Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

"I LIKE YOU, MARISON."

There was a long pause – tanging hampas ng alon lamang ang bumabasag sa katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa ni Jude. Gusto siya ni Jude? Pero ilang araw pa lang naman silang magkakilala nito. 

Ganoon ba talaga 'yon? 

Na love at first sight ba si Jude sa kanya?

She has heard that in the US ganoon ang courting style ng mga lalaki. Straightforward at minsan nga wala nang ligawan. They just try and see things if it works out or not. 

Gusto niyang kiligin but something tells her, it was just too fast.

Oo, gusto niya si Jude. But she wanted him to know her better. Likewise, for her, she wanted to know Jude na hindi lang umaasa sa mga nababasa niya sa mga online articles at magazines.

"Like? You mean, gusto mo akong ligawan?"

He gently nodded. "I know, we just met, I will understand if you reject me this time." Jude chuckled. "But I'm still going to court you with our without your permission just so I can show you that I'm serious."

"Seryoso ka talaga?" bahagya siyang tumawa. "Anong nakita mo sa'kin? Isa lang naman ako sa mga die-hard fans mo. To think, mas may maganda at mas ma sexy pa sa'kin." But deep inside, she hopes that Jude wouldn't change his mind.

Crossed fingers!

If he likes her, sana ligawan na muna talaga siya ni Jude. Gusto rin naman niyang maranasang maligawan. She's not fond of modern courting. Para kasi sa kanya, mas nakikilala mo ang isang tao kapag nag-e-effort ito. Hindi naman 'yong traditional ligaw na kailangan pang mangharana – pwede rin naman – if kaya. Haha.

'Yong simple getting to know each other and friendly dates will do. Wala rin naman siyang karanasan sa mga ganyan. Pero alam niyang mas alam ni Jude ang gagawin.

"Akala ko ba fan kita?" may himig na pagtatampo sa boses nito. "You think I'm that kind of person? To base love from physical looks?"

Nakagat niya ang ibabang labi. "Hindi!" agap niya. "I mean, naisip ko lang naman... since... syempre... celebrity ka... at fan lang naman ako..." Hay naku! Paano ba mag-explain? Hindi niya tuloy alam paano na makakabawi.

She let out a heavy sighed.

Then smile.

"Okay, sorry, I didn't mean to sound offensive. But really, Jude. I appreciate that you like me." She really do. "At sino ba naman ako para humindi 'di ba? Ikaw na 'yan. Jude Asrael Savio, the famous lead vocalist of Queen City," aniya na may paangat pa ng kamay sa mga bituin sa langit na para bang may imaginary slide show siya ng mukha roon ni Jude. "Ang boses sa likod ng mga magagandang musika ng favorite band ko."

Muli niyang ibinaling ang mukha rito.

"Sino ba namang hindi magkaka-crush sa isang katulad mo?"

Natawa ito.

Muli niyang niyakap ang mga nakatiklop na mga paa – nakangiti pa rin. "Alam mo, Jude. Blessing na sa akin na makasama ka sa roadtrip na 'to. Bonus pang gusto mo ako. Hindi ko lang alam kung bakit nagustuhan mo ako. Maganda nga siguro ako." She softly giggled.

"I like your eyes."

Napatingin ulit siya rito – namilog ang kanyang mga mata.

"Ang mga mata ko?"

"It reminds me of...something."

Napangiti siya. "I also like my eyes. Kasi nakikita ko na ulit ang ganda ng mundo. At nakikita ko na rin ang mukha ng nagmamay-ari ng magandang boses na nagbigay sa'kin ng saya."

"Hindi ka naman mahirap magustuhan, Marison. Kung naging mas malaya ka lang, alam kong madami akong kaagaw sa atensyon mo."

"Talaga ba? Sa tingin mo madaming magkakagusto sa'kin?"

Nakangiting iniangat nito ang kamay sa ulo niya. "Oo," at marahang hinaplos ang buhok niya. "You're beautiful. Kind. And easy to talk with. Kaya siguro itinago ka ng daddy mo sa mansion dahil alam niyang madaming susubuk na kunin ka mula sa kanya."

"I hope it's because they love me and not because they want to hurt my dad."

"Paano mo nasabi 'yan?" Jude gently asked.

Ibinaba nito ang kamay at hinila siya payakap sa mga braso nito. She find the gesture comforting. At saka kahit na may suot siyang cardigan. Nilalamig na rin naman siya. 

Jude feels so warm. 

Hindi niya mapigilang isiksik ang sarili rito.

"Naisip ko lang, after that shooting accident inside the house at kung bakit sobrang protective sa'kin ni daddy. Alam kong madami siyang itinatago sa'kin but I just couldn't find my voice to speak up. Alam ko kasing magagalit siya and I hate hearing his angry and frustrated voice. Ayokong naiinis siya sa bahay so as much as possible I avoid the topic."

"But what if you discover something bad about him? How will you react to it?"

She sighed. "Hindi ko alam," she shrugged her shoulders, "madidisyama siguro. Madali namang magsalita ng tapos but in reality, we feel worst than thinking the feeling before it happens. Kaya hindi ko masasabi kung ano eksakto ang mararamdaman ko. Ihahanda ko na lang ang sarili ko, siguro?"

"Life is full of surprises, Mari. Today, masaya ka. The next day, bibigyan ka ng rason ng mundo para maging malungkot. Life has always been that cruel."

Napahikab siya.

Tuluyan na niyang naisandal ang ulo sa dibdib ni Jude. "Malupit ang mundo, Jude..." Naipikit na niya ang mga mata. "Pero hindi naman malupit ang Dios."



NANG MAGISING siya kanina nasa sariling silid na siya. Na stress pa siya paggising when she realized na nakatulog pala siya sa mga bisig ni Jude kagabi. So to answer her question, Jude carried her hanggang sa kwarto niya.

Grabe, Marison! Abuso ka na. Porke't gusto ka, pa baby ka masyado?

Mabilis siyang naligo at nagbihis para makapaghanda ng pagkain. Babawi na lang siya kay Jude. Nakalabas na siya ng silid nang maalala niyang hindi niya suot ang tsinelas niya. Frustrated na bumuga siya ng hangin. She grunted saka mabilis na pumasok ulit sa kwarto para isuot ang naiwang tsinelas.

Marison, focus!

Pagdating niya sa kusina ay naabutan niya si Ate Mela na naghahanda ng mga ipangluluto. It was still past 5 am on her watch. Hindi pa lubusang lumiliwanag sa labas.

"Morning, Ate Mela," nakangiting bati niya.

"O, Marison, ang aga mo, ah?" nakangiting balik tanong nito.

Itinali niya ang mamasa-masa pa niyang buhok gamit ng handkerchief. "Ipagluluto ko ho si Jude. Tinutulugan ko kasi kagabi doon sa dalampasigan."

Natawa ang ginang. "Ay talaga ba?"

"Opo, e. Antokin po kasi ako." Sinuot niya ang apron. "Ano ho lulutuin n'yo?"

"Sinangag, madami kasing sobrang kanin kagabi. Ikaw, ano bang lulutuin mo?"

"Gagawa po akong fried chicken," nakangisi niyang sagot.

Namilog ang mga mata nito. "Nang ganito kaaga?"

Natawa siya. "Opo," sagot niya saka tumango. "Peace offering ko kay Jude. Favorite kasi niya 'yan e."

"Kaya pala may marinated chicken sa loob ng ref. Ikaw pala ang gumawa." Tumango lang ulit siya. Ginawa niya 'yon kahapon nang pa-sekreto. "Aba'y, sige, doon ako sa likod magluluto. Ikaw na bahala rito."

"Sige po."

Umalis na si Ate Mela kaya binalikan niya ang marinated fried chicken sa ref. Inilabas niya 'yon at nilapag sa kitchen counter. Inihanda na rin niya ang frying pan. Pinili niya 'yong malaki at pwede sa deep frying.

"Teka, na saan na ba 'yong mantika?" Nilingon niya ang condiments rack sa ilalim ng mga cupboards. Napangiti siya nang makita ang plastic bottle ng cooking oil. "Found it!"

Nag-inat muna siya saka inilapag ang cell phone sa counter table kung saan hindi 'yon mababasa. She tapped the song in her playlist. Ganoon talaga siya kapag nagluluto sa bahay simula nang makakita siya.

Kumakanta at sumasayaw habang nagluluto.

I know your eyes in the morning sun. I feel you touch my hand in the pouring rain. And the moment that you wander far from me. I wanna feel you in my arms again

Inilagay niya na sa itaas ng stove ang kawa. Turn on the fire and exhaust sa itaas at hinintay na bahagyang uminit 'yon bago inilagay ang madaming mantika.

"And you come to me on a summer breeze," kanta niya ng sabay. "Keep you warm in your love then you softly leave." Napapangiti siya habang ginagawang mic ang hawak na tong. "And it's me you need to show! How deep is your love?"

How deep is your love, how deep is your love?

"I really need to learn... 'cause we're living in a world of fools." Isa-isa na niyang inilagay ang marinated chicken. "Breaking us down when they all should let us be. We belong to you and me – Oh!" 

Napasinghap siya nang paglingon niya ay nakatayo na si Jude sa likod ng kitchen counter.

Nagbabalat na ng saging.

May naglalarong ngiti sa mukha nito but it seem like he was suppressing it.

"K-Kanina ka pa riyan?" she stuttered a bit.

"Kanina pa ba nagsimula ang concert mo?"

Natawa na siya. "Kakasimula pa lang. Bakit ang aga mong nagising?" Ibinalik niya ang atensyon sa niluluto.

"Ang ingay kasi sa kusina. Umabot sa kwarto ko."

"Oy, 'di kaya. 'Di naman ako sumigaw."

Akmang lilingonin niya sana ito nang maramdaman niya ang matigas na katawan nito sa kanyang likod. Ang weird lang talaga na hindi siya awkward pagdating kay Jude. Malaki lang siguro tiwala niya rito. 

"What are you cooking?"

Napangiti siya. "Marison's Fried Jude-ken." Saka tumawa. Pag-angat niya ng tingin dito ay kunot na kunot ang noo ni Jude. "Korni ba?"

"Jude-ken? Seryoso ka?"

Kumurap ito na para bang inisip nitong nag-joke lang siya.

Kagat ang labi na pigil niya ang ngiti. "Oy, seryoso ako. Isa sa mga pinakaunang ginawa ko nang makakita ulit ako ay balikan lahat ng mga likes and hates mo na pinabasa ko kay Yaya Celia noon. At sabi mo sa isang magazine, favorite mo ang fried chicken. Kaya nagpaturo ako kay Yaya Celia paano gumawa ng sariling fried chicken."

"Masarap ba 'yan?" amuse na hamon nito saka sinubo ang natirang saging na kinakain nito.

"Oo naman! Ako pa?" confident niyang sagot. "Maliban sa pagkanta at gardening. Talent ko rin ang magluto." Lumipat ito ng puwesto sa kaliwa niya. Nakaharap sa kanya na isinandal nito ang likod sa counter. "Mamayang hapon, gagawa ako nung favorite mong empanada. Binanggit mo rin 'yon e."

"You already know a lot of things about me. Now it's my turn."

"Hmm?"

"What's your favorite food?"

Natawa siya. "Interview ba 'to?"

"I need my own reference para ako naman ang makapag-fanboy kay Marison."

Lalo siyang natawa. "So you're my fan now?" tinaasan niya ito ng isang kilay. "Do you like me that much, Mr. Jude Asrael Savio?" biro pa niya rito. Panggagaya niya sa tinanong nito sa kanya noon.

"Kapag ba sinagot kita may space na ako sa buhay mo?"

Shuks! Mali yatang biniro niya si Jude. Mukhang siya pa ang ma-ha-hot-seat nito.

"Well, depende sa effort na makikita ko sa'yo."

"Saying it doesn't always mean it's genuine. Why don't I just show it to you, instead?" May point ito. "So, Mari, what's your favorite food?"

"How about this? Since nag-effort ako na i-search 'yon. Bakit 'di ka rin mag-effort na alamin ang mga bagay tungkol sa'kin?"

Natawa siya sa reaksyon ni Jude. Namilog ang mga mata nito. "How am I supposed to do that? It's not like I can search you online."

"Kaya nga mag-effort ka. Malay mo, sabihin ko sa'yo."

Humalukipkip ito. "Are you challenging me, Marison?"

"I'd like to see you taking the challenge, Mr. Savio."

Naghamonan sila ng tingin. Inilahad ni Jude ang isang kamay sa kanya. "Deal." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "So you like eating fried chicken too?"

Ibinalik niya ang tingin sa niluluto. "Oo, favorite ko rin."

"Then at least we have something in common."

Shuks! 

Marahas na naibaling niya ang tingin kay Jude. May pilyong ngiti sa mukha nito. Iniangat nito ang magkahawak pa rin nilang kamay sa labi nito at marahan 'yong hinalikan nang 'di inaalis ang tingin sa kanya.

"One point for me, little girl."

Jude winked saka siya iniwan.

Umawang ang bibig niya.

Napakurap-kurap siya.

Paanong?

Argh! Natampal niya ang magkabilang pisngi. Kakasabi lang e. Bumigay ka naman agad, Lucia Marison! Grabe ka!

Bumuga siya ng hangin.

"Marison, focus!"

'Cause we're living in a world of fools. Breaking us down. When they all should let us be. We belong to you and me.



"KUYA JUDE!"

Narinig niyang sigaw ni Carlo mula sa likod bahay. Dumaan siya sa exit door sa kusina. Doon kasi nanggaling ang sigaw. Paglabas niya ay nakita niya agad si Jude na umaakyat ng puno ng niyog.

Nanlaki ang mga mata niya.

Hindi nga?!

Mabilis na lumapit siya sa dalawa. Para kasing min forest ang likod ng bahay. Madami ring puno ng niyog.

"Hoy Jude!" tawag niya rito na nakaangat ang ulo sa itaas. Wala itong suot na t shirt at naka faded jeans lang itong umaakyat sa puno ng niyog. Nakatiklop lang ng bahagya ang pantalon nito. "Bumaba ka nga riyan! Mahulog ka pa riyan."

"Hindi!" sigaw nito mula sa itaas. "Sanay akong umakyat ng niyog."

Ibinaling niya ang tingin kay Carlo. "Bakit 'di mo sinaway ang Kuya Jude mo? Mahulog pa riyan diyan."

Napakamot lang sa ulo si Carlo. "E pinagsabihan ko na ho, Ate Mari. Kaso ayaw makinig. Sanay raw siya umakyat e."

"Saan ang tatay mo?"

"Lumuwas ng bayan. May pinabibili kasi si Kuya Jude. Sumama rin si Nanay at sinama si Karla mamalengke."

Muli niyang iniangat ang tingin sa itaas. Nasa pinakatuktok na si Jude at pilit na inaabot ang mga bunga ng niyog para mahulog 'yon.

"Tumabi kayo riyan!" utos nito. "Matamaan kayo riyan!"

Inakay niya palayo si Carlo. "Hoy, Jude, mag-ingat ka riyan! Baka mahulog ka talaga!"

"Huwag kang mag-alala! Sa'yo lang ako mahuhulog."

Ngumisi naman si Carlo. "Ayiee, crush ka pala ni Kuya Jude, Ate Mari." Pinanlakihan niya ng mata si Carlo.

"Naku, huwag kang maniwala sa Kuya Jude mo."

"Talaga, ate? Kanina kasi tinanong niya ako kung may nabanggit ka raw ba sa'kin na gusto mong kainin o inumin. Sabi ko noong isang araw nakita kitang nakatingala sa niyog. Narinig po kasi kitang kinakausap 'yong niyog."

Teka, wait! Parang may naalala nga siya.

"Sabi mo, sana bumaba ng kusa ang buko para may magawa kang buko juice."

Wait! Na-e-stress siya. Narinig siya ni Carlo? My gosh! Nakakahiya. 

Lihim siyang napangiwi.

"Sinabi mo 'yon kay Jude?"

Inosenteng tumango ito. "Opo, kaya po siya umakyat diyan para makainom ka na raw ng buko juice."

Ibinalik niya ang tingin kay Jude. Ilang buko na rin ang nahulog nito sa lupa. Hindi niya alam kong kikiligin siya o ikahihiya ang sarili sa mga sinabi ni Carlo kay Jude. At nalaman pa nito ang isa sa mga favorites niya sa pinakanakakahiyang paraan.



"MASARAP BA?" nakangiting tanong ni Jude sa kanila habang nag-i-itak ng buko. Pinagpapawisan na ito pero bakit ang gwapo pa rin? Lantad na lantad pa sa kanya ang maganda nitong katawan at abs.

Lumipat na sila sa harap ng bahay. Sa may lilim ng malaking puno malapit sa duyan. Inilabas nito ang mesa at isang malaking pitsel. Si Carlo ang bahala sa ice at condense milk at evap na hinalo nila sa ginagawa nilang buko juice.

Tinikman niya ang hinahalong juice mula sa baso. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha niya.

"Masarap!" nag-thumbs-up siya saka inabot kay Carlo ang baso. "Carl, tikman mo kung okay na." Tinanggap ng bata ang baso at inubos ang laman nun. "Masarap?"

Sunod-sunod na tumango ito. "Masarap po, Ate Mari!"

"Patikim din ako," ni Jude. Nagsalin ulit siya ng buko juice sa baso at inabot 'yon dito. "Iabot mo lang? My hands are dirty," anito na nakangiti. Hay naku! Palusot nito.

"Carlo," inabot niya ang baso rito. "Nauuhaw Kuya Jude mo. Painumin mo."

"Bakit ibibigay mo pa kay Carlo e hawak mo naman na?"

"Busy ako. Nagtitimpla ako."

Napansin niya naman na pa simpleng sineyasan ni Jude si Carlo. "Ah, ate! May kalimutan pala ako sa loob. Dadalhin ko lang 'yong ginawang budbud ni Nanay. Masarap ho 'yon. Teka po, balik po agad ako."

Pag-alis ni Carlo at pinaningkitan niya naman ng mga mata si Jude. Ngiting-ngiti pa ito pero nang makita ang tingin niya ay nawala ng ngiti nito.

"Nag-effort ka pa, ah."

"Sabi mo gusto mong buko juice," parang batang pag-amin nito.

Natawa siya. Kainis! Bakit ang cute? "Oo nga, pero 'di mo naman kailangang akyatin ang puno. Mahulog ka pa. E ang layo pa naman ng ospital dito. Nasa isla po kaya tayo."

Iniwan nito ang ginagawa at naupo sa isa katabing rattan chair ng upuan niya. Ibinaba na muna niya ang baso ng juice at inabot ang blue na bimpo at ipinunas 'yon sa madumi nitong kamay.

"Thanks."

Saka niya napansin ang blisters sa palad nito. Alam niyang nakuha nito 'yon sa pag-akyat ng puno ng niyog.

"Sanay ka bang nasasaktan?" tanong niya.

"Hmm?"

"Hayan, o," ipinakita niya rito ang palad nito, "may sugat ka naman po."

Natawa lang ito. "Wala 'yan. Kaonting sugat lang." Gamit ng isang kamay ay inabot nito ang baso ng buko juice at tinungga ang laman nun.

Napatitig siya rito habang umiinom na juice.

Lalo na sa marahang pagbaba ng adams apple nito habang umiinom.

Para tuloy siyang nanonood ng commercial sa TV. Kung uminom naman kasi 'tong si Jude akala mo in-endorse ang buko juice.

Also Marison, sana all, baso.

My god, Marison! Kumurap siya at nagsalin ng buko juice sa isa pang baso. Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Bakit kasi nakahubad pa 'tong si Jude?

"You like fried chicken. You also like buko juice," basag nito.

Nag-thumbs-up lang siya habang inuubos ang juice.

"And you also like tying your hair with ribbon or handkerchief."

Napatitig siya rito.

Lihim siyang napangiti.

Napansin din pala niya.

"You like to sing. You like Queen City. You like my songs. You love your Yaya Celia. You love your dad. You own a guitar. Mahilig ka rin magluto... and gardening. And you're a die-hard fan of the lead vocalist of Queen City. In short, you also like me."

Ibinaba niya ang baso.

May paghahamon ang ngiti niya. "And so? Kahit gusto kita. I also want to know how far can Jude Asrael Savio court me."

"Try me."

"Make me."

"I will make you," he trailed off. Inilapit nito ang mukha sa kanya. She saw the determination in his eyes. "Love me, Marison."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro