Kabanata 8
MALAKI NAMAN ANG SOFA pero sa sobrang intimidating ni Tor, nagkasya na lamang si Aurea sa pagsiksik sa sarili na maupo nang sapat lang para sa kanya. Tuwid na tuwid ang likod at nakalapat ang dalawang palad sa itaas ng dalawang hita niya mula sa three-sister skirt niyang suot. Feeling niya tuloy kakausapin niya ang principal dahil for expulsion na siya.
Nasundan niya ng tingin ang pagbaba ni Tor mula sa hagdanan. May hawak itong baso ng tubig sa kaliwang kamay at isang white transparent folder naman sa kanan nito. Hindi naman ito mukhang bad mood. In fact, he seemed like he's enjoying his glass of water.
Actually, may napansin siya rito. Simula nang makadaupang palad niya 'tong si Tor ay puro tubig lang order nito sa coffee shop at kahit na noong nasa bahay niya ito at dito rin sa bahay niya.
Regaluhan ko kaya 'tong si Tor ng isang drum ng tubig?
Naupo si Tor sa pang-isahang sofa sa may kanan niya. He crossed his legs comfortably. Ibinaba nito ang baso ng tubig sa coffee table nang hindi inaalis ang tingin sa binabasa nitong mga papel na nakaipit doon sa transparent folder.
Every now and then ay naniningkit ang mga mata nito na para bang may nakikita itong mali sa mga nakasulat doon. Kung thesis papers niya ang binabasa ni Tor ay malamang sa malamang puro kunot noo na lang ang makikita niya sa mukha ni Tor.
Bahagya siyang sumilip sa binabasa nito nang iangat nito ang mukha sa kanya. Agad niyang iniwas ang mukha at inayos ang pagkakaupo at ang buhok. Napalunok siya. Aakyat yata lahat ng acid niya sa tiyan papuntang esophagus sa sobrang intimidating nitong si Tor.
"Read and sign this," maya-maya ay basag nito. Inilapag nito ang white transparent folder sa coffee table and slid it towards her direction. Bumaba ang tingin niya roon. "It's the prenuptial agreement."
Ibinalik niya ang tingin kay Tor. "Seryoso talaga?" Saka niya inabot ang folder para basahin ang kung ano mang nakasulat doon. Literal na nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Ang laki ng compensation money na makukuha niya-limang milyon! Ibinalik niya ang tingin kay Tor. Pero parang may kulang. Wala roon ang pinakagusto niya. "Bakit walang house and lot?"
Kamuntik nang mahulog si Tor sa kinauupuan nito. "H-ha?"
Ngumisi si Aurea. "Joke lang!" aniya sabay peace sign. Sa tingin pa lang ni Tor, parang gusto na siya nitong isako at ilambitin sa isa sa coconut trees sa labas ng bahay nito. Ibinalik niya ang atensyon sa binabasa. "Ang laki naman ng limang milyon. Wala akong maibibigay sa 'yo maliban doon sa stall ng banana cue ni Mama."
"I hate to repeat myself all over again, Aurea. Like I said before, the prenuptial agreement will only be beneficial to you."
"Pero bakit nga?" Iniangat niyang muli ang tingin kay Tor. "Bahay ba 'to ni Big Brother kaya may grand prize kapag lumabas?"
"In normal circumstances, this shouldn't be an issue between us-"
Aurea's lips twitched. "Hindi kasi talaga ako komportable na tumanggap ng pera na walang dahilan." Kahit na aminado naman siyang mukha siyang pera.
"Then think of it this way." Nagtama ang mga mata nila. "Consider this as your part-time job. You only need to endure staying with me for 3 months, then we will go on separate ways after. We're just doing this because of my grandma. Pagbibigyan lang natin siya, but we will not really get intimate with each other. We're just staying in one house. No emotional attachment. No future possibilities for us."
Meaning, uuwi akong walang dalang manugang kay Lourdes which is nahulaan ko na rin simula pa noong nagkapirmahan ng 3-months trial marriage contract.
"Are we clear on this, Aurea?"
Tumango-tango si Aurea. "Okay." Pinirmahan na niya ang ibabaw ng pangalan niya. "Dahil walang emotional attachment, bawal din magselos," dagdag pa niya. She slid the folder back to him. "Meaning, wala kang karapatang pagalitan o sermunan ako kapag may kasama akong ibang lalaki."
"I have all the rights to reprimand you. You're still under my care. At sa klase ng utak na mayroon ka, you're very susceptible to all kinds of danger."
"Hindi na ako bata para paglaanan mo ng panahon. I can perfectly take care of myself." This time, she made herself comfortable on the couch. Nag-Indian sit na siya. "Ang dapat mong gawin ay ang alagaan ang sarili mo at bawas-bawasan ang pagka-intimadating mong tao. Naglalakad ka pa lang, feeling ko yuyuko rin ang mga bahay na madaraanan mo."
"I'll take that as a compliment. But let me remind you, Aurea. I do not want any scandal within the 3 months of this trial marriage. You demanded me to be faithful. It would be fair enough for me if you do the same."
"Fine! No affairs," confident niyang sabi.
But Tor was giving her a skeptical look.
"What do I do with you if I caught you cheating?"
"Anong gagawin ko sa 'yo kapag nahuli kitang may ibang babae?" hamon pa niya rito na may kasamang taas ng isang kilay.
Sa pagkakataon na 'yon ay naglabanan sila ng tingin. Walang gustong magpatulo. Dahil wala rin siyang balak magpatalo.
"I don't mind if you like someone, pero makipag-date ka kapag tapos na ang tatlong buwan."
"Walang problema."
Hindi rin naman siya in demand sa boys.
"Mabuti na 'yong malinaw sa atin ang lahat."
"Pero," dinuro ni Aurea si Tor ng isang daliri, "sinabi ko roon sa agreement natin na ang pag-stay ko rito ay hindi fully business purposes lang. Siyempre, you must be genuine sa kung anong ipapakita mo sa 'kin. Ayokong umarte tayong dalawa para lang inisin ang isa't isa. Willing din naman akong maging kaibigan mo even after 3 months."
"What do you mean?"
"Naisip ko lang naman na hindi naman siguro natin kailangang magkalimutan after, 'di ba? Una, hindi naman tayo mag-ex-este-real na mag-ex. So bakit tayo magkakalimutan? Pangalawa, open naman ako sa possibility na maging real friends tayo. Gusto ko rin naman magkaroon ng attorney na kaibigan. Alam mo na, in case of legal concerns o mademanda man ako-simbako palayo-" Ipinukpok niya ang nakakuyom na kamao sa mesa. Knock on wood. "Ay may magtatanggol sa 'kin."
"At ano namang makukuha ko sa pagigipagkaibigan ko sa 'yo?"
Matamis na ngumiti si Aurea. "Gagawan kitang lucky charm."
"I'm hungry." Bigla na lang itong tumayo at iniwan siya. Dumeretso ito sa kusina sa likod lang ng bar counter. Napasimangot siya. Tingnan mo 'tong lalaking 'to at nakapaka-ungrateful. "Did you order something?"
"Syet!"
"I discourage profanity words in my house, young lady."
Napasimangot siya. "Sorry po."
Tumayo siya at pinuntahan si Tor sa kusina. Nakatalikod ito sa kanya, binubuksan ang mga cupboard sa itaas nito.
"Nakalimutan kong magpa-deliver," amin niya.
"Makakalimutan mo talaga kung nasa iba ang atensyon mo."
Kumunot ang noo niya. "Ha?" Sa iba ang atensyon? Gumala lang naman siya ah. "Magluluto na lang ako." Tumabi siya kay Tor. She stretched her arms upward para tingnan ang laman ng cupboard sa itaas niya. She tiptoed kasi medyo mataas ang puwesto no'n.
Natigilan siya nang mapansin niyang nakatingin si Tor sa nakataas niyang kamay.
"Bakit?" she asked.
"I forgot something."
"Ano?"
"Should we still wear rings?" inosenteng tanong nito sa kanya.
There was still a hint of seriousness in his voice pero mas nangibabaw ang pagiging malumanay. Tor used that tone of voice kapag kausap nito ang Lola Rito nito-kalmado at may lambing.
"Hindi pa yata kasi 'di pa naman po tayo kasal."
"Engagement ring?"
"Huwag ka na lang mag-aksaya ng pera at mabilis lang ang tatlong buwan."
"Lola will notice. I must buy you one tomorrow. Anong oras out mo bukas? May vacant ka ba after lunch?"
Ibinaba niya na ang kamay, muntik na niyang makalimutan kaya pala nangangawit na siya. She tried to recall her schedule.
"Hanggang 3 PM lang ang klase ko bukas."
"Okay. I'm free after four. Let's meet after your class. Just book a Grab, ako na magbabayad. I'll tell you the exact address of my office."
"Afford ko po mag-Grab pero if kayang mag-jeep, why not?"
"Hintayin mo na lang ako. Susunduin na lang kita."
"Lang? Napipilitan?"
"Susunduin kita, okay na po?"
Inilagay ni Aurea ang dalawang kamay sa likod as she smiled brightly at Tor. "Spoiled na spoiled ako sa 'yo." Oh, hayan na naman 'yang doubtful look sa mukha niya. "Huwag mo akong sanayin at baka pati tuition fee ko ay ikaw rin ang pagbayarin ko." Siyempre, joke lang 'yon.
Umangat ang isang kamay ni Tor at kaswal na pinisil ang pisngi niya. Namilog ang mga mata niya sa ginawa nito pero nang maramdaman niyang masakit na dahil pinanggigilan na ni Tor na pisilin ay doon na siya nag-react. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang forearm nito at pilit kumawala rito. Shuta, ang lakas!
"Aray! Tor!" she hissed.
"Taba ng pisngi mo."
Napamaang siya. "Wow naman!" Binitiwan nito ang pisngi niya at niyuko siya. Ipinatong nito ang kamay sa ulo niya. Muli silang naglabanan ng tingin.
"Behave." He gently tapped her head before leaving her.
Pinihit niya ang katawan sa direksyong tinungo ni Tor. Lumabas ito sa nakabukas na French doors papunta sa swimming pool. Inilabas nito ang cellphone at may kung sinong tinawagan.
Ano ba 'yan, kahit nakatalikod ang guwapo pa rin. Nasaan ang hustisya?
Aurea let out a heavy sigh. Suddenly, she felt something odd. Naramdaman niyang may pares ng mga matang nakatingin sa kanila sa paligid. Umaandar na naman ang pagiging paranoid niya sa mga ganitong pakiramdam. She scanned the room. Wala siyang makita at isa pa, nakabukas lahat ang ilaw. Pero nandoon pa rin 'yong kakaibang pakiramdam.
Parang nasa second floor ito at nakatingin sa kanila.
Ayaw niyang tumingin sa itaas.
Napasinghap siya nang biglang namatay ang ilaw. Takte! Uso rin pala ang brown out sa mayayaman o may nang-gu-goodtime na multo?
"Surprise!"
"Anak ng tutaaaa!" sigaw ni Aurea nang biglang bumukas ang pinto sa sala kasabay n'on ang muling pagbalik ng ilaw. Natutop niya ang dibdib sa sobrang gulat talaga.
Pisteeee!
Pati si Tor ay gulat na napalingon sa bukas na pinto. Nagsiksikan ang limang tao roon. Isa na nga roon sina Balti at Chippy. 'Yong tatlo sa likod ay 'di niya kilala.
"Anong ginagawa n'yo?!" may halong iritasyong tanong ni Tor sa uninvited visitors nila.
Balti stepped forward. "Congratulations Mr. & Mrs. Velez!" Binuklat nito ang dalang white cartolina sa harap nito. Ito yata ang cartolina na dala-dala ni Balti kanina. Prepared 'yern?
Ang dalawang lalaki sa likod pinaputok ang mga hawak na party poppers at umulan na nga ng mga confetti. Chippy and the other guy blew their red party puffers. Agad na nawala ang takot niya at sa huli ay natawa na lamang siya. Shuta!
Tuwang-tuwa sila maliban kay Tor.
Akala niya ay sila lang ang mga bisita nila pero nakasunod pala ang dalawa pang lalaki. Isa roon ang lalaking may asul na asul na mga mata at ang lalaking nakasuot ng itim na hoodie jacket kanina... na kamukhang-kamukha ng lead vocalist na si Jude sa Queen City. Napasinghap siya roon.
Huwag mong sabihing-oh, syet!
"PERFECT!"
Tiningnan ni Aurea ang mukha sa vanity mirror ng kwarto niya. Nakatingin din sa kanyang repleksyon si Chippy mula sa kanyang likod. Kakatapos lang nitong i-clip ang little veil niya sa buhok. Inayusan pa siya nang kaunti at tinulungan sa pagbibihis ng bigay nitong white puffed sleeve dress na hanggang below the knee ang haba sa kanya. Bahagya ring kinulot nito ang kanyang buhok kaya aminado siyang gumanda rin talaga siya. Kung hindi lang wedding ang theme ay mukha siyang magkokomunyon... na maganda!
"Kailangan pa ba natin 'tong gawin? Tingnan mo nga mukha ni Tor parang manunulak na ng tao sa parola." Natawa siya pagkatapos.
"Hayaan mo 'yon! Pinaglihi 'yon sa sama ng loob noong fetus pa siya." Ngumisi si Chippy. "Consider this as our housewarming party for you."
"Eh 'di ko naman 'to bahay."
"Kahit na." Hinawakan siya ni Chippy sa magkabilang balikat saka hinuli ang kanyang mga tingin. "Tandaan mo ang motivation in life mo. Bahay ni Tor. Bahay ni Aurea. Sige, sabihin mo."
"Parang ang weird pakinggan," aniya pero nakangisi. "Pero bagay sa 'kin na mukhang pera."
Tawang-tawa si Chippy sa kanya. "Dae, unang kita ko pa lang sa 'yo, alam kung malalim mahuhukay mong lupa rito sa Faro." Pinatayo na siya nito mula sa pagkakaupo. "Anyway, mamaya na tayo magchikahan. Ang importante, we have our priorities in life." Chippy linked one arm with Aurea at sabay na silang lumabas ng silid.
Nang makababa sila ay naabutan nilang inaasar-asar ng lima si Tor na walang kahit ano mang saya sa mukha at nakahalukipkip pa ng upo sa mahabang sofa. He's wearing a white button-down long sleeve polo na pinarisan nito ng khaki pants. Hindi 'yon naka-tuck in sa slacks nito. Bahagya lang ding nakatiklop ang sleeves ni Tor at dalawang butones ng polo ang iniwang nakabukas, revealing his clavicle.
Pigil ni Aurea ang ngiti.
Paano ba naman? Ang usual untouched nitong buhok ay mukhang ginulo ng mga kaibigan nito. Tor was miserably enjoying annoyance in the hands of his friends. Pero guwapo!
"Here comes the bride!" announce ni Chippy.
Naibaling sa direksyon nila ang atensyon ng mga tao. Bigla siyang nahiya kahit natural na makapal ang mukha niya. Aba'y pitong lalaki ang nakatingin sa kanya. Feeling niya tuloy siya si San Cai-mas pandak version.
"Welcome to Faro, Aurea," bati sa kanya ng guwapong lalaking may asul na asul na mata. "I'm Iesus." Nanlaki ang mga mata niya. Ang owner ng Faro at pinsan ni Chi! Lumapit ito sa kanya para makipagkamay. "Nice to meet you."
Aurea was left there, out of words.
Grabe! Parang inukit ang mukha ni Iesus. Parang hindi tao. Halatang-halata ang dugong Kastila rito pero sa tingin niya ay may lahi rin itong Pinoy. Guwapo na nga si Tor pero may anim pang guwapo sa harapan niya. Parang mag-no-nosebleed na siya ano mang oras. Woah!
"I'm Mathieu." Ito ang may hawak ng isa sa mga party poppers kanina. Kanina pa niya ito napapansin dahil sobrang guwapo lalo na kapag ngumingiti. Mukha pa lang ng isang 'to mukhang matinik sa mga babae at madami nang napaiyak. "I'm a chef."
May lahi rin ito pero hindi niya tukoy kung ano but Mathieu looks like a prince-isang babaerong prince sa Europe!
"Thaddeus, but you can call me Thad," pakilala ng katabi ni Mathieu. Ito naman 'yong partner ni Mathieu sa party popper kanina. Ang kaguwapuhan naman ni Thad ay pang-haciendero. Parang anak ng isang mayaman na Don. Moreno pero mamumula ang pisngi. Halos magkasintangkad lang sina Thad at Mathieu.
Actually, halos lahat ng mga kaibigan ni Tor ay kasintangkad niya. At sa totoo lang din, lahat naman talaga sa 'kin ay matangkad. Yeah. Sad life.
"I'm Juan," sunod na nagpakilala ang lalaki sa kanan ni Tor. Ito, legit talagang oppa! Hindi siya puwedeng magkamali na may lahi itong Koreano. "I own the Juander Pets clinic on the boardwalk."
"Jude." Hindi niya maiwasang titigan si Jude. Aurea was sure she sensed his gloomy aura earlier. Pero bakit mukha namang masaya si Jude? Doon siya nagtataka. At confirmed na siya nga si Jude Asrael Savio ng Queen City. "They call me Judas here."
And Jude was even good looking in person.
"Aurea?" tawag ni Tor sa kanya. Napansin yata nitong matagal na siyang nakatitig kay Jude. "Okay ka lang?"
Jude chuckled. "I always get that a lot."
"Puwede pa-autograph?" biglang tanong niya.
Jude smiled. "Sure."
But at the back of her mind, naisip niyang ang kaluluwa ng babaeng laging nakasunod dito ang naramdaman niya kanina sa bahay. Dinivert lang niya para 'di mahalata nitong may alam siya. In that sense, may connection kaya ang biglaang hiatus ng Queen City kung bakit nandito sa Faro si Jude at may babaeng multong nakasunod dito?
"Thad and Jude are cousins," bulong pa sa kanya ni Chi. "In case you're wondering kung bakit may sikat na tao rito sa Faro."
Ah, kaya pala.
MARIING IPINIKIT NI AUREA ang mga mata.
Kung puwede lang pati pandinig ay gusto na rin niyang i-shut down. Mukhang wrong move ang paglipat bahay niya. Mas nakikita siya ng mga kaluluwang ligaw. Hindi siya makatulog. Hindi niya matapos-tapos ang thesis revisions niya. The only consolation she has at the moment ay ramdam niyang mga mababait naman ang mga ito. Chismosa lang.
Sa bahay kasi ay halo ng masasama at mababait, dito sa Faro parang kalmado mga kaluluwa rito. Hindi pa nga namamansin ang iba. 'Yong iba tumititig pero 'di naman lumalapit. Ngayon lang na gumabi na pinagpipiyestahan siya ng mga ito mula sa labas ng kwarto niya. Lahat ng frame ng bintana dinasalan at nilagyan na niyang asin, calamansi, at maliit na kwintas na may cross. Her talisman version to ward off spirits.
Maya-maya pa ay isa-isa na ring nawala ang mga 'yon hanggang sa makita na niya ang liwanag mula sa parola. Nakatago sa likod ng tower ang malaking buwan. Kaya naman pala fiesta mode ang mga multo dahil maliwanag na maliwanag ang buwan. Gusto niyang isisi sa lighthouse kung bakit nahanap siya ng mga kaluluwa. 'Yong ilaw nantatawag. Ang liwanag pa man din niya sa mga kaluluwa.
Engrossed na engrossed na sana siya nang biglang may um-appear na babaeng may taga ng itak sa gitna ng ulo.
"Mamaaaa!" sigaw niya sa gulat na muntik nang magpatumba sa kanya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Animaaaal jud baaaa!
Nagkukumahog siyang lumabas sa kanyang silid at deretsong tinungo ang kwarto ni Tor. Hahawak pa lang sana siya sa knob ng pinto nang dahan-dahan 'yong bumukas mag-isa. It created an eerie creaking sound na siyang nagpalala sa kaba niya sa kanyang puso. Napaatras siya pero nasisilip niyang madilim ang kwarto sa loob maliban lang sa isang lamp shade roon na iniwang bukas.
Paanong bubukas ang pinto kung walang magbubukas sa loob? Takte! Nagsimulang manayo ang mga balahibo niya sa katawan. May nakapasok sa loob. Itim ang awra nito pero mukhang hindi kaluluwa.
"T-Tor?" Umatras pa ulit siya. "Tor, ikaw ba 'yan?" tanong pa rin niya kahit alam niyang tagilid siya sa labanan nang mga oras na 'yon.
"Bakit 'di mo hulaan," bulong ng isang lalaki na ka boses ni Tor mula sa kanyang likod. "Manghuhula ka, 'di ba?"
Marahas siyang napalingon sa kanyang likod at bumungad sa kanya ang walang kangiti-ngiting mukha ni Tor. Gusto niyang magmura nang malakas. Wala siyang pakialam kahit ang guwapo nito sa suot nitong salamin sa mata. Gagi ka, Kale Thomas!
"Tor!" sa halip ay sigaw niya sa inis.
"What do you want?" he demanded.
But Aurea was currently in Tor's mercy. Kailangan niyang makatulog nang maayos ngayong gabi dahil may quiz siya bukas. It's a matter of life and death dahil major pa man din.
Pinagdaop niya ang mga palad sa harap ni Tor. "Puwedeng patabi?" Kumunot agad ang noo ni Tor sa sinabi niya. "Promise, wala akong gagawin." Itinaas pa niya ang isang kamay. "Full moon kasi ngayon. Kapag ganoon ay maliwanag na maliwanag ako sa mata ng mga kaluluwa. Hindi nila ako titigilan buong gabi at may quiz pa ako bukas," sunod-sunod na sabi niya, halos hindi na siya humihinga. "Maaatim mo bang bumagsak ako sa quiz ko dahil lang sa 'di ako nakatulog nang maayos?"
"You're telling me that you see ghosts?"
Sa ekspresyon ng mukha ni Tor halatang 'di ito naniniwala sa kanya. Isang malaking I DOUBT na agad ang nakikita niya sa noo nito.
Tumango pa rin si Aurea.
Ang sama na naman ng tingin ni Tor sa kanya. Lalong nagduda sa kanya. Hello, 'di naman ako sinungaling. Sadyang mahirap lang kumbinsihin ang isang Kale Thomas.
"Seryoso ako," Aurea insisted. "Nakikita ko talaga sila. Malinaw na malinaw pa." Para siyang batang nag-e-explain sa magulang niya na totoo ang aliens pero ayaw maniwala. "Mayroon nga, eh..." Nasilip niya mula sa labas ng glass window sa second floor ang babaeng may itak sa ulo. Nakakatakot talaga ang mukha nga babaeng multo. Ininguso niya ang puwesto nito para 'di halatang napapansin na niya ito. "Hayon oh," pabulong pa niyang sabi. "May isang nakatingin sa atin."
"Walang multo sa bahay ko."
Napabuga siya ng hangin. "Tor, please, maawa ka sa 'kin. May quiz ako bukas."
"Do you realize how dangerous it is for a woman to ask a man to sleep with her?"
Parang gusto na lang niyang umiyak kaysa magmakaawa kay Tor. Bakit ba ang daming tanong nito? Hindi ba puwedeng okay na sa isang explanation? Bakit ang daming follow up questions? Nanggigil na siya sa isip niya.
"Iiyak ako kapag 'di ka pumayag." Gumaralgal na ang boses niya.
"Aurea-"
"Hindi kasi ako nag-jo-joke. Bakit ba kasi ayaw mo maniwala? Nandito nga sila, eh."
In circumstances like this ay nasa kwarto na siya ng mama niya. Pero dahil wala naman siya sa bahay ay si Tor lang ang pag-asa niya. Naramdaman na niya ang mga luha sa gilid ng mga mata. Kahit tumanda na siya ay hindi na siya nasanay sa mga nakikita niya. Kapag kasi madami ang mga ito ay natatakot na siya. May iba kasi na sumasanib sa kanya at kapag ganoon, ginagamit ang katawan niya para gumawa ng masama.
Bumuntonghininga si Tor.
Doon niya napansin ang kakaibang itim na anino sa likod ni Tor. She held a sharp sigh sabay yakap dito. Ito ang nararamdaman niya sa loob ng silid nito kanina.
"Au- " Akmang itutulak siya nito palayo but she hugged him tightly.
"Don't touch him!" sigaw niya habang nakapikit.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Tila ba huminto ang paggalaw ng oras. Hindi pa rin niya binitiwan si Tor. Hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya rito. Suot niya ang protection bracelet na gawa ng Lolo Pol niya. Hindi sila magagalaw ng mga masasamang kaluluwa kapag isa sa kanila ang may suot ng bracelet.
"A-Aurea?"
Aurea felt a strong hesitation from Tor nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang magkabilang balikat. Iminulat niya ang mga mata at dahan-dahang iniangat ang mukha rito. Nakayuko naman ito sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata. Wala na sa ayos ang buhok nito. Tumakip ang ilang hiblang buhok sa noo ni Tor and his expression softened. Malayong-malayo sa attorney look nito sa umaga. Mas bumata ng sampung taon at bumait ng one hundred points.
Tor looked so gentle and vulnerable when he's at home. Parang mas kailangan nito ng proteksyon kaysa ito mismo ang magpoprotekta sa ibang tao.
Suddenly Aurea felt languid, tila nawala lahat ng lakas niya. Ang lamig-lamig ng pakiramdam niya. Bumigat bigla ang talukap ng kanyang mga mata. Naramdaman niya ang pagluwag ng yakap niya kay Tor bago pa man tuluyang nagdilim ang buong paligid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro