Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

TOR FROZE ON HIS SPOT habang yakap niya ang walang malay na si Aurea. She was even snoring. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Ano bang gagawin niya sa 'sang 'to? Everything about her contradicted his beliefs. Ghosts? Great, now she can see ghosts.

Marahas na bumuntonghininga si Tor.

He carried her in his arms at pumasok sa kanyang kuwarto. He gently tucked her in his bed. Itinaas ang kumot hanggang sa dibdib nito and made sure Aurea was comfortable in her sleeping position. Bahagya pa itong gumalaw pero mukhang malalim na malalim na ang tulog nito.

Napatingin si Tor sa suot nitong kwintas.

The stolen compass necklace of his family. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan na may kapangyarihan talaga ang kwintas na 'yon o wala. It's not in his personality to believe in superstitious beliefs nor put his fate in an old necklace. Gagawin niya lang katatawanan ang sarili niya.

Naupo siya sa gilid ng kama at tinitigan ang maamong mukha ni Aurea.

Defending such an idea would make him sound foolish. In fact, a nonsensical argument that should have not been tackled in the first place. Everything will dawn on him if he let these things cross his logic. He intended not to involve any emotional attachment with her, and he should keep that in mind.



AUREA WOKE UP LATE and with a headache.

And not in my room!!!

Dali-dali siyang bumalik sa kuwarto niya at naligo kahit pa kumikirot ang sintido niya. May personal bathroom ang kwarto niya kaya 'di na niya kailangang rumampang nakatuwalya sa labas.

Nakalimutan pa niyang plantsahin ang uniform niya dahil sa mga kaganapan kagabi. Madaming tumatakbo sa isip niya pero first things first. Saka na niya bibigyang kasagutan ang lahat ng mga bumubolang tanong sa isip niya.

Paglabas niya ng banyo ay saka lang niya napansin ang 'di niya napansin kanina. Lumagpas ang tingin niya roon kanina. Masyado siyang nag-focus sa oras. Pero ang hindi niya ma-absorb agad ng umagang 'yon ay kung bakit 'yong uniform niya, nakaplantsa na?

Sure na sure naman siyang habulin pa 'yon ng plantsa sa cabinet niya kagabi. Pero bakit maayos nang naka-hanger sa drying rack ang uniform niya? Mata lang ang pinagalaw niya sa pagmamasid sa paligid. Kipkip pa niya ang tuwalya sa katawan.

"Kung sino ka man, salamat."

Mabilis na siyang nagbihis. Ipinasok niya lahat sa maroon niyang knapsack ang mga gamit habang naka-stuck ang suklay sa buhok. Mabilis na kinalkal ang foot socks sa ibabang drawer at isinuot 'yon sa mga paa. Hinablot na lang niya sa malapit ang may 2-inch heels niyang black shoes at nang matapos ay bumaba na siya.

"Morning!" bati niya kay Tor nang hindi ito tinitingnan. Dumeretso siya sa pagkuha ng isang sandwich nang may kamay na pumalo sa likod ng kamay niya. Nahulog ang sandwich sa pinggan. "Aray!" ngiwi niya sabay angat ng mukha rito.

"Naghugas ka na ba ng kamay?" he demanded.

Ang aga-aga at napapagalitan na naman siya ni Tor. Umiling na lamang siya pero 'di naman siya naiinis. Paano siya maiinis sa 'hot-torney' na may suot pang apron? Hindi pa nakabihis si Tor ng pantrabaho pero mukhang nakaligo na ito at mabango pa rin kahit tapos nang magluto.

"Wash your hands." Itinuro nito ang sink area. "Anong oras ang pasok mo?"

"Mamayang nine," sagot niya habang naghuhugas ng kamay. "Ikaw?"

"May client meeting ako ng 10 AM." Umangat ang tingin nito sa wall clock sa kusina. Nakita rin niya ang oras. Alas syete pa naman. Pero dapat umalis na siya at baka ma-late na talaga siya. Malayo ang Liloan sa USJ-R kung saan siya nag-aaral. Mga two hours kung traffic. "Mauna ka nang kumain. Magbibihis lang ako sa itaas."

"Ihahatid mo ako?"

"Gusto mong mag-commute?"

Umiling siya. "Ayaw."

"Then eat." Tor gestured to the foods on the table. "Kumain na ako kanina. In case it crosses your mind, and you might want to ask." Actually, wala siyang balak itanong 'yon.

Naupo siya sa isa sa mga bakanteng upuan at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya. Natakam siya sa dami ng pagkain. Saka mas madalas na nagkakape lang siya at pandesal pero 'tong si Tor, gumising pa nang maaga para ipagluto siyang fried rice with sunny side up and hotdog. Iba rin 'yong sandwich kanina na may egg mayonnaise na palaman.

Gamit ng tinidor niyang hawak ay tumusok siya ng isang hotdog at kinagatan 'yon pagkatapos.

"Ikaw nag-prepare nito?" tanong ni Aurea.

"Malamang, kasi tulog pa kasi 'yong asawa ko."

Nabilaukan siya sa salitang asawa at inihit ng ubo.

"May tubig sa harap mo."

Takte, 'di niya inasahan 'yon. Bumara tuloy ang kinakain niya sa lalamunan. Sagad sa buto ang pagkakasabi ng salitang asawa. Parang bibiyak ang lupa at lalamunin siya nang buhay. Pero kukulog muna saka hahawi ang dagat at lupa.

"T-thanks." Inabot niya ang baso ng tubig at uminom muna. Pasimple niyang iniangat ang tingin kay Tor na seryoso pa ring nakatitig sa kanya. Hinubad na pala nito ang apron. "Bakit?"

"Sa susunod, plantsahin mo na sa gabi ang uniform mo kung 'di mo naman pala kayang magising nang maaga. It saves us more time. It's a fraudulent practice to always force to finish important things an hour before you need it."

Naitaas niya ang isang kamay. "Ano pong meaning niyan?" Hutek talaga, kaya ayaw ko makipag-argumento sa isang 'to. Ramdam na ramdam kong walang silbi 'tong utak ko.

"It means, stop cramming."

Tinalikuran na siya nito at umakyat sa itaas.

Kumibot-kibot ang bibig niya. "Eh, malay ko ba?"

Napakurap-kurap siya.

Wait a minute! Does this mean na si Tor ang nagplantsa ng uniform ko? She held a sharp sigh na para bang napaso ang dila niya after realizing that one hundred one percent possibility na si Atty. Kale Thomas Velez nga ang nagplantsa ng uniform niya.

"Seryoso?"




"SIGMUND FREUD is the father of Psychoanalysis," ulit ni Aurea sa mula sa binabasang notes sa binder. Hindi niya natapos ang pag-re-review kagabi kaya hahabol siya. "Jean Piaget—"

"Alam mo namang may quiz ka pero ngayon ka pa lang mag-aaral?" basag ni Tor habang nagmamaneho ito ng kotse. "You should really change that bad habit of yours, Aurea."

"Nag-review naman ako kagabi kaso nga madaming distractions." Binasa niya ulit ang notes niya. "Saka mo na ako sermunan kapag natapos ako rito." Then she suddenly remembered something. "Pero 'di nga," baling niya rito, "anong nangyari sa 'kin kagabi? Bakit nasa kuwarto mo ako?"

"Akala ko ba mag-re-review ka? Kasama ba sa coverage ang impormasyong makukuha mo sa 'kin?"

"Hindi pero—"

"Study your lessons. We still have plenty of time to talk about other things."

"Pero kasi—"

"Don't make me repeat myself, Aurea."

Marahas na bumuntonghininga si Aurea. Ang hirap talagang pakantahin nitong si Tor. Laging may rebut na nakahanda. Napakamot siya sa ulo. Mas ramdam niya ang dandruff niya sa ulo kaysa mismong utak niya.

"Nga pala, gusto kong malaman ang score mo sa exam mo na 'yan."

Nanlaki ang mga mata niya. Patay! Masakit na nga ulo niya, mas lalo pa yatang sumakit sa sinabi ni Tor. Puwede ba niyang i-decline ang gusto nito? Wala naman sa agreement nila na dapat nagsa-submit siyang scores and grades niya kay Tor. Kaloka! Itinatago nga niya 'to kay Lourdes tapos sasabihin pa niya kay Tor.

Ganito na lang, Aurea, huwag mo muna sagutin. Kunwari wala kang narinig.

Twenty minutes before 9 AM ay nakarating na sila sa university. Nagmamadaling ipinasok niya ang mga gamit sa bag. Walang pakialam kung magulo man 'yon. Nasa 6th floor pa ang classroom niya. Diyos naming lahat parang awa!

"Four PM ka pa, 'di ba?" tanong habang kinakalas ang seatbelt sa katawan.

"Oo, hintayin mo na lang ako."

"Okay. Bye!" Dumukwang siya para sana mahilakan sa pisngi si Tor nang ma-realize niyang parang may mali at hindi 'yon normal na gawin.

Naistatwa sila sa ganoong posisyon. Kaunting galaw na lang ay lalapat na ang labi niya sa pisngi nito. Si Tor naman tinignan siya mula sa rearview mirror.

"W-what are you doing?"

Napakurap-kurap siya sabay tawa—tawang pilit at hiyang-hiya. Syet! "Joke lang po!" Tinapik niya ito sa balikat. "Practice lang. Bye!" Mabilis niyang iniwas ang mukha at lumabas ng kotse nito.

Nakagat niya ang ibabang labi at sobrang napangiwi habang naglalakad papasok ng eskwelahan. Pinukpok niya ng tatlong beses ang noo gamit ng nakakuyom niyang kamay.

"Ewan ko sa 'yo, Aurea! Boang g'yud ka ay."

At may pa-kiss on the cheek ka pang nalalaman diyan? Jowa mo, 'te?

"Rea!"

"Ay kabayo!" gulat na sigaw ni Aurea.

May umakbay sa kanyang kanang balikat. Pag-angat niya ng mukha ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Cliff. Kaklase niya ito sa Speech Class.

"Musta? Long time no see, ah."

"Last year ba tayo nagkita? 'Di ba noong Friday pa lang?" pabalang niyang sagot.

Cliff was currently taking up Industrial Engineering. Kung paano naging magkaibigan ang isang Psych student sa isang Engineering student? Ay hindi na niya ma trace back. In fact ay masyado itong sikat. Team Captain si Cliff ng university basketball team ng school nila, so hindi na nakapagtataka na madaming nagkakagusto kay Cliff. Hindi nga lang siya kasama roon. Pero madami pa ring ayaw sa kanya dahil close nga sila ni Cliff kahit wala naman silang relasyon ng lalaki.

"Masamang ma-miss ka? Saka sino 'yong naghatid sa 'yo? Mukhang mayaman, ah."

"Daddy ko," pabiro niyang sagot.

Kumunot lang noo ni Cliff sa kanya. "Daddy? 'Di ba—wait—nag-meet na kayo ng totoo mong ama?"

Natawa siya. "Joke lang! Saka huwag mo nang alamin." Inalis niya ang nakadantay na braso nito. "Saka huwag ka ngang close nang close sa 'kin. Baka mamaya makatanggap na naman akong death threats dahil sa 'yo."

Cliff smiled brightly this time. "Bakit ba ayaw mong maniwala na crush kita?"

"Mukha mo. Ikaw?"

"Maniwala ka na kasi na may lalaking magkakagusto sa 'yo?"

Huminto siya para harapin ito. Cliff did the same. "Naniniwala naman ako. Pero hindi muna sa ngayon kasi magagalit ang—" Natigilan siya.

"Magagalit sino?"

"Ah basta!" Ikinumpas niya ang isang kamay rito at muling naglakad. "Basta, bawal pa akong mag-love life. Gagawin akong banana cue ni Lourdes."

"Kakausapin ko ang mama mo. Hihingi akong permiso."

"Busy siya."

"Kapag 'di siya busy."

"Araw-araw siyang busy."

"Grabe naman!" Tawang-tawa si Cliff. "Seryoso?"

"Oo, kaya babosh na muna at ako'y may klase na."

"Re—"

Iniwan na niya si Cliff at mabilis na ini-swipe ang ID sa guard entrance. Hutek talaga 'yan! Bumungad na naman sa screen sa itaas ng entrance ang mukha niya. Ito rin ang ID na dahilan ng pagbagsak ng magandang reputasyon ni Atty. Tor. Natawa siya bigla nang maalala ang mukha ni Kuya Ben. Sirang-sira na imahen ni Tor dahil sa kanya.

Oh, well, deserve!




NANINIGKIT NA ANG MGA mata ni Aurea habang naghihintay sa text ni Tor. Tumambay muna siya sa study lounges sa parking lot area. It's already 3:50 PM on her watch pero kahit man lang tawag ay wala siyang natatanggap.

Nahilot niya ang sintido at ni-rub ang Katinko sa kung saan pumipintig ang sakit. Lalo lang naningkit ang mga mata niya sa anghang. Edad niya bente-tres pero katawan niya pang-singkwenta na.

Muli niyang tiningnan ang screen ng cellphone niya, wala pa rin.

Uwing-uwi na siya at pagod na pagod na. Gusto na lang niyang humilata sa kama at pangatawanan ang pagiging tamad. Iniyupyop niya ang ulo sa mesa at itinaas ang librong hawak at binuklat 'yon. Akmang tatakip na 'yon sa mukha niya nang tumunog at mag-vibrate ang cellphone niya.

Mabilis pa sa kidlat na tumuwid siya ng upo at sinagot ang tawag.

"Hello—"

"I'm already outside."

Napangiti siya nang marinig ang boses ni Tor.

Yes, finally, Daddy Tor is here!

Agad na iniligpit ni Aurea ang mga gamit at tumayo. "Palabas na ako." Mabilis ang mga lakad na tinungo niya ang exit. "Nasaan ka?" Hinanap niya ang kotse ni Tor sa bawat nadadaanan niya hanggang sa makita na niya gray Ford Everest nito. Sauludo naman niya ang plate number ng sasakyan nito kaya alam niyang si Tor ang sakay n'on. "Kita ko na."

Pero bago niya ito pinuntahan bumili muna siyang dalawang banana cue. Nagugutom na rin talaga siya. Tumawid na rin siya pagkatapos. Pagpasok na pagpasok niya ay malaki pa ang ngiting ibinaling niya ang mukha kay Tor.

"Gusto mo—" Pero 'di na niya natapos ang sasabihin dahil sobrang seryoso ng mukha nito. Anong nangyari sa 'sang 'to? "Oh, bakit mukha naman 'yang semana santa 'yang mukha mo?"

"Nothing," Tor answered coldly. "Let's just go." At nag-drive na ulit.

Bad mood? "Ayaw mo?" alok ulit niya sa banana cue. Pero mas magtataka siya kung 'di bad mood si Tor. Normal na kay Tor ang maging banas sa mundo araw-araw.

"I'm not hungry."

Eh, 'di huwag!

Nang dumating sila sa Ayala Mall ay ganoon pa rin ito. Kasing-cold pa rin ni Elsa. Tanungin kaya niya kung gusto nitong mag-solo number ng Let It Go? Hindi rin tinanong ni Tor ang score niya sa exam. Gusto pa naman niyang magyabang. Kaloka ang mood nitong si Kale Thomas. Sarap kurutin ang noo. Kagigil! Hmmp!

Pagpasok na pagpasok nila sa isang mamahaling jewelry shop ay agad naman silang binati ng mga staff roon, especially si Tor. Ito lang naman ang mukhang afford magmudmod ng pera. Attorney Tor in his navy blue two-piece suit minus the necktie dahil nakakalas na ang dalawang butones ng polo nito. Nandoon na ulit ang pakita collarbone ni Attorney Tor na nakakapanghina naman talaga. At siya na nakasunod lang dito with her school uniform.

Parang ang weird talaga ng tandem nila ng mga oras na 'yon. Mapapatawag yata siya sa president's office bukas. Bakit 'di kaya muna siya nagpalit bago rumampa sa Ayala with Tor?

Tumingin-tingin si Tor sa mga naka-display na mga singsing doon. Siya naman, tamang silip at tingin lang din sa glass cases. Ang mamahal ng mga singsing. Nakakapanlula ang presyo. Alam niyang investment ang mga alahas pero mas gusto niyang mag-invest sa bahay at lupa dahil malaki talaga ang value n'on after how many years.

"I'd like to see this one," sabi ni Tor sa babaeng staff na nag-a-assist dito. Sumilip na siya mula sa likod nito. Her eyes widened as soon as she saw that beautiful diamond ring. "Aurea," tawag nito sa kanya.

"Bakit?" Nagkunwari si Aurea na 'di niya nakita ang singsing.

Tumabi siya rito.

"Ito po, Sir." Ibinigay ng babaeng staff ang singsing kay Tor. "'Yan po ang pinaka-latest design namin this month."

Hinarap siya ni Tor. Hindi naman nakatakas sa kanya ang malisyosang tingin ng babae sa kanya. Dami talagang judgmental na tao sa mundo. Buti na lang mabait akong tao. Sige lang. Char. Ngumiti siya kay Tor. Pero bagay naman sila kaya mainggit na lang ito sa kanila.

"Do you want this one?" Tor gently asked.

Kita mo 'tong si Tor, mabait na ulit. Kanina, bad trip, ngayon naman malumanay. Mamaya galit na naman 'yan.

"Magkano ba 'yan?" mahina niyang tanong.

Isinukat pa rin ni Tor ang singsing sa ring finger niya. It was a perfect fit.

"Two hundred sixty thousand po," sagot ng staff kay Aurea. Luluwa yata ang mata niya. "It's a 585 white gold diamond with sapphire, 0.925 carats..." Ano raw?

"Ang mahal," Aurea mouthed to Tor.

"Pero gusto mo?"

"Ang mahal nga. Wala ba sila 'yong tag-100 Pesos, buy one take one na?"

Ibinaling ni Tor ang mukha sa babaeng staff. "She likes it. We'll take it." Hinawakan niya sa braso si Tor at may diing pinisil 'yon. Inosenteng ibinalik nito ang tingin sa kanya. "What?"

"Two hundred sixty thousand Pesos 'yon. Tor, okay ka lang?"

"Alam ko."

"Ang laking pera n'on."

"I don't see any problem with that."

Binitiwan niya ito, her hands curled sa sobrang pagtitimpi ng gigil niya kay Kale Thomas. Nasasayangan siya malaking pera na ilalabas ni Tor para lang sa isang singsing tapos fake couple naman sila. Kung 'di bad mood si Tor ay gastador naman.



PAUWI NA SILA PERO hindi pa rin masabayan ni Aurea ang mood swings ni Tor. Bad trip, tapos kakalma. Tapos maba-bad trip na naman. Masarap ang mga pagkain kanina habang nagdi-dinner sila pero para lang din siyang kumakain mag-isa. Hindi na talaga maganda 'to. Kailangan na nilang mag-usap ni Tor.

"Dalawa lang mistakes ko sa quiz kanina," basag niya sa katahimikan.

Ilang segundo muna ang lumipas bago ito nag-respond.

"Total of?"

Sa wakas!

"Thirty."

"Very good."

Naglapat ang labi niya sa isang ngiti. Ganito pala feeling kapag ramdam mo ang utak mo kahit kasama mo si Tor. Ang satisfying! Akmang magsasalita ulit siya nang maunahan siya ni Tor.

"Who's that guy earlier?"

Napakurap siya at naikiling ang ulo sa kanan. "Sino?"

"'Yong lalaking umakbay sa 'yo kanina."

"Ah..." Wait, si Cliff? Kanina eh. Si Cliff lang naman ang naalala niyang nakaakbay sa kanya ngayong araw. 'Di naman siguro dahil doon kaya ayaw siyang kausapin nang maayos ni Tor, ano? "Kaklase ko lang."

"You seem close."

"Kaibigan," pagtatama niya. "Don't worry, tandang-tanda ko pa ang usapan natin. Wala po munang ligaw hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral."

Kumunot lang ang noo nito. Tumawa si Aurea to lighten up the mood. Mainit talaga dugo ni Tor sa mga cheating. Ramdam niyang may hugot ito. Napansin na lang din niya.

"Anong nangyari kagabi?" pag-iiba niya.

"You suddenly fell asleep in my arms."

"Saan ka natulog kung doon ako sa kwarto mo?"

"We slept together."

Nanlaki ang mga mata ni Aurea. "Magkatabi tayong natulog?!"

"Not my real intention. I'm supposed to sleep in your room, but you seemed like someone was chasing you in your dream. I stayed for a half an hour pero ganoon pa rin, you're still restless."

Aurea sighed. "Ganoon talaga ako kapag may ghost encounters."

"So, they exist?"

"They do." She nodded. "Hindi mo lang sila nakikita pero nandiyan lang sila. Para kasi akong ilaw sa kanila. Kumpara sa normal na tao, sa mata ng mga ligaw na kaluluwa, liwanag ako. Sinusundan nila 'yong liwanag hanggang sa makita nila ako."

"And what do they do to you?"

"Depende sa kung anong kailangan nila sa akin." Malungkot siyang ngumiti. "Pinagbawalan na ako ni Lolo Pol noon. Minsan na kasing nalagay sa peligro ang buhay ko nang may sumanib na kaluluwa sa katawan ko noong high school ako. Matatakutin ka ba, Tor?"

"Humans are more dangerous than the unknowns."

"Sabi ko nga." She just chuckled. Sana all, 'di ba? "But anyway, ayaw kasi ni Lolo Pol na i-involve ko ang sarili sa mundo nila. Kapahamakan lang daw ang makukuha ko. Hindi rin naman lahat ay mababait. May huwad din na pagkatao ang mga kaluluwang nagpapanggap na mabait. Kaya mas makakabuting umiwas na ako."

"Pero sinusundan ka pa rin nila?"

Tumango siya. "Oo, dahil maganda 'yong bahay mo. Kitang-kita ako."

Nagsalubong ang mga kilay ni Tor. "Anong koneksyon ng bahay ko?"

Natawa siya. "Walang proteksyon. Kailangan kong gawin 'yong ritwal na ginawa ni Lolo Pol sa bahay namin para hindi sila makapasok sa bahay mo. At siyempre, kailangan din nating baguhin ang atmosphere ng bahay."

"I don't think that's possible."

"Maniwala ka man o hindi, I need your cooperation or else ay patay tayong dalawa. Pwede kang mapahamak dahil sa 'kin. Naalala mo 'yong black shadow na nasa likod mo? That shadow is a bad spirit. Sila 'yong mga revengeful spirit na nagtatago sa dilim. They bring chaos in people's minds. Mostly, 'yon 'yong mga spiritually weak at depressed."

"So, depressed akong tao kaya ako nilapitan ng black spirit na 'yon?"

"Hindi lang naman depressed person ang ginugulo nila. Ang pakay nila ay ako. Kaya lang nandiyan ka, ikaw ang pupuntaryahin nila."

"It sounded like you're volunteering yourself to protect me from those unknowns."

"Ginagawa ko 'to para sa kaligtasan mo. Siyempre, iuuwi pa rin kita nang buo sa lola mo kahit na hindi tayo magkatuluyan." Ouch naman 'yon.

Tor just simply shrugged his shoulders.

Pagbaling ni Aurea ng tingin sa harap ay biglang may tumawid na nakaputing babae. Malayo pa pero bigla itong tumigil sa gitna. Agad siyang kinabahan. Alam niya agad na hindi tao ang babae. Nanlamig bigla ang kamay at buong katawan niya. Naaninag nila ang nakakatakot na ngiti ng babae nang tamaan ito ng headlights ng sasakyan. The woman in white was grinning at them. Itim na itim ang mga mata nito at lumuluha ng dugo.

"Tor!" sigaw niya.

"Crap!" he cursed. "I can't control the car."

Matatamaan na nila ang babae.

"Don't stop!"

"What?!"

"Sabing huwag kang tumigil!" hysterical na niyang sigaw. "Sagasaan mo lang siya. She's not real!"

Ginabi na kasi sila masyado at doon sila sa shortcut dumaan. Walang ilaw at malawak pa ang daan. Hindi niya naman alam na may haunted road pala rito.

"I can't believe this!" Pinaharurot ni Tor ang kotse hanggang sa lumagpas na sila sa babae. Tumagos lang ang babae sa kotse.

Napatingin siya mula sa rearview mirror. Ang ulo lang nito ang umikot para sundan sila ng tingin. Napansin din niyang napatingin din sa side mirror nito si Tor. She felt him panic a bit pero nagagawa pa rin nitong pakalmahin ang sarili.

"Mag-drive ka lang," she demanded. "Don't look back." Inilabas niya ang rosary sa bag at ikinuwentas 'yon sa rearview mirror. Pinagdaop niya ang mga kamay at ipinikit ang mga mata at nagdasal.

"Aurea—"

Hindi niya pinansin si Tor at itinuloy-tuloy niya ang pagdadasal.

"Aurea, you're freaking me out!"

"Just drive!"

"What the hell is happening?!"

Muli niyang iminulat ang mga mata. "Huwag na huwag kang dumaan dito kapag gabi," seryosong babala niya rito. "Dumaan ka sa madaming tao o kotse. Delikado ang daanan na 'to kapag hating gabi na."

Napalunok si Tor.

Pati siya ay nanunuyo ang lalamunan sa sobrang kaba at takot.

"Mag-uusap talaga tayo sa bahay pag-uwi. I want you to tell me everything."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro