Kabanata 27
HINDI na niya namamalayan ang oras. She was enjoying the night with them. Ang daming inihanda na food ni Math. Ubos nga lahat. Hindi tinigilan nila Balti, Simon at Juan ang buffet table hanggat 'di nauubos.
She was sitting with Aurea and Chippy. Halos ubosin na niya ang isang plate ng papaya. Hindi pa 'yon masyadong hinog. Gustong-gusto niya 'yong medyo hilaw pa. Asin lang pinares niya sa papaya.
Tor, Thad, and Iesus have their own moment. Probably talking about serious topics. Nakatayo ang mga ito sa railings. May tig-isang beer na hawak. Juan pulled his chair beside her. Kumuha ito ng isang strip ng papaya sa bowl niyang hawak. Nakakandong ang pusa nitong si Binig sa kandungan nito.
Naglalambing naman si Champo kay Math.
Mag-isa lang si Jude na umiinom sa table nito. Kanina ay kasama nito si Jam pero hinatak ito ni Balti. Hindi pa rin bumabalik si Simon. Nagpaalam itong magbabanyo muna.
"We're back!" ni Balti.
Kasama nito si Jam. May dala-dalang projector. She was just not sure kung ano ang dala ni Balti. Pero sa hula niya ay white screen 'yon. 'Yong black sling bag nito ay laptop.
"Hoy ano na naman 'yan, Ser?" ni Chippy. "Gabing-gabi na mag-di-discuss ka pa rin?"
Natawa silang lahat.
"Tama na OT, Balti. Ang yaman mo na," dagdag pa ni Au.
"Silence." Ngumisi ito. "Jam, ready the projector. Wala pa ba si Simon?"
Juan chuckled, "Masama pakiramdam ko rito."
Naibaling niya ang tingin kay Juan. "Bakit?"
"You'll know."
Nagsimulang i-setup nila Jam at Balti ang projector at white screen sa harap nila. Napukaw rin ang atensyon nila Iesus at napatingin sa direksyon ni Balti. Sa itsura ng tatlo ay mukhang hindi na rin talaga nagulat ang mga ito. Mukhang sanay na sanay na sa mga kalokohan ni Ser.
"Hoy Bartholomew, sino na naman alay mo?" ni Thad.
"Oy, Thad nandiyan ka pala?"
"Gago!"
"Same to you."
Natawa na naman sila.
Natutuwa talaga siya sa bond ang mayroon ang mga kaibigan ni Jude. She already figured out the unique common denominator of Iesus and his chosen residents. Kaya pala naririnig niyang ni-re-refer nila Au at Chi ang grupo nila Jude na disciples at tinatawag ni Simon na my lord si Iesus.
If it's too much of a coincidence na kapareho or sounds like ng mga names ng mga ito ang mga disciples ni Jesus Christ and the mere fact that Iesus, the landlord of Faro de Amoré's name is a revised version of Jesus. The similarities were uncanny and witty.
She finds it interesting.
"Kompleto na ba sila?" bulong niya kay Aurea.
"Nino? Ang mga 'yan?" Tumango siya. "Hindi pa. Kulang pa sila ng isa. Si Simon Peter o mas kilala bilang si Sep nasa barko pa. Kapitan naman 'yon ng barko. May kapatid 'yon, si Andrew naman."
"Kaso huwag ka nang umasa na makikita mo ang highblood na 'yon," dagdag ni Chi.
"Bakit naman?"
"Mainit ang dugo no'n sa kuya niya at kay Juan."
"Kay Juan?" Napatingin siya kay Juan. "Galit sa'yo?"
"I didn't do anything to him. Pinaglihi lang talaga ang isang 'yon sa sama ng loob."
Natawa si Aurea. "Gage! Kaya nagagalit sa'yo e. Nililibak mo."
"Nililibak din naman ako no'n."
"It's atay pala," tawang-tawa si Chippy. "Alam n'yo ang gulo n'yo magkakapatid din."
"Si Andrew lang magulo."
"Anyway, mabalik tayo sa mga disipulo ng pinsan ko. Eleven pa lang ang nandito sa Faro. Ilan sa mga 'yan wala pang bahay pero may mga lupa na. Bago 'yong sampu, silang dalawa pa lamang ni Philip. He prefered the name Vier - his cousin from his mother's side. Si Iesus lang minsan tumatawag sa isang 'yon as Philip. But Iesus and Sep has always been good friends since they were a child."
"They're best friends," Juan corrected.
"Yeah, parang ganoon na nga. Isa sa mga early residents namin ang magkapatid na Alquiza. Kapag nadadalaw si Andrew dito malamang bilog yata ang buwan."
"Then nasundan ni Thad at parasite 'yong dalawa," dagdag ni Juan.
She can't help but chuckle, "Sino? Sila Jude at Simon?"
"Matagal pa bago nakapag-decide si Simon na bumili ng lupa rito. Two years after pa yata at ilang taon na ring na ghost ang lupain niya rito. Ngayon naman nagbabalak siyang unahin ang gate muna. Nabato 'yon ni Iesus ng paper plate."
"Bakit ayaw pa niya?"
"Hindi pa raw time," sagot ni Juan, "he bought the land after realizing that in the next few years ay tataas ang value no'n at mahal na kung bibilhin."
"Segurita rin ang 'sang 'yon," dagdag ni Chi.
Natawa sila ni Aurea. "Wais na buraot!"
"Ikaw ang sumunod, 'di ba?" ni Chi sabay turo kay Juan. "Na demonyo ka ni Kap."
Juan nodded, "Yup."
"Thomas followed then Bartholomew," tuloy pa rin ni Chi, "Mathieu, Jameson and Jude -"
"Jude?" Namilog ang mga mata niya. "May lupa na si Jude rito?"
Nagkatinginan sila Chippy at Aurea.
"He bought a lot last year," sagot ni Juan.
Hindi naman 'yon nakapagtataka. Nandito ang mga kaibigan ni Jude. She's sure he would like to settle in Faro de Amoré. Deep inside, napangiti siya nang mapait. She realized that there are a lot of things Jude didn't want her to know.
"Pero wala pa rin namang bahay," dagdag ni Chi. "Ang magkakaibigan na 'yon parasite pa rin sa mansion ni Architect."
"What did I miss?" Simon pulled a chair and settled beside Chippy. Hinamas-himas nito ang tiyan. "Ang bilis na digest. Hindi man lang nag-overnight sa tiyan ko." Tumawa ito pagkatapos.
"Mayamaya niyan gutom ka na naman," ni Chi rito.
"You know what?" Simon glanced at Chi, amused. "That's the only consistency in my life right now."
Kahit anong kain ng mga 'to 'di man lang tumataba. Ang ganda pa rin ng mga katawan. Siguro kung anong rami ng kain. 'Yon din ang equivalent of hours they spent in the gym.
"Anong ginagawa nila Ser?"
"Hindi rin namin alam."
"Okay, time for some movie marathon!" anunsyo ni Balti. "Pero bago 'yan, commercial muna."
"Who wants popcorn?!"
May dala nang isang medium size transparent storage box ng microwaved popcorn si Math. Mukhang sa sobrang engrossed nila kanina ay hindi na nila namalayang nakapagluto na ito. At mukhang galing pa ito sa rooftop ni Chi.
Lumapit na ang grupo nila Iesus sa kanila at nagkanya-kanyang hila ng upuan. Pumwesto si Tor sa likod nila. Tinabihan naman nila Thad at Iesus si Jude.
Binigyan sila isa-isa ni Math ng popcorn bago naupo sa tabi ni Juan. Sumunod sila Jam at Balti na tawang-tawa sa isa't isa. Nagtutulakan pa. Hawak ni Balti ang maliit na remote. Sa huli ay si Jam ang naging technical person. Ito ang naupo sa harap ng laptop.
"Anong palabas 'yan Balti?" tanong ni Simon. "Nakakaiyak ba 'yan?" Ang laki na ng subo sa popcorn. "Noong nakaraan na scam ako sa horror mo."
"Huwag kang mag-alala, romance naman papanoorin natin para ramdam nating wala tayong love life," tumawa ito.
"May mga natatamaan sa likod!" tumatawang sigaw ni Iesus.
"Oy, my lord, ikaw lang ba? Kumusta ang dalawa mong bantay riyan?" sakay pa ni Balti. "Humihinga pa ba? Baka kailangan na rin dasalan."
"Daldal mo! Simulan mo na," ni Thad.
"Nagmamadali? May lakad?"
Napailing-iling na lamang si Jude at Iesus.
"Okay guys, relaks lang muna. Manood tayong Fifty Shades -"
"Hoy!"
"Of Emily Rose!"
"Gago!"
Tawang-tawa na naman sila.
"Huwag n'yo nga ako pangunahan. Ang mga 'to, napaka-judgmental. Jam, play mo muna 'yong tiktok video ni Simon."
"Hoy Bartholomew!"
"I know. It's a yes for me."
Mayamaya pa ay nag-play sa white screen ang video ni Simon. Namilog ang mga mata niya at tawang-tawa siya. Simon was topless in the video. Mukhang bagong ligo at naka denim jeans at white shoes lang. Humantad ang magandang katawan nito habang nagsasayaw sa kusina.
She's not familiar with the song pero gusto niya ang beat.
Alam mo na kapag naririnig mo 'to nasa kabilang banda kami ng hinahanap mo. Pamparam pam pam pamparaparam pam!
Hindi pa 'yan lasing ah pero effortless ang giling.
Sumabay lang sa bayo sarap sa pakiramdaman. Pamparam pam pam pamparaparam pam. Nagawa namin ito habang bilog din ang buwan, mga buang!
Tuwang-tuwa siya.
Tawa naman nang tawa sila Chippy at Aurea sa tabi niya.
"Hoy Jam tigil mo 'yan!" Tawang-tawa pa rin naman si Simon. "Walangya ka talaga Balti. Pinakialaman mo na naman cell phone ko."
"Wait there's more!"
Natahimik silang pareho. Hindi na 'yon tiktok video. Mukhang in-effort-an na i-edit talaga. Pumailanlang ang soundtrack ng Autumn In My Heart ng sikat na Korean Drama na Endless Love. Alam niya 'yon dahil isa 'yon sa mga palabas na gustong-gusto ng mommy niya.
Habang 'yon ang background ay naglalakad si Simon sa dalampasigan. Nakayapak ito at naka jeans at white shirt. Namimilog ang mga mata niya sa mga shots. Ang ganda! Parang sa isang drama talaga. His expressions showed a bittersweet sadness. The golden hour sky made the scene too beautiful for her not to admire.
Ipinikit nito ang mga mata at ngumiti.
Maiiyak na sana siya nang biglang may tumulak dito. Si Balti. Tawang-tawa siya nang mabasa na nang tuluyan si Simon sa dagat. Malalaki ang hampas ng alon kaya nang matumba si Simon basang-basa agad.
"Gago!" Simon cursed in the video.
Nahirapan pa itong makatayo dahil naabutan na naman ng mga alon.
Napalitan ng Perhaps Love ng Princess Hours ang soundtrack. Ending nag-habulan ang dalawa sa dalampasigan. Doon siya tawang-tawa. Iba naiisip niya.
"Oy sali ako!" ni Math sa video.
"Math alis! Hindi ka kasali sa video," boses 'yon ni Jam, tawang-tawa.
Kuhang-kuha pagkalito sa mukha ni Mathieu at nang makuha ang ibig sabihin ni Jam ay tumawa ito.
"Maling story pala napasukan ko. So Direk, saan 'yong ako naman pipiliin ng bidang babae?"
"Nasa rooftop."
"Si Chippy?"
Tawang-tawa si Jam sa video. "Lol! Naka video 'to."
Nanlaki ang mga mata ni Math. "'Langya! Cut mo 'yon." Nilapitan nito si Jam pero tumakbo ito. This time mukha naman ni Math ang nakita nila. "Jameson!"
"Hahaha!"
Napansin niya naman si Math sa gilid na isinuot na sa ulo ang dalang storage container sa ulo nang marahas na ibaling ni Chippy ang tingin dito. Pasimple nitong itinaas ang kamay hanggang didbdib nito at nag peace sign kay Chippy.
Pigil niya ang sobrang tawa.
Ship niya talaga ang dalawang 'to e. Bahala nang wala siyang love life basta magkatuluyan ang MatChi.
PALABAS na siya ng bahay nang tumawag si Chippy. Tumigil siya sa hamba ng pinto para sagutin ito.
"Chi? Palabas na ako."
"Mari, sorry. Hindi pala kita masasamahan ngayon. My step-mother called. Pinapupunta ako sa bahay ngayon. Nandiyan ba si Simon? Pasama ka muna. Si Juan?"
"Ganoon ba? Sige, okay lang. Papasama na lang ako kay Jude," pagsisinungaling niya.
Wala si Simon, sumama kay Thad. Si Jude, 'di niya alam kung saan nagpunta nang ganitong oras. Ayaw niyang abalahin si Juan. Pwede naman siyang mag-taxi na lang. May nahanap siyang apartment sa city. Fully furnished naman na at malapit lang sa supermarket, simbahan at malls.
"Mabuti pa. Basta huwag kang aalis na ikaw lang mag-isa."
"Don't worry. Balitaan na lang kita."
"Okay, sige, mamaya ulit. Bye!"
"Bye!"
End call.
Pagbaba niya ng phone ay napabuntonghininga siya. Hindi niya pwedeng ipagpaliban ang ocular visit. Nakausap na niya ang broker. Madami raw itong clients na gustong kunin ang unit na 'yon. Baka maunahan pa siya.
"Okay, Mari, let's do this."
Ibinalik niya sa bag ang cell phone at akmang aalis na nang pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanya ang walang ka ngiti-ngiting mukha ni Jude. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat.
"Jude!" singhap niya.
Kumunot ang noo nito. "Where are you going?"
"Ahm, aalis ako, magkikita kami ng broker ng apartment."
"You're going alone?"
"Kasama ko si Chippy."
"You're lying. I saw her with Iesus earlier."
Napangiwi siya sa isip. "Kaya ko naman pumunta mag-isa -"
"Wait for me here. Magpapalit lang ako."
"Ha?"
"Sasamahan na kita."
"Hindi na -"
"I insist."
Iniwan siya ni Jude at nagtuloy-tuloy sa loob. Muli siyang napabuntonghininga. Minsan okay sila. Madalas hindi. Nalilito na rin ang puso niya minsan. Urong-sulong ang desisyon na mag-move on nang tuluyan. Nasa edge pa siya ng mga in denials niya sa buhay. Isang tulak pa at mahuhulog na talaga siya.
She only has one wish before Jude returns to the US.
She wanted an official closure.
TAHIMIK lang sila sa buong b'yahe. She did no longer tried to start a conversation. Mukhang wala rin namang balak si Jude. Funny how fast their situation changed from being best travel buddies to strangers again.
She would be lying if she says she doesn't miss those moments.
Pagkarating nila sa apartment building ay sinalubong agad sila ng broker niya na si Ms. Chona. Mukhang mabait naman ang ginang at sobrang bubbly pa nito makipag-usap. Akala niya ay hihintayin lang siya ni Jude sa kotse pero sumama ito. Sinuot lang nito ang black cap nito at itim na salamin sa mata.
Umakyat sila sa 8th floor.
"Complete naman po lahat dito, right? From water connection and electricity. Wala naman pong problema?"
"Walang problema, Ma'am Mari. Safest and friendliest ang apartment building na 'to. Nakausap ko na rin ang landlord, discounted na rin 'to. Fully furnished at may gamit na."
Binuksan nito ang isa sa mga pinto roon.
So far gusto niya ang ambiance ng apartment building. Simple pero malinis naman. May guard at receptionist din sa ibaba.
"Itong unit na 'to, facing the sea view ang bintana."
Maliit lang ang kwarto, honestly. Nasa thirty-five square meters pero sakto lang naman sa kanya. Siya lang din naman mag-isa. Ang importante may sarili siyang banyo. She didn't mind if her bedroom is adjacent to the kitchen and living room. May closet na rin at complete ang kitchen counter. Okay lang siya sa mini-fridge. Kaonti na lang bibilhin niya kung sakali.
"Pwede n'yong tignan ang banyo."
Sumilip siya sa banyo. "I'm fine with this. Malinis naman."
"For laundry, may laundry shop naman sa ibaba. They also do pick up and deliver."
"I see."
"Where are the CCTVs' located?" biglang butt in ni Jude.
"Sa exit and entrance access, sir. Meron din sa hallway ng each floor at sa elevator. Fire exits, parking lots, and sa lobby. Rest assured na walang nakakaakyat sa mga floors na walang advance notice."
"Miss Chona, na mention n'yo kasi na madami nang nag intent ng interest sana ma hold n'yo tong unit na 'to for me. I will give feedback within the week."
"I cannot guarantee. Pero so far, hindi pa naman ako kino-contact nila. Usually kapag ganoon, pinag-iisipan pa talaga. Tatawagan kita kapag may nag-reach-out ulit sa'kin para aware ka rin."
"Sige po. Salamat." Ngumiti siya sa ginang.
Umangat naman ang tingin ni Ms. Chona rito. "If ever, are you sure okay ka lang dito? Maliit lang 'to for two persons." Baling ulit nito sa kanya. "Napag-usapan n'yo na ba ng boyfriend mo?"
Mabilis na umiling siya. "Naku po, mali po kayo ng iniisip. Ako lang po ang titira. At saka hindi ko po siya boyfriend. Kuya ko siya."
Halos sabay silang napatingin ulit kay Jude nang ihitin ito ng ubo. "Excuse me." Lumabas ito ng unit.
Natawa lang siya.
"Kuya mo?"
Umiling siya. "Ex ko po." Namilog ang mga mata nito sa sinabi niya. Amused na makitang magkasama ang mag-ex at medyo nalilito na rin. "Joke lang po." Bawi lang din niya. Natawa na lang din ang ginang. "Tatawag po ako within the week."
"Sige. Pero 'di nga, hija? Kuya mo?"
Natawa ulit siya, "Driver."
INIHILIG niya ang likod sa back rest ng upuan at napahikab. Alas dos pa lang pero inaantok na naman siya. And she's hungry again.
"May lakad ka pa ba?" basag ni Jude.
Umiling siya. "Wala na. 'Yon lang," sagot niya habang nakatingin sa labas. Nag-iisip siya ng pwedeng kainin. May kini-crave siya pero 'di niya alam kung ano.
"Gustong kainin?"
"Mango float," out of the blue na sagot niya.
"Ha?"
Marahas na naibaling niya ang mukha kay Jude. "Ha?" Na confuse rin siya. Sinabi ba talaga niyang mango float? Parang gusto nga niya ng matamis pero parang hindi rin.
"Sabi mo mango float. Pwede tayong dumaan ng dessert shop."
"Naku, huwag na! Uwi na lang tayo."
"You sure?" She nodded. "Anyway, the other day. I haven't asked you yet. Why did you sneak inside my room? May hinahanap ka ba?"
Nakagat niya ang ibabang labi. "Actually, oo."
"What is it?"
"Doon sa lighthouse, 'yong music box. Sa'yo ba 'yon?"
"Music box?"
"'Yong may mother and child sa loob."
"Why?"
"Na kwento ko na sa'yo dati 'yong bagay na binaon ng mommy ko sa parola. Hindi ko alam kung music box 'yon o ibang bagay. Pero hawig kasi no'n ang music box ng mommy ko. Gusto ko lang i-check kung 'yon nga."
"I found that music box in the lighthouse. Not me, actually. May batang nakahukay no'n." Namilog ang mga mata niya. "I kept the box with me. Ibibigay ko sa'yo pag-uwi."
"Thanks, Jude."
"You could have asked me instead of sneaking inside my room."
"I'm sorry."
Ibinalik na lamang niya ang tingin sa harap. Muli na naman silang binati ng katahimikan. Kahit mahina ang volume ay rinig niya ang kantang kasalukuyang naka play sa radio. Muli siyang niyakap ng lungkot.
All those days watching from the windows. All those years outside looking in. All that time never even knowing. Just how blind I've been...
"Kailan ka babalik sa US, Jude?"
"Third week of November."
"Will you write songs again?"
"Maybe."
Muli niya inihilig nang maayos ang likod sa back rest at ipinikit ang mga mata. Ang lungkot bigla, Jude.
"Hindi ka ba hinahanap ng daddy mo?" Nanatili siyang tahimik. "Mari?" Naramdaman niyang marahan siya nitong tinapik sa balikat. "Mari?"
Pretending not to care is a good remedy to conceal one's brokenness. However, it doesn't last long. Sooner or later, you will feel the emptiness again. And it will take a lot of courage to start all over again.
But a heart could not easily move on especially when you fell in love genuinely.
"I'm sorry for what I said at the lighthouse, Mari."
And every time I convinced myself to forget you. You give me a lot of reasons to hope again, Jude. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang gusto mong gawin ko.
Pigil niya ang mga luha na pumatak.
And it's warm and real and bright... And the world has somehow shifted. All at once everything is different...
Now that I see you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro