Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

"MARI,"

Nagitla siya nang marahang tapikin ni Jude ang kaliwang braso niya. "Ha?" Napakurap siya. Sandali lang itong tinignan siya dahil namamaneho ito ng sasakyan.

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik?"

"May iniisip lang ako."

"Kanina ko pa napapansin na panay hawak mo sa bracelet mo. You're spacing out. Hindi mo na nga yata naririnig mga sinasabi ko."

Honestly, lumagpas talaga sa tenga niya ang mga sinabi ni Jude. Okupado ng isip niya ang pamilyar na boses na 'yon ng babae. Sumasapaw ang imahe ng babaeng nakita niya sa panaginip noong nasa resthouse pa sila. Iisa lang ba ang boses na 'yon sa babaeng laging nakasunod kay Jude?

"Jude," bumaling siya rito, "I don't want to ask personal questions, pero curious lang talaga ako. I hope you wouldn't mind."

"I won't mind. Ano ba 'yon?"

Naglapat muna ang mga labi niya bago ulit nagsalita. "Recently ba or matagal na, may kaibigan ka bang babae na namatay?"

Jude was not looking at her pero nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito na mabilis lang din na nawala. Did she get it right? Baka nga may namatay itong malapit dito?

"Wala naman," kaswal nitong sagot, "why'd you ask?"

O baka dating kaibigan ni Jude at hindi lang nito alam na patay na?

"Wala kang dating kaibigan na babae?"

"I had, during college, but I haven't seen her for  almost 10 years now."

"Close kayo?"

Jude nodded, "She's like a sister to me."

"Did you tried to look for her?"

"Simon and I did but we couldn't find her. Nag-migrate na rin ang family niya and sabi nila, lumayas raw si Sanna. We didn't want to give up pero mukhang ayaw talaga magpahanap ni Sanna."

Na bosesan niya ang lungkot sa boses ni Jude. Baka nga si Sanna ang babaeng laging nakasunod kay Jude sa mga panaginip niya.

"Do you have a picture of her?"

"I'm sure Simon has. Thad doesn't want to talk about it so we're not bringing up the topic. He's avoiding it as well."

"Titignan ko sana."

"Wait, bakit mo naisip ang mga 'yon? Are you some kind of psychic? Do you have that paranormal gift?"

Natawa siya, "Hindi naman." Tipid siyang ngumiti naman ngayon. "Actually, nitong mga nakaraang araw kasi. Simula doon sa resthouse may mga panaginip ako na hindi ko naman madalas mapaginipan dati."

"Tulad ng?"

"Minsan nakikita kita sa dalampasigan, mag-isang naka-upo, tapos may nakikita akong babae na nakasuot ng white dress sa 'di kalayuan na nakatingin sa'yo. Kaso sa tuwing nagigising ako hindi ko na maalala ang mukha ng babae. May sinasabi siya pero nalilito ako para saan."

"How often do you dream about her?"

"Hindi naman madalas kaya 'di ko na lang pinapansin. As much as possible ayoko i-entertain sa utak ang mga paranormal thing na ganyan. Alam kong 'di ko pa nababanggit sa'yo pero 'tong bracelet na 'to." Iniangat niya ng bahagya ang kanang kamay para makita nito ang orange beaded bracelet niyang suot. "Yaya Celia gave this special bracelet to me. Simula kasi nang mabulag ako, I started hearing things na hindi naririnig ng mga normal na tao. At first, akala ko mga katiwala lang sa mansion but it gave me sleepless nights. Habang tumatagal natatakot na ako dahil may pagkakataon na halos wala na akong maintindihan sa mga bulong na naririnig ko."

"What do you mean?"

"Ramdam ko sila sa likod, sa harap at sa tabi ko. Malinaw ko silang naririnig but there are times that they speak in their own language. I'm not sure. Hindi rin naman ako familiar sa mga Filipino Myths kaya 'di ko rin alam kung bakit iba-iba ang mga boses na naririnig ko."

"And that bracelet is protecting you?"

Tumango siya. "Yes." Mapait siyang ngumiti. "Nagagawa nitong i-mute ang mga boses na 'yon. Kaya takot akong mawala 'to. As much as possible ay hindi ko talaga hinuhubad ang bracelet na 'to."

"That's quite interesting."

"Sabi nga ni Yaya Celia, third ear daw 'tong akin since 'di ko naman sila nakikita," she chuckled after.

"How do you find your add on ability? A cursed or a gift?"

"A cursed." Mapait siyang ngumiti rito. He only did a side glance at her. "I feel like a modern cursed princess. Unlike in fairytales, they have their own prince charmings to lift the cursed. While Marison only has herself to convince herself to keep living... and I think, I'm still better than them."

"Why?"

"Because I still managed to survive by myself."



PABABA na ang araw nang tumigil sila ni Jude sa isang food park. Kumalat na ang kulay kahel na langit sa paligid. Pero may part nang madilim na. Umiilaw na ang mga string light bulbs at tila dinuduyan ng hangin ang mga makukulay na banderitas. She was not sure kung na saan na sila pero may nabasa siyang Samboan and kaharap lang din ng lumang simbahan ang food park. May make shift stage sa gitna kung saan may kumakantang banda.

Ang lamig ng hangin halos ibalabal na niya nang husto ang denim jacket sa katawan. Medyo uphill ang lokasyon ng lugar at madami ring puno kaya ramdam niya ang lamig.

Naupo sila sa isa mga vacant table na naroon. Jude asked her to stay at ito na lang ang bibili ng mga pagkain nila. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang mapangiti sa babaeng kumakanta sa itaas ng stage. She was accompanied by a man who seem her age lang din. Ito ang naggigitara.

I used to get sad and lonely when the sun went down. But it's different now 'cause I love the light that I've found in you.

She hasn't heard of that song pero fave na yata niya 'yon.

Baby, don't you know? That you're my golden hour. The color of my sky. You've set my world on fire. And I know, I know everything's gonna be alright.

Naibaling niya ang tingin kay Jude nang bumalik ito at ilapag ang mga in-order nito sa mga food stalls na naroon.

"Jude, alam mo title ng song na 'yan?"

"Alin? 'Yang kinakanta ng babae?"

"Yes. Familiar ka?"

Umiling ito. "Hindi e." Saka tumawa. Naupo ito sa tabi niya. "But guessing the repetitive word in the lyrics, Golden Hour."

"Feeling ko rin."

"Search na lang natin mamaya. Let's eat."

Ngumiti siya at sinabayan na si Jude na kumain. Pero ang mga mata niya ay nasa stage talaga. Naisip niya. Ano kaya feeling kumanta sa harap ng madaming tao? It's one of her bucket list that she want to try.

You're my golden hour. The color of my sky. You've set my world on fire. And I know, I know everything's gonna be alright.

"You want to sing?" basag ni Jude.

Marahas na naibaling niya ang tingin dito. "Ha?"

He chuckled, "I was asking if you want to sing? Kung gusto mo. I'll talk with the in-charge so you can sing one song for tonight."

She shook her hand dismissively. "Huwaaag!"

"I know it's one of your to-do-list." Tumayo ito. "Wait here." Akmang aalis na ito nang hawakan niya ang kamay nito. Binigyan niya ito ng nagmamakaawang mukha. Pupunta pa nga si Jude, ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Natawa tuloy ito sa kanya. "Relax, okay? You'll be fine."

Marahan nitong inalis ang kamay na nakahawak dito at tuluyan na siyang iniwan. Sinundan niya na lang ito ng tingin. May kinausap itong lalaki sa gilid ng stage. Napakurap siya nang ituro siya ni Jude at tumingin din ang lalaki. Sa tingin niya ay nakilala ng organizer si Jude dahil lumaki ang ngiti nito at pasimple pang nagpa-picture dito pagkatapos.

Nakangiti nang bumalik si Jude.

Hayan, lalabas na yata sa rib cage ang puso niya sa kaba. Kailangan niya ng stress ball para sa kamay niya. Namamanhid na nanlalamig na mga daliri niya.

"You're in!"

"Masusuka yata ako." Iginala niya ang tingin sa paligid. Naghanap ng pwedeng kainin at isusuka rin. "Gusto ko ng chicken feet."

Hinawakan siya sa mga balikat ni Jude. "Relax, okay?" Pilit nitong hinuli ang mga mata niya. "You will be fine. You will do great on stage."

Napalunok siya. "Ibili mo akong chicken feet."

Tawang-tawa si Jude. Nainis siyang bahagya. Huwag kamo siyang tawanan nito habang kinakabahan siya nang sobra. Nambabato siyang bangko talaga.

"Fine! Ibibili na kita."

"Damihan mo."

"Pero kakainin mo 'to after mong kumanta."

Napasimangot siya. "Jude naman e!"

"No, isusuka mo lang 'to sa kaba." Naupo ito sa tabi niya ulit at binuksan ang bottled water na nasa malapit nito. "Mag-tubig ka na lang muna."

Agad na kinuha niya ang bottled water at halos maubos niya 'yon sa isang lunukan lang.

"Now, take a deep breathe," mahinahon nitong utos sa kanya. "Inhale slowly... now, exhale... inhale... exhale..." Na sinunod niya. He smiled. "Feeling better?"

"I guess?" Alanganin pa siyang ngumiti.

He chuckled, "Let's crashed that in your list tonight."

"Pero kinakabahan talaga ako e. Paano kung makalimutan ko ang lyrics? Pumiyok ako? Mawala ako sa tuno?"

"I still feel nervous everytime I perform. Even now, it's really normal, Mari. You just have to learn how to control it. I'll give one tip that really works well for me for the past 8 years."

"Ano?"

"Look at your audience and count ten in your head... imagine they're not there or they're just plants in your garden. Ako? Ini-imagine ko lang na mga bote sila ng alak na kakantahan ko." Halos sabay silang tumawa ni Jude.

"Grabe!"

"That's true!"

"So ang tingin mo sa aming mga fans mo kapag nag-pe-perform ka ay bote ng beer?"

Nakangising tumango ito. "I wouldn't deny that."

Tawang-tawa siya. "I can imagine. Ano na lang mararamamdan ng mga fans mo kapag nalaman nilang mukha lang kaming bote ng beer sa mata mo."

"Well, they don't need to know."

"I know."

"That's fine, you're my girlfriend anyway."

'Di mas lalo lang siyang napangiti. Ang sarap pakinggang sabihin ni Jude na girlfriend siya nito. She feels so lucky.



ILANG beses niyang kinalma ang sarili habang nakatayo sa itaas ng stage. Hawak niya ang gitara niya. Kabadong-kabado siya kanina pa. It lessen a little bit pero bumalik nang nasa harap na siya ng madaming tao.

Mari, relax! Isipin mo na lang mga halaman ang mga 'yan ni Yaya Celia sa garden. You will do great.

Nagtama ang mga mata nila ni Jude na nakaupo na sa harap.

"You'll be fine," he mouthed bago nag-thumbs-up.

Naalala niya ang sinabi nito kanina.

Inayos niya ang microphone sa mic stand sa harap niya. Hopefully ay hindi mahalata ang bahagyang panginginig ng kamay niya. Muli niyang tinignan isa-isa ang mga tao habang kino-condition ang sarili. She counted one to ten in her head bago nagsalita.

Now, smile, Marison.

"Good evening, I'm Mari. Actually, first time ko pong mag-perform sa harap ng madaming tao. Don't worry, isang beses lang po ako kakanta ngayong gabi. Tiisin n'yo na lang muna."

Natawa ang audience sa kanya. Mas lalong gumaan ang loob niya at mas naging komportable sa itaas ng stage.

"Thank you, ramdam ko ang support." Mas lalo lang natawa ang tao sa kanya. Napansin niya rin ang pagtawa ni Jude. "For tonight, I'll be singing an original song. Sinulat ko po 'to 4 months ago para sa espesyal na tao sa buhay ko whom I considered my savior. I hope you all like it."

Bahagyang bumaba ang tingin niya sa gitara na hawak. She started strumming the right note para mabuo ang melody na gusto niyang iparinig sa lahat. She lifted her face and smile.


Been drowning in a sadness

Catching breaths, tryin' to live

Losing every battle each day


Wanna give up

Wanna stop...

Stop living in a darkness


Can someone help?

Can someone hear?

Can someone lend your hand to me


Then you came

Held my hand

Smile brightly at me

Saying it will be okay


I don't know oohh, oohh~

but the feelings seem surreal

I felt it right on my chest

I called you 'Savior' ~ ohhh~

My Savior~ hmmmm


"I STILL can't over it!" aniya habang kumakain ng adidas. Nasa loob sila ng sasakyan pero nakabukas lang ang mga bintana. Actually wala silang idea kung saan sila matutulog sa gabing 'yon. Magsasalitan na lang siguro ng tulog para may lookout. "Ang sarap para sa feeling."

"Not bad for your first debut. Congratulations, Lucia Marison."

Natawa siya. Bahagya siyang tumagilid para maharap ito. She didn't care if she was sitting like a cowboy or a child on her seat.

"Anong feeling noong unang nag-perform kayo?"

"Alin doon?"

"Noong college pa kayo."

"Trip-trip lang naman 'yon. Hindi naman ako masyadong kinabahan dahil para sa isang subject lang naman. Siguro noong sumali kami ng battle of the bands sa university namin. I had a cold feet before our turn. Muntik na akong mag-back-out. Madaming magagaling."

"But your band won tapos nag-compete pa kayo sa ibang universities after no'n and you won again hanggang sa magkaroon kayo ng mga gigs and ma discover kayo."

"Yeah! It was kind a crazy. It feels surreal at first."

"Pero kung 'di kayo nanalo sa battle of the bands at na discover will you stop making music?"

"No."

"Hindi mo pa rin i-pu-pursue ang architecture?"

"I always consider myself a black sheep, so there is a higher chance that I will end up disappointing my father. My plan that time is to finish the 5 year degree program that he wants me to take up, but I really don't have plans on pursuing it. I just got tired listening to his nonstop scolding kaya gumaya ako kay Thad. There were so many things going in my head that time. Takot akong ma disappoint din ang sarili ko. You know, the aftermath of every aggressive decision that doesn't end up well scares us always."

"Pero kung na iba ang sitwasyon. Walang Queen City, only Jude Asrael Savio, will you still take the chance?"

"If it doesn't scare you then it's not what you really want."

"You're not answering me."

"I already did."

"It was a discreet answer."

"Ano sa tingin mo ang ibig sabihin noong sinabi ko?"

"If the thought doesn't scare you then it's better not pursuing it?"

"Pursuing your dreams is a very uncomfortable life but it weighs the same when you live a life pursuing the things you don't love, so it's better to live uncomfortably to a kind of life where you can find happiness in hardships than to be stuck in a life where you will never grow as the kind of person you aspire to be."

"Woah! Sana ganyan din ako mag-isip. Gusto ko talaga suwayin daddy ko minsan."

He chuckled, "Sinusuway mo naman talaga."

"Oo, but moderately."

"Just have the courage to pursue what you love, Mari. Kung saan ka masaya."

"Pero kasi minsan, iniisip ko, Jude, what if 'yong happiness ko, selfish ang dating sa ibang tao. Na sarili ko lang iniisip ko."

"It's never selfish to pursue what you're passionate about, Mari. People will always have their toxic opinion even if your life is miserable or not. Learn to think on your own without waiting for the validation of other people. You always go back to this question. Why do you make music? If you know the answer by heart then you're always on the right track. That is something I want you to learn. You always ask yourself, how you want to live your life in this world? And how do you want people to remember you?"

She look at Jude in awe. Lagpas isang buwan na niya itong kasama at lagi talaga siyang napapahanga sa mga sinasabi nito. He speak with sense. 'Yong tatamaan ka talaga dahil totoo. Madalas discreet talaga ang mga sagot nito pero may laman. Mukha lang naman kasing tumatagos 'yon sa kabilang tenga niya but she's memorizing it by heart.

"Siguro alam na alam mo na ang gusto mo sa buhay, 'no?"

"Not really. Madami ka pang 'di alam sa'kin."

"Wala kang balak sabihin sa'kin?"

"You will know in time."

"Sabagay, madami pa naman tayong time."

"Nakauwi na ba daddy mo?"

"Pauwi na raw, sabi ni Yaya Cel. Ikaw? Anong plano mo after?"

"Iniisip ko pa."

"Ayoko pa umuwi."

"Saka mo na isipin. May buong araw pa tayo bukas bago kita iuwi sa inyo."

Inabot niya ang kamay ni Jude. She laced her fingers with his and smile. "Sana marinig ulit kitang kumanta, Jude. Sa mga sinabi mo kanina, alam ko na mahal na mahal mo talaga ang ginagawa mo."

Tipid itong ngumiti. "Hopefully."

Pinatugtog niya ang radio ng sasakyan. Mas lalo siyang napangiti sa kanta. The first song Jude sang for her.

Naalala niya ang gabing 'yon.

One of her favorite moments with him.

And at last I see the light. And it's like the fog has lifted. And at last I see the light. And it's like the sky is new. And it's warm and real and bright. And the world has somehow shifted.

"All at once everything looks different," sabay niya ng kanta. Napatingin si Jude sa kanya. Ngumiti siya. "Now that I see you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro