Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 35

***Trigger warning, this scene involves self-harming behavior due to depression. Read at your own risk.***


HUMUGOT siya nang malalim na hininga. Her lips pursed saka niya hinubad ang bracelet sa kamay. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok. Ramdam niya ang paghaplos ng lamig sa kanyang pisngi. Ipinikit niya ang mga mata. She concentrated. Mayamaya pa ay may naririnig na siyang mga bulong sa paligid. Hush sounds and heavy breathing. She didn't understand anything. There were faint voices murmurming. May ibang sumasapaw. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Nag-iinit ang mga tenga niya.

Please, speak. Hindi niya ito matatagalan. She needed to find her voice. Where are you? I'm here. Humigpit ang hawak niya sa bracelet sa kamay. Sanna ikaw ba 'yan?

Naimulat niya ang mga mata nang biglang sumigaw. She gasped. Nailapat niya ang isang palad sa dibdib para pakalmahin ang sarili. She blinked a lot of times.

She's not here.

Na saan siya?

Sana ay hindi pa siya huli. Isinuot niyang muli ang bracelet sa kamay at napatingin siya sa baba. Namilog ang mga mata niya nang makitang may nakatayong lalaki sa railings. His navy blue hooded jacket covered his head pero hindi siya pwedeng magkamali.

It was Jude.

Nasundan niya ang pagtingin nito sa parola and her eyes stared at the glow that lit up the dark skies.

She wondered what was Jude thinking at the moment?

Bumalik ang tingin niya rito.

Mapait siyang ngumiti at bumalik na sa loob. Whatever he was thinking it didn't matter anymore.



"I WILL provide some pegs for your beach reception," dagdag ni Louise Veronica. Ang event organizer ni Au. They were checking the venue earlier before the two joined them in one table with Chi. LV smiled. "I'll send it first through Viber then let me know so I can discuss the details with my team."

"Sure, thanks, Louise."

"No problem. Ako ang bahala sa dream intimate wedding ninyo ni Tor." Isinarado na nito ang laptop at isinilad sa lalagayan nito. "Anyway, kulang pa tayo ng bridesmaid. At least three siguro."

"Hatiin na lang kaya natin ang mga Faro Boys," suhestiyon niya. Tutal kasali naman halos lahat maliban yata kay Jude. "Kalahati grooms men, kalahati brides maid." Tawang-tawa naman ang tatlo. "Kakahiya naman e. Tutal gusto nilang nasa entourage sila."

She chuckled after.

"Langya!" ni Chi na tawang-tawa pa rin. "Taba talaga ng utak mo, Mari. Bakit 'di ko 'yon naisip?"

"Huwag na!" ni Au. "Gugulo lang ang kasal. Mag-iisip na lang ako. O 'di kaya isali na lang talaga natin si Mari."

"Oo nga," naibaling ni LV ang tingin sa kanya, "bakit ayaw mo?" may lambing na tanong nito.

She smiled. "Wala lang, mas masaya kasi kapag audience lang."

She loved Aurea and it's not that, she doesn't want to be one of her bride's maids. She would love to but maybe not now.

"Anyway, let me know lang." Tumayo na ito. "I have to go na pala. May last client meeting pa ako."

"Ingat," sabay pa nilang tatlo.

"Thanks! Bye!" Nagmamadali na nitong isinukbit ang sling ng laptop bag sa balikat. Kipkip sa dibdib ang mga clearbooks at folders na umalis ito. "Sorry!" Narinig pa nilang sabi ni LV nang mabangga nito sa balikat si Simon pero hindi na nito masyadong inangat ang mukha at dire-diretso nang umalis.

Lumapit si Simon sa kanila. "Sino 'yon?"

"Ang wedding organizer," sagot ni Chi. "Saan ka galing?" Halatang bagong gising lang ito. Ang gulo pa ng buhok. May dumikit pang mga dahon sa tuktok ng ulo nito.

Ngumisi ito. "May nakita akong new tulugan."

"Alam mo Simon, magpatayo ka nang sarili mong bahay at nang hindi kung saan-saan ka natutulog," sermon pa ni Chi.

"Hai!" humikab at nag-inat ito, "wakarismashita."

"Nagsasalita na naman 'tong alien words."

Masaya siyang nakikita na bumalik na ang dating masayahing si Simon. For the past few days, she sensed the awkwardness between them. He always looks at her with such guilt. Kaya kinausap na niya ito and masaya siya na okay na ito ngayon. He didn't need to feel guilty about everything. It was not his fault.

She has known him being the jolliest person among the Faro Boys but she didn't expect the soft and vulnerable side of Simon.

Who can hate a man like him?

Tumawa lang ito at nilingon ang mga kaibigan na masayang nangingisda sa floating dock. Tanaw pa rin naman 'yon sa puwesto nila. It was Sep's idea and everyone joined him. Nakadaong din ang malaking yacht ni Sep. Mukhang may bbq party mamaya.

"Parang gusto kong humuli ng pating ngayon," Simon murmured.

Natawa silang tatlo. Gutom na naman yata 'to. Tumakbo ito at bumaba sa floating dock area. Muntik pang dumiretso sa dagat sila Simon at Balti.

Napasinghap silang tatlo.

Paano ba naman? Niluksong baka ni Simon ang likod ni Balti para sa piggy back. Gigil na gigil si Balti. Pinalo ng balde sa binti si Simon na tawa pa rin nang tawa.

Rinig na rinig ang tawanan at pagsaway ni Sep sa mga ito.

Kapag talaga nagsama-sama ang mga ito puro na lang kalokohan ginagawa.

Masayang nag-uusap naman sila Vier, James, Tor at Iesus, each with a bottle of beer in one hand. Si Juan na nagbibilang ng isda sa ice bucket. Binibilang yata kung ilan ang makakain nito mamaya. Pinigilan niya ang mapangiti nang sobra. Meanwhile, Jam was taking stolen shots from his camera at siguro video na rin. Math was preparing the grilling sa deck ng yacht. Katulong nito si Nanay Lourdes at si Thad.

And there is Jude.

He's helping Sep catch a fish. Must I say, napilit ni Sep. Malayo ito sa mga kaibigan nito kanina but he saw Sep dragged Jude to hold the fishing rod for him. Wala na rin itong nagawa.

They didn't talk and even though she saw him looking at her ay mabilis nitong ibinabaling ang tingin sa ibang direksyon.

Inaamin niyang may konting kirot pa rin siyang nararamdaman sa puso niya. Maybe not little but in all honesty, seeing Jude is too painful for her.

Well, it was for the better.

At least hindi siya mahihirapang ignorahin si Jude.

No need to think about it, Mari. He doesn't seem affected that you're here so might you do the same. Halos magkasabay pa nilang isinuot ang colorful sunglasses sa mga mata. Parehong may hawak ng cup ng orange juice.

"So many fishes in the sea," nakangiting komento ni Chi.

"Akin 'yong malapad ang noo," Au giggled.

"Okay na ako rito," sagot naman niya.

"Ayaw mo roon sa Hudas?" pabirong tanong ni Au.

"Bahala siya sa buhay niya."

Natawa lang ang dalawa sa kanya. Mayamaya pa ay may dumating na isang matangkad na lalaki. Huminto ito sa harap nila. Halos sabay rin silang napatuwid ng upo na tatlo. Inalis nito ang itim na shades sa mata at ibinaling ang tingin sa kanila.

Sure siyang napakurap-kurap silang tatlo.

Sino 'to?

The man was tall, a bit tan, and snappy. She can sense impatience in him. His hair was brushed up pero sa tingin niya ay kulot ang buhok nito. Despite the casual clothes he was wearing, the man possesses a distinctive preeminence. Parang naririnig niya rito ang mga salitang, 'don't talk to me' or 'get lost'.

But he kind of resembles to –

"Andrew!" sigaw ni Chi. Naikiling niya ang ulo. Andrew? You mean, Sep's brother?! Andrew Alquiza! "Langya, Andrew!" Tumayo ito at nilapitan ang lalaki. "Bakit ngayon ka lang?"

"I'm running Alquiza Shipping Lines by myself so my older brother can keep his lavish and selfish lifestyle." Oh? The sarcasm is on point. "Where's Simon Peter?" At bagsak na bagsak ang pangalan ni Sep.

"Mari," Au whispered, "may away yata mamaya. Huwag mo muna ubusin ang DINGDONG snack mo."

"Pahinge niyang Piatos mo. Kanina ko pa 'yan pinag-iinitan."

"Sige," nagpalitan sila ng chichirya, "palit tayo."

"Ayon o," turo ni Chi.

Sakto namang napatingin din ang mga Faro boys sa direksyon nila. Halata ang panlalaki ng mga mata ni Sep. Nakaupo ito sa bangkito kaya mabilis itong natakpan nila Juan, Balti at Simon na on cue rin ang pag-proteksyon kay Sep. But too late for that. Mukhang nakita na ito ni Andrew.

"Simon Peter!" Andrew snapped.

Tinungo nito ang direksyon ng mga kasamahan nito. Mukhang susuong sa gyera. Napasinghap naman silang lahat nang pasimpleng itinulak ni Balti si Sep sa tubig.

Ngumisi pa ito. "Wala si Kap!"

"Bartholomew!" sigaw ni Sep mula sa tubig nang makaahon.

Tawang-tawa ang lahat maliban lang yata kay Andrew na nag-uumapaw ang galit sa kapatid. He was ready to dragged Sep out from the water and kill him with his bare hands. But she can't help but laugh at Balti.

"Minsan iniisip ko kung mabuting ihimplo si Balti sa mga estudyante niya. Parang, nagdadalawang-isip na ako," aniya saka muling natawa.

"Double-face ang walangya," dagdag ni Chi, "half-angel, half-demon."

Napa-iling-iling silang tatalo. "Isang malaking scam," dagdag ni Au. Chi and her glanced at Au. Kumunot ang noo nito. "O, bakit?"

"O, ilag!" ni Chi.

Tawang-tawa si Au. "Bwesit!"

"Oppaa!!"

Muli na naman silang napatingin sa sumigaw. A woman this time. Maikli ang buhok nito na hanggang leeg at may bangs. Naikiling niya ang ulo sa suot nitong winter jacket at snow boots at may akay-akay na tatlong mga maleta. Napakurap-kurap siya. Tatlong maleta?!

"Anak ni Beatrice!" sigaw ni Balti. "Vier akala ko ba 'di nakakapasok ang mga demonyo sa Faro? Bakit may nakalagpas?!"

"Kuyaaaa!"

Nagkatinginganan silang tatlo.

"Maha?!" they said in unison.

"Hindi na ligtas ang Faro. Lakasan n'yo pa ang orasyon. Bye!" Tumalon si Balti sa tubig at sinamahan si Sep roon. "Ilayo n'yo ako sa mga masasamang engkanto."

"Ulol!" ni Math. "Kapatid mo 'yan."

"Hindi ko 'yan kapatid. Kambal 'yan ni Bunshinsaba!"

"Sino 'yon?" tanong niya sa dalawa.

"Counterpart ni Sadaku sa Korean Horror movie," sagot naman ni Au.

Tawang-tawa naman siya. Loko talaga 'tong si Balti.

"Recruit natin si Maha," ni Au.

"Huwag," ni Chi, "masama kutob ko sa kanya."

"Ikaw Mari?"

"Depende kung anong laman niyang maleta niya."

Naku-curious talaga siya e.

"Adik!"

"Hihingi akong chocolate from Korea," dagdag pa niya.

Alam niyang nasa Korea ang kapatid ni Balti pero ang alam niya ay hindi ito makakauwi hanggat hindi pa nag-aasawa si Balti. So how?

"Sige, kaibiganin na natin," nagbago na isip ni Chi.

"Mukhang kompleto na disipulo ni Iesus ah," ni Au.

"Oo at isang Hudas," segunda ni Chi.

Make sense.



AUREA was the loveliest bride she had ever seen. She was glowing and in love. She saw Tor wiped the tears that escaped from his eyes habang naglalakad palapit si Au rito. She couldn't help her tears. Ngumiti siya para mawala ang paninikip ng dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha. She was happy but she couldn't help but feel a little envy in her heart.

It was also her dream.

To walk on the aisle and marry the man she had been praying for.

But now, everything will remain as a dream and she will learn how to be contented watching her friends marrying the man who loved them dearly. Someone who will love them genuinely and more.

And Tor's vows touched her heart.

"I had hoped to see the same love in the eyes of my parents. And now, someone is looking at me as if I am the everything she has been looking for whole her life."

They both deserved each other.

"I, Atty. Kale Thomas Velez, guilty as charged of committing the best crime of my life for falling in love with Aurea Feliz Feliciano."

Aurea deserves all the happiness in the world because she is such a good person. And God knows how much she loves her - all of them!



LV & her team did a wonderful job. From church to the reception. Parang ibang lugar ang boardwalk. It looked magical. The pastel pink motif suited Aurea so much. She settled on her seat and enjoyed the event. Ang kulit din kasi ng host at game na game rin ang mga bisita. Lalo na ang ibang Faro Boys.

Busy si Chi sa pag-a-assist kay Au. Si Maha ang lagi niyang kasama.

Ang daldal pala ng kapatid ni Balti. She sensed na may crush ito kay Juan. Love at first sight pa yata. Natatawa lang siya kay Juan. Napapansin niya kasi na sa tuwing lalapit si Juan at nakita nitong kasama niya si Maha ay lumilihis ito at 'di na tumutuloy. Kanina halos dumikit na ito kay Balti at Simon.

Sa sobrang fangirl ni Maha sa mga Kpop at Kdrama hindi na nakapagtataka na nahumaling agad ito kay Juan.

"Mari, wala namang girlfriend 'yang si Juan, 'di ba?"

Umiling siya. "Wala naman yata."

Lumapad ang ngiti nito. "Daebak! Angkinin ko na." Natawa siya. "Naniniwala pa rin akong the more you hate, the more you love. Galitin ko pa lalo para ma-in-love na sa'kin."

"Strategy mo ba 'yan?" Kasing weird din ni Balti mag-isip.

"Oh! Madami pa akong plan A, B, C, D to Z. If not enough, plan A, E, O, U at ABAKADA. Pero kung wala pa rin. Ubusin ko ang Baybayin." Tumawa ito. "Patience is a virtue. Hindi ako magpapakasal na hindi si Juan ang groom. Itataga ko 'yan sa angkan ni Jumong." Maha grimace. "Kaso panira talaga ng love life 'tong kuya ko."

Maha is not really staying with Balti. In-allow lang nito na sa bahay nito itago ang mga merch na dala nito galing Korea. Mapapatay ito ng mommy nito kapag umuwi itong puro mukha ng oppa ang laman ng maleta ni Maha.

"Ayaw niya kay Juan?"

"Hindi. Ayaw niya ako para kay Juan! Can you believe that?!" Inis na inis ito. "Mas pino-protektahan pa niya ang kaibigan niya kaysa sa mismong younger sister niya. That guy is unbelievable! Kaya hindi na ako magtataka na tumanda siyang binata. Well, tumanda na sana siyang may rayuma! Masakit ang likod at kasukasuan."

Natawa siya.

"Wait!" Humawak ito sa braso niya. Sinundan niya ang tingin nito at nakita niyang mag-isa si Juan na kumakain sa dessert table. "Mari, maiwan muna kita. I can't miss this chance."

Iniwan siya ni Maha at saktong napatingin si Juan sa direksyon niya at nakita si Maha na papalapit. Nanlaki ang mga mata nito. Isinubo nito ang kutsara at kumuha pa ng extra dessert sa plato bago tumakas. Knowing Juan, he will never join a war without enough food in his pocket.

"Oppa!" sigaw ni Maha.

Hinabol ito ni Maha pero mabilis na tumakbo si Juan. Napailing at napangiti na lamang siya. Napalingon lamang siya sa make shift stage nang magbago ang kanta. Namilog ang mga mata niya nang makita si Simon na may hawak ng microphone.

She didn't know Simon can sing pero nabanggit nitong drummer ito noong college. As far as she could remember. Before Queen City, the trio was once known as Boys of the South Generation o BOSOG. Sa totoo lang natawa talaga siya sa pangalang 'yon. Parang pinag-trip-an lang talaga.

Kaso nga lang. Bigla siyang humagalpak ng tawa. It started mellow and then the beat changes to something upbeat – nag rap si Simon!

"Habang tumutunog ang gitara! Sa'kin makinig ka sana. Dumungaw ka sa bintana. Na parang isang harana. Sa awit na aking isinulat ko kagabi. Wag sana magmadali at wag kang mag-atubili. Dahil –"

Tawang-tawa siya.

"Kahit naaaaa wala akong pera. At kahit naaaaa butas aking bulsa. At kahit paaaa maong ko'y kupas na. At kahit na marami d'yang iba. Ganito man akoooo. Simpleng taoooooo. Ang maipagyayabang ko lang sa'yo. Ay itong pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago..."

Si Balti pa ang back up singer nito. Nasa gilid ito ng make shift stage, may hawak na wine glass at microphone. Nakangisi habang hinihintay kung kailan ito mag-se-second-voice. The rest lalo na ang bride and groom ay tawa nang tawa.

Ang kukulit.

But everyone is enjoying Simon's little concert.

Except for Jude.

Iginala niya ang tingin sa paligid.

He was nowhere in sight.



LUMABAS siya ng bahay para magpahangin. It was past 11:30 PM at hindi siya makatulog. She felt restless. Hindi niya alam kung bakit. Parang may mali sa araw na 'yon though she couldn't really point it out. Chi is already sleeping inside. Iniyakap niya ang mga braso sa sarili. Nanunuot pa rin ang lamig sa balat niya kahit na nakasuot na siya ng cardigan. Rinig niya ang marahas na hampas ng tubig sa dalampasigan.

Ilang gabi na niyang hinihintay na marinig muli ang boses ng babae pero hindi na ito bumalik. She wondered if she was already too late. If she does. She can't help but feel a little guilt.

Lumapit siya sa railings at iginala ang tingin sa paligid. The moon was unusually big at the moment. Full moon pala ngayon. Ang ganda tignan ng malaking buwan na tila nakatago sa likod ng parola. It looks beautiful yet it possesses an eerie feeling.

"Mari!"

Nagitla siya nang marinig ang pamilyar na boses ng babae. It was a desperate call. Naigala niya ang tingin sa paligid.

"Mari! Find Jude."

Hindi niya alam kung bakit nilukob nang matinding takot at kaba ang kanyang puso. What happened to Jude?

"J-Jude?" she stuttered. "Why?"

"Help him, please," the voice cried, "nagmamakaawa ako sa'yo. Save him. Please." Nasasaktan siya sa pag-iyak nito. She was almost weeping. "Puntahan mo siya, Mari."

"Where is he?!"

"Sa dalampasigan ng parola. Mari, please."

Mabilis ang mga kilos na bumaba siya ng rooftop. Maingat siyang bumaba para hindi madulas. Masama ang kutob niya. Alam niyang hindi pa umaalis si Jude ng Faro. Hindi ito madalas lumabas ng bahay ni Thad. Kahit hindi i-kwento ni Simon, alam niyang nag-aalala pa rin ito sa kaibigan nito.

"Mari!" sigaw ni Aurea. Tumigil siya sa mabilis na paglalakad. Hindi niya napansin na lumabas ito ng bahay. Nakasunod si Tor rito na mukhang kagigising lang. "Saan ka pupunta?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Si Jude," pumiyok siya. "Au, si Jude."

"Faith!" sigaw ni Au pero lumagpas ang tingin nito sa kanya. Sinundan niya ang tingin nito. Wala siyang makita.

"F-Faith?" ulit niya. Bumalik ang tingin niya kay Au. Nagtama ang mga mata nila. She felt tears in her eyes. Si Faith ba ang laging tumatawag sa kanya? "Au?"

Malungkot na tumango ito. "Gusto niyang sundan natin siya." Ibinaling nito ang tingin kay Tor. "Masama ang kutob ko."

"Wait here." Tinakbo ni Tor ang distansiya ng bahay ni Balti at malakas na kumatok sa pinto ng bahay nito. "Balti! Balti! Open the door!" Bukas pa ang ilaw ng palapag ng kwarto nito. Sa tingin niya ay gising pa ito. "Bartholomew!" Bumukas ang pinto at lumabas si Balti.

"What's wrong?"

Lumipad ang tingin nito sa kanila. Hindi na niya narinig ang sinabi ni Tor dito pero agad itong lumapit sa kanila kasama na si Tor.

"The two of you stay here," seryosong utos ni Balti.

"We don't have time," ni Au. "Kailangan nating sundan si Faith. Kailangan naming sumama sa inyo. Nakikita ko siya. Naririnig siya ni Faith."

"Pero masama sa'yo –"

"Tor," Au cut him off, "I'm okay. Hindi kami tatakbo ni Mari. Susunod lang kami. Sa tingin ko ay nasa malapit lang si Jude."

She was anxious. Every second seems eternity to her. They have to act fast. Baka ano nang nangyari kay Jude. "Sa dalampasigan ng Faro!" Sumingit na siya. "He's there. I know that place." Iniwan na niya ang tatlo.

"Mari!" sigaw ng mga ito at sumunod sa kanya.

"He's in danger!" She could hear the desperation in her voice. Alam niya. Ramdam niya. She could hear it in Faith's voice. "Kilala ko si Jude. If nakaya niya akong saktan. He can do it to himself too." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Mabibilis ang mga hakbang nila.

She wanted to run. Pero alam niyang 'di 'yon makakabuti sa kanya.

God, please.

"Calm down," alo ni Balti, "Tor, mauuna na ako. Call Sep or Simon. We need them." Mabilis na tumakbo si Balti. Agad din itong nawala sa paningin nila.

Nakarating sila sa gate at saktong paglabas nila ay may humintong sasakyan. Hindi ito tumuloy papasok. Agad na lumabas sa sasakyan sila Iesus at Sep.

"What is happening?" tanong ni Iesus. Isa-isa sila nitong tinignan. "Why are you out at this hour?"

"Si Jude," si Tor ang sumagot. "Mamaya ko na iku-kwento. We need your help." He pointed his head at the lighthouse. "Papunta kaming dalampasigan."

Kumunot ang noo ni Sep. "Oh shit!" mura nito at bigla na lang tumakbo sa direksyong itinuro ni Tor.

Sumunod si Iesus dito. Tor never leave them. Hanggang sa makarating sila sa dalampasigan.

Kasabay nang malalaking hampas ng alon sa dalampasigan ay ang panlalaki ng mga mata niya. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan.

No!

Sep was straddling the lifeless Jude while doing a CPR.  Basang-basa ito katulad ni Balti. They both look anxious and desperate.

Oh, God, Jude what did you do?

Bigla siyang nanghina. Pagkurap niya ng mga mata ay tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha. "J-Jude," she cried out pero wala siyang makapang lakas para lakasan ang boses.

"Mari," inilalayan siya nila Tor at Aurea.

"Au," iyak niya, "si Jude –" niyakap siya nito. Iyak siya nang iyak. "A-Au –"

"Mari –" Au was also crying.

No! No! Hindi pwedeng mamatay si Jude.

"Jude! Jude!" sigaw ni Iesus. "Jude wake up!" Patuloy pa rin sa re-revive si Sep. "'Tang ina, Jude! Gumising ka!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro