Kabanata 4
"ANONG AKALA NIYA SAK—EH?"
Nagulat si Aurea nang may biglang may humarang sa dinaraanan niya. Pag-angat niya ng mukha ay bumungad sa kanya ang humahangos na traffic enforcer. Napakurap-kurap siya. Teka, parang masama ang feeling niya rito.
"Kanina pa kita tinatawag at pinipito, 'di ka lumilingon," hinihingal na sabi ng traffic enforcer.
"A-ako po?" Turo pa niya sa sarili. "Bakit?"
"Bigla kang tumawid. 'Di mo ba nakitang NO JAYWALKING, ha?" Nasundan niya ang pagturo nito sa sign kung saan siya tumawid.
Napangiwi siya.
Talaga naman oh, kapag minamalas!
Mabilis na pinagdaop niya ang mga palad. "Chief, sorry. Sorry, Chief! 'Di ko nakita, eh."
Inilabas nito mula sa belt bag nito ang maliit na mga papel nito. "Hindi. Magbabayad ka o isasama kita roon sa bus?" He pointed out the direction of the old bus na naka-park sa malapit.
"Wala akong pera, eh."
"Okay, mag-seminar ka na lang."
Tsk! Malas talaga. Nilingon niya ang daan kung saan huminto ang kotse ni Tor pero wala na ang loko. Sagad na ang inis niya sa lalaki. Argh! Ma-flat sana gulong ng sasakyan mo, Kale Thomas Velez!
TUMAMBAY MUNA SI AUREA sa silid ng Lolo Pol niya. Tamang Indian sit lang ang ginawa niya sa itaas ng kama nito habang nag-iisip.
Alam kaya ni Lolo ang tungkol sa kwintas na 'yon? Baka kaya siguro hindi pa siya natatahimik kasi 'di pa naibabalik ang kwintas na 'yon sa may-ari? Pero bakit ganoon? Bakit kahit nakakakita ako ng mga kaluluwa ay hindi ko naman nakikita si Lolo ?
"Lolo?" Iginala niya ang tingin sa paligid. "Nandiyan ka ba? Kaya ba nandito ka pa dahil sa kwintas na 'yon?"
Early last year, namatay ang lolo niya. Pero hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ito sa bahay. Parang nandito lang ang Lolo Pol niya at nagbabantay sa kanila. Nawawala lang ito saglit pero bumabalik pa rin ito. Hindi nga lang niya alam kung bakit 'di ito nagpapakita sa kanya.
"Ibinalik ko na sa kanila ang kwintas. Matatahimik ka na po ba, Lo?"
Bumalik sa isipan niya ang seryosong mukha ni Tor kanina. Bakas ang galit sa mukha nito pero kitang-kita niya naman ang lungkot sa mga mata nito. Na-curious tuloy siya rito. Naisip niya kung anong klaseng tao ito bago nasaktan.
May dalawang rason kung bakit nagbabago ang isang tao. Una, dahil nasaktan ito. Pangalawa dahil nagka-amnesia. Chos! 'Di, joke lang. Second, dahil may nag-inspire ditong magbago.
Pero ang point niya, may gestures kasi ito na pinapakita na bumabagabag sa kanya.
Una ang pagiging magalang ni Tor sa lola nito. Pangalawa, mga simpleng gesture na pagbukas ng pinto. Paghihintay nito sa kanya kapag nahuhuli siya ng lakad. Hinihintay siya nitong makaagapay. Maliban na lamang kung napapansin ni Tor na sinasadya niyang magpahuli.
Yes, he's straightforward and kind of offensive. Pero may good things pa rin talaga sa kanya. Ah, alam na ko ang sagot. Karupukan, Aurea. Marupok kang tunay. Dini-defend mo kasi bet mo. Mukha mo, Aurea Feliz!
Marahas na umiling siya at kinutusan ang sarili.
Aurea, focus! Hindi ka magpapatapak sa mga ganoong klase ng tao. You are better than that!
"Ay ewan!" Ibinagsak niya ang katawan sa kama at tinitigan ang kisame. "Hindi ko na iisipin ang Tor na 'yon at ang kwintas. Mag-fo-focus ako sa thesis ko. Tama!" Napabalikwas siya ng bangon nang may maalala. "Shet!" Mabilis siyang bumaba ng kama at nagkukumahog na isuot ang tsinelas. "Kailangan ko pa palang i-revise 'yon. Patay na naman ako nito. Talaga naman, Aurea! Ang tamad mo talagang babae ka."
NAPALAKAS ANG SARADO NI TOR sa pinto ng kanyang kotse. Ginabi na siya dahil na-flat ang isang gulong niya. Buti na lang may malapit na gasolinahan at doon siya nagpalit. Kapag minamalas ka nga naman. Kasalanan ng babaeng 'yon ang lahat. Lumala pa ang kamalasan niya sa buhay.
Tsk!
At hanggang ngayon, iniisip pa rin niya ang sinabi ng babaeng 'yon. Did she know something about his past? No. It must be because of her grandmother. Marahil ay may nabanggit ang lola niya rito.
Hindi siya naniniwalang totoong manghuhula ang babaeng 'yon.
She's a fraud!
"Tor!"
Naibaling niya ang tingin sa tumawag sa kanya. It was Balti. Nakatayo ito sa likod ng mababang bakod niya. Magkatabi lang naman ang bahay nila sa Faro de Amoré.
Itinaas niya ang isang kamay. "Hi."
"Bad trip ka ba?" nakatawa nitong tanong. "Halika muna, nandito sina Thad at Mathieu."
Kumunot ang noo niya. "Anong ganap mo riyan sa bahay?"
Ngumisi si Balti. "Netflix and chill."
"Loko." Tor chuckled. "Ikaw? I doubt."
"I'm a teacher. I set a proper example to kids."
"Ang tatanda na ng mga bisita mo."
Tumawa lang ito. "Join us, boring kainuman ang mga 'to. At saka mukhang kailangan mong mag-chill. You look shit, man. Sorry for the bad word, but I'm just being honest." Balti held both his hands up and shrugged his shoulders. "Come on. We will wait for you."
"Magbibihis lang muna ako."
"Sure!"
Pumasok siya sa loob ng bahay at agad na umakyat sa sariling silid. Nakapa niya ang kwintas sa kanyang bulsa at inilabas 'yon. Napatitig siya roon. Ano namang gagawin niya roon?
Marahas na bumuntonghininga siya at binuksan ang unang drawer ng bedside cabinet. Inilagay niya roon ang kwintas. Saka na niya iisipin kung ano 'yon. He's done for today.
Pagkatapos niyang magpalit ng pambahay ay dumeretso siya sa bahay ni Balti. Naabutan niyang masayang nag-iinuman ang tatlo sa pool area ng bahay nito sa likod. Rinig na rinig mula roon ang malakas na hampas ng alon ng dagat. Both of their houses were facing the sea—the back portion specifically.
Tor and Balti wanted a house fronting the sea. Kaya nang ialok 'yon sa kanya ni Iesus ay agad niyang ikinonsidera 'yon kahit na malayo 'yon sa city. Iesus is the president's son of dD Land. One of the leading real estate developers in Cebu pero nag-expand na rin ito nationwide. Sa dami ng real estate projects ng de Dios, Iesus was considered as one of the youngest billionaires in the Philippines.
Nakilala ni Tor si Iesus dahil sa Tito Bong niya, anak ng kapatid ng lola niya. He's the legal executive of de Dios Corporation.
Faro de Amoré is a seaside haven for him.
Tahimik at may privacy. Only the homeowners can enter the premises of the whole subdivision unless may guests ang mga ito na ipinapaalam sa head of security ng Faro. Hindi dikit-dikit ang bahay at hindi default ang design kaya mas maganda ang view. Malayong-malayo rin sa polusyon sa s'yudad.
He didn't mind driving an hour or two just to get home.
The place was already giving him the best place to self-isolate himself from the busy world outside Faro. People here didn't care about each other's businesses. They respected each other's privacy.
"Tor, pare!" bati sa kanya ni Thad.
Naupo siya sa bakanteng steel chair kasama ng tatlo. Madami-dami na rin palang nainom ang mga ito.
"Kumusta ka naman, attorney?" nakangiting baling sa kanya ni Mathieu. "Balita ko punong-puno na ang kulungan dahil sa 'yo."
Kinuha niya ang isang bote ng beer at uminom muna. "Sino na namang nagpapakalat niyan?" nakangisi niyang tanong saka ibinaling ang tingin kay Balti.
"Wala akong sinasabi, ah. I don't make stories," defend agad ni Balti. "Because that's bad." Tumawa ito pagkatapos.
"You're not really good at lying," akusa niya rito. "Kapag ikaw nakagawa ng kasalanan, please don't ask me to defend you. I'll definitely lose with your lack of talent in deceiving people."
Tumawa lang ito. "I'll take note of that."
"How's business, Math?" pag-iiba niya.
Mathieu's a chef and a businessman. He owned one of the local destination café restaurants here in Cebu—ang Noah's Ark. Obviously, it's a ship inspired cottage restaurant in Cordova, Lapu-Lapu, Cebu.
"Doing good," nakangiting sagot ni Math.
"Wala kang balak mag-expand sa city?" segundang tanong ni Balti.
"Nice question. Actually, kung may mare-refer ka sa 'kin na puwedeng pagtayuan ng barko sa Cebu City, why not?" Tumawa ito pagkatapos.
"That's impossible," singit niya. "Congested na masyado ang s'yudad. But considering the foot traffic in the city, a second branch of NA would be a good idea."
"I've received offers from brokers but I'm still thinking. Alam n'yo namang ako lang mag-isa nagma-manage ng negosyo ko. I guess I'm good with one branch muna. Ayoko munang dagdagan ng stress ang buhay ko. Baka 'di na ako makapag-asawa." Ngumisi si Math at uminom ulit mula sa hawak nitong bote ng beer.
"May balak ka pala?" salita ni Thad na kanina pa tahimik sa tabi.
"Oy, akalain mong nandito ka pa pala?" pang-aasar pa ni Balti rito. Gago talaga! Napailing na lamang si Tor. "Akala ko umuwi ka na, eh. 'Di ka na nagsalita riyan."
Tawa naman nang tawa si Mathieu.
"Shut up." Pinaningkitan ito ng mga mata ni Thad.
Nag-zip your mouth si Balti.
Kahit kailan, Balti. Kasing-kulit din nito ang mga estudyante nito sa nursery at kinder.
"Oo naman. Pero depende. Ini-enjoy ko muna ang pagiging single ko," sagot ni Math.
"How old are we?" nakangising tanong ni Balti.
"We're already in our early thirties," bored niyang sagot.
"Kayo lang, 24 pa lang ako."
Natawa si Thad. "Sino may sabi niyan? Mga estudyante mo?"
"Naniniwala ka naman?" segunda naman ni Math. "Tumahimik ka, isasampal ko sa 'yo ang PSA mo."
Natawa lang ulit silang apat.
"Thirty ka na po, Ser, huwag kang in denial riyan, oy!" dagdag pa ni Math.
Magkakaedad lang naman silang apat. Isang isip bata na teacher. Isang happy go lucky na chef at isang kabute na architect. The amusing part of that, ang pangalan nilang apat ay kasama sa 12 chosen apostles ni Jesus sa Bible. Plus, the name Iesus is another name of Jesus. Pronounced as Ye-sus. Lagi lang wala rito si Iesus. Ironically, they didn't act like the chosen people in the Bible. Masyado silang makasalanan para ikumpara ang sarili sa mga ito.
Madalas pang magbiro si Iesus na kukumpletuhin daw nito ang 12 disciples nito. Kaya pinipilit na rin nito ang pinsan ni Thaddeus na si Jude Asrael na magtayo ng bahay sa loob ng Faro de Amoré.
Jude Asrael will be Judas if Iesus can convince him.
Pero mailap pa kay Thad ang pinsan nito ngayon. Which he understood. Kamamatay lang ng fiancée nito five months ago and Jude was still mourning. Nakatira ito ngayon sa bahay ni Thad. Jude's fiancée was involved in a car accident. 'Yon nga 'yong reckless driving resulting in homicide case ng anak ni Morales na hinawakan niya.
It will probably take time.
"Sa tingin n'yo sa ating apat, sino ang unang ikakasal?" maya-maya ay seryosong tanong ni Balti.
Napatingin siya rito. Puwede ko bang sabihin na baka ako? Lihim siyang natawa sa sarili. How unfortunate.
"Feeling ko ikaw," turo ni Mathieu kay Balti.
Tumawa si Balti. "Ako talaga?"
"I agree," segunda ni Thad. "Imposible namang si Tor. Hindi na yata 'yan lalagay sa tahimik. Imposible ring ako. Wala pa akong plano mag-asawa. Imposible ring si Mathieu, sa sobrang workaholic niyan." Itinuro pa ni Thad ang nakangising si Mathieu. "Good luck. Mas mahalaga pa pera kaysa sa babae sa 'sang 'to."
"Correction, sex is also important to me."
"May bata kang kasama, oy!" binato ni Balti ng chips si Mathieu.
Tumawa lang ito at gumanti ng bato ng chichirya. "Pa-virgin ka masyado. Sa tanda mong 'yan."
"Oh, bakit masama?"
"Mamatay?"
"Bakit kailangan may mamatay pa? Okay, sige, ikaw mauna kasi ikaw ang nag-suggest."
Inubos na lamang ni Tor ang laman ng bote ng iniinom niya. Naibaling niya ang tingin sa parola na kitang-kita mula sa puwesto nila. The one-hundred-year-old lighthouse of Faro de Amoré. But he thinks that the lighthouse had stood there for more than a hundred years. And that's basically one of the reasons why this property was named Faro de Amoré—the lighthouse of love.
He didn't know the whole story but there's a legend behind that name. Kinalimutan na nga lang niya. Love was no longer part of his priorities. It's the least of his concerns.
But it's one of his favorite sights here in Faro.
A beautiful, picturesque view.
Gabi na kaya may ilaw na ang lighthouse. He suddenly felt an eerie feeling inside. It was like, the lighthouse was calling him. It's weird. Hindi niya maalis ang tingin sa lighthouse.
"Tor? Hoy, Kale Thomas!"
Marahas na naibaling niya ang mukha sa sumigaw. Nakatingin ang tatlo sa kanya.
"Akala ko umuwi ka na?" asar ni Balti sa kanya.
Natawa lang siya. "Boang!" Tumawa na rin ang tatlo. "Puro ka talaga biro."
"Ito naman, parang 'di sanay. Get one whole sheet of manila paper. Mag-e-exam tayo, back-to-back."
"Manila paper, Ser?" malokong ulit pa ni Mathieu.
Napailing-iling na lamang siya. Kapag nagsama ang dalawang 'to ay puro na lang kalokohan.
MARAHAS NA BUMUNTONGHININGA SI TOR at nahilot ang sintido. Isinugod sa ospital ang lola niya dahil tumaas na naman ang blood pressure nito at sugar level. They had an argument earlier. Sinabi niyang hindi siya magpapakasal sa Aurea na 'yon. Nagalit ito sa kanya. Pinaratangan na baka tinakot niya ang babae kaya hindi na nagpaparamdam si Aurea.
Damn it!
Ano ba kasing mayroon sa babaeng 'yon at gustong-gusto ito ng lola niya? Ni hindi nga lubusang kilala ng lola niya ang babae.
Lumabas muna si Tor ng silid nito para magpahangin. Ayaw siyang kausapin ng lola niya. Gusto nitong dalhin niya roon si Aurea. Para namang kakausapin pa siya ng babae pagkatapos niya itong paratangan ng mga masasamang salita. Ipagtatabuyan lang siya nito palayo.
Natigilan siya nang makita ang kasalubong niya.
Huminto rin ang mag-asawa nang makita siya. He felt indifferent, honestly. It was like feeling disappointed and feeling nothing at the same time. Pero 'di 'yon bumabakas sa mukha niya. Parang wala rin. Pero alam niyang nasa loob niya ang pakiramdam na 'yon.
Sa lahat ng oras at lugar, bakit dito pa kami pagtatagpuin? Great!
"Tor," gulat na tawag sa kanya ni Patricia. Karga-karga nito ang baby sa mga bisig nito. Nakaalalay naman dito si Arnold. Kasamahan niya ito noon sa legal firm kung saan siya unang nagtrabaho.
Tor kept his head up. Hindi siya yumuko. Sinalubong niya ang tingin ng ex-fiancée niya. Halatang 'di ito komportable na makita siya unlike Arnold na akala mo inosente. What an asshole. Sabagay, wala namang akusado na umaamin sa mga kasalanan nila. They will always try to conceal their crimes and act like the victim.
"Tor—"
Nilagpasan niya ang dalawa.
Wala siyang oras para makipag-ayos sa mga taong traydor.
NAPASINGHAP SI AUREA nang paglabas na paglabas niya ng university ay nakita niya si Tor na naghihintay sa pathway malapit sa nakahilerang nagtitinda ng mga banana cue at mani. Akmang babalik siya sa loob nang tawagin siya nito.
"Aurea!"
Napangiwi siya. "Bakit ba nandito na naman ang 'sang 'to?" Nilingon niya ito. "Bakit na naman?!" pagtataray pa niya.
Agaw atensyon ang lalaki sa mga babaeng estudyanteng dumadaan. Nakatupi ang manggas ng puting long sleeve polo na suot ni Tor. Nakaitim na slacks at itim din na sapatos. Mukha tuloy itong binatang mayor sa ayos nito.
Si Aurea na naka-uniform pa at may pa-San Cai inspired hairstyle pang nalalaman.
Lumapit si Tor sa kanya, towering her with his height.
Dios ko, dae! Hindi nga siya umabot man lang sa balikat nito. Hindi siya magaling sa calculations, so huhulaan na lamang niya. Siguro nasa 6'0'' or 6'1'' ito.
Namulsa si Tor at niyuko siya.
"Let's talk."
Kumunot ang noo niya. "Ano pa bang dapat nating pag-usapan? Hindi pa ba sapat 'yong pangmamaliit mo sa 'kin?"
Nang-literal din kasi ang duwende ng pakiramdam ko ngayon. Kainis!
"I'm sorry. Can we talk now?"
"Labas naman sa ilong," kontra pa rin niya rito.
Never forget tayo rito. 'Kala mo, ah!
Bumuntonghininga ito. "We're drawing attention. Let's talk somewhere else."
Akala niya ay hihilahin siya nito sa siko katulad ng mga eksenang nakikita niya sa mga Korean Drama. Pero hindi, girl! Kaswal lang naman na inakbayan siya nito at iginiya sa naka-park nitong kotse sa dulo. Marahas na naiangat niya ang tingin dito. At may pag-akbay pa ang loko? Bati na ba tayo? Gamit ng isang kamay ay isinuot nito ang itim na sunglasses sa mata na naka-clip sa polo nito kanina.
Napansin niya ang tingin ng mga tao.
Syet!
On cue niyang itinakip ang folder niyang hawak sa mukha. Putik 'yan! Mai-issue na naman siya nito. Baka isipin ng mga tao rito ay may sugar daddy siya. Isang super gwapong sugar daddy na parang hinugot sa pocketbook!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro