Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

NAGISING BIGLA SI AUREA habang nasa b'yahe. Akala niya ay nakarating na sila sa bahay ni Tor pero hindi pa pala. She peered at the window beside her. Kinukusot ang mga mata hanggang sa luminaw sa paningin niya ang lugar.

Lumiko ang kotse sa isang maliit na daan hanggang sa makalabas 'yon sa isa pang palikong daan kung saan bumungad sa kanila ang tila arko ng mga puno. It was shedding the cemented road, towering them with their alive branches of leaves. Para silang pumasok sa isang tunnel na gawa mula sa mga punongkahoy.

Inilipat niya ang tingin sa harap. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may lighthouse pala sa dulo. 'Yong feeling na nasa present lang siya kanina pero paglabas niya mula sa mga punong lagusan ay tila ba bumalik siya sa nakaraan.

It literally took Aurea's breath away.

"Ang ganda!" manghang sabi niya.

The lighthouse stood in an uphill location. May dalawang daan paakyat sa lokasyon ng lighthouse. Two steep roads that seemed like its grand staircase. Nakikita pa niya ang isang maliit na kuwadra ng mga kabayo sa itaas. Kapag inakyat ay hindi pa 'yon ang mismong lighthouse, may mga puno pang tila nagpoprotekta rito mula sa mga tao.

"Ang galing, may lighthouse pala ang subdivision n'yo?" baling niya kay Tor.

Lumiko ito sa gawing kanan nito. It was the gate's entrance and exit. Meron din n'on sa kabila pero baka mas malapit lang ang bahay nito sa entrance na 'yon o baka iba 'yon. 'Faro de Amoré', basa niya sa nakalagay na pangalan sa katawan ng gate.

"Good afternoon, Sir Tor," bati ng guard nang ibaba ni Tor ang salamin sa side nito. Sumilip ito sa loob. "May kasama po kayo?" Bumaba ang tingin nito sa hawak na clipboard. "Ms. Aurea Feliz Feliciano?"

"Y-yes?" alanganin niyang sagot.

"ID lang po, Ma'am, for confirmation."

Ibinaling ni Tor ang mukha sa kanya. Umangat ang isang kamay nito para ilagay niya sa nakabukas na palad nito ang ID na hinihingi ng guard.

"They're strict in terms of guests. Don't worry, ngayon lang naman 'yan. After they've verified your identity, makakalabas-masok ka na ng subdivision," explain pa ni Tor.

Inilabas niya mula sa maliit niyang bag ang school ID niya. Ang pangit-pangit pa niya roon.

Kumunot ang noo ni Tor nang ibigay niya 'yon dito. "Wala ka bang ibang ID?"

"Wala. 'Yan lang ang legit ID ko."

Mayroon naman siyang mga valid IDs kaso tinatamad siyang kunin sa maleta niya.

His lips pressed in a thin smile. Sa ekspresyon ng mukha ni Tor, parang nagdadalawang-isip itong ibigay ang ID niya sa guard. Dumiin ang hawak nito sa ID niya. Alangan naman, mukha siyang high school student sa ID niya. Sino ba naman kasi ang magpi-pigtails para sa isang college school ID? Nagpagawa na nga siya ng bago pero 'di pa rin siya natuto sa una niyang ID noong sixteen years old siya.

"Here." Sa wakas ay abot ni Tor sa ID niya sa guard.

Sinilip niya ang mukha ng guard. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha niya at sa ID nitong hawak. Ngumiti siya at hinawi ang nakalugay na buhok sa dalawa at inilihis 'yon paharap para magaya ang ayos niya roon sa ID.

"Salamat." Ibinalik na ng guard ang ID niya kay Tor. Halatang nagpipigil ng tawa ang guard. "Tuloy na po kayo. Welcome to Faro de Amoré, Ms. Aurea." Pero ngumiti na rin.

"Salamat po."

"Thanks, Ben," pasasalamat ni Tor.

Sumaludo ang guard. Ah, Mang Ben pala pangalan ng guard nila rito. Mukhang maalam sa latest chika 'tong si Mang Ben, ah. "Welcome po, Sir Tor."

Itinaas muli ni Tor ang salamin ng bintana nito at inabot sa kanya ang ID niya nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya. Hinawakan niya 'yon gamit ang dalawang kamay.

"Hindi naman siguro iisipin ng guard n'yo rito na sugar baby mo ako, 'no?"

"People are entitled to have their own opinion. As long as wala naman akong nilalabag na batas at wala akong ginagawang mali, my conscience is clean. I don't need to explain my side."

"Alam mo kapag kausap kita, 'di ko ramdam ang utak ko."

A lopsided smile curved on his face. He did not comment after that. In-enjoy yata ang compliment niyang matalino ito at wala siyang utak.

Inabala na lamang niya ang pagtingin sa buong paligid. Napangiti siya. Ang ganda-ganda ng lugar. A paradise indeed! Malalayo ang distansiya ng mga bahay. Halos kulay luntian at asul lang ang nakikita niya. It was like a beach resort residential.

May nakikita siyang mga bahay na nakaharap sa asul na dagat. Tanaw pa rin ang lighthouse mula sa lugar. May mga bahay na nakatayo sa mas elevated na lugar. May nadaanan din silang tila picnic forest kanina at natanaw rin niya ang isang Greece inspired café restaurant sa boardwalk. Nakaharap yata ang entrance nito sa dagat.

Na-excite tuloy siyang pumasyal doon. Para siyang nasa ibang bansa. At ang gaganda pa ng mga design ng mga bahay. Lakas maka-burgis ng mga tao rito, komento niya sa isip.

"Ang ganda-ganda rito. Siguro sobrang mahal ng isang lot dito, 'no?" tanong niya.

Sakto namang tumigil ang kotse ni Tor sa isang magandang two-storey house. Puti ang kabuuang kulay ng bahay nito. Simple lang ang desinyo pero mukhang mas maganda ang likod ng bahay kung saan nakaharap sa dagat. May gate pero mababa lang ang bakod. Maganda rin ang bahay na katabi nito. Parang cabin cottage na puro glass panel walls at madaming mga halaman. Kay Tor, sementado. Parang 'yong mga bahay sa Greece.

"We're here."

"Shuks! Ikaw lang ang nakatira sa bahay na 'yan?" Mabilis na inalis niya ang seatbelt sa katawan at lumabas ng kotse. Mababali na yata ang leeg niya sa kakatingala sa magandang bahay. "Wala na bang pangit sa lugar na 'to?"

"Let's go inside. Mataas pa ang sikat ng araw." Kinuha ni Tor ang mga gamit niya sa likod ng kotse nito. "Make yourself at home."

Sumunod siya sa loob.

At talagang nalaglag ang panga niya sa pagkamangha. Para siyang nag-check in sa isang beach resort villa. Parang gusto niyang umiyak. Kitang-kita mula sa nakabukas na French doors ang asul na asul na dagat. Rinig na rinig pa niya ang marahang hampas ng alon mula sa bahay na humahalo sa ingay na nililikha ng bawat paggalaw ng mga dahon ng mga puno sa labas ng bahay.

Lumabas siya mula sa French doors at bumungad kay Aurea ang swimming pool area. And again, gusto na lang niyang umiyak. Feeling niya, gusto na lang niyang maging sugar baby. Mukhang pera talaga ang feeling niya sa mga oras na 'yon.

"Tor, puwedeng pakasalan mo na lang ako?" Halos yakapin na niya ang hamba ng pinto habang iginagala ang tingin sa buong paligid. "Aalagaan ko talaga 'tong bahay mo."

"'Yong bahay yata ang gusto mong pakasalan, Aurea, at hindi ako." Nasa tabi na niya si Tor. Inabot nito sa kanya ang may yelong baso ng tubig. "Magtubig ka muna at mukhang masama ang epekto ng sikat ng araw sa 'yo." Pilit na ipinahawak ni Tor sa kanya ang baso at iniwan din siya nito pagkatapos.

Narinig niya ang yabag ng mga paa nito paakyat sa second floor. "I'll put your things in your room," anito nang hindi sumisigaw dahil naririnig pa rin naman niya 'to kahit nasa ibaba siya. Nakikita niya ito mula sa puwesto niya. Para kasing loft style 'yong itaas. "My room is just across yours. May isang guestroom sa ibaba."

Sumunod siya rito sa itaas.

Apat na kuwarto sa itaas. Binilang niya. 'Yong nilabasan ni Tor kanina, in-assume na niyang kuwarto niya 'yon kasi roon nito pinasok ang mga gamit niya. 'Yong katabi ng kuwarto niya ay mukhang bakante. Across that room at 'yong katabi ng room na 'yon ay malamang off limits na siya.

"My room and this room." Itinuro ni Tor ang dalawang kuwarto across ng kuwarto niya. "Are off limits." See? Hindi pa pumapalya mga hula ko maliban na lamang kapag quiz o exam. 'Yon, hindi na kinakaya ng hula powers ko.

"Nandiyan ba ang mga gold bar mo na nakatago?"

"That's none of your business," he answered coldly. "Kagaya ng kwarto sa ibaba ng bahay n'yo." May warning agad sa mga mata nito. "Ayokong may pumapasok sa kuwarto ko. Only Manang Perla can clean that room."

"Sino si Manang Perla?"

"Katiwala namin sa bahay. She cleans the house three times a week. Siya rin ang gumagawa ng laundry at grocery para sa 'kin. Hindi siya stay in. Hindi rin naman ako makalat na tao, so kapag nasa bahay ako, ako ang naglilinis at nagluluto."

"Okay, noted." Bumaba muli silang dalawa. Nag-house tour na kasi si Attorney, nakakahiya naman. Suportahan na rin natin habang nasa mood pa. "So, ano 'yong rules and regulations po natin sa bahay?" tanong niya maya-maya.

"As much as possible, Aurea, ayoko ang magulo. I hate mess. Make sure na nasa ayos ang mga gamit. All kitchen tools should be properly stored and cleaned after use. That includes all other things here in the house. You can do the laundry pero may laundry shop naman sa boardwalk. Kung nagugutom ka ay may mini convenience store at restaurant din doon or you can just order outside and have it delivered here."

"Asawa ba ang hanap mo o katulong? Kasi puwede akong both?" Tor squinted his eyes at her. "Okay, sabi ko nga live-in tayo. May tawagan po ba tayo?"

"I don't think that's necessary. Tor's fine." May dinukot ito mula sa likod ng pantalon nito—wallet. Mula roon ay inabot nito sa kanya ang isang black card. "We don't use cold cash here in Faro. Kapag may bibilhin ka, use the Amoré card. It's exclusive only for all the residents here. If outside delivery, pay using my credit card." May inabot ulit itong isang black card pero sa isang specific bank na. "Use that."

Namilog ang mga mata niya.

Ito ba 'yong credit card na walang credit limit? Sa mga K-drama lang ko lang 'yon nakikita, eh. Dalawang black cards. Ang yaman ni Daddy Tor! Delikado talaga character development ko rito kay Tor. Imbes na mapapabuti ay mapapasama pa ako. 

"Okay, ano 'yong mga favorite food mo at ayaw mo?" dagdag pa niyang tanong.

Lumalabas talaga pagka-mukhang pera niya minsan. Aurea, focus! Dapat yata ay bumili na rin siya ng slambook para kay Tor.

"We'll go into the details later. Sa ngayon, magpahinga ka muna. I need to finish something." Hinawakan nito ang isang kamay niya at ibinuka ang palad niya. Hindi niya alam kung saan galing ang ballpen nitong hawak pero gamit n'on ay may isinulat ito sa palad niya. "That's the Wi-Fi password. Pwede kang magpa-deliver ng pagkain for dinner."

"BILIKANGSARILIMONGWIFI12346," basa niya sa Wi-Fi password nito.

Napakurap-kurap siya roon.

Wow! 'Di naman masyadong pinag-isipan. May tinatagong pagka-jejemon pala 'tong si Tor. At least normal pa rin naman pala itong tao. Katanggap-tanggap ka pa rin sa lipunan, Atty. Tor.



IT WAS ALREADY 5:20 PM on Aurea's watch.

Hindi pa rin lumalabas si Tor mula sa opisina nito. Tapos na rin siyang mag-house tour at mag-selfie sa kanyang bonggang silid. Sinend niya agad sa mama niya para ipamukha rito na maganda at may aircon ang kwarto niya. Pero sinermonan lang siyang magpakabait at tumulong daw siya sa gawaing bahay at huwag magbuhay reyna. Luh! Joke lang naman. Masama talagang binibiro si Lourdes. Nangangain nang buhay.

Naiinip na siya sa bahay kaya lumabas siya at nilakad ang distansiya ng boardwalk mula sa bahay ni Tor.

And Aurea was such in awe nang makatapak siya sa mismong boardwalk. Para siyang naglalakad sa Greece. Sa movies at magazines niya lang nakikita ang mga lugar na 'yon. May naka-display na tables and chairs sa alfresco area ng isang three-storey all-glass commercial building. But ang exterior design ng each store ay parang antique shops at mukhang ganoon din naman yata sa loob. Each of it has parasol like umbrella to shed the customers from the heat of the sun. May iilang square planter bench rin siyang nakikita na pwedeng tambayan.

May rooftop ang building na 'yon at mukhang occupied. May isang space kasi roon na parang silid. Hindi rin siya masyadong sure. The ground floor was a mix of a convenience store, laundry shop, at pet clinic. Sa second floor naman naman ay isang buong café restaurant na may vintage signage na Café Faro. Kaso wala namang tao pero 'di naman mukhang abandoned. Kitang-kita rin mula sa boardwalk ang lighthouse.

Unti-unti nang naghahalo ang kulay kahel sa asul na kalangitan, tanda na papalubog na ang araw. A glint of pastel pink and purple from the other side blended with the orangey skies. Nagsilbi 'yong background ng lighthouse. Pinapalibutan din ng mga ibon ang lighthouse na tila ba naglalaro ng habulan.

Napatitig si Aurea sa lighthouse.

Tila ba may malakas na puwersang humahatak sa kanya para tingnan ito. Isang boses na hindi niya tiyak na naririnig niya na nagsasabing puntahan niya iyon. Sanay siya sa mga kakaibang pakiramdam na 'yon pero wala siyang makapang takot na madalas niyang maradaman sa ibang sitwasyon.

May kakaiba lang talaga sa lighthouse na 'yon.

"Kainis!" Napalingon siya sa kanyang likod. Mula sa convenience store ay lumabas ang isang matangkad at magandang babae. Nakapusod ang bahagyang bronze na buhok nito gamit ng lapis. Mukha naman 'yong natural at saka bagay rito. Lalong lumitaw ang kaputian nito. It was loosely tied kaya may ilang hibla ng buhok na kumawala sa magkabilang mukha nito. "Bored na ako."

Marahas na naupo ito sa isa sa tables and chairs sa ilalim ng isang white parasol. Nakapalumbaba ito at nakanguso. Hindi mapigilan ni Aurea na tingnan ito. Mestisa at mukhang may lahing foreign blood ang babae. Simple nga lang ang ayos nito. Oversized white shirt na may mukha ni Mickey Mouse at nakatali ang ibabang parte sa likod para mag-fit sa maganda nitong katawan. The woman paired it with blue denim shorts. May suot din itong itim na choker sa leeg at naka-black sneakers.

Umangat ang tingin ng babae sa kanya.

Agad na nagbago ang mood nito nang makita siya. Wait, kilala ba ako nito? Umayos ng upo ang babae. Iniangat ang isang index finger at iminuwestra ang daliri na lumapit siya rito.

"A-ako?" aniya na may kasamang turo sa sarili.

"Oo, ikaw! Dali."

Lumapit siya rito at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. "Kilala mo ako?"

"Ikaw 'yong babae ni Tor, 'di ba?" Kumunot ang noo niya. Kung makababae ni Tor ang 'sang 'to? Iba ang dating sa 'kin. Tunog kabit. "Kilala na kita. I'm Chippy by the way." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Weird ba name ko?" Tumawa ito.

"Aurea," sagot niya saka nakipagkamay. "Hindi naman. Para kang junk foods."

Chippy leaned both arms on the steel table. Parang excited na makikichika pa yata. "So kumusta? How's our good attorney?"

Natawa siya. "Sino ka muna?" balik tanong niya.

"Smart, girl. Pinsan ako ni Iesus. Ang may-ari nitong Faro. I'm actually hiding here from my father. So, in return, I have to manage these commercial spaces. Pero tagabantay lang ako. May mga owner ang mga 'yan." Itinuro nito ang space sa rooftop. "See that? That's my room."

"Matagal ka na rito?"

"Last month lang. Pero kilala ko lahat ng mga tao rito at ang mga guest ng mga bachelor ng Faro. I got all my sources from my handsome cousin. Enough of me, kakarating n'yo lang ba?"

Aurea nodded. "Oo, naglakad-lakad lang ako kasi na-bore ako."

"Walking distance lang naman, eh. Kapag bored ka, tambay ka lang dito."

"Salamat, at least may makakausap ako kapag tinopak 'yong 'sang 'yon."

Tumawa si Chippy. "Good luck. Balita ko may tatlong buwan ka para paibigin si Attorney. Kaya ba ng powers? Ano ang motivation mo?" Galing, buong subdivision pala sakop ng chismis. Aware ang lahat. Magaling, Kale Thomas! Magaling!

Ngumisi si Aurea. "Gusto ko 'yong bahay."

"That's the spirit, girl!"

Natawa silang pareho.

Shuks! Dalawa na silang baliw sa Faro.




PABALIK NA SI AUREA ng bahay nang matigilan siya. Naramdaman niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa buong katawan lalo na sa kanyang batok. Kakaibang lamig ng hangin ang yumakap sa kanya. Hindi pa naman gaanong madilim pero mag-aalas sais na. Mas naging matalas ang senses niya. Mas naging malinaw ang pandinig. Kahit ang kaluskos ng mga dahon at sanga ng puno ay malinaw niyang naririnig.

Lumagpas ang isang matangkad na lalaki sa kanyang kaliwa. Nakasuot ito ng itim na hoodie jacket at nakatakip ang hood sa ulo nito. Hindi niya namukhaan ang lalaki pero nakasunod dito ang isang babae na nakasuot ng bestidang puti.

Napalunok siya nang biglang tumigil ang babae limang hakbang mula sa kanyang puwesto. Unti-unti siya nitong nilingon. Bahagya siyang napaatras nang makita ang duguan nitong mukha. Alam niya na hindi ganoon ang mukha ng babae noong nabubuhay pa ito. Nagiging nakakatakot lang ang mukha ng mga 'di matahimik na kaluluwa kapag hindi pa ito nabibigyan ng hustisya o may hindi pa ito nareresolbang problema.

Pero hindi naman ganoon ang sitwasyon lagi. Tulad ng Lolo Pol niya. Maayos naman ito nang magpakita sa kanya. May mga kaluluwa lang talaga na ipinapakita ang nakakatakot na mukha nila sa dahilan na ang mga ito lang ang nakakaalam.

Naging maamo ang mukha ng duguang babae pero hindi na niya 'yon natitingan nang husto dahil muli nitong ibinalik ang tingin sa harap at sinundan ang lalaking naka-hoodie.

Nakahinga siya nang maluwag. Pero 'di naman siya mapakali. Gusto niyang isipin na sinusundan ng babae ang pumatay rito pero naisip niyang imposible namang may nakatirang mamamatay tao sa Faro.

Pero paano kung

"Jude!" Nagitla si Aurea sa sumigaw. "Tingnan mo ang 'sang 'yon, 'di na naman ako narinig." Bago pa siya makalingon ay katabi na niya ang lalaking sumisigaw.

Natutop pa rin ni Aurea ang dibdib. Akala niya ay may multo na namang lumalapit sa kanya.

 Buwesit! Kaya ayaw niyang lumalabas ng 6 PM dahil lumalabas na ang mga kaluluwa at kung ano-anong mga elemento. Lalo na 'yong mga kaluluwang nagtatago mula sa kadiliman.

"Sorry, nagulat ba kita?" the man gently asked, suppressing his smile.

"O­–okay lang, 'di naman masyado," sagot pa rin niya.

Hindi niya tuloy matukoy kung concerned ito o nagkukunwari lang na concerned sa kanya.

Napatitig si Aurea sa maamo at guwapong mukha ng lalaki. Wala ba talagang pangit sa lugar na 'to? Matangkad ito, kasintangkad ni Tor pero sa tingin niya ay mas matangkad si Tor ng 2 inches. May suot itong itim na salamin sa mata pero sa ayos na 'yon ay mas naging approachable ang dating ng lalaki—mas nagmukhang bata. Mukhang wala naman itong foreign blood siguro nasa genes na nito ang Hispanic looks nito. Mestiso rin at mapula-pula ang pisngi at balat. Matangos ang ilong at may mahahabang pilik mata.

Nakasuot ang lalaki ng pang-teacher na uniform. Kulay beige ang polo nito at dark brown naman ang slacks. May nakasukbit na itim na bag sa balikat nito at may hawak na mga folder at naka-fold na iba't ibang kulay ng mga cartolina.

Ngumiti ang lalaki sa kanya. "You must be Aurea?"

Namilog ang mga mata niya. Wait lang, nai-announce ba ni Tor ang pagdating niya? Pati multo kilala rin siya, eh. Kaloka, literal na well informed ang lahat sa buhay ni Kale Thomas!

"A-ako nga," sagot niya, may awkwardness siyang ngumiti rito.

"I'm Balti." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Natawa siya dahil imbes na relo ang nasa kamay nito ay isang rolyo ng masking tape. Madami pang red stamps ng very good at stars hanggang forearm nito. "Sorry, ang kalat ko ba?"

"Hindi naman. Cute nga, eh." Tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Balti. "Teacher ka ba?"

Balti nodded. "Kindergarten teacher." He smiled again. "Sabay na tayong umuwi. Magkapitbahay lang naman kami ni Tor."

Sabay na silang dalawa ni Balti naglakad sa direksyon ng bahay ni Tor.

"So, sa 'yo 'yong glass cabin house sa tabi?" curious niyang tanong maya-maya.

"Yup."

"Close kayo ni Tor?"

"We're actually best friends since childhood."

Oh? So, may best friend din pala ang batong 'yon? Now that's interesting dahil mukhang magkabilang mundo ang ugali ng dalawa.

"Kilala mo 'yong nakaitim na jacket kanina?" pag-iiba niya.

"Yes, si Hudas 'yon. Pinsan ni Thad."

Kumunot ang noo niya. "Hudas talaga pangalan niya?"

"Nope." Balti chuckled. "Palayaw namin sa kanya. Jude Asrael talaga pangalan niya."

I see. Pero bakit pamilyar ang Jude Asrael? Kapangalan ng lalaki 'yong favorite lead vocalist niya sa Queen City na si Jude Asrael Savio. Pero nasa Amerika naman 'yon. Kaya baka ibang Jude Asrael siguro 'yong naka-hoodie kanina. Pero ano kayang relasyon ni Hudas sa babaeng kaluluwa na sunod nang sunod sa kanya?

Nang makarating silang dalawa sa bahay ay naabutan nilang seryosong naghihintay sa labas ng gate si Tor. Nakapamaywang pa. Kulang na lang tsinelas ay para na itong tatay niyang nag-aabang sa anak nitong gumala nang walang paalam.

"Tor!" bati ni Balti.

Tumango lang si Tor rito pero nanatiling matalim ang tingin nito sa kanya. Lumayo siya nang bahagya kay Balti. Mapapalo yata siya ng ka-live-in partner niya.

"Pumasok ka, Aurea," basag ni Tor sa sobrang ma-awtoridad na boses.

Paktay kang bata ka, Aurea Feliz!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro