Kabanata 4
FIRST stop was in CARCAR.
Jude parked the car inside a public market. She peered on the roll up window on her side. Ang daming tao. Parang may fiesta. May mga batang naghahabulan at nagtitinda ng kung ano-ano. Kahit na nasa loob pa sila ng sasakyan ay na-i-imagine na niya ang ingay na bubungad sa kanila kapag lumabas sila.
"Welcome to Carcar," baling sa kanya ni Jude. Isinuot nito ang maroon na bull cap sa ulo at inayos ang sunglasses sa mata. Inalis nito ang seatbelt sa katawan at inabot mula sa likod ang isang white brim hat na pag-aari niya. "Wear this, it's hot outside." Ipinatong nito 'yon sa ulo niya.
Hinubad na rin nito ang suot na jacket. Humakab sa white shirt nito ang matipunong dibdib.
Actually, alam niya ang buong mapa ng Cebu pero hindi pa talaga niya napupuntahan ang mga 'yon. Lalo pa noong nabulag siya.
"Anong gagawin natin dito?"
"Bibili ng mga kailangan natin."
"Kulang pa ba 'yong mga dala natin?" Halos dala na yata nila buong bahay. Bulag ba 'tong si Jude?
"Will just buy a few foods and snacks, that's it." Bumaba na ito ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. "Labas na."
Nakagat niya ang ibabang labi. "Ang daming tao." Naigala pa niya ang tingin sa paligid. Pero bumaba na rin siya ng sasakyan. Mabilis na humawak siya sa braso nito. Nawala na nga siya sa Ayala, paano na lang kung mawala pa siya rito? Mahahanap pa kaya siya ni Jude? "Pahawak muna," aniya, "wala pa naman akong sense of direction. Baka mawala ako."
Pag-angat niya ng tingin dito ay titig na titig ito sa kanya - namimilog ang mga mata. Gulat ba 'yon o amusement? 'Di niya alam. At wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ni Jude nang mga oras na 'yon. Marison's goal today is dumikit lang kay Jude para 'di mawala.
"Don't worry," tinapik nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito, "kumapit ka lang sa'kin. Akong bahala sa'yo."
Ngumiti na siya. "Thanks."
Dinala siya ni Jude sa hilira ng mga nagtitinda ng mga lechon. Malayo pa lang ay amoy na amoy na niya ang lechon Cebu. Hindi pa naman siya gutom pero bigla siyang natakam.
"Alam mo ba," basag ni Jude, "na dito mo mabibili ang pinakamasarap na lechong Cebu?"
"Talaga?" manghang tugon niya.
"Oo, madalas kami ni Thad dito noong mga bata pa kami. Our grandparents are from Carcar. We technically grow up here, actually. But when they died. Tito Bern, Thad's father, sold the house."
"So 'di na natin mapupuntahan 'yon?"
"Unfortunately, yes. Iba na ang may-ari."
Mayamaya pa ay dinumog na sila ng mga nagtitinda na halos magkatapat lang ang mga stalls sa isa't isa. Hindi naman din gaanong malaki ang daanan kaya nagdidikit na ang mga braso at balikat ng mga taong dumadaan.
Sa pagkakataon na 'yon, umakbay na si Jude sa kanya. Napangiti siya. Dahil sa ginawa nito hindi na siya nasasagi ng mga nagmamadaling tao sa paligid nila.
"Sir, lechon you want?" buhay na buhay na tanong ng isang baklang tindera kay Jude. "It's very tasty and yummylicious like you," dagdag pa nito in his thick English accent nito.
Lihim siyang natawa.
Mukha naman kasing foreigner si Jude kahit na medyo moreno ito. Jude's father is a mix of Filipino-Spanish. Ang mama naman nito ay isang Amerikana pero maaga itong namatay. Jude was still 15 at that time. His mother died because of colon cancer.
"We have free taste also."
Hindi lang ito ang namimilit sa kanila pero mukhang alam na alam naman ni Jude ang gagawin. He look unbothered. Wala rin itong pakialam kahit na mamukhaan ito. Not that he was being too obvious. Siguro kahit fan na fan ka pa ng Queen City mapapatanong ka muna kung si Jude ba talaga 'yon o hindi bago lumapit.
Tinanggap ni Jude ang ibinigay na part ng balat ng lechon at iniumang 'yon sa kanya. Namilog ang mga mata niya. A smile slipped on his face.
"Tikman mo," udyok nito.
"Ako talaga?"
"Ladies first, open your mouth."
Nahihiya pa siya, syempre, susubuan siya ng isang Jude Asrael Savio. Ang crush niya nang mahigit limang taon. Kahit pa sabihin na walang nakakakilala rito, iba pa rin 'yong alam mo ang totoo.
"S-Sige na nga," she parted her lips a little.
"Bigger."
Nilakihan niya nang kaonti ang bibig. Pero imbes na isubo ang balat ng lechon sa kanya ay dumiretso 'yon sa bibig nito. Napakurap-kurap siya. Her mouth was left gape open for nothing. Judeee!
"Give us 2 kilos for this," tumatawang sabi nito sa tindera.
"Ang bully mo," inis na bulong niya rito.
Nakangiti pa ring ibinaling nito ang tingin sa kanya at nang akmang ibubuka niya ang bibig para magsalita ulit ay isinubo nito ang natirang balat ng lechon sa bibig niya.
"Masarap 'di ba?"
Nakakunot ang noo na nginuya niya ang balat pero nang malasahan niya ang sarap nun napangiti siya. Para siyang na excite na ewan. Syempre nakatikim na rin naman siya ng lechon pero may iba sa timpla nun na masarap talaga.
"Sabi ko sa'yo e." He gives her a thumbs up.
Nag-thumbs up din siya rito.
Aside sa lechon ay bumili rin itong pusó. It's a hanging rice na ibinalot sa coco leaves. Kapag daw nagutom sila may instant food silang makakain. Bumili rin silang chicharon at 'yong rainbow bukhayo na sobra niyang nagustuhan. It's still made in coconut grated meat.
"O, hinay-hinay riyan," puna sa kanya ni Jude habang nag-da-drive, "baka masobrahan ka at sumakit pa tiyan mo."
"Ang tamis kasi saka masarap."
"So you've never been out like this, ha?" he glanced at her for a second.
Tumango siya kahit hindi ito nakatingin. "Kahit noong bata ako, hindi ako nilalabas ni Daddy. Nakikita ko lang ang Cebu sa palabas at sa mga magazines."
"If I may ask, why?"
"Long story, hindi ko muna masasabi sa ngayon pero sa loob ng twenty-three years nasa loob lang ako ng mansion namin. Kaya minsan, if nagagawan ko ng paraan, nakakasama ako kay Yaya Celia mag-grocery pero nagagawa ko lang 'yon kapag wala si Daddy sa bahay at wala rin si Kuya Lucio."
"Your father must have a reason behind it."
"Actually, 5 years ago, I got involved in a car accident. Dahil doon, nabulag ako." Marahas na naibaling nito ang tingin sa kanya - tila nagulat sa isinawalat niya. Ngumiti siya rito. Ibinalik din nito ang tingin sa harap.
"Nabulag ka?" ulit nito.
"Yup, limang taon din ang lumipas bago ulit ako nakakita. Sa unang taon na 'yon, doon kita nakilala. Nasa garden ako noon nang marinig kong pinapatugtog ang music ng Queen City sa radyo. Si Mang Marlon, gardener namin, lagi kasi siyang may dalang maliit na radyo. Nakikinig siya lagi roon kapag naggugupit ng mga damo at halaman."
Natawa siya nang maalala ang cool kid na si Mang Marlon. "Alam mo, kahit matanda na si Mang Marlon, updated pa rin 'yon sa mga uso. 'Yon nga, nang marinig ko ang Story of Our Love ay na hook agad ako."
"That's one of our first released songs," nakangiti nitong sagot.
"Simula nang marinig ko ang boses mo, Jude. Nabuhayan ako. Simula kasi nang mabulag ako, nawala na rin ang pag-asa kong mabuhay ng normal at masaya. Pati ang pangarap kong kumanta sa harap ng madaming tao." Nabosesan niya ang lungkot sa boses niya kahit pa nakangiti siya. "If only I grew up in a different family or sana nagkaroon na lang ako ng typical family. Okay lang kahit hindi ako mayaman. Basta buo. 'Yong walang dapat sekretong itinatago. Malungkot kasi 'yong halos buong buhay mo kailangan mong magkunwaring hindi ka nag-e-exist sa mundo."
Ano ba 'yan, Marison! Ang lungkot masyado ng kwento.
"Kaya favorite ko rin 'yong kanta n'yong, Secret."
It's the song na lagi niyang kinakanta. 'Yong song na para bang gustong isigaw ni Jude sa buong mundo na may babae itong lihim na minamahal. Sa tuwing pinapakinggan niya kasi 'yon. Iniisip niyang para sa kanya ang kantang 'yon.
Wait.
May naalala siya bigla.
Kasi curious siya dati kung nagka-girlfriend ba ito. O kung para 'yon sa secret girlfriend nito. Kaso wala namang kumalat na dating rumor patungkol dito.
"Jude,"
"Hmm?"
Bahagya niyang pinihit ang katawan dito. "Curious lang talaga ako, anong inspiration mo sa Secret? May secret girlfriend ka ba?"
Jude chuckled, "what do you think?"
"Meron? Pero secret?" Pero sana wala. Kung meron man, sana ex na lang nito.
She was secretly crossing her fingers.
"Nope, wala akong girlfriend. Well, noong college mayroon. But when Queen City debuted in the US, we had to avoid any dating scandal. Nasa contract 'yon, since the majority of our fans, are young girls. Sa loob ng halos walang taon wala akong naging girlfriend."
"Seryoso talaga?"
"Business is business," he shrugged his shoulders.
"Hanggang ngayon bawal kang mag-girlfriend?"
"Bakit?" saglit siya nitong tinapunan ng tingin, may naglalarong ngiti sa mukha. "Interesado ka?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi!" halos nakasigaw niyang sagot sabay kumpas ng mga kamay.
"O, bakit galit ka na naman?"
"Hindi ah."
"I'm turning 30, baka pwede na rin akong makipag-date ngayon."
"Next month na 'yon, 'di ba?"
"Hinihintay mo?"
"Hindi."
"Ikaw ba, pwede nang mag-boyfriend?"
Marahas na inihilig niya ang likod sa back rest. "Sino naman? E, wala ngang nakakaalam na nag-e-exist ako sa mundo maliban sa mga tao namin sa mansion."
"I know someone who knows you."
Naibaling niya ang tingin dito. "Sino?"
"Ako," sagot nito nang hindi siya tinitignan.
Napakurap-kurap naman siya. What does he mean about that?
INABUTAN na sila ng dilim nang makarating sila ng OSLOB. Ipinasok nito ang sasakysan sa isang public beach. Sabi nito bukas daw ng maaga ay may bangkang susunod sa kanila papuntang Sumilon Island.
May resthouse raw doon ang kaibigan nito na pwede nilang stayhan. It's a private resthouse na tanging bangka lang ang makakapunta roon. They will stay there for a week saka raw nila lilibutin ang buong Cebu. 'Yon daw ang itinerary nito sa 'unforgettable adventure' raw nila.
Nasa likod sila ng hilux. Naglatag ito makakapal na kumot roon at ilang mga unan na dala nito. Pinayagan naman sila ng taga bantay na magpalipas sila ng buong magdamag doon. Halos kasi ng mga pinuntahan nilang inn and resorts ay fully booked dahil weekend. Hindi naman ganoong madilim dahil may mga lamp post naman sa beach.
Malamig nga lang dahil mahangin at gabi na. Isinuot na niya ang cardigan. Mabuti na lang at mahaba ang saya ng suot niyang dress. She filled her lungs with the mix saltry smell of the sea and warm breeze of the night. Sa totoo lang, ngayon lang nag-sink-in sa kanya na malaya na siya - na wala na siya sa loob ng mansion.
Tila musika sa kanyang pandinig ang malalakas na hampas ng tubig sa dalampasigan.
"This feels surreal?"
"Ang ano?"
Umakyat na rin si Jude sa likod ng sasakyan at tumabi sa kanya. Tumingin ito sa tinitignan niya. Tanaw sa puwesto nila ang tila umiilaw na isla. May iilang bangka ring pumapalaot. Tila lampara 'yong lumulutang sa dagat. Sabi ni Jude, doon daw sila pupunta. Tila buhay na buhay ang isla kahit gabing-gabi na.
Hinarap niya ito. "Pisilin mo nga ang pisngi ko, Jude."
Kumunot ang noo nito. "Bakit?"
"Pisilin mo na dali!" Hinawakan niya ang isang kamay nito at iniangat sa mukha niya. "Gusto ko lang masiguro na totoo 'to. Na wala na ako sa mansion."
Natawa ito. Sa halip na sundin siya ay ginulo lang nito ang buhok niya. Muli nitong itinuon ang tingin sa harap.
"This is real," anito.
She sighed dreamily. "I know I'm not supposed to feel happy dahil hindi naman maganda ang rason kung bakit kailangan kong umalis sa mansion. But I just couldn't help it. I feel so free. Para akong nakawala sa tore ng palasyo ko."
"The world is not as beautiful as you think of it, Marison."
"Pwede ko bang isipin na maganda talaga ang mundo?"
"It's not bad to see things in a silver lining but I also want you to see the ugly truth of living in this world."
Nahiwagaan siya sa sinabi nito. Tila ba may malalim itong pinaghuhugutan. Hindi lang niya alam kung ano 'yon.
"You also have to learn to fight," ibinaling nito ang tingin sa kanya, "para kahit masaktan ka, alam mo kung paano makakatayo muli. Do not rely your happiness to other people. At some point, they may turn out to be enemies than allies."
"I don't understand."
Ngumiti ito. "You can see now, Marison. You can now stand up for yourself."
Wala talaga siyang naiitindihan sa sinasabi ni Jude. Medyo na-gi-gets niya nang kaonti pero 'di talaga ito nag-si-sink-in sa utak niya. It was like reading a fill in the blanks question.
"Hindi ko talaga gets," aniya na may kasamang tawa.
Jude's face softened.
Nililipad ng hangin ang buhok nito. Suddenly she felt a familiar warm feeling inside. Panatag talaga ng puso niya kay Jude. Buo na buo ang tiwala niya rito kahit na ilang araw pa lang naman silang nagkakilala.
Siguro dahil sa limang taon na kahit boses lang nito ang naririnig niya para na rin niya itong kasama. Ang kaibahan lang, nakikita na niya ito ngayon.
"If what happened the other night is a revenge plan of your father's enemies," basag muli nito, "will you forgive them if they ask sorry?"
"Hindi," iling niya, "dahil may nasaktan sila."
Hindi niya ugali ang magtanim ng galit pero marunong din naman siyang masaktan. At kahit wala namang sobrang nasaktan sa barilan, the trauma and fear will continue to haunt them.
Inabot nito ang isa pang kumot at ibinalabal sa kanya. Napatitig siya sa mukha ni Jude. Hindi ito direktang nakatingin sa kanya dahil iniayos nito ang kumot sa katawan niya. Amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito. Para talagang may sariling pabango si Jude. Kahit siguro nakapikit ay makikilala niya pa rin ito.
"Jude," bulong niya rito.
Nagtama ang mga mata nila.
Ngumiti siya. "Should I forgive them?"
Umiling ito. "No." He tucked a loose strand of hair at the back of her ear. Iniwas nito ang tingin sa kanya at itinuon ang atensyon sa kanyang buhok. "And if someday they regret hurting you, don't forgive, they deserve it."
Ibinalik nito ang tingin sa kanya saka marahang tinapik ang kanyang ulo.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising dahil sa sinag ng araw. Naitakip niya ang isang kamay sa kanyang mga mata. May naririnig siyang ingay ng dalawang taong nag-uusap. Hindi nga lang niya maintindihan. Pero kilala niya ang boses ng isa. It was Jude.
Bumangon siya at hinanap sa paligid si Jude. Agad niya itong nakita. Nakatayo ito 'di kalayuan sa sasakyan. May kausap itong lalaki na mukhang foreigner. Kasing tangkad din nito ang lalaki. Napansin din niya ang isang malaking bangka sa likod ng mga ito.
Mukhang napansin ng mga ito na nakatingin siya dahil biglang naibaling ng dalawa ang tingin sa kanya.
Tinapik ni Jude sa braso ang kausap nito saka inaya na lumapit sa kanya. Bigla naman siyang na conscious. Dios ko naman, anong itsura niya? Ang pangit niya siguro. Teka wait, baka may laway sa mukha niya. Na saan na ba 'yong suklay niya?
"Morning," nakangiting bati ni Jude sa kanya.
Ngumiti rin ang kasama nito. Ngayon niya napansin na Japanese pala ito. Pero mukhang may lahi ring pinoy. 'Di niya sigurado.
"Hi," bati ng kasama ni Jude.
"Marison, this is Simon. Siya ang may-ari ng resthouse na tutuluyan natin pansamantala."
"Sorry, I'm a bit late. Dapat kagabi ko pa kayo sinundo but something came up. But anyway, ihahatid kayo ni Mang Loloy sa resthouse. Siya ang caretaker ko roon." Ibinaling ni Simon ang tingin kay Jude. "Jude, pare, aalis na pala ako. May aasikasuhin ako sa s'yudad."
"Salamat, pare. Kami na ang bahala sa bahay mo."
Tumawa si Simon - lalo tuloy naningkit ang mga mata nito. "Don't worry," baling na tingin nito sa kanya, "the rest house is safe. Walang makakaalam na nandoon kayo."
"Thanks," aniya, ngumiti siya pagkatapos.
"Paano ba 'yan? Alis na ako? Sayonara!"
Tinalikuran na sila ni Simon. Nilapitan muna nito ang isang may edad na lalaki na nasa itaas ng bangka.
"Jude, okay lang ba talaga 'yon sa kaibigan mo?"
"He wouldn't mind. Saka lagi 'yang wala sa Cebu. Ngayon lang 'yan bumalik. Okay ka na? Aalis na tayo. Sa bangka na lang tayo mag-breakfast. May dala si Simon na pagkain para sa atin."
"Okay na -"
Akmang baba na siya nang bumalik si Simon.
"Tulungan ko na kayo sa pag-akyat ng gamit n'yo. Nakalimutan kong ibabalik ko pala 'tong sasakyan kay Thad."
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Jude. Inosenteng-inosente ang mukha nito.
"Hindi 'to sa'yo?" bulalas niya.
"Sinabi ko bang akin 'to?" he chuckled. And before she could react again, Jude carried her away from the car. Maiangat siya nitong ibinaba sa buhanginan. "Kilos na, little girl. Time is gold."
Tawang-tawa naman si Simon na naghahakot ng mga gamit nila.
Hayan, tinawag na naman siyang little girl.
Hay naku!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro