Kabanata 45
NAPASINGHAP si Celia nang may mga kamay na humawak at humila sa kanya. Hinatak siya nito sa isang bakanteng silid sa second floor.
"Sin –"
"Tita Celia."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. "Jude!"
"Shsh! They will hear us," bulong nito.
Umilaw ang screen ng hawak nitong cell phone. Pero paano ito nakapasok sa mansion? Walang kuryente at nagsisigawan ang mga tao sa labas. Kailangan niyang puntahan si Mari. Hindi niya alam kung sino ang mga nanloob pero malaki ang paniniwala niyang si Mari ang pakay ng mga masasamang lalaki sa ibaba.
"I've called the police."
"Jude –"
"I'll explain later."
Saka na niya lilinawin kay Jude ang lahat. Kailangang maitago si Mari bago pa man dumating ang mga police. Hindi pwedeng makita si Mari dahil tiyak na maibabalita na may itinatagong anak si Roberto.
"Tulungan mo ako. Dalhin natin sa attic si Mari. Hindi siya pwedeng makita ng mga police."
"It will be too dangerous –"
"Jude."
"Fine. But her room is locked. Magkausap kami sa cell phone nang marinig namin ang putok ng baril. I told her to lock her room and put something on the door. She's in the panic room."
"Nasa akin ang susi. Dalian mo."
Tahimik na lumabas sila sa silid na 'yon. Maingat at mabibilis ang mga kilos na tinahak ang madilim na pasilyo papunta sa silid ni Mari. Nakakatakot ang katahimikan. Nawala ang tunog ng palitan ng mga baril pero pinanitili niya ang talas ng pandinig. Dios ko! Sana walang nasaktan.
Binuksan niya ang pinto at si Jude na mismo ang puwersang nagbukas no'n. Mabilis silang nakapasok sa loob ng kwarto ni Mari. Isinirado at in-lock niya ang pinto sa likod. Hindi mahanap ni Jude ang pinto ng panic room kaya siya na mismo ang kumilos.
Tumayo siya sa harap ng malaking closet ni Mari. Iba pa 'yon sa walk in closet nito. Inalis niya ang ibang naka hanger na damit para makapa niya sa loob ang door lock na may passcode.
"Jude, may flashlight ka ba riyan?"
"On my phone. Wait."
Biglang nagka-ilaw sa likod niya at naging malinaw sa kanya ang mga numero. Pinindot niya ang passcode at bumakas ang pinto. Mabilis siyang pumasok at ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nakahandusay na sa sahig si Mari at walang malay.
"Mari!" singhap niya sa mababang boses at sa takot.
"ITO lang ang tanging paraan para mailigtas ang anak mo, Roberto." Iginala ni Celia ang tingin sa paligid. "Kailangan mong magtiwala sa'kin. Hindi ko ipapahamak ang anak mo. Alam mo 'yan."
Kakaalis lang ng mga pulis pero may mga sibilyang pulis na nagbabantay sa labas ng mansion. Ibinalik na muna nila si Mari sa kwarto nito. Si Jude ang nagbabantay rito sa mga oras na 'yon. Wala muna siyang pinapapasok na kahit sinong katiwala sa silid nito.
"At sa tingin mo ay hindi nila mahahanap si Mari sa inyo, Celia?!"
"Hindi ko dadalhin sa bahay si Mari. Lalayo muna siya."
"At sino ang maglalayo sa kanya? At paano ako nakakasiguro na mapagkakatiwalaan kita sa bagay na 'yan?"
"Hindi pa ba sapat na ibinigay ko sa anak mo ang mga mata ni Faith? Sa kabila ng lahat, Roberto, alam mo na hindi nawala ang pagmamahal ko sa anak mo. Inaalagaan ko si Mari hindi dahil sa inyo kung 'di dahil kay Mariam. Walang kasalanan si Mari sa gulo ng pamilya ninyo at higit sa lahat hindi niya kasalanan kung bakit namatay ang anak ko." Huminga siya nang malalim. Pigil niya ang mga luha. "Kaya... kaya hayaan mo na ako. Ibabalik ko rin siya sa'yo kapag naging okay ang lahat."
"Cecelia –"
"At sa tingin mo ba ay matutuwa si Mari kapag nalaman niyang pinaghahabol ka ng mga pulis ngayon?" Hindi 'yon oras para magpatalo siya kay Roberto. Uunahin niya ang kaligtasan ni Mari. "Susubukan kong itago sa kanya ang kinasasangkutan mong gulo ngayon. Hindi makakabuti sa tuluyan niyang paggaling ang problema, Roberto."
Marahas itong bumuntonghininga sa kabilang linya.
"Sino ang sasama sa kanya?"
"Si Mark," pagsisinungaling niya. Umangat ang tingin niya sa bintana ng silid ni Mari. "Doon muna sila sa probinsiya ko. Babalitaan na lang kita."
"Cecelia –"
"Walang makakaalam ng pinag-usapan natin. Wala kang ibang magagawa kundi ang pagkatiwalaan ako."
"JUDE!" Hinawakan niya ang braso nito. Isinirado niya ang silid ni Mari at siniguradong hindi na sila maririnig nito. "Mag-usap tayo."
Suhistyon ni Jude na ilayo muna si Mari sa mansion. Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi nito. Hindi siya nakatulog hanggang sa nag-umaga. Nanatili naman ito. Wala siyang ibang mapagkakatiwalaan para sa kaligtasan ni Mari.
Nagulat siya nang makitang kasama nito si Mari sa Ayala. Ipinaliwanag naman nito na nagkataon lang ang lahat at nakita nitong hina-harass ito ng mga masasamang loob sa labas ng mall kaya tinulungan nito si Mari. Nalaman nito ang address ng mansion dahil ibinigay 'yon ni Mari rito.
Hindi kilala ni Jude si Mari. Kahit na ikuwento ni Faith ang tungkol sa alaga niya ay wala rin itong maibibigay na pangalan. Kahit na kay Mark. Itinago niyang mabuti ang agreement na pinirmahan niya patungkol sa pagbibigay niya sa mga mata ni Faith kay Mari. At mukhang wala naman itong problema patungkol sa pag-do-donate niya ng mga mata ng ate nito.
Pero may isang bagay siyang kinakatakutan.
Galit si Jude sa pamilyang Morales. Hindi man dala ni Mari ang apelyido ng ama ay may dugong Morales pa rin ito.
"Jude, maipapangako mo ba sa'kin na aalagaan mo si Mari para sa'kin?"
"Tita –"
"Jude," may diin niyang pagkakasabi sa pangalan nito, "alam ko na mahirap intindihin ang sitwasyon ni Mari. Kung bakit inaalagaan ko pa rin ang anak ng pamilyang pumatay kay Faith. Jude, gusto kong maintindihan mo na iba si Mari. Hindi siya katulad ng kapatid at ama niya. Mahal na mahal ko ang batang 'yan. Kaya – Kaya sana... huwag mo akong biguin. Ingatan mo siya. Makakaasa ba ako?"
JUDE parked the car.
Nasa sementeryo na sila. Ibinaling niya ang mukha kay Mari. Tahimik lang ito simula nang umalis sila ng Faro. Tinanggal niya ang seatbelt at hinawakan ang isang kamay nito. He gave it a little squeeze to get her attention.
"Mari,"
Marahan nitong ibinaling ang tingin sa kanya. She looks so tired and sad. Bakas pa rin sa mukha nito ang matinding pag-iyak nito kagabi. Umangat ang isang kamay niya para haplosin ang kanang pisngi nito.
His heart aches to see her like this. Why didn't he stop? Bakit ba niya sinaktan si Mari? He was clouded with too much hate. Blinded by his will to avenge Faith's death. He put all the blame on her and didn't even give her the chance to defend herself. Even if she did, even if he knew Mari was innocent, even at some point he found himself mesmerized by her kind heart, it wasn't enough to console his grief.
Or must he say...
... it was his pride that he couldn't let go.
"Are you sure na kaya mo na kausapin ang yaya mo?"
Marahan itong tumango. Tipid itong ngumiti sa kanya. Marahil nabasa nito sa mga mata niya ang pag-aalala.
"I'll be fine."
Dinala niya sa mga labi ang kamay nito at hinalikan 'yon. "I want you to remember that she did it because she loves you and it's not your fault." Sa pagkurap nito ng mga mata ay may mga luhang sumama. Gamit ng isang kamay ay pinunasan niya ang mga luha nito. "I'm sorry." Pinigilan niya ang maluha sa harap nito. Sinubukan niya pa ring ngumiti. "I know you hated that word but I mean it. God knows how much I mean it."
"Jude..."
"But Tita Celia is waiting for us." Siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt sa katawan nito. "She's waiting for you. She missed you."
Nakangiting tumango si Mari.
Lumabas siya ng sasakyan at umikot sa harap para pagbuksan ito ng pinto. Malapit na lang naman ang libingan ni Faith sa kung saan siya nag-park. Mabuti na lamang at hindi masyadong mainit. Bahagyang makulimlim ang langit pero mukhang hindi naman uulan.
Hinawakan niya ang kamay ni Mari at pinuntahan na nila si Yaya Celia.
SINIKAP ni Mari na huwag maiyak nang makita ang Yaya Celia niya. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha. Ang bigat-bigat sa loob. Lalo na nang makita ang nakangiting mukha ni Faith sa picture frame sa itaas ng libingan nito.
Faith was so beautiful.
Kamukhang-kamukha ito ng Yaya Celia niya.
And she seemed like a happy person.
And now she understands why Jude couldn't let go of her. If not for his brother's recklessness Faith could have been alive. Yaya Celia wouldn't lose her daughter. Jude wouldn't lose his future wife. They could have been happily building a family of their own in Faro de Amore. Faith will meet Jude's friends and she could have live her life to the fullest.
She couldn't help but think that she robbed her of the life that Faith deserved.
Jude is not hers.
Yaya Celia too.
And her eyes, it doesn't belong to her.
It was supposed to be Faith's.
"Mari, anak." Niyakap siya ni Yaya Celia. And God knows how much she wanted to cry. Did she really deserve this? "Miss na miss kita."
"Tita, maiwan ko na muna kayo," paalam ni Jude.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Sige, Jude. Huwag ka lang masyadong lumayo." Tumango si Jude bago tuluyang umalis. "Mari, anak, kumusta? Ang laki-laki na ng tiyan mo." Nasasaktan siya kahit sa ngiti nito. Inilapat nito ang isang kamay sa kanyang umbok na tiyan and smiled wider.
It could have been Faith.
"Y-Yaya," her lips trembled.
"Mari, huwag kang umiyak. Ayokong umiyak ka, ha? Ginawa ko 'yon dahil alam ko na 'yon din ang gusto ni Faith. Mas magiging masaya siya kung ibibigay ko sa'yo ang mga mata niya sa'yo."
Tears welled up in her eyes and she couldn't control her emotions. Sobrang sakit ng dibdib niya. She just wants to cry.
She feels so unworthy.
"I – I'm sorry," iyak niya. "I'm sorry. Hindi ko alam. I'm sorry. Wala akong magawa. I'm sorry." Iyak niya na parang bata. "I'm sorry, Yaya. Hindi ko gustong mawala si Faith."
"Mari!" Niyakap siya nito. "Anak, hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Tandaan mo 'yan. Kailanman ay hindi kita sinisi sa nangyari. Alam ng Dios kung gaano ka kabait. Alam ng Dios kung gaano kita kamahal. Masakit mang mawalan ng anak pero hindi natin hawak ang buhay. Wala akong magagawa kung kagustuhan ng Dios ang kunin siya nang maaga. Masakit man pero alam ko na nasa mabuting kalagayan na siya ngayon."
Humigpit ang yakap niya rito. She clutched to her like a kid afraid to lose her mother. Simula nang mamatay ang mommy niya ay naging pangalawang ina na niya ang Yaya Celia niya. She loved her so much and it pained her to know that Yaya Celia had to sacrifice a lot of things just to give her a comfortable life.
"Yaya..."
Kumalas ito para hawakan ang magkabila niyang pisngi. "Marison, gusto ni Faith na makita mo ang mundo. Ibinigay niya sa'yo ang milagro na sabay nating pinagdadasal. Nawala man sa'kin si Faith pero nandito ka pa. Lumisan man siya pero mananatili siyang buhay dahil sa mga mata mo. Sabay n'yong makikita ang ganda ng mundo. At kahit doon lang... kahit sa paraan lang na 'yon makasama ko siya... sapat na... sapat na sa'kin."
Muli siya nitong niyakap.
"Tahan na," hinagod nito ang kanyang buhok, iyak pa rin siya nang iyak. "Tahan na, anak. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal ko kayong dalawa at gagawin ko ang lahat para sa inyo."
And God knows how much she loves her Yaya Celia.
NAUPO sila sa malapit na bench. Hawak-hawak ng Yaya Celia niya ang kamay niya. Parehong namamaga ang mga mata nila. Pero natatawa na lamang ito sa itsura nila.
"Pinagkatiwala kita kay Jude dahil nobyo siya ng anak kong si Faith. Kilala ko siya bilang mabait na tao at masayahin. Alam ko na sobra siyang nasaktan sa pagkamatay ng anak ko. Hindi ko inasahan na magagawa niya sa'yo 'yon. Kaya noong sinabi mong nobyo muna siya ay kinabahan ako. Alam ko na may mali. Sinisi ko ang sarili ko nang malaman ko ang lahat at nabuntis ka pa. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin si Mariam. Ipinangako ko sa kanya na aalagaan kita pero..."
"Yaya –"
Tinapik nito ang kamay niya. "Pero wala akong maisip na paraan para mailayo ka. Binalak ni Roberto na paalisin ka ng bansa pero wala siyang mapagkakatiwalaang tao. Kahit na ang mga Villarin ay idinidiin na siya. Nang mga panahon na 'yon ay walang saysay ang pera at impluwensiya nito dahil ang mga Villarin mismo ang nagdidiin sa kanya ng mga kasong isinampa sa kanya. Tuluyan nang naghugas kamay ang mga ito simula nang makulong ang Kuya Lucio mo. Isama mo pa ang mga nakaaway ng ama mo sa negosyo. Ikaw ang kahinaan ni Roberto kaya ikaw ang puntirya ng lahat. Ang mga Villarin mismo ang gustong manakit sa'yo para hindi ibulgar na 'yong ama ang mga illegal na negosyo ng mga ito. Gagamitin ka nila para akuin na 'yong ama ang lahat ng kasalanan."
Kaya pala mabilis na napapayag ni Yaya Celia ang daddy niya. He doesn't trust anyone at si Yaya Celia lang ang natira. Alam ni Daddy kung gaano siya kamahal ng Yaya Celia niya kaya nagtiwala ito rito.
"Alam ko na alam mo na hindi simpleng negosyo ang hinahawakan ng ama mo, Mari. At mas mabuti na ring 'di tayo mangialam para hindi tayo madamay sa gulo. 'Yon ang dahilan ni Mariam kaya hindi niya pinapalitan ang apelyido mo."
"Pero ano na pong mangyayari kay Daddy ngayon?"
Mapait itong ngumiti. "Kailangan niyang harapin ang mga mali niya, Mari. Sa sobrang pagmamahal niya sa'yo ay halos kinalimutan na niya ang malaking pagkakaiba ng tama sa mali. Ikinulong ka niya sa mansion na tila ba isang bagay. Ipinagkait sa'yo ang kalayaan mo dahil sa takot na iwan mo rin siya. Huli na para pagsisihan niya ang mga nagawa na niya pero hindi pa huli para itama niya ang mga pagkakamaling 'yon."
"Paano kayo Yaya?"
"Nandito lang naman ako, Mari." Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Hindi naman ako mawawala sa tabi mo."
"Yaya," she smiled, "pwede ba kitang tawaging Mama?"
Namilog ang mga mata nito. "Mari –"
"Pwede po ba?"
May ngiting tumango ito. "Oo naman!" Pero hindi rin nito napigilan ang mapaluha. "Pwede mo akong tawaging, Mama."
Niyakap niya ito. "Mama."
"Ano ba 'yan?! Pinapaiyak mo na naman ako."
"Mama, salamat sa lahat. Buong buhay kong tatanawing utang na loob ang buhay ko sa inyo ni Faith. Iingitan ko ang mga mata niya para sa'yo."
"Gawin mo 'yan, anak. Matutuwa sa'yo ang Ate Faith mo."
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at inihilig ang ulo sa balikat nito. Hawak pa rin niya ang kamay nito.
"Ma..."
"Hmmm?"
"About Jude, okay lang ba sa'yo?"
"Ang relasyon n'yo ni Jude?"
Tumango siya. "Opo."
"Mahal mo ba siya?" Hindi siya sumagot. "Alam ko na nasaktan ka niya at hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa handa. Kahit na nakikita ko na bumabalik na ang dating Jude na nakilala ko ay hindi ko pa rin ipipilit sa'yo na balikan siya. Nasa sa inyong dalawa pa rin ang desisyon."
"Paano mo ba malalaman kung handa ka na? O kung totoo na 'yong pagmamahal at hindi lang dahil sa may responsibilidad siya sa'yo?"
"Ang pagmamahal naman ay nakapaghihintay pero sa tingin ko ay kailangan n'yo munang matutunang mahalin ulit ang sarili ninyo. Kasi paano mo maibibigay ang tamang pagmamahal sa isang tao kung hindi mo alam paano mahalin ang sarili mo?"
Sandali itong natahimik bago ulit nagpatuloy.
"Lahat ng sugat ay naghihilom sa pagdaan ng panahon pero hindi ibig sabihin nun e hindi na ulit tayo masasaktan. Mahalin mo ang sarili mo at tanggapin mo lahat ng mga kahinaan mo para sa ganoon kahit ilang beses kang madapa, makakaya mong tumayo at tumakbo ulit. Talikuran ka man ng buong mundo, kung may tiwala ka sa sarili mo, at alam mo sa sarili mo na kaya mo, tatayo at tatayo ka para ipagpatuloy ang buhay. Naalala ko bigla 'yong laging sinasabi sa'kin si Faith noon."
"Ano po 'yon, Ma?"
"Hindi man gaanong maganda ang mundo pero madami pa rin namang mga dahilan para i-enjoy natin ang buhay."
"JUDE?"
"Mari," he awkwardly smiles and scratches the tip of his eyebrow. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang limang can ng Coke sa mesa. "Maupo ka." He gestured to the vacant seat across him.
Naupo siya.
Hindi siya makatulog kaya lumabas muna siya para magpahangin nang makita niya si Jude sa ibaba ng rooftop. Wala itong kasama and it was already past 10 pm.
"Gabing-gabi na pero umiinom ka pa rin ng soft drinks?"
"I can't sleep –"
"Edi mas lalo kang hindi makakatulog niyan!" halos sumigaw na siya.
Jude laughed. "Nakasigaw ka na naman."
"O, ba't mukhang masaya ka pa?"
His lips were pressed together in a smile. "Wala lang, gusto ko lang 'yong pinapansin mo ako."
Kumunot lalo ang noo niya. "Tumambay ka lang ba rito para magpapansin sa'kin?"
He chuckled, "Nagpapahangin lang." Hindi siya nito sinagot at muling tinungga ang pang-tatlo nitong can. "I like it here. Mahangin. I can think."
"Ano bang iniisip mo?"
"Many to mention," baling na sagot nito.
"You missed her?" tukoy niya kay Faith.
"I always do but there are other things that keep my mind busy nowadays."
"Tulad nang?"
"I can't tell you yet."
Sandali silang natahimik pareho. Ang malakas na hampas ng alon lamang ang bumabasag sa katahimikan. Inayos na lamang niya ang cardigan na suot. Mabuti na lamang at tinali niya ang mahabang buhok.
"By the way, I'm writing a new song," basag nito.
Namilog ang mga mata niya. "Really?"
"Well, I'm not halfway done yet but I'm getting there."
Natuwa siya sa excitement at saya na narinig niya sa boses ni Jude. His eyes were glowing as if he discovered something precious.
"So Queen City is back?"
His smile was a bit crooked. "I'm still thinking..."
Natawa siya. "Do you even read the comments from the Queen City official page? They're willing to sell their kidneys for your comeback."
He chuckled, "They wouldn't dare."
"You never know."
Jude just shrugged his shoulders. Napansin niya talaga na hindi mahilig sa fan service 'tong si Jude. Hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya o hindi 'yon.
"Want to write a song with me?"
Napakurap siya. "Ha?"
"Let's write a song together."
Natawa siya. "Okay ka lang? I'm a nobody, Jude."
"You're not a nobody, Marison." Napatitig siya rito. "Someday, you will shine, and when that moment comes. Ako naman ang tagahanga mo."
Napangiti siya.
"I appreciate that. Thanks, Jude."
"You're welcome." He smiled back. "And I don't want you to forget your dreams. Kahit na nandiyan na ang kambal. I'm willing to compromise."
"Anong klaseng compromise ba 'yan, ha?"
"Well, I've mentally listed some options that might be feasible for a proposal. Gusto mo marinig?" She nodded. "One, an early retirement. Second, to be a full-time daddy. Or, which is the third, be a full-time daddy and a fanboy to Lucia Marison. Or, still be a full-time daddy, a fanboy, and a singer of Queen City. Ano sa tingin mo?"
"Or pwede ka pang mag-isip ng madaming options," sagot niya sabay tawa.
Nahilot ni Jude ang sentido. "Sumakit bigla ang ulo ko."
"Stop drinking, masama 'yan sa kalusugan mo." Inilayo na niya ang dalawang 'di pa nito nabubuksang can. "And go home. Sleep."
"Inaantok ka na ba?"
"Hindi pa naman –"
"Right, you should sleep." Tumayo ito at lumapit na sa kanya. Maingat naman siya nitong pinatayo. "Hindi maganda para sa'yo ang magpuyat. Baka kapag lumabas ang kambal makapal na eyebags ng mga anak natin."
"Jude!" sita niya rito but he didn't budge.
He escorted her going up.
At nang nasa harap na sila ng pinto ng bahay ni Chi ay hinarap siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat. He was smiling from ear to ear.
"Goodnight, Marison."
"Ang weird mo, stop smiling like that."
"Why?"
"Wala! Goodnight." Akmang papasok na siya nang bigla siyang yakapin nito. "Jude!" singhap niya.
He chuckled, "Goodnight hug."
"Loko ka."
Pinakawalan na siya nito. His smile stayed. "Goodnight."
"Pang-ilan mo na 'yan?"
"Pang-tatlo pa lang naman."
"Umuwi ka na nga."
"Goodnight."
"Jude!!"
Biglang bumukas ang pinto sa likod niya. "Ano ba magpatulog naman kayo?!" sigaw ni Chi na nakapantulog na. "Bukas ka na ulit umakyat ng ligaw, Savio! Uwi naaaa!"
Pigil ni Jude ang ngiti. Itinaas nito ang isang kamay. "Good –"
"– Night," dugtong niya na may ngiti.
"Okay na? Nakapag-goodnight na kayo sa isa't isa. Pwede na tayo matulog lahat?" Sabay silang tumango ni Jude. "Amen! Hala, pasok na Marison." Maingat naman siyang hinila sa braso papasok ni Chi. "Savio lumayas ka na! Bumalik ka na kina Simon at Theodore."
"Sino sila?" tanong ni Jude.
"Alvin and the Chipmunks, ikaw si Alvin, kaugali mo 'yon! Babosh!"
'Yon lang at pabagsak na isinirado ni Chi ang pinto habang nag-lo-loading pa rin si Jude. Tawang-tawa naman siya. Nauna nang umakyat si Chi.
Pero napa-isip siya.
Napanood na niya ang movie na 'yon and she loved it.
Kung si Alvin si Jude. Simon should be Thad, 'cause he's a bit serious and uptight. Theodore is the adorable chipmunk among the three so Simon should be Theodore, right?
"Lucia Marison matulog ka naaaa!"
Well, I think I got it right.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro