Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

"WALA pa rin." She sighed saka itinaob ang cell phone sa kama. Naibaling niya ang tingin sa sarado niyang bintana. Umuulan na naman sa labas. "Baka tulog pa si Jude. Pagod na pagod 'yon sa b'yahe." Tinapik-tapik niya ang dalawang pisngi. "Tama, tulog lang si Jude. Bukas mag-ri-reply 'yon."

Bumukas bigla ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Yaya Celia na may dalang tray ng snacks.

"Kinakausap mo na naman sarili mo?" aliw na tanong nito. Inilapag nito ang tray sa itaas ng round coffee table niya sa kwarto. May maliit na sala siya kung saan madalas niyang ka afternoon tea roon si Yaya. "Mag-snacks ka muna, anak."

"Yaya," bumaba siya ng kama at naupo sa tabi nito sa sofa, "kadarating lang ba ni Daddy?" Pagkatapos siyang batiin nito kanina ay mabilis din itong umalis. Nagmamadali pa.

Hindi na tumuloy si Jude sa kanila. Sinundo siya ni Kuya Rex.

"Kahapon lang. Busy lang ang ama mo sa negosyo."

"Hindi ba siya nagtanong kung sino kasama ko? Matagal din akong nawala."

"Sinabi ko naman na anak ko ang kasama mo at ligtas ka sa probinsiya namin." Namilog ang mga mata niya rito. Natawa naman ito sa naging reaksyon niya. "Huwag kang mag-alala. Naniniwala naman ang daddy mo."

"Hindi nga?"

"Matagal na ako sa mansion na ito at alam ng ama mo kung gaano kita kamahal kaya alam ko na ipagkakatiwala ka niya sa'kin." Nakangiting tinapik nito ang kanyang pisngi.

Napangiti siya. "Kaya pala minsan natatameme si Daddy sa'yo."

"Naman! O, kumusta naman ang road trip n'yo ni Jude? Masaya ba?"

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti at kilig. Pero hindi pa rin niya napigilan ang pagdaldal. "Ang dami naming pinuntahan, Yaya. Ang dami kong pictures. Naku, Yaya, 'yong mga isda tumatalon sa dagat! Natuwa ako sobra! Umakyat pa kami ng bundok. Grabe, Jude made me experience a lot of things." Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Tila pelikulang nagbalik sa kanyang isip ang lahat ng mga nangyari sa kanila. "Masaya akong kasama si Jude."

"Mukhang nag-enjoy ka talaga." Tuwang-tuwa ito sa mga sinabi niya. "Siguro nag-fangirl ka nang husto, 'no?" tukso pa nito.

"Slight," aniya sabay angat ng isang kamay para ipakita rito kung gaano ka slight nga ba 'yong pag-fa-fangirl niya gamit ng thumb and index finger niya.

"Mukha nga."

Tawang-tawa ito dahil ang laki ng gap ng mga daliri niya. Nanakit ang panga niya sa kakangiti at tawa. 

Kumuha siya ng biscuit sa platito.

"Yaya, may sasabihin ko sa'yo, pero secret lang natin muna."

"Ano?"

Inilapit niya ang mukha sa tenga nito. "Kami na ni Jude."

Marahas na naibaling nito ang tingin sa kanya. Namilog ang mga mata nito sa pagkagulat.

"Anong ibig mong sabihin doon, Mari?"

Nahihiyang ngumiti siya rito. "Boyfriend ko na po siya."

"H-Ha? H-Hindi ba masyadong mabilis? Ngayon lang kayo nagkita –"

Nawala bigla ang ngiti niya. "Bawal ba, Yaya?"

"Hindi naman sa bawal pero naisip ko lang na masyadong mabilis. Nakikita ko namang mabait siyang bata –" Umayos ito ng upo sa tabi niya para maharap siya. "Nanligaw ba siya sa'yo?"

Sunod-sunod na tumango siya. "Opo." Ilang segundo itong natahimik at mukhang nahulog sa malalim na pag-iisip. "Yaya?" Hinawakan niya ang braso nito at marahang pinisil. "Galit ba kayo sa'kin dahil sinagot ko agad si Jude?"

Lumamlam ang ekpresyon ng mukha nito at muling inangat ang kamay para haplosin ang pisngi niya.

"Wala akong karapatang magalit sa'yo, anak. Pero masaya ka ba?"

Nakangiting tumango siya. "Opo, Yaya. Masayang-masaya."

"Alam mo na hindi magiging madali 'to para sa'yo. Tututol ang 'yong ama kapag sinabi mo ang tungkol kay Jude. Lalo na't ang alam niya ay anak ko siya." Bumaba ang kamay nito at ginagap ang mga kamay niya. "Mari, huwag mo muna sabihin sa ama mo ang tungkol kay Jude. Hindi pa ito ang tamang oras. Baka kapag sinabi mo ay lalo ka niyang pagbawalan."

"Pero Yaya –"

"Anak, huwag, pakiusap. Hintayin na lang muna nating gumaan ang sitwasyon."

Napabuntonghininga siya. Ramdam niya ang pamamasa ng sulok ng mga mata niya sa ideya na makukulong ulit siya sa mansion. It would mean that she's stuck again in her castle at malabong magkita ulit sila ni Jude.

Sa huli ay tumango siya. "Sige po."

"Salamat." Niyakap siya nito. "Maari naman kayong mag-usap ni Jude sa cell phone. Gagawa kami ng paraan ni Rex para magkita kayo."

"Talaga po?!" Bigla siyang nabuhayan.

"Oo naman. Makikinig 'yon si Jude sa'kin."

Gumanti siya ng yakap dito. "Salamat, Yaya! I love you po talaga."

"Mahal na mahal din kita, Mari."


SHE still couldn't reach him.

Akala niya ay tatawagan siya ni Jude o mag-re-reply man lang sa mga text niya but he didn't answer any. Laging busy ang linya nito kaya hindi niya ito makausap. She forgot to ask Juan's number o isa man lang sa mga kaibigan nito. She rarely has someone to exchange messages with kaya nawala rin sa isip niya. Or must she say, hindi niya nagagamit ang number niya.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama at tinitigan ang kisame.

"Na saan ka na ba Jude?"

Iniangat niya ang phone at tinignan ang mga pictures nilang dalawa. Malungkot siyang napangiti. Tatlong araw nang hindi ito nagpaparamdaman sa kanya. Nag-aalala na siya. Sabi ni Yaya Celia, hindi rin daw nito ma contact si Jude. Baka busy lang talaga ito o may mahalagang ginagawa.

"Kahit isang text man lang, Jude. Hindi naman ako mag-de-demand ng oras sa'yo." Tumagilid siya ng higa at itinabi na muna ang cell phone. Ginawa niyang unan ang mga kamay. "Miss na miss na talaga kita."

Ipinikit niya ang mga mata.

Hindi naman siguro siya tatakbuhan ni Jude? Hindi ganoon ang pagkakakilala niya rito. O 'yon lang ang pinaniwalaan kong totoong ugali niya? May mga luhang umalpas sa mga mata niya. Ano ba 'yan? Kung masasaktan ka, Mari. Sarili mo lang din sisihin mo.

Sana mali lang siya ng iniisip.

Please, Jude, prove to me that I did not make a mistake in loving you.

"HE's Adrian Castillo, I want you to meet him." Napatitig siya sa picture na inabot ng Daddy niya sa kanya. She didn't know the guy. Pero alam na niyang her father is setting her up with a date to this man. Isa siguro sa mga anak ng mga business owners na kakilala nito. "I already mentioned him before. He's the son of our new investor. You'll know about him later on. He already booked a reservation for two at Crimson Hotel tomorrow night."

"Daddy –"

"Please, Mari, pinili ko siya para sa'yo."

"Pero –"

"I need the investment of the Castillo's to rise up again. The past few months were hell. Dinagdagan pa ng issue ng Kuya Lucio mo. Everything was a mess now and I'm under –"

"You're under what, Dad?"

Napansin niyang malaki ang pinayat ng Daddy niya at mukhang ilang araw ng walang tulog. She wonder kung ano ba talaga ang nangyayari rito na sobrang nagpa-stress sa ama. Dumagdag pa ang mga nakaraang panloloob sa bahay nila.

"Nothing, anak. Daddy is just tired from work." Nahilot nito ang sentido.

"Will it be okay for you Dad na malaman nila na totoo nga ang tinatago mong ghost daughter?"

"You're not my ghost daughter –"

"But I'm living like one."

"Marison –"

"All my life, I have always been here in this mansion. I'm already twenty-three pero tila bilanggo ako sa bahay na 'to. I want a life, Dad. 'Yong buhay na malaya ako –"

"You never ask me about that before. Why now, Marison? You're safe in this house. You will be safe as long as you obey me! Ako ang ama mo. Alam ko kung anong tama at mali para sa'yo."

"I don't even know a lot of things about this family! You're literally treating me like a ghost."

Mariing naipikit nito ang mga mata. "Does it have something to do with Celia's son?" Madilim na ang tingin nito sa kanya nang imulat nito ang mga mata. "What kind of bullshits did he planted in your head para matututo kang sagutin ako?!"

"It has nothing to do with them. Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to, Dad. But I never had the courage to speak my mind because I'm too afraid of you."

"And now you're not? Lucia Marison, you cannot survive outside the walls of this mansion without me. The world is cruel. They will feed you with lies that you thought were real, but in reality, it will hurt you for being too naïve! Lahat ng 'to ginagawa ko para sa'yo. I made a promise to your mother and I'm keeping it hanggang nabubuhay pa ako."

"Then let me." She took a step forward. "Dad, hayaan mo akong madapa dahil sa sarili kong kagustuhang tumakbo. I will never learn if you keep on protecting me."

"Marison –"

"Dad, please? I can survive."

Marahas na bumuntonghininga ito. "Go to your room." Iniwas nito ang tingin sa kanya at inabot ang baso ng brandy sa itaas ng working table nito. "I'm not in the mood to argue."

"Daddy, please."

"Marison go to your room!" sigaw nito na na nagpagitla sa kanya. Bahagya siyang napaatras sa takot. "Don't insist or else papalayasin ko ang Yaya Celia mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Daddy, no!"

"Then go to your room!"

Naiyak na lang siya sa harap nito. Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na siya ng opisina nito. Agad na umakyat siya sa itaas at ini-lock ang pinto ng kwarto niya pagkapasok niya. Mabilis na ibinagsak niya ang katawan sa kama.

Hindi pwedeng umalis si Yaya Celia. Ang yaya niya lang ang nagpapagaan ng kalooban niya sa tuwing malungkot siya. Ang yaya niya lang ang tanging nakakaunawa sa kanya. Kung papalayasin ito ng daddy niya, sasama siya. Hindi siya magpapakulong sa mansion na 'to!

Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa itaas ng mesita. Pinahid niya ang mga luha habang sinusubukang tawagan ang numero ni Jude.

"Please," she cried, "Jude, please pick up the phone."

Nakatatlong try siya pero hindi pa rin sinasagot ni Jude. This is too frustrating! Jude, na saan ka na ba? Walang tigil ang mga luha niya sa pagdaloy. Nanginginig ang mga daliri niya habang natitipa ng message rito.

Jude, help me. Pls, pick up the phone. – Marison


"HOW's Mari, Jude?" tanong ni Simon nang pumasok siya sa kusina.

"Who is Mari?" segunda ni Thad na kasunod lang niya pala. Inilapag nito sa kitchen island counter ang tab nito saka kumuha ng biscuit sa lalagyanan na naka display lang doon. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang bottled water. "Simon, did you received my email?"

"I did but I haven't read the whole proposal. Mamaya."

"Don't seen me with that one. I want your team for this project. God, the previous construction contractor I got was a disaster."

"Okay desu! Will review it later."

"Anyway, who is Mari?"

"A friend," tipid niyang sagot.

Nilingon sila ni Simon na may malokong ngiti. "Chigau!" He shook one finger. "Special friend desu ne." Pasimple niya itong pinaningkitan ng mga mata.

Ibinaling ni Thad ang tingin sa kanya; looking at him suspiciously. "Really? You're meeting a new girl?"

"Just a friend."

"I never know you had a lot. Ikaw pa nga umiiwas sa mga babae para 'di magselos si Faith. I'm suddenly curious. So kailan mo naman dadalhin ang kaibigan mo rito sa Faro?"

"She's busy."

"Busy?" Thad chuckled, "O baka ayaw mo lang dalhin dito?"

"Matsu! Matsu!" Simon interrupted. "Ano bang gusto n'yong lutuin ko mamaya? Madami akong free time ngayon. I'll be your Chef Simon for today."

"Engr., ikaw naman talaga ang naka schedule magluto ngayon. Anyway, don't cook a lot. Math and I will meet later to discuss something."

"Pupunta kang Noah's Ark?" ni Simon.

"Yeah." Sinipat nito ang relo sa bisig. "I have to go." Tinapik nito sa balikat si Simon at ang balikat niya. "See you later."

Kinuha ni Thad ang tab niyo saka tuluyang iniwan sila.

"Hindi mo ba sinabi kay Thad ang tungkol kay Mari?" basag ni Simon.

Umiling siya.

"Ayoko ng iniisip ko Jude so you better prove me wrong," seryoso nitong sabi. "Kaibigan kita and kilala mo ako."

Tipid siyang ngumiti rito. "Don't worry. I know what I'm doing." Iniwan na niya ito sa kusina.

"Hoy Hudas kung kailangan mo ng makakausap huwag mo namang kalimutang nag-e-exist si Simon Takeuchi sa buhay mo!"

"Alam ko! Salamat!"

Umakyat siya ng sariling silid at naupo sa gilid ng kama. Halos maubos niya ang laman ng bottled water bago niya naibaba ang tingin sa bedside cabinet. Ipinatong niya ang iniinom pagkatapos roon at binuksan ang ikalawang drawer.

Kinuha niya mula sa kahon ang music box at muling pinatugtog 'yon. Napako ang tingin niya sa mother and child na umiikot sa gitna. He couldn't explain it but the lullaby was really soothing in his ears. Nakakalma siya ng kanta. Kahit anong pagkalkal niya sa isip kung saan niya narinig ang melody na 'yon ay hindi niya talaga maalala but there was this odd strong feeling of familiarity in his heart.

Naipikit niya ang mga mata.

Just where the hell did I heard this song?

Ibang imahe ang pumapasok sa isip niya. Masyadong mabilis. Nakikita niyang tumatakbo siya na tila ba may humahabol sa kanya. Someone was shouting a name he couldn't properly hear. Nagitla siya nang biglang may humawak sa kamay niya dahilan para maimulat niya ang mga mata.

Malakas na malakas ang kabog ng puso niya at tila nabingi siya. Naigala niya ang tingin sa madilim niyang silid at napakurap.

Mayamaya pa ay may narinig siyang sigaw mula sa labas.

"Hudas! Yohoo!"

"Balti?"

He was sure na boses 'yon ni Balti.

"Hudas may bisita ka!"

Suddenly he was fully alert. Sinong bisita? Ibinalik niya ang music box sa drawer. Tumayo siya at tinungo ang bintana. Inilihis niya ang kurtina at binuksan ang glass window. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang kasama ni Balti si Marison. May dala itong malaking backpack at guitar case.

"Ma –" naunahan siya ni Juan.

"Mari?!"

Na saktong dumaan sa harap ng bahay ni Thad. Sakay ito ng bisiklita nito at nakaupo ang alagang pusa nitong si Binig sa harapang basket ng bike. Nakasunod naman nito si Champo.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Balti sa kanya at kay Juan.

"Anong meron?" ni Simon na lumabas ng bahay. Halatang nagulat din ng makita si Mari. "Omoo!" Natutop pa nito ang bibig. "Mari?"

"Hoy Engr., akala ko ba Hapon ka?" ni Balti.

Masayang tumawa si Simon. "Mix-breed na ako ngayon!" Excited na lumapit ito at niyakap si Mari. "Mari-chan! Bogoshipuu!"

"Okay! Okay! Sino ba talaga rito ang Oppa mo Marison?" ni Balti.

Matamis na ngumiti si Mari. "All of the above!"

Tawang-tawa si Balti. "Hoy Hudas, iisa lang yata hulmahan nito ni Aurea."

"Sino si Aurea?"

"'Yong scammer na jowa ni Atty. Tor." Tumingala ulit si Balti sa kanya. "Hudas balik ako mamaya mukhang may handaan kayo e. Hindi na ako magluluto. Makikikain na lang ako." Balti was grinning from ear to ear.

Biglang pumitik ang sentido niya.

Damn!

"Gagawin mo pa akung kusinero!" reklamo ni Simon.

"Don't worry! Ako na magluluto," presinta ni Mari.

"Wait! Wait!" Bumaba si Juan sa bike nito at maayos munang in-park ang bike sa tabi. "Wala ring magluluto ng dinner sa'kin mamaya."

Isa pa 'to!

"Hoy, Hudas!"

"Bahala na nga kayo!" 

Tinalikuran na niya ang mga ito at tinungo ang bedside cabinet. Kinuha niya ang cell phone sa unang drawer at binuksan 'yon. Ilang araw nang naka off ang cell phone niya. Yes, he was really avoiding Marison. 

300 missed calls.

350 text messages.

Kung ayaw mong sumagot! I will find ways to find you Jude Asrael Savio! - Marison

Bigla niyang naalala si Thad at ang mga kaibigan niya. They didn't know Mari doesn't know about Faith. 

Fuck! Fuck!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro