Kabanata 46
BALTI held a sigh. "Okay, here it is."
He looked at them one by one as if he was searching for something. The Faro Boys were almost present except for Andrew. Chi joined them as well. Nasa library silang lahat ng bahay ni Iesus. After three days ay natapos din ito sa pag-translate ng mga letters.
Hindi niya sigurado kung dapat ba siyang kabahan o she will feel a bit relief. Balti didn't seem anxious. Kung may nalaman man ito sa mga nakasulat sa liham na 'yon. Sa tingin niya ay hindi kasing bigat ng mayroon ang compass necklace ni Tor.
"It would be impossible that those letters were written by a five-year-old boy. We don't know who he is and where he came from. It would be difficult to trace him but at least he left us these letters."
Inilapag ni Balti ang mga papel na liham sa mesang pumapagitan sa kanila. She can sense that everyone didn't intend to speak. All eyes and ears were on Balti now.
"It was a confession letter," basag ni Balti pagkaraan ng ilang segundong patatahimik, "from one of those people who boarded de Dios' merchant ship, dated, 4th of September in 1799. He mentioned almost everything in his confession and yes, he was the thief who gave the music box to Iesus' great-great-grandfather."
In the year 1797, Spain
"HABULIN n'yo! Huwag n'yong hayaang makatakas!"
Ilang mura na ba ang nabuo niya sa isip? Tang ina! Hindi siya pwedeng mahuli sa gabing 'yon. Binilisan niya ang takbo. Halos sagasaan at tinutulak na niya ang mga taong nakaharang sa daan. Hindi alintana ang mga nasasaging paso ng mga halaman, bote at kung ano pa mang pwedeng mabasag.
Lumingon siya at napansin niyang malayo na ang agwat niya sa mga ito. Bahagya siyang napangiti. Ibinalik niya ang tingin sa harap at may bigla siyang napansin na munting ilaw na bigla na lang nawala. Madilim at bahagyang maalikabok ang bahaging 'yon dahil sa mga karwaheng dumadaan.
"Judas!"
Biglang may dumaang nagmamadaling karwahe nang nasa harap na siya kung saan niya napansin ang ilaw. Sumabog ang alikabok sa daan na halos wala na siyang makita. Inihit siya ng ubo.
Syet!
Itinakip niya ang balabal sa kanyang ilong nang maramdaman niyang may biglang humawak sa isang kamay niya. Napasinghap siya nang hatakin siya ng kamay na 'yon sa dilim. Hindi niya makita nang malinaw ang mukha ng tao pero na amoy niya agad ang pabango nito.
Isang babae!
Amoy lavender na isang klaseng bulaklak ito.
"Magmadali ka," utos nito sa nagmamadali at seryosong boses.
Hinila siya nito sa gitna ng makipot na daan. Kung saan hindi sila makikita. Madilim na madilim ang bahaging 'yon. Naririnig pa niya ang ingay ng mga malalaking daga sa paligid. Muli siyang napasinghap nang itulak siya nito sa matigas na pader. Inilapat nito ang isang kamay sa bibig niya at tila pinakiramdaman ang paligid. Ramdam niya sa kanyang dibdib ang tila metal na bagay na inilapat nito na sa tingin niya ay hawak nitong lampara.
"¡Mierda!" narinig niyang mura ng isa sa mga humahabol sa kanya. "Hanapin n'yo!"
Ngunit wala na siyang pakialam doon. Hindi maalis ang tingin niya sa mukha ng babae na sa bawat segundong lumipas ay mas nagiging malinaw ang maamo at maganda nitong mukha. Katulad niya ay may suot din itong itim na balabal naka taas ang hood hanggang sa ulo nito. Hindi alintana kahit kinakapos pa rin siya ng hininga dahil sa pagtakbo. Tila isang anghel. Nakatingin ito sa kaliwa nito kung saan siya nito hinatak kanina.
Sino ang magandang binibini?
At bakit siya nito tinulungan?
Ilang segundo pa ang lumipas at naging tahimik na ang paligid. Wala nang nakasigaw. Wala nang naghahabolang yabag ng mga sapatos. Napabuga ito ng hangin at tila ba nabunutan ng tinik. Inalis nito ang kamay sa bibig niya.
"Ligtas ka na," anito nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya.
"Bakit mo ako tinulungan?" tanong niya, bahagyang habol ang hininga.
Tila ngayon lang naging malinaw rito ang mukha niya. Nasundan niya ang pamimilog ng mga mata nito. Tiyak siyang napatitig ito nang husto dahil na rin sa mahabang piklat niya sa kaliwang mata. Ngunit sa tingin niya ay hindi naman ito natakot sa kanya.
"Bakit mo ako tinulungan?" ulit niya.
Napakurap ito.
"H-Hindi... hindi... ko rin alam," nauutal nitong sagot.
Sinubukan niyang ngumiti. "Anong pangalan mo, binibini?"
"Mari... Marisol."
"Judas."
"HINDI ka na nila makikita rito." Naigala niya ang tingin sa paligid. Nagawa siya nitong maipasok sa malaking bahay nito. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa silong sila ng bahay. May ilang mga lumang gamit doon pero sa tingin niya ay matagal nang abandonado ang lugar. "Tatlong linggo, hindi ba? Tatlong linggo lamang ang kailangan mo."
Tumango siya. "Malinaw naman sa'yo na isa akong magnanakaw, hindi ba?"
Matapang na hinarap siya nito. "Hindi mo naman siguro ako lolokohin, hindi ba?"
"Hindi ka nakakasiguro," ngumiti siya rito. Naupo siya sa isa mga mababang cabinet na naroon at pinag-krus ang mga braso. Ikiniling niya ang ulo sa kanyang kaliwa at pinakatitigan ang babae. "Hindi ka ba natatakot na baka pagsamantalahan kita?"
Bagay rito ang kulay lila na damit na hanggang sa mga sapatos nito ang haba. Nakababa na ang hood ng balabal nito hanggang sa mga balikat nito kaya kitang-kita na niya ang mahaba at bahagyang kulot na buhok nito. Maamo ang mukha nito gaya ng isang anghel at kung sa ibang sitwasyon lamang niya ito nakilala at pinanganak siya sa isang pamilyang mataas ang antas sa lipunan ay nanaisin niyang protektahan ito mula sa mga lalaking mangangahas na saktan ito.
Ngunit alam niyang malakas ito at matalino. Mukha man itong babasaging kristal ay ito ang klase ng binibini na hindi agad maloloko ng 'sang tulad niya.
"Subukan mo at hindi ako magdadalawang isip na itarak sa puso mo ang punyal na 'to." Inilabas nito mula sa suot nitong balabal ang isang matalas na punyal. Sinong mag-aakala na may itinatagong punyal ang isang anak mayamang binibini?
Natawa siya. "Nakakatakot –"
"Itakas mo ako."
Namilog at nanlaki ang mga mata niya.
"Sinabi mo na may barkong dadaong tatlong linggo mula ngayon." Nalilito man ay tumango pa rin siya. Bumakas ang determinasyon sa mukha nito. "Tatakas ka rin, hindi ba? Isama mo na ako –"
"Hindi ganoon kadali 'yon. Anak ka ng isang mataas ang antas sa lipunan. Hindi ka papayagan ng 'yong mga magulang at hindi ligtas sa mga babaeng katulad mo ang mundo sa labas."
"Hindi mo na ako kailangang isipin pa. Kaya ko na ang sarili ko."
Umayos siya ng tayo at lumapit dito. "Anong dahilan ng pagnanais mong umalis? May marangyang buhay ka rito at hindi problema sa'yo ang pagkain sa araw-araw."
Naglapat muna ang mga labi nito. "H-Hindi ako masaya." Hinuli niya ang mga mata nito. "Nais akong ipakasal ng aking ama sa lalaking hindi ko naman mahal. Alam ko na kapag wala akong ginawa ay magiging miserable lamang ang buhay ko rito."
"Hindi maganda ang mundo sa labas. Walang lugar ang mga taong kagaya ko at kung ipagpipilitan mo ang iyong gusto ay maaring matulad ka sa'kin. Lalaki ako kaya walang mawawala sa'kin. Babae ka, maganda, at maaring pagsamantahalan ng mga lalaki sa labas. Maaari kitang tulungan sa ibang bagay bilang bayad sa pagsagip mo sa'kin kanina ngunit pag-isipan mo muna ang lahat."
SA dalawang linggong lumipas ay nagkaroon siya ng makulit na bisita lagi sa kanyang munting kulungan. Ito ang palihim na naghahatid ng pagkain sa kanya. Lumalabas naman siya roon sa hating gabi at inaakyat ang bintana ng silid ni Marisol. Naging kaibigan niya ito at mas lalo pa niyang nakilala ang dalaga.
Maganda ang boses nito at magaling mag-piano. Naririnig niya ang malakas na pagtugtog nito kahit sa ibaba. At naririndi rin siya sa tuwing naiinis ito dahil halos idiin na nito ang mga daliri sa piyesa ng piano.
Nang gabing 'yon ay nagpasya siyang akyatin ulit ang silid nito. Napansin niyang kakapatay pa lamang ng ilaw ng silid nito. Mabilis siyang nakaakyat at nabuksan ang bintana.
"Tulog ka na, prinsesa?"
Napabalikwas ito ng bangon. Nanlalaki ang mga matang iniyakap ang kumot sa katawan nito.
"Judas!" sita nito sa mababang boses. "Talikod!"
Natawa lamang siya at tuluyan nang bumaba mula sa bintana. Tumalikod siya paharap sa labas. Rinig niya ang bawat kilos nito. Bumangon ito at may kung anong kinuha. Malamang ang roba nito.
"Tapos ka na?" tanong niya.
"Oo!" Hinarap niya ito. "At anong ginagawa mo rito? Sinabi ko na sa'yo na sa silong ka lang at baka may makakita sa'yo."
"Nakalimutan mo yatang magnanakaw ako, Marisol. Kakambal ko ang dilim. Hindi nila ako mapapansin." Umingos lang ito. Natawa uli siya. "Hindi ako makatulog," pag-iiba niya.
"At sa tingin mo solusyon ang pag-akyat mo sa aking silid?"
Naupo siya sa gilid ng kama nito, nakasandal ang likod doon. Nakatayo naman ito sa harap niya. Tumagos ang liwanag ng buwan mula sa nakabukas na bintana. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.
"Maupo ka."
Tumalima naman agad ito. "Bakit 'di ka makatulog?"
"Sa dami ba naman ng mga kasalanan ko sa tingin mo ay papatulugin pa ako ng konsensiya ko?" Ngumiti siya rito.
Natawa si Marisol. "Alam mo, minsan hinihintay ko na magising ako isang umaga at wala ka na."
"Kasama na ba riyan ang pagkawala ng ibang mga gamit ninyo?" biro pa niya. "Kasi may nabuo na akong listahan na kayang-kaya kong mailabas sa bahay ninyo – aw!" Humagalpak siya ng mahinang tawa nang paluin siya nito sa braso.
"Seryoso ako."
"Akala ko ba may tiwala ka sa'kin?"
"Meron –"
"O bakit hinihintay mong traydorin kita?"
"Alam mo sa tingin ko hindi ka naman talaga masama e. Kasi kung oo, dapat matagal mo na akong pinagsamantalahan." Napatitig siya rito. Ibinaling naman nito ang tingin sa kanya. "Alam ko na iba ka. Kung nagnanakaw ka man, alam ko na may dahilan ka."
"May mga bagay rito sa mundo na mahirap intindihin ng isang katulad mo –"
"Dahil pinanganak akong mayaman?"
"Isa na 'yan, pero kung iisipin nating mabuti ay pwede naman akong mamuhay sa normal na paraan."
"Alam ko kung gaano kaliit ang tingin ng mga mayayaman sa mga maralita."
"Ang mga mayayaman ay para sa mga mayayaman at ang mga mahihirap ay para sa mga mahihirap. Ganoon ang mundo, Marisol. Kahit na magkandakuba-kuba ka sa pagtatrabaho kung ang lahat ng mga tao ay nabubuhay base sa klase ng antas mo sa lipunan walang mababago. Mananaig at mananaig ang kung ano mang pinaniniwalaang tama ng nakararami kahit pa mali iyon."
"Kaya nga ba aalis ka?"
"Naumay na ako sa lugar na 'to. Walang pagbabago. At kapag nanatili pa ako rito ay baka mahuli na ako ng mga hayop at ikulong ako sa kabilang isla." Bahagya siyang tumawa. Ibinaling niya ang mukha rito. "Mas pipiliin ko na lamang na tahakin ang isang daan na hindi ko alam kung saan patungo kaysa manatali sa isang lugar na kabisado ko nga ngunit wala namang patutunguhan."
"Sa tingin ko ay gusto mo ng bagong buhay." Muli siyang napatitig rito. "'Yong klase ng buhay na walang nakakakilala sa'yo. Kung saan maari kang magsimulang muli. Sabihin mo sa'kin, ano ang isang bagay na gusto mo kung naiba lamang ang buhay mo?"
Napangiti siya. "Ikaw pa lamang ang unang taong nag-tanong sa'kin niyan."
At hindi niya alam kung tuwa ba 'yong naramdaman niya sa puso niya o gulat. Ito ang unang pagkakataon na may taong gusto siyang kilalanin. Simula nang ipanganak siya ay sinanay siya ng mga magulang niyang tumayo sa sariling mga paa nang hindi dumidepende sa mga ito. At wala ring interes ang mga ito na itanong sa kanya ang mga pangarap niya.
"Sa tingin ko rin ay hindi Judas ang pangalan mo."
"Paano mo na sabi?"
"Hindi ko lang lubos maisip na ang isang katulad mong takot mahuli ng mga guwardiya sibil ay kayang ipamigay ang totoo niyang pangalan."
Natawa ulit siya. "Sila naman ang nagpangalan sa'kin niyan. Sa dami ba naman ng mga naloko at nanakawan ko. Hindi nila ako mahuli-huli at bahagya pang malabo pa ang guhit nila ng mukha ko. Dahil 'di naman nila ako kilala pinangalan nila sa'kin ang Judas."
"Dahil hudas ka?"
"Malamang."
Natawa ito. "Ano pala talaga totoo mong pangalan?"
"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako ipapahuli sa kanila?"
"Dalawang linggo na ang lumipas, kung nanaisin ko ay matagal ko na sanang ginawa. Sige na, sabihin mo na."
"Azrael," sagot niya.
"Pangalan ng isang anghel."
"Anghel ng kamatayan," dagdag niya. "Hindi ko alam kung bakit iyon ang ipinangalan sa'kin ng mga magulang ko. Ang sabi ay pinanganak ako sa lumang simbahan noong kasagsagan ng bagyo. Marahil nakasulat ang pangalan na 'yon sa isa sa mga santong anghel sa simbahan na 'yon at ayaw na nilang mag-isip pa."
"Maganda naman ah. Pwede kang magpakilala bilang Jude Azrael sa susunod na magpapakilala ka. 'Yong Jude kinuha ko sa Judas mo."
Natawa siya. "Tunog anak mayaman."
"Lilisanin mo naman ang lugar na 'to. Baka sa susunod na bayan ay magiging maganda na ang buhay mo."
"Siguro? Ikaw, bakit Marisol?"
"Pinaikli sa pangalan ng Birhen ng Maria de la Soledad."
"Soledad, pag-iisa?"
Tumango ito. "Bumagay naman kasi nag-iisang anak ako saka ang ibig sabihin ng Mari ay dagat at Sol ay araw. Pinanganak ako malapit sa dagat at maliwanag daw ang araw nang ipanganak ako. Madaming naka daong na barko."
"Magandang panahon ang laging dasal ng mga kapitan ng barko. Kalmado ang dagat at maliwanag ang kalangitan. Hindi nakakatakot maglayag."
Nakangiting tumango ito.
Nakatingin ito sa harap kaya napagmasdan niya ang nakangiti pa rin nitong mukha. Matagal na niyang inamin sa sarili niyang nahulog na nang tuluyan ang loob niya rito noong tinulungan siya nito nang gabing 'yon. Kung posible nga ba na magmahal ang isang tao sa unang pagkikita lamang. Ngunit isa siyang malaking hangal kung sisirain niya ang buhay nito. Hindi ito nababagay sa magulo niyang mundo.
"Jude," baling nito bigla sa kanya. Nakasanayan na nitong tawagin siyang Jude. Natigilan siya nang umangat ang isang kamay nito sa kanyang mukha. Nakakatitig ito sa mahabang piklat niya sa mata. "Saan mo 'to nakuha? Kung hindi mo mamasamain ang tanong ko?"
Ilang segundo muna bago tumino sa isip niya ang tanong nito. Napalunok siya. "Matagal na 'yan. Nakuha ko nang manlaban ako. Pangit ba?"
Umiling ito.
Muling nagtama ang mga mata nila.
Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipin niya at bigla na lamang niyang pinaglapat ang mga labi nila sa isa't isa. Ramdam niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya. Nang lumayo siya ay ilang beses itong kumurap.
"Hinalikan mo ko?"
Gusto niyang kutusan ang sarili. Bakit niya ginawa 'yon? Anong isasagot niya? Napakamot siya sa noo. Wala siyang maisip. Bigla niyang nakita ang isang kakaibang bagay sa itaas ng mesita sa likod nito.
"Ano 'yan?" pag-iiba niya.
Kumikislap ang tila diamante na naka baon sa katawan nun kaya napansin niya.
"Ang alin?" Sinundan ni Marisol ang tingin niya. "Ah, ito ba?" Kinuha nito ang bilog na lalagyan. Nakangiting ipinikata nito 'yon sa kanya.
Napatitig siya roon. May malaking buwan, compass, mapa at naglalayag na barko ang desinyo ng takip.
"Music box, regalo 'to ng Mama ko sa'kin noong bata ako." Binuksan nito ang music box at agad na pumailanlang ang isang malumanay na kanta na hindi siya pamilyar. Pero mas natuon ang atensyon niya sa babaeng may hawak na sanggol na umiikot sa gitna. "Heirloom ng pamilya ng Mama ko. Faire un vœu." Itinuro nito ang ibabang nakasulat ng mag-ina. "Salitang Frances na ang ibig sabihin ay, humiling ka."
"May lahi kayong Frances?"
"Ang Mama ko."
"Kapag ba humiling ang isang tao riyan ay magkakatotoo?"
"Sabi ni Mama. Hiniling niya raw ang kaligayahan ko sa music box na 'to at sa mga susunod pa na buhay ko."
"Sa tingin mo magkakatotoo?"
Umangat ang mukha nito sa kanya. "Siguro? Wala namang imposible, 'di ba?" Natigilan siya nang iangat nito ang isang kamay niya at inilapag doon ang music box. "Sa'yo na."
Namilog ang mga mata niya. "Ibibigay mo sa'kin?"
Nakangiting tumango ito. "Huwag mo ibenta 'yan. Susundan talaga kita hanggang sa kabilang buhay."
Natawa siya. "Sa tingin mo maibebenta ko 'to ng mahal?"
Sumimangot ito. "Walang katumbas na pera 'yan. Magagalit talaga ako kapag ibenenta mo 'yan."
Ginulo niya ang buhok nito. "May tiwala ka sa'kin?"
"Kung wala matagal na kitang pinatay."
Lalo siyang natawa. "Ikaw lang ang nag-iisang taong may tiwala sa'kin."
"Isasama mo na ako?"
"Mari –"
"Isama mo na ako sa'yo." Ngumuso ito na parang bata. "Hinalikan mo na ako. Sa tingin mo sino pang binata ang gugustuhin akong mapangasawa."
Namilog ang mga mata niya. "Hindi naman nila malalaman –"
"Malalaman nila dahil sasabihin ko sa kanila."
"Marisol!"
"Panagutan mo ako. Hindi na magbabago isip ko."
"Ganito ka ba talaga kakulit?"
Ngumiti ito ng ubod na tamis. "Isasama mo na ako?"
Ibinalik niya sa kamay nito ang music box. "Pag-iisipan ko." Ngumisi siya rito na siyang nagpasimangot sa mukha nito. Natawa ulit siya.
KAHIT hindi niya pag-isipan ay isasama na niya si Marisol. Alam niya kung gaano ka miserable ito sa poder ng ama nito. Halos ito na lamang ang nasusunod. Kaya hindi niya masisi ang dalaga kung naisin nito ang umalis.
At kung ano mang buhay ang naghihintay sa kanila ay bahal na.
Hindi siya makatulog ng gabing 'yon. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya mapakali at mapalagay. Nagpasya siyang umakyat sa taas. Malalim na ang gabi at tahimik na rin ang buong bahay.
Inakyat niya ang bintana ng silid ni Marisol nang biglang marinig niya ang kalabog mula sa loob. Tila may bagay rin na gumulong sa sahig. Bahagya nang iniiwang nakabukas nito ang bintana para makapasok siya pero nang gabing 'yon ay halos hindi siya makapaniwala sa nakita niya.
Una niyang nakita ang pagbagsak ng duguang kamay nito sa sahig, pilit inaabot ang music box.
"Mari!" sigaw niya.
Madilim sa loob ng silid nito pero kitang-kita niya ang babaeng may hawak ng punyal. Napalingon ito sa kanya at lalong nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang matandang babae.
Si Celia!
Mabilis na pumasok siya sa silid nito nang magtangka itong tumakas. Mas mabilis siya rito kaya naharang niya ito. Ang daming tanong sa isip niya. Bakit? Inalagaan nito si Marisol simula noong bata pa ito! Anong dahilan nito?!
Galit na galit na hinawakan niya ito sa magkabilangbalikat. Nanlaban ito. "Bakit?! Anong kasalanan sa'yo ni Marisol?"
"J-Jud..." boses 'yon ni Marisol.
Umiiyak siya sa galit. Tila dinudurog ang puso niyang marinig ang paghihirap sa boses nito.
"Celia, bakit?!"
"Bitiwan mo ako!" Sinubukan nitong makawala sa hawak niya.
"Bakit?!"
"Jud... t-tulungan... m-mo... a-ko..."
"Pangalawang ina na ang turing sa'yo ni Marisol pero bakit mo nagawa 'to sa kanya?!"
"Jude –" iyak na ni Marisol.
Rinig niya ang paparating na yabag ng mga paa. Napansin niya ang pagkataranta ni Celia. Napangiwi ito nang higpitan pa niya ang hawak nito sa kanya.
"Marisol! Marisol, anak!" sigaw mula sa labas.
"Jude –"
Napalingon siya kay Marisol. Madami nang dugo ang nawala rito. Hawak nito ang tiyan. Umiiyak sa sakit. Namumutla.
Itinulak siya bigla ni Celia at sinaksak ang sarili. Napaatras siya nang humandusay ito sa sahig. Bumukas ang pinto.
"Marisol!"
Lumayo siya sa pinto. Bumaba ang tingin niya sa duguang anyo ni Marisol. Nakaangat ang isang kamay nito sa kanya.
"Umalis ka na," bulong nito. "Sige na, i-iwan... m-mo... na ako."
"Celia, anong nangyayari rito?" tanong ng ama ni Marisol.
"Magnanakaw!" turo ng matanda sa kanya.
Lalo siyang napaatras. "H-Hindi... Hindi ko magagawa –"
"Hulihin n'yo –"
"Huwag kayong lalapit!" Pinulot niya ang kutsilyo na nabitiwan ni Celia at itinutok sa dalawang lalaki. Mabilis na pinulot niya ang music box sa sahig. "Wala akong kasalanan." Naibaling niya ang mukha kay Marisol. Hindi siya makahinga nang makitang nakapikit na ang mga mata nito. Hindi! Gumising ka. "Tulungan n'yo siya," pagmamakaawa niya. "Tulungan n'yo si Marisol!"
"Hulihin n'yo ang mamamatay na tao na 'yan!"
Bago pa man makalapit ang dalawang lalaki ay tumalon na siya sa bintana. Hindi niya ininda ang sakit ng katawan ng pagkakabagsak niya. Tumakbo siya. Tumakbo siya nang mabilis habang umiiyak. Hinawakan niya ang music box nang mahigpit. Takot na takot na mabitawan 'yon.
Sunod niyang narinig ang nagtatahulang mga aso.
"Babalikan kita Celia! Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Marisol."
"WHAT happened to Marisol?" basag ni Chi nang tumigil sa pagkukwento si Balti.
"She died three days after."
Nanlumo siya.
"So it was the yaya who killed the owner of the music box," dagdag ni James. "What about the thief? Did he avenge Marisol's death?"
Umiling si Balti. "Celia was gone after, ang sabi ay nag-resign at nagpagaling sa probinsiya nito. Naisisi kay Judas ang lahat. He wasn't able to redeem himself so he escaped."
"Did your grandfather knew who he was?" tanong ni Jude kay Iesus.
"He doesn't care about that," sagot nito, kumunot ang noo nito pagkatapos. "My great-great-grandfather, he was a greedy man. No one will suspect him of hiding a murderer. He does things discreetly and he has a lot of connections at that time. He will do everything for money."
"Hindi ba nalaman ni Judas kung bakit pinatay ni Celia si Marisol?" tanong niya.
"He wasn't sure. Pero pinagdududahan niya na spy ng pamilya ni Marisol si Celia ng isa sa mga kalaban ng ama nito. O maaring binayaran para gawan ng masama si Marisol."
"It's weird," ni Au, "Halos magkakapareho lang ang pangalan nila Jude, Mari at Yaya Celia sa kwento sa sulat ni Judas. Hindi kaya –"
"It's possible," ni Vier. Napatingin ang lahat dito. "Maybe Celia in the past and Yaya Celia in the present is one. Judas is Jude and Marisol is Mari. Pwedeng ngayon naniningil ang karma nito. Binigyan ng pangangalawang pagkakataon para bumawi sa lahat ng mga kasalanan nito."
"And if Jude is really Judas," aniya, "why did he have to go through all those pain if he didn't do something to Marisol?"
"He was a thief," sagot ni James.
"Still –" she said firmly.
"Because we don't know what happened to him," sagot ni Vier. "Yes, he boarded the de Dios but what really happened next? No one knows unless we find the rest of the missing items."
"Vier is right," Balti interjected, "what we have right now is the story behind the music box. Hindi kasali ang mga nangyari habang naglalayag ang barko."
"So the question is," ni Sep, "is the music box a cursed item or not?"
Napatingin ang lahat kay Balti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro