti na lang naunahan niya ito at naitaas na niya ang binabasang magazine hanggang sa kanyang noo.

"Mari," bahagya siyang napaigtad nang tawagin siya nito. Kung tawagin siya nitong si Jude akala mo, asawa niya lang e. Not that she's complaining. Kinikilig pa nga siya... with moderation.

Ngiting-ngiti pa siya sa likod ng magazine.

"Bakit?" sagot niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagbabasa."

"Na baliktad ang magazine?"

Nanlaki ang mga mata niya. Napangiwi siya. Marison, gusto kitang sabunutan, like now na. Kinalma niya muna ang sarili. Okay, act normal. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na magazine.

"Ay, baliktad pala," ngumiti na lang siya saka inilapag ang magazine sa upuan. "Bakit?"

"Maliligo ako."

"O, 'di maligo ka, bakit?"

"Nawawala 'yong sabon sa banyo. Nakita mo ba?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi ko alam," sagot niya, iwas na iwas sa ibabang parte ng katawan ni Jude. Gosh. Bakit biglang uminit? "Baka hiniram ni Carlo."

"Hmm. Sige, tanungin ko na lang." Akmang aalis na ito nang balikan siya nito ng tingin. "I almost forgot, aalis na tayo sa susunod na araw."

Ay wait! 

Ito na ba 'yon?

Ipapasyal na talaga siya ni Jude?

Bigla siyang na excite. "Saan tayo pupunta?" tanong niya, kunwari wala siyang idea.

"Ikaw saan mo gustong pumunta?" he chuckled.

"Kahit saan basta may magandang view. Ikaw?"

"Kahit saan din," he trailed off, "basta ikaw ang kasama." Inabot niya ang magazine at ibinato 'yon kay Jude. Tumatawang naka-ilag ito. "Bye! Ligo muna ako." 

At mabilis na pumanhik sa itaas.

Baliw talaga!

Mayamaya pa ay bigla naman niyang naalala 'yong babae sa panaginip niya. Hindi niya magawang maitanong kay Jude 'yon dahil hindi niya rin naman alam kung paano sisimulan at kung anong itatanong niya. Hindi rin niya maalala ang mukha na nito.

Sino kaya siya?

Wala naman kasi siyang nabalitaan na may namatay itong kapamilya o kaibigan.

Kilala nito si Jude.

So meaning, magkakakilala ang mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro