Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

PIGIL ni Marison ang matawa, even Tita Janella was suppressing her laugh in a smile. Paano ba naman kasi? Ang apat na lasing na lasing kahapon ay tulang-tulala sa kanya-kanyang upuan habang naglalapag sila ng mga pagkain.

Maaga siyang nagising kanina kaya tumulong siya sa paghahanda ng breakfast.

Si Jude panay ang masahe sa leeg at sentido. Si Jam literal na tulala. Si Juan nakatulala pero panay pa rin subo ng hotdog. Si Simon nagkakape pero tulala. Hangover talaga ang apat. Traydor lang 'tong si Jude. Iniwan ang mga kainuman.

Inilapag niya ang isang tasa ng kape sa harapan ni Jude at naupo sa tabi nito.

"Thanks," anito, bahagya pang lutang.

Na-i-kwento na nga sa kanya ni Tita Janella na hobby talaga ng mga ito ang mag-inom kapag nagsama-sama. Talaga raw lasing kung lasing. It wasn't that hard to believe dahil nakita niya kung gaano kalasing ang apat kagabi.

Naupo na sa kabisera si Tital Nel.

"Anong plano n'yo ngayon?" basag nito. "Hihilata pagkatapos n'yong magpakamatay sa alak kagabi?" She could hear humor in Tita Nel's voice kahit na seryoso ang mukha nito.

"We'll go out," sagot ni Juan. "Probably go in Bojo River and Hermit's Cove."

"Talaga lalabas ka?" tudyo pa ni Simon.

"Sasama kayo."

Natawa ang ginang. "I-tour n'yo si Marison," anito sabay tingin sa kanya na may ngiti. She smiled back. "Tutal nalibot n'yo naman ang Aloguinsan. Maging tour guide muna kayo ni Mari."

Past 10 am sila umalis ng bahay. Si Jam ang nagmaneho ng sasakyan. They're on their way to Bojo River. She was excited to see the place. Sabi kasi ni Simon para raw 'yong little Palawan although 'di pa naman talaga siya nakakapunta ng Palawan but she already saw some photos of the place online.

When they reached the place kailangan pa nilang maglakad nang kaonti from the main road to the what they call Nipa Hut. Hindi niya maiwasang maigala ang tingin sa paligid. It was like entering a beautiful forest. Napakaaliwalas ng paligid puro luntian at naririnig niya ang huni ng mga ibon.

Sa lugar na 'to mo talaga nararamdaman ang kalikasan.

Naglalakad na sila sa bamboo bridge at nakikita na niya ang river mula sa nilalakaran niya. Nauna na sila Jude, Jam at Simon. Hindi naman malayo ang tatlo. Panay nga lang ang video ni Jam sa paligid.

Si Juan ang halos nakaagapay sa kanya.

Hindi naman intimidating si Juan. He was just tall. Matangkad naman ang apat but Juan's presence is like a towering building. A sleeping volcano na bigla-bigla na lang magsasalita if gusto nito. Hindi siya natatakot doon but there something in his aura that also intrigues her.

"Jude already told me about you," basag nito. Naingat niya ang tingin dito. "I am assuming he had taken you in a lot of good places already?" Namilog ang mga mata niya nang ngumiti ito. "Enjoying your roadtrip so far?"

She nodded with a smile. "Ang dami pa lang magagandang lugar sa Cebu."

"Yup. Kailangan mo lang i-discover. How's Jude?"

"Okay naman, so far, nag-e-enjoy din naman ako sa company niya. Matagal na kayong magkakaibigan?"

"Yeah. We met in Faro."

"Faro?"

"It's an exclusive subdivision in the northern part of Cebu. It was named after the old lighthouse just beside the subdivision gate."

"May bahay din doon si Jude?"

"Not really, he's staying with his cousin Thad."

"I see," tumango-tango na lamang siya. Parang may naalala siyang lighthouse sa North na hindi naman masyadong malayo sa city.

Hindi ba 'yon Faro de Amoré? But Jude didn't confirm to her na he's staying there.

O baka Juan is referring to a different Faro?

"Wala gaanong alam si Jude sa hometown ko, but you seem to be interested." Naiangat niya muli ang tingin dito. "You wouldn't mind me talking all day?" Ngumiti ulit ito. Fine, she wouldn't deny the fact that Juan is such a natural charmer.

"Oh!" Singhap niya nang kamuntik nang liparin ang suot niyang white wide brim hat. Mabuti na lang at naipatong ni Juan ang isang kamay sa ulo niya. "T-Thanks."

"Ayieee!"

Halos sabay silang napatingin sa harap. Simon was grinning at ito rin ang nanunukso kanina. Jude was not smiling while Jam was taking a video or photo of her and Juan. Doon niya na realize na sobrang lapit na pala nilang dalawa ni Juan. Considering the small pathway of the bridge they're walking.

Nakasandal na siya sa wood railing, nakapatong pa rin ang isang kamay ni Juan sa brim hat niya habang nakawak ang isang kamay sa wood railing sa right side kung saan nakikita nila Jude.

Ikiniling ni Simon ang ulo sa kaliwa nito saka humalukipkip. "Pwede na siguro ako mag change ship. Bagay rin pala sila Juan at Mari." Ibinaling nito ang tingin kay Jude. "Anong say mo?"

"Well, it's always up to Mari."

Lumayo na si Juan. "Ang issue mo Simon," anito.

Tumawa lang si Simon. "Advance lang ako mag-isip. Anyway, let's go. Masyado nang mataas ang araw." Nauna na itong maglakad ulit. Sumunod si Jam. Pero tinignan muna siya ni Jude bago ito sumunod sa dalawa.

"Are you worried about Jude's reaction?" Natigilan siya sa biglang tanong ni Juan. "Is he courting you?" Napakurap-kurap siya. Juan slightly chuckled, "Don't worry, he wouldn't mind. Let's go."

Tahimik si Juan pero hindi niya inasahan na ang sinasabi nitong talking all day ay literal na magiging madaldal ito nang sobra. She was amused by his suddent shift of personality. It was like meeting two versions of Juan.

Nang makarating sila Nipa Hut ay nagbayad sila ng entrance fee pati na rin para sa bangka at tour nila sa Bojo River. No literally but her jaw drop in awe at the ethereal beauty of Bojo River. Panay ang kuha niya ng video at photo sa paligid. Nagpa-picture pa siya kanina kay Juan. Gusto sana niya sa polaroid cam niya but hindi siya maganda sa ganitong trip so she left at home. Gamit na lang niya ang camera niya na may waterproof case.

"I'm proud to say that Aloguinsan became part of Top 100 Sustainable Destination in the world in the 2016 World Tourism Day," basag ni Juan. Nabasa yata nito ang confused reaction niya. She has no clue about that. "I'm assuming you have no idea about that. Well, to start with, pagdating sa tourism, involved lahat ng community in preserving the flora and fauna. Also, aside from being knowledgeable, katulong ng lahat para mapanatili ang ganda ng mga local tourist destination sa Aloguinsan."

"Meaning, disiplinado ang lahat pagdating sa ecotourism."

"Yup, we avoid distruptive mass tourism. As much as we want, nature should always be the top priority. Although tourism can boost an economy, however, we also have to reconsider our treasured ecosystem."

Napangiti siya. "So you also have a green thumb?"

"Well, you can say na isa sa reason kung bakit ako naging vet ay dahil sa malaking pagpapahalaga ko sa mga hayop at kalikasan."

"Bakit 'di ka naging Scientist?"

Juan chuckled, "I just don't think being a Scientist fits me." Lumagpas ang tingin nito sa kanya. Lumingon siya sa tinitignan nito. Sumisinyas na pala si Simon na lumapit na para sa brief orientation bago ang river cruise. Tinapik siya sa braso ni Juan. "Let's resume the talking later."

Tumango siya at sabay na silang lumapit kina Simon.

Napansin na niyang ang tahimik ni Jude. Nakikipagkulitan naman ito kina Jam at Simon pero parang umiiwas ito sa kanya. Ayaw niyang isipin na nagseselos ito dahil na kay Juan ang atensyon niya. Well, hinahayaan lang naman siya nito.

Kahit sa pagsakay nila sa maliit na bangka ay partner pa rin sila Juan. Si Jam at Jude ang magkasama at nag-solo naman si Simon kasama ng boatman-slush-tour-guide nito.

Maliit lang talaga ang bangka. Balsa nga lang yata 'yon. Sakto lang ang tatlo. Magkaharap sila ni Juan at may kanya-kanya silang suot na life vest.

"Juan kailangan ka ba nakabalik dito?"

"Kahapon lang, Kuya Choy. Kumusta kayo rito?" Maliit lang naman ang Aloguinsan. Hindi na nakapagtataka na kilala ng mga locals sila Juan at Jam. "Kumusta ang mga turista?"

"Aba'y ayos na ayos naman. Nakakapag-pangisda pa kami minsan. Saka madaming mga foreigners ngayon at taga Cebu lang din na dumadayo."

"Mga ilang oras usually bago tayo makarating sa dulo?" tanong niya.

"Thirty to forty-five minutes," sagot ni Juan.

"Malayo rin pala."

"Girlfriend mo, Juan?" may himig na panunukso ni Kuya Choy.

Tumawa si Juan. "Hindi po. Kasama ng isa sa mga kaibigan ko. Pinasyal ko lang. Si Marison nga pala. Mari, si Kuya Choy. Matagal na siyang tour guide dito saka sa kanya kami bumibili ng isda."

Ngumiti siya rito. "Hello po."

"Welcome to Aloguinsan, Ma'am."

"Salamat po."

Ibinaling na niya ang tingin sa paligid.

Green na green ang tubig at sobrang linaw. Wala man lang mga basura. Nakikita pa niya ang mga isda. Tila aisle ng mangroves trees ang river. Para siyang napasok sa ibang mundo.

"Ang ganda," she mouthed in pure awe.

"Kuya Choy, ako na magkukwento," ni Juan, "relaks ka lang diyan."

Tumawa lang ito, "Sure!"

"You know what's good about the tourism system in our place, Mari?" Ibinaling niya ang tingin dito. "We provide work for our locals. Kagaya ni Kuya Choy. Mangingisda sila pero binibigyan sila ng pagkakataon para pagkakitaan ng pera ang pagiging tour guide. Of course, hindi naman pwede na hindi sila maalam. They will have to pass a moving exam to be qualified. They are also knowledgeable in terms of proper ecotourism, the importance of flora and fauna and the history of Aloguinsan. 'Di ba, Kuya Choy?"

"Oo naman. Alam namin lahat 'yan. Marunong na din kami magsalita ng kaonting Ingles ngayon."

"Naks, level up na pala."

"Opkurs!"

"So bakit Bojo River? Is it something related to the boho word in Bisaya?"

"Actually, dalawa ang definition ng Bojo. It can be spelled with j but it is pronounce as bo-ho. It's a Spanish term that means river ceiling. But in locals like us it would also mean a hole or an inlet, most specially 'yong mga inlet na ang end ng river ay dagat."

"Kaya pala."

"We have at least 22 species of mangroves growing in the area. Wave barriers and serves as habitat for fishes and living organisms living in the water. Not to mention, kapag may oil spill."

Napangiti siya. "Ang galing! Alam mo rin 'yon?"

"Papasa na akong tour guide dito pero busy akong tao. At dahil kaibigan ka ni Jude, hindi na kita sisingilin ng bayad."

"Pero sa end part ng sentence mo parang maniningil ka pa rin."

Juan chuckled, "Marunong ka magluto?"

"Alam ko na! Gusto mong ipagluto kita?"

"Yup. Look, nakikita mo 'yang mga bubbles na 'yan sa tubig. When you see like that in a river. It's a sign na may enough level of supply ng environmental oxygen ang lugar. Isa sa mga benefits na nabibigay ng mga mangrove trees."

"I see. No wonder na napaka unspoiled ng lugar."

"Inaalagaan kasi namin, Ma'am Mari," sagot ni Kuya Choy. "Parang 'yong tag line namin na nakita n'yo kanina sa dock. Bahala nag way forever. Basta naay Bojo River." It means, okay lang kahit walang forever basta may Bojo River.

"Ang bitter pakinggan, Kuya Choy!" ni Juan.

Malakas na tumawa si Kuya Choy. "Ay syempre! Aanhin mo ang habangbuhay kung masisira naman ang kalikasan."

"You have a point."

Naaliw na siya sa dalawa pero mas natawa siya nang makitang nakatulog na si Simon sa bangka nito. Kaya pala ang tahimik. Walang nag-iingay na Simon. Ibinaling niya ang tingin sa bangka nila Jude at Jam. Nahuli niyang tumingin si Jude sa direksyon niya pero nang tumingin siya ay bigla nitong iniwas ang tingin.

Ang trip ng 'sang 'yon?

"If I may add, we have at least 71 species of birds in the whole area," ni Juan. Ibinalik na niya ang tingin dito. "Mga sampung migratory birds at makikita mo lang kapag madaling araw at patakip silim na."

"Saka, Ma'am Mari, bago 'to naging tourist destination part 'to ng fishing village dito."

"It was also believed," dagdag ni Juan, "na naging refuge ang lugar na 'to ng mga tao noon kapag may bagyo o masama ang panahon. Dito rin daw nagtatago ang mga Cebuano Warriors laban sa mga Spanish at Japanese colonizers. 'Di ba, Kuya Choy? Kaya siguro naisip nila na dito makikita ang Yamashita's Treasure."

"Oo, hidden river naman kasi. Saka kahit noon pa. Pinaniniwala ng mga tao rito ay pinangangalagaan ito ng isang engkantada."

Parang na curious sa myth na 'yon. May fascination din kasi talaga siya sa mga local legends. Ang dami nang na-i-daldal ni Juan. Sobrang informative. Hindi niya tuloy namalayan na nakarating na sila bunga-nga ng river.

"Nandito na tayo," anunsyon ni Kuya Choy. "O, pwede nang mag-picture. I-anggulo ko lang ng maganda ang bangka natin."

Napansin niyang lumapad na ang river at malalaking cliff na ang nasa kaliwa at kanan nila. Napansin niyang may swirling sa paligid.

"Ano naman 'yan?" turo niya.

"You see swirling in the waters because dito na part nag-me-meet na ang dagat at ilog."

"Sana all nag-mi-meet."

Natawa naman si Juan. "Sweet 'di ba? Anyway, gusto mo picture-an kita?" Tumango siya. "Give me your camera." Inabot niya rito ang camera niya. "Move a bit in your right." Itinaas nito ang camera sa mga mata. "Good, maganda talaga umanggulo si Kuya Choy. Smile."

Afte a couple of photos and videos. Juan asked Kuya Choy to paddled out in a certain area kung saan malinaw niyang nakikita ang mga isda at corals. Ang dami pang explanation na sinabi ni Juan. Ang passionate nito mag-kwento about sa mga corals at sa mga isda.

"Paglabas mo rito sa river, Tañon Strait na, nakikita mo 'yon? Negros na 'yon."

"Ang lapit na pala."

"Yeah. Kapag trip mo lang, punta kang Negros."

Dahil wala naman silang balak maligo ay nag-stay lang sila roon. Pero biglang nagising si Simon at sa 'di inaasahang pangyayari ay nahulog ito mula sa bangka kasama ang bangkero nito. Tawang-tawa si Jam dahil saktong nasa direksyon ni Simon ang camera nito.

"Ataya bai!" mura ni Simon nang makaahon.

"Tulog pa!" pang-aasar pa ni Juan.

"Hoy, samahan n'yo nga ako maligo."

"Mag-isa ka riyan."

"Daya!"

Habang nagkakaasaran sila ay naiangat niya ang mukha sa isa sa mga cliff na naroon. May isang rock formation doon na kakaiba. Nahahatak siya. Parang cave yata noon.

"Napansin mo rin pala." Nagitla siya nang marinig ulit ang boses ni Juan. "Tinatawag 'yan dito na The Cathedral. Hindi ko alam kung bakit The Cathedral siguro dahil ang paniniwala nila noon. Spirits used to live in there."

"What do you mean?"

"Nabanggit ko sa'yo kanina na may engkanto na nangangalaga dito. They even say na may barkong dumadaan dito sa gabi. Ang paniniwala naman dito, ang mga engkanto na naninirahan dito ay mababait. Minsan nga lang makukulit. Some of them play pranks with the boats of the fishermen na nadadaan dito. Pero noong unang panahon talaga. When villagers asked something in this cave binibigay ng engkanto. Babalik ka lang dito sa umaga o gabi dahil 'yon ang oras na makikita ang mga bagay na gusto mong hiramin."

"Hanggang ngayon?"

"Hindi na. I'm not sure exactly kung kailan tumigil pero over the years, naging abusado ang mga tao. Hindi na nila ibinabalik ang mga pinapahiram ng mga engkanto sa kanila. Hanggang sa nagsawa ang mga engkanto at tuluyan na ngang hindi pinapansin ang mga kahilingan ng mga tao."

"Nakakalungkot."

"That kind of toxic mentality applies in almost every aspect of our lives. We only realize the true value of things when it's no longer there. Wala namang pagsisisi na nasa unahan. Parang bbq, nasa huli lagi ang taba."

Natawa siya. "Akalain mong na isip mo pa 'yang analogy."

"Well, it's easier to grasp an idea when you use a simple variable as comparison."

"Kaya pagkain ang ginagamit mo?"

Ngumiti si Juan, "Everything related to food entices me." Bumaba naman ang tingin nito sa kanyang kaliwang kamay. "That bracelet." Tukoy nito sa orange beads bracelet niya. Nag-angat ito ng tingin. "Where did you get that?"

"My yaya gave it to me. Nabili niya sa isang kakilala niya. Bakit?"

"Pareho kayo ng bracelet ng fiancee ng kaibigan ko."

Namilog ang mga mata niya. "You mean, nakakarinig din siya?"

Kumunot ang noo nito. "What do you mean nakakarinig? You mean, sixth sense?" She nodded. "Yes, she can see ghost and elemental beings. Pero in most circumstances 'di niya naririnig ang mga boses ng mga kaluluwa."

"Nasa Faro din siya?"

"Yup."

Gusto niyang makilala ang babaeng tinutukoy ni Juan.

"So you see spirits?"

Umiling siya. "No, I can't see them, but I can hear them. Hindi ko alam kung nabanggit din sa'yo ni Jude ang tungkol sa aksidente ko. And I don't think I've mentioned to him na may third ear ako." Natawa siya sa huling sinabi. "If that term really exist," dagdag niya.

"Amazing, ngayon lang ako nakakilala nang ganyan."

"Hindi inborn sa'kin 'to. I started hearing them after I lost my sight in a car accident. Akala ko noon mga tao lang sa mansion ang naririnig ko but then I noticed something different. Kinikilabutan na ako sa mga bulong na naririnig ko. It gave me sleepless nights. Pero nang suotin ko 'tong bracelet 'di ko na sila naririnig."

"Hindi mo na try hubarin 'yan?"

"As much as possible ay hindi. Takot akong mawala sa'kin 'to. Kaya iniingatan ko talaga 'to."

"I understand. May mga gifts talaga na mahirap tanggapin lalo na kung 'di mo pa alam paano 'yon gagamitin. But I believe, you will find out the purpose of it soon."

Tipid siyang ngumiti. "Hopefully, hindi nakakatakot. Mababaw pa naman tolerance ko sa paranormal thing."

"You'll get the hang of it when you find friends who shares the same sentiments. For now, huwag mo muna i-pressure ang sarili mo."

"I'll take note of that. Thanks, Juan."

"You're welcome." Lumagpas na naman ang tingin ni Juan. He was looking at Jude and Jam. Hindi naman nakatingin ang dalawa sa kanila. "Anyway, how well do you know Jude, Mari?"

"Not much," amin niya. "I know most of his favorites and dislikes from magazines." Ngumiti siya. "Pero sa nakalipas na mga linggo. Hinayaan ako ni Jude na mas makilala pa siya."

Ibinalik ni Juan ang tingin sa kanya.

"When the river and the sea meets. I wonder what current prevails in the middle?"

"Hmm?"

Nahiwagaan siya sa sinabi ni Juan.

Ngumiti ito. "Be like a mangrove, Mari. Make yourself a barrier of any waves that tries to ruin your treasured habitat."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro