Kabanata 44
"DID you know?" she asked calmly, kahit sobrang dami nang tanong na nabubuo sa isip niya nang mga oras na 'yon.
She waited for Jude in his room and for the past thirty minutes, everything still didn't make sense.
She needed answers.
Bumaba ang tingin ni Jude sa hawak niyang Hello Kitty notebook. "Mari..." Umangat ulit ang tingin nito sa kanya. "Let me explain."
"Jude, I just want an honest answer. Matagal na ba kayong magkakilala ni Yaya Celia? Did you know all along? Did she know about your plans?"
"No. She has nothing to do with this." He stepped forward but he didn't move any further. "Your Yaya Celia loved you so much, Mari, and just like you, I have disappointed her."
"B-But why?" her voice broke this time, tears streamed from her eyes. Kanina pa siya nagpipigil ng mga luha. God, it hurts so much. "Why did you hide this from me?" Iniangat niya ang notebook na hawak. "Did you think that I wouldn't understand the situation? Jude, Faith is Yaya Celia's daughter and my brother killed her! My family was the reason why you all lose Faith. How can I think that this is okay?"
"Mari, calm down."
"But it doesn't make sense. W-Why? Jude, bakit pa ako inalagaan ni Yaya? Bakit nasa akin ang mga mata ni Faith? I know that Dad tried to pay them cash para tumahimik sila at para huwag na umabot sa korte ang kaso. I know that Kuya Lucio plead not guilty about what had happened and there was no single remorse from him. I know my family and I know how undeserving we are!"
"Mari," Mabilis na nakalapit ito at hinawakan ang mukha niya, "It's not your fault, okay?" alo nito sa kanya habang iyak pa rin siya nang iyak. "You're different. You're not one of them. Yaya Celia knew that kaya hindi ka niya sinisi sa pagkamatay ni Faith. She knows you. She loves you. And she has her reasons. Please, don't think that way. I don't want you to think that way." Pinunasan nito ang mga luha niya sa mukha. "Please, don't blame yourself."
"Jude –" Sinubukan niyang alisin ang mga kamay nito pero mabilis siya nitong niyakap.
"It's okay. I'm here. It's not your fault."
"B-But it's Yaya Celia," she sobbed on his chest. "Si Yaya kasi 'yon. How can I accept these eyes? Faith died because of my brother. You all suffered because of my family. How can I think that it's okay? It's not okay!"
Humigpit ang yakap ni Jude sa kanya.
Sobra-sobra ang paninikip ng dibdib niya. Hindi kaya ng konsensiya niya. For the past years, she had always believed that her yaya was happy pero hindi man lang niya napansin na may mali. Hindi man lang niya napansin ang lungkot sa mga mata nito. Yaya Celia had always been there for her... had always been there protecting her... but when her Yaya needed her, all she did was to give her worries... and she failed to protect her.
"Jude..." she cried with all her heart. "I-I'm sorry. I'm sorry."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at muling ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito.
"Stop crying. Yaya Celia doesn't hate you. We'll talk to her, okay?" Muli nitong pinunasan ang mga luha niya. "She will tell you everything." Niyakap siya nito at hinalikan nang mariin sa ulo. "Everything will be fine. I will make sure of it."
A few years back
"Ma." Inabot ni Faith ang envelope kay Celia. "Nakuha ko na po 'yong ATM card. Marunong po ba siyang gumamit niyan? Online banking?"
"Anong online banking anak?"
"Registered through phone tapos online transfer from –" Tumigil si Faith sa pagsasalita at marahas na napabuntonghininga. Wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito. "Oh, sige na nga, tutulungan na kita. Hindi ba alam ng alaga mo paano mag-open ng account online?"
"Marunong naman siya pero mahihirapan akong sundan ang mga sinasabi niya kaya turuan mo na lang ako. Ayokong mahirapan siya sa pagtuturo sa'kin." Hinila na niya ang anak sa sala. "Halika na, turuan mo ako. Paano ba 'yan?" Naupo sila sa sofa.
"At okay lang sa'kin, ganoon?" natatawang tanong ni Faith.
Ngumiti siya rito. "Hayaan mo na. Kawawa naman 'yong bata e."
"Kumusta na pala siya? Wala na bang chance na makakita siya?"
Napabuntonghininga siya. Nalulungkot siya sa tuwing naiisip ang kalagayan ni Mari. Ni wala itong matatawag na kaibigan. Nakakulong sa mansion simula pagkabata. Nawalan ng ina sa murang edad at ngayon naman ay nabulag ito. Hindi niya mapigilan ang sariling isisi ang nangyari rito.
Kung sana pinigilan niya itong umalis nang araw na 'yon.
"Lagi kong dinadasal na sana ay makakita na ulit siya. Hindi rin matukoy ng doctor kung bakit hindi naging-successful ang nakaraan niyang operasyon. Sabi maaring psychological daw ang dahilan o baka hindi lang compatible. Kawawa talaga ang batang 'yon."
"At ginawan mo siya nang dummy account sa pangalan ko dahil?"
"Nabanggit ko na 'to sa'yo. Kamakailanlang ay nahilig siya sa pakikinig sa mga kanta nila Jude. Ngumingiti na siya at tumatawa. Simula noong aksidente ay hindi na siya masyadong nagsasalita. Ni hindi ngumingiti man lang. Kinakausap ko pero tulala lang siya." Parang dinudurog ang puso niya sa tuwing naririnig niya ang iyak nito sa gabi. Wala siyang magawa para pagaanin ang kalooban ni Mari. "Kung sana may magagawa ako para gumaan man lang ang pakiramdam niya."
"Fan siya ng Queen City?"
Tumango siya. Hindi alam ng buong mundo na ang anak niyang si Faith ang lihim na nobya ng lead singer ng Queen City na si Jude Asrael Savio. Kilala na niya ang binata dahil hindi pa ito sikat noong manligaw sa anak niya. Malaki ang tiwala niya rito. At isa rin siyang humahanga rito.
"At madami na siyang nabiling merchandise ng nobyo mo kaya lang ayaw ng ama niya. Ako na lang ang bibili para 'di na malaman ng ama niya."
Kahit kay Faith ay hindi siya nagbabanggit ng pangalan. Hindi pwedeng makalabas na may itinatagong anak si Roberto Morales sa ibang babae. 'Yon ay isang lihim na sobrang iningatan niya ng ilang taon. Kamuntik na siyang mapaalis nang maaksidente si Mari pero hindi natuloy dahil umiiyak na nagmakaawa ang alaga niya sa ama nito.
Nangako siya kay Mariam na aalagaan niya si Mari at gagawa siya ng paraan para makatakas ito. Hindi niya alam kung paano niya gagawin 'yon o kailan. Masyadong maipluwensiya si Roberto. Saksi siya sa ilang beses na pagtatangkang pagtakas ng mag-ina dahil simula nang lumipat sa town house sila Mariam at Mari ay siya na ang naging katulong at yaya ni Mari.
At isa sa mga kondisyong pinirmahan niya ay ang pagtago sa totoong katauhan ng mag-ina.
"Fine! Ako na bahala sa mga gustong bilhin ng alaga mo. Maybe I can ask a little favor from Jude." Namilog ang mga mata niya. "Try ko mapapirmahan 'yong latest album nila na mari-release next month tapos regalo ko na sa alaga mo."
Ginagap niya ang mga kamay ng anak. "Salamat, Faith. Hindi mo alam kung gaano matutuwa ang alaga ko."
"Mahal na mahal mo talaga siya, 'no, Ma?" may lambing na tanong ng anak.
Minsang nagselos si Faith kay Mari dahil halos buong buhay niya ay inaalagaan niya ang taong 'di niya naman kadugo. Mas may oras pa siya rito kaysa sa mismong mga anak niya. 'Yon ang naging dahilan kung bakit nalaman nito ang tungkol sa trabaho niya. Sinundan siya nito papunta sa townhouse at nakita nito si Mari.
Mas matanda ng halos pitong taon si Faith kay Mari at laking pasalamat niya at naintindihan nito ang sitwasyon ng trabaho niya. Pinaintindi niya rito na mas mabuti na ring wala itong nalalaman kahit pangalan ng mag-ina para sa kaligtasan nito.
"Niligtas niya ang buhay ng kapatid mo." Mapait siyang ngumiti sa anak. "Malaki ang utang ng loob ko sa kanila."
Wala siyang mapagkunan ng pera at fifty-fifty na ang bunso niyang anak na si Mark sa ospital dahil sa sakit na dengue noong mga panahon na 'yon. Walong taong gulang pa lamang si Mari noon sa pagkakaalala niya. Narinig nawa nito na umiiyak siya habang kausap niya sa telepono si Faith.
Hindi niya makakalimutan ang ginawa ng batang 'yon. Sinira nito ang piggy bank nito at ibinigay sa kanya ang mga naipon nito. Umiiyak pa ito nang iabot nito sa kanya dahil ayaw nitong umiyak siya. Nalaman ni Ma'am Mariam ang tungkol sa kalagayan ni Mark at ito na mismo ang sumalo sa lahat ng gastusin nila.
Napakabait ng mag-ina sa kanya.
Kaya nang mamatay ang ina ni Mari ay ipinangako niyang aalagan niya ito at hindi iiwan kahit ano pang mangyari.
Niyakap siya ni Faith at inihilig ang ulo sa balikat niya. Nakangiting tinapik niya ang pisngi nito.
"Ma swerte pa rin ako na magkaroon ng ina na katulad mo. Kahit na halos walang-wala tayo ay masaya naman tayo. I love you, Ma."
"Mahal din kita, anak. At pasensiya na kung lagi akong wala."
Tumango-tango lang ito. "Ma."
"Hmm?"
"Gusto ko rin talaga siyang makakita ulit. Hindi man gaanong maganda ang mundo pero madami pa rin namang mga dahilan para i-enjoy natin ang buhay." Halos sabay nilang ibaling ang tingin sa isa't isa. Napangiti siya. "Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa kanya pero kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ko na may maiambag ko sa pagtuklas niya sa mundo."
"Faith –"
"Maniwala ka sa'kin. Someday, she will have the courage to leave her castle to find her place in this world. She will live a happy and fulfilled life."
"Sa tingin mo kaya niya?"
"We will help her."
"KUMUSTA si Mari, Jude?" tanong ni Tita Celia sa kabilang linya.
Kausap niya ito sa cell phone.
Ibinaling niya ang tingin kay Mari. She was already asleep. He couldn't stop her from crying and he didn't push the topic further. She was quiet all evening. Mabuti na lang at napilit niyang kumain ito nang kaonti kanina and Chi understand the situation kung bakit sa kanya muna matutulog si Mari.
Nahilot niya ang sentido. Masakit na rin ang ulo niya. Ilang araw na siyang walang tulog. Hindi siya makatulog sa dami nang mga iniisip niya.
"She's already sleeping." Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang terrace sa second-floor ng bahay. "She wanted to visit Faith."
"S-Sa tingin mo mabuting ideya 'yon?"
"She will still insist and I think there is no point of hiding these things from her."
He saw the disappointment in her eyes. She may not say it but her mother's secrets made her feel like an outcast – a fool. Everyone seemed to be hiding something from her. It made her feel vulnerable and he knew how Mari hated to be treated like a damsel in distress. He had disappointed her as well and he was part of that everyone.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat?"
"You did nothing wrong, Tita. Sa ating dalawa, mas malaki ang kasalanan ko kay Mari. You have already warned me and I broke your trust for hurting her." Naibaling niya ang tingin sa lighthouse. Kita 'yon mula sa kinatatayuan niya. "And the least that we can do now is to tell her everything."
Sandali itong natahimik sa kabilang linya.
"Tatawag ulit ako sa'yo."
"Sige po."
Ibinaba na niya ang cell phone. Natuon ang atensyon sa umiilaw na parola. Bumalik sa aalala niya ang gabing una niyang nakita si Mari. He didn't expect to see Lucia Marison Salvaleon in Roberto Morales' mansion.
Mark wasn't able to give him the details of the person who got Faith's eyes. Sinabi rin nito na naiwala ni Tita Celia ang letter. He had forgotten about her dahil natuon na kay Roberto Morales ang atensyon niya.
That night.
He didn't come for her.
He climbed the walls of the Morales' mansion for Roberto Morales. He had planned of it for weeks. He stayed in one of his relative's houses in Maria Luisa. Alam niya kung gaano kahigpit ang subdivision na 'yon and he needed some time to execute his plan. Minanmanan niya ang buong bahay. Pati na rin ang mga taong labas-masok sa mansion.
Wala siya gaanong nakuhang impormasyon sa Tita Anne niya patungkol sa mga Morales. Kapatid ito ng ama niya and she warned him that it was better to not know things about that family.
But not him.
He wanted to know more.
He successfully landed on his feet. Umangat ang mukha niya at iginala ang tingin sa paligid. Madilim ang likod ng bahay. That was the only feasible access. May malaking puno roon. 'Yon lang ang punong lumagpas sa bakod na nakita niya. mula sa labas. Itinali niya ang lubid sa isang bato na kasing laki ng kamao niya kanina. He threw it on the near branch and secured it there bago ginamit 'yon para makaakyat siya.
Alam niyang may mga security guards sa paligid and he had to do something para makapasok siya sa malaking bahay. Tumayo siya at ibinaba pang lalo ang visor ng itim niyang sombrero. at inayos ang mask sa bibig. Maingat siyang naglakad sa dilim. He made sure na walang CCTV at blind eye ang lugar. No one will notice or hear him as long as he's in the dark.
He was invisible.
He could almost blend in with his surroundings.
Darkness was his bestfriend.
He could break into a house without a trace.
Nahanap niya ang back door. Nagulat siya nang mapansing bukas 'yon nang pihitin niya ang knob ng pinto. If it's pure luck then he had nothing to complain. Mabilis siyang pumasok sa loob at bumungad sa kanya ang dirty kitchen. Dark but bearable. Tumatagos pa naman ang ilaw sa labas ng bahay sa mga bintana.
He immediately looks for the electrical panel room. Sa laki ng mansion, there should be one. Hindi siya pwedeng umakyat agad at baka makita siya sa CCTV camera ng bahay. He went to the basement. Usually, doon nilalagay 'yon, and there he found it. Pinatay niya ang source of power at namatay ang buong ilaw sa buong kabahayan.
He started hearing noises, footsteps, and murmurs.
Now he has to move fast.
Mabilis na umakyat ulit siya at tinungo ang hagdanan paakyat ng second floor. He didn't know which room. He would appreciate a lucky guess. Biglang narinig niya ang pagbukas ng isa sa mga pinto sa pasilyong 'yon.
Damn it!
Mabilis siyang nagtago sa isa sa mga pader na naroon. Sinilip niya kung sino ang lumabas. Isang matandang babae. Pinailaw nito ang hawak na cell phone. Maiangat muli nitong isinirado ang pinto.
"Hindi na naman siguro isinirado ni Brenda ang pinto sa likod." Bumuntonghininga ito. Mabilis itong naglakad sa direksyon niya. "Kakausapin ko na talaga ang babaeng 'yon –" Nanlaki ang mga mata niya nang makita nang mas malapitan ang mukha ng matandang babae.
Tita Celia?
Napakurap siya. Halos hindi makapaniwala. What is she doing here? This is the Morales' mansion! Lumagpas na ito at bumaba na ng hagdan. Naibaling niya ang mukha sa nilabasang pinto kanina.
Who is inside that room?!
He was curious as hell at kahit na gusto niyang itanong 'yon sa ina ni Faith ngayon din ay alam niyang hindi 'yon magandang idea. Mabilis ang mga kilos na tinungo niya ang pinto at nang nasa harap na siya ay maiangat na binuksan niya ang pinto. Bumungad sa kanya ang madilim na silid. May malaking four poster bed sa gitna at may taong natutulog sa kama. Maliwanag ang kalahati ng silid dahil nakalihis ang kalahati ng makapal na kurtina kaya tumagos ang liwanag ng buwan sa loob lalo na sa parte ng kama.
It didn't look like Roberto Morales' room.
Hindi rin kwarto ng walangyang si Lucio.
The room smelled like lavender.
Isinirado niya ang pinto sa likod at dahan-dahang lumapit sa kama. And then he saw her. A woman sleeping peacefully like an angel. Napatitig siya sa mukha nito.
Who is she?
Bumaba ang tingin niya sa bed side table. Kinuha niya ang isang picture frame kung saan kasama nito si Roberto Morales. Ibinalik niya ang tingin sa babae. May hawig nga ito kay Roberto.
Kumunot ang noo niya.
But Roberto doesn't have a daughter.
So sino ito?
At bakit lumabas mula sa kwarto nito ang ina ni Faith?
Ibinalik niya ang picture frame at doon niya napansin ang isang purple floral covered notebook. Maliit lang 'yon. A mini notebook. Binuksan niya ang notebook at nabasa niya ang pangalang imposible niyang makalimutan.
Lucia Marison Salvaleon's To-Do-List Notebook
Nahulog mula sa isa mga pahina roon ang isang maliit na larawan sa sahig. He immediately picked it up and saw that it was a family photo. Sigurado siyang ang babaeng nasa harap niya ang batang nasa picture at si Roberto Morales ang kumakarga rito. May kasama itong babae na halos hawig din nito.
Lalo lamang kumunot ang noo niya.
Binaliktad niya ang larawan at nabasa niya ang nakasulat.
With my Mommy and Daddy! <3
Umangat muli ang tingin niya sa natutulog na babae. Bahagya itong gumalaw kaya mabilis siyang bumalik sa may pinto. Madilim ang bahaging 'yon dahil natatakpan ng makapal na kurtina ang side ng bintana na malapit doon. Mayamaya pa ay biglang nagising ang babae at dalawang beses na sinubukang paalawin ang lamp shade. Hindi 'yon umilaw dahil walang kuryente.
Bumangon ito at humarap sa bed side cabinet at may kung anong kinuha sa isa sa mga kaha roon. Umatras pa siya sa lalo sa likod nang hindi sinasadyang mahulog niya ang hawak na notebook.
Shit!
Naigala ng babae ang tingin sa paligid. She heard him! But how would he know who she was if he won't show himself. Inayos niya ang itim na face mask sa bibig at ilong at ibinaba pang husto ang visor ng sombrero niya.
He stepped forward and showed himself. Tumama sa kanya ang liwanag ng buwan na tumagos sa bintana.
"W-Who are you?" she asks trembling.
"I should ask you the same."
BUMABA siya at naabutan niya si Balti sa sala. Simon is at the kitchen. Narinig pa niyang bumukas ang ref. Nakatayo naman si Thad sa tabi ng pang-isahang sofa habang hawak-hawak ang isang umuusok na kape.
It was already past 10 pm on his watch.
"I've checked the letters. Mari's father was able to transcribe half of it but I have to double-check. May mga malalim na mga salitang ginagamit kaya siguro hindi natapos ng ama ni Mari ang buong sulat. Thank God, I didn't fall asleep in the first sentence. Mukhang sa black book lang ni Iesus ang side effect na 'yon." Napakamot ito sa ulo.
"How long will it take you?" tanong niya.
"Three or more days. I'll try. Exam week pa naman ngayon ng mga bata I can't file a leave but I will try."
"Nasabi mo na ba kay Iesus?" Thad added.
"Nasabi ko na."
Tumango-tango siya. "I think, that's fine."
"It's quite long. Sa tingin ko ay buong kwento ang isinulat sa limang pahinang sulat. Mahirap na basahin but I just have to summarize it para makuha ang buong mensahe ng sulat."
"Take your time."
Balti nodded. "Anyway, how's Mari?"
Nakabalik na rin si Simon na may dalang baso ng tubig. "Nakatulog na ba siya?"
He nodded. "She's fine."
"Sasabihin n'yo na sa kanya ang lahat?" dagdag ni Simon.
"It's for the better."
"You should rest," ni Thad. "You're tired, Jude. Samahan mo na si Mari."
Masakit na rin ang ulo niya. Sana nga lang ay makatulog siya.
"Huwag mo muna isipin ang tungkol sa music box. Kami na ang bahala roon. Just be with Mari for now. She needs you," dagdag ni Balti. Tinapik nito ang balikat niya. "We'll get through this together, don't worry."
"Thanks."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro