Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

MAHIGPIT na ang hawak niya sa mga kamay sa itaas ng mga hita niya habang nakaupo sa gilid ng kama ni Jude. He was not uttering any word since she showed up in his doorstep. Nakasunod lang siya sa bawat kilos nito. He looks unhappy to see her. She feels disappointed by his lack of affection toward her. She was really anxious.

May idea na siya pero ayaw niyang i-entertain sa isip niya. Ilang araw na rin niyang iniisip na tama siya at ang sinabi sa kanyan ng yaya niya na masyado pa ring mabilis ang lahat sa kanila kahit na pinag-isipan niya.

She knows that something is wrong already with Jude's behavior.

"J-Jude –"

Huminto ito sa harap niya.

"Let's break up."

She felt her heart drop. Natulala siya. She wasn't expecting that Jude will demand a break up. Akala niya ay dahil sa sitwasyon lang nila.

Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya at pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. Halos mamanhid na siya sa higpit ng hawak niya sa magkahugpong niyang kamay.

"W-Why?" those words merely came out as whispers.

"I'm not what you think I am, Mari." Titig na titig ito sa mga mata niya. She could tell that he wasn't lying. And he was not even denying it. Lumunok muna siya para kahit papaano gumaan ang bigat ng nararamdaman ng kanyang dibdib. This is too cruel, Jude. "Commitment is not my thing."

"Ang tanga ko," she chuckled, hoping it will lessen the pain but instead, mas lalo lang bumigat. Tears started flowing from her eyes and she was still keeping that smile.

"Ihahatid na kita sa inyo –"

"I-I can't go home," gumaralgal na ang boses niya. "I have nowhere to go."

"Why did you runaway?" Mas lalo lang siyang naiyak sa kawalan ng concern sa tono ng boses ni Jude. "Stop crying –"

"Can I atleast hear a little concern in your voice, Jude? I've been calling you for more than a week now. Hindi ko alam bakit 'di mo ako sinasagot o 'di ka man lang nag-ri-reply sa'kin. Naisip ko na baka busy ka lang. I even thought na baka pinagbantaan ni Daddy si Yaya Celia kaya 'di ka na nagpaparamdam. He thought na anak ka ni Yaya."

May ilang segundong katahimikan bago ulit ito nagsalita.

"How's Yaya Celia?"

"Pinaalis siya ng Daddy ko," iyak pa rin niya. "I don't know where she is now. I could not contact her. Hindi mo alam kung gaano kabigat ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw." Umangat ang isang kamay niya para itago ang sugat niya sa kaliwang siko. Iniwas niya ang tingin. Kanina pa niya iniinda ang sakit ng sugat niya. "I'm so tired Jude."

"Mari –"

"Huwag kang mag-alala." Ibinalik niya ang tingin dito at pilit na ngumiti. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili sa'yo kung nagsawa ka na sa'kin. I just need a house to stay. Aalis din ako kapag may nahanap akong matitirhan."

"Your father will surely be looking for you."

"Then can I make one request?"

"Ano 'yon?"

"Do your best to hide me from my father. Ayoko na bumalik sa dating buhay ko Jude. I want to be free. Pwede mo ba 'yong gawin for me? Kahit ilang araw lang."

Humugot ito nang malalim na hininga bago bumuga ng hangin. "You're sailing without a map, Mari. Do you know how risky is this for someone like you –"

"I have always been risking my life ever since I met you, Jude." Mapait siyang ngumiti rito. "And it honestly hurts."

Pumagitna ulit sa kanila ang katahimikan. A part of her is hoping na magbabago ang isip ni Jude pero sa tingin niya ay malabong mangyari. Natiis nga nitong huwag magparamdam ng lagpas isang linggo. And she never heard him said he love her. Pinalagpas lang talaga niya 'yon sa tenga niya. Naghintay pa rin siya sa wala.

"You don't need to prepare them dinner if you're tired. Ako na bahalang magsabi sa kan –"

"Just give me thirty minutes to recover." Pinahid niya ang mga luha sa mata. "A promise is a promise. I couldn't pay rent now pero pwede akong maglinis ng bahay at magluto."

Tinalikuran siya ni Jude. "Ikaw bahala." Saka dire-diretsong lumabas ng silid.

Humigpit muli ang hawak niya sa mga kamay saka tuluyang inilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Halos humagulgol siya ng iyak pero sinikap niyang huwag lakasan at baka marinig siya sa labas.

Sanay siya na kapag umiiyak siya may taong nagsasabi sa kanyang magiging okay ang lahat. Even her Dad is fond of cheering her up. Kaso ngayon, kahit kay Jude ay wala siyang makuhang simpatya. Her Yaya Celia is not with here.

Lalo lamang siyang naiyak.

Ang hirap palang pagaanin ang sariling nararamdaman na ikaw lang.


PAGKATAPOS niyang makapagluto at maihanda lahat sa mesa ang mga pagkain ay lumabas siya ng bahay. Nag-iwan na lamang siya ng note na magpapahangin lang muna siya. Magang-maga ang mga mata niya. Lumabas na nga lang siyang naka sunglasses kahit na medyo madilim na. Huhubarin na lamang niya 'yon mamaya.

Sinundan niya ang tunog ng hampas ng alon ng dagat hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa isang boardwalk. May daan din doon na pababa ng beach, may nasilip siyang yacht na nakadaong roon pero mas pinili niyang lumapit sa railings. Sa may harap mismo ng maliit na commercial building na may rooftop. Nakaagaw sa atensyon niya ang parola na kitang-kita sa puwesto niya.

Hindi siya pwedeng magkamali. Faro de Amoré is the same lighthouse na pinuntahan niya 6 years ago at kung saan siya nawalan ng paningin. Ang parola kung saan madalas nilang pasyalan ng Mommy niya noong bata pa siya. Kaya pala nang banggitin 'yon ni Jude ay pamilyar sa kanya ang lugar.

Napangiti siya nang mapait saka hinubad ang salamin sa mata.

"Bakit ba sa tuwing nakikita kita may nawawala lagi sa buhay ko?" her voice broke.

Kinurap niya ang mga mata at pinahid ang mga luhang mabilis na nakaalpas sa kanyang mga mata. Una, ang Mommy niya. Pangalawa, ang mga paningin niya. Pangatlo, si Jude at ang Yaya Celia niya.

Iniwas niya ang tingin. Nilinghap niya ang sariwang hangin at ipinikit ang mga mata. Minsan pala, ang pagiging sobrang masaya ay may malaking bawi sa hinaharap. She though she could be happy for the rest of her life dahil nandiyan na si Jude sa buhay niya. But in the end, her Dad was right. Life in reality is cruel.

"Miss?"

Naimulat niya ang mga mata at mabilis na isinuot ulit ang salamin sa mata bago nilingon ang nagsalita. Halatang nagitla pa ito nang humarap siya pero tila nakahinga ng maluwag dahil napahawak ito sa dibdib.

"Akala ko multo," she chuckled.

"Ha?"

"Bakit ka kasi nakaputi? Loka-loka kasi 'yong si Aurea! Kung anu-ano ipinapasok sa utak ko. Wala namang multong naka Gucci na sunglasses."

Mas matangkad ito sa kanya at mukhang may banyagang lahi. Nakatali ang buhok ng lapis at naka simpleng black T-Shirt at denim shorts lang. Ang ganda nito. Mukhang modelo. Naisip niya si Jude. Siguro kagaya ng babae ang totoong tipo nito. Na challenge lang yata ito sa kanya. Siya naman binigay agad lahat.

"Anyway, ngayon lang kita nakita rito. Bago ka lang ba?"

Shrug that off from your head, Mari. You're strong. Tumango siya. "Oo, nakikitira lang ako pansamantala kina Jude."

"Ni Jude?" Kumunot ang noo nito. "You mean, bahay ni Thad. Walang bahay 'yong dalawang tenant ni Architect e. So kilala mo rin si Thad?"

Umiling siya. "Hindi."

"Si Jude lang kilala mo sa tatlo?"

"Si Simon din."

"Ah, I see, si Thad lang pala 'di mo kilala." Napakamot ito sa noo. "Naku! 'Yong may-ari ng bahay ang dapat kinakausap mo. Hindi 'yong dalawang aliping namamahay." Mapapalayas pa yata ako nito. She's starting to worry. Wala pa naman siyang ibang kilala. "If you don't mind me asking. How are you related with Jude? Friend?"

"Kaibigan lang," sagot niya.

Sadly.

"I didn't know he has girl friends. Ang alam ko kasi –"

"Chippy!"

Sabay silang napalingon sa sumigaw. Humahangos na lumapit sa kanila si Balti. Nakilala niya ito kanina. Ayaw kasi siyang papasukin ng guard. Mabuti na lang at napadaan ito at nakita siya. Naniniwala ito nang ipakita niya rito ang mga larawan nila ni Jude.

"Bakit ba nakasigaw Ser?"

Tumawa ito at hinawakan sa isang balikat si Chippy bilang suporta. "Buti nakita kita!" Baling nito sa babae.

"Ano na namang pakay mo sa'kin?"

"Samahan mo muna ako." Hinawakan nito sa pupulsuhan ang babae. Chippy ba talaga pangalan nito? Yata. "May pinapakuha sa'kin si Iesus. Ibigay ko raw sa'yo. Ikaw na mag-abot." Ibinaling ni Balti ang tingin sa kanya. "Mari, maiwan ka na muna namin."

Tumango siya.

Hinila na nito si Chippy.

"Bakit ako na naman maghahatid? Ayoko nga sa bahay ng gurs na 'yon."

"Wala kang choice!"

"Ano na naman kasi 'yan?"

Napangiti na lamang siya sa dalawa. Ang saya siguro na may kaasarang kaibigan. Ibinalik na lamang niya ang tingin sa dagat at muling inihilig ang mga braso sa railings. Napatingin siya sa suot niyang bracelet. Tila ba may boses na nag-uudyok sa kanyang hubarin 'yon at itapon sa dagat.

She wanted to but she was scared. Hindi pa siya handang harapin ang bahaging 'yon ng buhay niya. But she was curious. Ano kaya ang maririnig niya kapag hinubad niya ang bracelet na 'yon.

Umihip ang malakas na hangin kasabay nun ang paghawak niya sa bracelet. Akmang huhubarin niya 'yon nang marinig ang boses ni Jude sa kanyang likod.

"Let's go home."

Hindi niya ito nilingon. Pero nasasaktan siya sa malumanay na pagkakasabi nito ng mga salitang 'yon. She no longer want to hope.

"Mari –"

Inalis niya ang sunglasses sa mata at hinarap si Jude. His face was still void with any emotion. Gusto niyang isiping ibang Jude ang narinig niya kanina. Pilit siyang ngumiti pa rin.

"Tapos na kayong kumain?"

"They went home already."

"Nasarapan ba sila sa luto ko?"

"They enjoyed it."

"Mabuti naman." Muling umihip ang hangin sa paligid. Nasundan niya ang pagtingin nito sa parola. "Bakit pakiramdam ko ang lungkot ng parola ng Faro de Amoré?"

"Hmm?"

Ibinaling niya ang tingin kay Jude. Ngumiti siya at umiling. "Wala." Naglakad siya palapit dito. "Uwi na tayo," aniya saka ito nilagpasan.

"Mari –"

Tumigil siya. "Kung mag-so-sorry ka sa'kin, huwag muna ituloy. I don't need it." Saka tuluyang na una kay Jude.



"I DON'T have a problem with you staying in my house, Mari." Nakahinga siya nang maluwag. Bakit nakakatakot sa personal si Thad kaysa sa mga photos na nakita niya online? He looks so approachable in those photos. "If you're looking for a house. Faro is on top of my suggestions. Iesus will be home this weekend. Pwede mo siyang kausapin. Hindi lang naman pang-pamilya ang Faro."

"I don't think –"

"You don't think, what Jude?" Humalukipkip si Thad. "May mga vacant lot pa naman. Mari can afford it –"

"I'll consider it Thad," sansala niya. Kanina pa niya napapansin ang matabang na pakikitungo ng dalawang magpinsan sa isa't isa. "Thank you. Simon will help me naman."

Natawa si Thad. "Goodluck, ilang brochures na nakolekta ng 'sang 'yan, wala pa rin 'yang bahay."

"Hoy! May lupa naman na ako rito."

"Lupa at gate lang na ilang taon nang nakatengga."

Tawang-tawa si Simon sa tabi niya. "Patience is a virtue."

"Anyway, my guest room is fully occupied now dahil ginawa ko siyang stock room. One of you should share a room o sa sala matutulog si Mari –"

"I don't mind if I sleep in the living room."

"I mind." Thad smiled. "Jude and Simon will share a room. You take Jude's."

"Hindi, okay lang talaga sa'kin. Nakakahiya naman kay Jude –"

"He's fine with it. This is my house. Ako masusunod." Tumayo na si Thad. "Jude, clean your things. Make Mari comfortable in her stay here."

"Thanks," casual lang na sagot ni Jude kay Thad.

Tumango si Thad dito. "Aakyat muna ako. I need to finish something. Goodnight, Mari." Iniwan na sila nito at tinungo ang hagdanan.

"Thaddeus, hindi ka pa mag-go-goodnight sa'kin?" ni Simon.

"Shut up, Takeuchi!"

Malakas na tumawa si Simon. "Sweet dreams, Architect!" Nang mawala sa paningin nila si Thad ay bumaling si Simon sa kanya. "Mari, huwag kang magpa-intimidate kay Thad. Mabait naman 'yon e. Lalo na kapag lasing." Tumayo na rin ito at lumapit kay Jude. "Hudas, halika na. Magtabi na tayo – este – magligpit ka muna sa kwarto mo."

Bago pa man makapag-react si Jude ay nahila na ito ni Simon sa direksyon ng hagdanan. Naiwan siyang mag-isa sa sala. Napabuga siya ng hangin at nakangiti pa rin.

"You will live, Mari," alo niya sa sarili.

Naiangat niya ang tingin at napatingin sa paligid. Sobrang ganda ng bahay ni Thad. It was too homey for a bachelor architect. It's also too big for one person. Ito 'yong klase ng bahay na gugustuhin niyang tirhan ng pamilyang buoin niya. Napangiti siya sa malaking frame ng mukha ng tatlo sa sala. Mukhang kuha 'yon noong mga college pa ito.

Jude's smile there was different from his smile at present. She had never seen that kind of happy face when they're together.

Siguro dahil hindi ko siya kayang pasayahin nang ganoon.

Napangiti siya nang mapait.



"ARGGH!"

Ibinagsak niya ang ulo sa mesa. It was already past 2AM on the screen of her phone. Walang messages at tawag na pumapasok dahil naka block ang number ng Daddy niya. Ilang papel na ang nalakumos niya simula kanina pa. Wala siyang maisulat na matinong plano. Wala rin siyang makitang magandang apartment na paglalapitan at pag-a-applyan ng trabaho. Hindi siya pamilyar sa mga job hiring sa mga hindi nakapagtapos ng college. Mauubos ang pera niya sa savings kapag wala siyang matinong trabaho.

Inilabas niya mula sa wallet ang tatlong ATM Cards sa iba't ibang banko. 'Yong luma ay hindi nasa pangalan niya at ang isa ay ang bago niya. Inilipat sa bagong open na account niya ang lahat ng naipon niyang pera. 'Yong pangatlo, may kasama 'yong bankbook. Sa Daddy niya 'yon. Magagamit niya lang 'yon kapag tumuntong siyang 18 kaya 'di na nito 'yon magagalaw pa. Emergency fund niya 'yon.

Kaya may tatlo siyang cards dahil dummy niya 'yong isang card. Nakapangalan 'yon sa anak na babae ni Yaya Celia. Nagagalit ang Daddy niya kapag gumagastos siya sa merch ng Queen City kaya inutusan ni Yaya ang anak niyang mag-open ng account sa pangalan nito.

Ibinaba niya ang dalawa at hinawakan ang card kung saan hindi pangalan niya ang nakalagay. Pinadaanan niya ng isang daliri ang naka imbossed na buong pangalan nito. She wonder kung kailan niya kaya makikita ang babaeng anak ni Yaya Celia. Ang laki rin ng naitulong nito sa kanya kahit hindi pa niya nakikita ito.

"Yaya, sana walang ginawang masama sa inyo si Daddy."

Ibinalik na niya ang mga cards sa wallet niya at ipinagpatuloy ang paghahanap ng trabaho at murang apartment online. Hindi siya matutulog na walang nahahanap.

Mari fighting!



PERO mukhang nakatulog agad siya pagkatapos dahil hindi na nadagdagan ang nasa listahan niya. Late pa siyang nagising! Alas otso na ng umaga. Mabilis na bumaba siya ng silid at bumaba ng second floor. Muntik pa siyang masalubsob sa pinakahuling baitang nang makita si Juan na naghihintay sa may sala. Mabuti na lamang at napahawak siya sa railing.

"Juan!" tawag niya na dapat mahina lang pero naisigaw niya.

Lumingon ito at ngumiti. "Good morning, Mari."

Napakurap siya. "Napadalaw ka?" Tuluyan na siyang bumaba at lumapit dito.

"Yes, Jam called. Dadalaw daw siya mamaya. He want to teach you something."

Na curious siya. "Nang ano?"

"You will know later."

"Yan lang pinunta mo rito?"

"Actually, yes. I didn't get your number and may early schedule ako for pet checkups today sa main clinic ko sa city."

"Hindi ka pa ba late?"

Sinipat nito ang relo sa bisig. "Hindi pa naman." Iniangat nito ang tingin sa kanya. "But I have to go. I'll see you later, then?"

Ngumiti siya at tumango. "Later."

"Sunduin kita rito mamaya."

"Sige."

Ngumiti ulit ito. "Bye, Mari."

"Bye."

Akmang aalis na ito nang muli nitong ibaling ang atensyon sa kanya. "Sorry, I can't help but notice." Umangat ang kamay nito sa kanyang ulo at kinuha mula roon ang dumikit na sticky note sa buhok niya. "Done."

Napangiwi siya sa isip. Ano ba 'yan? Feeling niya ang haggard niyang humarap kay Juan. Mari magsalamin ka talaga after nitoooo!

"T-Thanks, akin na." Inilahad niya ang kamay para sana kunin ang sticky note mula rito.

"It's fine." Ibinulsa nito 'yon. "Ako na magtatapon. Bye, Mari." Iniwan na siya nito at lumabas ng bahay.

"I never see that Vet smiling in broad daylight."

Nagulat siya at napalingon sa tabi. Nakatayo na sa tabi niya si Thad. Bihis na bihis na at mukhang aalis.

"Thad!"

Thad chuckled, "Relaks. I don't normally eat breakfast. 'Yong dalawang tenant ko ang malalakas kumain. Lalo na 'yong Hapon."

"Sure ka?"

Ngumiti ito. "Yes. Don't work too hard. Hayaan mong kumilos ang dalawa rito sa bahay."

"Thank you! Promise, babawi ako."

"No need. Pero mukhang you will not take my no as a yes, so, Mari, good luck!" Thad gently tapped her head. "I'll be coming home late. Sa labas na rin ako kakain. Don't cook a lot."

"Sure!"

"And one more thing, huwag kang magmukmok sa bahay. Make friends."

Lalo siyang napangiti. "Thank you!"

So she was wrong. He was not so uptight. He was like an older brother to her. Kahit papaano ay hindi naman pala magiging malungkot ang pag-stay niya rito sa Faro. Pagkaalis ni Thad ay napahawak siya sa kanyang magkabilang pisngi. Ang problema lang niya ay kung paano magkunwaring hindi nasasaktan sa harap ni Jude. Pinanggigilan niya ang mga pisngi.

"Mari, think! Think! Think!"

Tumigil lang siya nang lagpasan siya ni Jude. Parang 'di siya nito nakita. Alam niyang si Jude ang naka itim na long sleeve pull over hoddie kahit na 'di niya kita ang mukha. Hanggang sunod ng tingin lang ang nagawa niya rito.

Napabuga siya ng hangin saka tinungo ang kusina.

Maghihiwa na lang siya ng sibuyas. Isang basket ng sibuyas. Madaming-madaming sibuyas!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro