Kabanata 5
"LET'S TRY YOUR SKILLS."
Namilog ang mga mata ni Aurea nang biglang ilahad ni Tor ang kaliwang palad sa kanya. Pero hindi niya maiwasang titigan ang mga guhit ng palad nito.
"Hulaan mo ako," dagdag pa nito.
Dinala siya nito sa isang coffee shop para raw makapag-usap sila. Pumwesto sila sa pinakalikod na malayo sa ibang customers para raw may privacy silang dalawa. Dami pang sinasabi nitong si Tor, magpapahula lang pala sa kanya.
"Martes at Biyernes lang ako nanghuhula," mataray niyang sagot dito.
Pero napansin na niya ang magulong guhit ng palad ni Tor. It bothered her sa totoo lang. Madami na siyang nakitang mga palad na ganoon, pero bakit ang gulo-gulo ng palad nitong si Tor?
"Reasons," he scoffed.
Naningkit ang mga mata niya sa reaksyon nito. Ang rude talaga!
"Kahit na hulaan pa kita, alam kong 'di ka pa rin naman maniniwala sa 'kin. Magsasayang lang ako ng effort."
Still, Tor insisted. Inilapit pa nito ang nakalahad na palad sa kanya. "I'm sure you'll see something. Try."
Marahas na inabot niya ang dalawang kamay nito. Hindi naman isang kamay ang titignan niya. Dalawa dapat. Inilahad pa niyang lalo ang mga palad ni Tor at mariing pinadaanan ng kanyang hinlalaki ang bawat guhit sa mga palad nito. Ang right palm muna ang unang titingnan niya bago ang kaliwa.
Naningkit ang mga mata niya sa nakikita sa palad nito.
Sa totoo lang ay nahihirapan siyang basahin ang palad ng tao kapag hindi sa araw ng Martes at Biyernes lalo na kapag wala siya sa mood. Kailangan din kasi na na nasa mood para mas may willingness siyang manghula. Huwebes pa lang ngayon pero may nakikita naman siyang kaunti. Hindi nga lang niya matutukoy 'yon nang mabuti.
Isinunod ni Aurea na tingnan ang kaliwa nitong palad.
"Ang dami mong kaaway," simula niya.
"Natural 'yon sa trabaho ko. What else?"
Tor didn't sound impressed, but she didn't mind.
Hindi niya tukoy ang trabaho ni Tor. Basta sa nakikita niya, nakalinya 'yon sa pagtatanggol ng ibang tao at krimen. Naikiling niya ang ulo sa kanyang kanan.
"Madaming taong nawala sa 'yo simula nang may mawalang bagay sa pamilya n'yo."
'Yon ang sinabi ni Lola Rita sa kanya. It was written on his palms as well. Kung nauna niyang nakita 'yon ay mas kapani-paniwala siya. She's sure Tor will doubt her dahil nakausap na niya si Lola Rita. Iisipin ni Tor na nakuha niya ang impormasyon na 'yon kay Lola Rita.
Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya.
"Nasaktan ka ng isang babae sa 'yong nakaraan. Pero hindi ko sigurado kung ano ang dahilan. Pero may sanggol akong nakikita... isang lalaki na dating kaibigan... at 'yong babae dati mong—" Bigla nitong binawi ang mga kamay.
Gulat na naiangat niya ang mukha kay Tor.
"Sinabi ba 'yan ng lola ko?" he demanded.
Mabilis siyang umiling. "Ang sinabi lang ni Lola Rita sa 'kin ay iniwan ka ng fiancée mo bago ang kasal n'yo. Hindi na siya nagkwento pa. Bakit?"
"Nothing," Tor answered coldly.
"Alam kong hindi ka naniniwala sa 'kin pero nanganganib ang buhay mo." Tinitigan siya nito. "May taong gusto kang pabagsakin. Hindi ko alam kung sino at bakit pero dapat mag-ingat ka lalo na kapag nasa daan ka at mag-isa ka lang."
"I eat death threats every day. It's not something new to me."
Pero kapag 'di ito nakinig sa kanya ay malalagay talaga sa panganib ang buhay ni Tor na maaaring ikamatay nito. May faint line sa lifeline nito na dapat nitong maitawid nang maayos kung hindi ay maaring maging dahilan ng maaga nitong kamatayan.
Hindi niya masasabi ang kamatayan ng tao pero nakikita niya ang kapahamakan na nag-aabang sa mga ito. Kung sa mga kwento para 'yong cliffhanger. Dalawang eksena lang ang pwedeng pagpilian—kamatayan o pangalawang buhay.
"Ano ba ang trabaho mo?" pag-iiba niya.
"Ba't 'di mo hulaan?" pabalang na tanong ni Tor.
Heto na naman po kami. Ang doubts ni Kale Thomas pagdating sa kanya na nakakaubos ng pasensiya.
"Nakikita ko lang pero 'di naman po nakasulat sa palad mo ang buong bio-data mo," inis niyang sagot. Uminom muna siya ng juice bago ulit nagsalita. "Pero sa nakikita ko, related sa krimen at pagpoprotekta ang trabaho mo. Hindi ka naman mukhang pulis." Pinasadahan niya talaga ito ng tingin. "Mamumukhaan kita kung journalist ka kaso hindi, so baka isa kang attorney."
Tumaas ang isang kilay nito sa kanya.
"Tama ako, 'no? Isa kang attorney."
"Madali naman 'yong hulaan." Napasimangot siya. Ayaw talaga maniwala, eh. "Anyway, hindi panghuhula ang sadya ko sa 'yo. I'm here to propose—"
"Wait!" pigil niya rito gamit ang isang kamay. "Hindi pa ako ready."
"Not the romantic proposal you're thinking."
Umayos siya ng upo. "Sorry naman." Hindi pala 'yon? 'Yon lang naman plot ng kwento nila, ah. May iba pa ba? "Sige, ano 'yon?"
"I'm proposing a 3-months trial marriage."
"Ah, okay." Napakurap-kurap siya nang ma-realize niyang may mali sa naging reaksyon niya. Aurea, Tor is proposing a 3-months trial marriage at hindi magkalimutan na kayo. Nanlaki ang mga mata niya. "Shuta! Magpapakasal pa rin tayo?!" bulalas niya.
Kumunot ang noo ni Tor. Halos sabay nilang naigala ang tingin sa buong paligid. Mabuti na lamang at walang may pakialam sa kanila sa loob.
"Not yet," pagpapatuloy nito. "We'll just live together in one house."
May pa 3-months trial marriage pa ang 'sang 'to eh live-in partner pa rin naman 'yon. Pinasosyal lang nito. At saka bago pa mangyari 'yon ay natuhog na ako ng BBQ stick ni Lourdes.
"At bakit? Akala ko ba ayaw mo sa 'kin?"
"Nasa ospital si Lola ngayon."
Nagulat siya. "Nasa ospital?" Bumakas ang pag-aalala sa boses niya. "Bakit?" Hindi niya maiwasang mag-alala para sa matanda. Siyempre, mabait kaya si Lola Rita sa kanya.
"We had a fight. To make the long story short, hindi siya magpapagaling hangga't hindi ako pumapayag sa gusto niya. So, I proposed another option that we can both agree."
"The 3-months trial marriage?" pag-confirm niya.
He nodded. "I made an agreement that you can look into." Tor slid the long brown envelope towards her direction. Kaya pala may envelope itong dala-dala since kanina. 'Yon pala ang laman no'n. "Read all the terms word by word so we wouldn't have any problem if ever you allegedly claim that you haven't read that section in the agreement."
Inilabas niya ang isang 4 sets ng stapled papers mula sa envelope. She skimmed through the pages. Mukhang iisa lang naman ang laman ng apat.
"Paano ko naman masisigurado na hindi ako lugi sa agreement na 'to, ha?"
"Kapag binasa mo. Ano pa ba?" Teka nga. Bakit ba kapag si Tor sumasagot parang may mali ako lagi? "Paano mo malalaman kung hindi mo ire-review ang agreement? Although, I made a consideration with you upon making it. I see to it that all the terms written in the agreement will not cause you any inconvenience and harm. Pero basahin mo pa rin. Changes will still be under my discretion."
"At bakit discretion mo pa rin?"
"I must check if it does not cause me any inconvenience as well. It should be beneficial to us both. Kagaya mo, ayoko ring maging lugi sa usapan na 'to."
"Makes sense. Pero, what's after the 3-months trial marriage?"
"We will both sign a prenuptial agreement prior to our first day being a live-in couple."
"Meaning to say, maghahati tayo sa mga pag-aari natin?"
"Yes."
"Eh, paano kung wala tayong paghatian? Okay lang ba sa 'yo 'yong stall namin ng banana cue sa labas ng bahay at dalawang galon ng samalamig?"
"It doesn't matter. The prenuptial agreement will only be beneficial to you anyway."
"Bakit?"
"For wasting your time with me."
In all fairness, kahit madami siyang tanong ay sinasagot pa rin siya ni Tor. Katunog nga lang ng sermon pero at least malinaw.
Sandali muna siyang nag-isip. Actually, mahirap na desisyon 'tong pag-iisipan niya. Kung mukha lang siyang pera, papayag agad siya. Pero kasi hindi siya ganoong klaseng babae. May mga prinsipyo rin naman siya. Gusto pa rin naman niyang maranasan ang totoong panliligaw at relasyon bago magpakasal. Kaso 'di naman sila magpapakasal at walang annulment na mangyayari after 3 months.
Pero kapag pumayag siya...
What are the chances of a successful marriage trial for them?
Sa ugali pa lang kasi ni Tor ay masyado itong ilag at lagi na lang may pagdududa sa isip nito. Lahat ba ng attorney ganoon? Hindi niya sure. Si Tor lang naman kilala niyang attorney.
Hearing him explain about the proposal of the 3-months trial marriage, parang napipilitin lang kasi si Tor. No need na niyang hulaan. Alam na niya agad na hindi ito mag-e-effort na mag-work out ang relationship nila. It was like hearing him saying: Whatever, as if this would work? Tor just wanted it done, so everyone can move forward. Gusto lang yata nitong pagbigyan ang lola nito para matapos na. At dahil hindi ito sigurado sa marriage life nito, he proposed another option na beneficial pa rin kay Tor.
At kung iisipin ni Aurea ay wala namang mawawala talaga sa kanila kung civil lang ang pakikitungo at walang emotional attachment. At the end, pareho silang makakawala sa gusto ni Lola Rita.
But what would be her stand on this?
"Babasahin ko muna 'to," aniya. Sinimulan niyang basahin ang first page. Five pages lang naman 'yon. Mabilis niya lang 'yon matatapos.
"You can read it at home—"
"May lakad ka ba?" tanong niya nang hindi ito tinitingnan, binabasa niya nang mabuti ang lahat ng nakasulat sa agreement. "Kung wala ay hintayin mo na lang akong matapos."
So far, okay lang naman siya sa terms na ginawa ni Tor. Hindi naman talaga siya lugi. Ang problema lang niya ay paano niya 'to sasabihin sa nanay niyang bungangera. Alam niyang 'di 'yon papayag sa mga ganitong setup. Tatawagin siya nitong malandi. Iisipin nitong nagbebenta na siya ng aliw. Sinong matinong tao ang papayag magbahay-bahayan sa isang lalaking ngayon lang niya nakilala?
Alam ko, si Aurea yata po.
"Okay, tapos ko na."
Kumunot ang noo nito. "Binasa mo ba talaga?"
"Oo naman." Tumango siya. "May mga idadagdag at aalisin lang ako." Kinuha niya ang blue ballpen sa bag. "Gusto kong idagdag na dapat mag-effort ka rin sa trial marriage na 'to." Isinulat niya 'yon sa section kung saan nakasulat ang patungkol sa marriage do's. "Both of us should show efforts kahit na pangit ang mga ugali natin o napipilitan lang tayo kasi useless ang agreement na 'to kung magbabahay-bahayan lang tayo pero walang gawa. Kahit na wala kang balak na ma-develop sa 'kin ay ayoko ng kasama sa bahay na malamig pa sa bangkay kung makitungo—"
"Gawa? Meaning, we have to act like lovers and do some—"
Inangat niya ang isang kamay. "Hold that thought." Nag-isip muna siya. Oo nga, 'no? Paano 'yong hugs and kisses? Shuks! 'Yong sexy time pa. Ekis 'yon! "No sex." Isinulat din niya 'yon.
"For 3 months?" Tor sounded as if it was punishment on his side.
"Hello? Faithfulness should be practiced in our trial marriage. You cannot touch me unless I allow you. You cannot have an affair inside the trial of 3 months. Umayos ka!"
"Fine! Add it up."
"Hugs and kisses ay may bayad. One hug is one thousand pero dahil mabait ako ay bibigyan kita ng discount, five hundred na lang. Tapos 'yong kiss, depende kung saan. Kapag sa lips, one thousand. Kapag sa cheeks at forehead, sige three hundred each."
"May kilala ka bang mag-asawa na binabayaran ang yakap at halik?"
Matamis na ngumiti siya. "Anong gusto mo? Sahod mo o may bayad kada halik at yakap? Aba'y kailangan ko rin naman ng baon para sa thesis ko at kung anek-anek na project na ipapagawa ng mga prof ko."
"I can give you a weekly allowance."
"Now you sounded like a real sugar daddy," aniya na may kasama pang tawa. Nangulambaba siya sa harap nito. "Kaso ayokong tumanggap ng pera na hindi ko pinaghihirapan."
"At sa tingin mo ang halik at yakap pinaghirapan mo?"
"Oo naman!"
"Paano kung sa loob ng tatlong buwan hindi mangyari 'yon?"
"Sure ka?" tukso pa niya rito. "Mga ilang percent kayang 'di ka matukso? Huwag kang magsalita ng tapos at baka kainin mo lang din lahat 'yan."
Naniningkit lang lalo ang mga mata nito sa kanya. "Why can't you just say yes?"
"Kasi 'di naman ako katulad ng iba na madaling kausap at mukhang pera. Hindi kita gagatasan ng pera, huwag kang mag-alala. I value myself and kagaya mo ay diskumpyado rin ako. We're practically strangers, sabi mo nga. I also don't trust people kahit na isa ka pang abogado."
Nagsubukan sila ng tingin.
"Then any suggestion on how we can compromise?" pagsuko rin nito.
"Hindi mo na ako kailangang bigyan ng pera dahil marunong akong maghanap n'on, but instead, gusto ko na ipangako mo sa akin na mag-iingat ka lagi at sisiguraduhin mong uuwi kang buo sa bahay araw-araw. Kapag may nakita akong sugat o kahit anong gasgas sa 'yo, uuwi ako sa amin. Maliwanag ba?"
"Deal."
Isinulat niya 'yon sa agreement. "Okay, we're good." Saka siya pumirma sa lahat ng pages at sa itaas ng pangalan niya. "Your turn." She slid the papers towards him. "Pumirma ka na bago magbago ang isip ko." Inabot niya rito ang ballpen.
Tumango si Tor at pumirma sa mga dokumento.
"At nga pala, 'yong tungkol sa kwintas," pahabol ni Aurea.
"Anong tungkol doon?"
"Mamaya, ikukwento ko."
"Baka gusto mong ngayon na?" pabalang na sagot ni Tor. Natawa tuloy siya. Sa lahat ng mga seryosong tao na kilala niya ay kay Tor siya amused na amused. "Baka lang naman. Kakahiya naman po kasi sa 'yo."
"Sige, pero ikwento mo muna sa 'kin kung bakit Tor ang nickname mo pero Kale Thomas naman ang pangalan mo. Ilang araw ko nang iniisip kung bakit Tor ka at hindi na lang Tom."
Umangat ang gilid ng labi nito sa isang ngiti.
"So, you've been thinking of me lately, ha?" may himig na panunukso sa boses nito.
Namilog ang mga mata niya sabay abot ng sandwich. Kinagatan niya 'yon nang malaki. No comment na siya roon.
"My mother doesn't want to call me Tom because she doesn't like the cat named Tom from the cartoon series Tom and Jerry. Instead, she gave me a nickname Tor, short for the word protector. Because my father's family is a family of lawyers. Velez is a family of protectors."
Tor smiled.
Alam niyang unaware ito sa ngiti nito dahil busy pa ito sa pagpirma. But come to think of it, bagay naman pala rito ang pangalang Tor.
Nang matapos ito ay inihilig nito ang likod sa backrest ng upuan.
"If I may ask," basag nito. "Why were you named Aurea Feliz?"
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong walang meaning ang pangalan ko?" Pinaningkitan lang siya nito ng mga mata. Tumawa siya. "Totoo. Nakuha lang 'yan ni Mama sa mga newspaper noon. At heto pa, alam mo kung kanino talaga?"
"Kanino?"
"Kay Madam Auring."
Natawa si Tor. "Seryoso ka ba?"
At 'yon yata ang unang pagkakataon na tumawa ito sa harapan niya. At least kilala nito si Madam Auring.
"Sa tingin mo nagbibiro ako? Search mo pa online. Tingnan mo kung anong totoong pangalan ni Madam Auring." Inilabas ni Tor ang cell phone nito para i-search kung totoo nga ang sinabi niya. Tignan mo ang 'sang 'to. Bilis kausap basta usaping ebedensiya. Pagkaraan ng ilang segundo ay tawang-tawa ito. "Kitams? Ayaw mo pang maniwala, eh."
"Lahat ba ng may pangalang Aurea manghuhula?"
"Masaya ka?" pabalang niyang tanong.
"Sobra!" Tawang-tawa pa rin ito.
Wow, hiyang-hiya naman ako. Sige Tor, tawanan mo lang ang pangalan ko. But at least, he knew how to smile and laugh. Hindi naman pala ito talagang bato.
Ang problema niya ngayon ay paano niya sasabihin sa nanay niyang sa ibang bahay siya uuwi sa loob ng tatlong buwan? At lalaki pa ang kasama niya? 'Dios ko, Lolo Pol, send help!'
"And by the way..."
Naiangat niya ang mukha rito.
"Hmm?"
"I'm sorry about last time." Napatitig si Aurea sa mukha ni Tor. "I mean it. It's my fault. I shouldn't have said those words. I hope, we can start anew."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro