Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

MANGHANG-MANGHA SI AUREA nang pumasok ang kotse ni Thomas sa gate ng Beverly Hills—ang lupain ng mga mayayaman sa Cebu. Kahit sa imagination ay 'di niya naisip na makatatapak siya roon.

Hello! Dito nakatira ang mga mayayamang may-ari ng big companies sa Cebu. Ginto ang presyo ng lupain at bahay rito. Oh, syet na malagkit! So, meaning, super rich nitong si Kale Thomas Velez? Halaaa!

Pero sabi naman ni Thomas ay bahay ng lola niya. Ahm, Aurea, Lola ni Kale Thomas. Remind ko lang ulit sa'yo. So, hindi siya nakatira sa bahay ng lola niya? Aurea, baka naman kasi may condo unit siya? Oh, 'di kaya may sariling bahay? Kung mayaman ang lola, malamang ay mayaman din ang apo. Oo nga naman, 'no? Gulo kong kausap.

"Ang lalaki at ang gaganda naman ng mga bahay rito," manghang komento ni Aurea habang nakatingin sa labas mula sa bintana ng  kotse ni Thomas. Isang gray Ford Everest na alam niyang mamahalin.

Ibinaling niya ang tingin kay Thomas. "Anong business n'yo? Malls? Real estate? Construction? Logistics? Financial?"

Nanatiling nasa pagmamananeho ang atensyon nito. Alam niyang naririnig siya ni Thomas. Ayaw lang siyang sagutin. Tsk! Suplado.

"Back to you, Aurea," aniya sa sarili.

Huminto ang sasakyan sa isang malaking wooden gate. Sumilip siya mula sa harap ng kotse para tingnan ang bahay sa likod ng malaking gate. Namilog ang mga mata niya at umawang ang bibig sa pagkamangha. Wow!

Bumusina ito ng tatlong beses at bumukas naman ang gate.

"Ito ang bahay ni Lola?"

"My grandma's house," he corrected without even smiling.

Galit lang sa mundo, ano po?

Umikot ang sasakyan mula sa isang malaking water fountain sa harap ng bahay. Thomas parked the car in front of the two-storey Mediterranean inspired mansion. Napakurap-kurap siya sa ganda ng bahay. Syet, ang lakas makadonya feels.

Aurea has great fascination with houses with beautiful architectural designs. Mahilig kasi siyang magbasa ng home design magazines sa library. Na-a-amaze siya sa mga design ng buildings at mga bahay. Hindi siya marunong mag-drawing kaya hanggang admire lang muna.

Pangarap din kasi niyang mag-hire ng architect talaga for her dream house. Siyempre, dream house para sa mama niya. Soon! Kapag mayaman na mayaman na siya.

Lumabas si Thomas sa kotse. Akala niya ay iiwan lang siya nito pero aba'y may natirang kabaitan pa pala ang loko. Pinagbuksan pa siya ng pinto. Wala nga lang kasamang ngiti pero at least gentleman pa rin.

Ibinaling niya ang mukha rito. "Ang lola mo lang ang nakatira rito?"

"I used to live here before."

So, ang lola na nga lang niya ang nakatira? Malabo ring kausap ang isang 'to, eh. Puwede naman sabihing yes or no lang. Gusto pa siyang pag-isipin ni Kale Thomas.

Nauna itong umakyat sa kanya. Sumunod agad siya. Hindi nga lang siya umagapay. Nasa likod lang siya, panay ang tingin sa paligid.

"Nanonood ka ba ng K-drama?" basag niya. "Alam mo naalala ko 'yong bahay ni Goblin sa bahay n'yo. Ganito rin 'yong entrance, eh." Kaso mukhang walang malaking sword na nakatarak sa dibdib nito kaya siya na lang gagawa. Joke!

As usual ay hindi na naman siya nito sinagot. Hay nako! Sayang talaga sa laway 'tong lalaking 'to.

Hanggang sa loob ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na maigala ang tingin sa buong bahay. Grabe talaga! Sobrang ganda ng buong bahay. No joke!

"Tor, apo, what a surprise."

"Tor?" bulong niya sa sarili. "Palayaw ba niya 'yon?"

Mula sa isang panig ng bahay na sa tingin niya ay kusina ay lumabas ang isang pamilyar na matandang babae. May magandang ngiti sa mukha nito. Napakurap si Aurea dahil sa huling pagkakatanda niya ay hindi naman ganoon ang ayos ng matanda noong magkita sila. Simple lamang ang matanda.

Ang Constancia Margarita Velez kasi sa harap niya ay parang reyna ng London sa ganda. Grabe ang glow up transformation. Halos hindi na niya makilala.

"What brought you here, my dearest grandson?"

Pigil niya ang matawa habang nakatingin kay Kale Thomas. Makiki-Tor na rin siya dahil ang luma talaga ng pangalang Thomas. Para siyang nantatawag ng sinaunang tao. Okay, Tor ka na ngayon sa 'kin Kale Thomas.

"Oh, Aurea?" Namukhaan agad siya ng matanda. May himig ng pagtataka sa boses na tawag nito sa kanya. Ibinaling ni Lola Rita ang tingin sa apo nito. "Tor, bakit nandito si Aurea?"

Nagmano muna si Tor sa lola nito. Kumunot ang noo niya. May manners talaga ang loko. Hindi lang talaga halata, ah. In all fairness, pogi points 'yon sa kanya.

"La, may sasabihin sa 'yo si Aurea."

"May sasabihin ka sa 'kin?" Ibinalik ng matanda ang tingin sa kanya, nakangiti pa. "Ano 'yon, hija?"

Syet! Teka lang. Puro lang siya mura sa isip, ah. Muntik na niyang makalimutan ang plano. Lumapit siya sa matanda.

"Lola, oo, actually, may lilinawin lang po ako. Kasi, ito po kasing apo n'yo, bigla na lang nag-appear at sinabing ako raw ang bride niya. Baka ho pwede muna nating pag-usapan muna ang tungkol po roon at idaan natin sa peace talk." Ngumisi pa siya pagkatapos. Sana nga lang ay hindi siya magmukhang tanga sa ngiti niyang 'yon.

Natawa ang matanda. "Hindi naman tayo magsisimula ng gyera, hija. Pero sige, idaan natin sa peace talk na nais mo." Lola Rita linked her arms to Aurea's arm. "Halika sa library, doon tayo mag-usap." Pero bago nila iniwan si Tor ay hinarap muna nito ang apo. "Wait for us here. Huwag ka munang umalis."

Tumango lang si Tor. "I'll be in my room."



"LOLA, OKAY LANG PO BA KAYO? Hindi naman po naalog ang utak n'yo noong makita ako, 'di ba?" Ngumiti lang ang matanda habang umiinom ng tsaa mula sa hawak nitong tasa. "Kasi po, 'di ko gets?"

Eleganteng inilapag nito ang tasa sa mesa. Nakaupo ito sa pang-isahang upuan sa library. Aurea sat at the edge of the long brown sofa near Lola Rita para malapit lang sila sa isa't isa.

"Hindi ako nagbibiro, hija. Ikaw ang gusto kong pakasalan ng apo ko."

"Pero bakit po ako? Dahil po ba sa kwintas na 'to?" Hinawakan niya ang pendant ng kwintas. "Kilala n'yo po ba si Lolo Pol?"

"Hindi ko kilala ang lolo mo, but I know the real owner of the necklace."

Namilog ang mga mata ni Aurea. "H-hindi po ang Lolo Pol ko?"

Kung ganoon ay sino? At kung hindi si Lolo, bakit nasa pamilya namin ang kwintas na 'to?

Umiling si Lola Rita. "That necklace is a family heirloom of the Velez. It was stolen from us years ago."

"Ninakaw po?"

Wait! Huwag mong sabihing?

"It's not what you're thinking. We have found the culprit, but we weren't able to find the necklace. Wala raw sa kanya ang kwintas pero hindi niya sinabi kung nasaan. We tried tracing it pero dahil nga matagal na matagal na 'yon ay nawalan na rin kami ng impormasyon kung nasaan na ang kwintas."

Hinubad ni Aurea ang kwintas. "Then I'll return it to your family." Inabot niya ang mga kamay ng matanda at ibinigay rito ang kwintas. "Hindi na po kailangan ng wedding, Lola."

Nakangiting ibinalik nito sa kanya ang kwintas. "It's yours now. The necklace chose you."

Namilog ang mga mata niya. "Chose me?"

Tumango ito. "You see, hija, that necklace is the most precious heirloom of the Velez clan. Ang sabi ng asawa ko noon, kaya raw successful ang marriage ng mga binatang Velez dahil ang kwintas na 'yan ang pumipili ng perfect bride para sa kanila."

"Sure, po kayo riyan?"

Lola Rita chuckled and nodded again. "You see the arrow of the compass?" Tumango si Aurea. "It's pointing at your direction."

Tinignan niya ang pendant. Totoo, matagal na niya 'yong napapansin.

"Lola, baka ho sira na 'to—"

"Hindi." Nakangiting umiling ito. "Ganito, I'll prove it to you. Iharap mo sa 'kin ang kwintas."

Tumalima siya at hinarap ang arrow kay Lola Rita. Napasinghap siya nang gumalaw ang arrow at bumalik sa kanya ang turo. Syet! What kind of sorcery is this?!

"The arrow will point to the direction of all the wives of this family. If it points to your direction, it means, you're the right bride for the next heir of this family. Hindi na 'yan nakaturo sa akin dahil ang apo ko nang si Tor ang tagapagmana ng kwintas. Nasa sa 'yo 'yan ngayon dahil ikaw ang gustong maging asawa ng kwintas para sa nag-iisang tagapagmana ng mga Velez."

Nakakakita na nga siya ng multo at nakakabasa ng palad ng tao. Pati ba naman mga fantasy na ganito involved pa rin siya? Lord, why? Masyado n'yo na akong favorite.

"Pero bakit po ako?"

"That's for us to find out."

"Sure po ba talaga kayo riyan? Legit po ba talaga 'yan? I mean wala pong espesyal sa 'kin. Hindi rin ako asset sa pamilyang 'to—"

"The necklace chose you. Meaning, may rason kung bakit pinili ka niya." Malalim na bumuntonghininga si Lola Rita. "Alam mo, hija, simula nang mawala sa amin ang kwintas na 'yan ay naging malungkot na ang bahay na 'to. Tor's parents died when he was nine. His grandfather, my late husband, Marcelo, died. Tor's fiancée—"

"Died?"

Natawa ang matanda sa kanya. "Hindi naman."

"Ay sorry po."

Me and my mouth!

"He was betrayed by his fiancée on the night before their wedding. I wish I could tell you more, but I'll leave the rest of the story to Tor. It would be better if sa kanya mo mismo marinig ang buong kwento."

Kaya naman pala napaka-bitter ni Tor. Hindi naman pala naging madali ang buhay nito. Ang ironic, manghuhula nga siya pero hirap siyang basahin ang isang Kale Thomas Velez.

"Marcelo was worried when the necklace was stolen from us. My husband really believes in such beliefs. Which I understand. It's a family legend and it has proven its power from generations to generations. He worries that it may be a sign of bad luck for the next heir. And he was right after all. Sunod-sunod ang pagkawala ng mga taong mahahalaga sa apo ko. Kaya pinagdadasal ko lagi sa Diyos na sana huwag na muna Niya akong kunin hangga't sa hindi ko pa nakikitang tunay na masaya ang apo ko."

May pait sa ngiti ng matanda.

Nahabag siya sa nakikitang lungkot sa maganda nitong mukha. Lola Rita really cared for her grandson. At sa nakikita rin naman niya, mahal na mahal din naman ni Tor ang lola nito. Ayaw lang magpakasal. Takot na yata sa salitang saya.

"Pero Lola, bakit po walang alam si Tor tungkol sa kwintas?"

"As far as I could remember, Tor was around nine years old when it was stolen from us. We have decided na huwag nang ikwento ang bahaging 'yon ng pamilya namin sa kanya. We don't want his mother, Thea, to worry. Tor's mother blamed herself for that. Ayaw namin siyang mag-alala dahil mahina ang puso niya. Too much stress will not do her good. We all want to move on. Kaya hindi alam ni Tor ang tungkol sa heirloom ng pamilyang 'to."

Tumango na lamang siya. "Kaya pala."

"Kaya, hija. Please." Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Make my grandson happy again." Napatitig si Aurea kay Lola Rita. "Naniniwala akong may dahilan kung bakit nagpakita ulit ang kwintas na 'yan sa pamilya namin pagkatapos ng maraming taon. The necklace is giving us another chance."

"Pero kasi Lola—"

"Don't worry, kapag pumayag ka, wala nang magagawa ang apo ko. We have a notarized agreement for that."

Nanlaki ang mga mata niya. "Po?"

"Yes." Nakangiting tumango si Lola Rita. "Just say yes and we will set the date of your wedding as soon as possible."

Napalunok siya.

Sandaleeee! May thesis pa akong gagawin.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng matanda sa pagkakahawak sa kanya.

"La, puwede po bang pag-isipan ko muna?"

"Oh, siya sige. I'll give you a week to decide."

"One week lang po?"

"Just a week, Aurea."

"Paano kung hindi ako pumayag?"

"I'll find ways to make you say yes."




"ANONG SABI NI LOLA?" tanong ni Tor kay Aurea habang hinahatid siya nito pauwi. "Did you convince her?"

Naniningkit ang mga mata na umiling siya. "She's giving me a week to decide." Hawak niya pa rin ang pendant ng kwintas.

"Didn't you tell her you're also against this marriage?"

Umayos siya ng upo at tinigilan na ang paghawak sa pendant. "Oo. Kaso ayaw niyang tanggapin. Kahit na pag-isipan ko 'to ng isang taon ay alam kong ipipilit pa rin sa 'yo ng lola mo na pakasalan ako." Ibinaling niya ang mukha rito. "May notarized agreement nga kasi kayo."

Sumakit yata bigla ang leeg ni Tor at naikiling nito ang ulo sa kaliwa. Aurea saw how his jaw clenched na para bang nagpipigil ito ng inis. Umangat ang kanan nitong kamay sa batok nito para marahang himisan ang bahaging 'yon. 

"We need another plan."

"Anong plano?"

"We can't just marry each other." Bumaba na ulit ang kamay nito sa manibela. Paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Tor. "We're practically strangers. You don't know me. I don't know you."

"Actually, na-defend ko na rin 'yan sa Lola mo kaso ayaw niyang makinig."

Dapat niya bang sabihin kay Tor ang ang tungkol sa kwintas para mas malinaw ang plot ng story nilang dalawa? Pero sa tuwing naalala niya ay gusto na lamang niyang mag-hire ng writer para ikwento 'yon kay Tor. Siyempre si Tor ang magbabayad para sa kanya.

"I'll think."

"Tama. You're older kaya mas alam mo ang gagawin."

Napakurap-kurap siya nang bigyan siya nito ng masamang tingin. Napasinghap siya at napahawak sa seatbelt niya sa katawan nang bigla nitong apakan ang break.

"You don't look dumb yourself. Baka gusto mong makiambag ng pag-iisip?"

Huminto pala ito dahil naka-red signal na. Pero shuta, ha? Nakaka-palpitate ang biglang pagpreno ni Tor. Akala ko ay kakalas na nang literal ang kaluluwa ko.

Naglabanan sila ng tingin.

"Mas may experience ka kaya ikaw ang mag-isip!" inis niyang sagot.

"I believe, the apt way of saying it in your perspective is, let's just marry each other. Tama ba ako, Aurea?"

Madilim na ang mukha nito sa kanya. Binibigyan na naman siya nito ng klase ng tingin na para bang hinusgahan siya sa korte. Na para bang iginigiit ng attorney na siya ang may kasalanan.

"Wala akong sinasabing ganyan."

"But you sounded like you're no longer against this marriage. I don't hear any consistency here, Aurea. Nagbago na ba isip mo dahil nakita mo kung gaano aalwan ang buhay mo kapag pinakasalan mo ako?"

Okay, that was below the belt. Tinatapakan na nito ang pagkatao niya. Hindi na siya natutuwa.

"Sa ugali mong 'yan ay hindi talaga malabong iwan ka," she blurted out.

Aurea saw how he was taken aback from what she said. Mas dumilim ang tingin nito sa kanya.

"Kasi masyado kang bilib sa sarili mo," pagpapatuloy pa niya. "Sorry, ha? Pero i-dya-judge muna kita dahil nabubwisit na ako sa 'yo. Oo, mahirap ako. Oo, 200 pesos lang ang laman ng wallet ko ngayon. Pero hindi naman ako ganoon ka-ambisyosa para pangarapin na maikasal sa isang mayaman na lalaki. Hindi ako magpapakababa para lang umalwan ang buhay namin ng mama ko."

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagpakawala ng marahas na buntonghininga. Hinubad niya ang kwintas at hinawakan ang isang kamay ni Tor at pilit na pinahawak dito ang kwintas.

"I'm done. Huwag n'yo na akong idamay sa buhay n'yo. Magulo kayong kausap. Magtitinda na lang akong banana cue. Bye!"

Marahas na binuksan niya ang pinto ng kotse nito. Siyempre tiningnan niya muna kung walang sasakyan o motor bago niya ginawa 'yon at baka makadisgrasya pa siya. Mabilis siyang tumawid sa kabilang kalsada at hindi na lumingon pa.

Maganda na sana ang walk out scene kaso natapilok pa siya.

Kapag talaga ayaw ng mundo na maging masaya ka ay ipapahiya ka talaga nang bongga. Shuta!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro