Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

"SALAMAT, Kuya Loy," ni Jude. Inabot ni Kuya Loloy ang dalawang guitar cases dito. "Dadalaw ho ulit kami sa inyo."

"Salamat po," dagdag pa niya na may ngiti. "Ingat po kayo sa isla."

"Kayo rin, mag-ingat kayo."

"Ate Mari!" sigaw ni Carlo. Mula sa bangka ay tumalon ito sa tubig na hanggang tuhod lang naman nito para yakapin siya sa baywang. "Ma-mi-miss po kita."

"Naku! Ma-mi-miss din kita." Niyakap niya ang bata at ginulo ang buhok nito. Inangat nito ang mukha sa kanya. Pati siya ay naiiyak. Na attached na rin kasi siya sa isla at kina Carlo. "Magpakabait ka. Babalik ako rito."

"Bumalik po kayo, ah."

"Oo naman."

"Ma-mi-miss ka talaga ng batang 'yan," ni Kuya Loloy. "Pati na rin ni Karla. 'Di na 'yon sumama kasi iiyak lang daw." Natawa ang matanda. "Halika na, Carlo."

"Ba-bye, Ate Mari," parang ayaw pa nitong kumalas sa kanya.

"Bye," malungkot na ngumiti siya at kumaway.

"Halika na."

She sighed saka kinuha na ang mga gamit nila ni Jude. Umandar na rin ang bangka nila Carlo. Naninikip ang dibdib niya. Halos two weeks din kasi sila roon. 'Yong mga raw niya na nilagi niya roon ay parang isang buwan na sa kanya.

"Jude!" agapay niya rito. "Saan tayo pupunta?"

Napansin niyang kumonti ang dala nila. Tig-isang malalaking bag na lamang sila ni Jude. Ito ang may dala ng dalawang guitar cases. May dala siyang knitted eco bag na bigay sa kanya ni Karla maliban sa suot niyang malaking bag.

"Hindi ko alam. Depende kung sino ang masasakyan natin."

"Ha? Depende? Bakit?" Nakaagapay na siya at sinilip niya mukha nito. "Saan na 'yong sasakyan natin?" Nandoon pa ang ibang gamit niya e.

Napakamot ito sa noo. "Wala. Inuuwi ni Simon," he chuckled, sabay baling sa kanya. "Ayaw mo nun? Adventure. We can hitch or ride a bus and get lost."

Napakurap-kurap siya. "Seryoso ka ba?" Parang kinabahan siya roon. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo, ha? Pero ilang taon kang nawala sa Cebu. Sure ka talaga?"

"Mari, taga Cebu tayo, hindi tayo mawawala."

"Talaga lang, ha?"

Tumigil ito sa paglalakad at sandaling nag-isip. Doon niya napansin na nasa gilid na pala sila ng highway.

"Hindi ako sigurado pero may sagot ako riyan. Wait." May kung ano itong hinugot sa likod ng bulsa ng pants nito. It was a folded paper. "May mapa ako ng Cebu." He unfolded it and showed the map to her. "Bigay sa'kin ni Balti."

It was indeed a map.

Pero bakit gusto niyang batukan si Jude? Akala pa naman niya planado na nito lahat ng pupuntahan nila?

Titig na titig siya sa mukha ni Jude.

Suddenly a smile peered on his face na naging tawa.

He met her gaze.

"It's okay if you don't trust me sometimes, Mari," he chuckled. "I wouldn't get offended."

Magagawa kaya niya 'yon? Hello, si Jude lang ang kilala niya sa Cebu. Ito lang ang pag-asa niyang makauwi ng buo sa daddy niya.

She raised one hand and point her index finger at him. "I will still trust you. So don't make me regret trusting my life to you," she said firmly.

Jude gave her a satisfied smile. May napansin lang siya sa mga mata nito kanina. Para bang may may iba pang naglalarong emosyon sa mga mata nito kanina. She's just not sure what it was.

Dumaan ang ilang minuto - 30 minutes na nga yata na wala pa rin silang nasasakyan ni Jude. Dalawang kamay na ang nakapaypay sa mukha niya. Ibinaba na niya ang bag sa gilid ng daan at inupuan 'yon. Mabuti na lamang at hindi niya naisipang mag-dress ngayon. She wore a denim jumper pants, white shoes with mustard color socks that matches her blouse and bucket hat.

She wore her black sunglasses kasi ang init - masakit na sa mata.

Simple rin naman ang suot ni Jude. He was wearing a plain black shirt that emphasizes his broad shoulders and chest. A faded ripped jeans, black sneakers at a black cap na baliktad nitong sinuot dahil nasa likod ang visor imbes na nasa harap.

Suot din nito ang itim na sunglasses at isang black thread bracelet sa kanang pulso. She noticed dahil ngayon lang niya nakitang suot nito 'yon. Parang handmade bracelet 'yon.

"Jude," tawag na niya rito. "Ano na?"

"May dadaan din. Maghintay lang tayo."

Kung wala, puno rin ang mga bus. Tapos puro private cars pa dumadaan o 'di kaya delivery trucks. Her lips twitched. Good thing tinirintas niya ang mga buhok. Mas nabawasan ang init kahit papaano.

Mayamaya pa ay may dumaang puting kambing at tumigil sa harap niya. Umawang ang bibig niya at namilog ang mga mata.

Lalo siyang natuwa nang marinig ang pag 'baaaah' nito.

"Jude!" sigaw niya sabay turo sa cute na kambing. "Tignan mo may kambing." Tuwang-tuwa siya. Gusto niyang hawakan kaso ang sama ng tingin sa kanya. Pero okay lang, cute naman e. Lalo na 'yong bangs at maliit na sungay nito.

She heard Jude laugh. "Pati ba naman kambing?"

"E, ano? Wala namang kambing sa city ah." Ibinaling niya mukha rito. "Jude, picture-an mo kami. Sige na dali habang 'di pa siya umaalis." Itinaas na niya ang isang kamay at nag-peace sign. "Dali na!"

"Oo na!" Inilabas nito ang cell phone at tatlong beses yata siyang kinunan ng picture.

"Saved mo 'yan, ha? Pasa mo sa'kin mamaya." Ibinaling niya ang tingin sa kambing. "Baaah," she mouthed at the goat. Kagat-kagat ang labi sa pagpipigil ng malaking ngiti. Cute talaga! Uwian niya kayang isang kambing ang daddy niya?

Bigla na lang umalis ang kambing.

Nalungkot siya.

Sakto namang may humintong lumang white pickup van sa harap nila. Mabilis na dumungay ang matandang lalaki sa likod ng manibela. Lumapit si Jude sa may front seat window dahil bukas lang naman 'yon.

"Kuya, saan punta mo?" Jude asked.

Tumayo na rin siya.

"Saan ba kayo?"

Napansin niyang iba ang tuno ng pananalita nito. Iba sa tuno nila Jude kahit Bisaya. Bagsak na bagsak kasi sila magbitaw ng salita. Ito, malumanay at pa high pitched.

"Papunta ba kayong Dalaguete?"

"Taga Dalaguete ako. Saan ba kayo banda?"

"Kahit sa city proper na lang po."

Lumapad ang ngiti ng matanda. "Aba'y doon din ako papunta. Sumabay na kayo sa'kin. Mahihirapan kayong makasakay ngayon kasi Linggo. Pauwi na lahat ng tao." Itinuro nito ang likuran ng sasakyan. "Okay lang ba sa inyo na sa likod kayo? Sira kasi 'tong harapang ng van ko."

"Okay lang po. Salamat."

"Sige."

Sumilip din siya. "Thank you po."

Inuna ni Jude na iakyat ang mga gamit nila saka siya tinulungang makasampa sa pickup. May kasama sila roon. Mga buko sa kaing. Natawa siya. Bigla tuloy siyang nauhaw. Pwede bang buksan ang isa?

Pasandal sa likod ng van na naupo silang dalawa ni Jude - paharap sa daan. Umawang ang bibig niya sa init ng inuupuan niya.

"Okay na po kami, kuya!" sigaw ni Jude.

"Sige! Kapit lang kayo riyan."

Napasinghap siya nang biglang umandar ang sasakyan. Para siyang itinulak sa likod ng sasakyan. She winced in pain. Ang sakit ng likod niya.

"Careful," hinawakan ni Jude ang kamay niya - tawang-tawa pa.

"It's not funny!" parang batang asik niya.

"Chill, okay? Unforgettable adventure nga 'di ba?"

"Oo, 'di ko talaga makakalimutan na nag-hitch tayo at ka roadtrip natin ang mga kaing ng mga niyog," pabalang niyang sagot. "But anyway, Dalaguete? Dinaanan na natin 'yon, 'di ba? Bakit tayo babalik?"

"Tapos na tayo sa dagat. Let's climb somewhere high this time."

"Aakyat tayong bundok?"

"Aakyat tayo," nakangiting sagot nito. Kahit hindi niya makita ang mga mata nito dahil sa suot nitong sunglasses ay na-i-imagine na niya ang pilyong ngiti ng mga mata nito.

Patay, anong bundok naman kaya aakyatin nila ngayon?





HINDI na gaanong mainit nang makarating sila ng Dalaguete. But, Dear God, sobrang struggle nang pagpunta nila roon. Feeling niya kanina liliparin na sila sa likod ng pickup. Kapit na kapit na siya sa border ng pickup para lang talaga tumilapon. Si Jude naman tawa nang tawa. Gumugulong na 'yong ibang buko sa kanina sa pagpapatakbo ni Mang Willie.

Buti na lang talaga hindi siya nasuka kanina.

Hindi pa naman siya sanay sa mga ganoong ride. Thank god!

Nang makababa sila ng pickup kanina parang gumagalaw ang lupa. Pinilit lang talaga niyang tumayo nang tuwid. Baka isipin pa ni Jude ang weak niya. She promise to herself na i-o-overcome na niya ang mga bagay na takot siyang gawin. She will try new things and learn more. Para 'di naman siya magmukhang tanga sa ibang tao.

She aims to be a better version of her old vulnerable self.

Dapat, matapang na siya at risk taker.

"Sumakay na lang kayo ng habal-habal," instruct ni Mang Willie. "Madami naman rito. Sabihin n'yo lang papunta kayong Osmeña Peak."

"Sige po. Salamat."

"Ingat kayo."

Ngumiti siya sa matanda at kumaway. "Kayo rin po. Ingat po."

Bumalik na ito sa sasakyan nito at tuluyang umalis. Bumaba naman ang tingin niya sa kamay niya nang hawakan 'yon ni Jude. It wasn't just a simple hold. He was lacing his fingers with her.

Napangiti siya.

Oo na, kinikilig na rin.

"Let's buy something to eat," anito saka siya hinila sa direksyon ng public market.

It was already 2 pm on her wristwatch. "Anong gagawin natin sa Osmeña Peak? 'Yon ba 'yong bundok na aakyatin natin?"

"Mag-ka-camping tayo," nakangiti nitong sagot.

"Camping? May tent ka ba?"

"I borrowed one with Simon. Nasa bag ko."

Napakurap-kurap siya. "Nagkasya sa bag mo?"

"Oo naman. Bag 'yan ni Dora."

Natawa siya. "Hindi bulsa ni Doraemon?"

"Well, it can be both," he chuckled.

Pagkatapos nilang mamili ng pagkain ay naghanap sila ng masasakyan. Sumakay sila sa isang habal-habal. Mas mabilis kasi at mas convenient ang motorcycle ride papunta roon. Jude insisted na sa iisang motor lang sila kahit na nag-insist ang ibang drivers na tig-isa sila. She was relieved when Jude didn't listen to them. Natatakot siyang sumakay mag-isa sa motor.

Pagdating nila sa starting point ng Osmeña Peak ay tiningala na niya ang daan na aakyatin nila at lalakarin pa lang. Nagbayad na sila ng entrance fee kanina. Parang gusto niyang umatras. Mabuti na lamang at may dala siyang malaking bottled water na binili nila kanina. Sana sumapat 'yon. Gosh.

"Akyat na po tayo," aya ng binatang si Jimboy.

Ito ang in-hire ni Jude para tumulong sa kanila na dalhin ang mga gamit nila. He told them his age kanina. He's 13 years old.

Nagsimula na silang maglakad.

"Have you been here, Jude?" she asked.

"Yup, noong college ako."

"So nalibot mo na halos ang Cebu?"

"Sort of, si Simon kasi nagdadala sa'min ni Thad sa kung saan. He knows a lot of good places to visit in Cebu. He travels a lot."

Mukha ngang adventurer si Simon.

"Maganda ho ang sunset at sunrise dito," basag ni Jimboy. "Madami naman nagpapalipas ng gabi sa itaas. Saka safe naman ho kayo. Huwag lang po kayo magpakain ng mga aso rito at hindi na po kayo lulubayan ng mga 'yon." Tumawa ito.

"Matagal ka na bang nag-ga-guide ng mga turista dito?" Jude asked.

"Matagal na rin ho. Dati sumasama-sama lang po ako sa kuya ko. Tapos na ingganyo na rin po ako kasi pwede akong kumita." May bayad sila kay Jimboy. Hindi naman ganoon kalaki pero alam niyang malaki na 'yon para sa bata. "Madami kasi turista lalo na kapag weekend. Madami akong kita. May baon ako sa eskul at pambili ng bigas," nakangiti pa nitong kwento.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong naman niya.

"Lima ho. Ako ho 'yong pangatlo. Si Mama ko po, tindera ng isda sa palengke. Si Papa naman ay namamasahe ng traysikel. Weekend ko lang 'to ginagawa o kapag wala akong pasok."

"Ano bang pangarap mo, bata?" dagdag pang tanong ni Jude.

"Gusto ko pong maging engineer!" masigla nitong sagot.

Napangiti siya. Ang sarap lang panoorin ng determinasyon sa mga mata at ngiti nito. Sana nga ay matupad nito ang pangarap.

"Claim it, you'll be an engineer," ni Jude.

"Yes po, kuya!"

Paminsan-minsan ay humihinto sila sa paglalakad. Nakakalahati na ang tubig sa water bottle niya. Pawisan at hingal na hingal na. Ayoko na yata.

"Malayo pa ba tayo?" aniya, halos habol na ang hininga.

"Malapit na po," sagot ni Jimboy.

Sinabi naman sa kanila kanina na it will take them 30 to 40 minutes trekking para makaakyat sa tuktok. Thirty minutes na yata ang lumipas. This time, she took the chance to look around. Ramdam na niya ang malakas na hangin. Puro bundok na rin ang nakikita niya at pansin na niyang nasa tuktok na siya.

Biglang nawala ang pagod niya sa magandang view sa paligid niya.

Umayos siya ng tayo.

"Ang ganda," she said in awe.

"Mas may maganda pa riyan, Mari." Hinawakan na siya sa kamay ni Jude at hinila na ulit palakad. "Dalian mo na riyan para makahanap tayo nang magandang puwesto para sa tent natin."

"Teka lang naman!" Napahawak siya sa kamay nito habang hila pa rin siya nito. "Pagod na ako e."

"Mamaya ka na magpahinga."

True to his words ay may mas maganda pa pala kaysa sa view na nakita niya sa ibaba. Umawang ang bibig niya habang iginagala ang tingin sa paligid. The vast blue horizons, green mountains, and the overlooking sea. The sky seems like an endless canvas of pink, purple, and blue melted paints na unti-unti na ring nagiging kulay kahel.

It's almost sunset.

She spread her arms and let the cold breeze of the wind hugged her. Dama niya ang lamig ng hangin sa kanyang mga pisngi.

"Ang ganda ng mundo!" sigaw niya. Her heart is so full with gratitude. Naiangat niya ang tingin sa langir. Pinagdaop ang mga kamay saka pumikit. "Thank you, Lord," nakangiti niyang bulong sa mga hangin.

Iminulat niyang muli ang mga mata.

She filled her lungs with fresh air. Hindi pa rin naalis ang ngiti niya sa mukha.

"You like the view up here?" Naibaling niya ang mukha kay Jude.

Nasa tabi na niya ito. "Tapos ka na sa tent natin?"

"Yup, mabilis si Jimboy. Sa sobrang bilis niya siya na lang pinagawa ko." Tumawa ito saka ibinaling ang tingin sa papalubog na na araw. "Ang swerte natin na wala gaanong tao. We wouldn't enjoy this sight if we went here Friday or Saturday night."

"Feeling ko para sa atin talaga ang araw na 'to. Gusto ng mundo na makita natin na walang distraction ang ganda ng mundo."

Ibinaling ni Jude ang tingin sa kanya. He wasn't smiling but she could tell he was agreeing with her. Ngumiti siya.

"Thank you for bringing me here, Jude," she sincerely said. "I mean it. Thank you."

Tipid lang itong ngumiti sa kanya.

"Picture-an mo ako rito, ha? Doon sa polaroid ko."

"Opo."

Natawa siya.

Sa mga sumunod na minuto sabay na nilang pinanood ang paglubog ng araw at ang tuluyang pagkulay kahel ng kalangitan. Nayakap niya ang sarili. Hindi niya alam pero naluluha siya. Naninikip ang dibdib niya hindi dahil sa sakit at lungkot, but because of too much happiness. It overwhelms her.

It feels surreal to witness the world like this.

Pasimple niyang pinahid ang mga luhang namuo sa gilid ng mga mata niya at ngumiti. Hay naku! Napaka-iyakin mo talaga Lucia Marison. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Jude na seryosong-seryosong nakatingin sa harap. She took that chance to look at him - to admire him from up close. Hindi pa rin siya makapaniwala.

She's with Jude Asrael Savio.

I want to spend every golden hour with you in this lifetime, Jude.

Napansin yata nitong nakatingin ito sa kanya. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. Namilog ang mga mata nito.

"Bakit?"

Tumatawang umiling siya. "Wala."

He chuckled. "Mari, nasa harap mo ang magandang view. Bakit sa akin ka nakatingin?"

"Maganda rin kasi ang view sa side mo."

"Ang view o ako?"

Her lips pursed, suppressing a smile. "Both," she giggled after. "Here." Inabot niya rito ang isang earbud. She was listening to her playlist the whole time. May gusto lang siyang iparinig kay Jude. A song that shares the same words she wants to say to him.

Walang ano mang salita na tinanggap nito 'yon at ipinasok sa isang tenga.

Lalo siyang napangiti.

Tamang-tama ang lines.

You take me to a place that reminds me of all the things I could be. When trouble comes you look at me. And tell me that you'll be right here. Can't you see?

"Hold the line, hold the line," she sang silently, enough for him to hear. " Make our stand. When the storm hits the ground. We won't bend. No matter what comes our way. I'll hold your hand till the end."

Don't wanna be. Don't wanna be keeping score. Through the night we will pray. For something more. Fight for love. Don't you leave it at my door.

Just believe...





**Song is in the video section above for reference!**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro