Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

NAGISING sa kalagitnaan ng gabi si Marison. Wala siya gaanong maaninag sa kadiliman. Mag-a-anim na buwan pa lamang ang lumipas simula nang maging successful ang eye surgery niya. Malinaw na siyang nakakakita pero may pagkakataon lang na bahagya pang malabo, lalo na sa kadiliman.

Kinapa niya ang switch ng lamp shade sa kanan niya kaso hindi umilaw. She tried twice pero ayaw pa rin. 

Brownout?

Napansin niya ring patay ang aircon pero malamig pa rin ang buong silid.

Ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan.

Nauuhaw siya.

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kanyang higaan at kinuha ang flashlight sa unang drawer ng kanyang bedside cabinet nang biglang matigilan siya. May narinig siyang galaw sa likod niya – sa may kaliwa – malapit sa pinto.

Matalas ang pandinig niya simula nang mabulag siya kaya agad niyang napapansin kapag may gumagalaw sa paligid niya. Kahit simpleng paghinga at paglipat ng bagay ay nasusundan niya.

Humigpit ang hawak niya sa flashlight.

Hindi siya lumingon.

Will it be another ghost encounter or will it be a person this time? Pero imposible namang tao iyon. Mahigpit ang security sa mansion nila.

Simula nang maaksidente siya ay may naririnig siyang mga boses sa paligid niya. Noon ay akala niya ay mga totoong tao ang mga ito pero sa kalaunan nalaman niyang hindi pala tao ang nakakausap niya minsan.

At ngayong nakakakita na siya, naririnig pa rin niya ang mga boses pero hindi niya nakikita ang mga ito.

Humugot siya nang malalim na hininga bago ibinaling ang tingin sa harap. Naningkit ang mga mata niya para kahit papaano mas maayos niyang makita ang paligid niya. Tumagos ang liwanag ng buwan mula sa malaking binatana niya sa kanyang silid – nahawi ang malaking kurtina sa bintanang 'yon.

Kinabahan siya.

Mas gugustuhin niyang multo ang magpakita kaysa totoong tao. Baka hindi niya ma depensahan ang sarili. Wala ang kanyang ama sa bahay dahil may overseas work ito. Wala rin ang Kuya Lucio niya dahil kasalukuyan itong nakakulong.

Mayamaya pa ay lumitaw ang isang pares ng mga paa mula sa kadiliman.

Napaatras siya.

Huminto ito sa lugar kung saan tumagos ang liwanag ng buwan – mas nakita niya nang malinaw ang pigura nito. It was a man. Matangkad na lalaki. He was wearing a black jacket and a black shirt underneath it. Itim rin ang suot nitong pantalon at sneakers. May suot itong itim na mask na tumakip sa ilong at bibig nito. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil bahagyang nakababa ang visor ng suot nitong itim na sombrero.

"Who are you?" lakas loob niyang tanong.

Nagsimula siyang kabahan at matakot. Alam niyang kapag sumigaw siya ay agad siya nitong aatakihin and who knows kung ano pa ang gagawin nito sa kanya. But being physically weak is not a valid reason to accept her early defeat - kapag may pagkakataon, lalaban siya.

"I should ask you the same."

His tone of voice felt like acid in her ears. It was making her stomach churn with a pang of indifferent guilt she couldn't even fathom. It was like he is questioning her existence. 

"Who are you?" he demanded.

"You're in my house," sagot niya. Humigpit ang hawak niya sa flashlight. "Wala akong dapat i-explain sa'yo. Look, if you want to steal something... kunin mo na lahat ang gusto mong kunin. Hindi ako tatawag ng pulis." Nagpasalamat siyang hindi siya pumiyok. She didn't want him to sense how terrified she was at the moment.

You're strong Marison. You can do this!

"How thoughtful of you," he responded in pure sarcasm.

"Then why are you here?" Humakbang ito palapit sa kanya pero agad niya itong pinigilan. "Don't come closer. Diyan ka lang."

He didn't respond. Hindi rin ito nakinig sa kanya. Lumapit ito at marahas na hinawakan ang kanyang kanang kamay at kinuha mula sa kanya ang flashlight na hawak. Itinapon nito 'yon sa itaas ng kama saka inilapit ang mukha nito sa kanya.

Dahil matangkad ito, hanggang leeg lang siya nito.

At nang bahagya niyang iangat ang mukha saka lang niya nakita ang kulay tsokolate nitong mga mata. A line appeared between his brows. He has this dark expression on his face. Para bang may mga tumatakbong ideya sa isip nito na gusto nitong itanong sa kanya but because of her lack of cooperation, it was making him pissed off.

Ito na nga ang nag-trespass sa bahay nila. Ito pa ang galit? Nahigit niya ang hininga nang hawakan din nito nang mariin ang libre niyang kamay kanina.

"N-Nasasaktan ako," nahihirapan niyang reklamo.

"Who are you?" ulit na naman nito. "Kaano-ano mo si Roberto Morales?"

Namilog ang mga mata niya – bahagyang natigilan nang muling magtama ang kanilang mga mata. Ngayon niya lang napansin na parang pamilyar ang mga matang 'yon. Pati na rin ang hugis ng makapal nitong kilay at mahahabang pilikmata.

"I said, who the fuck are you?" galit na nitong tanong.

Naglabanan sila ng tingin. "Sino ka ba? At bakit ko naman sasabihin sa'yo kung sino ako?" Umawang ang bibig niya nang higpitan pa lalo nito ang hawak sa kanyang mga kamay. Nasasaktan na talaga siya. "Bitiwan mo ako kung ayaw mong sumigaw ako," pagbabanta na niya.

Sa pagkakataon na 'yon ay nanlaban na siya. She tried her best to get away from his tight grip. He didn't budge. Inapakan niya ang sapatos nito but with no use. Anong lakas ang meron ng walang sapin niyang paa sa matigas nitong sapatos?

"Stop moving! Sagutin mo na lang ako –"

"Bitiwan mo sabi ako e." Tinuhod niya ito.

The stranger gasped in pain and loudly cursed. Lumuwag ang hawak nito sa mga kamay niya dahilan para maitulak niya ito palayo. Agad siyang tumakbo pero may mataas yata ang tolerance ng lalaki sa sakit dahil mabilis siya nitong nahuli – niyakap siya nito sa baywang mula sa likod.

Napasinghap siya nang umangat ang mga paa niya sa ere.

He carried her at marahas na itinapon sa itaas ng kama. Akmang babangon siya nang mabilis itong makasampa sa kama – he straddled on top of her – itinaas nito ang mga braso niya sa magkabila niya.

Habol niya ang hininga sa pagkakadaiti ng mga balat nila.

Masyadong manipis ang suot niyang asul na silk night gown. Bahagya nang nalihis ang mahabang skirt nun hanggang sa kanyang tuhod. Mabuti na lamang at off shoulder 'yon kaya lamang wala siyang suot na bra sa ilalim. 

Muling nagtama ang mga mata nila.

"What do you want from me?" asik niya rito.

"Just answer my question. Sino ka?"

Hindi niya pwedeng sabihin kung sino siya. Magagalit ang ama niya. Hindi pwedeng malaman ng ibang tao ang totoong relasyon niya kay Roberto Morales.

"I –" hindi niya natapos ang sasabihin nang mapansin niyang bahagyang lumamlam ang mga mata nito. Titig na titig ito sa kanya, lalo na sa kanyang mga mata.

"You're Lucia Marison Salvaleon."

Her eyes widened.

At kilala siya nito.

"Paano mo –"

"Tell me," muling dumilim ang tingin nito sa kanya, mas masidhi kaysa kanina, tila ba hindi nito nagustuhan ang nalaman, "anak ka ba ni Roberto Morales?"

"Hindi –"

"You're lying," he snarled.

"I'm not!"

"You are!"

"What does it have to do with you? Ano bang nagawa sa'yo ni Da – ni Roberto Morales?!"

Napangiwi siya sa kanyang isip. Damn it!

"Game over, princess. Got you."

Nakagat niya ang ibabang labi. Her father will be in big trouble if her identity gets exploited in public.

"I-I'll do everything... just don't tell... anyone."

"You don't deserve it."

"Huh?"

Bigla na lang nitong tinakpan ang mga mata niya gamit ng isang kamay nito. Naramdaman niya ang pagbaba ng ulo nito sa kanyang kanang tenga – hot breath fanned her neck. Bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso. 

"Remember this night, princess," he whispered, "I will make sure you regret being your father's child."

Anong ibig nitong sabihin?

Ano ba talaga ang pakay nito sa daddy niya?

Tumigil yata sandali ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang mainit na paglapat ng mga labi nito sa labi niya. Did he just kissed her?

But why?

"I'll come back for you."

Bigla na lang itong bumangon mula sa pagkakadagan sa kanya at nang bumangon siya ay mabilis itong nawala mula sa kadiliman. Natutop ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang dibdib – malakas na malakas pa rin ang tibok ng puso niya habang iginagala ang tingin sa paligid.

Mayamaya pa ay naiangat niya ang kamay sa kanyang mga labi.

Ramdam na ramdam pa rin niya ang mainit na halik na ibinigay nito sa kanya kahit dampi lamang 'yon.



HINDI PA RIN niya makalimutan ang kiss thief niya kagabi. Naiinis talaga siya rito. Hindi siya natutuwa na ito ang unang halik niya. Her first kiss should be special – something she wouldn't expect – fine it did took her by surprise, pero hindi 'yon counted.

Una, she doesn't know who he was. Second, they're not even in a relationship and why did he kiss her? Third, paano kung masamang tao pala ito? Gosh! Ang unfair ng mundo. Gusto niyang umiyak. Hindi na nga siya makalabas sa mansion na 'to. Ninakawan pa siya ng first kiss.

She buried her face on her palms and cry without tears.

Gusto niya lang mag-emote at ipagluksa ang pagkawala ng kanyang first kiss.

Okay lang sana kung si Jude 'yon.

Aarte pa ba siya?

Pero hindi e.

"Anak," naiangat niya ang mukha nang marining ang boses ni Yaya Celia, "okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan ah. Aba'y mukha kang may kausap na hindi namin nakikita?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Naririnig mo na naman ba sila? Hindi na ba umeepekto ang bracelet na 'to?" tukoy nito sa suot niyang orange beaded bracelet sa kanan niyang kamay.

Ito ang nagbigay sa kanya nun.

Simula nang isuot niya 'yon malimit na lamang niyang naririnig ang mga boses – mas madalas na wala. Nabili raw nito 'yon sa isang kakilala sa Guadalupe. It was a protection bracelet from elementals and spirits.

Mas nakakatulog na rin siya nang maayos simula nang suotin niya 'yon.

Ngumiti siya sa Yaya Celia niya. "Hindi po. May iniisip lang ako."

"Ano namang iniisip mo? Para kang may kaaway."

Natawa siya. "Naku, huwag n'yo na pong itanong. I don't want to narrate the details." Ibabaon na lamang niya 'yon sa limot. Yes, move on is the key. "Yaya, kailan ba uuwi si Daddy?"

"Hmm, hindi niya sigurado, pero matatagalan daw siya. Aba'y bantay sarado tayo rito sa bahay. Nagdagdag pa ang daddy mo ng bagong guards ngayon lang."

Her lips twitched. Kaya siguro napasok ang bahay kagabi dahil hindi mahigpit ang pagbabantay. Pero wala siyang balak sabihin 'yon sa daddy niya. Kapag sinabi niya, he will surely fire the guards on the night shift. Which is something she didn't want to happen.

Close niya ang mga tao nila sa bahay. Mainly because, siya lang naman kasi ang mabait at hindi mahirap kausapin sa mansion. Her dad is too strict and hot-tempered. Kaonting pagkakamali lang ay pagagalitan ka na. It was traumatizing to be reprimanded by him. Kaya ayaw niyang nakikinig. Lumalabas siya sa hardin – particular na ang malaking glasshouse garden nila roon.

She spent most her time in gardening and fangirling – pero mas madalas ang pagpa-fangirl kay Jude. Now that she has mentioned him, kinikilig tuloy siya.

Kuya Lucio, they're not close.

Madalas kasi itong wala sa bahay at laman ng mga night clubs. Nag-ri-rebelde ito dahil sa kanilang ama. He didn't even like her. Sino ba namang hindi? Anak siya ng totoong mahal ni daddy. Although Kuya Lucio was the legal son – walang tiwala si daddy rito. He also hated the fact na siya ang kinakampihan ng ama nila.

She is completely clueless about her father and Kuya Lucio.

Alam niyang basic information lang ang ibinibigay sa kanya ng ama. He didn't want her to involved in any of Morales' business. She used to pet name herself as the ghost daughter – the flower vase. Although she's living like a real princess – she was not free – tila nakakulong pa rin siya sa tore ng kanyang palasyo.

She didn't want to dig more about Morales'. She tried before pero nagalit lang ang ama niya sa kanya. Since then, 'di na siya nag-try pa. Ang alam niya lang ay distributor ng mga medical supplies and equipment ang business ng ama.

She's turning twenty-four and she wanted to see the world – literal na mundo – hindi lang sa imagination niya. She wanted to break some rules. Pero kailan kaya siya makakahanap ng lakas ng loob para suwayin ang ama? 

Ngayon pa't nasa kulungan si Kuya Lucio. Nagmaneho ito ng lasing at may nasagasaang babae. Sabi ni Yaya Celia, dead on arrival daw ang babae. Lalo pang nadiin ang kuya niya dahil may mga drugs na nakuha sa sasakyan nito.

Galit na galit si daddy rito. Dahil sa aksidenteng 'yon naapektuhan ang stocks ng business nito. 

Dadagdag na naman siya sa mga problema nito kung sakali.

Malungkot na bumuntonghininga siya.

"Yaya, maglayas kaya ako?" out of the blue ay sabi niya.

"Santa Maria!" napa-sign-of-the-cross ito. "Hindi na yata kami masisikatan ng araw kapag ginawa mo 'yan, anak."

Ngumisi siya. Sabagay. Hindi 'yon maatim ng konsensiya niya. Nangulambaba siya sa mesa. Bored na bored na siya sa bahay. Hindi na siya natutuwa sa mga bulaklak at mga halaman.

"Nga pala, may nabasa ako dyaryo kanina."

"Ano 'yon?"

"Nandito raw si Jude sa Cebu," kinikilig na pahayag nito.

Namilog ang mga mata niya at napakurap-kurap. Umayos siya ng upo. "Hindi nga?" Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil nang sobrang ngiti. "Totoo?"

"Oo. Pero nagbabakasyon lang daw."

"Hala," she sigh dreamily. Naidaop niya ang dalawang kamay sa harapan. "Gusto ko siyang makita, yaya. Iisang hangin na lang ang hinihinga namin. Iisang lupa ang inaapakan. Don't you think, it's destiny?"

"Ay sus! 'Yan ka na naman. Alam mo namang bawal kang lumabas."

Napasimangot siya. Naigala ang tingin sa buong mansion na kayang tanawin ng kanyang mga mata. Nasa hardin sila, malapit sa swimming pool area. Kanina pa siya roon nakaupo sa isa sa mga rattan chairs na naka display sa garden area. May wooden table sa kanyang harapan. Ubos na rin ang strawberry juice na iniinom niya kanina pa.

The last time, nang nagpumilit siyang lumabas ng mansion, nabulag siya.

Kaya alam niyang hinding-hindi na siya papayagan ng ama.

"Yaya," basag niya muli.

"Ano?"

"May nabanggit ba kung na saan si Jude ngayon?"

"Walang binanggit sa news. Nakita lang kasi may blurred na stolen picture na nakalagay sa news paper. Bakit?"

She tapped her fingers on the table. Hmm. Saan niya kaya mahahanap si Jude? Ah, alam ko na! Mabilis siyang tumayo.

"O, saan ka pupunta?"

Ibinaba niya ang tingin kay Yaya Celia. "Research," matamis na matamis ang ngiti na sabi niya. She winked at her bago masayang pumasok sa loob ng bahay – arms swinging on both sides na para bang papunta siyang picnic.

Pigil niya ang kilig at ngiti habang paakyat siya ng silid.

Jude, magkikita rin tayo! Pangako 'yan. Kaya huwag mo muna ako masyadong ma-miss, ha?

"Marison!" biglang sigaw ni Yaya Celia mula sa likod niya. Hindi niya ito nilingon. "Anong reserts 'yang gagawin mo, ha? Ikaw na bata ka. Alam kong may gagawin ka na namang kapilyahan."

Wala kaya!

Well, wala pa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro