Kabanata 17
It was still six in the morning. Pero makulimlim pa rin ang paligid. Mukhang uulan na naman mamaya. Napangiti siya nang mapait.
Maulan na birthday? Damn, right! Sums up my life right now.
He carried Mari on his back habang pabalik sila ng bahay. She couldn't properly walk and she's sore and tired from last night. Maliban sa bag nito at guitar case ay iniwan niya ang ibang gamit. Babalikan na lang niya 'yon mamaya.
Humigpit ang yakap nito sa kanyang leeg at bahagyang gumalaw sa likod niya. She fell asleep on his back. Sinubukan niyang kausapin ito kanina habang naglalakad sila pero 'di ito sumasagot. She was still sleepy when he woke her up earlier.
At least he doesn't need to talk a lot.
He doesn't want to think about it.
Not this early.
When they reached the house ay naabutan nila si Juan na nakatayo sa patio ng bahay. Mukhang bagong gising. May hawak na umuusok na mug sa isang kamay. He was not smiling and he doesn't seem mad. Usual na talaga nito ang poker face na mukha.
Juan is a morning person. Hindi na nakapagtataka na gising na ito ng mga ganoong oras. His face may show a blank expression but his eyes pierced with curiosity. It would be a bad idea to stay longer in this farmhouse with them. Masisira ang plano niya.
"Juan," tawag niya na nakangiti.
"Morning, Jude." Bahagya nitong sinilip si Mari sa kanyang likod. "Saan kayo galing?"
"Looking for fairies," he chuckled to lighten up the mood. Matalino si Juan at alam niyang may idea na rin ito sa mga pinaplano niya. Still, he doesn't want to add fire to Juan's burning assumptions. "Nabanggit kasi ni Jam ang tungkol sa fairies garden. Hinanap namin ni Mari kagabi."
"I see. Did the fairies showed up?"
"They did."
Tumango-tango lang ito. "Tulog pa ba si Marison?"
"Yeah. Inuwi ko na para makapagpahinga nang maayos. Akyat muna kami."
Nilagpasan niya si Juan pero hindi pa nga siya nakalalayo ay muli itong nagsalita.
"Jude." Tumigil lang siya sa paglalakad pero 'di niya ito nilingon. Not today, Juan. I don't want to explain. "Happy birthday." Good. He was actually relieved by that.
Nilingon niya ito at ngumiti.
"Thanks."
Tipid lang itong ngumiti saka tumango. "Rest well."
Sa pagtalikod niya ay nawala rin ang ngiti niya. After Simon's birthday aalis na sila ni Mari. Labas ang mga kaibigan niya sa mga plano niya. He will never let them meddle dahil pipigilan lang siya ng mga ito.
Inakyat niya si Mari sa kwarto nito. Isinirado niya ang pinto saka maingat na inihiga ito sa kama. Mahina lang itong umungol bago binago ang posisyon ng pagkakahiga nito. She curled her body like a baby habang naka unan ang mga kamay sa mukha nito.
Itinabi niya ang mga gamit na dala at isinandal 'yon sa bedside cabinet.
Bumuntonghininga siya saka naupo sa gilid ng kama. Inabot niya ang kumot at itinaas 'yon hanggang sa dibdib nito saka iniwas ang tingin.
He slouched a little and leaned both elbows on his lap saka marahas na hinilamos ang mga kamay sa mukha pataas sa likod ng kanyang ulo. He stayed in that position.
Sakto namang bumuhos ulit ang ulan sa labas.
Focus on your plans, Jude!
PUMAILANLANG sa paligid ang magandang boses ng babae na tila sumasabay sa tunog ng isang music box. Walang salita na lumabas sa bibig nito pero pamilyar siya sa kantang 'yon. Narinig na niya 'yong hina-hum ng Mommy niya noong bata siya. Bukod sa Now and Forever na lagi nitong kinakanta sa kanya.
"Mommy?" tawag niya pero tila sa isip lamang niya 'yon.
Inilabot niya ang tingin sa lumang bahay. Hindi niya mahanap kung saang silid ang Mommy niya. Ang daming silid. Nasisilaw siya.
"Mommy? Saan ka?" ulit niya.
"Mari..." Napalingon siya sa kanyang likod. Walang tao. "Mari... anak..."
Lumakas ang kanta mula sa music box. Napahawak siya sa kanyang tenga sa sobrang lakas ng tunog. Mabibingi yata siya.
"Mommy! Mommy huwag mo kong iwan," her voice broke. Tears started to well up in her eyes habang nilalamon siya ng matinding liwanag. "Mommy!"
A skretching sound of tires made her gasp. Tila may humatak sa kanya paupo sa backseat ng isang kotse. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na may paparating na sasakyan sa kaliwa niya. Dirediretso at mukhang wala ng break.
"Daddy -"
She gasped in pain nang maramdaman ang impact ng pagkatilapon niya sa side ng pinto kung saan siya nakaupo. Tila ulan na sumaboy sa kanya ang iilang nabasag na debris ng glass window sa kanya.
"Da...Dad...dy..."
She couldn't feel her body. Sinubukan niyang imulat ang mga mata pero puro dugo ang nakikita niya. She cried in fear and in too much pain.
"Da...dy..."
Napabalikwas siya ng bangon. Her body was trembling. Halos sumiksik na siya sa headboard ng kama habang yakap ang sarili. Naninikip ang dibdib niya habang patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha niya.
Sinubukan niyang iangat ang mga kamay sa harap. Nanginginig ang mga 'yon. I can still see. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Halos humikbi na siya. Nakikita mo pa ang paligid mo Mari. Calm down, please. She buried her face on her palms and cry.
Please, please don't take away my sight. I still want to see Jude. I want to see the world. Please... please... I beg you.
LUMABAS siya ng banyo na bihis na. Inalis niya ang towel sa buhok at napatingin sa malaking bintana. Umulan na ang buong araw at mukhang wala yatang balak na tumila. Tinanghali na siya ng gising. There was still a slight pain in between her thighs that makes her winced sa tuwing naglalakad siya.
Nang magising siya kanina parang nabugbog ang katawan niya. She didn't expect it would be that exhausting.
Naalala niya naman ang nangyari kagabi. It didn't even sink in yet. It still feels surreal. Napahawak siya sa magkabilang pisngi. Totoo ba talaga 'yon o panaginip lang?
Marison, totoo 'yon! At kapag talaga nalaman ng Daddy mo ang mga pinaggagawa mo sa buhay mapapagalitan ka talaga no'n.
Naupo siya sa gilid ng kama.
Bahala na!
Mas gusto niyang 'yon umuukopa sa isip niya kaysa ang masamang panaginip niya kanina. She didn't want to remember that day. Kung pwede lang ay mawala na talaga 'yon sa memorya niya.
Marahas siyang napabuntonghininga.
Nagulat siya sa biglang pagbukas ng pinto. Napaangat siya ng tingin.
"Lalim ah."
It was Jude.
"Ugali mo na talagang gulatin ako lagi, 'no?"
Tumawa lang ito.
"Pinagsisihan mo na ba?"
Isinirado nito ang pinto at in-lock pa yata. Patalon na humiga ito sa kama.
Napasinghap siya nang magawa nitong maiyakap ang isang braso sa kanyang baywang sabay hila sa kanya pahiga sa isang braso nito.
"Jude!" Napalo niya ito sa dibdib.
Tinawanan lang siya nito saka ginulo ang basa pa niyang buhok. "How's my princess?"
"Princess ka riyan!"
He chuckled, "My little girl, then?"
"Hindi na ako bata, okay?"
"Of course," kinilabutan siya nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga, "after what we did last night." She felt the same chills in her spine lalo nang halikan nito ang likod ng tenga niya.
"Hey!" Inangat niyang muli ang mukha rito at dinuro ito. "Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sa'kin kagab -"
"I marked you." A smug smile slipped on his face.
"At proud na proud ka pa? Hindi ko tuloy masuot 'yong ibang dress ko."
Tulad ngayon, she's wearing her turtle neck lavender long-sleeved shirt. Buti na lang maulan. Ayaw niyang mag-explain kina Tita Nel kung bakit naka turtle neck siya na tirik na tirik ang araw.
"You're mine, Marison."
"So it means, you're mine as well." Kumunot ang noo nito at tila nag-iisip. Napamaang siya. "Wow naman! Pinag-iisipan pa." Tumawa ito saka pinisil ang tungki ng ilong niya.
"Joke. Of course, I'm yours."
"Give me your hand."
"Ginawa mong unan."
"Not that one." Inabot niya ang kaliwang kamay nito kung saan nakasuot ang bracelet na bigay niya. Iniangat niya 'yon sa harap nila para makita nilang dalawa. Napangiti siya. "Inisip ko lang dati na ipadala 'to sa'yo pero naisip ko rin. Makakarating kaya sa'yo? It's also impossible for me to attend in your concert dahil alam ko 'di ako papayagan ni Daddy." Ibinaba niya ang mga kamay nila at pinaghugpong 'yon. "At noong nakakita naman ako, nag-hiatus ang Queen City." Napasimangot siya. "Hindi yata talaga tayo destined to meet."
"And where did your destiny take you now?"
Napangiti siya. "Sa kama na 'to kasama ka."
"Iba naiisip ko sa kama," he chuckled. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I know. You're still sore. Some other time." Niyakap na siya nito. "I'll just cuddle my baby now."
Napangiti siyang lalo.
"Birthday mo ngayon."
"O, huwag mong sabihin may gift ka na naman sa'kin?"
Natawa siya. "Wala na. Gahaman nito. Asa ka?"
"Ang tanda ko na."
"Thirty ka pa lang naman and you're aging like a fine wine."
"Sinasabi mo lang yata 'yan dahil mahal mo ako."
"Sasabihin ko pa rin 'yan sa'yo kahit hindi na. Pero 'di 'yon mangyayari. Hindi naman mawawala pagmamahal ko sa'yo."
"Paano ba magmahal ang isang Lucia Marison?"
Sandali siyang nag-isip muna bago sumagot.
"I think, I'm the kind of person who loves deeply and doesn't easily fade in time."
"Kahit nasaktan ka?"
"I guess? Hindi ko sigurado. Hindi kasi ako ang klase ng tao na nagtatanim ng sama ng loob. I let it go once I get over it. I don't want to keep a jar of hate in my heart, Jude. The world has already filled my life with a lot of what ifs. I don't want to fully tank it with hate that I could no longer change. If I do. I might be too broken at that time."
Tipid siyang ngumiti kahit na hindi siya nito nakikita.
"How about you?" pag-iiba niya. "Paano ba magmahal ang isang Jude Asrael Savio?"
Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa maliban na lang sa tunog ng ulan sa labas.
"Someone who couldn't bounce back from a love that made him whole."
Naiangat niya ang mukha rito saka ginagap ang mukha nito. "Dapat pala alagaan ko ang puso mo." Ngumiti siya. "You have a fragile heart, Jude." Lumamlam ang expression ng mukha nito. "Mari will love you with gentle care." Iniwas niya ang tingin at niyakap ito. "I will take care of your heart and in return, please take care of mine."
Ginawaran nito ng halik ang kanyang ulo. "Malalagot ako kay Yaya Celia kapag sinaktan kita."
Natawa siya. "Mas takot ka pa kay Yaya kaysa sa Daddy ko."
"Sabi mo naman ipaglalaban mo ako sa Daddy mo. Kaya mo na 'yon mag-isa."
Marahas na naiangat niya muli ang mukha rito. "Grabe!" Napamaang at napakurap-kurap talaga siya sa pagkamangha.
Tumawa ito. "Go Marison! Defend me."
Sa huli ay natawa lang siya. "Alam mo -"
"Alam kong gwapo ako."
"Pasalamat ka birthday mo."
"Thank you, happy birthday."
"Loko-loko ka!"
Lalo lang itong natawa. "Matagal na." Nagulat siya nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. Awtomatikong naipikit niya ang mga mata at gumanti ng halik. "If you weren't sore. I'm already undressing you right now." Agad na nag-init ang mga pisngi niya. "But I can wait for a few more days."
Namilog ang mga mata niya. "Uulit tayo?"
Shuks! Tinawanan lang siya ni Jude imbes na sagutin siya. Napa-isip tuloy siya. Ilang beses pa nilang gagawin 'yon?
"But let's not tell them yet."
"Why?"
"Aasarin lang tayo ng tatlong 'yon. Let's keep our relationship a secret for now." Hinalikan siya nito sa noo. "Okay lang ba?"
Ngumiti siya at tumango. "Sure!"
At saka mabuti na rin 'yon. Ayaw niya rin mag-explain. Sigurado rin naman siyang sasabihin din ni Jude sa mga kaibigan nito. Not now but soon. She will enjoy their secret relationship muna. She will not demand anything from Jude. Masaya naman na siya na kasama ito. Okay na siya roon.
NAPUNO ng tawanan ang sala. Halos ubos na ang dessert na inilapag kanina ng mga katiwala sa wooden coffee table. Napalitan ng ilang bote ng light beer. Hindi siya umiinom ng mga alcoholic drinks but she tried one bottle. Medyo mapakla lasa pero okay naman. Sasabayan niya na lang ng tubig.
Pagkatapos nilang kumain ay naupo silang lahat sa sala para magkwentuhan at magbukas ng mga gifts para kina Jude at Simon.
Kanina pa inaasar ni Jam si Simon sa suot nito. Hindi man lang nag-ayos si Simon sa birthday nito. He was only wearing an oversized orange long sleeve knitted shirt na halos lagpas na sa mga kamay nito ang haba ng manggas at black track pants. May suot na itim na medyas kahit naka tsinelas. Unan na lang kulang at mukhang may dadaluhan itong pajama party na si Simon lang ang invited.
"Lumipat ka nga ng upo, Simon. Nasisilaw ako sa damit mo," reklamo ni Juan. Katapat kasi nito si Simon.
Tinawanan lang siya nito. "Bahala ka sa buhay mo."
"O, Ponkan may gift ako sa'yo," tatawa-tawang singit ni Jam. Kinuha nito ang naka gift wrapped na regalo sa sahig at inabot kay Simon na nasa malapit lang nito .
Gusto niyang hulaan ang regalo ni Jam. Feeling niya kasi tama ang nasa isip niya. Sa porma pa lang, halatang-halata na. Malaki ang ngiti na tinanggap ni Simon ang regalo.
"Ano ba 'to?" he asked habang sinisira ang gift wrap. Tawang-tawa ito nang makita ang laman. Sabi na e. "Gago ka!" Ang lakas ng tawa ni Simon. Pati sila ay natawa. Ang regalo ni Jam ay isang basket ng corned beef in can na good for 1 month supply na yata. "May balak ka bang umayin ako sa corned beef?"
"Sinabi ko bang kainin mo 'yan araw-araw?"
"Here's mine." Mula sa gilid ng upuan ni Juan ay inilabas nito ang isang plastic box ng Noche Buena products. Tawang-tawa na naman si Simon habang tinatanggap ang regalo. "Ako na nag-adjust. Alam kong 'di ka rin bibili ng stocks mo. You're welcome."
"Grabe sila sa'kin! Sana sinamahan n'yo nang pang-salad. Pang-spaghetti lang 'to e."
Tawang-tawa na naman sila. Lalo na si Tita Nel. Si Juan na hindi madalas ngumiti at tumawa ay tawang-tawa. Grabe 'tong si Simon. Ang kulit!
"Kapal ng mukha nito!" ni Jam.
"Ikaw Jude, ano gift mo sa'kin?" baling na tanong nito kay Jude.
Jude smiled and tossed a small box towards Simon na mabilis nitong nasalo. "Wala akong maisip. 'Yan na lang. Dagdag mo sa collection mo." Naka gift wrapped 'yon ng blue.
"Magpo-propose ka ba sa'kin? Bakit mukha 'tong kaheta ng sing-sing? Magkano value nito kapag sinanla?"
"Lol! Asa ka."
Tumawa lang si Simon saka sinira ang gift wrap. "Ka piste!" he cursed at lalo pang natawa. Shot glass lang naman ang laman ng box. "Ang dami ko na nito sa bahay ni Thad."
Jude chuckled, "Pandagdag mo nga ng collection."
"Halatang lasenggo e," ni Jam.
"Alam n'yo bang na sermonan na ako ni architect sa mga shot glass ko na naka imbak lang sa cupboards niya sa kusina. Syempre 'di n'yo alam kasi ngayon ko lang sinabi." Tumawa muna ito bago nagpatuloy. "Kaya hayon, nilipat ko sa kwarto ko at bumili ako ng wine cabinet para sa mga shot glass."
"Magpatayo ka na kasi ng bahay mo," ni Jam.
"Malapit na."
"Parang ilang taon na namin 'yan narinig sa'yo Simon," ni Juan.
Bumungis-ngis ito. "Parang ilang taon na rin kayong umaasa."
"Gago!"
"O, ang dami nang gift kay Simon. Wala bang kay Jude?" asked by Tita Nel.
Inabutan ni Jam si Jude ng picture nito. Nakangisi ito. "Para maiba naman. Ako naman magbibigay ng autograph."
Natawa si Jude. "Gago! Aanhin ko 'to?"
The photo is the same size as a postcard pero graduation photo 'yon ni Jam na may signature nga nito.
Ang kulit!
Jam chuckled, "You're welcome. Oy, ikaw lang binigyan ko niyan. Makaramdam ka naman ng saya, Jude Asrael. Huwag mong ipanakot 'yan sa mga daga."
"Kawawang mga daga," komento ni Juan while suppressing his smile sa pag-inom ng sariling bottle of beer nito.
"Ryuu Juan," sita ni Tita Nel kay Juan. Ibinaling nito ang tingin kay Jam na nasa tabi lang nito. "You look handsome in that photo, anak."
Yumakap si Jam sa mama nito. "Mana sa'yo, Mama."
Pinigilan niya ang matawa sa naging reaksyon ni Juan. Nahuli niyang ngumuso ito sa inis sa tabi ni Tita Nel.
"Here's mine." May inabot na resibo si Simon kay Jude. Sinilip niya kung ano 'yon. Tawang-tawa siya sa nabasa. Si Jude naman napakurap-kurap. 'Di yata sigurado kung anong tamang reaksyon sa regalo ni Simon. "Resibo ng pamisa ko sa'yo sa simbahan noong birthday mo." Ngumisi ito. "You're welcome."
"Ang buraot mo talaga Simon," akusa ni Jude rito sabay iling na sa huli ay naging tawa.
"Direct to God na kaya ang gift ko sa'yo. Ganyan kita kamahal, Hudas. Sagad hanggang langit."
"Tamaan ka ng kidlat diyan sa pinagsasabi mo."
"Mauna ka."
"Boang!"
Tinawanan lang ito ni Simon.
"Ikaw Juan?" ni Jam.
Ibinaba ni Juan ang bote ng beer sa mesa at pinagdaop ang mga kamay. "Dasal. Dasal ang regalo ko sa'yo, Jude - aray!" Nagusot ang mukha ni Juan nang paluin ito ni Tita Nel sa likod. "Maaa!"
"Puro ka biro. Ang dami mong oras 'di ka man lang nakabili para kay Jude."
"Ano namang mabibili ko rito sa Alo? Gulay? Saka na ako magbibigay pagbalik ko ng city. Okay na 'yong dasal. 'Di ba, Jude?"
Tumawa lang si Jude. "It's okay, Tita Nel. Dami na ring nabigay sa'king gulay si Juan. Malaki na garden niyan sa Faro. Kubo na lang kulang."
"See?"
"Sasagot ka pa, Ryuu Juan?"
"Hindi po," nakanguso na namang sagot ni Juan sa ina nito.
"E, si Mari?" asked Jam. Napatingin ang lahat sa kanya. "Anong gift mo kay Jude?"
Bigla siyang na conscious nang mapansing nakatingin din si Jude sa kanya. Shuks! Huwag sanang mamula ang pisngi niya. Iba kasi kung makatingin si Jude. Tila may pinapahiwatig. He was looking at him innocently pero tila nanunukso naman ang mga mata.
Okay, Mari. Don't get distracted. Ano ba 'yan, kainis!
Ngumiti siya.
"Nabigay ko na." Lalo lang napatitig ang lahat sa kanya. Napakurap-kurap siya. Ah, wait. May kulang. "'Yong bracelet na gawa ko. Naibigay ko na."
Iba yata iniisip ng mga 'to. Well, tama naman, pero 'di ako aamin. Magkamatayan na, walang Marison na aamin kahit sa Daddy ko. Period.
Itinaas ni Jude ang kaliwang kamay. "Here, gift ni Mari. Gawa niya." Pinakita nito sa lahat ang bracelet.
"Sweet naman," nakangiting komento ni Tita Nel. "At ang ganda. Pinaglaanan talaga ng panahon ni Mari."
"Parang bagay din 'yan sa'kin," komento ni Juan.
Namilog ang mga mata niya. Natawa si Jam. Naikiling ni Simon ang ulo. Gulat na gulat naman na napatingin si Tital Nel kay Juan.
Ngumiti si Juan sa kanya. "Gawan mo rin ako niyan Mari."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro