Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

"WELCOME HOME MY DEAR SONS!"

Salubong na bati sa kanila ng may edad na babae na nakasuot ng red floral maxi dress. Sobrang ganda nito. Parang artista. Agad na niyakap nito sila Jam at Juan. Nakasunod ang husky na aso ni Juan sa dalawa habang karga-karga ni Juan ang pusa nitong parang hinulmang munchkin.

Wait? Sons? Magkapatid sila?

Mabilis na iniangat niya ang tingin kay Jude. "Magkapatid sila?"

"Step-brothers," nakangiti nitong sagot, "Dalawang beses nag-asawa si Tita Janella. Dalawang beses din na b'yuda. Anak ni Tita si Juan sa una niyang asawa na Koreano. Anak naman ng second husband nito sa unang asawa nito si Jam."

Manghang ibinalik niya ang tingin sa mag-iina.

"Wow," she mouthed. "Kaya pala hindi sila magkapareho ng last name."

"Yup."

Umangat naman ang tingin ng ginang sa kanila. "O, Simon. Kumusta?"

"Hai! Genki desu," nakangising sagot ni Simon sa ginang saka nagmano. Yumakap ito rito at humalik sa pisngi. "How are you, Tita Nel?"

"Gwapa g'yapon!" Napansin na sila ni Jude nito. "Jude?" namilog ang mga mata nito. Quite surprise that she saw Jude with them. "Sumama ka?"

Jude chuckled. "Nagbabakasyon lang, Tita Nel. O, by the way, this is Marison," pakilala nito sa kanya pagkatapos. "Marison, Tita Janella."

Ngumiti siya. "Hello po." Lumapit siya at nagmano rito.

"Kaawaan ka ng Dios, hija. Kagandang dalaga naman nito." Nagmano rin si Jude rito. "Kaibigan mo?"

"Special friend, Tita," sagot ni Simon na nakangisi.

Kakaiba ang ngiti at tingin na ibinigay ni Tita Nel kay Jude. Parang may gusto itong itanong kay Jude pero 'di nito magawang itanong dahil nandiyan siya. Na curious tuloy siya.

"Well, it's good to see that you're okay, Jude," may lambing sa boses ng ginang. Tinapik nito sa braso si Jude. "Come," saka siya tinignan, "nakahanda na ang breakfast sa garden. Huwag kayong mag-alala. Dinamihan ko ang pagkain." Humagikhik ito. "Malakas kasi kumain 'yang si Juan. Mahirap nang kulangin at baka may bumalibag na mesa."

"Maaa!" saway ni Juan na naniningkit pa ang mga mata.

"Oo na! Oo na! Hali na kayo. Alam kong napagod kayo sa b'yahe."

Literal na farmhouse talaga.

Saka ang ganda ng two storey cabin-inspired na bahay nila Juan. Modern na modern pero parang mansion version ng bahay kubo. Mukhang malawak ang sakop ng farmhouse. Madami pa silang malilibot. 

Papasok na sila ng bahay nang may makasalubong silang mga tao yata nila Tita Nel. May dalang kaing ng mga green mangoes. Bigla siyang naglaway. Mukhang matatamis ang mga indian mangoes na 'yon e.

"Ang sarap ng mangga," hindi niya alam na naisatinig niya 'yon.

Umatras naman si Simon para makaagapay sa kanila. "Jude, kailan naman manganganak si Marison?" tumatawang tanong nito kay Jude.

Naibaling niya ang mukha kay Simon. "Oy! Wala." Mabilis na ikinumpas niya ang mga kamay rito.

"Ulol." Itinulak ni Jude mula sa balikat si Simon. "Maluwag na naman turnilyo ng utak mo."

"Mari, ninong ako ah," nakangising dagdag nito.

"Sige," nakatawa niyang sagot, "kapag nagbunga ang mangga."

"Joker!" Turo nito sa kanya. "Batman." Turo naman nito kay Jude.

"Simon may napansin ako," ni Jude.

"Ano 'yon?"

"Nawawala ang pake ko sa'yo."

Tawang-tawa naman si Simon. "Burn! Insert shining shimmering emoji ni Iesus." Itinaas pa nito ang isang kamay na parang naghuhulog ng glitters. Hindi niya gets pero tawang-tawa siya. Ang kulit talaga ni Simon.

"Lumayas ka na nga sa harap ko." Itinulak muli ito ni Jude paharap – mas marahas pa ngayon. Halos tumilapon si Simon e. "Nagdidilim paningin ko sa'yo."

"Paanong dilim ba 'yan?"

"Mamaya."

"Nakaka-excite!" anito na parang kinikilig pa.

Gosh!


"TAGAY!"

Inilapag ni Simon ang isang buong lalagyanan ng distilled water na tuba na ang laman. Napailing siya. Talaga naman ang 'sang 'to. Kapag inom, buhay na buhay. Nasa lanai sila ng bahay. Naglabas sila Jam at Simon ng mesa at mga bangko.

Umangat ang mukha niya sa bintana ng kwarto ni Marison.

It was already past 8 pm on his watch.

Nang iwan niya ito kanina sa silid nito ay pumasok si Tita Janella para makipagkuwentuhan dito. Mukhang wala ng tao sa kwarto dahil patay na ang ilaw.

"Walang matutulog na hindi nalalasing, ah?" banta pa ni Simon.

"O, nandito na pulutan natin!" nakasigaw na sabi ni Jam habang naglalakad palapit sa kanila. May hawak itong maliit na bowl.

Galing ito sa loob. Nagpaluto kasi 'tong si Simon ng corned beef. Pulutan daw aside from the chicharons that they have on the table and few junk foods they found inside the grocery storage room.

Ngiting-ngiti si Juan habang kumakain ng Mang Juan.

They positioned their seats in circles, nasa gitna nila ang mesa. Gaya ng dati. Isang baso lang gagamitin. Hawak ni Simon ang baso at nagsimulang magsalin ng tuba roon.

"I miss this!" nakangisi nitong sigaw.

Natawa naman silang tatlo. "Gago!" ni Jam. "Kakainom mo lang kahapon. Uhaw ka na naman? Lasinggo ka talaga."

"Ako?" tumatawang itinuro nito ang sarili habang hawak ang baso. "Kailan ko ba 'yan in-deny?"

Binato itong chichirya ni Juan. "Mukha mo!"

"Well, at least, ako? Lasinggo. E, ikaw Juan? Gluttony na 'yang sa'yo. Kakakain mo lang. Kakain ka na naman."

"Teka," sinilip ni Juan ang loob ng chichirya, "hahanapin ko muna pakialam ko."

Muli na naman silang natawa.

"Mga gago!" aniya. Kumuha siya ng chicharon. "Magsimula na nga tayo. Tagal n'yo e."

"Malungkot?" asar na naman ni Simon. "Gustong makalimot?"

Binato niya itong chicharon. "Boang!"

Malakas lang na tumawa si Simon. "Pero 'di kita bibitinin diyan, Jude. Balak talaga naming lasingan ka. Miss na naman kakulitan mo."

"Oo! 'Yongngilingnijude!" singit pa ni Jam na tahimik pa lang tinitira ang corned beef na niluto nito.

"Napakabakaaa mo Jameson!" Marahas na inagaw ni Simon ang plato kay Jam. "Sinabi kong magluto ka. Hindi ko sinabing kainin mo."

"Ay hindi ba?" nakangisi nitong balik tanong. Natawa siya. Parang nang-aasar pa 'to si Jam. "Akala ko kasi share."

"Hindi!"

"Hindi ako na inform," Jam chuckled.

Napansin niya namang pasimpleng kinuha ni Juan ang baso habang nag-aaway pa sila Simon at Jam.

"Hoy!" sigaw ni Simon. Nahuli nito si Juan. Tawang-tawa naman ang huli at inisang tungga ang laman ng baso.

"Woah!" sigaw ni Juan, bahagyang napangiwi sa matapang na lasa ng alak.

"Sige! Ngayon n'yo sabihing ako lang ang lasinggo sa atin?" Itinuro ni Simon si Juan. "Anong tawag kay Juan?"

"PG?" he answered, sounding like a guess, but he meant it as a joke.

"Palaging Gwapo?" inosenting sagot ni Juan.

Tawang-tawa naman si Jam. "Wow! Iba!" Pinalakpakan nito ang kapatid at sinaladuhan pa. "Pahingeng confidence kapatid."

"Ikaw lang ang legal na kapatid pero hindi naman ikaw ang mahal."

"Sa tingin mo affected ako?" Nagsalin ng tuba si Jam at pinuno ang baso saka tinungga ang laman. Bahagya pa itong naubo. "Piste! Suka man ni oy. Wala ba tayong beer? Red horse diyan? Empe na lang."

"Daming request!" Inagaw ni Simon ang baso at sinalinan ulit 'yon ng alak. Inabot na nito 'yon sa kanya. "Ikaw na, Jude." Tinanggap niya ang baso at inisang lagok ang alak. 

Napangiwi siya sa magkahalong tapang at asim nun. "Ang tagal ko nang 'di nakakainom nito." Ibinalik niya ang walang lamang baso kay Simon.

"So," simula ni Juan, "what's with you and Mari?"

"I also have the same question," segunda ni Jam habang nagbubukas ng chichirya. "Akala namin mag-isa ka lang na maglilibot?"

Naningkit ang mga mata niya sa dalawa.

"What are you planning, Jude?" seryosong tanong ni Juan.

Hindi siya nangangamba na marinig sila ni Mari dahil mukhang nagbabantay din ang tatlo sa paligid. Mas mahina na rin ang boses nila ngayon.

Bigla niyang naramdaman ang tension sa pagitan nilang apat. Umayos siya ng upo at humalukipkip. He already expected that discreet interrogation from the two. Simon knew about his plans – not entirely. Alam niyang kapag sinabi niya rito ang buong plano niya he will be against it. Kilala niya si Simon. Maliban kay Thad, ito ang unang-unang sasapak sa kanya if he messed this up.

"Malungkot palang gumalang mag-isa," nakangiti niyang sagot. "I want someone to accompany me."

"Hindi kami naniniwala. Kung malungkot, pwede mo namang isama si Simon," insist pa ni Jam. "C'mon, spill the beans, Jude Asrael."

He will try his best to hide the truth for now.

"She has Faith's eyes," mahinang amin niya. But not the entire truth. Halatang nagulat sila Jam at Juan. Si Simon, alam na nito. Kaya nga napilit niya itong tulungan siya.

"And?"

"It's a long story. Malalaman n'yo rin naman."

"Alam niya?"

"No."

"Why?"

"I also didn't tell her about Faith."

"Alam mo ba talaga ginagawa mo Asrael?"

Bahagya siyang natawa. "Hindi yata?"

"Pambihira! Pag-sure oy!" Marahas na bumuntong hininga si Jam at napa-iling. Nanatili namang tahimik si Juan sa isang tabi. But he knew, Juan was listening. "Sa naiintindihan ko, sinama mo lang siya dahil siya ang nakatanggap ng mga mata ni Faith. Did you intentionally look for her?"

"I got curious."

"You knew about this, Sim?" baling na tanong ni Jam kay Simon.

Simon nodded. "Yup. And besides, the girl has a complicated life. She's like a modern-day Rapunzel. She needed to see the world."

Humilig sa kinauupuan si Jam – bahagyang nahulog sa malalim na pag-iisip. 

Hindi rin alam ni Simon na ang ama ni Marison at ni Lucio ay iisa. May mga detalye siyang iniwang blanko. Ang alam ni Simon, kusang sumama sa kanya si Marison. He didn't tell him about the shooting accident in the Morales Mansion dahil hindi naman 'yon kasama sa plano niya.

Good thing she's using Salvaleon as her last name.

Hindi naghinala si Simon.

"At wala kang balak sabihin sa kanya?" mayamaya ay tanong ni Juan.

"Eventually, sasabihin ko rin naman," he answered calmly. "Maybe after the trip."

"We get it," ni Jam, "pero payo lang, Jude. Don't make her a rebound. We understand that you're still grieving but Mari is not Faith even if she has Faith's eyes. Huwag mo siyang paasahin sa isang bagay na hindi mo naman pala kayang pangatawanan. The girl is too genuine. Make one mistake and you will really break her."

"I know."

"Pero bagay naman sila, 'di ba?" singit ni Simon.

"Oo, bagay sila. Pero kailangan munang mag-move-on nitong si Hudas bago siya lumandi. Madami na akong na advice-an na ganito sa radio. 'Yong gusto lang nila ang tao dahil nakikita nila sa taong 'yon ang namayapang nobyo o nobya. Hindi 'yon love. Naghahanap ka lang ng pwedeng ipalit sa isang nawalang bagay dahil nasanay kang nandiyan sila nang madaming taon. Your longingness is not with the person you're with at present but to the memory you couldn't forget. Sa madaling salita, in-denial ka at sasaktan n'yo lang ang isa't isa."



DUMUNGAW si Marison sa malaking bintana ng kwarto niya. Gustong-gusto niya ang atmosphere ng farmhouse nila Juan at Jam. Sobrang refreshing sa mga mata. Na-e-enjoy na talaga niya ang simpleng buhay sa probinsiya. Her inner self wants this life. Ayaw na niyang bumalik ng city.

Nakangiting inihilig niya ang mga braso sa hamba ng malaking bintana saka iniangat ang mukha sa madilim na kalangitan. Kagaya sa isla at sa bundok na pinuntahan nila ay madami ring mga bituin sa kalangitan. Hindi yata nauubos o baka sinusundan sila ni Jude.

Lalo siyang napangiti.

Naalala niya tuloy ang halik ni Jude sa bundok. Napahawak siya sa kanyang mga labi. She could still feel the warmth of his kisses.

Ano na Marison? Bumibigay ka na ba? Hindi pa. Pero sa nakikita niyang effort mula kay Jude. Malapit na yata niya itong sagutin. Nakaramdam siya ng kilig sa naisip. Ay ano ba? Huwag na nga. 'Di na ako mag-iisip.

"Haha! Walangya ka talaga, Juan!" Bumaba ang tingin niya nang marinig ang sigaw ni Simon. "Napakababoy mo." Natawa siya nang makitang nagkakatuwaan sila Jam, Simon, Jude at Juan sa may lanai.

Jude was already laughing out loud. Hawak-hawak na nito ang tiyan sa kakatawa. Si Jam naman halos mahulog na sa kinauupuan at tawa na rin nang tawa.

Nahahawa siya sa tawa ng mga ito.

Mukhang lasing na ang apat.

Kanina pa 'yan umiinom e.

Anong oras na ba? Mag-a-alas-dose na. Matagal siyang nakabalik sa kwarto dahil napahaba ang kwentohan nila ni Tita Janella. Ang daldal kasi nito. Naaala niya ang Mommy niya rito. Halos buong baby pictures yata nila Juan at Jam ang ipinakita nito sa kanya.

She admires how Tita Janella loves Jameson kahit na hindi ito ang totoong ina nito. Something that she envies. She remembered her Kuya Lucio. They were not as close as Jam and Juan's. Noong bata pa siya, ilang beses niyang hiniling na sana matanggap siya ng kuya niya. But it never happened.

Hindi lahat talaga ng magagandang bagay rito sa mundo ay nakukuha natin. Sad to say, pera lang naman ang mayroon siya pero hindi kalayaan at totoong pamilya.

"O, ako na naman?" ni Juan. Hinila ito ni Simon patayo. "Oppa, sayaw ka na nga."

"Shiro!" Marahas na itinulak ni Juan si Simon. "Umalis ka sa harap kong pisteng yawa ka." Dinuro nito si Simon pero nang mag-play ang chorus ng kantang 'Love Shot' ng EXO mula sa Bluetooth speaker ay bigla itong nagsayaw.

It's the love shot! Na nanana nananana. Na nanana nanana. Na nanana nananana. Oh oh oh oh oh.

Alam niya 'yon dahil mga Kpop fan ang mga anak ng mga katiwala nila sa bahay. Napanood na rin niya ang music video ng 'Love Shot' kaya na-i-imagine niya ang malanding pagsayaw ni Juan. Natatawa lang siya dahil may hawak pa rin itong chichirya habang nagsasayaw.

Mukhang mas may maganda palang tignan ngayon.

Lalo pa nang sumabay si Simon sa choreo ni Juan. Gusto niya tuloy mag-fangirl. Kulang na lang placards. 

Nangulambaba na siya sa hamba ng bintana.

"Simon. Ryuu Juan. Jude. Jame-son!" mahinang fan chant pa niya.

"Ayoko na!" tumatawang sigaw ni Jude. "Lasing na akoooo."

"Walang lasing-lasing dito. Bangon!" Hinila ni Simon si Jude patayo pero bagsak na talaga ito. What she didn't expect ay ang paghila nito kay Jude ng parang killer sa sahig. "Savio bangooon!"

"Nakapa-demunyu mo talaga Takeuchi!" tumatawang sigaw ni Jam sabay bato ng mga chichirya rito.

"Inom pa!"

"Tang ina, tama naaaaa!"

Tawang-tawa siya sa apat. "Ay wait!" Mabilis na kinuha niya ang cell phone at kinunan ng video ang apat. "Remembrance."

"Juan!" sigaw ni Jam. "Ako na lang... pls... ako na lang ulit ang kuya mo..."

"Sep pa rin mga ulol!" sigaw pa ring sagot ni Simon.

Sino kaya si Sep? Hmmm.



"MARI!"

Nagitla siya nang marinig ang malakas na katok mula sa labas ng pinto. Nakatulog na siya kanina pero mukhang 'di pa talaga ganoon kalalim dahil nagising siya sa ingay ni Jude. Muli na naman itong kumatok sa pinto.

Anong oras na ba?

Madaling-araw na siguro. Kinusot niya ang mga mata.

"Marison buksan mo 'to!"

"Teka lang," sagot niya. Mabilis na bumaba siya at in-on muna ang lamp shade sa bedside table para may makita siya. Katok pa rin nang katok si Jude. "Bubuksan na. Wait." Pagbukas niya ng pinto ay agad na dumiretso ang katawan ni Jude sa kanya. Napasinghap siya sa gulat. Kamuntik na tuloy silang matumba na dalawa. "J-Jude!" Inayos niya ang pagkakayakap niya rito.

Ang bigat!

"Mari..." yumakap ang mga braso nito sa kanya.

Naamoy pa niya ang alak sa hininga nito.

"Lasing ka na. Bakit pumunta ka pa rito?"

"Mari..."

Natawa siya. "O, Mari ka na lang nang Mari."

Dumaan ang ilang segundong katahimikan. "I'm sorry..." biglang bulong nito sa kanya.

"Sorry saan?"

Marahas na bumuntong-hininga ito. "I miss..."

"Miss, sino?"

"Inaantok na ako." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at naglakad sa direksyon ng kama. "Ang init," reklamo pa nito.

Naghubad ito ng T-Shirt bago nahiga sa kama. 

Natutop niya ang noo. "Ay ewan ko sa'yo, Jude." Isinirado na lamang niya ang pinto. Lumapit siya rito at naupo sa kabilang side ng higaan. "Tatabi ka sa'kin?"

Nakapikit ang mga mata na tumango ito.

"Malungkot matulog mag-isa..."

"E, sila Simon, Jam at Juan?"

Bahagya itong tumawa. "Mas... malungkot matulog sha... sahig..."

Natawa siya. "So iniwan mo ang tatlo sa ibaba?"

Nakangising tumango ito. "Tulog ka na." Pilit nitong iminulat ang mga mata. Namumungay at bakas na ang sobrang antok sa mga mata nito. He tapped the space beside him. "Don't worry... wala naman akong gagawin... yayakapin lang kita."

"At bakit mo naman ako yayakapin?"

Inosenteng tinitigan siya nito. Ilang segundong nagtama ang mga mata nila. There was something different in his eyes this time. A longing sadness na 'di niya alam kung saan galing. Matagal na niyang napapansin 'yon talaga.

"Come here," hinila na siya nito payakap sa mga braso nito. Iniangat nito ang kumot sa kanilang katawan. Hindi niya magawang maiangat ang mukha rito dahil nakasandal ang ulo nito sa ulo niya.

He was hugging her like a pillow.

"Jude –"

"Still a part of me wanted to take her there and let her see the world through her eyes," mahinang kanta nito. Alam niyang compose 'yon ni Jude. Pero bakit sobrang lungkot ng pagkakanta nito? "But every time I see her smile... I forgot the real reason... behind my plans..."

"Jude?"

Humigpit ang yakap nito sa kanya. 

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo.

"Goodnight, little girl."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro