Kabanata 23
NAPANGIWI siya nang makita ang sugat sa siko. Niligo na lang niya kanina kahit sobrang hapdi. Namumula na lang pero 'di naman na dumudugo. Mawawala na rin 'yon. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagwawalis sa living room. Nasagi lang niya kanina sa cabinet.
"Mari!" Napasinghap siya nang hawakan ni Simon ang may sugat niyang braso. Pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha nito. "What happened to this? Halika, gamutin natin." Pinaupo siya nito sa sofa. "Wait for me here. Kukunin ko lang ang first aid kit -" Akmang aalis ito nang hawakan niya ito sa braso.
"Okay lang ako." Ngumiti siya rito. "Saka kahapon pa 'yan. Medyo okay naman na."
He didn't look convinced. "Did you wash your wound? Baka ma infect 'yan."
Tumango siya. "May nilagay din akong ointment kagabi."
Sandali pa itong nag-isip bago niya nakumbinse. "Okay." Naupo ito sa tabi niya. "Good to hear that you're okay. Nakuha mo ba 'yan nang tumakas ka sa inyo?"
She nodded again. "Inakyat ko ang bakod namin nang madaling araw para 'di ako mapansin." Natawa siya bigla nang maalala ang plano niya. "Alam mo ba kung ano ginawa ko, Simon?" Nakangiting umiling ito. "Iku-kwento ko sa'yo. Nabanggit sa'kin ni Yaya Cel ang schedule ng garbage collector sa village namin. Kaya para mailabas ko 'yong mga gamit ko. Itinapon ko lahat at sinilid sa kahon. Pero syempre nilagyan kong palatandaan para kapag nakalabas na ako sa mansion mabilis ko lang mahanap ang mga gamit ko sa basurahan."
Umawang ang bibig nito - amused sa narinig. "Daebak!" Natawa ito pagkatapos. "Sugoi! Naisip mo talaga 'yan?"
Tuwang-tuwang tumango siya. "Naalala ko 'yong mga Kdrama na napapanood ko. Nag-worry pa ako na baka matapon na 'yong mga gamit ko. Kasi sabi ni Lisa, 'yong isang maid namin. Nag change schedule raw si garbage collector. Dasal ako nang dasal talaga na sana umabot ako."
"So that's the reason na nasugatan ka? You were rushing to get your things?"
"Partly, pero dahil na off balance ako nang mag-landing ako sa sementadong daan. Hindi ko napansin 'yong matulis na bato."
Napa-iling-iling na lamang si Simon sa kanya. "Naku, kawawa naman 'yong bato. Hindi man lang ba nagalusan?"
Napamaang siya at natawa. "Grabe! Mas concern ka pa sa bato."
He chuckled, "Mukhang okay ka naman e."
"Sinipa ko sa inis."
"Ouch!" Tumawa ulit ito. "Kawawang bato."
"Simon, tanong lang, may kakilala ka bang pwede kong applyan ng part-time job?"
Kumunot ang noo nito. "Part-time? Magtatrabaho ka?"
Sunod-sunod na tumango siya. "Oo, kahit ano. Need mo ba ng assistant? Hindi naman ako mag-demand ng malaking sahod. Si Thad kaya?"
"Bakit 'di ka na lang mag-focus sa music?"
Naisandal niya ang likod sa sofa. "Mahirap lalo na sitwasyon ko ngayon. Kailangan ko muna maka-ipon pa. Kinukwenta ko na nga 'yong renta ko kahit wala pa akong nahahanap na paglilipatan. May target budget akong ginagawa."
"You know what, I have an idea in mind. If you're not comfortable staying with us. Pwede kong kausapin si Chippy. Malaki naman ang rooftop niya. I've heard from Balti na nabuburyo siyang mag-isa sa mansion niya. Anyway, Chippy is Iesus' cousin. Thad mentioned Iesus last night, right?" She nodded. "So, yah, mylord is the owner of FDA."
"My lord?"
Simon chuckled, "Yup! We call him mylord. You will know soon. Lahat ng bagong salta rito sa Faro. We let them connect the puzzle pieces by themselves. Tamad kasi mag-explain ang mga tao rito."
"Na curious ako bigla."
"Anyway, I'll be out today. Thad called so may biglaan kaming meeting sa opisina niya. Jude will be here all day or not. He mentioned may pupuntahan siya ngayon, but he wasn't sure, pero sa tingin ko aalis 'yon dahil nakabihis na. Inaya ka bang sumama?"
Pilit lang siyang ngumiti. "Hindi. Dito lang ako sa bahay."
She doubts if Jude wants her anywhere near him.
"I see. I'll ask Chippy to tour you around Faro. Lagi naman 'yong nandito."
Namilog ang mga mata niya. "Hindi siya umaalis?"
"Gusto niya but she's not allowed to go out without Iesus' permission or kung walang isa sa mga disipulo ni mylord na kasama."
"Bakit?"
He chuckled, "Long story."
Natawa siya. "I think magkakasundo kami."
"Madaldal lang siya masyado but she's a nice person. Si Aurea, bago lang 'yon dito pero mag-bff agad ang dalawa. If you're lucky, you will meet her. Magpahula ka na rin. Hindi lang 'yon masyadong lumalabas dahil nag-re-review."
"Review?"
"Nag-re-review na pumasa sa puso ni Attorney."
Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. "Sino naman si Attorney?"
Naningkit ang mga mata ni Simon. "Which reminds me na mali-late na ako." Tumayo na ito. "Save your questions later. Ja!" Kumaway ito at nagmadaling pumanhik sa itaas. Natawa na lamang siya at napa-iling.
"Alright, Mari, you still have a lot of time to know them one by one later."
BANDANG alas kwatro ng hapon nang magka-oras siyang puntahan si Chippy sa boardwalk. Juan called, he will be a little late dahil na-flat daw ang gulong ng kotse ni Jam so he's rescuing his brother at sabay na raw uuwi ng Faro. Thad and Simon will be eating out and Jude's not answering her messages kung sa labas ito kakain o hindi. Maaga pa naman para magluto in case.
Napangiti siya nang makarating siya sa boardwalk. Ngayon niya na appreciate ang ganda nun. Hindi niya kasi masyadong nakita kagabi. It reminded her of Greece. Similar to their restaurants fronting the sea. Sa mga travel magazines at online niya 'yon nakikita. May three storey commercial building doon na hindi naman masyadong malaki. The ground and second floor were almost made out of glass panel walls at tila vintage-rustic ang interior. It reminded her again of antique shops but with a touch of modern. Ang itaas naman nun ay rooftop. May nasisilip siyang mga bulaklak at vines ng mga halaman doon.
May pet clinic, laundry shop at convenience store sa ibaba at buong coffee shop ang second floor pero sa tingin niya ay hindi lagi nagbubukas. Sarado e. Bumalik ang tingin niya sa signage ng pet clinic.
"Juander Pets Clinic," basa niya. Natawa siya bigla. "Mukhang may idea na ako kanino 'tong clinic." Sarado ang clinic pero wala siyang masilip na mga hayop sa loob. Medyo frosted glass din kasi.
Muli niya iniangat ang mukha sa rooftop at ginawang visor ang kamay para 'di direktang tumama ang liwanag sa mga mata niya. May naririnig siyang ingay sa taas. Mukhang may kasama si Chippy.
Umakyat na siya at pagdating niya sa taas ay nakita niya si Chippy na nakaupo sa itaas ng isang mababang mesa na madalas niyang makita sa mga Kdrama na napapanood niya. Madalas 'yong higaan o 'di kaya gawing kainan ng mga bida sa mga rooftop na bahay. Nakaharap sa kanya ang likod ng isang babae. Hindi pa siya napapansin ni Chi dahil na sa kausap nito ang atensyon.
"Alam ba ni Attorney na imbes na nag-re-review ka ay nakikipag-sangyupsal ka sa'kin?" Chippy asked.
"Hay naku! Kailangan ko rin ng break. Ilang araw na akong nag-aaral. Maloloka na ako." Humalo sa hangin ang masarap na amoy na niluluto ng mga ito. Bigla siyang natakam. "Saka mamayang madaling araw mag-aaral ulit ako."
"Hindi mo ipagluluto jowa mo?"
"Matanda na siya. Kaya na niyang kumain mag-isa."
Tawang-tawa si Chippy. "Gaga ka! Pagkatapos kang -"
"Don't start! Bibig mo tutusukin ko 'yan." Dinuro pa nito ng tinidor si Chippy.
"Girl, pagkatapos nun, sure akong mukbangan na."
"Gaga ka talaga!"
"Excited ako for you." Umangat ang tingin ni Chippy at saktong napatingin sa kanya. Bahagya itong nagulat nang makita siya. "Tuhod ni Sus!" Natutop nito ang dibdib. "Mari, bakit ba nanahimik ka riyan?! Aatakihin ako sa puso sa'yo e. Halika nga rito." Sininyasan siya nitong lumapit. Lumingon na rin ang kasamang babae nito. Medyo kakaiba lang ang tingin sa kanya ng babae. "Au, si Mari, kaibigan ni Jude."
"Hi," bati niya.
Titig na titig ito sa kanya na para bang may iba pa siyang kasama sa likod niya. Napatingin tuloy siya sa likod din niya.
"Bakit?"
Ngumiti ito at ikinumpas ang kamay. "Wala. Halika, samahan mo kami."
Nahahatak siya sa mga mata ng babae. Kapansin-pansin din ang nunal nito sa ilalim ng kanan nitong mata. Maamo ang mukha nito pero kapag tumitig ay kakaiba. Hindi niya lang masyadong maipaliwanag.
Hinawakan ni Chippy ang kamay niya at pinaupo siya sa tabi nito. "Hay naku, Mari, huwag mo pansinin 'yang si Aurea. Madami talaga 'yang nakikita na 'di natin nakikita."
Namilog ang mga mata niya. "May third eye ka?"
"Hindi lang third eye, Mari. Manghuhula din," sagot ni Chippy. "Pero rest assured na hindi naman bad spirits ang mga nakakapasok sa Faro."
"Hindi ba?" ni Aurea.
"Hindi raw, 'yon sabi ni Iesus." Chippy shrugged her shoulders. "Anyway, let's not talk about ghosts. Simon called me earlier. Naghahanap ka raw ng apartment?"
"Yes, 'yong cheaper rates lang sana. I'm also looking for a part-time job."
"Naglayas ka ba sa inyo, Mari?" ni Aurea. Nahuli pa niya itong tumingin sa suot niyang bracelet pero 'di niya masyadong pinansin.
Nahihiyang ngumiti siya. "Oo, long story pero ngayon ko lang sisimulan talaga ng buhay ko. I'm not sure kung may mahahanap akong work since undergrad ako. May savings naman ako at nakuha ko na ang mana ko from my Dad but I know it wouldn't last me long. I still need a job."
"Nag-rebelde ka?"
She chuckled, "Sort of."
"Kaya pala magaan loob ko sa'yo. Pareho pala tayong may pinaglalaban." Tumawa si Chippy. "Don't worry, malaki naman ang rooftop ko. It can still accommodate three people."
"Saan mo ilalagay 'yong pangatlo?" asked Aurea.
"Magtayo siyang tent sa labas."
Tawang-tawa si Aurea. "Loka-loka ka!"
"I know," Chippy was smiling smugly. "I'll let you find a place muna then let me know kung wala kang natipohan o nahanap. Bukas ang bahay ko para sa'yo, Mari."
"Tama 'yan, Mari! Huwag ka na maghanap. Dito ka na lang sa Faro. Masaya mga tao rito. Mag-e-enjoy ka."
Hindi niya mapigilan ang saya sa puso niya. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong klase ng pag-uusap sa mga ka edad niya. She couldn't hide her smile. Para siyang nagkaroon ng instant friends.
"Gusto ko nga rin kaya lang -"
"Kaya lang, ano?" ni Aurea.
"Kay Jude?" segunda ni Chippy.
"Hindi naman -"
"Close naman kayo, 'di ba?"
Paano ba niya sasabihin na ex niya si Jude at hindi talaga siya pwedeng manatili sa Faro nang matagal? Alam niyang mahihirapan lang siya kapag nakatira sila sa iisang lugar. Ah bahala na nga! Saka na niya iisipin kapag wala ng pag-asa.
"Oo," sabi na lang niya.
Mas mabuti na rin na hindi na niya banggitin na nagkaroon nga ng sila dahil kahit na nangyari 'yon, hindi naman yata talaga totoo.
"O, 'di push na! But I'll give you time to think about it. About part-time job. Bantay lang ako rito. Binibigyan lang akong allowance ni Iesus."
"Si Jam!" bulalas bigla ni Au. "I heard na naghahanap siyang model para sa gagawing marketing video for Faro de Amoré."
"Kailan pa naging marketing 'yong si Jam ni Iesus?"
Natawa si Aurea. "Ewan ko roon! Nag-scout kasi."
"Bakit 'di nila i-invite si Crosoft, 'di ba dDland Ambassador nila 'yon?"
"Buong project 'yon e. 'Yong gagawin lang nila e promotional video ng Faro de Amoré. Hindi naman need ng celebrity. Pamilyar ka ba sa CEO ng Mind Creatives na si Mykael Sy? Ang team niya gagawa."
"And so?"
"Si Mari!"
"Ha?!"
"Si Mari ang i-endorse natin."
"Teka lang, ano kasi, hindi kasi ako pwedeng makita sa TV."
"Bakit?" they asked in unison.
Alanganin siyang ngumiti. "Bawal."
"MEANING to say si Mari din ang bet mo?" ni Aurea.
Tumawa si Jam. "Yes. But don't react yet, Mari. Alam ko na hindi pwede makita ang buong mukha mo. I reviewed the storyboard na hiningi ko kay Mykael. Nang makita ko 'yong story, naisip agad kita."
"Ako? Bakit ako?"
Dumating bigla sila Juan at Jam kanina sa rooftop at mukhang 'yon din talaga ang isinadya nito sa kanya.
"Well, I reviewed some of our videos in Aloguinsan. I was able to capture some stolen moments doon sa Hermits Cove. My apologies for not asking for your consent. I compiled your video clips in a short music video I had on mind." Jam chuckled. "Sorry, I just couldn't stop myself. The video clips were just too beautiful and it would be a waste kung itatago ko lang, but don't worry, I did not post it online. Sinama ko lang sa personal portfolio ko."
"Magkano ba TF niyan, Jam?" ni Chippy.
"Considering the marketing budget of dDLand. I assure you, hindi lugi si Mari."
"I agree with Jam," ni Juan. "Saka nabanggit ni Simon na naghahanap si Mari ng part time job. I reviewed the storyboard. Likod, side ng mukha, mata at ngiti lang makikita sa promotional video and I don't think maiisip ng dad ni Mari na siya 'yon."
"Teka lang Juan, kailan ka pa natutong magsalita na sobra sa dalawang salita?" puna ni Chippy. "And will you stop eating those pork belly! Ako nagluto niyan."
"Kapag may pake ako," sagot pa rin ni Juan habang nag-aagawan sila ni Chippy ng plato.
Natawa siya. Halatang hindi nag-exert ng effort si Juan sa paghawak nito ng plato. Sadyang malakas lang talaga ito kaysa ni Chippy.
"So kung nanahimik ka, wala kang pake! Akin naaaa!"
"Malamang."
Pinaningkitan ito ng mata ni Chippy. "I smell something fishy."
"Chismosa ka lang."
"Anyway, let Mari decide," pumagitna na si Jam. Literal na pumagitna! Nakahawak na sa pupulsuhan ni Chippy. "Chi, bigay mo na lang 'yan kay Juan. I'll buy you one tomorrow." Napangiti siya. Ang spoiled talaga ni Juan sa kuya nito. Cute! Ibinaling ni Jam ang tingin sa kanya pagkatapos pakawalan ni Chippy ang plato. Inismiran pa ito ni Chi. "Hindi ka rin naman namin pipilitin kung ayaw mo."
"Damihan mo!"
Jam chuckled, "Sure, sure!"
"Kailan deadline ko?"
"Hanggang bukas."
Nanlaki mga mata niya. "Hanggang bukas agad?"
Napakamot sa noo si Jam. "Delay na nga ang shoot. Wala ring nagustuhan si Iesus sa mga pinadala naming video samples sa lahat ng mga nag-audition. I did not actually suggest you at first kasi nga naisip ko na bawal ka nga makita in any public videos. I accidentally forwarded your video to Mykael and he was begging me to scout you. Iesus agreed, kaya siya uuwi ngayong weekend."
Napalunok siya. "Na pressure ako bigla."
"Don't be. Just take your time. May twenty-four hours ka pa naman."
"It's like a ticking bomb to me," she chuckled anxiously. "Pero pag-iisipan ko."
"Don't worry, Mari. Ako naman ang mag-a-approve sa final ouput dahil ako ang tatayong manager mo. I will not allow them to upload it online hanggat 'di ko na-re-review ang ad."
Kahit papaano ay napanatag siya. Malaki ang tiwala niya kay Jam. Alam niyang 'di siya nito pababayaan.
"In case umayaw si Mari. Ako na lang." Napatingin silang lahat kay Aurea. "Wala naman 'yang height requirement, 'di ba?" anito saka ngumisi.
Unang-unang tumawa si Chippy. "Cast n'yo to bilang mangkukulam sa Faro na sisira sa pag-iibigan ng dalawang bida."
Tawang-tawa sila sa sinabi ni Chippy.
"Grabe! Tapos ikaw 'yong Parola mismo."
"Gaga!"
"Second to you!"
"NAPAPANSIN ko na hindi masyadong nakadikit sa'yo si Jude," ni Juan. Naglalakad sila pabalik sa bahay ni Thad. "Are you guys okay?"
"We're okay. Busy lang siya."
"He's not helping you?"
"Tumutulong naman siya," she lied. As much as possible ayaw na niya talaga pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Jude. Mukha lang siyang okay pero kapag mag-isa na lang siya. Naiiyak na lang siya bigla. "He has his own life. Ako rin, mayroon. Siguro nasanay ka lang na makita na magkasama kami lagi."
"I guess?"
"Focus muna ako sa sarili ko ngayon. Grateful ako na nakilala ko kayo through Jude. Ang laki rin ng naitulong n'yo sa'kin but I also want to learn to think on my own so I can stand with my own feet nang hindi dumidepende sa ibang tao. Feeling ko mas masaya ang accomplishments kapag pinaghirapan ko talaga. I want to forget my old self."
"That's a nice thought. I also want to see the strong version of Marison."
Napangiti siya. "Ako rin. Little by little, masasabi ko rin na proud ako sa sarili ko."
"Having a positive mindset is already a big step. Mahirap gawin ang isang bagay kung wala sa kondisyon ang utak. Kung hindi mo pa kayang purihin ang sarili mo. Ako na lang muna."
Tumigil sila sa paglalakad at halos sabay na napatingin sa isa't isa.
Juan smiled. "I'm proud of you, Mari."
Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Sa mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw at kasawian. Hearing someone saying comforting words would easily make her cry. But she didn't want to cry in front of Juan dahil alam niyang mapapansin agad nito na may problema talaga siya.
Idinaan niya sa tawa ang nagbabadyang mga luha. "Thanks! That means a lot to me, Juan."
"You're always welcome, Mari."
Napatingin siya sa harap nang tumama sa kanila ang headlights ng sasakyan. Halos naiharang nila ang isang kamay sa mukha. Ibinaba lang nila 'yon nang mamatay ang ilaw. Bumaba mula sa kotse si Jude. Ni wala man lang siyang nakitang emosyon sa mukha ni Jude. Ano pa bang aasahan niya?
"Jude," ni Juan.
"Juan."
Hinarap niya si Juan. "Pasok na ako."
"Magbubukas ako ng clinic sa boardwalk bukas. Kapag 'di ka busy, pumasyal ka."
Ngumiti siya. "Sure!"
"Magdala ka na rin ng pagkain."
Natawa siya. "Para sa'yo o para sa mga alaga mong hayop?"
"Para sa ating dalawa."
"Noted."
"Sige na, pumasok ka na. Mukhang hindi papasok 'yang si Jude kung 'di ka pa aalis sa harap ko."
"Okay. Bye."
Kumaway na siya rito saka tinalikuran si Juan. Nawala ang ngiti niya nang makita ang mukha ni Jude. Tila na nanenermon ang tingin. Naglapat ang mga labi niya saka nilagpasan ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Bigla siyang nauhaw kaya dumiretso siya sa kusina. Inilabas niya ang isang pitsel ng tubig at nagsalin sa baso.
Halos maubos niya ang laman ng baso nang dumating si Jude. Nagitla siya nang ilapag nito bigla ang first aid kit sa counter dahilan para maiangat niya ang mukha rito. Nalunok niya ang natitirang tubig sa bibig nang wala sa oras.
"Gumagala ka nang hindi man lang nilalagyan ng bandage 'yang sugat mo," sermon nito nang hindi siya tinitignan sa mata. He gently folded her forehand infront para masipat ang gasgas sa siko niya. "This looks painful."
Hindi agad ma proseso ng utak niya ang ginagawa ni Jude. Titig na titig siya rito habang nilalapatan ng gamot ang sugat niya. She winced in pain nang diinan nito ang pagda-dab ng cotton sa sugat.
"H-Hinay-hinay naman - aw -"
"Sino ba naman kasing may sabi sa'yong akyatin mo ang bakod n'yo?" Bahagya itong natigilan na para bang may na realize ito.
Namilog ang mga mata niya. "How did you know?" Si Simon lang naman ang sinabihan niya 'yon.
Hindi agad ito nakapagsalita. He was avoiding eye contact. Sa sugat at kit lang palipat-lipat ang tingin ni Jude.
"I heard you," sa wakas ay sagot nito. Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. "Masyadong malakas ang boses n'yo ni Simon."
"Ah," tumang-tango siya, "Aw!" Napangiwi ulit siya. "Jude!"
"You have to take care of yourself." Kinuha ni Jude ang pinakamalaking band-aid at dahan-dahang inilapat 'yon sa sugat niya. "Hindi sa lahat ng panahon may taong tutulong sa'yo."
"Ginamot ko na 'yan. Wala lang akong makitang band-aid."
"You should have ask." Tapos na ito. Tumuwid ito ng tayo sa harap niya. "I'm going back to the US."
Nagulat siya sa sinabi nito. Nagtama ang mga mata nila. She could no longer see the adoration she used to see in his eyes. Siguro nga lumipas na o sadyang siya lang talaga nag-isip no'n.
God, this is really painful.
Pinigilan niya ang sariling emosyon. Ramdam niya ang nagbabadyang luha na naman sa kanyang mga mata.
"I see." Thank God, hindi siya pumiyok. Pilit siyang ngumiti. "I wish you luck."
"I've hurt you. Will you still support Queen City?"
Bakit mo ba ako pinapahirapan nang ganito, Jude? Pwede bang maging malamig ka na lang sa'kin? Huwag mo na lang akong kausapin. I think, that would be better. Mas madali sa'kin na tanggapin 'yon. But why do you have to act as if nothing happened between us? Bakit mas masakit 'yon?
"It's okay, you don't need to answer me." Namulsa ito pagkatapos. "I'll leave the kit with you. Ikaw na magtago." Mas lalo siyang nasaktan nang makitang hindi na rin nito suot ang handmade bracelet na regalo niya rito.
Iniwan na siya nito mag-isa sa kusina.
Kumurap siya ng isang beses kasabay nun ang pagpatak ng mga luha niya. Her lips trembled while holding herself from crying. Napahawak siya sa edge ng counter para kumuha ng suporta. Bumaba ang tingin niya sa first aid box.
"Kaya mo bang gamutin ang sakit na nararamdaman ko ngayon?" tanong niya sa kit.
Natawa siya na umiiyak. Nababaliw ka na, Mari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro