Kabanata 3
IS HE ASKING HER FOR A DATE?
Tumuwid ng tayo si Jude, his eyes remained on her stunned face. Ano ang isasagot niya? Will she say yes? No? Definitely not a no. This is a chance of a lifetime. Hindi talaga pwedeng palampasin niya 'to.
"So?"
"Actually, I lied," amin niya. Her lips pursed. He doesn't seem mad but he looks confused. "Yaya at driver ko ang kasama ko."
"And why did you lie about it, ha?" amuse na tanong nito.
"Kasi tinawag mo akong little girl."
Natawa ito. "I was just messing with you. When I saw you earlier you look like a lost kid. You were trembling. Did I offend you?"
Mabilis siyang umiling. "No. Akala ko lang kasi mukha akong batang paslit sa paningin mo." Sa huli ay ngumiti siya. "I'm sorry. Hindi lang kasi talaga ako sanay sa mataong lugar. Even talking to people."
"That's okay," he smiled.
Napatitig siya rito. "Ha?"
"Don't trust people too much, Marison. Not all good looking people are angels. So it's okay if you feel vulnerable whenever you're out."
Ngumiti siya. "But can I trust you?"
Namulsa si Jude. "Do you think I'm good?"
"Well, hindi ko masasabi, pero paano ko malalaman kung hindi mo ako hahayaang maging kaibigan ka?"
"Sinasabi mo lang ba 'yan dahil idol mo ako at fan na fan ka ng Queen City?" there was a hint of humor sa diskumpyado nitong tanong sa kanya.
"Both," she smiled and giggled. "I can be your fan and your secret friend."
Jude crossed his arms over his chest. Bahagya nitong ikiniling ang ulo sa kanan nito habang tinitignan siya. It was like, he's observing her. There was something in the way he looks at her – may amusement, oo. Pero tila ba may iba pang emosyong nakatago sa likod ng mga matang 'yon.
"Can I borrow your phone?" he asked after, umayos ito ng tayo at inilahad ang kamay sa kanya.
"Wait," mabilis na kinalkal niya ang cell phone sa bag, "here." Abot niya rito na agad niyang pinagsisihan dahil wallpaper nga niya pala ang mukha ni Jude. Lockscreen at Homescreen pa talaga.
Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito sa isang ngiti. Lihim siyang napangiwi. Bigla siyang nahiya. Malamang, half-naked Jude ang wallpaper niya. 'Yong picture nito sa isang sikat na magazine na ginawang bad boy ang image nito.
"Password?"
"O914."
Umangat ang tingin nito sa kanya. "That's my birthday."
Ngumiti lang siya. Oo na, 'di talaga ako super fan. As in, hindi talaga. Ibinalik nito ang atensyon sa cell phone niya. He was tapping something on the screen. After a few seconds ibinalik na nito ang phone niya sa kanya.
"I saved my number. Call me if you need someone to talk to. Wala naman akong gagawin masyado ngayon. I wouldn't mind having a secret friend." Umawang ang bibig niya sa gulat at tinignan ang numero sa screen ng cell phone niya. Totoo? "Huwag mo lang i-share ang number ko sa lahat. Sa'yo ko lang 'yan ibinigay."
Muli niyang iniangat ang tingin dito. "Bakit?"
"Can I trust you?" ibinalik nito ang tanong niya kanina.
Natawa siya. "Can we trust each other?"
Jude shrugged his shoulder. "Maybe?"
Huminga siyang malalim, mahigpit ang hawak sa cell phone niya at may determinadong tingin.
"Jude," tawag niya rito.
"Hmm?"
Bigla namang nag-vibrate ang cell phone niya sa kamay. Pagtingin niya sa screen ay tumatawag ang daddy niya. Napasinghap siya. Shuks!
"May problema ba?"
Iniangat niyang muli ang tingin kay Jude. "Sorry, I have to go. Next time na lang ulit. Baka mapagalitan na kami ng daddy ko."
"I see. It's okay. Ihahatid na lang kita sa yaya at driver mo."
"Okay," ngumiti siya, "wait, sasagutin ko lang tawag ng daddy ko."
"Sure, take your time."
HANGGANG sa pag-uwi ay tila ba nakalutang pa rin siya sa ulap. Kilig na kilig din ang Yaya Celia niya kanina nang makita si Jude. Ang daya lang. Pumayag itong makipag-picture kay Yaya pero sa kanya, hindi. Pero sabi naman nito, next time daw. So meaning, magkikita pa sila.
Gosh! Kinikilig siya. Ngayon pa't naka save sa cell phone niya ang numero ni Jude. Pwede niya itong tawagan o i-text. Hala? Ano namang sasabihin niya? Paano kung ma annoy lang si Jude sa kanya? What if ma turn off sa kanya?
Napabuntonghininga siya.
Niyakap ang isang unan at idinikit ang pisngi roon. Inalala niya ang mukha nito kanina. Gwapo na nga ito sa TV at sa mga magazine. Mas gwapo pala ito sa personal. Ang hot ng American Accent nito pakinggan. Matatas pa rin itong mag-Bisaya.
Marison, cheer up! Hayan na si Jude sa harap mo. Sermon niya sa isip. Pwede mong tawagan at kausapin. Pwede mong maging kaibigan. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Bring out that burning fangirl heart in you! Call him!
"Tama! Tatawagan ko si Jude." Itinabi niya ang unang yakap at inabot ang cell phone mula sa itaas ng mesita. But when she saw Jude's number wala siyang ginawa kundi titigin 'yon. Gusto niyang batukan ang sarili. "I-text ko na lang kaya? Good evening? Good night? Ay hindi," umiling siya, "kumain ka na ba? Pero dapat yata magpakilala muna ako. Hi, Jude this is Marison, your little girl – anak nang –" nahigit niya ang hininga nang mag-ring ang cell phone sa kamay niya.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang tumawag si Jude.
"Paanong?"
E 'di naman siya tumawag at nag-text. Paano nito nalaman ang number niya? Okay, Marison, kumalma ka lang. Inhale. Exhale. She did it twice to calm herself. At nang matapos siya, missed call na lang ang nasa screen ng cell phone niya.
"Ay ano ba 'yan!" inis na naitapon niya ang cell phone sa harap. Pero nag-ring ulit 'yon. "Shuks! Sorry. Mahal pala kita." Mabilis na bumaba siya ng kama at pinulot ang cell phone sa carpeted na sahig. Nakasalampak ng upo na sinagot niya ang tawag ni Jude. "Jude!" sigaw niya.
"Galit?" he chuckled on the other line.
Medyo hiningal siya roon nang kaonti, ha? Kailangan na talaga niyang mag-exercise. "Hindi, sorry." Natawa siya. "Napatawag ka? Ay hindi, paano mo nalaman number ko?"
"I called my phone with your phone. Hindi mo napansin sa log calls?"
"Hindi yata?"
Natawa ito sa kabilang linya. "How are you? Hindi ka pa tulog?"
Napatingin siya sa wall clock ng kwarto niya. "Alas nuebe pa lang ah."
"Shouldn't little girls be sleeping at this hour?
"Hindi na ako bata. Dalaga na ako," nakasimangot niyang sagot.
Natawa lang ulit ito sa kabilang linya. "Kidding aside, just checking if you got home safe. I should have called earlier kaso may nilakad pa ako kanina." Checking on me? Why? Siya naman na marupok. Kinikilig.
"We got home safe. Ako ba talaga kinakamusta mo o si Yaya Celia?"
"Actually si Yaya Celia talaga ang tinawagan ko. Pwede ko ba siyang kausapin?"
"Busy si Yaya."
"E 'yong alaga ni Yaya, busy rin ba?"
Pigil niya ang ngiti. Naghanap siya nang mas maayos na puwesto. Isinandal niya ang likod sa kama at tiniklop ang mga binti mula sa ilalim ng mahaba niyang pantulog.
"Hindi. Bakit?"
"Wala lang naman. Wala kasi akong makausap."
"Where's Pablo and Samson?"
"They went back to the US. Nandoon na ang buhay nila. Me, I'm staying with Thad."
"Your cousin."
"You seem to know me very well, Ms. Marison."
Natawa siya. "I told you, fan na fan ako ng Queen City. I know everything about your band and each member. Magaling akong mag-research at magbasa." Proud niyang sabi rito.
"Well, there's a lot to know more about me."
"I'd like to know more."
"Soon."
Bigla namang namatay ang ilaw. Naigala niya ang tingin sa paligid. Wala siyang makita sa paligid. Wala ring ilaw mula sa labas.
"Marison?" ni Jude.
"Brownout." May generator naman sila sa mansion. Electricity should be back in a while by now. "Ang tagal namang umilaw." Kaso mag-iisang minuto na ay hindi pa rin bumabalik ang ilaw. "Ang weird."
"Why?"
"Sira yata ang electric generator namin."
"Just stay in your place. Iilaw din naman 'yan, mayamaya."
"Siguro nga."
Mayamaya pa ay may narinig siyang malakas ng putok ng baril mula sa labas. Napaigtad siya. Agad siyang niyakap ng takot at kaba.
"Jude," aniya sa nanginginig na boses, "I think something is wrong."
"I heard it too." Bakas sa boses nito ang tensyon pero napanitili nitong maging kalmado. Sa ilang sandali pa ay may palitan na ng baril at sigawan mula sa kabahayan. Ang Yaya Celia niya, dios ko! "Marison, listen to me. Calm down." Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. "Now, lock your door."
Tumayo siya at mabilis na tinungo ang pinto. Nanginginig ang mga kamay na in-lock niya 'yon nang hindi binibitiwan ang cell phone.
"Maghanap ka ng mabigat na bagay na pwede mong iharang sa pinto. A chair? A table? C'mon, hurry."
Sinunod niya ang sinabi ni Jude. Ibinaba niya muna ang cell phone at iniharang ang sofa sa pinto. Pinagpawisan siya sa pagtulak nun sa may pinto dahil masyado 'yong malaki. Hinihingal na kinuha niya muli ang cell phone.
"Done."
"Now, hide. Humanap ka ng pinaka safest place mo sa kwarto mo. Doon ka magtago at kahit anong mangyari. Huwag na huwag kang aalis diyan. I'm calling the police right now. Tell me your exact address."
"Wait," aniya, iginala niya ang mga mata sa paligid, wala siya gaanong maaninag. Hinanap niya ang pinto ng panic room. Her dad made that for her in case of emergency. Sinabi niya kay Jude ang eksaktong address ng bahay nila habang mabilis na naglalakad patungo sa panic room. Napangiwi pa siya nang tumama sa kung ano ang tuhod niya. "J-Jude, nasa loob ako ng panic room ko."
Kompleto ang loob ng panic room. May mga tv screens doon kung saan pwede niyang makita ang nangyayari sa buong paligid niya. Kaso patay ang mga 'yon dahil walang kuryente. Kahit na magawang makapasok ng mga masasamang tao ay mahihirapan ang mga ito na mahanap siya o 'di kaya ay makapasok doon.
Naupo siya sa gilid. Putol-putol na ang linya dahil wala nang masagap na signal sa loob. Hindi niya naman pwedeng buksang ang maliit na bintana ng panic room. She was breathing hard this time. Inaatake siya ng anxieties niya. Para siyang nasusuka.
"Jude," nanghihina niyang tawag dito.
"Stay there. I'm coming."
Para siyang kinakapos ng hangin. Natutop niya ang dibdib. Ramdam niya ang pamimigat ng mga talukap ng kanyang mga mata. Nagsimulang manlabo ang kanyang mga mata.
"Mari... Marison? Nandiyan ka pa ba?"
"Ju...de..."
Bigla na lang siyang nanghina hanggang sa tuluyan nang dumilim lahat ang nasa paligid niya.
Jude... Jude save me.
NAALIMPUNGATANG nagising si Marison. Nang imulat niya ang mga mata ay muli siyang napapikit sa sobrang liwanag ng silid niya. Napansin niya ring malambot ang kama niyang hinihigaan. Ang sa huling naalala niya ay nasa panic room siya – paanong?
Dahan-dahan siyang bumangon.
"Marison, anak," biglang yakap sa kanya ni Yaya Celia, umiiyak ito. "Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa'yo."
"Yaya? What happened?" tanong niya sa paos na boses.
"Pinasok tayo ng mga masasamang loob kagabi," sagot ni Yaya. Tumabi ito ng upo sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok. "May mga nasaktan pero wala namang namatay sa awa ng Dios. Pero nag-aalala ang daddy mo sa'yo."
"Anong sabi ni Daddy?"
"Hindi pa raw siya makakabalik pero mahigpit ang bilin niyang umalis ka muna rito sa mansion habang wala pa siya."
"I don't understand. Why?"
"Ang sabi ng daddy mo ay baka hindi lang simpleng panloloob ang ginawa rito. Maaring sinadya 'yon ng mga kaaway niya sa negosyo. Kaya, anak, kailangan mo munang umalis dito sa mansion."
"At pa-paano ho kayo rito?"
Hilam pa rin ng mga luhang hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Huwag mo na akong alalahanin pa. Matanda na ako. Saka may mga gwardiya naman dito sa mansion. Ang importante ay ang maging ligtas ka."
Ano ba 'tong nangyayari sa kanya? Kung kailan nagbalik ang mga paningin niya saka naman siya sinusubok ng panahon. Nag-aalala siya para sa mga tao sa bahay at sa Yaya Celia niya.
"Yaya," umiiyak na ring yakap niya rito, "saan naman ako pupunta? Saan ako ipapadala ni Daddy? Pwede bang kasama na lang kita?"
"Hindi ko pwedeng iwan ang mansion."
"Pero –"
"Marison," kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Yaya Celia cupped her face. "Sumama ka muna kay Jude." Namilog ang mga mata niya. "Ako na ang bahalang magsabi sa daddy mo kung na saan ka at kung sino ang kasama mo."
"Si Jude?" kunot-noong ulit niya.
Tumango ito. "Sinabi na sa'kin ni Jude ang lahat. Na magkausap kayo kagabi kaya mabilis siyang nakatawag ng tulong. Kaya mas makabubuting sumama ka muna sa kanya. Lumayo muna kayo."
"Pero bakit natin idadamay si Jude rito? If my life is at stake. Kapag sumama ako sa kanya, madadamay siya sa gulo ko."
"Marison," boses 'yon ni Jude.
Naibaling niya ang tingin sa pinanggalin ng boses. Bukas na ang pinto ng kwarto niya kaya malamang kapapasok lang nito. Hindi niya lang napansin.
"Jude –"
"Tama si Yaya Celia. Sumama ka muna sa'kin."
Imbes na matuwa ay nag-aalala pa siya para kay Jude. Madadamay lang ito sa gulo niya. It's not right to trouble Jude.
"Pero Jude –"
"Marison," maowtoridad nang tawag sa kanya ng yaya niya. Ginagap nito ang mga kamay niya. "Makinig ka sa amin. Para rin ito sa ikabubuti mo."
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Hindi niya sigurado kung tama nga 'yon. Pero kung 'yon din ang gusto ng ama niya. Wala na siyang magagawa pa kundi ang pumayag kahit na naguguluhan siya sa mga nangyayari.
Sa huli ay tipid siyang ngumiti kay Jude.
MULA sa malaking gate ay pumasok ang isang gray Toyota Hilux. Nakatanaw siya sa malaking bintana mula sa kanyang silid. Bumaba mula sa driver's seat si Jude. She couldn't help but admire how good looking Jude was with that light brown denim jacket, white shirt, and dark pants. Jude matched it with a white laced shoe. Tinanggal nito ang sunglasses sa mata at bahagyang hinawi ang may kahabaan nang buhok.
Tila naramdaman nitong may nakatingin dito kaya napatingin ito sa kanyang direksyon.
Kumaway ito at ngumiti sa kanya.
Ngumiti lang siya saka mabilis na isinukbit ang guitar case sa kanyang braso. Nagmadali na siyang lumabas at bumaba mula sa second floor. Naibaba na ni Yaya Celia ang mga gamit niya. Sinalubong siya ni Jude sa front door.
"Ready?" anito.
Sunod-sunod na tumango siya. "Saan ba talaga tayo pupunta?" Nakatingin si Jude sa dala niyang guitar case. Napangiti siya. Tadtad 'yon ng mga glow in the dark stickers ng mga stars at moons. She proudly tapped the guitar case. "Baby ko nga pala."
"You know how to play the guitar?"
"Of course," she playfully winked at him.
Nahuli niya namang nakangiti si Yaya Celia sa kanila, tila kinikilig pa.
"Mukhang magkakasundo talaga tayo nito."
"Naipasok ko na ang mga gamit ni Marison," imporma ni Yaya Celia kay Jude. "Ingatan mo sana ang alaga ko, Jude."
"Don't worry, Yaya. I'll take good care of Marison," nakangiti nitong sagot.
"Yaya, si daddy?"
"Huwag kang mag-alala, alam niya. Tatawagan ko na lang si Jude kapag nakabalik na ang ama mo rito." Niyakap siya nito nang sobrang higpit. "Ingatan mo ang sarili mo, anak." Hinagod nito ang kanyang likod. "Huwag mo kami masyadong alalahanin."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at marahang tinapik ang kanyang pisngi.
"I will miss you, Yaya." Iginala niya rin ang tingin sa mga tao roon. "Mag-ingat ho kayo rito. Babalik din ho ako." Malaki ang ngiti niya sa lahat.
"Let's go," hinapit na siya sa baywang ni Jude. Muli pa siyang kumaway sa mga ito bago tuluyang pumasok sa sasakyan ni Jude. "Buckle up, little girl." Naibaling niya ang tingin dito. He pointed out her seatbelt.
"Ah, okay," mabilis niyang kinabit ang seatbelt sa katawan. "Jude, saan ba talaga tayo pupunta?"
"Sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan."
Pinaandar nito ang sasakyan. Muli pa niyang tinignan ang mga ito mula sa side mirror sa gawi niya. Aalis pa nga lang siya, na mi-miss na niya ang mga ito.
"We're going on a road trip."
Marahas na naibaling niya ang tingin dito. Mula sa rearview mirror ay nakita niyang puno ang backseat. Naalala niyang, may takip rin ang likod ng sasakyan na sa tingin niya punong-puno rin ng kung anong gamit.
"Seryoso ka ba talaga?"
Nakangiting tumango ito.
"Yup!" Muling isinuot ni Jude ang itim na salamin sa mata. "We're off for an unforgettable adventure."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro