Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

NAGLATAG si Jude ng blanket sa labas ng tent nila. Bawal kasi ang bonfire kaya flashlight lang ang ilaw nila. Hindi lang naman sila ang nagka-camping. May kasama rin sila pero 'di naman ganoon kadami. Kumain na sila kanina at pa snacks-snacks na lang ngayon.

Naupo na sa tabi niya si Jude at nagbukas ng coke in can.

"Here," inabot nito sa kanya ang can saka nagbukas ulit ng isa. "Hindi ka ba nilalamig?" he asked, glancing at her habang umiinom ng Coke.

Ngumiti siya. "Hindi na." Tinapik niya ang denim jacket na pinahiram ni Jude sa kanya. "Makapal na makapal 'to."

Natawa naman ito saka ibinaba ang iniinom na can at nagbukas ng chichirya. "So tell me about your life," pag-iiba nito. "How did you get blind?"

"I went to this lighthouse in the North," simulang kwento niya. "I just turned 19 back then. Hindi pa ganoon kahigpit si Daddy that time kasi she trusted me. All my life, nasa bahay lang ako," she chuckled thinking about how boring her life was. Boring talaga! "Wala akong matatawag na kaibigan at childhood experience. Maliban siguro noong 'di pa kami kinuha ni daddy."

"You mean, you live somewhere else before?"

Tumango siya. "Yup. I was five years old nang iuwi kami ni Daddy sa mansion kasama ni Mommy. But it wasn't your typical family setup. You can say na, anak ako ng mistress ni Daddy." Sabay na naibaling nila ang tingin sa isa't isa. Jude didn't even look shocked at all. Parang alam na yata nito. She's just not sure how. "Ang weird. 'Di ka naman nagulat?"

"I kind of expected it. Bakit ka naman itatago ng ama mo kung walang malalim na rason?"

"Sabagay."

"So you live with his legal family?"

"Yes, but Kuya Lucio's mother doesn't live in the mansion. Kasal lang sila ni daddy dahil sa negosyo. She has her own affair. That didn't go in public dahil malaking eskandalo 'yon. Hindi rin kasi basta-basta ang pamilya ng mama ni Kuya. Ang gulo, 'di ba?"

"Masakit sa ulo," nakatawa nitong sagot.

"Hindi talaga normal ang family ko. Ako yata ang karma ng magulo nilang buhay." Bumuntong hininga siya saka tinungga ang laman ng can.

"What about your mother?"

Napangiti siya sa alaala ng ina. Pero alam niyang, isa rin ito sa sobrang nahirapan sa ganoong setup. She was enduring it for her.

"Kasama lang namin. Si Mommy kasi talaga ang first love ni Daddy. Kaso hindi naman galing sa mayamang pamilya ang Mommy ko. Bago sila naghiwalay, nabuo na ako. Itinago lang ni Mommy. Pero nahanap pa rin kami ni Daddy."

"Your dad didn't change your surname?"

"Ayaw ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit. Basta, sabi niya sa'kin, kahit daw pilitin ako ni Daddy huwag na huwag ko raw papalitan ang last name ko. Actually, hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung bakit. Ayoko na rin itanong kay Daddy dahil madalas nagagalit siya. Bakit daw 'di ko na lang siya pagkatiwalaan? Bakit daw ang dami kong tanong? Hindi pa ba raw sapat ang pagmamahal niya sa akin?"

"Never kang na curious?"

"Noon. Kaso nang tumagal at nang mabulag pa ako. Nawalan na rin ako ng pakialam. Sobrang selfish ko na yata. Sarili ko na lang iniisip ko." Natawa siya. "Alam mo 'yon? 'Yong, wala ka na lang pakialam sa nangyayari sa paligid mo. Literal na blind eye na ginagawa mo. Kasi tinanggap ko nang wala akong silbi at habang buhay na akong nakakulong sa mansion."

"You can see now. Anong balak mong gawin?"

Napaisip siya. Actually, may point si Jude. She can see now. Nasa tamang edad na. Hahayaan pa rin ba niyang ikulong siya ng daddy niya sa mansion?

"Thinking about it," simula niya. "Parang ayoko na ibalik ang dati kong buhay. I want this kind of life, Jude. I want to be free. Gusto kong hanapin ang sarili ko sa mundong 'to. Gusto kong hamunin ang sarili na mabuhay na hindi dumedepende sa ibang tao." Ibinaling niya ang mukha rito. "Sayang naman ang mga mata ko kung hanggang mansion lang ang nakikita," dagdag niya na may kasamang tawa.

Natahimik silang pareho mayamaya.

"Any advice?" aniya.

"Advice?" He glanced at her. "Hindi ako magaling sa advice."

"Pero magaling kang magsulat ng kanta. Kapag naririnig ko nga ang mga kanta mo para na rin akong kino-console. Dama ko ang puso sa mga salita."

"To be honest, I haven't written anything yet."

Namilog ang mga mata niya. "Hindi ba may kino-compose ka doon sa isla?"

"Yeah. But I couldn't finish it," he answered calmly na para bang wala lang rito na hindi ito nakakapagsulat ng kanta.

It wasn't the Jude she had known before.

Bigla siyang nag-alala para rito.

"Kaya ba hiatus ng isang taon ang Queen City?" malungkot niyang tanong. "Nalungkot talaga ako nang malaman kong magpapahinga muna kayo. Though, na isip ko rin naman na deserve 'yon ng Queen City after ng world tour n'yo."

"I just got tired of everything."

Jude smiled but it didn't even reach his eyes. Para bang may malalim pa itong rason kung bakit ito tumigil.

"But you're still coming back, right? You will still write music for us?"

Hindi niya maiwasang malungkot. Gusto niyang magtanong pa. Pero natatakot siyang baka she will cross the line this time - imbes na maging okay ito ay ma frustrate lang si Jude.

"I don't know. Maybe?" he chuckled.

"Jude."

"Hmm?"

"Are you hurting?"

Tumitig ito sa mga mata niya. She saw how he was taken aback with her question pero madali rin 'yong nawala sa mga mata nito. Bakit ba feeling niya nagkukunwari lang itong masaya pero nasasaktan talaga ito?

"I'm not good at this pero pwede mo naman akong pagsabihan ng kahit ano," aniya na may ngiti. "I believe that sharing sad thoughts to other people can lessen the heavy feeling we have inside our hearts. If you can't express it through your music for now. You can vent out everything on me. I'll lend you my shoulders and my ears."

Sandali itong natahimik at ibinalik ang tingin sa harap.

"Nangako ako sa isang tao na pag-uwi ko. Dadalhin ko siya sa lahat ng mga magagandang lugar dito sa Cebu."

"Na saan na siya?"

"Wala na siya."

Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naalala ang babae sa panaginip niya. Ito ba ang tinutukoy ni Jude?

"Kaya inaya mo akong mag-roadtrip?"

"Malungkot mag-roadtrip na mag-isa." Nakangiting ibinaling na ulit nito ang tingin sa kanya. "Mukhang malungkot ka rin naman."

Natawa siya. "So damay-damay na tayo rito?"

He shrugged his shoulders and laugh. Tiningala niya ang madilim na kalangitan na sa mga oras na 'yon ay napapalamutian ng madaming mga bituin.

"Parang mas madaling abutin ang mga bituin dito." Itinaas niya ang isang kamay na tila ba kaya nga niyang maabot ang mga bituin sa langit. "Ang lapit-lapit nila sa'kin."

"Ano bang pangarap mo, Marison?" pag-iiba na nito.

"Pangarap?" she chuckled. "Madami pero 'di ko alam kung alin doon ang gusto ko talaga. Feeling ko kasi, huli na ang lahat para humabol ako sa mga na miss ko sa buhay."

"You're still twenty-three. You can still catch up."

Ibinaba niya ang kamay at ibinaling ang tingin kay Jude. "Ano bang pwedeng gawin ng isang Marison, Jude? Without my dad, I am nothing. I didn't even have a degree. If someday, I lose my dad and my wealth. I would be left with nothing. Who will take me?"

"Don't baby yourself, Marison. You have a talent. Make use of it. Sabi mo nga, gusto mong magsimula ulit na hindi dumedepende sa ibang tao. Then grow up. Don't give me excuses."

Napamaang siya. Shuks. Tinamaan siya roon ah. Parang may inis kasi 'yong pagkakabitaw ng huling pangungusap. It was the first time na narinig niya ang ganoong tuno mula kay Jude. Parang nanernermon.

"Sinesermonan ba ako ng isang Jude Asrael Savio?"

Tumawa ito. "Natamaan ka?"

"Sakit, ha?" But she didn't feel offended.

Jude has a point. She can never move forward kung lagi siyang napaghihinaan ng loob.

"Anyway, back to the reason of your accident. You went to a lighthouse?"

"Ah, oo!" Muntik na niyang makalimutan. "Noong bata kasi ako, malapit lang sa lighthouse ang bahay namin. Sabi sa'kin ni Mommy. Bumalik daw ako roon kapag 18 na ako. May inilibing daw siyang bagay roon para sa'kin."

"Ikaw lang mag-isa?"

Ngumisi siya. "Oo, kasi bawal nga akong lumabas, 'di ba? E matigas ang ulo ko."

Natawa lang ito at napailing-iling. "At nahanap mo ba naman?"

"Hindi nga e." Her lips twitched. "Babalikan ko pa 'yon. Baka sa pagkakataon na 'to makita ko na." Bumuntong hininga siya. Nagbukas na lang siyang isa pang chichirya.

"Naaksidente ka dahil?"

"Pauwi na ako nun. Sakay ako ng taxi. Hindi ko na masyadong maalala pa. Basta paggising ko, madilim na lahat."

"Naalala mo pa ang pangalan ng lighthouse?"

"Oo, Faro de Amoré. Alam mo ba 'yon?"

"Yata?" he chuckled sabay abot ng guitar nito.

"Jude. May napansin lang ako." Doon pa talaga sa isla niya gustong itanong 'to e. "Nasaan na 'yong gitara mo?" Napakurap-kurap ito. "Hindi 'yan sa'yo e."

"Pati gitara ko, alam mo?"

Tumawa siya. "Fan nga ako, 'di ba? Hindi 'yan 'yong gitara mo."

"Yeah. Guitar 'to ni Thad. Hiniram ko lang."

"Tumutugtog din ang pinsan mo?"

"Huhulaan ko, pati siguro buong pangalan ni Thad at kung ano ang trabaho niya, alam mo?"

"Hoy! Paano mo na laman?" tawang-tawa siya.

"Stalker nito."

"Iniiwas mo ang tanong. Saan na nga si Judas?"

"Kita mo, pati pangalan ng gitara ko alam mo."

"Loko ka, huwag ka kaya magpa-interview para 'di namin nalalaman."

"Fine! Fine!" Tawang-tawa ito. "Iniwan ko sa bahay. Judas is not in good shape."

"Pero maayos pa naman, 'di ba?"

"Hopefully."

"Akin na." Inagaw niya rito ang gitara. "Ako naman ang kakanta para sa'yo."

"Naks! Free concert."

"Naman! Kapag sikat na sikat na ako. Who you ka na sa'kin."

"Hindi pa nga sumisikat kinakalimutan na ako."

Lalo siyang natawa. "Joke lang! O, ano ba gusto mo?"

"Ikaw bahala. Dapat 'yong makakatulog ako."

"Teka, ano ba?" Sandali siyang nag-isip. Ah, alam na niya kung ano. "Share ko na lang ang favorite song ko."

Inayos niya ang paghawak sa gitara. She tried a few note. Napangiti siya nang unti-unti nang nabubuo ang intro ng kanta.

"When love is new," nakangiti pa rin niyang kanta, "and the world is not reaching for you. We try hard to hold it all in our hands. But it slipped through like soft drifting sands. But drying the tears can build it all like new."

Titig na titig naman si Jude sa kanya.

"Now and forever. Remember the words from my heart will always be true." Hinuli niya ang tingin nito at muling ngumiti. "Now and forever, together and all that I feel. Here's my love for you."

Learning each day that the right time was so far away. To tell you the things I knew. Now it's clear that the moment we searched for is here... And counting the years is all I want to do.

Natigilan siya nang hawakan ni Jude ang batok niya. Bigla na lamang nitong pinaglapit ang mga labi nila. Kumabog nang mabilis ang puso niya.

Jude's lips lingered on her lips for a few seconds saka nito bahagyang inilayo ang mukha.

Their eyes met.

"Please," anas nito, in a pleading voice. "Kiss me back this time, Marison."

"Jude?"

Muli nitong ipinikit ang mga mata at pinaglapit ang mga labi nila. Nabitiwan niya ang gitara at hinawakan ang magkabilang mukha ni Jude. Ipinikit niya ang mga mata saka gumanti ng halik. His lips moves gently at first. It was a slow and lingering kiss. Tila tinuturuan pa siya nitong humalik.

Bumaba ang kamay nitong nakahawak sa kanyang batok kanina sa kanyang likod. Naramdaman niyang inalis ni Jude ang nakapagitan na gitara sa kanilang dalawa. Mayamaya pa ay nagawa na nitong maiupo siya sa mga kandungan nito nang hindi pinuputol ang halik.

She was almost breathless but Jude never stops kissing her.

And she doesn't want to end the kiss as well.

Humaplos ang mga kamay niya sa leeg nito pataas ulit sa buhok ni Jude as he deepened the kiss. Ramdam na ramdam niya pa rin ang malakas na tibok ng kanyang puso. But she didn't mind. She was too consumed with the moment.

Pareho pa silang napaungol sa pagitan ng mainit na halikang 'yon.

"Jude," anas na niya nang bahagyang kumalas siya. Nailapat niya ang mga palad sa dibdib nito - trying to catch her breath. Ganoon din ito.

She pursed her lips as she met his gaze. Nakayuko siya rito dahil nakaupo siya sa hita nito. Alam niyang pulang-pula na ang mga pisngi niya sa mga oras na 'yon.

"Pwede mo ba akong yakapin, Mari?" pakiusap nito.

"Jude -" Hindi na niya natapos ang sasabihin pa sana niya. Niyakap siya ni Jude. He buried his face on her neck. Humigpit din ang yakap nito sa kanyang baywang. "Jude?"

"Saglit lang."

"It's okay."

Iniyakap niya ang mga braso rito saka marahang hinaplos ng isang kamay ang ulo nito. She hummed him the same song she sang for him earlier.

I have no idea what you're going through right now, Jude. Pero nandito lang ako para sa'yo. Hihintayin ko ang araw na masabi mo sa'kin kung bakit may nakikita akong lungkot sa mga mata mo.

"Hold me as close as love will allow," she sang, "until all your fears are gone. What has all past is over now. I'm here with you. I'm here with you..."



KINABUKASAN ay maaga silang nagising at magkasabay na tinignan ang sunrise. It was too breathtaking. She didn't miss any second of it. Lalo pang kasama niya si Jude. Bumaba na rin sila pagkatapos at naghanap ng dagat na pwede silang makaligo at makapagbihis.

May nakita naman sila, thankfully!

Pagkatapos ay dinala siya nito sa isang sunflower farm.

"Jude!" kumakaway na sigaw niya habang napapagitnaan ng mga sunflowers. "Picture-an mo nga ako." Naka-kwentas kasi sa leeg nito ang camera niya. Itinaas nito ang camera sa mukha nito. "Dapat maganda ako, ah!"

Itinaas lang nito ang isang kamay at nag-thumbs-up.

She giggled.

Umikot siya at ilang pose ang ginawa. Hinayaan niyang sumunod sa bawat galaw niya ang skirt ng kanyang dress. Sunod-sunod naman ang pagkuha ni Jude ng shots. Hanggang sa makalapit na ito. Zoom na zoom na sa kanya ang lens. Tawa naman ito nang tawa.

"Jude!" inis na saway nito.

"Cute mo."

"Picture na tayo." Hinubad niya rito ang camera. Akmang aalis ito nang hilahin niya ito sa kwelyo ng t shirt nito. Pigil niya ang tawa. Bahagya na itong nakayuko kaya nagawa niyang makaakbay rito. Itinaas niya ang isang kamay na may hawak ng camera. "Smileeee!"

"Mari!" piksi pa nito.

Pero napindot na niya ang capture. Malaki ang ngiti na binitiwan niya na ito at tinignan ang kuha nila sa screen ng camera. "Hoy!" pinakita niya rito ang picture. "Bakit may sungay ako?" Ang ayos ng ngiti niya pero binigyan siyang sungay ni Jude.

"Ay wala ba?" he teased, suppressing a smile.

"Ang bait ko kaya."

"Akala mo lang 'yon." Ginulo nito ang buhok niya saka siya iniwan.

Imbes na mainis ay natawa lang siya. Iniangat niya ang camera na hawak at kinunan ng madaming stolen pictures si Jude habang naglalakad palayo sa kanya. May satisfied na ngiti na tinignan niya ang mga pictures nito.

Ibebenta ko 'to kapag naghirap ako.

Tawang-tawa naman siya.

"Jude, hintay!" patakbong humabol siya rito nang biglang matisod siya. "Shuks!" singhap niya. Nasa likod na siya nito kaya sumubsob siya sa likod nito. Si Jude naman ang kamuntik nang mabuwal.

"Marison!"

Mabilis na umayos siya ng tayo.

Paglingon nito sa kanya ay may nakahanda na siyang matamis na ngiti at peace sign. Nakagat niya ang ibabang labi saka humagikhik. Itinaas niya muli ang camera at pabiglang kinunan ito ng larawan.

"Marison!" sigaw ulit nito.

"Bahala ka riyan!" aniya saka tumakbo palayo rito.

Tawang-tawa naman siya nang habulin siya nito. Paikot-ikot sila roon sa flower garden. At hindi niya hinayaang mahuli siya nito.

Mari, one! Jude, zero!


MALAKI pa rin ang ngiti niya habang tinitignan ang dalawang polaroid photo sa kamay. It was a photo of Jude and her. Nagtatago siya kanina nang makita niyang naghahanap ito sa kanya sa gitna ng mga naglalakihang sunflowers. She took that chance to capture one stolen photo of him. Saka naman siya nagpakuha ng own version niya ng paghahanap kay Jude sa gitna ng mga sunflowers.

Yes, scripted.

Pero kapag pinagtatabi ang mga photos ay parang naghahanapan sila ni Jude.

Ang cute-cute!

Ibinaling niya rito ang mukha.

Nakatulog na sa tabi niya Jude.

Nakasandal pa sa balikat niya habang nasa likod sila ng isang pickup truck ng mga bulaklak papuntang Aloguinsan. Puro na lang talaga pag-hi-hitch ang ginawa nila. Out of the way kasi lagi ang mga gustong puntahan ni Jude.

Madaling araw silang umalis mula sa inn na tinuluyan nila.

Papasikat na ang araw.

Inayos niya ang pagkabalabal ng shawl niya sa katawan nito.

"Tulog ka lang riyan," aniya, habang hinahaplos ang nanlalamig na pisngi nito. "Gwapo talaga. Kainis!"

Pagkaraan pa ng ilang oras ay huminto na ang pickup.

Tinapik niya sa balikat si Jude at ginising. "Jude, gising na."

Bahagya itong umungol saka iminulat ang mga mata. "Are we in Aloguinsan already?" tanong nito sa paos na boses. Kinusot nito ang mga mata saka iginala ang tingin sa paligid.

"Nandito na tayo," imporma ni Kuya Lito. Ito ang may-ari ng pickup. "Dito lang ba kayo?"

Ngumiti si Jude. "Okay lang po kami rito, Kuya Lito. Salamat."

The old man smiled back. "Sige, ingat kayo."

"Halika na," hinawakan siya sa kamay ni Jude at hinila pa tayo. Nauna itong bumaba mula sa pickup. Pasalo naman siya nitong ibinaba mula sa sasakyan saka kinuha ang mga gamit nila.

"Anong pupuntahan natin dito?"

"Mag-iisip pa ako."

Natawa siya. "Totohanan talaga ang walang ka plano-plano mong roadtrip, ah?"

Mayamaya pa ay may humintong Red Toyota Hilux sa harapan nila. Bumukas ang bintana sa harapan. Nagulat siya nang sumungaw ang nakangiting mukha ni Simon.

"Konichiwaaaa!" masiglang sigaw nito.

"Oy, familiar?" May isa pang sumilip. Parang may lahi rin. Kung si Simon ay mukhang Hapon. Ito naman ay mukhang Thai. "Sawadee krab!" Pinagdaop nito ang dalawang palad. Parang familiar sa kanya ang mukha nito. Saan niya ba nakita ito?

May isa pang kasama ang dalawa.

Mukhang Korean.

Sumilip ito at ngumiti. "Jude!"

Kunot na kunot naman ang noo ni Jude. "Anong ginagawa n'yo rito?"

"We have the same question," ni Juan. "What are you doing here? At sino ang kasama mo?"

"Mari," ni Simon. Lumabas na ito mula sa sasakyan. "Jam, Juan, si Marison nga pala. Special friend ni pareng Jude." Nakangiti pa nitong pakilala sa kanya sa dalawa.

"Where are my manners?"

"Hinahanap ka rin nun," tatawang-tawang sagot ni Simon kay Jam.

"Saya ka?"

"Oo."

"Mari, huwag mo na lang pansinin 'yang may saltik na si Simon. Kinulang lang 'yan ng Nido. Wala kasi niyan sa Japan. Anyway, I'm Jameson Erik Tangrisuk," nakangiting pakilala nito. He's too beautiful in all honesty. Mukhang ang bait-bait saka sobrang lamig at kalma ng tono ng boses. "You can call me, Jam."

"Juan," pakilala naman ng Koreanong nasa likod ng manibela. "Ryuu Juan Song."

"Hello," nahihiyang bati niya sa tatlo.

Naramdaman niya naman ang pag-akbay ni Jude sa kanya. "Mari, they're my friends. We live in the same neighborhood."

"Tinatayo pa lang bahay ko roon," ni Jam.

"Semento pa lang ang nabibili ko," ni Simon. "Sa aming apat, si Juan pa lang may bahay at vet clinic sa loob. Si Jude, nakikibahay lang 'yan kay Thad."

"Anyway, saan ba punta n'yo?" tanong ni Juan. "Sama na lang kayo sa'min. Papunta kaming farmhouse."

"Oo nga, gawin nating tour guide si Juan," sang-ayon pa ni Simon. "Tutal taga rito naman siya."

Naiangat niya ang mukha kay Jude.

Halatang nag-iisip ito.

Ano kaya nasa isip ni Jude?

"Sasama na raw sila!" Lumipat sa likod nila si Simon at itinulak na sila papasok ng sasakyan. "Ang tagal mag-isip e. Ako na mag-a-adjust."

"Teka! Ako na maglalagay ng gamit nila sa likod," ni Jam.

Lumabas ito sa kabilang pinto. Pagkatapos nitong ilagay ang mga gamit nila ay nagsiksikan silang tatlo ni Simon sa likod. Lumipat naman sa tabi ni Juan si Jam. Pinagitnaan siya nila Jude at Simon.

"Ikuzoooo!"

"Larga!"

Gosh! Anonther surprise adventure.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro