Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

"SERYOSONG usapan Juan, do you like Mari?" tanong ni Simon.

He kept his silence sa panunukso ni Simon kay Juan.

Sinaid niya ang natitirang laman ng bote ng beer na hawak. Halos maubos na lahat ng bote ng beer na iniinom nila.

What exactly are you thinking right now, Juan?

He was eyeing Juan's every action. He had known him for quite a long time now. Pero dahil nga madalas siyang wala sa Faro ay madami rin siyang hindi alam dito.

"I like her," kaswal na sagot nito na para bang normal lang 'yong sabihin. "Mari's single, wala naman sigurong magagalit kung liligawan ko siya." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Meron ba, Jude?"

Naikiling niya ang ulo. "Hmm?"

"Mas nauna mo siyang nakilala," Juan added.

"I don't see any problem. It depends on her."

"Daebak! Lumalaban talaga ang manok ko," ni Simon na sobrang laki ng ngiti. "Mukhang may susunod na yapak ni Attorney ah." Tawang-tawa ito pagkatapos.

"'Yong totoo Simon. Korean ka ba o Hapon?" ni Jam.

Ngumisi si Simon. "Umaga po."

"Gago!" Hindi maiwasang komento niya sabay iling.

"Anyway," Jam chuckled. "It's the first time I heard you being too vocal with your feelings, Juan. I think, seryoso ka nga talaga kay Mari."

Juan smiled, "She's really adorable." Tinignan na naman siya nito. "Who in the world would not want her?"

Ramdam niya ang dahan-dahang paghigpit ng hawak niya sa bote sa kanyang kamay. He kept his smile. Tumango-tango na lamang siya and chose not to utter any word.

"Ayooon! Binata na ang Ryuu Juan natin! Shot na!"

Wala na siya sa mood. Hindi na rin siya makasabay sa kulitan nila Simon at Jam. Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya sa mesa. Naibaling din ng tatlo ang tingin sa kanya nang hindi man lang siya kumilos para sagutin ang tawag.

"Iesus is calling," ni Jam pagkatapos silipin ang screen ng cell phone niya.

Inilapag niya ang bote sa mesa at kinuha ang cellphone niya.

"Excuse me," aniya pagkatapos ay tumayo at tinungo ang patio. Bahagya nang tumila ang ulan sa labas. "Iesus."

"Finally, I've been trying to reach you for the past days. Mahina raw signal diyan sabi ni Simon. How are you?"

"I'm good. We're good. Mahina nga ang signal at hindi ko rin madalas na tinitignan ang cellphone ko. Napatawag ka?"

"I'm calling you because someone is interested to buy your lot in Faro de Amoré. Are you sure na ibebenta mo na talaga ang lupa mo? You know you could always keep it and build a house later on. Sayang din naman."

He was silent for a moment. Nawala 'yan sa isip niya.

"Jude? You still there?"

Kumurap siya at nahilot ang sentido. "I'm sorry. I totally forgot about that. Let's talk when I get home."

"Jude..."

"I just need more time to think about everything."

"I understand where you're coming from but I want to remind you that life doesn't end here, Jude. You have us, your friends. And I will give you all the time that you need but please, don't do things that will give you more regrets later on in this lifetime."

"I know."

"I hope you do." May ilang segundo munang lumipas bago ulit ito nagsalita. "Belated happy birthday, Jude."

"Thanks."

"You'll be fine. See you soon."

Ibinaba niya ang cell phone at tumingala sa madilim na kalangitan. Mapait siyang ngumiti. Will I be fine? Thinking about it. He doubted. Kasing dilim ng langit ang buhay niya sa mga oras na 'yon. Hindi niya makapa sa sarili ang saya na madalas niyang maramdaman noon.

Everyday, it always feels like waking up in someone else's body. Isang taong puro galit at paghihiganti lang ang laman ng puso. Isang taong hindi marunong magpatawad.



"JUDE!" singhap ni Mari nang pagbuksan niya si Jude ng pinto. Bago pa man ulit siya makapagsalita ulit ay nagawa na nitong makapasok. Mabilis na naisarado at na i-lock ang pinto sa likod nito. "Jud –" he silenced her with a kiss.

Napakurap-kurap siya nang kumalas ito. Namumungay ang mga mata nito at pulang-pula ang mga pisngi. Napahawak siya sa mga balikat nito.

"You're drunk."

He smirked, "Am I?"

Malalim na ang gabi. Nauna na siyang umakyat sa mga ito kanina. Hindi rin naman siya umiinom. Hindi pa lang siya makatulog kaya gising pa siya nang ganoong oras.

Bumuhos na naman ang malakas na ulan sa labas. Madilim sa kanyang silid maliban na lamang sa lamp shade na binuksan niya kanina.

She cupped his face.

"Your smile doesn't always reach your eyes," she said gently. "And it always makes me wonder why."

Hinawakan nito ang mga kamay niya at mariing ipinikit ang mga mata. "Why do you love me, Mari?" halos bulong na nitong tanong.

"Because you saved my life a lot of times."

Iminulat nito ang mga mata at sa pagkakataon na 'yon. Different emotions mirrored in his eyes. Lungkot. Paghihirap. Galit. Pero hindi niya alam kung bakit.

Sana sa pagkakataon na 'to magkaroon siya ng karapatan para itanong kay Jude kung bakit may nakikita siyang lungkot lagi sa mga mata nito.

"Jude –"

Ibinaba nito ang mga kamay niya. He cupped her face at muli siya nitong hinalikan sa mga labi. Mas marahas sa pagkakataon na 'yon. She tried catching up with his pace pero pakiramdam niya masusugatan na ang mga labi niya. Tila ba hinahabol ito ng kung sino sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Halos hindi siya makahinga. Nang mapansin nitong nasasaktan na siya ay bahagya itong lumayo para haplosin ang kanang pisngi niya.

Mula sa madilim na paligid ay muling naghinang ang kanilang mga mata.

Napasinghap siya nang pangkuin siya nito. Naiyakap niya ang mga braso sa leeg nito. Ramdam na naman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi inalis ni Jude ang mga mata sa kanya habang dahan-dahan siya nitong inihihiga sa kama.

Walang salita na lumabas sa mga bibig nila.

At nang siilin muli siya nito ng halik sa mga labi ay agad din niyang ipinikit ang mga mata at gumanti ng halik. They shared a passionate kiss this time. Tila siya yelo na unti-unting natutunaw sa mainit na palitan ng halik na 'yon.

Bumaba ang mga halik nito sa kanyang panga at leeg. Hinayaan niya naman ang sarili na damahin ng mga kamay niya ang malapad na balikat nito hanggang sa matipunong dibdib ni Jude. Nawala na yata ang hiya niya as she found herself pulling his shirt up. Bumalik naman ang mga labi nito sa kanyang labi. Jude let her at bahagya lang itong lumayo sa kanya para mahubad niya ang T-shirt nito.

Muli ay dinama niya ang dibdib nito. They were kissing each other hungrily this time habang dahan-dahan nitong hinubad ang manipis niyang pantulog. He started at the lower hem of her white silk night gown na lagpas tuhod niya ang haba. Naramdaman niya ang init ng palad nito sa kanyang hita nang padaanan nito 'yon ng haplos saka nito inangat nang tuluyan ang pantulog niya.

May kumawalang ungol sa bibig niya nang bahagya nitong kagatin ang ibabang labi niya. Umawang ang bibig niya at akmang itutulak ito but he didn't give her the chance to push him away dahil mabilis na ulit nitong sinakop ang mga labi niya. She no longer hold back. She let herself succumb in the intimate heat that slowly growing inside her habang magkadikit ang mga katawan at mga labi nilang dalawa.

If it's for Jude, I will give my all.


"SAAN TAYO –" Jude hushed her by putting his index finger on his lips. "Pupunta?" mahina niyang tanong. Hawak nito ang kanyang pupulsuhan habang tahimik silang lumabas ng bahay. It was still 3 AM.

He smiled, "Resuming our adventure." Dala nito halos ang mga gamit nila. Yakap niya sa isang kamay ang guitar case niya dahil may malaking bag siya sa likod. Nanunuot pa rin ang malamig na hangin sa kanyang balat kahit suot niya ang denim jacket ni Jude.

"Hindi tayo magpapaalam sa kanila?"

"They're old, Mari. Kaya na nilang umuwi mag-isa."

Huminto sila sa harap ng isang itim na Jeep Wrangler. Sa pagkakaalam niya ay kay Juan ang sasakyan na 'yon. Binitiwan ni Jude ang kamay niya saka ibinaling ang mukha sa kanya. He was still smiling nang iangat nito ang nakakuyom na kamay. When he opened his hand ay pumalawit ang isang susi ng sasakyan.

"Got us something to use."

Namilog ang mga mata niya. "Jude!" mahinang saway niya rito. "Hindi ba magagalit si Juan?"

He chuckled, "Nah, wala naman na siyang magagawa." Pinindot nito ang hawak na car key at nagawa na nitong mabuksan ang pinto ng driver's seat. "Let's sneak while everyone's asleep."

Natawa siya. "Loko ka! Mag-aaway talaga kayo."

"Kung magagalit siya. Bibilhin ko na lang 'to sa kanya."

"Yaman!"

He chuckled, "May ipon lang."

Successful naman ang pagtakas nila sa farmhouse. Sila na rin mismo ang nag-open ng gate. Tawa sila nang tawa nang makalayo na. Para silang magnanakaw sa gabi. Well, they did steal Juan's Jeep Wrangler. She finds it as a fun experience lalo na katulad niya na taong bahay.

Binuksan nila ang bintana. Agad na naramdaman niya ang mabini at malamig na hangin ng umaga. Papasikat na ang araw. Kumakalat na ang kulay kahel na kalangitan sa paligid. They passed a road na dagat na ang kabilang side – which is sa side niya. Tuwang-tuwa siya sa view na nakikita ng mga mata niya.

She leaned both her arms on the window's frame. Mariin niya munang ipinikit ang mga mata bago ulit nagmulat. She filled her lungs with fresh morning air that smelled like saltwater and trees. Napangiti siya. Gustong-gusto niya ang paglipad ng hangin sa nakalugay niyang buhok.

Lumayo muna siya para maghanap ng magandang FM station. Muli siyang napangiti nang marinig ang isa sa mga favorite song niya sa radio.

I know your eyes in the morning sun. I feel you touch my hand in the pouring rain.

Jude glanced at her for a split second, she smiled brightly at him. "And the moment that you wander far from me. I wanna feel you in my arms again," kanta niya pa para rito. He smiled and chuckled.

"And you come to me on a summer breeze. Keep you warm in your love then you softly leave." Inalabas niya ang camera sa bag at inilagay niya sa dashboard. She set in a video mode. "And it's me you need to show. How deep is your love?"

How deep is your love, how deep is your love?

Jude is nodding his head and tapping his fingers on the steering wheel.

"I really need to learn 'cause we're living in a world of fools. Breaking us down when they all should let us be. We belong to you and me," they sang together.

She's singing while moving her hands and body. Hindi niya pinansin ang tawa ni Jude. She was enjoying the moment. Gustong – gusto rin niya ang playlist ng radio station na 'yon.

Another fave song.

Don't know what to say now. Don't know where to start. I don't know how to handle a complicated heart. You tell me you are leaving. But I just have to say. Before you throw it all away.

Hinintay niya ang lyrics na sinabayan niya ng kanta.

"Even if you want to go alone. I will be waiting when you're coming home." Nakangiting ibinaling niya ang tingin kay Jude. "If you need someone to ease the pain. You can lean on me my love will still remain."

He smiled and playfully messed her hair. Hinawakan niya ang kamay nito at pinaghugpong ang mga daliri nila saka ibinaling ang tingin sa sumisikat na araw. Lalo siyang napangiti. One of the best mornings in her life.



"I STILL have few in my bucket list," basag niya. "Kayang tapusin bago tayo umuwi?"

Ipinakita niya kay Jude ang notebook niya. Nakaupo siya sa harapan ng Jeep Wrangler habang nakasandal naman ito ng tayo sa tabi niya habang kumakain ng banana cue na iba ang itsura. It was sort of burnt at nilagyan lang ng mga puting asukal.

Nag-stop-over sila sa isang beach sa Badian.

"You still have a lot of years to finish those, Mari."

"Pero sayang kasi e. Baka maging busy ka na kapag bumalik ka na sa US."

"I'm still here. Worry about that later." Iniumang nito ang banana cue. Kumagat siya roon na nakanguso. Natawa lang ito. "Don't me give that sour look. Nagmumukha kang spoiled princess."

"Uuwi na tayo."

"Ano sabi ni Yaya Celia?"

Yaya called earlier. Kaya nga bigla siyang nalungkot. Ayaw pa niya umuwi. "She will call again kung kailan daw uuwi si Daddy. Jude, itanan mo na lang ako. Ayoko na umuwi sa mansion."

"Mapapa-shoot-to-kill ako ng daddy mo kapag ginawa ko 'yan," he chuckled.

"Hindi niya naman malalaman."

"You wouldn't miss him?"

Sandali siyang napa-isip. Apart from her feels sad. Her Dad is not the perfect father but she loves him. Ayaw niyang saktan ang daddy niya. Siguro, kakausapin na lang niya. She will claim her freedom by facing her like a grown-up woman.

"I will," malungkot na ngumiti siya, "mahal na mahal ko 'yon e."

"You still love him despite everything?"

Tumango siya. "He's the only family I have right now. He was really overprotective of me ever since. My mom told me that I will be safer when no one knows I existed. He provided us everything and I settled for that and honed myself to be the obedient child of Roberto Morales. But growing up, I feel like living in a dead person's name. I sometimes think that being vulnerable and too kind may lead me to my first broken heart."

"It will when that person takes advantage of you."

"Why would that person hurt me?" Jude shrugged his shoulders. "Hindi mo naman ako sasaktan, 'di ba? You're not gonna leave me, right?"

"I don't believe in promises, Mari. It's better to say, will work things out than keeping a promise we couldn't keep at the end. Life is a maze. It's okay to trust but learn to leave a portion of your heart for yourself. Maybe keeping half of ourselves will help us bounce back from our fall."

"Based on experience ba 'yan?"

He chuckled, "Siguro?"

She squinted her eyes at Jude. "Bakit feeling ko ang dami mo nang naging secret girlfriends?"

Namilog ang mga mata nito. "Ganoon ba tingin mo sa'kin?"

"Umamin ka na lang sa'kin. Hindi naman ako magagalit e."

Natawa ito. "Well, I admit, I had a lot of girlfriends in the past –"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Recent?"

"College days of course."

"Recent?" she insisted.

"Nope."

"Lier!"

Lumakas ang tawa nito. "I'm telling the truth."

"Hindi ako naniniwala."

"Ito ba ang first lover's quarrel natin?"

"Oo, kung hindi mo ako sasagutin ng totoo."

"Meron."

Kumunot ang noo niya. "Sino?"

"You, you're my recent relationship, Mari – aw!" Napaigik ito nang paluin niya sa braso. Patalon na bumaba siya ng sasakyan at iniwan si Jude. "Hey, where are you going?"

"Maghahanap ng kausap na star fish."

Narinig niyang tumawa ito. "Huwag kang lumayo masyado."

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Mami-miss kita!"

"Sige lang!"


NAGLAKAD-LAKAD siya sa dalampasigan. Hindi naman siya lumayo masyado. Nakikita pa rin naman niya ang sasakyan. Nasa loob ng driver's seat si Jude, natutulog. Wala gaanong naliligo sa beach na 'yon. Weekdays din kasi.

Aliw na aliw siyang mamulot ng mga shells at pebble stones nang biglang dumulas ang suot niyang bracelet sa pupulsuhan. Nahigit niya ang hininga nang may marinig na boses ng babae na sumama sa hangin.

Napatuwid siya ng tayo pagkatapos pulutin ang nahubad na bracelet. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala namang malapit na babae.

"Mari..."

Marahas na naibaling niya ang tingin sa may dagat. Ang linaw-linaw ng boses ng babae. Parang nasa malapit lang. Nanginginig ang kamay na isinuot niyang muli ang bracelet. Hindi niya talaga pwedeng hubarin 'yon.

Mabilis na naglakad siya pabalik sa sasakyan nang matigilan siya. Ramdam niyang parang may huwak sa kamay niya. Lumakas din ang ihip ng hangin at tila naging matalas ang pandinig niya sa marahas na hampas ng mga alon sa dalampasigan.

Napa-isip siya bigla.

Ito ang unang pagkakataon na may narinig siyang tumawag sa kanyang Mari na hindi niya nakikita. At bakit parang narinig na niya ang boses na 'yon?

Sino kaya siya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro