Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 32

"HINDI naging maganda ang huling pag-uusap namin ng mommy mo, Mari," simula ng Tita Lucy niya. "Dati ko pa sinasabi sa kanya na huwag na niyang kausapin at balikan si Roberto. She already has you and masaya naman kayo but she wanted you to have a complete family. She had longed for it ever since we were a child. Lumaki kami sa lola namin after our parents re-married – both of their new spouses didn't want us – unfortunately." Ngumiti ito nang mapait.

Alam niya 'yon but hindi talaga na-i-kwento sa kanya ng mommy niya ang tungkol sa kakambal nito.

"But we got separated when we were 10 years old. Hindi kami kayang buhayin ng lola namin kaya kinuha ako ng tita ko. She was a distant relative, actually. Anak ng kapatid ng lola namin. Mariam was so angry at me. I made a promise na kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan pero binigo ko siya. I had no choice. Nangako naman ako sa kanya na babalikan ko siya. Pero dahil nga malayo ang Leyte at wala akong perang pamasahe ay inabot ako nang ilang taon para magkita ulit kami ni Mariam. But I always write her a letter. Kahit na hindi niya ako sinasagot or baka 'di lang talaga niya natanggap ang mga sulat.

"I knew she was angry at me. I disappointed her in a lot of ways. I knew your mother so much, Mari. I knew how she longed for a complete family. At hindi ko masisi si Mariam kung bakit minahal niya nang husto ang ama mo. Roberto loved your mother so much. He loved the both of you but he can't turn his back from the pressure of his family. They don't want your mother for him but the Morales are in great debt from the Villarin, the family of your father's wife. Alam mong anak ng dating governor ang asawa ng daddy mo, 'di ba, Mari?"

She nodded.

"And the Villarin is infamous in the world of politics. Mahirap kalabanin ang pamilyang 'yon despite the countless scandals and corruption cases that that family have been involved with all these years. Mabait ang mga Morales, Mari. But it was tainted after your father married Vanessa. The Morales had forgotten their principles and had to live like a puppet under the command of Danilo Villarin."

She didn't know about this. Ito ang sekreto ng pamilya niya na hindi niya binalak alamin dahil ayaw ng mommy niya. Mas magiging ligtas ang buhay niya kung walang siyang nalalaman tungkol sa pamilya ng daddy niya. And it made sense, her mother was indeed protecting her.

"Pero bakit hindi n'yo po pinilit si Mommy?"

"I did but she didn't listen to me. At paalis na rin ako nang mga panahon na 'yon. I would have stayed but she was too sure about what she was doing. She believed Roberto. Your father promised her that he will run away with you. Na ilalayo niya kayo sa pamilyang Villarin. Mariam holds on to that promises. She loved your father so much. And I believe, even in her last breathe, naniniwala pa rin siyang tutuparin ni Roberto ang magandang buhay na ipinangako niya sa inyo."

It was true. It was written in her last letter.

Bumalik ang lungkot sa puso niya. She had seen her mother smile and laugh in front of her but her mother couldn't hide the fact that she was sad. But she managed to get through because of her. Pinilit nitong protektahan siya hanggang sa makakaya nito.

Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Her mother had a tough life and even in her last days, life was still cruel at her.

"Mari," Tita Lucy reached for her hand, give it a little squeeze. She looked at her with sympathy. "I have failed your mother twice and I don't want to do it again. You have to come with me. Hanggang nandito ka sa Cebu. You will never be safe. Your father seemed like in great danger and they know his weakness."

Napatitig siya sa mga mata nito. "I – I don't know –" Hindi niya alam. Ano ba dapat?

"Mari," ni Yaya Celia, "makinig ka sa Tita Lucy mo. Alam mo ang nangyayari ngayon sa daddy mo. 'Yong panloloob sa bahay at kung bakit under investigation ngayon ang daddy mo. Hindi natin alam kung bakit at kung totoo ang mga 'yon, pero isa lang ang malinaw. Kung gusto nilang pabagsakin ang daddy mo. Ikaw ang unang-unang hahanapin nila."

Kinabahan siya.

Naalala niya ang gabi ng panloloob. It was so dreadful. Akala niya ay huling gabi na niya iyon.

"Just think about it, Mari," basag ulit ng Tita Lucy niya, "meantime, aasikasuhin namin ng Yaya Celia mo ang mga papers mo. I don't want to waste time. It will take a few weeks or months, it depends. But I will have to make sure na maisasama kita sa Canada."


KUSANG bumagsak ang mga balikat niya pagkaupong-pagkaupo niya sa gilid ng kama niya. Nahulog sa malalim na pag-iisip. She needed time to process everything. Ang daming tumatakbo sa isip niya. Plus the pregnancy was making her exhausted and nauseous at the same time.

She doesn't need to think about it. She must go with Tita Lucy. At alam niyang, kung nabubuhay lang din ang mommy niya ay 'yon din ang sasabihin nito. She needed this. Kailangan niyang lumayo para tuluyan nang makalimot.

But why does it feel so heavy inside?

She missed Aurea, Chi and Balti. Ang mga kaibigan niya sa Faro de Amoré. She missed Simon, Juan, Jam, Math, and yes, Thad. He has been so helpful lalo nang umalis siya ng Faro. Ilang beses itong nag-sorry sa kanya – even Simon. She couldn't hate those people kahit na may connection ang mga ito kay Jude. They were too kind to her.

Ayaw niyang umalis na hindi nagpapaalam sa kanila.

It had been a month since she left Faro and magpapasko na. She missed them so much. Masyado siyang naging harsh sa sarili niya. Tinitiis niya ang mga kaibigan. She had missed a lot of things. Kahit noong na ospital si Tor at Iesus ay hindi niya nabisita man lang ang mga ito. Balita niya ay nauwi na rin daw si Sep at ang pinsan ni Iesus na si Philip.

She didn't know the whole story but she got worried. Au was crying on the phone when they talked. Gusto niyang bumisita but she didn't want to see Jude. He was still there at that time. He left the first week of December. Sabi ni Chi, ewan kung babalik pa ba o kung a-attend sa kasal nila Tor at Au sa February 1, next year.

She sighed.

"Anak?" Yaya Celia knocked on the door. "Mari? Pwede ba akong pumasok?"

"Bukas po 'yan."

Pumasok ito ng kwarto niya. Yaya Celia smiled and sat beside her. "Hinatid ko ang Tita Lucy mo hanggang sa parking. Babalik 'yon sa susunod na araw." Ngumiti lang siya at tumango. "Anak, mas makakabuti rin sa'yo na doon na manganak. Mas mapapanatag ako kung kasama mo ang Tita Lucy mo."

"Yaya, kilala n'yo ba si Tita Lucy? Paano niya tayo nahanap?"

"Ako ang naghanap sa kanya." Namilog ang mga mata niya. "Matagal ka na rin pala niyang hinahanap. Sinulatan siya ng Mommy mo bago ito namayapa. Pero address pa 'yon ng dati n'yong bahay. Alam mo namang naging pribado ang libing ng mommy mo. Tayo nga lang ang naglibing."

Naalala pa niya 'yon.

Iyak pa rin siya nang iyak. Ni wala man lang dumalaw. Maliban sa mga katiwala nila. Nang ilibing ang mommy niya. Siya, si Yaya Celia at ang daddy niya lang ang kasama niya. Kahit sa huling sandali, nobody remembered her mother existed.

"Alam ko na hindi binanggit sa'yo ng mommy mo ang tungkol sa kakambal niya. Wala siyang larawan ng Tita Lucy mo dahil binagyo ang bahay nila ng Lola Perla mo."

"Sinabi 'yon sa'yo ni Mommy?"

Tumango ito.

"Walang ibang kaibigan ang mommy mo. Ako lang ang naging takbuhan niya. Sa'kin ka pinagkatiwala ni Mariam. Hindi ko rin alam kung bakit pinagkatiwalaan niya ako pero malaki rin ang utang na loob ko sa mommy mo, Mari. At hanggang nabubuhay ako. Ipagtatanggol kita. Mahigpit na bilin niya sa'kin na huwag kong papalitan ang pangalan mo. Mananatili kang Salvaleon."

Umangat ang isang kamay nito para haplosin ang pisngi niya. Napangiti siya. Yaya Celia will always look at her with such motherly love. The same love she sees in her mother.

"To protect me?"

Tumango ulit ito. "Hanggang sa isa kang Salvaleon, hinding-hindi ka madadawit sa gulo ng mga Morales at Villarin. Makakapamuhay ka ng tahimik."

Ngumiti siya. "I have to start anew."

"Gawin mo para sa kambal." Bumaba ang kamay nito sa kanyang tiyan. Hindi pa masyadong pansin lalo na't maluluwag na dress ang sinusuot niya. Pero may umbok na. Lalaki pa yata lalo na't kambal. "Magiging masaya ka pa rin, Mari. Paliligayahin ka ng kambal paglabas nila."

It made her teary-eyed.

Naiyak talaga siya nang makita at marinig ang heart beat ng kambal sa ultrasound niya. She was scared, nervous and excited at the same time. Araw-araw nagdadasal siya na sana maging healthy ang mga ito at walang maging komplikasyon sa pagbubuntis niya.

It made her wondered why she's carrying twins. Ngayon, alam na niya kung saan nakuha ang possibility na 'yon. Of course, to her secretive mother.

She rested her hand on her belly. "I can't wait to see them, Yaya. Ako ang magiging best mommy sa buong mundo." She chuckled despite the tears in her eyes. Sobrang emotional niya lang talaga nitong nakaraang linggo. It's normal though. Still, she thinks na sobrang drama niya. "Maging healthy lang sila masaya na ako."

"Ayoko sanang itanong ito, Mari, pero wala ka bang balak sabihin kay Jude ang tungkol sa kambal?"

She can still sense the guilt in Yaya Celia's voice. Bumakas din 'yon sa mukha nito. Alam nito ang nangyari sa kanila ni Jude. Ikinuwento niya ang lahat and Yaya cried. She didn't know Jude can do such thing. Kahit siya. Hindi niya inakala. But there is no one to blame. Kahit hindi nito kinausap si Jude ay malamang gagawa pa rin ito ng paraan para makalapit sa kanya. And she knew, whatever scenarios it was, the end result will just be the same.

"He doesn't need to know," sagot niya.

Tumango lang ito. "Naiintindihan ko." Tinapik-tapik nito ang likod ng kamay niya na hawak na nito ngayon. "Kung ano man ang gusto mo, anak. Susuportahan ko."

Ngumiti siya.

"Thanks, Yaya." Inayos niya ang buhok. Bigla siyang may naalala. "Ahm, Yaya, tanong ko lang. Naalala mo 'yong isang bank account ko dati na nakapangalan sa anak n'yong babae?"

Napakurap ito. Halatang nabigla sa tanong niya. Pero naisip niya na baka natigilan lang ito dahil ilang taon na rin 'yon and now she suddenly brought it up.

"A-Anong tungkol roon?"

"Yaya, gusto ko ma meet 'yong anak n'yo. I always wanted to. Pero ngayon na malaya na ako. Gusto ko nang ma meet si Ate Lilac."

Actually, Yaya Celia's eldest daughter's full name is Lilac Faith Galvez pero madalas niyang naririnig na tawagin ni Yaya ang anak na Lila or Lily, minsan Faith, pero madalang. She preferred Lilac. Medyo nalulungkot siya sa pangalang Faith. It's a very common name. Kaya hindi niya maiiwasang kapareho ng pangalan ng anak ng Yaya Celia niya ang fiancée ni Jude.

It would be too impossible na iisang tao lang ang mga ito.

Far too impossible.

"Busy ba siya? May asawa na?" dagdag niya. "Wala na akong balita sa kanya e."

Yaya Celia stared at her blankly, Kumunot ang noo niya. Did she say something wrong?

"Yaya? May problema ba?"

Kumurap si Yaya Celia. "Ha?"

"Natulala ka. May problema ba?"

Ngumiti ito.  "Wala! May naalala lang ako bigla. Si Lilac, tama. Hindi ko ba nababanggit, anak? Nasa ibang bansa siya. Nagtatrabaho. Matagal na."

"Ay talaga? Hindi siya pwedeng mag-vide-call?"

Umiling ito. "Naku! Madalang. Masyadong busy ang batang 'yon. Hayaan mo't kapag natawag ay sabihan ko na gusto mo siyang makilala."

"Feeling ko magkakasundo kami," lumapad ang ngiti niya.

"Naku! Magkakasundo talaga kayo." Yaya Celia gently tapped her arm. "Sige na, magpahinga ka muna. Maghahanda ako ng dinner natin." Tumayo na ito.

"Yaya, uuwi ka ba ngayon?"

Umiling ito. "Hindi. Dito lang ako." Ngumiti ito.

"Baka nagseselos na 'yong mga anak n'yo sa'kin, ha?"

Natawa ito. "Malalaki na ang mga 'yon. Huwag mo na masyadong isipin." Tinalikuran na siya nito. "Umidlip ka muna. Gisingin na lamang kita mamaya."

Isinirado nito ang pinto pagkalabas nito. Napangiti na lamang siya. Siguro bago siya umalis ng Pilipinas ililibre na lang niya ang mga anak ni Yaya Celia. Ibigay na rin niya siguro kalahati ng ipon niya rito. Kaso kilala niya ang yaya niya. Malabong tanggapin nito ang tulong niya.

Ibinaling niya ang tingin sa bedside cabinet at inilabas mula sa unang drawer ang music box. It makes her wonder kung bakit hanggang ngayon umaandar pa rin 'yon. Wala naman siyang mahanap na lalagyan ng battery. Ayaw niya rin masyadong kuting-tingin at baka masira pa niya.

For the past few weeks ay 'yon ang naging sleeping pills niya. Madali siyang nakakatulog at mas mahimbing pa. Napahikab siya. Inaantok na naman siya. Alas dos pa naman. Ang aga naman maghahanda ng dinner ni Yaya?

Binuksan niya ang music box at agad na pumailanlang sa paligid ang malumanay na kanta. Natuon ang atensyon niya sa umiikot na mother and child. Bumaba ang isang kamay niya muli sa kanyang tiyan. Sa tingin niya ay gustong-gusto rin ng kambal ang lullaby ng music box.

Matagal na niyang napapansin ang maliit na litra sa parang circular platform ng mother and child. Noong una parang design lang pero habang tumatagal parang mga salita talaga.

"Ay wait!" Itinabi niya muna ang music box. Naalala niyang nag-order siya online ng magnifying glass. Binuksan niya ang ikatlong drawer. Ngayon lang niya naalala. Nagiging makalimutin na talaga siya. "Matignan na nga."

Kinuha niya muli ang music box at inangat 'yon sa harap niya. Hawak ng isang kamay niya ang magnifying glass. Inilapit niya 'yon sa mother and child. Kagat niya ang ibabang labi. Naniningkit ang mga mata at saka namilog.

She was right!

Mga salita nga 'yon pero hindi sa salitang English.

Faire un vœu.

"Faire – un – vo? Ano ba 'to? Spanish or French? Wait, search natin sa." Itinabi niya ang music box at magnifying glass. She typed the exact words on google and this was the translation.

Make a wish.

"Make a wish?" she murmured and blinked twice.

Ibinalik niya ang tingin sa tumutunog pa rin na music box. Naalala niya ang huling sinabi ng mommy niya sa sulat nito.

Keep this box with you. Good things will come for you, Mari.

"Should I make a wish?"

Napahikab ulit siya. 

Maybe later. 

Inilipat niya sa itaas ng bedside table ang music box at nahiga. Agad niyang naramdaman ang pamimigat ng mga talukap ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang napapikit.


NAGING matalas ang pandinig niya. May naririnig siyang kaluskos ng mga bagay na nahuhulog sa daan. Mga paso. Mesa. Upuan. Kalansing ng mga lata. Nababasag na mga bote. Mga sigaw at mura ng mga tao. Tila may kung sinong hinahabol.

"Habulin n'yo! Huwag n'yong hayaang makatakas!"

Luminga siya sa paligid. Nasa gitna siya ng dalawang gusali, bahagyang madilim at makipot ang daanan na 'yon. Isang abandunadong eskinita.

Sa kaliwa?

O sa kanan niya?

"Judas!" sigaw mula sa paligid.

Lumapit siya sa daan, sa may kanan niya at sumilip. May hinahabol na lalaki. May suot itong itim na balabal na hanggang sa ulo nito. Mabilis itong tumakbo at malayo na ang agwat sa mga humahabol rito. Madilim na kaya nahihirapan ang kung sinong humahabol dito na makaagapay rito.

Pinatay niya ang lamparang hawak. Saktong paglagpas nito sa kanya ay may dumaang nagmamdaling karwahe. Sumabog ang alikabok sa daan. Itinakip niya ang balabal sa kanyang ilong at mabilis na hinawakan sa pupulsuhan ang lalaki na saktong dumaan sa harap niya. Marahas itong napatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata.

"Magmadali ka," aniya sa mababang boses pero seryoso.

Hinila niya ito sa gitna ng makipot na daan. Kung saan hindi sila makikita. Wala gaanong dumadaan doon. Alam niya dahil halos kainin na ng dilim ang daanang 'yon at madaming basura. Naririnig pa niya ang ingay ng mga malalaking daga sa paligid.

Napasinghap ito nang idikit niya ito sa matigas na pader. Inilapat niya ang isang kamay sa bibig nito at pinakiramdaman ang paligid. Hawak niya ang lampara sa isang kamay na mariing nakadantay sa dibdib nito.

"¡Mierda!" narinig niyang mura ng isa sa mga humahabol dito. "Hanapin n'yo!"

Hanggang sa mawala na ang mga ito. Nakahinga siya nang maluwag. Inalis niya ang kamay sa bibig nito.

"Ligtas ka na."

"Bakit mo ako tinulungan?" tanong ng lalaki, habol pa rin nito ang hininga.

Hindi nakatakas sa pandinig niya ang magandang timbre ng boses nito. Umangat ang mukha niya rito. Dumaan muna ang ilang segundo bago naging malinaw ang mukha nito sa kanya. May mahabang piklat ito sa kaliwang mata ngunit alam niyang napakagwapo nito. Matangkad ito. Makapal ang kilay na tila laging nalilito kung dapat ba itong maging mahina o maging matapang.

Ngunit mas nahahatak siya sa itim nitong mga mata. Tila namahika siya. Hindi niya maalis ang tingin. Titig na titig din ito sa kanya.

"Bakit mo ako tinulungan?" ulit nito.

Napakurap siya.

"H-Hindi... hindi... ko rin alam," nauutal niyang sagot.

Mayamaya pa ay may sumilip na ngiti sa mukha nito. "Anong pangalan mo, binibini?"

"Mari... Marisol."

"Judas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro