MARISON wanted to enjoy the beautiful view around her pero imbes na ma-enjoy niya to the full extent ay hindi niya magawa. Hindi siya marunong lumangoy. Well, they have a swimming pool in the mansion but nobody taught her how to swim. Dati, nagagawa niya pang mag-swimming - of course - sa gilid ng pool.
But after she lost her sight, she had totally forgotten about those things.
Panay ang hawak niya sa life vest na isinuot sa kanya ni Jude kanina. Talaga bang 'di siya malulunod kapag suot niya 'to? Bakit ang gaan? Kaya, kaya siya nitong palutangin sa dagat?
"Kain na," aya ni Jude, inabutan siya nito ng isang boiled egg na tapos na nitong balatan. Alanganin siyang ngumiti, bahagya pang nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang itlog. "You okay?" he asked.
Kumunot ang noo nito. Napansin na yata nito ang distress niya.
"Malayo pa ba tayo?"
"We'll be there in 30 minutes. Okay, ka lang ba? Namumutla ka."
Humugot siya nang malalim na hininga. Okay, Marison. Kaya mo 'to. We all have our first terrifying first times. You're just starting.
"Jude," pagkakuwan ay tawag niya rito, "marunong ka naman lumangoy, 'di ba?"
Namilog ang mga mata nito. "Oo, bakit?"
Nailapat niya ang kamay sa may bandang dibdib. She sighed in relief. "Thank you."
Natawa naman ito sa kanya. "Why'd you asked?" Bahagya nitong ibinaling sa kanya ang katawan at tingin. Magkatabi lang naman sila ng upuan. "Don't tell me, natatakot kang tumaob 'tong bangka at malunod tayo?"
"Hindi ako marunong lumangoy. Ngayon lang ako tumawid ng dagat."
"Ano pa bang 'di mo nasusubukan, Marison?" amuse nitong tanong.
Parang may naglalarong mga idea sa isip nito ngayon. Ideas that he wanted to do with her, perhaps? He looks so challenge. Should she feel excited? Or worry?
Marahas siyang bumuntonghininga. "Well, madami. Lagpas sa bilang ng mga kamay ko."
"That wouldn't be a problem. I'll share my hands... and my feet." Ipinakita nito ang dalawang kamay sa harap nila. "You have ten, I have ten here, so we have 20 fingers. Would it be enough?"
Natawa siya. "E 'yong mga daliri mo sa paa?"
"Ten din," nakangiti nitong sagot, "gusto mong bilangin? I'll take off my shoes -"
"Huwag na," tawang-tawa na pinigilan niya si Jude sa pagtatangka nitong tanggalin ang sapatos.
Umayos ulit ito ng upo sa tabi niya. "Just enjoy the sights, Mari."
Napakurap siya nang tawagin siya nitong Mari. Nobody calls her Mari. Halos lahat ginagamit ang buo niyang pangalan. May konting kilig - okay, fine! Malaking kilig sa kanyang puso. Jude just gave her a nickname. She always believes that when someone gives you a nickname, it means you're special.
"Take this as your first step in the outside world," dagdag pa nito.
Ngumiti siya rito. "Thank you."
"Don't thank me. I didn't do anything... yet," he chuckled after.
"Jude," tawag niya ulit dito, "pwede ba this time, mag-picture tayo? Gusto ko lang may remembrance ako nga mga first times ko." Para kapag tumanda siya. May mga larawan siyang mababalikan noong mga panahong sobra siyang naging masaya.
"I don't think you'll want me in those photos," he answered her with a smile.
"Joke ba 'yan?"
"It depends."
Natawa siya. "Bahala ka sa buhay mo. Inilabas niya ang polaroid camera mula sa bag. "Carlo," tawag niya sa kasamang anak ni Kuya Loloy. Busy pa kasi ang ama nito sa pagmamaniobra ng bangka. "Halika, picture-ran mo kami ng Kuya Jude mo." Pagkalapit na pagkalapit ng bata sa kanya ay itinuro niya rito kung paano gamitin ang camera. "Click mo lang 'to, ha? Tapos huwag mong takpan ng daliri mo 'tong flash. Kuha mo?"
"Opo, ate."
"Sige, layo ka pa nang kaonti. Tignan mo kung kasya kami sa camera."
Lumayo nang bahagya si Carlo sa kanila para kunan na sila ng picture. Napansin niya namang sa iba nakatingin si Jude.
"Jude!" sita niya rito. "Tumingin ka sa camera." Hinila niya ito sa braso nang bigla mag-flash ang camera. "Ay ano ba 'yan?"
"Bakit?" nagmamaang-maangan nitong tanong.
Narinig naman nila ang tunog ng paglabas ng film mula sa camera.
"Ate Marison, may lumalabas na picture. Okay na po ba 'yon?"
Pinaningkitan niya ng mga mata si Jude. "Ang KJ mo, alam mo? Bakit ba ayaw mong magpa-picture sa'kin?"
Tinawanan lang siya ni Jude. Kainis talaga! Inabot ni Carlo ang film. Pinaypay niya 'yon sa harap hanggang sa maging malinaw ang picture. At 'yon na nga, ang gulo nila sa picture. Nakatingin sa ibang direksyon si Jude habang hinihila niya itong tumingin sa harap.
Sa huli ay natawa siya.
Ang cute pa rin ng picture.
Bahagya nitong sinilip ang larawan sa kanya. "Tumatawa ka riyan?"
"Kung iniisip mong i-po-post ko 'to sa social media, well, you're wrong. I don't own any and just like you. I'm protecting my image as well."
"Wala akong sinasabing -"
"In case," she cut him off.
"Ate," ni Carlo, "pangit ba? Ulitin ko na lang?"
Nakangiting umiling siya sa bata. "No, it's okay. Thanks, Carlo." Umalis na rin ito bumalik sa tabi ng ama nito. Ibinaling niya ang mukha kay Jude. "One film, one first time experience," aniya rito saka itinuon ang atensyon sa picture.
"Nagtitipid?"
"You know what they say?" baling niya ulit dito. "We aim to always look good in photos so we pose the way we want to be seen by other people. But stolen photos are the best because it shows the real you and it captures genuine emotions shared in that stolen moment."
Tinitigan lang siya ni Jude.
She gives him a smile.
Sa pagkakataon na 'yon ay nawala na ang takot niya. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bangka. Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkakatali ng ribbon sa buhok niya. Though may mga nakawalang ilang hiblang buhok na nilipad ng malakas na hangin ay 'di naman 'yon naging sagabal sa pagtanaw niya sa magandang tanawin sa harap niya.
Bago sa kanyang paningin ang asul na asul na kalangitan na tila ba nakahalik sa asul na asul din na dagat. Tanaw na niya ang isla kung saan sila papunta ni Jude. Mabuti na lamang at kalmado ang tubig sa mga oras na 'yon. It was like the sea knew she's coming. Nilanghap niya ang sariwang hangin at dinama ang hanging tumatama sa kanyang mukha.
Bumalik sa kanya ang excitement.
You're free, Marison. Take every moment as a precious gift and don't waste every second of it.
Namilog ang mga mata niya nang mapansing may mga flying fish. Parang batang napasinghap at napangiti siya. Napahawak siya sa hamba ng bangka.
"Jude tignan mo oh -" natigilan naman siya nang mapansing nakatitig pala ito sa kanya. Hindi niya lang sigurado kung kanina pa o bago lang. "Bakit?" nakangiti niyang tanong dito.
"Nothing," umiling ito at tipid na ngumiti. "Ano bang meron?" Ibinaling nito ang tingin sa tinitignan niya kanina.
"May mga isda," nakatawa niyang sagot, "lumilipad na isda."
"Congratulations, Marison, finally nakakita ka na rin ng totoong isda."
Lalo lang siyang natawa.
"Na buhay," dagdag pa niya. "Achievement unlocked!"
Kinuha niya ang isa pang camera, 'yong digital naman. Simula nang makakita siya. Nagpabili siya sa daddy niya ng dalawang klase ng camera. She wants to capture all the beautiful places na mapupuntahan niya at pupuntahan pa lamang niya. She wanted to have her own memory book than she can always look back whenever she's sad.
And while Jude was in trance with the beauty in front of him, lihim niyang kinunan ito ng picture.
Maganda na ang lugar pero mas gaganda pa pala kung kasama roon si Jude.
Pigil niya ang ngiti habang tinitignan ang picture nito sa maliit na screen ng camera. At nang ibaling bigla ni Jude ang tingin sa kanya ay mabilis na itinuon niya sa ibang direksyon ang camera.
Gosh!
Muntik pa siyang mahuli.
TIRIK NA TIRIK na ang araw nang makarating sila sa isla. Akala talaga niya ay doon talaga sa mismong islang itinuro ni Jude sila pupunta instead sa ibang isla pala na kalapit lang din doon. Tumutusok na sa balat niya ang init at kinailangan pa niyang hawakan ang white brim hat sa ulo para 'di 'yon liparin ng hangin.
Inalalayan siya ni Jude na makababa mula sa tablang hagdanan kaso madulas kaya 'di niya na-i-balanse ang katawan. Napasinghap siya nang kamuntik na siyang mahulog mabuti na lamang at nasalo agad siya ni Jude. Kaso halos ilingkis na niya ang mga braso rito habang pasan-pasan siya nito. Nilipad tuloy ang sombrero niya.
"Careful," natatawang sabi nito.
Nailapat niya ang mga labi. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Hay naku, Marison! Halatang-halata ka na. Focus!
Maingat siya nitong ibinaba sa puti at pinong-pinong buhangin. Namangha siya nang mabasa ang mga paa niya ng tubig. Sa sobrang linaw ng tubig ay para lang siyang nagsasalamin.
"Let's go up," nakangiting aya ni Jude sa kanya.
Pinihit niya ang katawan sa likod. Agad niya napansin ang kahoy na hagdanan paakyat sa malaking bato kung saan nakatayo ang isang malaking bahay. Nakita na niya 'yon nang papalapit ang bangka kanina.
"Ang ganda rito," masiglang sabi niya kay Jude.
Panay pa rin ang tingin niya sa paligid.
Ito ang nagdala ng mga gamit niya pati na ang guitar case niya. Nauna na sila Kuya Loloy at Carlo sa pag-akyat ng mga gamit nila.
"Mauna ka nang umakyat," he gestured to the stairs, "baka madulas ka naman at mahulog."
"Hindi na, mag-iingat na ako. Pero sige." Nauna na siyang maglakad dito. Daldal pa rin siya nang daldal. "Jude, first time mo rito o nakapunta ka na rito dati?"
"Pangalawang beses pa lang. The first one, I think mga teenagers pa lang kami nila Thad at Simon. Maliit na bahay pa lang 'yon dati. But as per Simon, five years ago, ni renovate ang bahay para gawing resthouse."
Pag-akyat nila ay bumungad sa kanila ang isang sobrang gandang two storey balinesse house. It reminded her of those luxurious resorts in Maldives. Ganoon na ganoon ang itsura ng mga rooms at resorts sa travel magazine na nabasa niya.
May beach na sa ibaba pero may swimming pool pa rin sa harap ng bahay. Tila paraiso sa kanya ang mga luntiang halaman at iba't ibang kulay ng mga gumamela at iba pang klase ng mga bulaklak. Ang tunog ng hampas ng alon at marahang paggalaw ng mga dahon ng puno sa mga sanga ay tila musika sa kanyang pandinig.
At may mga ibon pang malayang nakakalipad sa paligid na tila umaawit.
"This is heaven!" tili na niya. Natawa naman si Jude sa tabi niya. Naniningkit na ang mga mata niya sa sobrang saya nang ibaling niya ang tingin dito. "Thank you!" Hindi niya napigilang yakapin si Jude. She felt him taken aback pero madali naman itong nakahuma. "Thank you talaga, Jude! Sobraaa!" Naiyak tuloy siya nang kumalas siya sa pagkakayakap dito.
"Are you crying?" tanong nito sa mababang boses.
Pasimple niyang pinahid ang mga luha. "Tears of joy," sagot niya, saka ngumiti.
Jude chuckled, "you're not just a little girl but also a cry baby," anito bago siya iniwan.
'Yan na naman ito. Dinagdagan pa. Hay naku! Bahala ka riyan, Jude. Tawagin na kamo siyang 'little girl' o 'cry baby'. Iisipin na lang talaga niyang cute siya - magandang cute!
"Judee!" habol niya rito.
"Watch your step -"
"Oh!" singhap niya nang matisod siya sa isa sa mga stone steps sa dinadaanan nila. Dumiretso tuloy siya kay Jude at sumubsob ang mukha sa likod nito. She winced in pain and heard him cursed. Ito naman ang kamuntik mabuwal. Mabuti na lamang at na-i-balanse nito ang sarili.
"Marison," may babala sa boses nitong tawag sa pangalan niya.
Patay!
Mabilis na lumayo siya rito. Agad na inilagay niya ang mga kamay sa likod nang lingunin siya ni Jude mula sa balikat. Ngumiti pa rin siya kahit na naniningkit na ang mga mata ni Jude.
"Sorry," she bit her lower lip.
KINAGABIHAN ay 'di agad siya nakatulog. Hindi pa naman masyadong late. It's still past 8 pm in her phone. Parang malalim lang ang gabi dahil silang dalawa lang ni Jude. Nasa caretaker's house sa likod ng bahay sila Kuya Loloy, kasama ang asawa nito at ang isa pang anak nitong babae.
Lumabas siya ng bahay at naupo sa duyan. It was hanged in a coconut tree. Yakap-yakap niya ang gitara niya. Strumming gently the strings of the guitar sa kung ano-anong melody na pwedeng malikha niya nang mga oras na 'yon. Tila background music niya ang tunog ng mga alon at mga kuliglig sa paligid na siyang bumabasag sa katahimikan ng gabi.
Maraming bituin sa langit. Hindi pa nga lang buo ang buwan.
Hanggang sa may maalala siyang kanta.
Muli niyang pinadaanan ng mga daliri ang string ng gitara hanggang sa makuha niya ang tuno ang intro ng paborito niyang kanta.
"When love is new," kanta niya nang mahina, "and the world is not reaching for you. We try hard to hold it all. In our hands... but it all slipped through... like soft drifting sands. But drying the tears... can build it all like new..."
"So you sing as well?"
Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Jude. Lumikha 'yon ng pangit ng tunog.
"Nanggugulat ka naman," aniya rito, bahagyang nakakunot ang noo.
"You have a sweet angelic voice, Marison," komento nito mayamaya.
Napangiti siya. "Thanks. Wala na nga akong practice e."
Humalukipkip ito sa tabi niya. "It didn't sound bad to me. Do you listen to Air Supply songs?"
"Noong bata ako. 'Yon kasi laging kinakanta ni Mommy sa'kin. It was her lullaby to me." Na miss niya tuloy ang Mommy niya. "Mas maganda nga lang ang boses niya."
"If I may ask, where is she now?"
"She died when I was 10 years old," malungkot siyang ngumiti, "overian cancer," dugtong niya.
"Sorry to hear that."
"It's okay, ikaw pa lang naman ang nagtanong." She laughed to lighten up the mood. Ngumiti rin siya pagkatapos. "Anyway, enough of sad stories, pwedeng mag-request?"
"Ano?"
"Can you sing SECRET for me?" Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. Hindi niya mabasa ang tingin na 'yon. Parang may gusto itong sabihin na 'di nito kayang sabihin sa kanya. "Ayaw mo?"
Lumipat ito ng puwesto at tumabi sa kanya sa duyan. Umisod siya nang kaonti para magkasya sila. Mukhang hindi naman siguro 'yon masisira sa kanilang dalawa. Hopefully, not.
"Can I sing another song?"
Ibinigay niya rito ang gitara. "Okay," ngumiti siya at marahang tinapik 'yon, "galingan mo, baby," kausap pa niya sa gitara.
"Para sa'kin ba 'yan o para sa gitara?" may himig na biro sa boses ni Jude.
"Sa gitara," nakangising pagtatama niya.
Tumawa lang si Jude saka ibinaling ang atensyon sa gitara. He strummed some strings at in-adjust nang kaonti ang tuning keys hanggang sa makontento ito sa nililikhang tunog ng gitara.
"Anong kakantahin mo?"
"I'm still thinking. Do you have a song in mind aside from Queen City?"
"Ayaw mong kantahin ang sarili n'yong kanta?"
"Hindi naman. I'm thinking, maybe you want to hear another song." Sandali itong nag-isip. Marahan nitong tinapik ang katawan ng gitara nang may maisip na ito. "Have you watched the Disney Movie, Tangled? It's Rapunzel's story."
Umiling siya. "Yong Barbie version lang napanood ko." She has heard about it pero 'di niya pa napapanood kasi wala naman siyang makita nang ipalabas 'yon.
Paano niya panonoorin?
Musical ba 'yon?
Jude cleared his throat at inayos ang gitarang hawak. "I'll sing it for you. I have seen that movie once but I like the song. I know you can relate."
"Talaga ba?"
He nodded. A moment after, nagsimula na itong tumugtog. Hindi nga lang niya alam kung 'yon ba talaga ang melody o binago nito in acoustic version but kung ano paman 'yon. She would still love it.
"All those days watching from the windows," kanta nito. Napangiti siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Jude na sa radio at speaker lang niya naririnig. Hindi niya maalis ang tingin dito. "All those years outside looking in. All that time never even knowing. Just how blind I've been."
Paminsan-minsan ay iniaangat nito ang tingin sa kanya habang kumakanta. Tila hinehele siya ng malamig na boses nito. Hearing him sing brings back so many emotions that she never thought she has.
Nostalgic talaga ang boses ni Jude.
"Now I'm here blinking in the starlight. Now I'm here suddenly I see. Standing here it's all so clear. I'm where I'm meant to be... And at last, I see the light. And it's like the fog has lifted. And at last, I see the light. And it's like the sky is new."
Nagtama ang mga mata nila.
"And it's warm and real and bright. And the world has somehow shifted. All at once, everything looks different."
And he smiled.
"Now that I see you."
Ako rin Jude, everything looks different now that I can see you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro