Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

BUSY tone na naman ang narinig niya sa kabilang linya. Akmang tatawag ulit siya ng mapansin ang grupo ng dalawang lalaki at isang babae na naglalakad sa direksyon ng boardwalk. The three of them was wearing the same black shirt, plain jeans and rubber shoes. Nakasulat sa likod ng mga t-shirt ng mga ito ang MIND CREATIVES.

"Sure ba kayong hindi artista 'yong babae?"

Napalingon siya sa kung saan nanggaling ang boses. May dalawang babae na papalapit sa direksyon niya. It was pretty obvious na iisang group lang din ang dalawa sa tatlong nauna dahil sa suot ng mga ito.

"Ang ganda niya, 'di ba? Mukha siyang anghel."

"Pero bawal daw ipakita talaga ang mukha niya. Ang weird nga e. Na curious tuloy halos."

"Baka galing sa isang influencial family at bawal ng publicity."

"Baka fiancee ng may-ari?"

"Hala! Baka nga –"

"Excuse me," aniya sa dalawa. Sabay ang mga itong tumigil sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Omg!" sabay na singhap ng dalawa. "J-Jude A-A-Asrael Sa...Savio of Queen City?!"

Damn it! He cursed on his mind. Base sa panlalaki ng mga mata ng mga babae. Of course, they knew who he was. Wrong move, Jude Asrael!

He smiled, "Right."

Nagkatinginan ang mga ito at naghawak kamay saka tumili nang malakas. Next time, Jude, kindly remind yourself to think before speaking.

"Pa autograph po!"

"Pa picture po!"

"Ginoo ko! Pwede na po ako mamatay – ay joke lang po, Lord! Pero pwede po pa autograph at papicture?"

"Ahm. Sige. But I don't have a pen with me –"

"Meron po ako!" Inilabas ng babaeng naka ponytail at medyo chinita ang isang whiteboard marker. "My name is Harrah Bantuas. Ahm, wait, wala akong papel. Omg!" Kinapa-kapa nito ang lahat ng bulsa ng jeans nito. "Wallet. Ah, tama! Wallet ko na lang." Inabot ni Harrah ang wallet nito sa kanya saka 'yong whiteboard pen. "Diyan na lang para tatak forever."

He chuckled, "Thanks!"

"Wait, ako rin po. Ito na lang pong cap ko. Marah Flora B. Mancia."

"Oy, talagang kung anong nakalagay sa NSO mo, girl?"

"Kanya-kanyang trip 'yan, Harrah!" Ibinaling ulit ni Marah ang tingin sa kanya. "Pa add po, love Jude Asrael Savio."

"Here." Ibinalik niya kay Harrah ang wallet. Sinunod niya ang yellow cap na inabot ni Marah. "Mind Creatives of Mykael Sy?"

"Yes! May shooting kami ngayon for FDA online promotional ad."

"I see. Here."

"Thanks po! Pwede na po picture?"

"Sure but please don't mention the place. I'm just staying with my cousin. I want to keep his privacy. Okay lang ba?"

"Sure! Sure po! Wala pong problema!"

"Thanks."

Pinagbigyan niya ang dalawa sa tig-isang selfie at group picture. Pagkatapos ay pinauna niyang maglakad ang mga ito saka siya sumunod sa boardwalk. He did hear Simon mentioned the scheduled shooting of a promotional ad of FDA but he didn't pay much attention.

Pagdating niya ay may mga taong nakatingin mula sa railings ng boardwalk. Some are homeowners at 'yong iba ay mga staff. Isinuot niya itim na cap sa ulo na hinubad niya kanina para 'di makakuha ng atensyon. Sumilip siya mula sa railings and he saw Mari running in the direction of the lighthouse. But it seems like she was only practicing her runaway scene dahil hinahabol ito ni Jam at kinakausap – more like giving her instructions.

Kahit sa malayo ay alam niyang si Marison 'yon.

Even Simon and some of the Faro Boys were on standby. Una niyang napansin si Juan na kasama nila Chippy, Aurea, Balti, Math at ng isang lalaking 'di siya pamilyar. Nakahiwalay si Simon. He was speaking to someone on the phone.

"Okay, Mari, will start in 10 seconds!" sigaw ng lalaki mula sa tent. May hawak itong megaphone but he couldn't properly see his face dahil may mga nakaharang na mga staff.

Lumapit na si Jam kay Simon.

A girl stood in front of Mari with a clapper board.

"Action!"

His attention was now diverted to Mari.

Her white long dress fell graciously 'till her ankles. Sumilip ang walang sapin nitong mga paa sa pag-angat nito ng saya. Bahagya itong lumingon sa direksyon ng camera man na sumusunod dito at sa muling pagbalik ng tingin nito sa harap ay tila hinawi ng sadya ng hangin ang bahagyang kinulot nitong buhok dahil kusang kumalas ang nakataling puting panyo na nakatali sa kalahati ng buhok nito. Nilipad 'yon ng hangin dahilan para mag-angat ito ng tingin sa may dagat.

He couldn't take off of his eyes away from her.

He was bewitched at that particular moment.

"Cut!"

Naikiling niya ang ulo sa kaliwa at napakurap ng dalawang beses.

"Let's have a 10 minutes break."

He throws the thought away from his mind. Bumaba siya ng boardwalk at pinuntahan sila Simon sa tent. Mari didn't mention this to him.

"Ang ganda talaga niya, pare! Kunan mo dali. I-zoom mo pa –"

Marahas na kinuha niya ang cell phone ng isang lalaking staff nang hindi ito binabalingan ng tingin. "What the –" Isa-isa niyang binura ang mga stolen photos ni Marison saka ibinalik 'yon ng hindi nagsasalita. "Hoy, sino ka ba?" Dumiretso siya kay Simon na katabi lang ni Jam.

"Gago 'yon ah! Sino ba 'yon?" narinig pa niyang reklamo nito.

"Hoy, bawal nga kasi. Ku-kulit n'yo. Mapapagalitan tayo ni Boss Mykael dahil sa inyo e."

"What is Mari doing here?" seryoso niyang tanong kina Simon at Jam.

"Jude!" ni Jam.

"Hindi ba binanggit sa'yo ni Mari?" nagtatakang balik tanong ni Simon. "She told me not to mention this to you. Siya na raw magsasabi."

"Hindi niya sinabi."

"Jude, no worries," segunda ni Jam. "Hindi naman makikita ang buong mukha ni Mari. I made sure about that."

"She agreed to this?"

"We encouraged her."

"Including Iesus," dagdag ni Simon.

Ibinaling niya ang tingin kay Marison na sa mga oras na 'yon ay masayang kausap sila Chippy at Aurea. She was smiling and laughting. Naningkit ang mga mata niya nang lumapit si Juan at abutan nito ng bottled water si Mari.

"Jude?"

"Jude, pare, okay ka lang?"

"Yeah. I'm fine. Nakauwi na pala si Iesus?" baling niya kay Jam. "I didn't see him around."

"Nandito siya kanina. Umalis lang. Tumatawag si Tito Josef sa kanya."

"Kanina pa nagsimula? Kailan sila matatapos?"

"We started at 5 am," ni Jam. "They're done with the importants spots here in Faro kaninang umaga. We just resumed kanina. Hinintay naming magdapit-hapon so we can shoot the golden hour running scene ni Mari. I think they will make more videos here from different angles, then last scene na sa lighthouse mismo. We're just waiting for Iesus. Wait, 'di ka umuwi kagabi?"

"I went somewhere."

"Huwag mong sabihing –"

"Uuwi lang muna ako." He didn't let Simon finished his sentence. Tinapik niya sa balikat si Jam. "Don't let the staff here take photos of Mari," bulong niya rito. "Checked their phones before they leave."

"I'll tell Mykael."

"Thanks, Jam."

"Babalik ka ba rito o susundan mo kami sa lighthouse?" asked Simon.

"It depends," sagot niya bago iniwan ang dalawa.

"May dinner sa clubhouse mamaya. Sumunod ka na lang."


"ARE you really sure na ayaw mong mag-artista?" nakangiting tanong ni Mykael Sy kay Mari.

Ngumiti lang siya at umiling. Ilang beses na yata niyang narinig 'yan ngayong araw. At ilang beses na rin siyang umiling. Flattered siya sa mga compliments na naririnig niya but she wanted a peaceful life. Although she wanted to be a singer just like Jude but she's not really sure if she wanted a life like his.

It is something she wanted to figure out soon.

What's next in Marison's life?

"Well, just let me know. Jam has my number and Iesus is a good friend of mine."

"Aalis na kayo?" tanong ni Iesus, lumapit ito sa kanila. Kasama niya si Jam kanina pero nag-excuse ito na magbabanyo muna.

"In a while, Sus. My team is still enjoying their dinner. Ayoko namang libakin ako ng mga 'yan dahil ginutom ko sila." Mykael laughs after. "Kita mo 'yang si Kevin. Sumama lang yata sa'kin para makipag-chismisan sa pinsan niya."

Natawa si Iesus. "I haven't seen Kevin for quite a long time here in Faro or maybe because I'm always out of the country."

"Busy rin talaga 'yang si Doc. Si Mohana nag-a-adjust sa trabaho niyan."

"I agree." Iesus paused for awhile. "Anyway, enjoying the food?"

"Kanina pa! Bukambibig ng mga tao ko na sobrang sarap daw ng pakain sa Faro. I haven't tried eating at Noah's Ark though. I've heard of it a lot of times from Gumie. Ngayon lang kami nakauwi sa Cebu kung 'di pa nag-invite sila Rave na magbakasyon kami sa Tabuelan."

"Noah's Ark is a destination restaurant here in Cebu not to mention that Math is really one of the best Chefs here."

"Heard my name," lumapit si Mathieu. Ito ang owner ng sikat na ship restaurant sa Cordova, Cebu, na Noah's Ark. Literally, mukha talagang barko ang resto nito. Hindi pa siya nakakapunta roon pero nakita na niya 'yon online. Napansin din niyang ilang beses na tinutukso ni Aurea si Chippy sa Chef ng Noah's Ark. Kasing kulit din ito nila Balti at Simon. Math is really friendly. "Well, here's my business card." Inabot ni Math ang isang maliit na card kay Mykael. "Call me for inquiries."

"Math!" tawag ni Balti rito.

"Excuse me, tinatawag ako ni Ser. Nice meeting you again, Mykael."

"So sino sa mga disipulo ni Iesus ang boyfriend mo, Mari? I'm guessing Jam's brother, Juan?"

Namilog ang mga mata niya. "Ha?"

"Juan and Mari are just friends," sagot ni Iesus. "Jude brought her here. They're good friends."

"Jude? You mean, Architect Thad's cousin? 'Yong vocalist ng Queen City?"

"Yes. Anyway, enough of your talk show, Mykael," Iesus chuckled, "I have something to discuss with you. Mari, excuse us for a while."

"Sure. Balikan ko lang sila Simon sa table."

"Kumain ka na rin."

Ngumiti lang siya sa dalawa saka nilapitan sila Simon sa table ng mga ito. She met Iesus earlier. Kakauwi lang nito galing London late night kahapon at umaga na niya ito nakilala. She felt stupid ogling at his perfectly sculpted face when Jam introduced her to him. It was like talking to the heir of the next throne of a kingdom. 

Halos magkakasingtangkad lang din kasi ang mga ito. Na starstruck talaga siya. Lalo na sa tuwing magtatama ang mga mata nila. Tila nalulunod siya asul nitong mga mata. Kung titigan kasi siya nito ay parang binabasa nito ang buong pagkatao niya.

Iesus has that intimidating presence but she noticed na mabilis itong mag-adjust sa ibang tao. First impression na lang niya 'yon rito dahil nagawa na nitong i-convince siya na mabait talaga ito at madaling kausap.

Sama-sama sa isang mesa sila Balti, Juan, Simon, Chippy at Aurea. May dalawang vacant seats. One, katabi ni Juan. Second, besides Balti. It was occupied by Dr. Kevin earlier pero sinenyasan ito ni Mykael na lumapit kina Iesus.

Juan smiled and pulled the chair beside him. "Dito ka na." She did and sat beside him. Mukhang kanina pa nagkakatuwaan ang mga 'to dahil tawa nang tawa.

"At dahil nandito na si Mari. May kwento ako," ni Simon.

"Siguraduhin mong kwento 'yan at hindi joke, Simon," ni Balti. Natawa ulit ang lahat. "Sawang-sawa na ako sa pag-unawa sa mga jokes mong wala sa hulog."

"Grabe ka Ser!" Tawang-tawa si Simon. "So 'to na nga. Recently ko lang din 'to na realize. Alam n'yo ba kung bakit nag-seaman si Sep?"

"Bakit?" they asked in unison.

"Kung bakit nautical ang kinuha niya?"

"O, bakit nautical?" asked Jam. Naupo ito sa tabi ni Balti.

Ngumisi si Simon. "Because Sep is very naughty – naughtycal."

"Gago!" Binato itong tissue ni Math, tawang-tawa. Nahawa lang siya sa ngiti at tawa ng lahat kahit medyo 'di niya gets. "Alam ba ni Sep na nililibak n'yo siya nang ganyan?"

"I doubt," ni Jam, laughing.

"He doesn't need to know," Simon said with a smug smile.

"Because Sep is very naughty – naughtycal." Isang recording ang narinig nila na lalong nagpatawa sa kanila.

"Hoy Juan!" duro ni Simon.

Juan smirked, "You're welcome."

Ang lakas ng tawa ni Balti. Nakatingin na ang mga tao sa kanila. "Napaka-loyal talaga nitong si Juan sa Kuya Sep niya." Sabay baling kay Jam. "Oy, Jam nandiyan ka pala. Akala ko uusal na ako panalangin para sa tuluyang paglagay mo sa tahimik. "

"Hindi ako nasasaktan," ni Jam, pursing his lips na tila batang nagpipigil ng iyak, but she can tell na umaarte lang ito.

Niyakap ito ni Balti. "Huwag kang mag-alala, Kuya Jam. May kapatid si Sep. Magpalit na lang kayo. Huwag na iyak. Pareho namang may sungay ang dalawang 'yan."

Tawang-tawa na naman sila.

"Juan, huwag mong i-send 'yan kay Sep!"

"Anong ibibigay mo para tumahimik ako?"

"Free dinner sa Kuya J?"

"No."

"Dinner sa Buffet 101?"

"Call."

"Langya ka Juan! Ipagpapalit mo si Sep sa eat all you can?" ni Balti.

"He doesn't need to know," Juan chuckled. He tossed his phone to Simon's direction. "Delete it."

"Pambihira! Kung sakaling tatraydorin tayo ni Juan, alam n'yo na, ha? Pinagpalit tayo sa EAT ALL YOU CAN!!" dagdag pa rin ni Balti, napa-iling ito, amused na amused pa rin. "Ubos na belib ko sa'yo, Juan. Isa kang alamat."

"Ahm, excuse me." May lumapit na babae sa kanila. "Crush ka po ni Harrah S. Bantuas, single, God fearing, magaling magluto, cute and simple." Sabay turo sa babaeng papalapit din sa kanila. Pulang-pula ang mukha nito. "0932 –"

"Gage ka Jheseca Gecoso!" Hinila nito ang kaibigan. "Hindi ko sinabing lapitan mo at sabihin mo nang harapan."

Tawang-tawa ang babaeng tinawag nitong Jheseca. "I love you raw sabi ni Harrah! Love din kita." Sabay angat ng finger heart. "Saranghae Oppa!"

"Sana all," tudyo ni Balti. "Benta na ba kita?"

"Oy, Balti, 'di ba may kapatid kang adik sa mga Korean Drama?" ni Simon. "Si Maja Blanca?"

"Si Maharlika Mistress of Evil," tawang-tawa si Balti, "huwag 'yon. If you want a peaceful life. I won't recommend my sister."

"Kailan ba 'yon uuwi?" asked Jam.

"Hindi 'yon makakauwi hanggat 'di ako kinakasal. Maging taong kimchi siya roon."

"Grabe ka sa kapatid mo, Balti," ni Aurea, "malalim galit ah."

"Hayaan mo 'yon. Ginusto niya."

"Speaking of retohan, bakit 'di natin tanungin muna si Juan kung may napupusuan na ba siya?" may himig na panunukso ni Chippy.

"I agree. I'm also curious," ni Math.

Napatingin sila kay Juan na kalmadong sumusubo ng salad. "What?"

"Do you like someone at this table?" ni Balti.

"Rainbow si Juan?!" singhap ni Aurea.

"Gage!" Binatukan ni Chippy si Aurea. Tawang-tawa na naman sila. "Akala ko ba manghuhula ka, girl?"

Bumungisngis si Au, "Depende sa donasyon."

"Uunlad ba ang bansa kapag sinagot ko kayo?"

Hindi naman siya ganoon ka dense para 'di agad ma gets na they're trying to push Juan with her. Sobra kasi nilang naging close nitong mga nakaraang araw. She finds it weird na halos ng mga tao sa Faro ay hindi ina-assume na girlfriend siya ni Jude. But on the brighter side, mas okay na rin 'yon. Hindi na niya kailangan na mag-explain pa.

"Paano uunlad ang bansa?" lumapit na si Iesus sa kanila.

"Mylord!" ni Simon. "Dito ka na maupo." Tumayo ito at hinintay na makaupo si Iesus sa upuan nito saka nagpakandong dito.

"Simon!" Iesus hissed.

"Magaan lang naman ako," tawang-tawa si Simon, "kaonti lang kasalanan ko –" marahas na tinulak ito ni Iesus kay Balti. "Oy, Ser, dapat may themesong na magpi-play." Tawang-tawa ulit sila. Ayoko na! Sa isip niya. Ang sakit na ng panga niya. Paano ba naman kasi, halos yakap at kandong na si Simon kay Balti. "Bakit 'di ka maalis sa isip ko?" simulang kanta nito. "Ikaw ang laging laman nitong puso ko. Kahit pilitin kong damdamin ay magbago. Ikaw pa rin ang hinahanap ko."

"Hanggang ngayon," sakay pa na kanta ni Balti sabay haplos ng pisngi nito, "Ikaw pa rin ang hapon ko... hahaha..."

"Tigilan n'yo na nga 'yan!" saway na ni Iesus, namumula na sa kakatawa.

"Okay!" Binitiwan ni Balti si Simon kaya dumiretso ito sa sahig. "Madali akong kausap."

"Animal!" Simon cursed. He pulled Balti's chair dahilan para mapasalampak din ito ng upo sa sahig. "Ano ka ngayon, Ser?! Haha!"

"Gago!"

"Second to you."

"Kukulit! Ito ang na miss ko sa Faro." Ngumiti si Iesus sa kanya. "Masasanay ka rin sa mga kalokohan ng mga 'to, Mari." Napangiti siya. Na touched siya sinabi ni Iesus. Ramdam niya na sobrang welcome siya talaga sa Faro.

Kung sana pwede siyang manatili nang mas matagal.

Kahit na babalik na si Jude sa US at umakto siyang walang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya habangbuhay na maloloko ang sarili na wala na siyang pagmamahal pa kay Jude. She was already looking forward on the day na mag-si-settle-down si Jude sa Faro at hindi siya ang babaeng papakasalan nito. At paano kung sa pagbalik nito ay hindi pa rin tuluyang nakakalimot ang puso niya?

Halos sabay na inihilig nila Aurea at Chippy ang mga ulo sa mga balikat niya at niyakap ang mga braso niya. She finds the action comforting and bittersweet. Kung may iiyakan man siya sa pag-alis niya ng Faro ay 'yon ang pagbibigay ni Jude sa kanya ng mga taong hindi lang kaibigan ang turing sa kanya – pamilya rin. Despite the differences, she found alliances in Faro de Amoré.

She felt hot tears forming in her eyes. She immediately shrugged the idea off her mind and smile. In the meantime, she will enjoy their company.

"Mari, dito ka na lang, ha?" ni Chippy. "Para 'di naman boring buhay ko sa rooftop."

"Ako rin. Para 'di lang balahura kaibigan ko rito sa Faro."

"Hoy Aurea Feliz, balahura ka rin."

"Kapag bilog ang buwan," tumawa si Aurea.


MADILIM ang buong bahay nang umuwi siya. Nauna siyang umalis sa clubhouse. Dumating na rin ang fiancé ni Aurea na si Tor bago siya umalis. Nakilala na niya ito pero 'yong kaninang reaksyon nito ang hindi niya magawang maialis sa isip niya. Napapansin niyang napapatingin si Tor sa kanya at nahuhulog sa malalim na pag-iisip pagkatapos.

Noong unang makilala niya ito ay titig na titig ito sa kanya na para bang may nakikita itong dalawa pang ulo sa kanya. Even Au had the same reaction when they first met. Inisip niya tuloy na laging may nakasunod sa kanyang ghost. Aurea can see ghost, so baka 'yon nga nakikita ni Au. She didn't dare ask.  Ayaw niyang takutin ang sarili. At sino naman ang multo na laging nakasunod sa kanya if ever?

She doesn't think that Tor can see them as well?

Baka may kamukha lang siguro siya.

"Aw!" Napangiwi siya nang tumama ang paa niya sa kung anong matigas na bagay. Ang dilim naman kasi sa buong bahay. Hindi pa yata umuuwi si Thad. She saw Jude earlier sa beach. Umalis din agad ito.

Halatang 'di nito nagustuhan ang ginawa niya. And she didn't even mention this to him. Naisip niya, para saan pa? Alam naman na niya ang tama sa mali.

Napaupo na lamang siya sa sofa.

But still, may kaonting guilt siyang nararamdaman. Para saan pa't hiningi niyang itago siya mula sa dad niya pero siya itong matigas ang ulo?

Ironic.

"Baka umalis na naman siya." Naiangat niya ang mukha sa direksyon ng hagdanan. May nakikita naman siya dahil bukas ang warm light sa ceiling ng hagdanan. "Hindi 'yon umuwi kagabi. Saan kaya siya lagi nagpupunta?" She sighed.

Naalala niya bigla ang parola. Mapait siyang napangiti nang maalala ang ganda ng view na nakita niya kanina habang nasa taas siya.

"Wait!" Naalala niya ang pinapahukay ng mama niya sa kanya noon. Hindi niya 'yon nakuha 6 years ago at hindi na rin niya nabalikan dahil nabulag siya. "Tama. Kailangan ko 'yong makita bago ako umalis."

Tumayo siya at hinanap ang garden shovel at flash light sa storage room sa basement saka nagmadaling lumabas ng bahay. Halos takbuhin na niya ang palabas ng gate. Mabuti na lang at pinayagan siyang makalabas ng guard.

Malakas ang hangin nang makarating siya sa parola. Humahampas 'yon sa dahon ng mga puno. Nasa uphill ang lokasyon ng parola na nakatayo sa dalawang entrance at exit ng Faro de Amoré. Sa harapan nito ay isang mini forest at sa gilid ng mga punong kahoy ang sementadong daan.

She was sure na hindi roon nakabaon ang gamit ng mama niya. Wala siyang nakita roon at nasita lang.

Umikot siya sa buong parola hanggang sa makita niya ang malaking tipak na bato na nakaharap sa dagat. Nilipad ng hangin ang kanyang buhok. Ramdam niya ang lamig ng hangin sa kanyang mga pisngi.

She stared at the vast sea.

May nakikita siyang mga mangingisda na tila lamparang nakalutang sa dagat.

"Ang ganda," she uttered in pure awe.

A smile slipped on her face. Naingat niya ang tingin sa parola sa kanyang tabi. Muli niyang naramdaman ang mabining ihip ng hangin. Tila binubulongan siyang umakyat ulit sa itaas. Bumaba ang tingin niya at dumako sa direksyon ng pinto. May kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang maglakad palapit roon.

At nang nasa tapat na siya ay umakyat siya apat na baitang na hagdanan at hinawakan ang knob ng pinto. Namilog ang mga mata niya nang malamang hindi 'yon naka lock. Maingat na binuksan niya ang pinto at hinanap ang spiral staircase gamit ng flash light.

Luma na ang hagdanan pero matibay pa naman 'yon. Alam niyang bawal siyang umakyat mag-isa roon pero wala namang makakaalam.

Nasa dulo na siya nang marinig niya ang isang pamilyar na tunog ng lullaby. Parang galing sa isang music box. Pero hindi niya alam kung saan kaya sinundan niya ang tunog nang marating niya ang pinakataas. Laging bukas ang pinto roon na magdadala sa kanya sa balkonahe ng parola.

Paglabas niya ay agad na naramdaman niya ang malamig na hangin ng gabi. Kahit sa suot niyang cardigan ay tumagos pa rin ang lamig sa kanyang balat. Dumagdag sa ganda ng lugar ang tunog ng music box. Tila miniatures ang lahat sa paligid niya.

Lalo siyang napangiti.

"Ang ganda..."

Ibinaling niya ang tingin sa kaliwa niya. Napakurap siya ng dalawang beses. Namilog ang mga mata niya nang makita ang isang maliit na bukas na music box sa sahig. Umiikot ang maliit na figurine ng babaeng may karga-kargang sanggol.

Naigala niya ang tingin sa paligid.

May tao ba rito kanina?

Dapat ba niyang ukutin ang buong balkonahe?

Natigilan siya nang maramdaman may tao sa kanyang likod. Hinawakan niya ang buhok na nililipad ng hangin bago matapang na nilingon ang kung sino mang nasa likod niya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung sino 'yon.

Jude?!

"What are you doing here, Mari?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro